47. Si Jesus Natagpuan Sina Juan at Santiago.

Pebrero 25, 1944.

¹Nakikita ko si Jesus naglalakad sa berdeng bahagi ng lupa na nagpapanabi sa Jordan. Siya ay bumalik sa lugar kung saan Siya bininyagan. Siya ay malapit sa piyordo na tila kilalang-kilalang madalas gamitin upang makatawid sa kabilang pampang pagawing Perea. Ngunit ang lugar na labis na nagsisiksikan sa mga tao noon, ay ngayon malinis. May ilan-ilang mga manlalakbay lamang, mga naglalakad, o mga nakasakay sa asno o kabayo.

Si Jesus ay tila hindi nagmamalay sa kanila. Siya ay nagpapatuloy sa Kanyang paglalakad, pagawing hilaga, buhós ang sarili sa pag-iisip. Nang marating Niya ang piyordo, nakasalubong Niya ang isang grupo ng mga kalalakihan ng iba't ibang edad, na mga naguusap-usap nang may pakaway-kaway, at pagkatapos sila ay naghiwa-hiwalay, ang ilan nagpatungong timog, ang iba nagpatungong hilaga.

Kasama sa patungong hilaga, nakikita ko sina Juan at Santiago. Si Juan ang unang nakakita kay Jesus, at itinuro niya Siya sa kanyang kapatid at sa kanyang mga kasamahan. Nag-usap-usap sila nang kaunti, at pagkatapos si Juan ay nagsimulang maglakad nang mabilis upang maabutan si Jesus.  Si Santiago ay sinusundan siya, naglalakad nang mas dahan-dahan. Ang iba ay hindi nagpapakita ng interes. Naglalakad sila nang mabagal, habang nagdidiskusyon.

²Nang si Juan ay malapit na kay Jesus, mga dalawa o tatlong metro sa likuran Niya, siya ay sumigaw: «Kordero ng Diyos Na nag-aalis sa mga kasalanan ng mundo!»

Si Jesus ay tumalikod, at tinitingnan siya. Ngayon ay may iilang hakbang na lamang sa pagitan nila. Sila ay nagtitinginan: si Jesus sa pamamagitan ng Kanyang seryosong nanunuring tingin, si Juan sa pamamagitan ng kanyang dalisay na mga mata ngumingiti sa kanyang magandang may kamusmusang mukha, na nakakatulad ng mukha ng isang batang babae. Siya ay mga dalawampung taong gulang, at sa kanyang malarosas na mga pisngi ay naroon lamang ang olandesang balahibong-pusa, katulad ng isang ginintuang belo.

«Sino ang iyong hinahanap?» tanong ni Jesus.

«Kayo, Guro.»

«Papaano mo nalaman na Ako ay isang Guro?»  .

«Si Juan Bautista ay sinabi sa akin.»             

«Bueno kung gayon, bakit tinatawag mo Akong Kordero?»

«Sapagkat napakinggan ko siyang tinawag Kayo nang ganyan isang araw, nang Kayo ay dumaraan, mahigit isang buwan pa lamang ang nakararaan.»

«Ano ang kailangan mo sa Akin?»

«Ibig kong magsalita Kayo sa amin ng mga salita ng eternal na buhay at mapaginhawahan kami.»

«Ngunit sino ka?»

«Ako ay si Juan ni Zebedeo, at ito ay si Santiago, aking kapatid. Kami ay mula sa Galilee, at kami ay mga mangingisda. Ngunit kami ay mga disipulo rin ni Juan. Siya ay nagsalita ng mga salita ng buhay sa amin at kami ay nakinig sa kanya, sapagkat ibig namin na sundan ang Diyos, at marapatin ang Kanyang kapatawaran gumagawa ng pagtitika at kung gayon maihanda ang aming mga puso sa pagdating ng Mesiyas. Kayo ang Mesiyas. Ganyan ang sinabi ni Juan, sapagkat nakita niya ang tanda ng Kalapating bumababa sa Inyo. Sinabi niya sa amin: “Naririto ang Kordero ng Diyos”. Sinasabi ko sa Inyo: Kordero ng Diyos Na nag-aalis sa mga kasalanan ng mundo, bigyan kami ng kapayapaan, sapagkat wala na kami ng sinuman na maggagabay sa amin, at ang aming mga kaluluwa ay balisa.»

