475. Si Jesus at ang Kanyang Ina sa Loob ng Kakahuyan ni Mattathias.

Agosto 21, 1946.

Si Jesus ay nag-iisa. Nag-iisa sa loob ng medyo hungkag na hugis na mataas-na-kapatagan, na sa pamamagitan ng medyo ngunit patuloy na mga pag-alun-alon ay tumataas sa mga dalisdis ng mga burol na nakapaligid sa lawa ng Galilee, na aking nakikita sa ibaba, sa kanan, habang nagiging madilim ang magandang asul na tubig nito, dahil sa parating na paglubog-ng-araw na nag-aalis sa maningning na nagkikislapan na mga sinag-ng-araw mula sa malawak na ibabaw ng lawa. Sa likuran ng libis, pagawing hilaga ay ang mga bundok ng Arbela, at sa mas malayo pa sa likuran, sa kanila ng lawa, ay ang mas matataas na bundok ng Meron at Giscala. Sa gawing hilagang-silangan, sa malayo, ay ang malaking mahestuwusong Great Hermon, saan mang tabi ito tingnan ng isa, na ang pinakamataas na taluktok nito ay kakaibang napaliliwanag ng lumulubog na araw, upang ang kanlurang tabi nito ay isang malarosas na topasyo ang kulay, habang ang natitira ay isang mala-opalo ang kulay na humahantong sa walang-katiyakan na ma-niyebe na pagka-asul na hitsura na nakikita ko nang minsan sa aming mga Alps sa mga hangganan.

Iyan ang aking nakikita nakatingin sa hilaga at kung ako ay lilingon sa kanan madali kong makita ang lawa sa ibaba, sa kaliwa, at ang mas matataas na burol na humaharang sa tanawin ng kapatagan sa tabi ng baybayin. Ngunit kung ako ay haharap sa timog makikita ko ang Tabor sa likuran ng makikinis na burol na tiyak na ang mga burol na pumapaligid sa Nazareth. May isang maliit na bayan sa ibaba, sa ilalim, malapit sa napaka-abalang daan kung saan ang mga tao ay nagmamadali upang marating ang kanilang titigilan na mga lugar.

Si Jesus ay hindi tinitingnan ang aking tinitingnan, naghahanap lamang Siya ng mauupuan na lugar at pinili Niya ang nasa paanan ng isang napakatibay na punungkahoy ng holm-oak na ang kaninong madadahon na mga sanga ay napoprotektahan sa maiinit na araw ang tumutubong mga damo sa lupa sa paligid nito, kung kaya't ang damo ay luntian at makapal, na tila ang nanununog na tag-init ay hindi dumaan doon. Kung gayon ang lawa ay nasa harapan ni Jesus, at sa Kanyang tabi, sa gitna ng mga punungkahoy, ay ang landas mula kung saan Siya umakyat, sa katapat na tabi  ay ang umaalun-alon na lupa na pumapaligid sa hilagang bahagi ng libis na punó ng mga parang at mga kakahuyan, kung saan Siya naroroon, at na ganap na berde, sapagkat ang karamihan sa mga punungkahoy ay holm-oak, ibig sabihin magpakailanman-berde hindi apektado ng taglagas. Tanging dito at doon lamang nagpapakita ito ng mapupulang mga pulu-pulo, kung saan ang mga dahon ay nagbabago ng kulay bago bumagsak, binibigyan-daan ang mga bagong dahon, na mga tumutubo na sa embriyon na kalagayan malapit sa natutuyong mga dahon.

Si Jesus ay pagod na pagod at sumasandal sa malakas na punungkahoy at nananatiling gayon sa loob ng mga ilang sandali na ang Kanyang mga mata nakasarado, upang makapagpahinga. Pagkatapos kinuha Niya ang Kanyang pangkaraniwan na hitsura, tinitikal ang Kanyang likod sa puno, medyo humilig nang paharap, ang Kanyang mga siko nasa Kanyang mga tuhod, ang Kanyang mga braso nakaunat nang paharap, ang Kanyang mga kamay magkakapit na ang mga daliri makakasalabid. Siya ay nag-iisip. Siya ay tiyak na nagdarasal. Paminsan-minsan kapag Siya ay nakakarinig ng ingay – mga ibon na nag-aaway sa mapagpapahingahang lugar para sa gabi, ilang mga hayop sa gitna ng damuhan nagagawa ang isang bato na gumulong sa tabi ng bundok, isang sanga na nilipad ng isang bukso ng hangin tumatama sa isa pang sanga – tinataas Niya ang Kanyang mga mata, at sa pamamagitan ng isang nag-iisip na sulyap na tiyak na hindi nakakakita, titingin Siya sa direksiyon ng tunog, nag-iisip kung iyon ay nanggagaling sa maliit na landas na umaakyat sa pagitan ng mga puno ng holm-oak. Pagkatapos ibababa Niya muli ang Kanyang mga mata nakatuon sa Kanyang sarili. Dalawang beses Siyang maasikasong tumingin sa lawa na nasa loob na ng lilim, pagkatapos ibinaling Niya ang Kanyang ulo nakatingin nang pagawing kanluran kung saan ang araw ay nakalubog na sa likuran ng makakahoy na burol. Sa ikalawang beses Siya ay tumayo at naglakad patungo sa landas upang tingnan kung may umaakyat, at pagkatapos bumalik Siya sa Kanyang lugar.

