472. Ang Bisyon na nawawala sa Isang Katalikan sa Pagmamahal.

 

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus:

«Ilalagay mo rito ang bisyon ng ika 15 ng Agosto 1944: Si Jesus pinagagaling ang batang lalaking pinanganak na bulag mula sa Sidon.»

--------------------

Agosto 15 1946.

Katulad ng madalas nilang gawin habang naglalakad, baka upang mapagaanan ang pagkasawa sa kanilang walang-tigil na paglalakbay, ang mga apostol ay nag-uusap-usap nilalagum at nagbibigay ng mga kuru-kuro tungkol sa mga huling pangyayari, tinatanong paminsan-minsan ang Guro, Na sa pangkalahatan ay napakaliit kung magsalita, para lamang hindi maging lumabas na di mabait, ginagawa lamang ang pagsisikap na ito kapag ito ay tungkol sa kaso ng pagtuturo sa mga pulutong o sa Kanyang mga apostol, o sa pagsasatama ng maling mga idea, o sa pagpapaginhawa sa di-masasayang mga tao.

Si Jesus noon ay ang «Salita», ngunit Siya ay tiyak na hindi isang «madaldal»! Kasing tiyaga at bait na walang katulad, hindi Siya kailanman lumabas na nagsasawa kung kinailangan Niyang ulitin ang isang kaisipan nang minsan, dalawang beses, sampung beses, sandaan beses upang ito ay makapasok sa ulo na pinatigas ng pam-Pariseo at pam-rabbi na mga alituntunin, kinakalimutan ang Kanyang sariling pagkapagod, kung minsan lubos na nakakapagod na ito ay maging masakit, upang mapagaanan ang moral o pisikal na paghihirap ng isang tao. Ngunit maliwanag na mas gusto Niyang maging tahimik, nananatiling walang-pakialam sa loob ng tahimik na pagninilay-nilay na maaaring tumagal nang maraming oras., kung Siya ay hindi ginagambala ng sinuman na magtatanong sa Kanya.  Siya sa pangkalahatan ay naglalakad nang nauuna sa Kanyang mga apostol, na ang Kanyang ulo medyo nakatungo, itinataas paminsan-minsan upang tingnan ang kalangitan, ang kabukiran, ang mga tao, ang mga hayop. Sinabi ko upang tumingin. Ngunit iyan ay mali. Kailangan kong sabihin: upang magmahal, sapagkat iyon ay isang ngiti, ngiti ng Diyos na mula sa Kanyang mga mata bumubuhos upang haplusin ang mundo at ang mga nilikha: isang pagmamahal-na-ngiti. Sapagkat pagmamahal ang sumisinag papalabas, kumakalat, nagpapalà at pinadadalisay nito ang liwanag ng Kanyang mga mata, na napakaningning, pinakamaningning, kapag Siya ay lumalabas mula sa matinding konsentrasyon,

Ano an katulad ng Kanyang mga konsentrasyon? Sa palagay ko – at nakakatiyak ako na ako ay hindi nagkakamali, sapagkat sapat nang pagmasdan ang Kanyang hitsura upang makita kung ano ang mga ito – sa palagay ko ang mga ito ay mas mahigit pa kaysa sa ating mga katalikan sa pagmamahal kung saan ang isang taong nilikha ay naninirahan na sa Langit. Ang mga ito ay ang «mararamdaman na pakikiisa ng Diyos sa Diyos». Ang Pagka-Diyos ay laging naroroon at kaisa sa Kristo, Na Diyos katulad ng Ama. Sa Lupa katulad sa Langit ang Ama ay nasa Anak at ang Anak ay nasa Ama. Nagmamahal sila at sa pagmamahalan sa isa’t isa napalilitaw nila ang Ikatlong Persona. Ang kapangyarihan ng Ama ay ang pagpapalitaw sa Anak at ang pagkilos ng pagpapalitaw at ng pinalilitaw ay nakalilikha ng Apoy, ibig sabihin, ang Espiritu ng Espiritu ng Diyos. Ang Kapangyarihan ay dumudulog sa Karunungan Na pinalitaw Nito at Dumudulog sa Kapangyarihan sa lugod ng pagiging Isa para sa Isa at para sa pagkakakilala sa isa’t isa kung para sa ano Sila. At sa dahilan na ang lahat ng mabubuting nagsusuklian na kaalaman ay naglilikha ng pagmamahal – kahit na ang ating di-perpektong kaalaman ay nakagagawa ng ganito – iyan lamang ay bagkus ang Banal na Espiritu... Naririyan ang Isa Na kung posible na makapagdagdag ng perpeksiyon sa dibinong perpeksiyon, ito ay kailangan na tawagin na Perpeksiyon ng Perpeksiyon. Ang Banal na Espiritu! Ang simpleng kaisipan tungkol sa Kanya ay napupuno ang isa ng liwanag, lugod, kapayapaan...