³«Nasaan si Juan?»

«Si Herodes ay kinuha siya. Siya ay nasa kulungan, sa Machaerus. Ang pinakamatapat niyang mga disipulo ay sinubukan na mapalaya siya. Ngunit ito ay imposible. Kami ay nanggaling doon. Hayaang makasama kami sa Inyo, Guro. Ipakita Ninyo sa amin kung saan Kayo nakatira.»

«Halikayo. Ngunit nalalaman ba ninyo kung ano ang inyong hinihingi? Ang sumusunod sa Akin ay kailangan na iwanan ang lahat: kanyang tahanan, kanyang mga kamag-anak, kanyang paraan ng pag-iisip, ang kanya ring buhay. Gagawin Ko kayong Aking mga disipulo at Aking mga kaibigan, kung ibig ninyo. Ngunit Ako ay walang kayamanan ni proteksiyon. Ako ay mahirap, at Ako ay magiging mas mahirap pa, hanggang sa Ako ay mawalan ng kahit isang lugar na mapagpapahingahan ng Aking ulo at Ako ay uusigin ng Aking mga kaaway, nang higit pa kaysa sa isang nawawalang tupa na tinutugis ng mga asong-gubat. Ang Aking doktrina ay mas mahigpit pa kaysa ng kay Juan, sapagkat ipinagbabawal din nito kahit ang sama-ng-loob. At ang Aking doktrina ay hindi labis tungkol sa panlabas na mga bagay, katulad na ito ay tungkol sa kaluluwa. Kailangan na kayo ay maipanganak-muli kung ibig ninyong maging Aking mga disipulo. Pumapayag ba kayong gawin iyan?»

«Oo, Guro. Tanging Kayo lamang ang may mga salita na makapagbibigay sa amin ng liwanag. Sila ay bumababa sa amin, at kung saan dati mayroong kadiliman at kapanglawan dahil wala kaming gabay, nagbibigay sila ng liwanag at sinag ng araw.»

«Halikayo, kung gayon. Tayo na. Tuturuan Ko kayo habang tayo'y nasa daan.»

                                                                ------------------------------------

jesus sinab

⁴Sinasabi ni Jesus:

«Ang pulutong na nakasalubong Ko ay malaking pulutong. Ngunit iisa lamang ang nakakilala sa Akin. Siya, na ang kaninong kaluluwa, isip at laman ay dalisay at malaya sa lahat na kahalayan.

Pinipilit Ko ang kahalagahan ng kadalisayan. Ang kabasalan ay laging ang pinanggagalingan ng malilinaw na idea. Ang kabirhinan ay nagpapapino at pagkatapos nagpapanatili sa katalinuhan at emosyonal na katalasan, itinataas ito sa gayong perpeksiyon na tanging ang isang birhen lamang ang makararanas.

⁵Maraming pamamaraan ng pagiging isang birhen. Sa pamimilit, at ito ay lalo nang nangyayari sa mga kababaihan, kung walang sinuman ang nag-alok sa kanilang magpakasal. At ganito rin and dapat mangyari sa mga kalalakihan. Ngunit hindi ito nangyayari. At ito ay masamâ, sapagkat tanging mga ulo ng mga pamilya lamang, na may di-malusog na mga isip at kadalasan may sakit ang mga katawan, ang maaaring maipanganak ng kabataan na narumihan ng kahalayan bago pa man sa kapanahunan nito.

Naririyan ang ginustong pagkabirhen, ibig-sabihin ang pagkabirhen ng mga ikinunsagra ang sarili sa Panginoon nang may init ng kanilang mga kaluluwa. Isang magandang pagkabirhen! Isang sakripisyo na kaaya-aya sa Diyos! Ngunit hindi silang lahat nagpupursige sa kanilang kadalisayan katulad ng mga liryo na tumatayong tuwid sa kanilang mga tangkay, nakatingin sa Langit, hindi nagmamalay tungkol sa putik sa lupa, nakabukas sa mga halik ng araw ng Diyos at sa Kanyang mga hamog.