Sa wakas ang tunog ng mga yapak ay narinig at dalawang pigura ang lumitaw: si Maria nakasuot ng madilim na asul na damit at si Juan kargado ng mga bag. Si Juan ay tumawag nang dalawang beses: «Guro!» at nang si Jesus ay kaagad nakalingon sinabi niya: «Naririto ang Inyong Ina» at tinulungan niya Siya sa pagtawid sa isang maliliit na daloy ng tubig at sa paghakbang sa ilang malalaking bato na inilagay sa landas upang may matulayan at maging komportable para sa mga tao ang pagtaas at pagbaba, samantalang sa katunayan ang mga batong ito ay mga pagkakahulugan para sa mga taong nakasuot ng magagaan na sandalyas.

Si Jesus ay tumayo kaagad upang salubungin ang Kanyang Ina at matulungan Siya kasama si Juan na maakyat ang mga bato ng gumuhong tuyong pader, na ginawa upang makasuporta sa kapatagan na nasa itaas. Sa katunayan tanging ang mga ugat lamang ng mga punong holm-oak ang gumagawa nito. Si Maria ay akay na ng Kanyang Anak Na nakatingin sa Kanya at nagtanong: «Pagod ba Kayo?»

«Hindi, Jesus» at Siya ay ngumingiti kay Jesus.

«Ngunit sa palagay Ko Kayo ay totoong pagod. Nalulungkot Ako na pinapunta Ko Kayo rito. Ngunit hindi Ako makakapunta sa Inyo...»

«O! Hindi na bale, Anak. Ako ay naiinitan nang kaunti. Ngunit maganda rito... Ngunit pagod na pagod Ka, at ang kaawa-awang si Juan din...»

Ngunit iniiling ni Juan ang kanyang ulo ngumingiti at ibinababa ang isang maayos na pagka-impakeng bag ni Jesus at ang kanya sa damo, sa paanan ng punong holm-oak at siya ay umalis nagsasabing: «Ako ay pupunta sa ibaba. Nakakita ako ng isang maliit na pontanya. Palalamigan ko ang aking sarili sa tubig nito. Ngunit kailangan na tawagin Ninyo ako, maririnig ko Kayo» at siya ay umalis iniiwan na libre ang Dalawa.

Si Maria ay inalis ang tali ng Kanyang manta at inaalis ang Kanyang belo pinupunas sa pamamagitan nito ang buu-buong pawis sa Kanyang noo. Tinitingnan Niya si Jesus at nginingitian Niya Siya, dahil si Jesus ay ngumingiti rin sa Kanya habang hinahaplos Niya ang Kanyang kamay at dinidiin ito sa Kanyang pisngi upang ito ay mahaplos. Siya ay napaka «malambing na anak» sa itsurang iyon na nakita ko na na Kanyang ginawa nang hindi lamang minsan! Pinalaya ni Maria ang Kanyang kamay at inaayos Niya ang buhok ni Jesus, inaalis ang isang maliit na kapiraso ng kahoy mula sa mga kulot ni Jesus, at ang bawat galaw ng Kanyang mga daliri ay isang haplos, na siyang ang pagmamahal mula kung saan ang haplos  ay ginawa. At sinabi ni Maria: «Pinagpapawisan Ka, Jesus. Ang Iyong manta ay basa sa mga balikat, na tila nanggaling Ka sa ulan. Ngunit mapapalitan Mo na iyan ng bago ngayon. Iuuwi Ko ang isang ito. Ang sikat ng araw at ang alikabok ay pinakupas ang kulay nito. Naihanda Ko na ang lahat, at... Sandali lang! Alam Ko na kakakain Mo pa lamang: isang mumo ng panis na tinapay at isang dakot ng mga olibo, na maalat-na-maalat na sumasabit ito sa Iyong lalamunan. Ako ay sinabihan ni Juan na wala nang ginawa bagkus ang uminom nang uminom mula nang siya ay dumating kaagad. Ngunit nagdala Ako para sa Iyo ng isang bagong tinapay. Kalalabas Ko pa lamang niyan mula sa pugon, at isang pulot-pukyutan na kinuha Ko mula sa bahay pukyutan kahapon, upang ibigay ito sa mga anak ni Simon. Ngunit marami pa Akong pulot para sa kanila. Kunin Mo ito, Anak. Galing iyan sa ating bahay...» At Siya ay yumuko upang buksan ang bag, kung saan, sa ibabaw ng lahat ng laman nito, ay may isang uway na basket na may laman ng ilang prutas sa ibabaw kung saan naroon ang isang bahay-pukyutan nakabalot sa isang mahabang dahon ng baging, at binibigay Niya ang lahat sa Kanyang Anak kasama ang ilan na malutong na tinapay.

At habang kumakain si Jesus, nilalabas ni Maria mula sa bag ang mga damit na Kanyang inihanda para sa taglamig na mga buwan; ito ay mabibigat at maiinit tamang-tama maprotektahan ang isa pagkakasakit sa sipon at  sa ulan at pinakikita Niya ito kay Jesus, Na nagsabi: «Gaanong trabaho, Inay! Nasa Akin pa ang mga damit noong nakaraang taglamig...»

«Kapag ang mga lalaki ay malayo sa kanilang mga babae, kailangan na ang lahat ay bago, para wala silang dapat na sulsihin, upang sila ay maramtan nang tama. Ngunit wala Akong sinayang na kahit na ano. Ang mata Kong ito ay ang Iyong luma, na Aking pinaikli at tinina ulit. Maganda pa ito para sa Akin. Ngunit hindi para sa Iyo. Ikaw ay si Jesus...»

