470. Isang Paghusga ni Jesus.

Agosto 12, 1946.

«Hindi ako kailanman masaya na naririto kasama ang lalaking ito na sumama sa atin...» pabulong ni Pedro na kasama ni Jesus sa loob ng isang makapal na lootan.

Maaaring ngayon ay ang hapon ng Sabbath, sapagkat ang araw ay mataas pa, samantalang dapit-hapon na nang sila ay nakarating sa nayon.

«Aalis tayo pagkatapos ng mga panalangin. Ngayon ay Sabbath. Hindi tayo pinahihintulutan na maglakad at ang pagpapahingang ito ay nakagawa sa atin ng mabuti. Hindi na tayo muli titigil hanggang sa susunod na Sabbath.»

«Ngunit hindi pa Kayo nakapagpahinga nang mabuti. Ang lahat na mga may-sakit na iyon!...»

«Napakarami na ngayon ang nagpupuri si Panginoon. Upang hindi na sana kayo maglakad nang napakaraming daan, tumigil sana Ako rito nang mga dalawang araw upang mabigyan ng pagkakataon ang mga taong Aking napagaling na madala ang balita sa ibayo ng mga hangganan, ngunit ayaw ninyong pumayag.»

«Hindi! Ibig ko sanang malayo na tayo. At... huwag magtiwala sa mga tao nang labis, Guro. Kayo ay salita nang salita! Ngunit nalalaman ba Ninyo na ang bawat salita Ninyo ay nagiging lason laban sa Inyo sa ibang mga labì? Bakit nila pinadala siya sa atin?»

«Alam mo kung bakit.»

«Oo, ngunit bakit siya nanatili?»

«Hindi siya ang una na nanatili sa atin pagkatapos na lumapit sa Akin.»

Si Pedro ay iniiling ang kanyang ulo, siya ay hindi kumbinsido. At siya ay pabulung-bulong: «Isang espiya!... Isang espiya!...»

«Huwag manghusga, Simon. Baka pagsisihan mo ang iyong kasalukuyang paghusga isang araw...»

«Hindi ako nanghuhusga, ako ay natatakot. Para sa Inyo. At iyan ay pagmamahal. At ang Kataastaasan ay hindi ako maparurusahan sapagkat minamahal ko Kayo.»

«Hindi Ko sinasabi na pagsisisihan mo ang tungkol diyan, bagkus ang magkaroon ng masamang opinyon tungkol sa isang kapatid ninyo.»

«Siya kapatid ng mga napopoot sa Inyo. Kung kaya't siya ay hindi ko kapatid.»

Mula sa pantaong pananaw ang kanyang lohika ay tama, ngunit si Jesus ay nagwika: «Siya ay isang disipulo ni Gamaliel at si Gamaliel ay hindi laban sa Akin.»

«Ngunit siya ay ni hindi rin sumasama sa Inyo.»

«Siya na hindi laban sa Akin ay kasama Ko, kahit na kung hindi siya lumalabas na ganyan.  Hindi mo maaasahan si Gamaliel, ang pinakadakilang doktor sa kasalukuyan sa Israel, isang balon ng pamparing kaalaman, isang tunay na mina kung saan ang lahat na... esensiya ng pamparing siyensiya, na talikuran ang lahat kaagad-agad upang tanggapin... Ako.

«Ngunit Kayo ay aming tinanggap!»

