474. Si Jesus kasama ang mga ketonging makasalanan ng Bethlehem ng Galilee.

Agosto 19, 1946.

Ang magaspang na kabit-kabit na mga bundok ng Jiphthahel ay nangingibabaw sa hilaga nagtatakip sa tanawin. Ngunit kung saan ang matatarik na dalisdis ng kalipunan ng mga bundok na ito nagsisimula, at ito ay lumalabas na halos bulusok ang tarík sa daan ng mga karabana sa pagitan ng bloki-blokeng mga bato na umuusli sa bundok, nakabitin sa ibabaw ng kalaliman, at nailagay katulad ng mga bubong at suportado ng malalaking kuweba.

Bilang kaugalian malapit sa mas mahahalagang daan, mayroong ilang ketongin na nananatiling nasa itaas ngunit sapat na malapit upang makita at matulungan ng mga naglalakbay. Ito ay isang maliit na kolonya ng mga ketongin na nagbibigay ng kanilang mga sigaw ng babala at panawagan kapag nakikita nila si Jesus na daraan kasama si Juan at si Abel. At si Abel ay titingala sa kanila nagsasabing: «Siya ito na sinabi ko sa inyo. Dadalhin ko Siya sa dalawang tao na kilala ninyo. Wala ba kayong itatanong sa Anak ni David?»

«Kung ano ang aming hinihingi sa lahat: tinapay, tubig, upang makakain kami habang dumaraan ang mga peregrino. Pagkatapos, sa taglamig, magugutom kami...»

«Wala akong pagkain ngayon. Ngunit Kalusugan ang dala ko...»

Ngunit ang mapagmungkaheng paanyaya na magkaroon ng kalusugan ay hindi tinanggap. Ang mga ketongin ay tumalikod at umalis mula sa bangin; inikot nila ang pausli ng bundok upang tingnan kung may mga peregrinong dumarating mula sa kabilang daan.

«Sa palagay ko sila ay mandaragat na mga paganong sundalo o mga idolatra. Kamakailan pa lamang sila dumating dito, napalayas sa Ptolemais. Sila ay nanggaling sa Africa. Hindi ko alam kung papaano sila nagkasakit. Ang alam ko sila ay malusog nang sila ay umalis sa kanilang bansa at pagkatapos ng isang matagal na pag-ikot sa tabi ng mga dalampasigan sa Africa upang kumuha ng garing, at sa paniwala ko pati rin mga perlas upang ipagbili sa mga Latinong mangangalakal, nakarating sila rito na may sakit na. Ang mga opisyales ng piyer ay hiniwalay sila at sinunog pati na ang kanilang barko. Ang ilan ay kinuha ang mga daan patungo sa Syro-Phoenicia at ang ilan ay pumunta rito. Ang mga ito ay mas mapanganib na may-sakit, sapagkat halos hindi na sila makapaglakad ulit. Ngunit ang kanilang mga kaluluwa ay mahigit pang may-sakit. Sinikap kong makapaglagay ng ilang pananampalataya sa kanila... Wala silang hinihingi bagkus pagkain...»

«Pagpupursige ang kinakailangan sa pagkukumberti. Ang hindi nagtatagumpay sa loob ng isang taon, baka magtagumpay sa ikalawa o mahigpit pang taon. Ang isa ay kailangan na mamilit nagsasalita ng tungkol sa Diyos, kahit na kung sila ay lumalabas na katulad ng mga bato na pumoprotekta sa kanila.»

«Nagkamali ba kaya ako sa pagbibigay sa kanila ng pagkain?... Lagi ko silang dinadalhan ng pagkain bago ang Sabbath, sapagkat ang mga Hudyo ay hindi naglalakbay sa mga araw ng Sabbath at ang isa ay mag-iisip tungkol sa kanila...»

