473. Pagawing Sephoris.

Agosto 17, 1946.

«Bangon at tayo na» si Jesus ay inuutusan ang mga apostol na mga natutulog nang mahimbing sa ilang ma dayami – baka mga damo sa latian kaysa mga dayami – na nakatambak malapit sa isang maliit na ilog, na naghihintay para sa mga ulan ng taglagas na mapuno ang kanal ng tubig.

Ang mga apostol, medyo mga tulog pa, ay sumunod nang walang sinasabi. Pinulot nila ang kanilang mga sako, isinuot ang mga manta na kanilang ginamit bilang kumot sa loob ng gabi, at umalis kasama si Jesus.

«Tayo ba ay pupunta daan ng Carmel?»

«Hindi, daan ng Sephoris. Pagkatapos kukunin natin ang daan patungong Megiddo. Mayroon lamang tayo ng sapat na oras...»

«Oo. At ang mga gabi ay nagiging masyadong basa at malamig sa pagtulog sa mga bukid kung sa kung ilang rason walang bahay na magbibigay sa atin ng pagtanggap» wika ni Mateo.

«Ang mga tao! Gaano sila kadali na makalimot!...  Panginoon? Ngunit ito ba ay laging magiging ganito?» tanong ni Andres.

«Oo. Lagi.»

«Bueno! Kung ito ay ganito sa Inyo, kapag kami na ang susunod, kapag kaagad tumalikod kami, ang lahat ay makakansela» sabi ni Tomas pinanghihinaan ng loob.

«Ngunit sasabihin ko na may isa na gumagawa sa mga tao na makalimot.  Sapagkat ang mga tao, sumasang-ayon ako, ay nakakalimot nang madali. Ngunit hindi sila laging nakakalimot. Nakikita ko na tayong mga tao ay naaalaala ang mga bagay na ating tinatanggap at ang ating naibigay. Ang hinggil sa Inyo, sa halip... Hindi, ito ay laging ang gayon din na tao na nagsisikap na kanselahin ang alaala Ninyo» sabi ni Pedro.

«Huwag maghusga nang walang balidong rason» sabi ni Jesus.

«Guro, ako ay may magandang rason!»

«Mayroon ka? Ano ang natuklasan mo?» tanong ng Iskariote nang may nananabik na interes, at ang iba pang mga apostol ay nagtatanong ng gayon din. Ngunit si Judas ay mas nananabik, sasabihin ko na siya ay balisa.

Si Pedro, na nakatingin kay Jesus, ay tumalikod at tinitingnan si Judas... isang mabilis, mapagmasid na nagsususpetsang sulyap, at siya ay nananatiling tahimik, habang tinitingnan siya, nang isang sandali. Pagkatapos sinabi niya: «O! wala... at ang lahat, kung walang anuman sa iyo ang masabihan. Sapat na, kung ako ay nananabik na gamitin ang bawat posibleng pamamaraan na magtagumpay, upang lumakad at sabihin ang lahat na katotohanan sa mga naghahari sa atin, at natitiyak ko na may isang magkakaroon ng problema. Ngunit mas gusto ko pang hindi magtagumpay, kaysa magkaroon ng tulong mula sa tabing iyon. Ang mga bagay na tungkol sa Diyos kinukuha ko lamang ang tulong ng Diyos, at lalabas akong nilalapastangan ko ang mga bagay ng Diyos kung makukuha ko ang mga ito... upang matulungan na madurog ang mga ahas. Sila ay mga ahas mismo... at... hindi ko sila pagtitiwalaan... may lubos silang kakayahan na madurog nila ang mga inaakusahan kasama ang kanilang mga nag-aakusa... Kung kaya't... kumikilos ako sa aking sarili. Iyan lang!»

«Ngunit hindi mo ba nababatid na nasasaktan mo ang Guro?»

«Nasasaktan ko? Bakit?»

«Sapagkat nilalapitan Niya sila.»