Imposibleng masabi kung ano ang nasa pangungusap na ito. «Ikaw ay si Jesus». Isang simpleng pangungusap. Ngunit ang lahat na pagmamahal ng Ina, ng disipulo, ng unang-panahon na mga Hebreong babae para sa Ipinangakong Mesiyas, ng mga kababaihang Hebreo ng pinagpalang panahon kung kailan namuhay si Jesus, ay nasa loob ng kaunting mga salitang iyon. Kung ang Ina ay pinagpatirapa ang Kanyang Sarili sa pagsamba sa Kanyang Anak bilang Diyos, ang Kanyang pamimitagan ay sana naging isang pamimitagan na limitado. Ngunit ang Kanyang mga salita ay isang bagay na mas mahigit pa kaysa sa pormal na pamimitagan ng mga tuhod na bumabaluktot, ng isang noo na lumalapat sa lupa: dito nandito ang buong pagkatao ni Maria Mismo. Ang Kanyang laman, isip, puso, espiritu, pagmamahal, sinasamba nang ganap at perpekto ang Diyos-Tao.

Wala pa akong nakita na mas mahigit pa, mas absuluto pa kaysa sa mga adorasyon na ito ni Maria para sa Salita ng Diyos, Na Kanyang Anak, at na Kanyang laging maaalaala na Kanyang Diyos. Wala sa mga tao na aking nakita na sumasamba sa kanilang Tagapagligtas, pagkatapos na sila ay mapagaling o makumberti ni Jesus, ni sa mga pinaka marurubdob na tao, ni kahit pa sa mga tao na di-sinasadyang maarte sa kanilang pagpapahatid ng pagmamahal, ang mayroon ng ganitong pagsamba. Nagmamahal sila nang ganap, ngunit laging bilang mga nilikha na nagkukulang ng kung anong bagay upang maging perpekto. Si Maria ay nagmamahal, mangangahas akong sabihin, nang banal. Nagmamahal Siya nang higit pa kaysa sa isang nilikha. O! Siya nga ay ang anak-na-babae ng Diyos malaya sa pagkakasala! Iyan kung bakit nakapagmamahal Siya nang ganyan!... At aking naiisip kung ano ang nawala ng tao sa kagagawan ng orihinal na Kasalanan... Naiisip ko kung ano ang ninakaw sa atin ni Satanas sa pamamagitan ng pangingibabaw niya sa ating Unang mga Magulang. Napagkaitan niya tayo ng kapangyarihan na mamahal ang Diyos katulad ng pagmamahal ni Maria sa Kanya... Napagkaitan niya tayo ng kapangyarihan ng pagmamahal nang mabuti.

Habang pinagninilayan ko ang mga bagay na ito pinagmamasdan ang perpektong Magkasama, si Jesus, pagkatapos ng Kanyang pagkain, ay naupo sa damo sa paanan ni Maria, nakapahinga ang Kanyang ulo sa ibabaw ng mga tuhod ni Maria katulad ng isang pagod na anak na naninilungan malapit sa tanging tao na makapagpapaginhawa sa kanya. At hinahaplos ni Maria ang buhok ni Jesus, hinihipo nang magaan ang makinis na noo Niya. Tila ibig Niyang mawala ang lahat na kapaguran at ang lahat na kapighatian na nasa Kanyang Anak sa pamamagitan ng Kanyang mga haplos. Si Jesus ay isinara ang Kanyang mga mata at si Maria ay tumigil sa paghaplos sa Kanya; nananatili Siyang nakapatong ang Kanyang kamay sa ulo ni Jesus, nakatinging sa harapan Niya, nag-iisip pa rin. Baka iniisip ni Maria na si Jesus ay makakatulog. Si Jesus ay pagod-na-pagod...

Ngunit si Jesus ay binukas ang Kanyang mga mata muli kaagad. Nakita Niya na dumidilim na. Nabatid Niya na hindi posible na patagalin ang oras na iyon ng kaginhawahan, kung kaya't tiningala Niya ang Kanyang ulo, nakaupo pa rin sa Kanyang kinaroroonan at Siya ay nagsabi: «Alam ba Ninyo, Inay, kung saan Ako nanggaling?»

«Oo. Alam Ko. Sinabi sa Akin ni Juan. Dalawang kaluluwa na bumabalik sa Diyos. Isang lugod para sa Iyo at sa Akin.»

«Oo. At Ako ay bababang patungo sa Herusalem kasama ang lugod na iyan.»

«Upang mapunuan ang kabiguan na tinanggap Mo noong araw din ng ating paghiwalay.»

«Papaano Ninyo nalalaman? Sinabi ba ni Juan sa Inyo? Siya lamang ang tanging nakaaalam...»

«Hindi. Tinanong Ko tungkol diyan. Ngunit si Juan ay tumugon: “Makikita Ninyo Siya bago magtagal. Tanungin Ninyo Siya”.»

Si Jesus ay ngumingiti nagsasabing: «Si Juan ay tapat.»¹ Nagkaroon ng pagtigil, pagkatapos nagtanong si Jesus: «Kung gayon, sino ang nagsalita sa Inyo tungkol dito?»