Marami ang matapat sa materyal na pamamaraan lamang. Ngunit hindi sila matapat sa kanilang mga iniisip, na pinagsisisihan at hinahangad kung ano ang kanilang ipinagsasakripisyo. Sila ay mga birhen lamang nang kalahati. Kung ang kanilang laman ay buo, ang kanilang mga puso ay hindi. Ang kanilang mga puso ay nangangasim, kumukulo, nagpapasingaw ng mga usok ng kahalayan, habang ito ay mas pino at mas sinusumbatan, mas lalo itong lumalabas na imbento lamang ng isang isip na humahaplos, sumusustento at patuloy na nagpapalaki sa mga larawan ng mga kinasisiyahan, ilegal kahit sa mga malaya, mas lalong ilegal para sa mga ikinunsagra sa Diyos.

Pagkatapos mayroon kayo ng pagkukunwari sa panata. Ang hitsura nito ay nariyan, ang esensiya nito ay wala. At sasabihin Ko sa inyo na sa pagitan ng mga pumupunta sa Akin na ang kanilang mga liryo ay winasak ng brutalidad ng isang tirano, at ng mga pumupunta na ang kanilang mga liryo materyal na buo, ngunit natatakpan ng laway ng isang kahalayan na kanilang hinahaplus-haplos at pinangangalagaan upang makapuno sa kanilang mga oras ng pag-iisa, tatawagin Kong “mga birhen” ang nauna, at “di mga birhen” ang huli. Bibigyan Ko ang nauna ng korona ng mga birhen at dobleng korona ng mga martir, dahil sa kanilang laman na sinugatan at ng kanilang mga puso na pinahirapan ng pagkasira na hindi nila ginusto.

⁶Ang kahalagahan ng kadalisayan ay ganyan na, katulad ng nakita mo, ang unang kinasasabikan ni Satanas, ay ang maloko Ako tungkol sa pagiging di-dalisay. Nalalaman niya nang mabuti na ang mga kasalanang kahalayan ay ang sumisira sa kaluluwa at ginagawa itong madaling mabiktima ng iba pang mga kasalanan. Ang mga pagsisikap ni Satanas ay nakapuntirya sa kapital na puntong ito, upang matalo Ako.

Ang tinapay, ang kagutuman, ay ang materyal na mga porma para sa alegoriya ng gana, ng mga gana na sinasamantala ni Satanas para sa kanyang pansariling pakay. Ang pagkain na inaalok niya sa Akin upang bumagsak Akong lasíng  sa kanyang paanan ay ibang-iba! Ang katakawan ay siyang sumunod sana, pagkatapos ang kasakiman sa pera, kapangyarihan, idolatriya, pagwawalang-pakundangan at ang pagtakwil sa dibinong Batas. Ngunit iyon ang unang hakbang upang mahuli Ako. Eksaktong siyang ginawa niya upang masugatan si Adan.

⁷Ang mundo ay nanunuya sa mga dalisay na tao. Ang mga nagkasala ng kahalayan ay hinahampas sila. Si Juan Bautista ay ang biktima ng kahalayan ng malaswang mag-asawa. Ngunit kung may ilang liwanag pa sa mundo, ito ay dahil sa mga dalisay na tao ng mundo. Sila ang mga lingkod ng Diyos, naiintindihan nila ang Diyos at inuulit nila ang mga salita ng Diyos. Sinabi Ko: “Masaya ang dalisay sa puso, makikita nila ang Diyos”. Sa mundo rin na ito: sa dahilan na ang mga usok ng kahalayan ay hindi nakapagpapabalisa sa kanilang mga puso, nakikita nila ang Diyos, napapakinggan nila Siya at pinakikita nila Siya sa ibang mga tao.

⁸Si Juan ni Zebedeo ay isang dalisay na kaluluwa. Siya ay ang Dalisay na Isa sa pagitan ng Aking mga disipulo. Isang kaluluwa na kasing ganda ng isang bulaklak sa loob ng isang anghelikal na katawan! Tinawag niya Ako sa pamamagitan ng mga salita ng kanyang unang guro at hiningi sa Akin na bigyan siya ng kapayapaan. Ngunit siya ay may kapayapaan na sa kanyang puso dahil sa kanyang kadalisayan, at minahal Ko siya dahil sa kanyang kadalisayan, kung kanino Ko ipinagkatiwala ang Aking mga turò, ang Aking mga lihim at ang pinakamamahal na Nilikhang nagkaroon Ako.

