471. Ang Paggaling ng Batang Lalaking Pinanganak na Bulag mula sa Sidon.

Agosto 15, 1944.

Nakikita ko si Jesus na lumalabas mula sa isang sinagoga napalilibutan ng Kanyang mga apostol at ng isang pulutong ng mga tao. napuna ko na ito ay isang sinagoga, sapagkat sa pamamagitan ng maluwang na nakabukas na pinto nakikita ko ang parehong mga muwebles na nakita ko sa sinagoga ng Nazareth, sa isa sa mga bisyon sa paghahanda para sa Paskuwa.

Ang sinagoga ay nasa pinaka pangunahing liwasan ng nayon. Isang hayag na liwasan, napaliligiran lamang ng mga bahay, na may isang lunas sa gitna tinutustusan ng isang pontanya nagbubuhos ng isang magandang malinaw na tubig mula sa isa lang na tilandoy ng isang batong kinurbang katulad ng isang binaluktot na tisa. Ang lunas ay ginagamit upang mapainom ang mga apatan-na-mga-paang hayop at mga kalapati na palipad-lipad sa mga bahay; ang pontanya upang mapunuan ang mga pitsel ng mga babae, magagandang tansong mga amphora, ang ilan sa mga ito ay may disenyo na ipinukpok, ang ilan makinis, lahat nagniningning sa liwanag ng araw. Sapagkat ngayon ay maaraw at mainit. Ang lupa ng liwasan ay tuyo at manilaw-nilaw, katulad ng ito ay natuyo ng malakas na sinag-ng-araw. Ni wala kahit isang puno ng kahoy sa liwasan. Ngunit ang mga sanga ng mga puno ng igos at ang mga usbong ng baging na nakabitin mula sa ibabaw ng maliliit na pader ng mga lootan sa tabi ng apat na kalsada na umaalis mula sa liwasan. Maaaring ngayon ay ang katapusan ng tag-init at katapusan ng isang araw, sapagkat hinog na mga sanga ng banging ay nakabitin mula sa mga balag, at ang sinag ng araw ay hindi tuwiran bagkus pahilis katulad sa paglubog ng araw.

Sa liwasan ay may ilang mga tao na naghihintay para kay Jesus. Ngunit wala akong nakikita kahit anong himala sa pagitan nila. Si Jesus ay dumaraan, yumuyuko Siya sa kanila, nagpapalà at nagpapaginhawa sa kanila, ngunit hindi Niya sila pinagagaling, sa pansamantala man lamang. Mayroon ding mga babae na may mga anak at mga kalalakihan ng lahat ng edad. Sila ay lumalabas na kilala ng Guro, Na bumabati sa kanila tinatawag sila sa kanilang mga pangalan at nagsisiksikan sila sa paligid Niya nang may kasanayan. Si Jesus ay hinahaplos ang mga bata niyuyukuan sila nang mapagmahal.

Sa isang sulok ng liwasan ay may isang babae may kasamang isang maliit na batang lalaki ( lahat sila ay nakadamit nang magkakatulad na may magagaan na kulay ng maliliit na tunika). Siya ay tila hindi nanggagaling sa lugar na ito. Sasabihin ko na siya ay nasa mas mataas na lipunan kaysa sa iba. Ang kanyang damit ay mas maarte, may mga tirintas at mga lupi; ito ay hindi ang lisong damit ng pangkaraniwang mga babae na may isang kordon lamang upang maadornohan at mahigasan ito. Ang babaeng ito, sa halip, ay nakasuot ng maarteng damit, na, bagama't hindi isang obra-maestra, katulad ng mga damit ni Maria ng Magdala, ay napakayumi. Mayroon siyang isang magaan na belo sa kanyang ulo, mas magaan kaysa sa mga belo ng ibang mga babae, na gawa sa maninipis na linen na hilatad, samantalang ang kanya ay halos muslin, napakagaan nito. Ito ay mayuming naka-ipit sa gitna ng kanyang ulo, naipakikita ang kanyang maayos na sinuklay na de-kapeng buhok, na naipirming nakatirintas sa simpleng pamamaraan, ngunit nang mas may-galing ng pagkaka-ayos kaysa ng ibang mga babae, na ang kaninong mga nakatirintas na buhok ay nakabuhol sa batok o pinaikot sa ibabaw ng kanilang mga ulo. Sa kanyang mga balikat siya ay may isang totoong manta, ibig sabihin, isang tela na hindi ko alam kung ito ay itinahi o hinabi sa isang pabilog na hugis, na sa paligid ng leeg may isang tirintas na nagtatapos sa isang platang hibilya. Ang tela ng manta ay bumabagsak sa magandang malapad na mga lupi sa ibaba ng mga bukung-bukong.