«Ginawa mo ang tamang bagay. Sinabi mo ito mismo: sila ay mga pagano, kung gayon mas abala tungkol sa kanilang mga katawan at dugo kaysa sa kanilang mga kaluluwa. Ang mapagmahal na pangangalaga para sa kanilang pagkagutom ay pumupukaw sa kanilang damdamin para sa di-kilalang tao na tumitingin sa kanila. At kapag minamahal ka nila, makikinig sila sa iyo, kahit na kung ikaw ay magsasalita sa kanila ng isang bagay na hindi pagkain. Ang pagmamahal ang nauuna sa mithiin na sundan siya na natutuhan ng isa na mahalin. Susundan ka nila isang araw sa mga daan ng espiritu. Ang mga korporyal na gawin ng awa ay nagbibigay daan para sa mga daang espirituwal, na nagagawa nito ito nang napakalaya at patag, na ang pagpasok ng Diyos sa isang tao na naihanda nang ganito para sa dibinong pagtatagpo ay nangyayari nang hindi nalalaman ng indibidwal. Matatagpuan niya sa loob niya ang Diyos at hindi niya malalaman kung kailan Siya pumasok. Kailan! Kung minsan sa likuran ng isang ngiti, sa likuran ng isang maawain na salita, sa likuran ng isang piraso ng tinapay nariyan ang panimulang pagbukas ng pinto ng isang puso na sarado sa Grasya at ang pagsimula ng paglalakbay ng Diyos upang mapasok ang puso.

Mga kaluluwa! Sila ang pinaka iba't ibang bagay na naririyan. Walang anong bagay, at may napakaraming mga bagay sa Lupa, ang napaka iba't iba sa mga aspekto nito katulad ng mga kaluluwa sa kanilang mga hilig at mga reaksiyon. Nakikita mo ba ang malaking terebinto na ito? Ito ay nasa gitna ng isang kakahuyan ng mga terebinto na nakakatulad nito sa uri. Ilan sila lahat? Daan-daan, baka sanlibo, baka mahigit pa. Natatakpan nila ang magaspang na dalisdis ng bundok, natatalo ng kanilang maanghang na malusog na amoy ng mga resina ang bawat iba pang amoy ng lambak at ng bundok. Ngunit tingnan. Sila ay sanlibo at mahigit pa ngunit, kung pagmamasdan mo nang mabuti, walang ibang nakakatulad sa kakapalan, sa kataasan, kapangyarihan, hilig, disposisyon. Ang ilan ay tuwid katulad ng mga patalim, ang ilan nakaharap sa hilaga, ang ilan sa timog, ang ilan sa silangan, ang ilan sa kanluran. Ang ilan ay tumubo sa malalim na lupa, ang ilan sa isang nakausling lupa at walang nakaaalam kung papaano nito nasusuportahan ang puno at kung papaano ito nakakatayo nang ito mismo, nakaunat ang mga sanga katulad nito sa ibabaw ng kalaliman, halos gumagawa ng isang tulay, sa isa pang dalisdis, mataas na mataas sa ilog, na ngayon ay tuyo, subalit napakamasalimuot sa panahon ng tag-ulan. Ang ilan ay pilipit na tila ang isang malupit na tao ay pinahirapan ito nang sila ay malalambot pang mga tanim, ang ilan ay walang kapintasan. Ang ilan ay madahon halos hanggang sa ibaba sa lupa, ang ilan ay tigang na may  isang bungkos ng mga dahon sa kanilang mga tuktok. Ang ilan ay may mga sanga sa kanang tabi lamang. Ang ilan ay madahon sa ibaba habang ang kanilang tuktok ay nasunog ng kidlat. Ang isang ito ay tuyo na at nabubuhay lamang sa isang mapilit na sanga, isa lamang, na lumabas halos mula sa ugat sinisipsip ang katas na natutuyo sa tuktok. At ang isang ito, ang unang tinuturo Ko sa iyo, kasing ganda ng kailangang maging maganda ang isang punungkahoy, ito kaya ay may isang sanga, isang suwì, isang dahon – ano ang sasabihin Ko nagsasalita ng tungkol sa isang dahon sa libu-libong mga dahon na naroroon – na nakakatulad ng iba pa? Tila sila magkakatulad, ngunit hindi sila magkakatulad. Tingnan ang sangang ito, ang pinakamababang isa. Tingnan ang tuktok nito, sa tuktok lamang ng sanga. Ilang mga dahon ang nasa tuktok? Baka dalawang daan na maninipis na berdeng mga karayom. Subalit tingnan? Mayroon bang kahit isang katulad ng iba sa kulay, sa laki, sa kasariwaan, sa kalambutan, sa tayò, sa edad? Wala.