«Hindi. Nalalaman ba ninyo kung ano ang ibig-sabihin ng tanggapin Ako? Ang ibig-sabihin nito ay hindi lamang ang mahalin Ako at sundan Ako. Iyan ang labis na pinaka merito ng Tao Na Ako at Siyang isang atraksiyon para sa inyo. Ang tanggapin Ako ay ang tanggapin ang Aking doktrina, na nakakapareho ng lumang doktrina sa dibinong Batas, ngunit ganap na ibang-iba sa batas, ibang-iba sa tambak ng pantaong mga batas na naipon sa pagdaan ng mga siglo at mga siglo pa na pumoporma ng isang kodigo at isang pormularyo na wala ng kahit anong mula sa Diyos. Kayo, lahat na abang mga tao sa Israel at pati ang ilan na importanteng napaka makatarungan na mga tao, ay nagrereklamo at pinipintasan ang mapagpormal na mga katusuhan ng mga eskriba at mga Pariseo, ang kanilang intoleransiya at katigasan... ngunit kayo mismo ay hindi malaya nito. Ito ay hindi ninyo kasalanan. Pagdaan ng mga siglo at mga siglo pa, kayong mga Hebreo ay unti-unting nasinghot ninyo... ang mga singaw ng mga tao na siyang nagpatabang sa purong mataas-pa-sa-tao na Batas ng Diyos. Alam ninyo. Kapag ang isang tao ay nananatiling namumuhay nang matagal sa isang pamumuhay na iba sa pamumuhay ng kanyang tinubuan na bayan, sapagkat siya ay nasa isang banyagang bayan at ang kanyang mga anak at ang mga anak ng kanilang mga anak ay naninirahan doon, nangyayari na ang kanyang mga inapu ay nagtatapos sa pagiging katulad ng mga tao ng lugar na kanilang kinaroroonan. Sila ay nagiging labis na nasasanay na nawawala sa kanila pati na ang kanilang pambansang pisikal na hitsura, karagdagan sa moral na mga kaugalian, at sa nakalulungkot, pati na ang relihiyon ng kanilang mga ninuno... Ngunit naririto na ang iba. Tayo na si sinagoga.»

«Kayo ba ay magsasalita?»

«Hindi. Ako ay isang simpleng naniniwala. Ako ay nagsalita na ngayong umaga sa pamamagitan ng mga himala...»

«Maliban na ito ay hindi makasasamâ...» Ai Pedro ay tunay na hindi nasisiyahan at nag-aalala, ngunit sinusundan niya ang Guro Na sumama na sa ibang mga apostol at nasalubong sa daan ang lalaki na mula sa Giscala at ang iba pang mga tao, maaaring mula sa nayon.

Sa loob ng sinagoga ang ministro, dala ng pagbibigay-pitagan kay Jesus, ay hinihingi sa Kanya: «Maaari bang ipaliwanag Ninyo ang Batas, Rabbi?»

Ngunit si Jesus ay tumatanggi at katulad ng isang simpleng naniniwala sinusunod ang lahat na mga seremonya, hinahalikan katulad ng iba ang pergamino na binigay sa Kanya ng katulong (tinatawag ko siyang ganyan sapagkat hindi ko alam kung anong pangalan ang binibigay sa katulong ng ministro ng sinagoga) at pinakikinggan ang kapaliwanagan tungkol sa binasa na pinili ng ministro. Gayunman, bagama't hindi Siya nagsasalita, ang Kanyang hitsura ay isa nang sermon dahil sa pamamaraan ng Kanyang pananalangin... Marami ang tumitingin sa Kanya. Ang disipulo ni Gamaliel ay hindi Siya pinakakawalan ng tingin kahit isang sandali. At ang mga apostol ay binabantayan siya nang mabuti, mga nagsususpetsang katulad nila.

Si Jesus ay ni hindi lumilingon kapag may ilang mga tao na nagsasalita sa mabababang tinig sa pamasukan ng sinagoga naiistorbo ang maraming mga naniniwala. Ngunit ang ritwal ay natapos at ang mga tao ay lumabas pumunta sa liwasan ng sinagoga. Bagama't si Jesus ay mas malapit sa likuran kaysa sa harapan ng sinagoga, Siya ang isa sa mga nahuling lumabas at Siya ay nagpatungo sa bahay upang kunin ang Kanyang sako at makaalis. Marami sa mga mamamayan ang sumusunod sa Kanya at kasama rito ay ang disipulo ni Gamaliel, na sa isang sandali ay tinawag ng tatlong mga lalaki na nakasandal sa isang pader ng isang bahay. Siya ay nagsasalita sa kanila at pagkatapos sumiksik upang makaraan kasama sila patungo kay Jesus.