«Hindi sa Akin. Ilang,,, mga kalalakihan ang pumunta sa Iyong kapatid na si Jose. At... siya ay pumunta sa Akin. Siya ay medyo pa rin... Oo, Anak. Laging mas mabuti na ang magsalita ng katotohanan. Siya ay medyo balisa pagkatapos na makita Ka sa Capernaum at lalo na pagkatapos ng kanyang pakikipag-usap kay Judas at kay Santiago. Sila ay nagkita noong Ikaw ay wala at si Santiago din, hindi, bagkus, lalo na si Santiago, ay mahigpit... Mahigpit na mahigpit... Sasabihin Kong napakahigpit. Ngunit ang Eternal na Ama Na laging mabuti ay nakakuha ng ilang mabuti mula sa kanilang pagkakaiba, Tiyak iyon sapagkat iyon ay pagkakaibang nanggagaling sa dalawang pinagmumulan ng pagmamahal. Magkaiba, siyempre, ngunit pagmamahal pa rin. Di-perpekto, iyan ay totoo. Sapagkat kung sila ay naging perpekto, kung kahit isa man lamang na pinagmumulan ay perpekto, hindi sana iyon umabot sa pagkakagalit... Galít ay baka napakalakas na isang salita upang isalarawan ang tiyempo ni Santiago, ngunit siya ay tiyak na napakahigpit... Tiyak na napaalalahanan Mo sana siya na maging mapagkawanggawa. Hindi Ako sumang-ayon, ngunit tiniis Ko siya sapagkat naintindihan Ko kung ano ang nagpapabalisa sa kahit-kailanman mapasensiyang si Santiago. Ang isa ay hindi makakaasa na siya ay maging perpekto... Siya ay isang tao. At siya ay labis na isang tao pa rin. O! mahaba pa ang kailangang lakarin ni Santiago bago siya maging kasing makatarungan katulad ng Aking si Jose!... Nalalaman niya... kung papaano niya pipigilan ang kanyang sarili at maging laging mabuti...

Ngunit Ako ay napapalayo! Nagsasalita Ako ng tungkol sa di[perpektong pagmamahal ng dalawa para sa Iyo – sapagkat minamahal Ka nila nang labis. Si Jose din ay minamahal Ka nang labis, bagama't sa unang tingin tila hindi ito ganito. Totoong pagmamahal para sa Iyo ang lahat na pangangalaga niya sa Akin, isang kaawa-awang babae. At ito ay pagmamahal para sa Iyo ang kanyang pamamaraan ng pag-iisip bilang isang lumang Israelita, matatag sa kanyang mga idea katulad ng kanyang ama. Ibibigay niya ang lahat upang makita Kang minamahal ng lahat! Sa kanyang pamamaraan... siyempre.... Ngunit binabalikan ang pangyayari, kailangan sabihin Ko sa Iyo na si Jose, na hindi nasaktan ng matatag na asal ni Santiago, ay nagsimulang pumunta sa Akin araw-araw. At alam Mo ba kung bakit? Upang sana maipaliwanag Ko sa kanya ang mga Iskriptura “ayon sa pagkaintindi Ninyo at ng Inyong Anak” sabi niya. Ang ipaliwanag ang mga Iskriptura sa liwanag ng Katotohanan!... Ito ay hindi madali kung ang nakikinig sa iyo ay isang Jose ni Alfeo ibig sabihin, isa na matatag na naniniwala sa temporal na kaharian ng Mesiyas, sa Kanyang maharlikang kapanganakan at sa napakaraming iba pang mga bagay!

Ngunit iyon ay ang kanyang sariling pagmamalaki ang nakatulong sa Akin upang magawa siyang tanggapin ang idea na ang Hari ng Israel ay kailangan na manggaling sa maharlikang ninuno, manggaling sa semilya ni David, iyon nga, ngunit hindi kinakailangan para sa Kanya na ipanganak sa loob ng isang maharlikang palasyo.  Siya... o! gaano siya mapagmalaki na nanggagaling sa semilya ni David! Marami Akong sinabi sa kanya sa mabait na pamamaraan... at nagawa Kong baguhin niya ang idea na iyon. Ngayon ay tinatanggap na niya, ayon sa mga hula, na Ikaw ang hinulaan na isa. Ngunit... o! hindi sana Ako naging matagumpay sa pagkumbinsi sa kanya na ang Iyong totoong kadakilaan ay eksaktong nasa pagiging ang Hari ng espiritu, ang tanging bagay na magagawa Kang ang pansansinukuban at eternal na Hari, kung ang mga tao ay hindi dumating sa dalawang pagkakataon sa paghahanap para sa kanya... Ang una, ang mga taga-Capernaum pa rin kasama ang iba pa, pagkatapos na tuksuhin siya sa pamamagitan ng nakasisilaw na mga pangako ng kasikatan para sa buong sambahayan, nakikita na hindi siya masyadong papayag sa kanilang mga minumungkahi – umaasa na mapipilit Ka niya at mapipilit niya Ako na gawin Kang tumanggap ng isang korona – nang mabisto sila noong magsimula silang manakot sa kanya...  Ang dating patagong mga pagbabanta na ginagamit nila. Matatalas na patalim nakabalot sa malambot na delana upang magawa itong tila hindi makasasakit... At si Jose tumugon nagsasabing: “Ako ang pinakapanganay, ngunit Siya ay nasa edad na at hindi pa ako nasabihan kailanman na sa loob ng aming pamilya ay may mga tanga o mga baliw. Sa loob ng dalawampung taon, mula nang Siya ay nagka-edad, nalalaman Niya kung ano ang Kanyang ginagawa. Kung kaya't pumunta kayo sa Kanya at tanungin Siya, at kung Siya ay di-pumayag, hayaan Siyang mag-isa sa kapayapaan. Pinananagutan Niya ang Kanyang mga ginagawa”.