«Siya ay Siya, at kung nilalapitan Niya sila hindi Niya iyon ginagawa para sa anumang kikitain, bagkus ang madala sila sa Diyos. Magagawa Niya iyan... at ginagawa Niya. Ngunit hindi Niya sila hinahabol... Nakikita mo iyan... kailangan nilang pumunta sa Kanya upang pakinggan ang “pilosopo” katulad ng sinasabi nila. Ngunit hindi sa palagay na sila ay sabik-na-sabik ngayon. At hindi ko ito iniiyakan.»

«Ikaw ay tila masaya pati noong Paskuwa!»

«Siya ay tila. Ang tao ay napakadalas na tanga. Hindi na siya tila ngayon, at hindi siya. At tama ako.»

«Bilang isang tao na hindi naghahalô ng pantaong kikitain sa espirituwal na mga bagay, tama ka Simon. Ngunit ang isang apostol na nagbubunyi sa ibang mga tao umaalis mula sa Liwanag, hindi, hindi ka tama. Kung titingnan mo na ang bawat kaluluwa na nakuha patungo sa Liwanag ay isang kaluwalhatian para sa iyong Guro,  hindi ka sana magsasalita nang ganyan» sabi ni Jesus.

Si Judas Iskariote ay tinitingnan si Pedro nang may isang panunuyang ngiti. Si Pedro ay napuna ito... ngunit siya ay nagtitimpi at hindi nagsasalita ng kahit na ano.

Si Jesus din ay napuna ito at, kinakausap si Pedro, ngunit na tila Siya nagsasalita sa lahat sinabi Niya: «Kailangan na malaman ninyo, bagaman, na ang kalabisan ng panrelihiyon na pag-aatubili, para sa isang mabuting pakay, ay mas mapangangatwiranan kaysa ang kinalilimutan ang lahat nang walang-pakialam upang makamit lamang ang pantaong pakay. Sinabi Ko na sa inyo nang makailang beses: ang mabuting kalooban o ang masamang kalooban ang magpapasya sa isang aksiyon. At sa kasong ito ito ay ang mabuting kalooban, kahit na kung di-perpekto sa porma nito, upang malabanan na madala ang pantaong mga interes sa pagiging mahigit-pa-sa-taong mga bagay, at kung ano ang tinitingnan na di-malinis sa mga mata ng Diyos. Ang kanyang intoleransiya ay hindi makatarungan sapagkat Ako ay naparito para sa lahat. Ngunit ang kanyang opinyon ay napakalapit sa perpeksiyon nang kanyang sinasabi na sa mga bagay ng Diyos ang isa ay kailangan na dumulog lamang sa Kanyang sobrenatural na tulong, nang hindi naninikluhod para sa interesado o utilitaryo na pantaong tulong.» At sa pamamagitan ng walang-kinikilingan na pagpasyang ito tinapos ni Jesus ang argumento.

Natawid nila ang isa pang kanal ng ilog na natuyo ng init ng tag-init nang hindi sila nababasa, at narating nila ang pinakadaan na mula sa Sicaminon ay magdadala sa isa sa pagawing Samaria, sa palagay ko, kung naaalaala ko ang lugar na aking nakita dati.  Ang daan ay abalang-abala dahil sa parating na kapistahan at nakukuha na nito ang hitsura ng tipikal na mga daang Palestina kapag ang mga paglalakbay patungo sa Templo ay sapilitan. May mga manlalakbay, mga asno, mga kariton nagdadala ng mga tao, mga tolda, mga kagamitang pambahay para sa pagtitigil sa mga tigilan na mga lugar, at kahit sa loob ng Herusalem, na laging nagsisiksikan sa mga kapistahan, kung kaya't mas mabuti pang magkampo sa mga nakapaligid na mga burol, kung ipahihintulot ng panahon. Sa kasalukuyan na kapistahan ng mga Tabernakulo ang paglalakbay ng buong mga pamilya ay kapuna-puna, hindi dahil ang mga manlalakbay ay mas marami kaysa sa Paskuwa at sa Pentekostes, bagkus sa dahilan na sila ay napipilitan na magtayo ng mga tolda nang mga ilang araw, sila ay may mga dalang kagamitan pambahay na sa ibang okasyon ng mga kapistahan kanilang iniiwan sa bahay. Ito ay isa nang eksodo ng isang sambayanan na nagmamadali mula sa lahat ng direksiyon patungo sa kapitolyo katulad ng dugo, mula sa bawat ugat, dumadaloy patungo sa puso.