Ang babae ay hawak sa kamay ang batang lalaki o babae na aking binanggit kanina. Isang magandang batang lalaki mga pitong taong gulang. Ang bata ay malakas din, ngunit hindi sa pinaka masayahin. Siya ay nakatayong tahimik na tahimik sa tabi ng kanyang ina. Ang kanyang kamay sa mga kamay ng kanyang ina, na ang kanyang ulo nakatungo, na hindi nagkakaroon ng kahit anong interes sa kung ano ang nangyayari.

Ang babae ay pinagmamasdan niya ngunit hindi siya naglalakas loob na lapitan ang grupo na nag-ipun-ipon sa paligid ni Jesus. Siya ay tila di makapagpasya, habang inuudyukan siya ng kanyang mithiin na pumunta, natatakot siya ng paglapit. Nagpasya siya pagkatapos na kunin ang gitnang daanan: upang makuha ang atensiyon ni Jesus. Nakita niya Siya na kinuha Niya ang isang magandang malaking malarosasng ngumingiting sanggol na ibinigay ng isang ina sa Kanya at na Kanyang itinataas at ibinababa dinidiin siya sa Kanyang puso habang nakikipagusap Siya sa isang matandang lalaki. Niyukuan ng babae ang kanyang maliit na batang lalaki at may sinasabi sa kanya.

Ang bata ay itinaas ang kanyang ulo. Ngayon nakita ko na ang isang malungkot na mukha, na may saradong mga mata. Siya ay bulag. «Maawa sa akin, Jesus!» sabi niya. Ang paslit na maliit na tinig ay hiniwa nito ang walang-galaw na ere ng liwasan at nakarating hanggang sa layo ng grupo dala ang hinaing nito.

Si Jesus ay lumingon at nakita siya. Siya ay kumilos kaagad nang may pagmamahal na pag-asikaso. Ni hindi na nga Niya ibinabalik sa ina ang sanggol na nasa Kanyang mga bisig. Matangkad at magandang lalaki katulad Niya, nagpatungo Siya sa bulag na bata, na pagkatapos na umiyak ay itinungo muli ang kanyang ulo, walang magawa ang pag-udyok ng kanyang ina na siya ay umiyak muli.

Si Jesus ngayon ay nasa harapan na ng babae. Tinitingnan Niya siya. Tinitingnan niya Siya; pagkatapos may-hiyang ibinababa niya ang kanyang mga mata. Si Jesus ay tinutulungan siya. Ibinalik Niya ang sanggol na hawak Niya sa babaeng nagbigay sa Kanya nito.

«Babae, ito ba ay iyong anak?»

«Oo, Guro. Siya ay aking panganay.»

Si Jesus ay hinahaplos ang ulo ng bata. Tila hindi napupuna ni Jesus ang pagkabulag ng maliit na bata. Ngunit sa palagay ko ginagawa Niya ito nang sadya upang magawa ang ina na humiling.

«Kung gayon ang Kataastaasan ay pinagpala ang iyong tahanan ng magkaroon ng maraming anak at binigyan ka ng panganay na sagrado sa Panginoon.»

«Mayroon lamang akong isang anak na lalaki: ang isang ito at tatlong mga babae. At hindi na ako magkakaroon pa...» siya ay humihikbi.

«Bakit ka umiiyak, babae?»

«Sapagkat ang aking anak ay bulag, Guro?»

«At gusto mo siyang makakita. Makapaniniwala ka ba?»

«Naniniwala ako, Guro. Ako ay nasabihan na nakapagbukas Kayo ng mga mata na nakasarado. Ngunit ang aking anak ay pinanganak na may tuyong mga mata. Tingnan Ninyo siya, Jesus. Walang laman sa loob ng kanyang mga talukap-mata...»

