476. Si Jesus Nakikipagusap kay Jose ni Alfeo.

Agosto 22, 1946.

Ang araw ay kasisimula pa lamang na sumikat sa kabukiran na basà pagkatapos ng isang pag-ulan. Maaaring kauulan pa lamang sapagkat ang alikabok sa daan ay basà pa ngunit hindi naging putik. Iyan kung bakit sinasabi ko na kauulan pa lamang at na iyon ay isang maikling pagbagsak ng ulan. Isa sa mga unang pag-ulan na nagbababala ng mga pag-ulan sa Nobyembre na siyang magpapaputik sa mga daan ng Palestina. Ngunit ang pag-ambon na ito, na pabor sa mga manlalakbay, ay nabasâ lamang ang alikabok –ang isa pang kalamidad para sa Palestina na nakatalaga para sa mga buwan ng tag-init, katulad na ang putik ay ang para sa taglamig na mga buwan – at nahugasan nito ang atmospera, ang mga dahon at mga yerba, na ngayon ay nagniningning, malinis katulad nila, sa maagang sikat-ng-araw. Ang isang kaaya-ayang ihip ng hangin ay kumikilos sa pagitan ng mga taniman ng mga punong-olibo na bumabalot sa mga burol ng Nazareth, at ang isang paglipad ng mga anghel ay tila dumaraan sa pagitan ng mapayapang mga punungkahoy, dahil ang madadahon na mga sanga ay umuugong katulad ng malalaking pakpak na nasa paglipad at ang kanilang makináng na malaplatang mga dahon ay kumikislap, kapag nahihipan ng hangin ang lahat patungo sa isang tabi, na tila ang isang dagsa ng makalangit na liwanag ay iniwan ng anghelikal na paglipad.

Mga ilang stadia pa lamang na naiwanan ni Jesus ang bayan nang Siya, Na kinuha ang ilang maiikling daan sa mga burol, ay dumating sa pinakadaan na mula sa Nazareth ay patungo sa kapatagan ng Esdraelon, ang rota ng karabana na ngayon nagiging mas abalá sa mga peregrino sa tuwi-tuwina.  Naglakad Siya ng mga ilang stadia pa sa daan, nang sa sangandaan malapit sa isang kilometraheng bato na sa kabilang tabi nito ay nakaukit ang mga salitang: «Japhia Sidonia-Bethlehem Carmel» papuntang kanluran, at «Xalot-Naim Scytopolis-Engannim» patungong silangan, nakita Niya, nakatayo sa tabi ng daan, ang Kanyang mga pinsan na sina Jose at Simon, na bumati sa Kanya kaagad kasama si Juan ni Zebedeo.

«Kapayapaan sa inyo! Nandito na ba kayo kaagad? Iniisip Ko ang pagtigil dito para sa paghintay sa inyo at na Ako ang mauuna na makarating... at natagpuan Ko kayo na naririto na» at hinahalikan Niya sila maliwanag na Siya ay masaya na makita sila.

«Hindi posible para sa Iyo na siyang maunang makarating. Dahil natatakot kami na baka Ka makalampas  bago kami makarating, umalis kami nang may liwanag pa ng mga bituin, na kaagad napalabo ng mga ulap.»

«Sinabi Ko na makikita ninyo Ako. Kung gayon, Juan, hindi ka nakatulog.»

«Kaunti, Guro, ngunit tiyak na mas mahigit pa sa nagkaroon Kayo, ngunit hindi na bale» at ang isang ngiti ay napaningning ang mapanatag na mukha ni Juan, isang totoong salamin ng kanyang masayang karakter na laging nabibigyan ng kasiyahan ng lahat.

«Bueno, kapatid. Gusto mo ba Akong makausap?» sabi ni Jesus kay Jose.

«Oo... pumunta tayo sa taniman ng mga ubas na iyon. Magiging mas tahimik doon» at si Jose ni Alfeo ang unang pumunta sa pagitan ng dalawang hilera ng mga baging na pinag-anihan na ng mga bunga. Tanging isang kakaibang maliit na buwig ng mga ubas lamang ang iniwan sa mga sanga ng baging, sa pagitan ng manilaw-nilaw ng mga sanga na malapit nang bumagsak, upang makapuno sa kagutuman ng mahihirap na tao at ng mga peregrino, ayon sa mga alituntunin ng panahon ni Moses.