Upang maintindihan kahit na ngayon ang mahirap-pagalingin na relihiyon ng Israel, napakatatag, napaka solido – kung saan ang mga magkakarelihiyon ay nagtutulungan nasaan man sila, tinutulak ng kapalaran at, anuman ang Bansa ng kanilang kapanganakan, na hindi nakapagpipigil sa isa pang Hudyo ng ibang Bansa na laging makaramdam na siya ay isang kapatid at isang kapwa-kababayan ng nakakaparehong relihiyon na kanyang nasasalubong – kailangan na tandaan ng isa, na bagama't sila ay napaghiwa-hiwalay, inusig, minaliit, na tila walang isang tunay na Amangbayan, hindi ganyan kailanman ang kanilang nararamdaman. Mayroon silang Amangbayan, na binigay sa kanila ng kanilang Jehovah, mayroon sila ng kapitolyo: ang Herusalem, at mula sa lahat ng mundo at pinakamaganda sa kanilang mga pagkatao ay nagtatagpo roon: ang kanilang mga espiritu, kanilang mga puso. sila ba ay nagkasala? Sila ba ay pinarusahan ng Diyos? Ang mga hula ba ay nagkatotoo? Oo, ito ay totoo. Ngunit sila ay naiiwanan pa ng maningning na dahilan ng isang sumisinag na pag-asa: ang pagtatayong muli ng kaharian ng Israel... ng Mesiyas Na siyang darating... At sa loob ng kapighatian nang nanginginig sa takot ng pagiging karapat-dapat na punahin ng Diyos, at nasa loob ng walang-katapusan na pagtatanong: «Si Jesus ba ng Nazareth ay ang totoong Mesiyas?» nagsisikap silang mabuo muli bilang isang Nasyon upang mapasakanila ang Mesiyas; sinisikap nilang mapanatili ang kanilang matatag na pananampalataya sa kanilang relihiyon upang marapatin na mapatawad ng Diyos at makita ang katuparan ng pangako.

Ako ay isang kaawa-awang babae, wala akong nalalaman tungkol sa mga pampulitikang problema, hindi ako kailanman nagkaroon ng interes sa pangkasalukuyan ng mga Hudyo at sa kanilang mga problema, kung minsan pa nga natatawa ako sa kanila dahil naghihintay pa sila sa Kanya Na darating at Kanilang ipinako sa krus, ang kanilang mga luha ay tila luha ng mga buwaya sa akin, ang kanilang mga aksiyon ay tila hindi naging at tila hindi magiging isa na marapatin ang kanilang inaasahan sa Diyos: hindi ang Kristo Na darating lamang sa Huling Araw, at ni hindi ang pagtatayong muli ng naikalat na lahi ng Hudyo, naiintindihan ko ang kanilang matagal nang trahedya at ang kanilang katatagan, ang pinanggagalingan ng kanilang katatagan. Sila pa rin ay ang Sambayanan ng Diyos at sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos sila ay magkikita-kita patungo sa lupang ipinangako sa kanilang mga Ama, sa mga Patriyarka, at sa loob ng mga daan-daan taon tinutupad nila ang mga ritwal ni Moses, iniisip ang Herusalem, ang Templo nito sumisinag sa Moriah. Sila ba ay pinipigilan na makapunta roon? Oo, pinipigilan sila. Ngunit ang kanilang mga espiritu ay pumupunta roon.