Ito ay ganito rin sa mga kaluluwa. Ayon sa dami nila, ganyan din karami ang kanilang mga pagkakaiba-iba sa hilig at mga reaksiyon. At siya na hindi nakakaunawa sa kanila at walang magawa sa kanila ayon sa kanilang iba't ibang mga hilig at mga reaksiyon, ay hindi isang mabuting guro at doktor ng mga kaluluwa. Hindi isang madaling gawain ang gawaing ito, Aking mga kaibigan. Ang isa ay kailangan na mag-aral nang patuloy at masanay sa pagninilay-nilay na nakapagpapaliwanag nang higit pa kaysa sa pagbabasa nang matagal ng nakasulat na mga teksto. Ang aklat na kailangan na pag-aralan ng isang guro at doktor ng mga kaluluwa ay ang mga kaluluwa mismo. Mga pahinang kasing dami ng mga kaluluwa at sa bawat pahina ay nariyan ang maraming mga damdamin at masisimbuyong damdamin ng nakaraan at kasalukuyang panahon at ng embriyon na mga sandali pa lamang.  Kung kaya't ang kinakailangan ay ang patuloy, masugid, mapagnilay na pag-aaral, walang-tigil na pagtitiyaga, tíbay, katapangan, sa panggagamot sa pinaka bilasa na mga sugat, sa pagpapagaling sa kanila nang hindi nagpapakita ng pagkasuklam, na siyang nagpapahinang-loob sa mga pasyente. At ang isa ay kailangan na kumilos nang walang pakunwang awa, na upang hindi mapahiya ang sinuman sa paglalantad ng kabulukan ito ay hindi aalisin upang hindi maghirap ang apektadong bahagi, pagtatakpan ito hanggang sa ito ay magka-ganggrena, nilalason ang buong katawan. Ai kinakailangan na kasabay ang kahinahunan upang ang mga sugat ng mga puso ay hindi magalaw nang magaspang at maimpeksiyon sa pagkakahipo: hindi kailangan na maging nakasisiguro nang lubos ang isa hanggang sa magkunwang hindi siya natatakot na mahawahan kapag humaharap ang mga makasalanan. At saan ba ang lahat na mga birtud, na kinakailangan ng  guro at doktor, nakakatagpo ng liwanag upang makakita at makaintindi, saan ito nakakatagpo ng tiyaga, na kung minsan ay makabayani, upang makapagpursige bagama't ginagantihan ito ng kawalang-pagpapahalaga at kadalasan mga pang-iinsulto, ng lakas upang makapanggamot nang  mabuti, at ng kahinahunan upang hindi makapanakit sa mga pasyente at sa kanilang mga sarili? Sa pagmamahal. Laging sa pagmamahal. Nagtatapon ito na liwanag sa lahat, nagbibigay ito ng karunungan, lakas at kahinahunan. Nakapagpipigil ito na maging usyusero na nagpapagawa sa mga tao na sabihin nila na hinarap nila mismo ang mga dahilan ng pagkakasakit.

Kapag ang isa ay napupuno ng pagmamahal hindi siya magkakaroon ng kahit ano pa man na ibang mithiin o siyensiya bagkus ang pagmamahal. Tingnan ninyo? Ang mga doktor ay nagsasabi na kung ang isa ay nakarating na sa punto na siya ay halos mamatay na gawa ng isang sakit, malaki ang posibilidad na makukuha niya ulit ang gayon din na sakit, sapagkat ang kanyang dugo ay nahawaan na nito at napangibabawan na nang minsan. Ang konsepto ay di-perpekto, ngunit ito ay hindi ganap na mali. Ngunit ang pagmamahal, na isang kalusugan at hindi isang sakit, ay ginagawa kung ano ang sinasabi ng mga doktor at magpatungkol sa lahat na masisimbuyong damdamin. Ang isa na lubos na nagmamahal sa Diyos at sa kanyang mga kapatid, ay hindi gumagawa ng kahit na anong makakasakit sa Diyos at sa kanyang mga kapatid, dahil dito kung lalapitan niya ang mga tao na may sakit a ng mga espiritu at nalaman niya ang mga bagay na magpahanggang ngayon hindi niya makita gawa ng pagmamahal, siya ay hindi narurumihan nito, sapagkat nananatiling siyang tapat sa pagmamahal at hindi gumagawa ng kasalanan. Ano sa palagay mo ang kalalabasan ng kahalayan kung ito ay napangibabawan na ng isa sa pamamagitan karidad? Ano ang mga kayamanan para sa mga nakatatagpo ng lahat na kayamanan sa pagmamahal ng Diyos at ng mga kaluluwa? Ano ang katakawan, kasakiman sa pera, di-makapaniwala, katamaran, pagmamalaki para sa mga nananabik lamang para sa Diyos, para sa mga ibinibigay ang kanilang mga sarili, kahit na ang kanilang mga sarili upang paglingkuran ang Diyos, para sa mga nakatatagpo ng lahat ng kanilang kabutihan sa Kanyang Pananampalataya, para sa mga napakikilos ng walang-kapaguran na apoy ng karidad at tumatrabaho nang walang-kapaguran upang magbigay ng lugod sa Diyos, para sa mga nagmamahal sa Diyos – upang mahalin at makilala Siya – at hindi maaaring maging mapagmalaki, sapagkat nakikita nila ang kanilang mga sarili katulad ng kung ano sila hinggil sa Diyos?