«Guro, ang mga taong ito ay ibig Kayong makausap» sabi niya kinukuha ang atensiyon ni Jesus Na nakikipagusap kay Pedro at sa Kanyang pinsan na si Judas.

«Mga eskriba! Sinabi ko na sa Inyo!» bulalas ni Pedro nababalisa na.

Si Jesus ay yumuko sa tatlong lalaki na bumati sa Kanya at Siya ay nagtanong: «Anong gusto ninyo?»

Ang pinakamatandang lalaki ay nagsabi: «Dahil hindi Kayo pumunta, kami ang pumunta rito. At upang walang magsabi na nilabag namin ang Sabbath, sinabi namin sa lahat na kinuha namin ang daan sa tatlong magkakaibang pagitan ng oras. Ang una hanggang sa itinagal ng huling liwanag ng paglubog ng araw. Ang ikalawa, tig-aanim na stadia, habang naliliwanagan ng buwan ang mga landas. Ang ikatlo ay katatapos pa lamang ngayon at hindi nalampasan nito ang legal na sukat. Sinasabi namin ito para sa inyong mga kaluluwa at sa amin, ngunit para sa aming mga isip lumalapit kami sa Inyong karunungan. May nalalaman ba Kayo tungkol sa nangyari sa bayan ng Giscala?»

«Ako ay nanggaling sa Capernaum.  Wala Akong nalalaman na kahit ano.»

«Makinig. Ang isang lalaki na napalayo sa kanyang tahanan nang matagal dahil sa negosyo, ay nalaman, nang nakabalik, na noong siya ay wala ang kanyang asawa ay naging di-tapat sa kanya, hanggang sa siya ay nanganak ng isang bata, na hindi maaaring anak ng kanyang asawa, dahil nawala siya nang labing-apat na buwan. Ang lalaki ay pinatay niya ang kanyang asawa nang lihim. Ngunit siya ay isinuplong ng isang lalaki na nasabihan ng katulong na babae at siya ay pinatay, ayon sa batas ng Israel. Ang mangingibig, na ayon sa batas ay kailangan na batuhin hanggang sa mamatay, ay nanilungan sa Kadesh at tiyak na susubukan niyang pumunta sa ibang mga lugar. Ang anak-sa-labas na bata, na gusto rin sanang patayin ng asawa, ay hindi binigay sa kanya ng babae na nagpasuso sa kanya at ang babae ay pumunta sa Kedesh upang makuha ang awa ng totoong ama at kumbinsihin siya na alagaan ang kanyang anak, sapagkat ang asawa ng babae ay ayaw na ampunin ang bata sa kanyang bahay. Ngunit ang tatay ng bata ay tinanggihan ang bata nagsasabing isang hadlang siya sa kanyang pagtatakas. Ano ang Inyong opinyon sa bagay na ito?»

«Hindi sa palagay Ko mahuhusgahan pa ito.  Ang lahat na husga, maging tama man o mali, ay naibigay na.»

«Alin na husga, ayon sa Inyo ang makatarungan at alin ang hindi. May di-pagkakasundo sa pagitan namin tungkol sa kaparusahan sa pumatay.»

Si Jesus ay tinititigan sila, nang isa-isa. Pagkatapos sinabi Niya: «Ako ay magsasalita. Ngunit tugunan muna ninyo ang Aking mga katanungan, maging anuman ang bigat ng kaugnayan nito. At maging sinsiro. Ang lalaki ba na pumatay sa kanyang asawa ay  tagarito sa bayan na ito?»

«Hindi. Nanirahan siya rito noong pinakasalan niya ang babae na tagarito.»

«Ang nambabae ba ay tagarito?»

«Oo, tagarito.»

«Papaano nalaman ng lalaki na ang kanyang asawa ay naging di-tapat sa kanya? May kasalanan ba na alam ng publiko?»

«Wala sa totoo lang, at hindi namin malaman kung papaano nalaman ng lalaki. Ang babae ay nawala nang mga ilang buwan nagsasabi na, dahil ayaw niya ng nag-iisa, pupunta siya sa Ptolemais upang manirahan sa ilang mga kamag-anak, at siya ay bumalik nagsasabing dinala niya ang isang maliit na anak na lalaki ng isang kamag-anak na namatay.»