Sa mga katalikan sa pagmamahal ng Kristo, nang ang di-maiintindihan na misteryo ng Pagiging Isa at Trinidad ng Diyos ay nanariwa sa Pinaka Sagradong Puso ni Jesus, anong kumpleto, ningning, nakapagpapabanal, malugod, mapayapang produksiyon ng pagmamahal ang maaaring napangyari at maaaring kumalat katulad ng init mula sa isang lumalagablab na pugon, katulad ng insenso mula sa umaapoy na insensaryo, upang mahalikan ng halik ng Diyos ang mga bagay na nilikha ng Ama,  ginawa sa pamamagitan ng Anak-Salita,  ginawa para sa Pagmamahal, para sa tanging Pagmamahal, sapagkat ang lahat bang operasyon ng Diyos ay Pagmamahal? At iyan ang tingin ng Tao-Diyos kung kailan bilang Tao at bilang Diyos tinataas Niya ang Kanyang mga mata, na pinagnilayan sa Sarili ang Ama, ang Kanyang Sarili at ang Pagmamahal, upang tingnan ang Sansinukuban, hinahangaan ang naglilikhang kapangyarihan ng Diyos, bilang Tao; nagbubunyi, bilang Diyos, sa pagiging maililigtas ito sa makaharing mga nilikha ng gayong sangnilikha: ang mga tao.

O! walang makagagawa, walang kailanman na makagagawa, ni ang makata, o ang artistiko, o pintor, upang maipakita sa mga pulutong ang tingin na iyon ni Jesus, kapag Siya ay lumalabas mula sa sakap, mula sa mararamdaman na pakikiisa sa Dibinidad, laging kaisa sa Tao sa pamamagitan ng Pagkakatawang-Tao, ngunit hindi laging malalim na mararamdaman ng Tao, Na siyang ang Tagapagtubos at Na sa ganito, sa Kanyang maraming kapighatian, sa Kanyang maraming pagkakaputol ay kinailangan na idagdag ang isang ito, ang napakalalim na kapighatian, ng hindi na pagiging laging mapapasa-Ama, sa dakilang mga ipu-ipo ng Pagmamahal, katulad nang Siya ay nasa Langit: makapangyarihan, malaya... malugod. Ang ganda ng kapangyarihan ng Kanyang tingin hinggil sa mga himala, napakabait ng ekspresyon ng Kanyang mga mata, napakalungkot ang liwanag ng kapighatian sa mga oras ng kapighatian... Ngunit sila ay pantao pa rin, bagama't perpekto sa ekspresyon. Ang tingin na ito ng Diyos, na nakapagnilay at minahal ang Sarili Mismo sa sang-tatlo na Pagkakaisa ay hindi maikukumpara, bilang naging isang «wala lamang» sa kaalaman ng Diyos, ngunit pinagpala sa pagninilay  sa Kanyang walang-hangganang pagmamahal.

Ang dagsa ng galak ay umaagos sa aking kaluluwa... Ako ay pinagpala! Ang lahat na kapighatian, ang bawat alaala ay nagiging walang-laman sa ilalim ng mga alon ng pagmamahal ng Jesus Diyos... at ang mga alon na ito ay itinataas ako sa Langit, sa Langit, sa Inyo!...