Ang mga bayoneta, mga baril, mga kulungan ay ginamit laban sa tao, hindi laban sa espiritu. Ang Israel ay hindi maaaring mamatay sapagkat nanatili ito sa relihiyon nito. Isang mateorya, maka-Pariseo, isang ritwal na relihiyon na walang laman ng kung ano ang tunay na buhay ng isang relihiyon: ang pagkakalapat ng espiritu sa materyal na ritwal? Ayon sa ibig ninyo. Ngunit sa paligid ng gumuhong katawan na siyang dating isang Nasyon, at ngayon isa nang di-mabilang na mga pira-pirasong nakakalat sa buong Lupa, ay may mga magkakaugnay na mga idea, mga ritwal, matatandang alituntunin, nanggagaling sa mga propeta at mga rabbi, upang mapanatili itong magkakasama at, katulad ng isang pagoda na makikita sa buong mundo, isang lugar ang sumisinag: ang Herusalem, at ang pangalan nito ay katulad ng isang sigaw upang sila ay pakilusin, ito ay katulad ng isang watawat na winawagayway upang tawagin silang muli, ito ay isang alaala, isang pangako. Hindi. Ang mga taong ito ay hindi mapatatahimik ng kahit anong kapangyarihan ng tao. May isang lakas sa loob nito na mas malakas pa sa kapangyarihan ng tao.

Ang lahat na ito ay maiintindihan kapag ang isa ay pinagmamasdan ang mga taong ito na pumupunta sa di-matatagos na mga daan, sa loob ng di-komportableng mga panahon, hindi iniintindi kung ano ang masakit, masaya sa lugod na pumupunta sa Banal na Siyudad. Maiintindihan ito nakikita silang naglalakbay, mayayamang tao na may kasamang mahihirap na tao, mga bata kasama ang matatandang lalaki, mula sa Palestina o mula sa Diaspora patungo sa puso: sa Herusalem. Maiintindihan ito pinakikinggan silang inaawit ang kanilang mga kanta... At , kinukumpisal ko ito, sana tayo, mga Kristiyano at mga Katoliko, ay katulad nila, at mayroon tayo para puso ng Katolisismo, ang Roma, ang Simbahan, at para sa kanya na naninirahan dito: ang kasalukuyang Pedro, ay ang mga pakiramdam ng mga taong ito na aking nakikitang nagpapatuloy nang nagpapatuloy nang walang kapaguran; sana mayroon tayo ng mayroon sila, at bilang karagdagan ang ating Pananampalataya, na siyang perpekto dahil ito ay Kristiyano.

Ang isa ay maaaring tumutol: «Sila ay puno ng kapintasan.» At ano tayo? Tayo ba ay walang kapintasan? Tayo na mga pinalakas ng Grasya at ng mga Sakramento? Tayo na kailangan na maging «perpekto katulad ng ang Ama Na nasa Langit ay perpekto»?

Ako ay napalayo. Ngunit, sinusundan ang martsa ng mga apostol kahalo ng ibang mga pulutong ng Israel, ang aking isip ay aktibo... Sa isang sangahan ng mga daan ang isang grupo ng mga disipulo ay nakita ang Guro at sila ay nagsiksikan sa paligid Niya. Kasama rito ay si Abel ng Bethlehem, na itinapon kaagad ang sarili sa paanan ni Jesus nagsasabing: «Guro, labis akong nanalangin sa Kataastaasan na sana matagpuan ko Kayo. Nawalan na ako ng pag-asa. Ngunit ako ay Kanyang pinakinggan. Nakikiusap na ako sa Inyo ngayon na pakinggan ang Inyong disipulo.»

«Ano ang gusto mo, Abel? Tayo ay pumunta sa banda roon, sa gilid ng bukid. Napakaraming mga tao rito at nakagagawa tayong problema sa kanila.»

Lahat sila sa isang grupo ay pumunta patungo sa lugar na tinuran ni Jesus at si Abel ay nagsabi ng kanyang gusto. «Guro, niligtas Ninyo ako mula sa kamatayan at mula sa paninirang-puri at ginawa Ninyo akong isa sa Inyong mga disipulo. Kung gayon minamahal ba Ninyo ako nang labis?»