«Noong siya ay nasa Giscala ang kanyang bang kinikilos ay may kabastusan?»

«Hindi. Sa katunayan kami ay nagulat na malaman na si Marcus ay nagkaroon ng kaugnayan sa kanya.»

«Ang aking kamag-anak ay hindi isang makasalanan. Siya ay inakusahan ngunit siya ay inosente» sabi ng isa sa tatlong mga lalaki na hindi pa nagsalita magpahanggang ngayon.

«Siya ba ay kamag-anak mo? Sino ka?» tanong ni Jesus.

«Ang una sa mga Nakatatanda ng Giscala. Iyan kung bakit gusto ko ang búhay ng pumatay, sapagkat hindi lamang siya pumatay, bagkus pumatay siya ng isang inosente» at kanyang tinitingnan nang may-sama-ng-loob ang ikatlong lalaki, na mga apatnapung taong gulang at tumutugon: «Ang Batas ay nagsasabi na ang pumatay ay kailangan ng patayin.»

«Gusto mo ang buhay ng babae at ng nambabae.»

«Iyan ang Batas.»

«Kung walang naging ibang dahilan, wala sanang nakapagsalita.»

Ang pagtatalo ay nabuhay at ang dalawang nagtatalo ay halos makalimutan si Jesus. Ngunit ang isang unang nagsalita, ang pinakamatanda, ay nagpataw ng katahimikan nagsasabi nang walang-pinapanigan: «Hindi posibleng tanggihan na ang isang pagpatay ay nagawa, ni hindi rin matatanggihan na mayroon pagkakasala. Ang babae ay pinagtapat ito sa kanyang asawa. Ngunit hayaan ang Guro na magsalita.»

«Sasabihin Ko: papaano nalaman ito ng asawang lalaki? Hindi pa ninyo tinutugunan ang Aking tanong.»

Ang lalaking nagtatanggol sa babae ay nagsabi: «Sapagkat may nagsalita nang kaagad nakabalik ang asawang lalaki.»

«Sa gayong kaso sasabihin ko na ang kanyang kaluluwa ay hindi puro» sabi ni Jesus binababa ang kanyang mga talukap-mata upang matakpan ang Kanyang mga mata at hindi ito makapag-akusa. Ngunit ang labing-apat na taong gulang na lalaki na ibig ng kamatayan sa babae at sa nambabae ay bulalas: «Hindi ko siya kinasasabikan.»

«Ah! maliwanag na ngayon! Ikaw ito na nagsalita! Iyan na noon ang aking inaakala, ngunit ngayon ay napagtaksilan mo ang iyong sarili! Mamamatay-tao!»

«At ikaw ay kasabwat ng nambabae. Kung hindi mo sana siya binalaan, hindi sana siya nakatakas sa atin. Ngunit siya ay iyong kamag-anak! Ganyang kung papaano ginagawa ang hustisya sa Israel! Iyan kung bakit mo rin pinagtatanggol ang alaala ng babae: upang maipagsanggalang ang iyong kamag-anak. Kung siya lamang ang nasasangkot, hindi ka sa kanyang mag-aalala.»

«At ano ang tungkol sa iyo, sino ang nagsubo sa lalaki laban sa babae upang makapaghiganti para sa kanyang mga pagtanggi?»

«At papaano ka, ang tanging saksi laban sa lalaki, at nagbayad ka ng isang katulong na babae upang matulungan niya? Ang isang saksi lamang ay hindi balidong saksi. Iyan ang Batas.» Isang teribleng kagulo!

Si Jesus at ang matandang lalaki ay nagsisikap na mapakalma ang dalawang lalaki na nangangatawan sa dalawang magkalaban na interes at takbo, at nagbubunyag ng di-mapagaling na kapootan ng dalawang pamilya. Nagtagumpay sila nang may ilang kahirapan at si Jesus ay ngayon kalmante at masolemneng nagsasalita, pagkatapos na ipagsanggalang ang Kanyang sarili sa mga akusasyon ng isa sa dalawang magkalaban, na nagsabi: «Kayo na nagpoprotekta sa mga puta...»