Si Jesus ay itinataas patungo sa Kanyang sarili ang maliit na mukha napaagang naging seryoso at tinitingnan nang mas malapit ang mga talukap-mata sa pamamagitan ng Kanyang mga hinlalaki.  Sila ay mga walang-laman na espasyo sa ilalim ng mga ito. Nagpatuloy Siya sa pagsasalita hinahawakan ng Kanyang kamay ang maliit na mukhang nakatingala sa Kanya.

«Bakit ka nagpunta rito, kung gayon, babae?»

«Sapagkat... alam ko na mas mahirap ito para sa aking anak... ngunit kung totoo na Kayo ang Hinihintay na Isa, magagawa Ninyo ito. Ang Inyong Ama ay nilikha ang mga mundo... hindi ba Kayo makagagawa ng dalawang mga mata para sa aking anak?»

«Naniniwala ka ba na Ako ay nanggaling sa Ama, ang Kataastaasang Panginoon?»

«Pinaniniwalaan ko iyan at naniniwala ako na magagawa Ninyo ang lahat.»

Si Jesus ay tinitingnan siya na tila ibig Niyang masukat kung gaanong pananampalataya ang nasa kanya at kung gaano kapuro ang kanyang pananampalataya. Siya ay ngumingiti. Pagkatapos sinabi Niya: «Anak, halika sa Akin» at kinuha Niya siya sa kamay patungo sa isang maliit na pader, mga kalahating metro ang taas, na itinayo sa daan malapit sa isang bahay, isang uri ng parapet upang maprotektahan ito sa daan, na may paliko doon lamang.

Nang ang bata ay wala nang galaw sa pader, si Jesus ay naging mahigpit at mapangibabaw. Ang mga pulutong ay sumisiksik sa paligid Niya, sa bata at sa nananabik na ina. Nakikita si Jesus mula sa isang tabi, isang hugis. Siya ay ganap na nakabalot sa Kanyang napakadilim na asul na manta, na Kanyang sinusuot sa ibabaw ng isang tunika na mas magaan nang kaunti ang kulay. Ang Kanyang mukha ay nasisiyahan. Siya ay nagmumukhang mas mataas at mas matatag pa, na pangkaraniwan kapag ang kapangyarihan ng himala ay lumalabas sa Kanya. ngunit sa oras s na ito Siya ay mas mapangibabaw. Inilalapat Niyang bukas ang Kanyang mga kamay sa ulo ng bata, at inilalagay ang Kanyang mga hinlalaki sa walang-lamang na mga butas ng mata. Itinataas Niya ang Kanyang ulo nagdarasal nang taimtim, ngunit nang hindi ginagalaw ang Kanyang mga labì: siya ay tiyak na nakikipagusap sa Kanyang Ama. Pagkatapos sinabi Niya: «Makakita! Gusto Ko ito! At pagpalain ang Panginoon!» at sa babae: «Gawing magantimpalaan ang iyong pananampalataya. Naririto ang iyong anak na magiging iyong karangalan at kapayapaan. Ipakita mo siya sa iyong asawa. Mamahalin ka niya ulit at ang iyong bahay ay pagpapalain ng mas matagal pang masasayang araw.»