Maraming salamat, aking adorableng Pagmamahal!... Maraming salamat!... Ngayon pinaglilingkuran pa rin Kita... Ang nilikha ay naging isang babae muli, siya ay muling ang bunganga pagkatapos na maging isang «serapin» kaagad. Siya ay sa muli isang babae, isang martir, baka isa pang pasakit ang nasa akin nang likuran... Ngunit ang liwanag na binibigay Ninyo sa akin ay nagniningning sa aking espiritu, ang kaaya-ayang liwanag ng pagninilay sa Inyo; ni pagkain o mga luha o malulupit na pagpapahirap ang makaaalis nito. Salamat sa Inyo, aking Pinagpalang Isa! Kayo lamang ang nagmamahal sa akin!

Naiintindihan ko na si Pablo katulad ng hindi pa kailanman! «Sino ang makapaghihiwalay sa atin mula sa pagmamahal ng Kristo?... Tayo ay nagtatagumpay sa mga pagsubok na ito sa pamamagitan ng kapangyarihan Niya Na nagmahal sa atin... Natitiyak ko na ni kamatayan o buháy, walang anghel, walang prinsipe, walang birtud, wala sa mga naririyan, wala sa mga darating pa, wala kahit anong kapangyarihan, o taas o lalim, o kahit anong nilikhang bagay, ang maaaring makapamagitan sa atin at sa pagmamahal ng Diyos na nasa kay Jesukristong ating Panginoon».

Totoo ngang, naiintindihan ko na ngayon ang mga salita ni Azariah, noong nakaraang taglamig: «Si Jesus ay ang buod ng pagmamahal ng Tatlo». Totoo nga! Ang lahat na Pagmamahal ay nasa Kanya. Tayong mga tao ay matatagpuan ang pagmamahal na ito ng Diyos nang hindi na naghihintay na makabalik sa Diyos, nang hindi na hinihintay ang Langit, sa pamamagitan ng pagmamahal kay Jesus. Oo! Mga Bukal ng buháy na tubig, pinagmumulan ng liwanag, pinagmumulan ng pagmamahal bukas sa mga naniniwala, sapagkat ang mga naniniwala ay pumupunta kay Jesus, sapagkat ang mga naniniwala, ay naniniwala na si Jesus ay nasa Eukaristiya kasama ang Kanyang Katawan, Dugo, Kaluluwa, Dibinidad, katulad nang Siya ay nasa Lupa, katulad nang Siya ay nasa Langit, kasama ang Kanyang Puso, kasama ang Kanyang puso! at sa loob ng puso ni Jesus ay naririyan ang pagmamahal ng Diyos. At kapag tinatanggap ng isang tao ang Kabanalbanalang Katawan ni Jesus, tinatanggap niya mismo ang Puso ni Jesus. Kung gayon nasa kanya hindi lamang si Jesus, bagkus nasa kanya ang Pagmamahal ng Diyos, ibig sabihin, nasa kanya ang Diyos Ama, ang Anak, ang Banal na Espiritu, sapagkat ang Pagmamahal ng Diyos ay ang Kabanalbanalang Trinidad na iisang bagay lamang: Pagmamahal. Ang Pagmamahal na nahahati sa tatlong mga apoy upang magawa tayong teribleng masaya. Masaya na magkaroon ng isang Ama, isang Kapatid, isang Kaibigan. Masaya na magkaroon ng maglalaan, magtuturo, magmamahal. Masaya na magkaroon ng Diyos!