«Hindi Ko lamang sinasabi na ang nagawa nang pangangalunya ay isang krimen laban sa Diyos at sa kapwa, bagkus sinasabi Ko: siya na nagnanasa nang may-kahalayan para sa asawa ng isang lalaki ay nakagagawa ng pangangalunya sa loob ng kanyang puso at nakagagawa ng kasalanan. Nakakatakot  kung ang bawat lalaki na nagnasa para sa asawa ng isa pang lalaki ay kailangan ng ipapatay! Ang mga tao na tagapagbato ay magiging kailangan na laging may hawak na mga bato sa kanilang mga kamay. Ngunit kung ang kasalanan ay madalas nananatiling di-naparurusahan sa Lupa, ito ay pagbabayaran-kasalanan sa susunod na buhay, sapagkat ang Kataastaasan ay nagsabi: “Hindi ka gagawa ng mangangalunya at hindi mo pagnanasaan ang asawa ng iyong kapwa”, at ang salita ng Diyos ay kailangan na masunod. Ngunit sinasabi Ko rin: “Kapahamakan sa kanya na siyang dahilan ng iskandalo at sa kanya na nagsasalita ng laban sa kanyang kapwa. Sa kasong ito ang lahat ay may pagkakasala. Ang asawang lalaki: talaga bang kinakailangan na iwanan niya ang kanyang asawa nang ganyang katagal? Lagi ba niyang tinatrato ang kanyang asawa sa pamamagitan ng pagmamahal na lumulupig sa puso ng isang kasamahan? Sinuri ba niya ang kanyang sarili kung ang babae ay nasaktan niya bago siya sinaktan ng kanyang asawa? Ang batas ng pagganti ay nagsasabi: “Mata sa mata, ngipin sa ngipin”. Ngunit kung ito ang sinasabi nito upang makakuha ng pagsasatama, ito ba ay kailangan na ibigay ng isa lamang? Hindi Ko pinagsasanggalang ang mga puta. Ngunit sinasabi Ko: “Ilang beses kaya niyang maaakusahan ang kanyang asawang lalaki ng ganyang pagkakasala”»

Ang mga tao ay bumubulong: «Totoo iyan! Totoo iyan!» at ang matanda rin mula sa Giscala at ang disipulo ni Gamaliel ay sumasang-ayon.

Si Jesus ay nagpapatuloy: «... Sinasabi Ko: bakit siya, na nagpasimula ng ganyang trahedya dala ng paghihiganti, hindi natakot sa Diyos? Ginusto ba niyang mangyari ang lahat na ganito sa kanyang pamilya? Sasabihin Ko: ang lalaki ba tumakbo at na pagkatapos na kasiyahan ang sarili at gawin ang kasiraan ngayon ay tinatanggihan din ang inosenteng bata, sa palagay ba niya na sa pagtakbo matatakasan niya ang eternal na Tagapaghiganti? Iyan ang Aking sinasabi. Sasabihin Ko rin: ang Batas ay itinalaga ang pambabato sa mga nangangalunya at ang pagpatay sa mga mamamatay-tao. Ngunit ang araw ay darating kung kailan ang Batas, kinakailangan upang mapigilan ang karahasan at ang kahalayan ng mga tao na hindi napalakas ng Grasya ng Panginoon, ay babaguhin, at kung ang mga utos na: “Hindi ka papatay at hindi gagawa ng pangangalunya” ay mananatili, ang pagbabawal laban sa ganyang mga kasalanan ay isasangguni sa mas mataas na hustisya kaysa sa kapootan at dugo. Isang hustisya, na sa pagkumpara dito, ang nananatiling huwad kailanman na di-nararapat na hustisya ng mga taong hukom, na ang lahat sa mga ito, at baka mas makailang beses pang mga nangangalunya, kung hindi man mga mamamatay-tao pa, ay magiging kulang pa sa wala. Ako ay nagsasalita tungkol sa hustisya ng Diyos Na itatanong din sa kanila ang rason paa sa mahahalay na mithiin na siyang mga dahilan ng paghihiganti, pag-aakusa, pagpatay-sa-tao, at higit sa lahat itatanong sa kanila bakit pinagkaitan nila ang nagkasalang mga tao ng panahon na matubos ang kanilang sarili at kung bakit pinilit nila ang inosenteng mga tao na batahin ang pasanin na kagagawan ng mga pagkakasala ng ibang mga tao. Sila ay nagkakasala sa kasong ito. Ang lahat. Ang mga hukom din na nauudyukan ng magkasalungat na mga rason ng personal na paghihiganti. Isa lamang ang inosente. At ang Aking awa ay nasa kanya. Hindi Ako makakabalik. Ngunit sino sa inyo ang magiging mapagkawanggawa sa sanggol at sa Akin Na naghihirap para sa kanya?» si Jesus ay tinitingnan ang pulutong nang may mga matang nagsasaad ng malungkot na panalangin.