Siya ang Aking unang disipulo, na nagmahal sa Akin mula sa pinaka unang sandali pa lamang ng pagkakita niya sa Akin. Ang kanyang kaluluwa ay natunaw kasama ng Akin mula sa araw nang makita niya Akong dumaraan malapit sa Jordan at nakita niya si Juan Bautista na itinuturo Ako. Kahit na kung hindi niya Ako natagpuan pagkatapos, noong bumalik Ako mula sa disyerto, hahanapin niya Ako hangga't makita Ako, sapagkat sinuman ang dalisay, ay mapagpakumbaba at nananabik na maturuan sa siyensiya ng Diyos, at katulad ng tubig na dumadaloy patungo sa dagat, siya ay pumupunta sa mga nalalaman niya na mga guro ng makalangit na doktrina.»

                                                                -------------------------------------

jesus sinab

Sinasabi rin ni Jesus:

⁹«Hindi Ko ginusto na ikaw ay magsalita tungkol sa sensual na panunukso sa iyong Jesus. Kahit na kung ang iyong nasa-loob na tinig ay ginawa kang maintindihan mo ang motibo ni Satanas sa pagkuha ng Aking atensiyon sa kahalayan, mas ginusto Kong Ako mismo ang magsalita ng tungkol dito. Huwag nang isipin pa ang tungkol dito. Kinailangan na banggitin iyon. Magpatuloy ka na. Iwanan ang bulaklak ni Satanas sa mga buhangin nito. Sundan si Jesus katulad ng ginawa ni Juan. Maglalakad ka sa pagitan ng mga tinik, ngunit bilang mga rosas makikita mo ang mga patak ng dugo Niya Na nagpadanak niyan para sa iyo, upang matalo rin ang laman na nasa sa iyo.

¹⁰Uunahan Ko na rin ang isang maaaring punahin. Sa kanyang Ebanghelyo, si Juan binabanggit ang kanyang pagkatagpo sa Akin ay nagsasabi: “At sa sumunod na araw”. Tila lumalabas kung gayon na itinuro Ako ni Juan Bautista sa araw ng pagkatapos ng Aking binyag at na si Juan at si Santiago ay sinundan Ako kaagad. Ngunit iyan ay sumasalungat sa sinabi ng ibang mga Ebanghelista tungkol sa apatnapung araw na itinigil sa disyerto. Bagkus ito ay kailangan na basahin ayon sa sumusunod: “(Si Juan bilang naaresto na), isang araw, pagkatapos, ang dalawang disipulo ni Juan Bautista, ang dalawa kung kanino Ako itinuro nagsasabing: ‘Naririto ang Kordero ng Diyos’, noong makita muli Ako, ay tinawag Ako at sinundan Ako”. Pagkatapos na makabalik Ako mula sa disyerto.

At kami ay bumalik nang magkakasama sa mga dalampasigan ng lawa ng Galilee, kung saan Ako nanilungan upang simulan ang pag-eebanghelyo mula roon, at ang dalawa – pagkatapos na makasama Ko sa buong paglalakbay at pagkatapos ng isang araw sa loob ng mapag-arugang bahay ng isang kaibigan ng Aking mga kamag-anak – ay nagsalita tungkol sa Akin sa iba pang mga mangingisda. Ngunit iyon ay sa pagkukusa ni Juan, na ang kaninong kalooban na makapagtika ay nagawa ang kanyang kaluluwa - napakalinaw na dahil sa kanyang kadalisayan - na maging ang obra-maestra ng kalinawan kung saan ang Katotohanan ay maliwanag na masasalamin, nailalagay din sa kanya ang banal na kapangahasan ng dalisay at mapagbigay na tao, na hindi kailanman natatakot na humarap, saan man niya makita ang Diyos, at ang katotohanan at ang doktrina at ang daan ng Diyos. Gaano Ko siya minahal dahil sa kanyang simpleng kabayanihan na iyon!»

(253) 060710/033013/040313

Sunod na kabanata.