Si Jesus ay sinusundan siya kasama si Simon. Si Juan ay nananatili sa daan, ngunit tinawag siya ni Jesus nagsasabing: «Maaari kang sumama, Juan. Ikaw ang Aking saksi.»

«Ngunit...» sabi ng apostol nagmumukhang nalilito sa dalawang anak ni Alfeo.

«Hindi. Sumama ka. Hindi lang, bagkus, gusto namin na makinig ka sa aming mga salita» sabi ni Jose at si Juan kung gayon ay bumaba patungo sa ubasan kung saan silang lahat ay umabot, sinusundan ang isang kurbada ng mga hilera ng mga baging, na sila ay hindi makikita mula sa daan.

«Jesus, masaya ako na makita na minamahal Mo ako» sabi ni Jose.

«Mapagdududahan mo ba ito? Hindi ba kita laging minamahal?»

«At Ikaw ay lagi Kong minahal. Ngunit... sa ating pagmamahal, sa loob ng matagal-tagal, hindi tayo nagkakaintindihan. Hindi ako... makapagsang-ayon sa Iyong ginagawa, sapagkat akala ko sinisira Mo ang Iyong Sarili, ang Iyong Ina at kami. Alam mo na... Kami, ang nakatatandang mga Galilean, naaalaala namin kung papaano si Judas ang Galilean ay nahampas at kung papaano ang kanyang mga kamag-anak at mga tagasunod ay naikalat at ang kanilang mga ari-arian kinumpiska. Ayaw kong mangyari iyan sa atin. Sapagkat... Bueno,  akala ko hindi totoo na mula lang sa atin, sa lipi ni David, siyempre, ngunit ganito ito... Hindi tayo nagkukulang sa tinapay, tiyak na hindi, at harinawang purihin ang Kataastaasan para diyan. Ngunit nasaan ang maharlikang karingalan ng lahat na mga hula para sa Kanya na magiging ang Mesiyas? Ikaw ba ang pamalo na hahampas upang maghari? Hindi Ikaw ang liwanag nang Ikaw ay pinanganak. Ni hindi Ka pinanganak sa loob ng inyong bahay!... O! alam-na-alam ko ang mga hula! Tayo ay tuyong mga punungkahoy ngayon, ngunit hindi nasasabi kahit saan na ang Panginoon ay pupunuin muli ito ng mga dahon. At ano Ka bukod sa isang makatarungan na tao? Iyan ang mga kaisipan na nagawa ako na salungatin Kita dinádaíng ang ating kasiraan. At habang dumadaing ako nang ganyan, ang mga manunukso ay dumarating upang painitin pa nang lalo ang aking mga idea ng karingalan, ng pagiging-hari... Jesus, ang Iyong kapatid ay tanga. Pinaniwalaan ko sila at nasaktan Kita. Mahirap na tanggapin ito, ngunit kailangan kong kilalanin ito. At isipin na lahat ng Israel ay nasa akin, kasing tangang katulad ko, nakatitiyak katulad ko na ang pigura ng Mesiyas ay hindi ang isang Iyong binibigay sa amin... Hindi maganda ang sabihin: “Ako ay mali! Kami ay mali at kami ay mali! Mahabang panahon na kaming mali”. Ngunit ang Iyong Ina ay pinaliwanag sa akin ang mga salita ng mga propeta. O! oo! Tama si Santiago. At si Judas din. Kapag napapakinggan ng isa ang mga propeta na pinaliliwanag ng Iyong Ina, katulad na napakinggan nila noong sila ay mga bata pa, makikita ng isa na Ikaw ang Mesiyas. Iyan na iyan. Ang aking buhok ay nagiging mauban na, sapagkat hindi na ako bata, ni bata pa ako noong si Maria ay bumalik mula sa Templo at naipagkasundo kay Jose. At naaalaala ko ang mga araw na iyon. At ang nagtatakang pamimintas ng aking ama nang malaman niya na ang kanyang kapatid ay hindi isasagawa ang kasalan sa loob ng maikling panahon, at ang Nazareth ay nagtataka. At ang mga tao ay nagsasalita nang hindi maganda. Sapagkat hindi kaugalian na palampasin ang napakaraming buwan bago ang kasalan, nilalagay ang isa sa katayuan na magkasala at ng... Jesus, mataas ang aking pagtingin kay Maria at pinararangalan ko ang alaala ng aking kamag-anak. Ngunit ang mundo... Iyon ay hindi isang maganda sandali para sa mundo... Ikaw O! ngayon alam ko na. Ang Iyong Ina ay pinaliwanag sa akin ang mga hula. Iyon kung bakit ginusto ng Diyos iyon upang maantala ang kasalan, upang ang iyong kapanganakan ay mataon sa pagpalabas ng dakilang Edikto at Ikaw ay maipanganak sa Bethlehem ng Judah. At... oo... si Maria ay pinaliwanag ang lahat sa akin at iyon ay katulad ng isang liwanag na nagawa akong maintindihan ko rin kung ano ang hindi Niya binabanggit, dala ng pagpapakababang-loob. At sasabihin ko: Ikaw ang Mesiyas. Iyan ang aking sinabi, iyan ang aking sasabihin. Ngunit ang sabihin iyan ay hindi nangangahulugan na binabago ko ang aking isip... Sapagkat tinitingnan ng aking isip ang Mesiyas bilang isang hari... Nasusundan Mo ba ako? Pagod Ka ba?»