«Papaano mo Ako natatanong tungkol diyan?»

«Tinatanong ko Kayo upang matiyak na pakikinggan Ninyo ang aking panalangin. Nang ako ay niligtas Ninyo, pinarusahan Ninyo ang aking mga kaaway sa pamamagitan ng isang teribleng pagpapakasakit. Binigay Ninyo iyon, kung gayon iyon ay maaaring tama. Ngunit, o! Panginoon! ito ay labis na nakakatakot! Hinanap ko ang tatlong mga lalaking iyon, hinahanap ko sila sa tuwing pumupunta ako upang makita ang aking ina: sa mga bundok, sa mga kuweba malapit sa aking bayan. Ngunit hindi ko sila kailanman matagpuan.»

«Bakit mo sila hinahanap?»

«Ako ay nagsalita sa kanila tungkol sa Inyo, Panginoon. Na sa paniniwala sa Inyo, baka panawagan nila Kayo at mapatawad at mapagaling. Nakikita ko lamang sila sa tag-init, ngunit sila ay hindi magkakasama. Ang isa, ang isang napopoot sa akin dahil sa aking ina, ay pinabayaan ang iba na mga makalayo pa, patungo sa matataas na bundok ng Jiphthahel.  Sinabi nila sa akin kung saan siya nakatira... At ako ay nabigyan ng mga palatandaan ng tungkol sa kanilang mga kinaroroonan sa pamamagitan ng mga pastol ng Bethlehem, ang mga pastol na nagbigay sa Inyo ng pag-aruga noong gabing iyon . Ang mga pastol ay nag-iikot nang madalas kasama ang kanilang mga kawan, at marami silang nalalamang mga bagay. nalalaman nila na ang dalawang ketongin na hinahanap ko ay nasa bundok og Magandang Bukal. Ako ay pumunta roon. O!...» Takot ang lumitaw sa mukha ng bata-pang lalaki, na isa pa ring nagbibinata.

«Magpatuloy.»

«Nakilala nila ako. Ngunit hindi ko makilala ang aking kapwa mga kababayan sa dalawang mga halimaw na iyon... Tinawag nila ako... at sila ay nanalangin sa akin, na ako ay tila isang diyos... Ang katulong lalo na ay nakuha ang aking awa, dahil sa kanyang taimtim na pagsisisi. Wala siyang ibang gusto bagkus ang Inyong kapatawaran, Panginoon... Si Asher ay gusto rin ng mapagaling. Siya ay may isang matandang ina, Panginoon, isang matandang ina na namamatay na biyak ang puso sa bayan...»

«At ang isa pa? Bakit siya umalis?»

«Sapagkat siya ay isang dimonyo.  Siya ang pinaka may-kasalanan sa lahat, siya ay isa nang nangangalunya noong siya ay naging mamamatay-tao, inudyukan niya si Aser, pinarumi niya ang katulong ni Joel na medyo isang tanga at madaling makuha, at nagpapatuloy siya sa pagiging isang dimonyo, mula sa kanyang mga labi kapootan at mga panunumpa, mula sa kanyang puso kapootan at kalupitan. Nakita ko rin siya... Gusto kong makumbinsi siya na maging mabuti. Itinapon niya ang kanyang sarili sa akin katulad ng isang buwitre at nakaligtas lamang ako nang ako ay tumakbo, at sa dahilan na ako ay bata pa at malusog nakatakbo ako nang mabilis at sa malayu-layong distansiya. Ngunit hindi sa akin nawala ang lahat na pag-asa na mailigtas siya. Ako ay babalik... Minsan, dalawang beses, maraming beses na may tulong ang pagmamahal at gagawin ko siya na mahalin ako. Akala niya ako ay nagpunta upang pagtawanan siya sa kanyang kasiraan. Ngunit ako ay nagpunta upang itayong muli iyon. Kung siya ay magtagumpay sa pagmahal sa akin, siya ay makikinig sa akin, at kung siya ay makikinig sa akin magtatapos siya sa paniniwala sa Inyo. Iyan ang gusto ko. O! iyong ay naging mas madali sa iba sapagkat sila ay nagnilay at naintindihan mismo nila. At ang katulong ay naging ang simpleng panginoon ng isa pa, sapagkat may labis na pananampalataya sa kanya at may gayong malakas na mithiin na mapatawad. Halikayo, Panginoon! Nangako ako sa kanila na dadalhin ko Kayo upang makita sila kailan ko man Kayo makita.»