Isang araw kayo ay magiging mga pari ng Aking Simbahan. Kayo kung gayon ay magiging mga doktor at mga guro ng mga espiritu. Tandaan ang mga salita Kong ito. Hind ang pangalan na taglay ninyo, o ang kasuutan ninyo, o ang mga katungkulan na gagawin ninyo ang magpapagawa sa inyo na mga pari, ibig sabihin, mga ministro ng Kristo, mga guro at doktor ng mga kaluluwa, bagkus ito ay ang pagmamahal na taglay ninyo upang magawa kayong ganyan. Bibigyan kayo ng lahat nito ng inyong kakailanganin upang maging ganyan, at ang mga kaluluwa, bagama't magkakaiba sa isa’t isa, ay magkakaroon lamang ng isa na pagkakatulad: ang pagkakatulad ng Ama, kung alam ninyong trabahuhin sila sa pamamagitan ng pagmamahal.»

«O! anong gandang leksiyon, Guro!» sabi ni Juan.

«Ngunit kami ba ay kailanman magtatagumpay na maging ganyan?» tanong ni Abel.

Si Jesus ay tinitingnan sila. Pagkatapos inilalagay ni Jesus ang Kanyang isang kamay sa paligid ng leeg ng bawat isa at kinakabig sila, isa sa Kanyang kanan, ang isa sa Kanyang kaliwa at hinahalikan Niya ang kanilang buhok nagsasabi: «Magtatagumpay kayo sapagkat naintindihan ninyo ang pagmamahal.»

Nagpatuloy sila ng paglalakad nang matagal-tagal, nang may pahirap na nang pahirap na paglalakad dahil sa kagaspangan ng daan na inukit halos sa labì ng bundok. Sa ibaba, sa malayong distansiya, ay may isang daan at may makikita ang isa ng mga tao na naglalakad doon.

«Tayo ay tumigil, Guro. Nakikita ba Ninyo sa banda roon, mula sa mabatong plataporma na iyon ang dalawang ketongin na may isang basket na may lubid sa mga dumaraan na tao, at ang kanilang gruta ay nasa kabila ng plataporma. Tatawagin ko na sila ngayon»» At bumigay siya ng isang sigaw lumalapit, habang si Jesus ang si Juan ay nananatili sa likuran, nakatago sa pagitan ng makakapal na palumpong.

Pagkaraan ng kaunting mga sandali ang isang mukha ay lumitaw... – tawagin natin itong isang mukha sapagkat ito ay nasa itaas ng isang katawan, ngunit maaari itong tawagin na isang ngusong panungkal, isang halimaw, isang masamang panaginip...- at ito ay tumitingin sa ibaba mula sa isang palumpong ng mga blackberry.

«Ikaw ba ito? Ngunit ikaw ba ay hindi umalis para sa mga Tabernakulo?»

«Natagpuan ko ang Guro at ako ay bumalik. Siya ay naririto!»

Kung sinabi ni Abel: «Si Jehovah ay paligid-ligid sa itaas mo» ang sigaw, ang mga ikinilos, ang pananabik ng dalawang ketongin sapagkat habang si Abel ay nagsasalita din sa isa pa na lumitaw ay hindi sana naging napakabigla at magalang, sa pagtalon, patungo sa plataporma, nang ganap na hayag sa sinag ng araw, pinatitirapa ang kanilang mga sarili sa lupa at sumisigaw: «Panginoon, kami ay nagkasala. Ngunit ang Inyong awa ay mas dakila kaysa sa aming kasalanan!» sila ay sumigaw nang ganito nang hindi man lamang muna tinitiyak kung si Jesus ay totoo ngang naroroon, o kung Siya ay nasa malayo pa, patungo sa kanila. Ang kanilang pananampalataya ay gayon na lamang na nagagawang makita ng kanilang mga mata ang tiyak na hindi nila nakikita – sapagkat may mga sugat sila sa kanilang mga talukap-mata at dahil sa pagpatirapa nila nang bigla.