Ang babae, na napatili sa pagsigaw sa tuwa nang, ang dibinong mga hinlalaki ay inalis, mula sa mga butas ng mata dalawang maitim na asul na mga mata, katulad ng sa Guro, ang tumingin sa kanya puno ng pagtataka at kaligayahan, sa ilalim ng dulo ng maitim na buhok, ay sumigaw muli, at bagama't idinidikit pa niya ang kanyang anak sa kanyang puso, lumuhod siya sa paanan ni Jesus nagsasabing: «Nalalaman din ba Ninyo pati ang tungkol diyan? Ah! Kayo nga ay totoong ang Anak ng Diyos.» At kanyang hinahalikan ang Kanyang manta at ang mga sandalyas at pagkatapos tumayo nang walang-galaw nang may lugod at nagsabi: «Makinig, ang lahat. Ako ay nanggaling mula sa malayong lupain ng Sidon. Ako ay naparito sapagkat isang ina ang nagsalita sa akin tungkol sa Rabbi ng Nazareth. Ang aking asawa, isang Hudyo mangangalakal, ay may mga tindahan sa bayan na iyon upang makipagkalakalan sa Roma. Siya ay mayaman at tapat sa Batas, ngunit hindi na niya ako muli minamahal mula nang ako, matapos na mabigyan siya ng isang di-masayang batang lalaki, ay manganak ng tatlong babae at pagkatapos ako ay naging baog. Siya ay umalis sa bahay, at bagama't ako ay hindi niya hiniwalayan, ako ay nabubuhay sa gayon ding sitwasyon na tila ako ay hiniwalayan, at nalalaman ko na na ibig niya akong mawala upang magkaroon sa ibang babae ng tagapagmana na may kakayahan na ipagpatuloy ang kanyang negosyo at kalugdan ang kanyang kayamanan. Bago ako pumunta rito pinuntahan ko ang aking asawa nagsasabi sa kanya: “Sandali, ginoo, maghintay hanggang ako makabalik. Kung ako ay makabalik na ang aking anak ay bulag pa rin, maaari mo akong hiwalayan, Kung hindi huwag biyakin ang aking puso at huwag pagkaitan ang iyong anak ng isang ama”. At siya ay nanumpa sa akin: “Sa kaluwalhatian ng Panginoon, babae, sinusumpa ko sa iyo na kung ibabalik mo ang aking anak na lalaki na magaling na – hindi ko alam kung papaano mo iyan gagawin dahil ang iyong sinapupunan ay hindi mo nagawa na mabigyan siya ng mga mata – babalik ako sa iyo katulad ng mga araw ng ating unang pagmamahalan”. Ang Guro ay hindi nalalaman kung ano ang aking kapighatian bilang isang asawa, subalit ako ay Kanya rin pinaginhawahan hinggil diyan. Kaluwalhatian sa Diyos at sa Inyo, Guro at Hari.» Ang babae ay nasa kanyang mga tuhod na muli at umiiyak para sa lugod.

«Humayo. Sabihin kay Daniel, ang iyong asawa, na Siya Na naglikha sa mga mundo, ay binigyan ng dalawang maningning na mga bituin bilang mga mata ang isang maliit na anak na sagrado sa Panginoon, Sapagkat ang Diyos ay tapat sa Kanyang mga pangako at nanumpa na siya na naniniwala sa Kanya ay makakakita ng lahat ng uri ng mga kababalaghan. Gawin siya ngayon na maging tapat sa kanyang sinumpaan at gawin siyang huwag makagawa ng kasalanan ng pangangalunya. Sabihin iyan kay Daniel. Humayo, Maging masaya. Pinagpapala kita at ang batang ito at pagpapalain mo ang lahat na mahal sa iyo.»

Ang pulutong ay mayroon ng koro ng mga papuri at mga pagbati at si Jesus ay pumunta sa kalapit na bahay upang magpahinga.

Ang bisyon ay nagtatapos nang gayon. At matitiyak ko sa inyo na ako ay lubos na naantig.

--------------------

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus:

«Ang Diyos ay lagi Niyang hinihigitan ang mga hiling ng Kanyang mga anak, kung sila ay may pananampalataya sa Kanya, at binibigyan sila ng kahit sobra pa. Paniwalaan ito at gawin ang lahat na paniwalaan ito. Sa babae na pumunta sa akin mula sa Sidon na may dalawang espada na tumutusok sa mga lihim ng kanyang puso at naglakas-loob na sabihin sa Akin ang isa lamang sa mga ito, nagbigay din Ako ng isa pang himala, sapagkat mas masakit na magbulgar ng isang lihim ng mga kamalasan kaysa ang sabihin: “Hindi ako mabuti”.