Marami ang nagsabi: «Ano ang gusto Ninyo? Tandaan: siya ay anak-sa-labas.»

«May isang babae sa Capernaum na ang pangalan ay Sarah. Siya ay nanggaling sa Aphek. Siya ay isa sa Aking mga disipulo. Dalhin ang bata sa kanya at sabihin: “Si Jesus ng Nazareth ay pinagkakatiwala Niya ito sa iyo”. Kapag ang Mesiyas, Na inyong hinihintay, ay naitatag na ang Kanyang Kaharian at pinalabas ang Kanyang mga batas, na hindi kinakansela ang Salita ng Sinai bagkus kinukumpleto ng mga ito sa pamamagitan ng karidad, ang mga anak-sa-labas ay hindi na magiging walang-mga-ina, sapagkat Ako ang magiging Ama ng mga walang ama at sasabihin Ko sa Aking mga naniniwala: “Mahalin sila alang-alang sa Akin”. At iba pang mga bagay ay magbabago, sapagkat ang karahasan ay papalitan ng pagmamahal. 

Baka umaasa kayo na tatanggihan Ko ang Batas nang Ako ay inyong tinanong. At iyan kung bakit ninyo Ako hinahanap. Sabihin sa inyong mga sarili at sa mga nagpadala sa inyo na Ako ay naparito upang gawing perpekto ang Batas, hindi upang tanggihan ito. Sabihin sa inyong mga sarili at sa mga nagpadala sa inyo na Siya Na itinuturo ang Kaharian ng Diyos ay tiyak na hindi ituturo kung ano ang sa Kaharian ng Diyos ay magiging katatakutan at dahil diyan hindi maaaring tanggapin doon. Sabihin sa inyong mga sarili at sa mga tao na nagpadala sa inyo na kailangan ninyong alalahanin ang Deuteronomio: “Ang Panginoong inyong Diyos ay magtataas para sa inyo ng isang propeta mula sa inyong bansa, mula sa inyong mga kapatid. Makinig sa kanya. Iyan ang inyong hiningi sa Panginoong inyong Diyos sa Horeb at sinabi ninyo: ‘Huwag na Ninyong muling iparinig sa akin ang tinig ng Panginoong aking Diyos, o gawing tingnan ko ulit ang dakilang apoy na ito at baka ako mamatay’. At ang Diyos ay nagsabi sa akin: “Sila ay nakapagsalita nang mabuti at magtataas Ako ng isang propeta katulad mo mismo at para sa kanila mula sa kanilang sariling mga kapatid at ilalagay Ko ang aking mga salita sa kanyang bunganga at sasabihin niya ang lahat na iuutos Ko sa kanya. At kung may hindi makikinig sa mga salita na kanyang sasabihin sa Ngalan Ko, ipaghihiganti Ko ang Aking sarili sa kanya’ “.