Si Jesus ay lumalapit habang inuulit nila: «Panginoon, ang aming mga kasalanan ay hindi karapat-dapat na mapatawad, ngunit Kayo ay ang Awa! Panginoong Jesus, alang-alang sa Inyong Pangalan, iligtas kami. Kayo ang Pagmamahal na makapangingibabaw sa Hustisya.»

«Ako ang Pagmamahal. Iyan ay totoo. Ngunit sa itaas Ko ay ang Ama. At Siya ang Katarungan» sabi ni Jesus nang mahigpit, lumalapit mula sa daan kasama si Juan.

Ang dalawa ay tiningala ang kanilang sirang mga mukha at tinitingnan Siya sa pamamagitan ng mga luhang bumababa sa kanilang mga pisngi kahalo ang nabulok na mga bagay.  Gaano nakakatakot tingnan ang mga mukhang iyon? Matanda? Bata? Aling ang katulong? Alin si Aser? Posibleng sabihin. Ang sakit ay napagsama sila ginagawa silang dalawang mga pigura ng takot at suklam

Hindi ko alam kung papaano sila nakikita ni Jesus. Habang Siya ay nakatayo sa gitna ng daan, habang binabalot Siya ng mga sinag ng araw at pinaaapoy ang Kanyang ginintuang buhok. Alam ko na Siya ay tinitingnan nila at pagkatapos tinatakpan nila ang kanilang mga mukha umuungol: «Jehovah! Ang Liwanag!» pagkatapos sisigaw silang muli: «Ang Ama ay pinababa Kayo upang magligtas. Tinatawag Niya Kayong Kanyang Minamahal na Isa. Siya ay natutuwa sa Inyo. Hindi Niya Kayo tatanggihan na patawarin kami.»

«Kapatawaran o kalusugan?»

«Kapatawaran» sigaw ng isa. At ang isa pa: «... at pagkatapos kalusugan. Ang aking ina ay namamatay na biyak-ang-puso dahil sa akin.»

«Kung patawarin Ko kayo, ang hustisya ng mga tao ay mananatili pa rin, para sa iyo lalo na. Kung kaya't anong kabutihan ang magagawa ng Aking kapatawaran upang magawa ang iyong ina na masaya?» sabi ni Jesus nang nanunukso, upang masabi niya ang mga salita na Kanyang hinihintay upang gawin ang himala.

«Malaki ang magagawa nito. Siya ay isang tunay na Israelita. Ibig niya ang sinapupunan ni Abraham para sa akin. At ang hinihintay na lugar para sa Langit ay hindi para sa akin sapagkat nagkasala ako nang labis.»

«Labis. Nasabi mo ito.»

«Labis!... Totoo iyan... Ngunit Kayo... O! Ang Inyong Ina ay naroon noong araw na iyon... Nasaan na ang Inyong Ina ngayon? Siya ay naaawa para sa ina ni Abel. Napuna ko ito. At kung ako ay napakinggan Niya ngayon, maaawa Siya para sa aking ina. Jesus, Anak ng Diyos, sa ngalan ng Inyong Ina, maawa sa akin!...»

«At ano ang gagawin ninyo pagkatapos?»

«Pagkatapos?» Nagkatinginan sila sa isa’t isa. Ang «pagkatapos» ay ang sentensiya ng mga tao, ito ay panghahamak, o paglikas, pagkatapon. Sila ay nanginginig sa harapan ng nakikitang panunumbalik na tila nakikita na nila ang pagkawala ng kaligtasan. Gaano nakakabit ang mga tao sa buhay! Ang dalawa, nasa gitna ng kagipitan ng mapagaling at pagkatapos sesentensiyahan ng batas ng mga tao, o kinakailangan na mabuhay na mga ketongin, ay halos mas gustong mamuhay bilang mga ketongin. Inaamin nila ito sa pagsasabing: «Ang kaparusahan ay nakakatakot!���� Nakita ko na ito ay si Aser lalo na, ang isa sa dalawang mamamatay-tao, na nagsabi nito...

«Ito ay nakakatakot. Ngunit ito ay hustisya man lamang. Gagawin mo sana ito sa inosenteng tao na ito, ikaw... na may mahahalay na mga tangka, at ikaw... para sa ilang dakot na mga sentimos.»

«Iyan ay totoo! O aking Diyos! Ngunit pinatawad niya kami. Nakikiusap kami sa Inyo na patawarin din kami. Ang ibig sabihin nito kami ay mamamatay. Ngunit ang aming mga kaluluwa ay maliligtas.»