Pagkatapos ang ilan sa Iyong mga disipulo ay dumating, bispiras pa lamang noon ng Sabbath... Tinitingnan Mo ba Ako, Anak? Pahintulutan Mo Akong huwag banggitin ang kanilang mga pangalan, ngunit hayaan Mong sabihin Ko sa Iyo upang mapatawad sila... Ang isang anak na kailangan na magbuhat ng kanyang mga kamay laban sa kanyang matandang ama, ang isang Levita na kailangan na lapastanganin ang altar at matakot sa galit ni Jehovah, ay hindi magiging katulad nila... Sila ay nanggaling sa Capernaum kung saan naghahanap sila para sa Iyo... Dumating sila na dumaan sa tabi ng lawa mula Capernaum patungong Magdala at pagkatapos patungong Tiberias umaasa na matatagpuan Ka nila. At nasalubong nila si Hermas at si Stephen, na mga pababang Herusalem may kasamang ibang mga tao pagkatapos na maging mga panauhin ni Gamaliel sa loob ng mga ilang araw. Ayaw Kong ulitin kung ano ang kanilang sinabi, kung ano ang gusto nilang sabihin sa Iyo at nananabik na masabi sa Iyo.  Ngunit ang kanilang mga salita ay nakadagdag pang labis sa kapighatian ng mga disipulo na mga nailigaw hanggang sa punto na sumama sa mga taong ibig na magtaksil sa Iyo sa pamamagitan ng isang huwad na pagpapahid ng santo oleo. Si Jose ay kasama Ko nang sila ay dumating. At iyon ay isang mabuting pangyayari. O! si Jose ay hindi pa nararating ang Liwanag, ngunit siya ay nasa pamimitak na ng kanyang bukang-liwayway. Naintindihan ni Jose ang patibong at... ang ating Jose ay gustung-gusto Ka na niya ngayon.  Minamahal Ka niya, hindi Ako mangangahas na sabihin na iyon ay ayon sa tamang pamamaraan, ngunit bilang man lamang isang adultong kamag-anak na naghihirap dahil sa Iyong paghihirap, na nag-aalala para sa Iyong kaligtasan, na nakakakilala sa Iyong mga kaaway...

Iyan kung bakit Ko nalaman kung ano ang kanilang ginawa sa Iyo, Anak. Isang kapighatian... at isang lugod sapagkat mahigit sa isa ang nakakilala para sa kung ano Ikaw. Ganyan na kapighatian at lugod para sa Iyo at para sa Akin. Ngunit pinatatawad natin ang lahat, hindi ba? Pinatawad Ko na ang mga nagsisi, hanggang sa ipinahihintulot sa Akin na magpatawad.»

«Inay, pinatawad na rin sana Ninyo sila sa katauhan Ko. Sapagkat pinatawad Ko na sila dahil nakita Ko ang kanilang mga puso. Sila ay mga tao... Ang Inyong sinabi ay tama!... Ngunit nasa Akin din ang lugod na nakikita si Jose na nagpapatuloy patungo sa bukang-liwayway ng totoong Liwanag...»

«Oo. Umaasa siya na makita Ka niya. Kailangan na makita Mo siya. Siya ay wala ngayon hanggang sa paglubog-ng-araw. At malulungkot siya sa hindi sa Iyo pagkakita. Ngunit makikita Ka niya sa Herusalem.»

«Hindi, Inay. Hindi Ako mananatili sa Herusalem upang makita sana Ako ng mga tao. Kailangan Kong ebanghelyuhan ang Siyudad ang mga karatig na mga nayon, at Ako ay kanila kaagad palalayasin kung makita nila Ako. Kung kaya't kailangan Kong kumilos katulad ng isang gumagawa ng masama, samantalang gusto Ko lamang makagawa ng mabuti... Ngunit ganyan ito.»

«Kung gayon, hindi Mo makikita si Jose? Siya ay aalis bukas para sa mga Tabernakulo. Makapaglalakbay sana kayo nang magkasama...»

«Hindi Ko magagawa...»

«Ikaw ba ay kanila nang inuusig nang napakahigpit, Anak?» Gaanong pagkabalisa ang nasa tinig ng Ina.

«Hindi, Inay. Hindi. Hindi hihigit pa sa dati. Matiyak Kayo. Sa kabaligtaran... mabubuting mga espiritu ang pumupunta sa Akin. Ang iba, na hindi mabubuti, ay tumitigil at nagninilay-nilay, samantalang dati sila ay humahampas nang walang kahit anong dahilan, ang mga disipulo ay dumarami, ang iba pa ay umuunlad sa kanilang espirituwal na pagsasanay, ang mga apostol ay nagiging mas perpekto. Hindi Ko tinutukoy si Juan: siya ay laging isang grasya na ipinagkaloob sa Akin ng Ama, ang ibig Kong sabihin si Simon ni Jonah at ang iba pa. Si Simon ay nagbabago araw-araw mula sa pagiging isang tao na katulad niya dati patungo sa pagiging isang apostol, at nalalaman Ninyo kung ano ang ibig Kong sabihin. At nabibigyan niya Ako ng labis na lugod. At sina Natanael at Felipe ay napalalaya ang kanilang mga sarili mula sa pagkakatali sa kanilang mga idea. At si Tomas at... Ngunit ano ba ang Aking sinasabi? Lahat sila. Oo, maniwala sa Akin. Silang lahat ay mabuti sa kasalukuyan: sila ang Aking lugod. Kailangan na huwag Kayong mag-alala dahil nalalaman Ninyo na kasama Ko sila: sila ang mga kaibigan, ang mga tagapagpaginhawa, ang mga tagasuporta ng Inyong Anak. Sana labis Kayong ganyan na pinagsasanggalang at minamahal!»