Ang Diyos ay pinadala Niya ang Kanyang Salita sa inyo upang sana Siya ay makapagsalita nang hindi kayo napapatay ng Kanyang tinig. Ang Diyos ay nakapagsalita na nang labis sa tao at ito ay mahigit pa sa kung ano ang nararapat na mapakinggan ng tao mula sa Diyos. Labis ang nasabi na tungkol sa Batas ng Sinai at sa pamamagitan ng mga Propeta. Ngunit labis pa rin ang kailangan na sabihin at ang Diyos ay itinabi ito para sa Kanyang propeta ng panahon ng Grasya, para sa Isang Pinangako sa Kanyang sambayanan, sa Kanya ay naroon ang Salita ng Diyos at sa pamamagitan Niya ang kapatawaran ay mangyayari. Bilang Tagatatag ng Kaharian ng Diyos, sasamahan Niya ang Batas ng mga bagong alituntunin ng pagmamahal, sapagkat ang panahon ng pagmamahal ay dumating na. At hindi Niya  hihingin sa Kataastaasan ang paghihiganti sa mga hindi makikinig, bagkus Kanya lamang ipakikiusap na ang apoy ng Diyos ay sana tunawin nito ang mga pusong bato at ang Salita ng Diyos ay mapasok ang mga ito at matagpuan sa mga ito ang Kaharian na siyang Kaharian ng espiritu, katulad na ang Hari nito ay isang espirituwal na Hari. Sa kanino mang na nagmamahal sa Anak ng tao, ang Anak ng tao ay ibibigay ang Daan, Katotohanan, Búhay na makapunta sa Diyos, upang makilala Siya at ipamuhay ang eternal na Búhay. Ang mga Panggagalingan ng liwanag ay bubuksan sa sinuman na tumatanggap sa Aking salita, upang sana malaman nila ang nakatagong ibig-sabihin ng mga salita ng Batas at sana makita nila na ang mga pagbabawal ay hindi mga pananakot bagkus mga paanyaya ng Diyos, Na ibig na ang mga tao ay maging masaya, hindi mapahamak, mapagpala, hindi maisumpa.

Sa muli ginamit ninyo ang isang katanungan na napagpasyahan na, ngunit hindi ayon sa pagpasya ng kabanalan, bagkus bilang isang mausisang instrumento upang mahuli Akong nagkakasala. Ngunit nalalaman Ko na Ako ay hindi nagkakasala. At hindi Ako natatakot na sabihin Ko ang laman ng Aking isip, na siyang ang: upang may kitain ang pakay ng kanyang buhay, ang pumatay ay nagbayad muna ng kahihiyan at pagkatapos ng kamatayan. Ang babae ay nagbayad para sa kanyang kasalanan sa pamamagitan ng kanyang kamatayan at ito ay magpapagulat sa inyo ngunit ito ay ang katotohanan – ang kanyang pangungumpisal upang makumbinsi ang kanyang asawa na magkaroon ng habag para sa inosenteng bata, ay napaliit sa mga mata ng Diyos ang bigat ng kanyang kasalanan. Ang iba: ikaw at ikaw, at siya na tumakas nang walang habag para sa kanyang sariling anak, ay mas makasalanan kaysa sa unang dalawa. Kayo ba ay bumubulung-bulong? Hindi kayo nagbayad ng inyong mga buhay, ni wala kayo ng nagpapagaan na mga sirkunstansiya ng asawa ng nangalunyang babae o ng babae ng pagiging pinabayaan at ng para sa kanyang pangungumpisal.