«Hindi, nakikinig Ako.»

«Bueno... Ang mga taong nanunukso sa aking puso ay bumalik at gusto nilang pilitin Kita... At dahil hindi ako pumayag, nalaglag ang maskara sa kanilang mga mukha at lumitaw sila kung ano nga talaga sila: huwad na mga kaibigan at tunay na mga kaaway... Atmas marami pang mga tao ang dumating, umiiyak katulad ng mga makasalanan, at napakinggan ko sila. Inulit nila ang mga salita na sinabi Mo sa loob ng bahay ni Chuza... Ngayon alam ko na na maghahari Ka sa mga espiritu, ibig sabihin, Ikaw ang Isa kung Kanino ang lahat na karunungan ng Israel ay maiipon upang maibigay Mo sana ang bagong pansansinukuban na mga batas. Nasa Iyo ang karunungan ng mga patriyarka, ng mga hukom, at ng mga propeta, at ang karunungan ng ating mga ninunong sina David at Solomon, at ang karunungan ng siyang nanguna sa mga hari, kay Nehemiah at Ezra at siyang sumuporta sa mga Macabeo. At lahat na karunungan ng isang sambayanan, ng ating sambayanan, ng Sambayanan ng Diyos. Naiintindihan ko na ibibigay Mo sa mundo, na ganap na nasa ilalim ng Iyong kapangyarihan, ang Iyong napakadunong na mga batas. At ang Iyong sambayanan ay totoong magiging isang sambayanan ng mga santo. Ngunit, aking mahal na Kapatid, hindi Mo magagawa iyan nang mag-isa. Si Moses, para sa mas kulang pa, ay kumuha ng ilang mga katulong. At iyon ay bagkus isang sambayanan! Ikaw... Ang lahat ng mundo! Ang lahat ng mundo na a Iyong paanan!... Ah! Ngunit upang magawa iyan kailangan na gawin Mo ang Iyong sarili na makilala... Bakit ngumingiti Ka sa Iyong mga labì, at sinasara Mo ang Iyong mga mata?»

«Sapagkat, nakikinig Ako at sinasabi Ko sa Aking sarili: “Ang Aking kapatid ay nakakalimutan na kinagagalitan niya Ako dahil ginagawa Kong makilala ang Aking sarili, nagsasabing masasaktan Ko ang buong pamilya!”. Iyan kung bakit ngumingiti Ako. At iniisip Ko rin na sa loob ng dalawa at kalahating mga taon wala Akong ginawa bagkus ang gawin na makilala ang Aking sarili.»

«Iyan ay totoo. Ngunit... Sino ang nakakikilala sa Iyo? Ang mahihirap. Mga magbubukid. Mga mangingisda. Mga makasalanan. At mga babae! Mabibilang mo sa mga daliri ng isang kamay ang hindi mga walang-halagang mga di-kilala sa pagitan ng mga nakakikilala sa Iyo. Sasabihin ko na kailangan na gawin Mong makilala ang Iyong sarili ng malalakas na tao ng Israel, ng lahat na mga, na, bagama't kakaunti, ay kasing halaga ng isang multitud. Kailangan na makilala Ka nila! Sila, na mga hindi nagmamahal sa Iyo, kabilang sa kanilang mga akusasyon na akin na ngayon nalalaman na hindi tama, ay may isang totoo at makatarungan na akusasyon: na kinalilimutan Mo sila. Bakit hindi Mo ipakilala ang Iyong sarili kung sino Ka nga at makuha Mo sila sa pamamagitan ng Iyong karunungan? Umakyat Ka sa Templo at ilagay mo ang Iyong Sarili sa Solomon Porch – Ikaw ay mula sa lipi ni David at isang propeta, at may karapatan Ka sa lugar na iyon at walang iba na karapatdapat doon katulad Mo – at magsalita.»