«Ang asawa ni Joel ay binato sapagkat siya ay isang nangangalunya. Ang kanyang apat na anak ay namumuhay kasama ang kanyang ina at sila ay nahihirapan na mapakain an kanilang sarili, sapagkat ang mga kapatid ni Joel ay pinalayas sila bilang mga anak-sa-labas at kinuha nila ang ari-arian ng kanilang kapatid. Nalaman ba Ninyo iyan?»

«Sinabi sa amin ito ni Abel...»

«At sino ang magsasagawa ng pagsasatama para sa kanilang kasawiang-palad?» ang tinig ni Jesus ay dumadagundong katulad ng kulog, ito ay totoong ang tinig ng Diyos na Hukom at ito ay nakakatakot. Nag-iisa sa ilalim ng sinag ng araw, nakatayong tuwid, Siya ay ang pigura ng takot. Ang dalawang lalaki at tinitingnan Siya sa takot. Bagama’t ang sikat ng araw ay pinasasakit ang kanilang mga sugat, sila ay hindi gumagalaw, ni hindi rin si Jesus, Na ganap na nababalot ng sinag ng araw. Ang mga elemento ay nawawalan ng kanilang kapangyarihan sa mga oras na ito ng mga kaluluwa...

Pagkaraan ng ilang sandali si Aser ay nagsabi: «Kung si Abel ay minamahal akong ganap, gawin siyang pumunta sa aking ina at sabihin sa kanya na ang Diyos ay pinatawad na ako at...»

«Hindi pa kita napapatawad.»

«Ngunit patatawarin Ninyo ako, sapagkat nakikita Ninyo ang aking puso... At sasabihin niya sa aking ina na gusto ko na ang lahat na sa akin ay mapunta sa mga anak ni Joel. Ako man ay mabuhay o hindi, tinatakwil ko ang kayamanan na gumawa sa akin na maging mabisyo.»

Si Jesus ay ngumingiti. Siya ay nagbago ang anyo sa pagngiti. Ang Kanyang hitsura mula sa pagiging mahigpit ay naging maawain at sa nagbagong tinig sinabi Niya: «Nakikita Ko ang iyong puso. Tumayo ka. At itaas ang iyong espiritu sa Diyos pinagpapala Siya. Sa dahilan na ikaw ay hiniwalay sa mundo makakalakad ka nang hindi nakakaalam ang mundo tungkol sa iyo. At ang mundo ay naghihintay para sa iyo upang bigyan ka ng posibilidad na maghirap at magbayad-kasalanan.»

«Kami ba ay nililigtas Ninyo, Panginoon?! Pinatatawad ba Ninyo kami?! Pinagagaling ba Ninyo kami?!»

«Oo, ginagawa Ko iyan. Gagawin Ko kayong mabuhay sapagkat ang buhay ay masakit lalo na para sa may mga alaalang katulad ninyo. Ngunit hindi kayo makakalabas mula dito ngayon-ngayon lang. Si Abel ay kailangan na sumama sa Akin, katulad ng lahat na mga Hebreo kailangan niyang pumunta sa Herusalem. Maghintay para sa kanyang pagbalik. Sasabay ito sa panunumbalik ng inyong kalusugan. Dadalhin niya kayo sa mga pari at paaalamin niya ang iyong ina. Sasabihin Ko kay Abel kung ano ang kailangan niyang gawin at kung papaano ito gagawin. Makapaniniwala ba kayo sa Aking mga salita, kahit na kung Ako ay umalis nang hindi kayo pinagagaling?»

«Oo, Panginoon, makapaniniwala kami. Ngunit sabihin sa amin muli na pinatatawad Ninyo ang aming mga kaluluwa. Pagkatapos ang lahat ay mangyayari kung kailangan Ninyo ibigin.»

«Pinatatawad Ko kayo. Maaari na kayong mamuhay muli nang may bagong mga espiritu at huwag na muling magkasala. Tandaan na bilang karagdagan sa pag-iiwas sa pagkakasala, kailangan na gawin ninyo ang mga gawain ng hustisya nakatuon sa ganap na pagkansela ng inyong pagkakautang sa mga mata ng Diyos, at dahil dito ang inyong pagtitika ay kailangan na patuloy, sapagkat ang inyong pagkakautang ay totoo ngang mabigat! Sa iyo lalo na hinggil sa lahat na pinag-uutos ng Panginoon. Isipin ang tungkol dito at makikita mo na ni isa sa mga ito ay hindi kasali. Nakalimutan mo ang tungkol sa Diyos, ginawa mo ang iyong kahalayan na iyong diyus-diyusan, ginawa mo ang mga kapistahan na araw na maging iyong kahibangan na pag-istambay, sinaktan at nilapastangan mo ang iyong ina, tumulong ka sa pagpatay at ginusto mong pumatay, kumitil ka ng buhay at ginusto mong pagnakawan ang isang ina ng kanyang anak, pinagkaitan mo ang apat an mga bata ng kanilang ama at ina, naging mahalay ka, nagbigay ka ng saksi ng kasinungalingan, pinagnasaan mo ang babae na tapat sa kanyang patay na asawa, pinagnasaan mo ang pag-aari ni Abel, kung kaya't ibig mo siyang patayin para makuha mo ito.»