Kayong lahat ay nakagawa ng isang kasalanan, lahat kayo maliban sa katulong-na-babae ng inosenteng bata: ang kasalanan ng pagtanggi sa inosenteng bata katulad ng pagiging isang nakakahiyang kasamaan. Nagawa ninyong patayin ang pumatay-ng-tao. Napatay din sana ninyo ang mga nangalunya. Nagawa ninyo at nagawa rin sana ninyo kung ano ang mahigpit na hustisya. Ngunit wala ni isa ang nag-abot o nakapag-abot ng kanyang mga kamay at ng kanyang awa para sa inosenteng bata. Ngunit hindi kayo ganap na may pananagutan. Hindi ninyo nalalaman... hindi ninyo kailanman nalalaman ang eksaktong ginagawa ninyo at kung ano ang kailangan na gawin. At ito ang inyong dahilan. Nang ang disipulong ito ni Gamaliel ay pumunta sa Akin. Sinabi niya: “Halikayo, ibig nila Kayong konsultahin tungkol sa isang pangyayari na ang konsekwensiya nito ay umiiral pa”. Ang konsekwensiya ay ang inosenteng bata. Bueno, ngayon na nalalaman na ninyo ang tungkol sa Aking opinyon, papalitan ba ninyo ang inyong pasya kung kailangan ito ay maaari pang mabago?

Sinabi Ko sa lalaking ito: “Ako ay hindi naghuhusga. Ako ay nagpapatawad”. Si Gamaliel ay nagsabi: “Tanging si Jesus ng Nazareth lamang ang maghuhusga sa kasong ito nang may hustisya”. Ako, katulad ng Aking sinabi sa lalaking ito, ay nagpayo sana sa lahat, sinasabi Ko sa lahat, na huwag humampas hanggang sa ang úsapín ay maingat na naiksamin at ang masisimbuyong damdamin ay humupa. Maraming mga bagay sana ang maaaring nabago nang hindi nalalabag ang Batas. Ang úsapín ay tapos na ngayon. At sana patawarin ang Diyos ang mga nagsisisi o magsisisi. Wala na Akong iba pang kailangan na sabihin. O kung baga, mayroon pang isang bagay: sana patawarin kayong muli ng Diyos sa panunukso sa Anak ng tao.»

«Hindi ako, Guro! Hindi ako! Ako... mahal ko si Gamaliel katulad ng pagmamahal ng isang disipulo sa kanyang guro: mahigit pa sa isang ama. Mahigit pa, sapagkat ang isang rabbi ay ginagawa niyang perpekto ang katalinuhan, na mas mahigit pa kaysa sa katawan. At... hindi ko maiiwanan ang aking rabbi upang sundan Kayo. Bagkus upang batiin Kayo, wala akong makitang iba pang mga salita bagkus ang mga salita ni Judith sa kanyang kantiko. Ito ay tumataas mula sa kaliliman ng aking puso sapagkat nakakita ako ng katarungan at karunungan sa inyong mga salita. “Adonai, Panginoon, Kayo ay dakila at maringal sa Inyong kapangyarihan. Walang makakalupig sa Inyo. Walang makakatagal sa Inyong tinig. Ang mga matatakot sa Inyo ay magiging dakila sa Inyong mga mata sa lahat na bagay!”... Pupunta ako sa Capernaum upang tingnan ang babae na Inyong binanggit... Magdasal para sa akin na sana ang aking bato ay sana matunaw at mapasok ng Salita na nagtatatag ng Kaharian ng Diyos sa loob namin... Ngayon naintindihan ko na. Kami ay nagkamali. At kaming mga disipulo ay mas hindi nagkakasala...»

«Ano ang iyong sinasabi, ikaw na tanga?» pagputol nang marahas ng Nakatatanda ng Giscala kinakausap ang disipulo ni Gamaliel.

«Ano ang aking sinasabi? Sinasabi ko na ang aking guro ay tama. At na siya na nanunukso sa Kanya na magtayo ng temporal na kaharian ay isang dimonyo, sapagkat Siya ay isang totoong Propeta ng Kataastaasan at ang Karunungan ay nagsasalita sa pamamagitan ng Kanyang mga labì. Sabihin Ninyo sa akin, Guro, ano ang kailangan kong gawin?»

«Magnilay.»

«Ngunit...»

«Magnilay. Ikaw ay di pa hinog na bunga.  At kailangan mo rin na maihugpong. Magdadasal Ako para sa iyo.» Pagkatapos sinabi Niya sa mga apostol na sundan Siya at nang kanilang nakuha na ang kanilang mga bag, Siya y umalis kasama sila iniiwan ang lahat na mga komentaryo.

160711

 


Sunod na kabanata