«Ako ay nagsalita. Iyan kung bakit kinapopootan nila Ako.»

«Magpumilit. At magsalita bilang isang hari. Hindi Mo ba naaalaala ang kapangyarihan, ang mahestad ng mga gawa Solomon?  Kung (anong gandang “kung”) Ikaw nga ang Isang tinutukoy ng mga propeta, katulad na pinakikita ng mga hula kung ang mga ito ay titingnan ng mga mata ng espiritu, Ikaw ay mahigit pa sa isang Tao. Siya, si Solomon, ay bagkus isang tao lamang. Kung kaya't ipakita Mo ang Iyong sarili kung ano nga ikaw, at sasambahin Ka nila.»

«Ang mga Hebreo ba, ang mga prinsipe, ang mga ulo ng mga pamilya at ang mga tribu ba ng Israel ay sasambahin Ako? Hindi lahat, ngunit ang ilan na hindi sumasamba sa Akin, ay sasambahin Ako sa espiritu at katotohanan. Ngunit iyan ay hindi mangyayari ngayon. Una kailangan Kong akuin ang korona, kunin ang setro at isuot ang purpura.»

«Ah! Kung gayon Ikaw ay isang hari. Malapit Ka nang maging hari! Sinasabi Mo ito! Iyan nga lang ang aking naisip! Katulad ng naiisip ng maraming tao!»

«Talagang hindi mo nalalaman kung papaano Ako maghahari. Tanging ang Kataastaasan lamang at Ako, at ilan na mga kaluluwa kung kanino nasiyahan ang Espiritu ng Panginoon na ibunyag ito, ngayon at noong nakaraan, ang nakaaalam kung papaano ang Hari ng Israel, ang Pinahiran-ng-langis ng Diyos, maghahari.»

«Ngunit makinig din sa akin, Kapatid. Tama si Jose. Papaano Ninyo maaasahan sila na mahalin Kayo o katakutan Kayo kung lagi Ninyong iniiwasan na gulatin sila? Ayaw ba Ninyong tawagin na armadong mag-alsa ang Israel? Ayaw ba Ninyong isigaw ang sigaw ng digmaan at tagumpay? Ngunit maging hari man lamang sa pamamagitan ng palakpakan ng publiko, sa pamamagitan ng pagkakuha ng gayong aklamasyon sa pamamagitan ng Inyong kapangyarihan ng Rabbi at Propeta, katulad na hindi ito ang unang pagkakataon na ang mga hari ay hinihirang nang ganyan sa Israel» sabi ni Simon ng Alfeo.

«Ako ay hari na. Ako ay laging hari na.»

«Oo. Ang isa sa mga lider sa Templo ay sinabi sa amin. Kayo ay pinanganak na hari ng mga Hebreo. Ngunit hindi Ninyo minamahal ang Judaea. Kayo ay isang nagbapaya na hari, sapagkat hindi Kayo pumupunta roon. Kayo ay hindi isang banal na hari kung hindi Ninyo minamahal ang Templo, kung saan ang kalooban ng isang sambayanan ay papahiran Kayo ng langis bilang hari. Kung wala ang kalooban ng isang sambayanan hindi Kayo makapaghahari, maliban kung ibig Ninyong igiit ang Inyong Sarili sa kanila sa pamamagitan ng karahasan» tugon ni Simon.

«Ang ibig mong sabihan nang walang kalooban ng Diyos, Simon. Ano ba ang kalooban ng sambayanan? Ano ang sambayanan? Para kanino ba ang sambayanan? Sino ang sumusuporta dito bilang sambayanan? Ang Diyos. Huwag iyan kalimutan, Simon. At Ako ay magiging kung ano ang gusto sa Akin ng Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang kalooban Ako ay magiging kung ano ang kailangan na Ako ay maging. At walang makapagpipigil sa Akin na maging ganyan. Hindi Ko gawain ang isigaw ang sigaw na ipunin ang sambayanan. Ang buong Israel ay mapaparoon sa Aking proklamasyon. Ni hindi Ko kinakailangan na umakyat sa Templo upang maiproklama. Bubuhatin nila Ako roon. Ang lahat ng sambayanan ay bubuhatin Ako roon upang sana akyatin Ko ang Aking trono. Inaakusahan mo Ako ng hindi pagmahal sa Judaea... Sa puso nito, sa Herusalem, Ako ay magiging ang “Hari ng mga Hudyo”. Si Saul ay hindi prinoklama na hari sa Herusalem, ni hindi si David o si Solomon. Ngunit Ako ay papahiran-ng-langis bilang Hari sa Herusalem. Ngunit hindi Ako pupunta sa Templo sa harapan ng publiko ngayon at hindi Ko iluluklok ang Aking Sarili doon, sapagkat hindi pa ito ang Aking oras.»