Si Aser ay umuungol sa bawat pangungusap: «Totoo iyan, totoo iyan!»

«Katulad sa nakikita mo, ang Diyos ay ginawa ka na sanang isang abo nang hindi ka na pinarurusahan. Pinagpaliban ka upang sana makapagligtas Ako ng isa pang tao. Ngunit binabantayan ka ng mga mata ng Diyos at ang Kanyang katalinuhan ay nakakaalaala. Lakad» at Siya ay tumalikod at bumalik sa palumpungan malapit kina Abel at Juan, na nanilungan sa ilalim ng mga punungkahoy sa tabi ng bundok.

At ang dalawang lalaki, sira pa rin ang hitsura, baka ngumingiti – ngunit sino ba ang makapagsasabi kung kailan ngumingiti ang isang ketongin? – na may tipikal na tili na metal na tunog ng isang paputul-putol ng tinig ng mga ketongin ay isinasahimig ang salmo 114 na may biglaan na pagbabago ng tunog, habang bumababa si Jesus sa bundok sinusundan ang mapanganib na landas...

«Sila ay masaya!» sabi ni Juan.

«Ako ay masaya din, sabi ni Abel.

«Akala ko pagagalingin Ninyo sila kaagad» sabi ni Juan muli.

«gayon din ang akala ko, katulad ng dati Ninyong ginagawa.»

«Sila ay malalaking makasalanan. Ito ang makatarungan na paghihintay para sa mga nagkasala nang labis. Ngayon makinig, Ananias...»

«Ang aking pangalan ay Abel, Panginoon» sabi ng nasorpresang bata-pang lalaki at tinitingnan niya si Jesus, na tila tinatanong niya ang kanyang sarili: «Bakit Siya nagkakamali?»

Si Jesus ay ngumingiti at nagsabi: «Ikaw ay si Ananias sa Akin, sapagkat ikaw ay tila ngang pinanganak ng kabaitan ng Panginoon. Maging ganyan nang lalu’t lalo pa. At makinig. Sa pagbabalik mula sa mga Tabernakulo pupunta ka sa bayan mo at sabihan ang ina ni Aser kung ano ang ipinasya ng kanyang anak at iyon ay kailangan na maisagawa kaagad, binibigay ang lahat sa pagbabayad-kasalanan binabawasan ng ikapu. At iyan dala ng awa para sa matandang ina na kailangan na umalis sa Bethlehem ng Galilee kasama ka at pumunta sa Ptolemais, sa paghihintay para sa kanyang anak, na sasama sa kanya at sa iyo kasama ang kanyang kasamahan. Pagkatapos na maiwanan ang babae nang may kasamang ilang mga disipulo sa bayan, lalakad ka at kukunin kung ano ang kinakailangan para sa mga puripikasyon ng mga ketongin at aalis ka lamang kung ang lahat ay tapos na. Tiyakin na ang pari ay isang walang nalalaman tungkol sa kanilang nakaraan, at kumuha ng mula sa isang ibang bayan.»

«At pagkatapos?»

«Babalik ka pagkatapos sa iyong tahanan o samahan ang mga disipulo. At ang dalawang lalaki na napagaling, ay kukunin ang daan ng pagbabayag kasalanan. Sinasabi Ko lamang kung ano ang kinakailangan, iniiwan Ko ang tao nang malaya na kumilos pagkatapos...»

At sila ay nagpapatuloy sa pagbaba, nang hindi napapagod, sa kabila ng kagaspangan na daan at ng init ng araw... nang walang kapaguran at walang pag-uusap-usap nang matagal.

Pagkatapos pinutol ni Abel ang katahimikan nagsasabing: «Maaari ba akong humingi ng isang grasya Ninyo, Panginoon?»

«Alin?»

«Na ako ay makapunta sa aking bayan. Nalulungkot akong iwanan ko Kayo. Ngunit ang ina na iyon...»