O! Hindi ko na ito matagalan!... Panginoon, ang Inyong regalo ay napakalaki! Sino ang nakakuha nito para sa akin mula sa Langit? Kayo ba ito, Kabanalbanalang Ina, pinagninilayan sa Inyong karingalan ng Reyna ng Langit, kung saan Kayo tinanggap na isang katawan? Ikaw ba ito, mangingibig ng Kristo, mabait na Juan ng Bethsaida, aking kaibigan? Kayo ba ito, magiliw na Patriyarka na protektor ng mga inuusig, maasikasong tagatustos ng konsolasyon, kabunyi-bunying Jose? Ikaw ba ito, aking dakilang maliit na kapatid na babae, Therese ng Batang Jesus, na nakakuha para sa akin ng aking matagal nang hinihingi sa loob ng dalawampung taon: na ang mga alon ng pagmamahal ay sana umapaw patungo sa aking kaluluwa? O! kung ikaw ito, kumpletuhin ang gawain. Kunin para sa akin ang mamatay sa isa sa mga pagtatangkang ito ng pagmamahal. Ako ay isang maliit na kaluluwa din, at ayaw ko ng kalabisan na mga bagay. Bagkus ang mamatay pagkatapos ng sa isa sa mga pagtatangkang iyan ng pagmamahal, kapag ako ay naging muli ang isang «maliit, napakaliit na kaluluwa» ginagawa pang mas maliit sa pamamagitan ng kaalaman ng kung ano ang walang-hangganan na Pagmamahal, pagkatapos ng isa sa mga pagtatangkang ito,  sapagkat pagkatapos, ito ay tila katulad na ang isa ay kabibinyag pa lamang ng pagmamahal at walang mga anino o mga batik ang naiwan sa atin. Ang pagmamahal ay nanununog... O ikaw ba ito, Azariah, aking mabuting kaibigan, na siyang kumuha sa oras na ito ng kabanalan para sa akin, dahil sa lahat na mga luha na iyong nakolekta mula sa aking mga mata at dinala mo sa  Langit? Kung ikaw ito, pagpalain ka nawa para diyan!

Ngunit hindi ko hinihiling sa inyo, Therese, Jose, Juan at Banal na Birhen na magkaroon akong muli ng katalikan sa pagmamahal na ito, upang mapuno ako ng lugod at apoy. Ngunit hinihiling ko at pinakikiusap ko sa inyo na magkaroon ang ibang mga tao nito, lalong lalo na ang mga kilala sa inyo, ang mga pusong iyon na nagpapahirap ng sa akin at nagpapalungkot ang Diyos, Na hindi nila maramdaman at masunod. Kung ang mga pusong ito ay magkakaroon lamang ng kahit isang sandali ng mga pagtatangkang iyon ng pagmamahal, sila ay makukumberti sa Pagmamahal, sa totoong Pagmamahal. Sila ay magmamahal.  Sa pamamagitan ng kanilang buong mga sarili. Higit sa lahat sa pamamagitan ng kanilang mga katalinuhan na tatanggi sa mga hadlang ng mga pangangatwiran lamang, sa pantaong siyensiya, na tumatanggi at nagpapabigat sa simpleng mabuting pananampalataya at naglalagay ng mga limitasyon sa kapangyarihan ng Diyos. At kasama ang kanilang mga puso kung saan ang mga pang-ibabaw ng pagkamakasarili, ng inggit, ng kapootan ay matutunaw katulad ng waks malapit sa isang apoy...

Gawin iyan, aking mga pinakamamahal. Tinatanggap ko na hindi ko na muli ilalagay ang aking mga labì sa nagpapasariwa na kalis ng pagmamahal, tinatanggap ko na inumin magpakailanpaman, hanggang sa aking pagbalik sa Diyos, ang mapait na kalis ng lahat na mga pagrerenunsiya, ngunit gawin silang makabalik sa tamang landas, gawin silang mapabanal sa lahat ng kanilang mga aksiyon upang marapatin ang makita ang Jesus-Diyos, katulad na ako ay pinagkalooban na kalugdan ito ngayon. Upang marapatin ito dito, upang taglayin ito magpakailanman sa Langit, katulad na ako, umaasa sa aking Panginoon, ay nagtitiwala na taglayin din ito...

--------------------

Gayon ding araw noong alas dose.

Binasa ko itong muli. Iniisip ko ang mga teologo na magbabasa sa mga pahinang ito. Baka makakita sila ng pagkakamali sa aking pagsasalarawan ng mga katalikan sa pagmamahal at sa mga konsentrasyon ni Jesus. Gawing maalaala nila na ako ay isang kaawa-awang babae, na wala akong nalalaman na kahit ano tungkol sa teolohiya o pang-teolohiyang mga salita, at na ako ay nagsisikap na sabihin kung ano ang aking nakikita sa pinakamaganda nang magagawa ko at sa pamamagitan ng mga pangungusap na magagawa ng aking kaawa-awang isip...