Si Jose ay nagpapatuloy sa pagsasalita: «Pinababayaan Mo ang Iyong oras na makalampas. Sinasabi ko sa Iyo. Ang sambayanan ay pagod na sa mga paniniil ng mga banyaga. Ito ang oras. Sinasabi ko sa Iyo. Ang buong Palestina, maliban sa Judaea, ngunit hindi lahat nito, ay sinusundan Ka bilang isang Rabbi, at kahit mahigit pa diyan. Katulad Mo ang isang bandila na itinaas sa isang tuktok ng bundok. Ang lahat ay nakatingin sa Iyo. Katulad Mo ang isang agila at ang lahat ay sinusundan ang Iyong paglipag. Katulad Mo ang isang tagapaghiganti. At ang lahat ay naghihintay para sa Iyo na pakawalan ang palaso. Lakad. Iwanan ang Galilee, ang Decapolis, ang Perea at iba pang mga rehiyon, at pumunta sa puso ng Israel, sa kuta kung saan ang lahat na kasamaan ay nakapaloob at mula kung saan ang lahat na mabuti ay manggagaling, at lupigin ito. May mga disipulo Ka rin doon. Ngunit sila ay malamig sapagkat hindi Ka nila nakikilala nang mabuti. Sila ay kakaunti, sapagkat hindi Ka namamalagi doon. At sila ay medyo nagdududa sapagkat hindi Mo ginagawa doon ang mga gawa na Iyong ginagawa sa ibang mga lugar. Kinagagalitan Mo ang mga Hebreo sa hindi sa Iyo pagmahal. Ngunit papaano Ka makakaasa na mahalin nila kung tinatago Mo ang Iyong sarili sa kanila? Walang tao na naghahanap o nagkakagustong mapalakpakan sa publiko ang gumagawa ng kanyang mga gawain nang palihim, bagkus ginagawa niya ito sa isang pamamaraan na makikita ito ng mga tao. Kung kaya't kung makagagawa ka ng mga kababalaghan sa mga puso, sa mga katawan at mga elemento, pumunta ka roon at gawin ang Iyong Sarili na makilala ng mundo.»

«Sinabi Ko sa iyo: hindi ito ang Aking oras. Ang Aking oras ay hindi pa dumarating. Sa palagay mo ito ang tamang sandali, ngunit hindi ito. Kailangan na kumilos Ako sa Aking panahon. Hindi bago ito. Magiging walang-kabuluhan bago ito. Magagawa Ko ang mundo at ang mga puso na mabura Ako bago Ko magawa ang Aking gawain. At ang gawang nagawa na ay hindi mamumunga sapagkat hindi ito nakumpleto at natulungan ng Diyos, Na ibig na gawin Ko ito nang walang kinakalimutan na kahit isang salita o isang gawain. Kailangan na sundin Ko ang Aking Ama. At hindi Ko kailanman gagawin ang inaasahan ninyo sapagkat mapapasamâ nito ang disenyo ng Aking Ama. Naiintindihan Ko kayo at naaawa Ako sa inyo. Hindi Ako nagkikimkim ng sama-ng-loob sa inyo. Ni hindi Ako napapagod o naiinis ng inyong pagiging-bulag... hindi ninyo nalalaman. Ngunit nalalaman Ko. hindi ninyo nalalaman. Nakikita ninyo ang ibabaw ng mukha ng mundo. Nakikita Ko ang kalaliman nito. Ang mundo ay nagpapakita sa inyo ng isang mukha na mabait pa. Hindi kayo nito kinapopootan. Kayo ay isang munting-bagay lamang. Ngunit kinapopootan Ako nito sapagkat Ako ay isang panganib sa mundo. Isang panganib sa kasinungalingan, sa kasakiman, sa karahasan na nasa mundo.