«Lakad. Ngunit huwag kang maantala. Makakaabot ka sa Herusalem sa tamang oras lamang.»

«Salamat sa Inyo, Panginoon! Matatagpuan ko lamang bagkus ang kanyang kaawa-awang kaluluwa, nahihiya dahil sa lahat, mula nang nagkasala si Aser. Ngunit ngingiti siyang muli. Ano ang aking sasabihin sa ngalan Ninyo?»

«Na ang kanyang mga luha at panalangin ay nakakuha ng grasya at na ang Diyos ay pinasisigla siya na umasa nang umasa nang lalu’t lalo pa at na siya ay Kanyang pinagpapala. Ngunit bago tayo maghiwalay, tumigil tayo nang isang oras. Hindi hihigit. Hindi ito ang oras upang tumigil. Pagkatapos kukunin mo ang iyong daan, si Juan at Ako ang Akin, kinukuha ang mas maiikling daan. At ikaw, Juan, ay uuna sa Akin, patungo sa Aking Ina. Dadalhin mo sa Kanya ang bag na ito na naglalaman ng mga damit at babalik ka dala ang mga delanang damit. Sasabihin mo sa Kanya na ibig Ko Siyang makita at na Ako ay maghihintay para sa Kanya sa kakahuyan ni Mattathias, ang isa na pag-aari ng kayang asawa. Alam mo ito. Magsalita sa Kanya nang nag-iisa at bumalik ka kaagad.»

«Alam ko kung nasaan ang kakahuyan. At papaano Kayo? Mananatili ba Kayong nag-iisa?»

«Mananatili Akong kasama ang Aking Ama. Huwag matakot» sabi ni Jesus tinataas ang Kanyang kamay at pinapatong ito sa ulo ng Kanyang minamahal na disipulo, na nakaupo sa damo sa tabi Niya. at ngumingiti Siya sa kanya nagsasabing: «Ngunit kinakailangan na tayo ay naroroon na pagdating ng gabi...»

«Guro, kapag gusto kong magawa ko Kayong masaya, hindi ako napapagod. Alam Ninyo iyan. At ang pumunta sa Inay!... nararamdaman ko na tila ang mga anghel ay dinadala ako. Ngunit ito ay hindi napakalayo.»

«Kung ano ang ginagawa ng isa nang may lugod ay hindi kailanman malayo... Ngunit palalampasin mo ang gabi sa Nazareth.»

«At Kayo?»

«At Ako... mananatili Akong kasama ang Aking Ama pagkatapos na makasama Ko ang Aking Ina nang maikling sandali. At Ako ay lalakad pagsikat ng araw, kinukuha ang daan ng Tabor, nang hindi na pinapasok ang Nazareth. Nalalaman mo na Ako ay kailangan na nasa Jezreel pagsikat ng araw sa makalawang araw.»

«Magiging pagod-na-pagod Kayo, Guro. Pagod-na-pagod na nga Kayo, Guro.»

«Magkakaroon tayo ng panahon na makapagpahinga sa taglamig. Huwag mag-alala. At huwag umasa na kayo ay makapag-eebanghelyo lagi, sa kapayapaan, katulad ng nagagawa ninyo rito. Magkikita tayo nang maraming mga pagka-antala...» Itinungo ni Jesus ang Kanyang ulo nang nag-iisip, kinakain nang paunti-unti ang Kanyang kapiraso ng tinapay upang masamahan lamang ang dalawang disipulo – mga bata-pang katulad nila at masaya na makasama ang Guro kumakain sila nang may gana – kaysa mapunuan ang Kanyang sariling pagkagutom. Sa katunayan tumigil Siya sa pagkain at naging nakalubog sa tahimik at malalim na pag-iisip, na iginagalang ng dalawa nagpapahingang tahimik sa loob ng ihip ng hangin ng bundok, na ang kanilang walang-saplot na mga paa nasa malamig na damuhan na tumubo sa paligid ng mga paanan ng malalaking punungkahoy. At sila ay makakatulog din, ngunit itinaas ni Jesus ang Kanyang ulo at nagsabi: «Tayo na. Maghihiwalay tayo sa sangandaan.»

At pagkatapos na matalian ang kanilang mga sandalyas sila ay lumakad. Ang lilim sa loob ng kakahuyan at ang hangin na umiihip mula sa hilaga ay natutulungan sila na matagalan nila ang maalinsangan na init ng mainit na oras ng araw, bagama't hindi ito pinakamainit katulad ng kainitan na mga buwan ng tag-init.

290711

 

 


Sunod na kabanata