«Abel, ang kanilang krimen ay malalang krimen, maraming krimen sa isa. Sila ay nagbayad-kasalanan para sa isang maikling panahon lamang...»

«Ang kanilang pahirap ay naging malaki, at ang kanila ring pagsisisi. Sumama Kayo.»

«Abel, ang gusto nila ay ang buhay mo.»

«Hindi na bale, Panginoon. Gusto ko silang bigyan ng buhay.»

«Aling buháy?»

«Ang buhay na binibigay Ninyo, ang buhay ng espiritu, kapatawaran, katubusan.»

«Abel, sila ay ang iyong mga Cain, at walang iba na maaaring mas mapoot pa sa iyo kaysa sa kanila. Gusto ka nilang pagkaitan ng lahat ng iyong buhay, karangalan at ina...»

«Sila ay ang aking mga may-kaloob, sapagkat napapunta Kayo sa akin sa pamamagitan nila. Minamahal ko sila dahil sa regalong iyan at hinihingi ko sa Inyo na pagkalooban sila na mapunta sa kinaroroonan ko, kasama ng Inyong mga tagasunod. Gusto ko ang kanilang kaligtasan katulad ng akin, sapagkat ang kanilang kasalanan ay malaki.»

«Ano ang iaalay mo sa Diyos bilang kapalit para sa kanilang kaligtasan, kung Siya ay hihingi sa iyo ng isang alay?»

Si Abel ay nag-iisip nang isang sandali... nang sinabi niya na nakatitiyak siya sa kanyang sarili: «Kahit ang aking sarili, Ang aking buhay. Mawawalan ako ng ilang basura upang makamit ang Langit. Isang masayang kawalan. Isang malaki, walang-hangganang kita: ang Diyos, ang Langit. At ang dalawang makasalanan ay maliligtas: ang panganay ng kawan, na inaasahan kong mapasunod at maialay sa Inyo.»

Si Jesus ay gumawa ng pagkilos na hindi Niya kailanman ginagawa sa publiko. Siya ay yumuko, sapagkat napakataas Niya kaysa kay Abel, at kinukuha ang kanyang ulo sa pamamagitan ng Kanyang mga kamay, hinahalikan Niya ang kanyang mga labì nagsasabing: «Mangyari ito», iyon man lamang ang sa akala ko ang Kanyang ibig sabihin na «Maranatha» At dinagdag Niya: «Dahil sa iyong damdamin, mangyari sa iyo ang ayon sa hiling ng iyong mga salita. Sumama ka sa Akin. Pasusundin mo Ako. Juan, sumama ka sa Akin. At makakahayo na kayong lahat, patungong Engannim sa pamamagitan ng daan ng Megiddo. Maghihintay kayo para sa Akin doon, kung Ako ay hindi ninyo makita muna.»

«At ipapahayag namin Kayo at ang Inyong doktrina» sabi ng Iskariote.

«Hindi. Kayo ay maghihintay. Wala nang iba pa, umaasal nang katulad sa makatarungan at mapagpakumbabang mga peregrino, wala nang iba pa. At maging katulad ng magkakapatid sa isa’t isa. At sa inyong daan dadalaw kayo sa mga magbubukid ni Johanan bibigyan ninyo sila ng kung ano ang mayroon kayo at sabihin sa kanila na kung posible, ang Guro ay daraan sa Jezreel sa pagsikat ng araw, sa loob ng dalawang araw, mula ngayon. Humayo, Ang kapayapaan ay sumainyo.»

170711

 

 


Sunod na kabanata