--------------------

Agosto 16, 1946.

Sinabi ko kay Jesus: «Panginoon, kahapon inilayo Ninyo ako at ang lahat ay nawala sa Inyo. Ang bisyon...» siya ay ngumingiti nang may matamis na dibinong lugod at Siya ay tumugon hinahaplos ako:

«Ikaw ay umawit sa halip na nagkukuwento. Ikaw ay umawit. Ang buong Paraiso ay inawit ang mga kaluwalhatian ng Aking Ina kahapon, at ikaw ay umawit kasama ang Paraiso at sa isang sandali ang Paraiso ay nakinig sa iyong “isang solo”.  Nalaman mo ba kung kailan? Noong hiningi mo na hindi magkaroon ng kaluguran, bagkus na “sila” ay kailangan na masalakay ng pagmamahal upang mailigtas. Ang nagmamahal na Langit ay nakinig sa iyo, sapagkat ang irenunsiya ang beatitude upang ang iba ay magkaroon ng Buháy ay pinagkakaloob lamang sa mga nasa Lupa ngunit mga mamamayan na ng Langit. Dahil sa iyong pag-awit ang mga Santo ay naalaala nila noong sila ay mga mang-aawit sa ibabaw ng Lupa. Ang mga Anghel ay nakikinig tinitingnan ang iyong Azariah nang may pangkapatiran na kasiyahan. Si Maria ay ngumingiti hinahandog ang iyong awit sa Pagmamahal.  At ang Pagmamahal, o! Aking Maria! At ang Pagmamahal ay hinalikan ka... at hinahalikan ka pa. Maging masaya. Naintindihan mo ang Pagmamahal. Ako ay nasaiyo, katulad sa naintindihan mo, ang Diyos Isa at sang-tatlo ay nasa Akin. Humayo sa tabi ng mga daan ng sobrenatural na lugod ngayon, sa halip na sa mga daan sa Palestina patungo sa kapighatian ni Jesus... Maria, hindi ka ba masaya na nasa gayon din na katayuan  katulad Ko noong huling taon? Iyan ay isang regalo din, at isang liwanag upang maintindihan Ako. Kung wala ang isang personal na katumbas na karanasan, ang isang tao ay hindi maiintindihan kung ano ang Aking mahabang Pasyon. Ngunit ngayon, katulad kahapon, maglakad sa mga landas ng makalangit na lugod. Ang Diyos ay kasama mo. Maging nasa kapayapaan.»

At gayon ang pag-uusap-usap ng mga apostol tungkol sa naganap sa Giscala, tungkol sa himala ng bulag na bata, tungkol sa Ptolemais kung saan ang kanilang mga hakbang ay patungo, tungkol sa daan na may mga baytang na inukit sa bato na kanilang inaakyat upang makarating sa huling nayon sa hangganan sa pagitan ng Syro-Phoenicia at Galilee – at ito ay maaaring ang isa na aking nakita noong sila ay pumunta sa Alexandroscene – tungkol kay Gamaliel at patuloy pa, ay ngayon tapos na. O kung baga, ito ay iniwan, para sa kung ano ang napakinggan ko sa kanila, sa loob ng aking puso. Sinasabi ko lamang na ibig kong sabihin ito. Na ang mga apostol, na noong mga unang araw, noong sila ay hindi pa masyadong espirituwal na nahuhusto, ay madalas na gambalain ang Guro para sa isang walang-kuwentang bagay, ngayon na sila ay mas espirituwal na napaunlad na, ay nirerespeto nila ang Kanyang pag-iisa at mas gusto pa nilang mag-usap-usap sila nang sila-sila lamang, nananatiling mga ilang hakbang sa likuran Niya.  Tanging kung sila ay nangangailangan ng ilang impormasyon, o ng Kanyang opinyon, o kung sila ay nauudyukan ng kanilang pagmamahal para sa Guro, sila lalapit sa Kanya.

170711

 

 


Sunod na kabanata