«O! Nasa Akin si Maria. Nasa Akin ang mga asawa nina Jose at Simon at sila rin at ang kanilang mga anak. Mayroon Akong mabuting si Alfeo. At pagkatapos, sino ba sa Nazareth ang hindi nagmamahal kay Maria ng Nazareth? Kailangan na huwag Kang mag-alala... Ang isang buong nayon ay nagmamahal sa Iyong Ina.»

«Ngunit hindi pa nila Ako minamahal, maliban sa ilang mga tao. Alam Ko at nalalaman Ko na ang kanilang pagmamahal para sa Inyo ay dala ng awa na mararamdaman para sa isang Ina ng isang baliw na lagalag. Ngunit nalalaman Ninyo na Ako ay hindi ganito at na minamahal Ko Kayo. Nalalaman Ninyo na ang humiwalay sa Inyo ay, hindi Ko sasabihin ang pinakamalala, bagkus ang pinaka nagmamahal na namigmighating pagsunod na hinihiling ng Ama sa Akin...»

«Oo, Anak! Alam Ko. Ngunit wala Akong kahit anong ikinalulungkot. Tiyak na gusto Kong makasama sa Iyo, mas gusto Kong makasama sa Iyo, sa maputik na mga daan, nakalantad sa mga hangin, natutulog sa bukas na mga lugar, inuusig, pagod, walang isang matuluyan at isang paapuyan, na walang tinapay, katulad na Ikaw ay madalas, kaysa nasa loob ng Aking bahay, habang Ikaw ay malayo, at hindi Ko nalalaman kung papaano Ka na, kapag iniisip Ko ang tungkol sa Iyo. Kung Ikaw ay kasama Ko at Ako kasama Mo hindi Ka  masyadong maghihirap at hindi Ako masyadong maghihirap... Sapagkat Ikaw ay Aking Anak at lagi na Kitang mayayakap at ipagsanggalang Ka sa ginaw, sa matitigas na bato, at higit sa lahat sa matitigas na puso, sa pamamagitan ng Aking pagmamahal, Aking dibdib, , Aking mga kamay. Ikaw ay Aking Anak. Naidikit Kitang matagal sa Aking dibdib sa loob ng gruta, sa paglalakbay patungo sa Ehipto at sa pagbabalik, lagi kapag ang mga panganib ng panahon at ng mga patibong ng mga tao ay baka masaktan Ka. Bakit hindi Ko ito magawa ngayon? Ako kaya ay baka hindi na ang Iyong Ina, sapagkat ngayon Ikaw ay ang Tao na? Kung gayon ang isang ina ba ay hindi na maaaring ang siyang lahat para sa kanyang anak, sapagkat siya ay hindi na isang maliit na bata? Sa palagay Ko kung Ako ay kasama Mo hindi Ka nila masasaktan... sapagkat walang sinuman... Hindi. Ako ay tanga... Ikaw ang Tagapagtubos... at ang mga tao – napuna Ko ito – ay walang awa kahit para sa kanilang sariling mga ina... Ngunit hayaan Mong sumama Ako sa Iyo. Ang lahat ay mas maganda para sa Akin kaysa bilang malayo sa Iyo.»

«Kung ang mga tao ay mas mabait babalik ulit Ako sa Nazareth. Ngunit kahit na ang Nazareth... hindi na bale. Sila ay lalapit sa Akin. Sa pansamantala pupunta Ako sa ibang mga tao... At hindi Ko Kayo maisasama. Babalik lamang Ako rito kapag mabatid na nila kung sino Ako... Pupunta na Ako ngayon sa Judea... Aakyat Ako sa Templo... Pagkatapos mananatili Ako sa loob ng distrito na iyon... Pupunta ulit Ako sa Samaria. Magtatrabaho Ako kung saan mas maraming trabaho ang kailangan na magawa. Kung kaya't, Inay, pinapayuhan Ko Kayo na maging handa na masamahan Ako sa maagang mga oras ng tagsibol at manirahan malapit sa Herusalem. Mas madali para sa atin na magkita. Aakyat Ako patungo sa Decapolis muli at magkikita tayong muli... Umaasa Ako. Ngunit bilang isang panuntunan, mananatili Ako sa Judaea. Ang Herusalem ay ang tupa na nangangailangan ng mas maraming pangangalaga sapagkat siya ay totoong ang pinakamatigas ang ulo kaysa sa isang matandang lalaking tupa at mas malaway kaysa sa isang layas na barakong kambing. Pupunta Ako roon upang ikalat ang Salita katulad ng hamog na hindi kailanman napapagod na bumagsak sa katigangan nito...»

Si Jesus ay tumayo. Siya ay tumigil at tinitingnan ang Kanyang Ina Na tumititig sa Kanya nang maasikaso. Ginagalaw Niya ang Kanyang mga labì at iniiling ang Kanyang ulo sinabi Niya: «Mayroon pang kailangan na sabihin bago ang huling bagay... Inay, kung si Jose ay gustong makipag-usap sa Akin, gawin itong sa bukang-liwayway sa araw pagkaraan ng bukas sa daan na mula sa Nazareth ay patungong Jezreel daan ng Tabor. Pupunta Ako roon nag-iisa o kasama si Juan.»

«Sasabihin Ko sa kanya, Anak.»