Sa mga mata ng mundo baka tila at tila pa mas madali ang gumawa ng pagkakasunduan sa pagitan ng mag-asawa na naihiwalay ng isang rason na sapat na napangibabawan, kaysa magbigay ng dalawang mata sa isa isang pinanganak na wala ng mga ito. Ngunit hindi ito ganito. Napakasimple para sa Panginoon at sa Tagapaglikha na gumawa ng dalawang mata, na kasing simpleng katulad lamang ng pagbigay muli ng hinihinga ng buhay sa isang labí. Ang Maestro ng Buhay at ng Kamatayan,  ang Maestro ng lahat Na naririyan sa Sangnilikha ay tiyak na hindi nagkukulang ng hininga ng buhay na maiilagay sa mga patay na mga katawan o ng dalawang patak ng karangalan para sa isang tuyong mata. Kung gugustuhin Niya, magagawa Niya. Sapagkat ito ay nakasalalay nang ganap sa Kanyang kapangyarihan . Ngunit kapag ito ay isang bagay ng pagkakasunduan sa pagitan ng dalawang tao, ang “kalooban” ng mga tao ay kinakailangan kasabay ng mithiin ng Diyos. Bihira lamang na ang Diyos ay gumawa ng karahasan sa kalayaan ng tao. Bilang isang panuntunan ginagawa Niya kayong kumilos ayon sa ibig ninyo.

Ang babaeng iyon, na naninirahan sa isang bansa ng mga idolatra at, katulad ng kanyang asawa ay nanatiling tapat sa Diyos ng kanyang mga ama, ay karapat-dapat nang mapagbigyan ng Diyos. at naging karapat-dapat siya sa dobleng himala, sapagkat dinala niya ang kanyang pananampalataya nang higit pa sa makakayanan ng isang tao at pinangibabawan ang mga pagdududa at ang mga pagtanggi ng karamihang mga Hudyo na naniniwala, na napatunayan ng kung ano ang kanyang sinabi sa kanyang asawa: “Maghintay hanggang sa ako ay makabalik”, dahil natitiyak niya na siya ay babalik kasama ang kanyang anak na magaling na. Naging karapat-dapat din siya ng mahirap na himala na mabuksan ang ma mata ng espiritu ng kanyang asawa, dahil ang mga matang iyon ay naging bulag sa pagmamahal at sa kanyang paghihirap ng damdamin, dahil pinagbibintangan siya ng mga pangyayari, na hindi isang kasalanan.

Gusto Ko rin ang mga asawang babae lalo na, na pagnilayan ang magalang na kababaang-loob ng kanilang kapatid na babae.

“Pinuntahan ko ang aking asawa at sinabi ko sa kanya: ‘Maghintay, ginoo’ “ Siya ay nasa tama sapagkat ang pagbintangan ang isang ina para sa diperensiya ng panganganak ay katangahan at kalupitan. Ang kanyang puso ay napunit na ng tanawin ng kanyang di-masayang anal. Siya ay dobleng nasa tama sapagkat siya ay pinabayaan ng kanyang asawa mula nang siya ay naging baog, at nalalaman niya ang kanyang intensiyon na hiwalayan siya, gayunman nanatili siyang kanyang “asawa”: ibig sabihin, ang matapat na kasa-kasama, nagpapailalim sa kanyang kasama, ayon sa pinanuto ng Diyos at itinuro sa mga Iskriptura. Hindi siya nagtanim ng mga kaisipan ng pagrerebelde o pagkauhaw sa pagrerebelde o intensiyon na makatagpo ng isa pang lalaki upang hindi maging ang “malungkot na babae”. “Kung ako ay hindi makabalik na ang aking anak magaling na, mahihiwalayan mo ako. Kung hindi huwag biyakin ang aking puso at huwag pagkaitan ang iyong mga anak ng isang ama”. Hindi mo ba tila naririnig si Sarah at ang mga sinaunang mga Hebreong mga babae na nagsasalita nang ganyan?

Gaano kaiba, o mga asawang babae, ang inyong mga pananalita ngayon! At gaano rin kaiba ang inyong nakukuha mula sa Diyos at mula sa inyong mga asawa. At ang mga pamilya ay mas lalu’t lalo pang nasisira.

Katulad ng pangkaraniwan, sa paggawa ng himala, kinailangan Ko itong bigyan ng isang tanda upang magawa ito na mas tumatalab. Kinailangan Kong kumbinsihin ang isang mundo na nakabalot sa mga hadlang ng isang napakaluma nang pag-iisip, pinamumunuan ng isang sekta na palaban sa Akin. Kung gayon ang pangangailangan na magawa ang Aking sobrenatural na kapangyarihan na magningning nang mas maliwanag. Ngunit ang itinuturo ng bisyon ay wala diyan. Ito ay naroroon sa pananampalataya,  sa kababaang-loob, sa katapatan sa asawa ng may-asawa, sa tamang daan na kinuha, o mga asawang babae at mga ina, na mga nakatagpo ng mga tinik kung saan umaasa na makatagpo ng mga rosas, ang makakita ng bagong mabulaklak na mga sanga na tumutubo sa mga tinik na tumutusok sa inyo.

Dumulog sa inyong Panginoong Diyos Na siyang naglikha ng kasal upang ang lalaki at babae ay sana hindi nag-iisa at sana magmahalan sa isa’t isa, pinoporma ang isa lang na walang-paghihiwalayan na katawan, sa dahilan na sila ay pinagdugtong, at Na siyang nagbigay sa inyo ng Sakramento upang ang Kanyang pagpapalà ay sana bumaba sa inyong kasal, at sa pamamagitan ng Aking mga merito magkaroon sana kayo ng inyong kakailanganin sa inyong bagong buhay ng mag-asawa at mga kapwa-tagapaglikha. At upang makadulog sa Kanya nang may nagtitiwalang mga mukha at mga kaluluwa, maging makatotohanan, mabuti, magalang, tapat, tunay na mga kasa-kasama sa inyong mga asawang lalaki, hindi lamang mga panauhin sa kanilang mga bahay, o mas malala pa, mga estranghero na napagsama ng pagkakataon sa ilalim ng isang bubungan, katulad ng dalawang nagkita ng nagkataon sa isang otel ng mga manlalakbay.

Iyan ay madalas na nangyayari sa mga araw ngayon. Ang tao ba ay nagkakamali? Siya ay mali. Ngunit hindi iyan nangangatwiran sa asal ng napakaraming mga asawang babae. At mas hindi kayo napangangatwiranan kung hindi kayo nagbibigay ng mabuti para sa mabuti at pagmamahal para sa pagmamahal sa isang mabait na kasa-kasama. At hindi Ko na babanggitin ang napakaraming kaso ng inyong pagtataksil na nagagawa kayong katulad ng mga puta kasama ang nagpapalalang mga sirkunstansiya na kayo ay mapagkunwaring mabisyo, at pinarurumi ninyo ang altar ng pamilya sa paligid nito kung saan ay naroroon ang mga anghelikal na mga kaluluwa ng inyong mga inosenteng mga anak. Ngunit pinaaalalahanan Ko kayo sa moral na kawalang-katapatan sa kasunduan ng pagmamahal na ginawa ninyo sa harapan ng Aking altar.

Bueno: sinabi Ko: “Siya na tumitingin sa isang babae nang may mahalay na mithiin ay nakagagawa ng pangangalunya sa loob ng kanyang puso”; sinabi Ko: “Siya na nagpapalayas sa kanyang asawang babae sa pamamagitan ng isang kasulatan ng diborsiyo, ay inilalantad siya sa pangangalunya”.  Ngunit ngayon na napakarami na ang mga asawang babae na mga estranghero sa kanilang mga asawa, sinasabi Ko: “Ang mga hindi nagmamahal sa kanilang mga kasa-kasama sa pamamagitan ng kanilang mga kaluluwa, mga isip at mga katawan, ay inuudyukan sila sa pangangalunya, at kung tatanungin Ko ang mga asawang lalaki bakit sila gumawa ng pangangalunya, tatanungin Ko rin ang mga asawang babaw ng ganyang ding tanong, sapagkat bagama't hindi nila ito isinasagawa, pinangyari nila ito”. Kinakailangan na maintindihan ang Batas ng Diyos sa buong abot at kalaliman nito at kinakailangan na isabuhay ito sa ganap ng pagkakatotohanan nito.

Manatiling kasama ang Aking kapayapaan, ang sa itaas ay hindi para sa iyo, at panatilihin ang iyong puso na nakatalaga sa Akin.»

170711

 

 


Sunod na kabanata