Nagkaroon ng katahimikan, malalim na katahimikan, sapagkat ang mga ibon ay tumigil na sa pag-aaway sa pagitan ng madadahon na mga sanga at ang hangin din ay tahimik na habang lumalalim ang agaw-dilim. Pagkatapos si Jesus, Na tila nahihirapan na makita ang mga salita na kailangang sabihin sa huli, ay nagsabi: «Inay, ang Aking pagtigil-na-sandali ay tapos na... Isang halik, Inay. At ang Inyong pagpapalà.» Sila ay nagpalitan ng halik at pagpapalà sa isa’t isa.

Pagkatapos, si Jesus, sa pagyuko upang pulutin ang belo ng Kanyang Ina at tinatawag si Juan na tila ibig Niyang gawin ang mga salita na hindi masyadong mabigat, ay nagsabi: «Pagpunta Ninyo sa Judaea dalhin Ninyo sa Akin ang Aking pinakamagandang tunika. Ang isang Inyong hinabi para sa Akin para sa banal na mga kapistahan. Sa Herusalem Ako ay kailangan na maging “Guro” sa pinakamalapad na ibig-sabihin nito at mas tao rin sa pakiramdam, sapagkat ang mga saradong mapagkunwang mga espiritung iyon ay mas nakatingin sa kung ano ang nasa labas: sa mga kasuutan ng isa, kaysa sa nasa loob: sa doktrina ng isa. At sa gayon si Judas Iskariote din ay magiging masaya... at si Jose ay masisiyahan nakikita Ako sa loob ng isang maharlikang kasuutan. O! Ito ay magiging isang tagumpay! At ang damit na hinabi Ninyo ay mag-aambag...» at Siya ay ngumingiti upang mabawasan ang marahas na katotohanan na itinatago ng mga salitang iyon.

Ngunit si Maria ay hindi malilinlang. Siya ay tumayo at sumandal sa bisig ni Jesus bumubulalas: «Anak!» nang may gayong makabagbag damdamin na kapighatian na nagagawa akong maghirap. Si Jesus ay niyakap Siya at si Maria ay umiiyak sa dibdib ni Jesus.

«Inay, ito ang dahilan kung bakit Ko Kayo ibig na makausap sa oras na ito ng kapayapaan... Pinagkakatiwala Ko sa Inyo ang Aking lihim at kung ano ang pinakamahal sa Akin dito sa Lupa. Wala sa mga disipulo ang nakaaalam na hindi na tayo babalik sa mga bahaging ito ng kabukiran hanggang ang lahat ay napangyari na. Ngunit Kayo... Ako ay walang mga lihim sa Inyo... pinangako Ko sa Inyo, Inay. Huwag umiyak. Marami pa tayong mga oras na tayo ay magkakasama. Iyan kung bakit sinasabi Ko sa Inyo: “Pumunta sa Judaea”. Ang naroon Kayong malapit sa Akin ay mapupunuan Ako para sa pagkapagod na gawa ng pinaka mahirap na pag-eebanghelyo sa may mga pusong-bato na mga tao na humaharang sa Salita ng Diyos. Pumunta Kayo kasama ang mga Galilean na mga babaeng disipulo. Magiging malaking tulong Kayo sa Akin. Si Juan ang bahala para sa mga matutuluyan Ninyo at ng mga kasama Ninyo. Tayo ay magdasal na nang magkasama ngayon, bago tayo bumalik. Pagkatapos Kayo ay babalik sa nayon at darating din Ako, sa loob ng gabi...»

Sila ay nagdarasal nang magkasama at sila ngayon ay nasa mga huling mga salita na ng Ama Namin nang si Juan ay lumitaw at sa loob ng malabong liwanag, nang siya ay malapit na, nakita niya ang mga bakas ng mga luha sa mukha ni Maria at nagtataka. Ngunit hindi siya gumagawa ng anumang salita. Binabati niya ang Guro at nagsabi: «Sa pagsikat ng liwanag ako ay nasa daan ng labas ng Nazareth... Halikayo, Inay. Sa labas ng kakahuyan ay maliwanag pa at ang daan, sa ibaba, ay naliliwanagan ng mga lampara ng mga kariton na mga naglalakbay...»

Si Maria ay hinahalikan muli si Jesus, umiiyak sa loob ng Kanyang belo, at pagkatapos suportado ni Juan na humahawak sa Kanya sa Kanyang siko, Siya ay bumababa sa landas at bumababa patungo sa lambak.

Si Jesus ay naiwan nang nag-iisa, upang magdasal, mag-isip, umiyak. Sapagkat si Jesus ay umiiyak pinagmamasdan ang Kanyang Ina na bumababa, pagkatapos Siya ay bumalik kung nasaan Siya dati at ipinagpatuloy Niya ang Kanyang dating hitsura, habang ang mga anino at katahimikan ay lumalalim nang lumalalim sa paligid Niya.

--------------------

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus:

«Ni hindi Ko rin kinalimutan ang kapighatian na ito ni Maria, Aking Ina. Na kinailangan Ko Siyang pahirapan sa pamamagitan ng paghihintay ng Aking paghihirap, na kinailangan Ko Siyang makitang umiiyak.  Iyan kung bakit hindi Ko Siya matatanggihan ng kahit ano. Binigay Niya sa Akin ang lahat. Binibigay Ko sa Kanya ang lahat. Ipinaghirap Niya ang lahat na mga kapighatian. Binibigay Ko sa Kanya ang lahat na lugod.

Kapag iniisip mo ang tungkol kay Maria, gusto Kong pagnilayan mo ang aaguniyang iyon Niya na tumagal nang tatlumpu’t tatlong taon at nagtapos sa paanan ng Krus. Ipinaghirap Niya iyon alang-alang sa inyo. Alang-alang sa inyo ipinaghirap Niya ang panunuya ng mga pulutong na ang tingin sa Kanya ay ang ina ng isang baliw. Alang-alang sa inyo tiniis Niya ang mga pamimintas ng mga kamag-anak at ng importanteng mga tao. Alang-alang sa inyo binata Niya ang Aking tila pagtanggi: “Ang Aking Ina at ang Aking mga kapatid ay ang mga gumagawa ng kalooban ng Diyos”. At sino ba ang gumawa ng kalooban ng Diyos nang mahigit pa sa ginawa ni Maria, at isang teribleng Kalooban, na nagpataw sa Kanya ng pahirap na makita ang Kanyang Anak na pinahihirapan?

Alang-alang sa inyo tiniis Niya ang pagod sa pagsama sa Akin dito at doon. Alang-alang sa inyo gumawa Siya ng mga sakripisyo, mula sa sakripisyo na iwanan ang Kanyang maliit na tahanan at humahalo sa mga pulutong, hanggang sa sakripisyo na iwanan ang Kanyang maliit na amangbayan para sa kaguluhan ng Herusalem. Alang-alang sa inyo kinailangan Niyang mahawakan niya na nag-iisip ng pagtataksil sa loob ng kanyang puso. alang-lang sa inyo ipinaghirap Niyang mapakinggan na Ako ay inaakusahan ng pagkakalukob ni satanas at ng erehe. Ang lahat alang-alang sa inyo.

Hindi ninyo nalalaman kung gaano Ko kamahal ang Aking Ina. Hindi ninyo tinitingnan kung gaano ka-sensitibo sa mga damdamin ang puso ng Anak ni Maria. At iniisip ninyo na ang Aking paghihirap ay purong pisikal, at sa pinakamalala dinadagdag ninyo ang espirituwal na pagpapahirap ng huling pag-abandona ng Ama.

Hindi, mga anak. Naranasan Ko rin ang masisimbuyong damdamin ng tao. naghirap Akong nakikita na naghihirap ang Aking Ina, sa pangangailangan na akayin Siya, katulad ng isang mapagpakumbabang inang tupa, patungo sa pagpapahirap, bilang napilitan na pasakitan Siya sa pamamagitan ng walang-tigil na mga pagpapaalam, sa Nazareth bago mag-ebanghelyo, sa pamamagitan ng isang aking pinakita pa lamang sa inyo at na siyang nauuna sa Aking napipintong Pasyon, sa pamamagitan ng isa bago ang Hapunan, nang si Judas ay pinasimulan na ang Aking Pasyon sa pamamagitan ng kanyang pagtataksil, at sa pamamagitan ng nakamamatay na isa sa Kalbaryo.

Naghirap Akong nakikita ang Aking sarili na tinutuya, kinapopootan, sinisiraan ng puri, niloloko ng di-magandang pag-uusyoso na hindi humahantong sa mabuti, bagkus sa kasamaan. Naghirap Ako dahil sa lahat na kasinungalingan na kinailangan Kong pakinggan o tingnan na kumikilos a tabi Ko. Ang kasinungalingan ng mapagkunwaring mga Pariseo, na tumatawag sa Akin na Guro at magtatanong sa Akin hindi dahil sa sila ay naniniwala sa Aking katalinuhan bagkus upang maglatag ng mga patibong para sa Akin; ang kasinungalingan ng mga nakinabang sa Akin at naging Aking mga taga-akusa sa harapan ng Sanhedrin at sa Praetorium; ang mahabang pinaghandaan na tusong kasinungalingan ni Judas na nagbenta sa Akin at nagpatuloy sa pagpapakita na siya’y Aking disipulo, at itinuro Ako sa mga berdugo sa pamamagitan ng tanda ng pagmamahal. Naghirap Ako dahil sa kasinungalingan ni Pedro, na nahawakan ng takot ng tao.

Gaanong kasinungalingan at napaka-nakapandidiri para sa Akin, Na siyang ang Katotohanan! Gaano ang naririyan pa, kahit ngayon, ng tungkol sa Akin! Sinasabi ninyo na minamahal ninyo Ako. Nasa mga labì ninyo ang Aking pangalan, ngunit sinasamba ninyo si Satanas sa inyong mga puso at sinusunod ninyo ang isang batas na kontra sa Akin.

Naghirap Ako iniisip na hinggil sa walang-hanggan na kahalagahan ng Aking Sakripisyo – ang Sakripisyo ng isang Diyos – napakakaunti ang maliligtas. Lahat, sasabihin Ko: ang lahat na sa paglakad ng mga siglo ng Lupa ay ginugusto ang kamatayan kaysa sa eternal na buhay, ginagawa ang Aking Sakripisyo na walang-kuwenta, ay naroon sa Akin. At kasama ang kaalaman na iyan pumunta Ako sa Aking kamatayan.

Nakikita mo, munting Juan, na ang iyong Jesus at ang Kanyang Ina ay naghirap nag napakapait sa kanilang moral na mga kaakuhan. At sa loob ng mahabang panahon. Kung kaya't magpasensya, kung kailangan mong maghirap. “Walang disipulo na mas mahigit pa sa kanyang Guro”. Ganyan ang sinabi Ko.

Bukas magsasalita Ako ng tungkol sa mga kapighatian ng espiritu. Magpahinga na ngayon, ang kapayapaan ay sumaiyo.»

020811

 

 



¹ Ang orihinal na teksto ay: «John is faithful to a T.» Dito ay tila may di-sinasadyang pagkakamali sa pagsipi.


Sunod na kabanata