Ako ang Liwanag at ang liwanag ay nagpapaliwanag. Ang mundo ay hindi minamahal ang liwanag sapagkat naibubunyag nito ang mga ginagawa ng mundo. Ang mundo ay hindi Ako minamahal, hindi Ako maaaring mahalin nito sapagkat nalalaman nito na Ako ay nagpunta upang talunin ito sa mga puso ng mga tao sa malungkot na hari na nangingibabaw dito at nagliligaw dito. Ang mundo ay ayaw na kumbinsihin ang sarili nito na Ako ang Doktor at ang Gamot nito at katulad ng isang baliw ibig nitong sirain Ako upang hindi ito gumaling. Ang mundo ay ayaw pang kumbinsihin ang sarili nito na Ako ang Guro sapagkat ang sinasabi Ko ay ang kabaligtaran ng sinasabi nito. Kung kaya't ibig nitong sakalin ang Tinig na nagsasalita sa mundo upang madala ito sa Diyos at maipakita dito ang tunay na kalikasan ng masasamang kilos nito. Mayroong isang kalaliman sa pagitan Ko at ng mundo. At ito ay hindi sa kagagawan Ko. Ako ay nagpunta upang ibigay sa mundo ang Liwanag, ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay. Ngunit ang mundo ay ayaw Akong tanggapin at ang Aking liwanag ay nagiging kadiliman para dito sapagkat maghahatid ito ng pagkakasumpa para sa mga tatanggi sa Akin. Sa Kristo ay naroon ang lahat na Liwanag para sa mga tao na payag na tanggapin ito, ngunit nasa Kristo rin ang lahat na kadiliman para sa lahat na napopoot sa Akin at tumatanggi sa Akin. Iyan kung bait, na sa simula ng Aking pagiging-tao na pamumuhay Ako ay mala-propetikong itinuro bilang isang “tanda ng kontradiksyon”. Sapagkat ayon sa kung papaano Ako tinatanggap, ay magkakaroon ng kaligtasan o pagkakasumpa, kamatayan o buhay, liwanag o kadiliman.

Ngunit sasabihin Ko sa inyo na ang mga tao na tumatanggap sa Akin ay magiging mga anak ng Liwanag, ibig sabihin, ng Diyos, pinanganak sa Diyos, sapagkat tinanggap nila ang Diyos. Kung gayon kung Ako ay dumating upang gawin ang mga tao na mga anak ng Diyos, papaano Ko gagawin ang Aking Sarili na Hari, katulad na marami sa Israel ang may ibig, dala ng pagmamahal o pagkapoot, dala ng kasimplihan o kasamaan? Hindi ba ninyo nakikita na masisira Ko ang Aking Sarili, ang totoong Aking Sarili, ibig sabihin ang Mesiyas, hindi ang Jesus ni Maria at ni Jose ng Nazareth, na masisira Ko ang Hari ng mga hari, ang Tagapagtubos, ang Isa Na pinanganak ng isang Birhen at tinawag na Immanuel, ang Adorable, ang Tagapayo, ang Malakas, ang Ama ng hinaharap na siglo, ang Prinsipe ng Kapayapaan, ang Diyos, na ang Kaninong imperyo at kapayapaan ay hindi magkakaroon ng katapusan, nakaupo sa trono ni David magpatungkol sa Kanyang pagkataong lipi, ngunit mayroon bilang kanyang tuntungan ang mundo at ang lahat ng Kanyang mga kaaway, at ang Ama nasa Kanyang tabi, katulad na ito ay nakasulat sa aklat ng mga Salmo, sa pamamagitan ng Kanyang mahigit-pa-sa-tao na karapatan ng Kanyang dibinong pinanggalingan? Hindi ba ninyo naiintindihan na ang Diyos ay hindi maaaring maging Tao bagkus sa pamamagitan ng perpeksiyon ng kabutihan, upang mailigtas ang tao, ngunit hindi Niya maaari at kailangan na hindi Niya ibaba ang Kanyang Sarili sa kaawa-awang pantaong mga bagay? Hindi ba ninyo naiintindihan na kung tatanggapin Ko ang korona at ang kaharian ayon sa pagkakita ninyo nito, tatanggapin Ko na Ako ay isang huwad na Kristo, Ako ay magsisinungaling sa Diyos, tatanggihan Ko ang Aking Sarili at ang Ama at Ako ay magiging mas malala pa kay Lucifer, sapagkat mapagkakaitan Ko ang Diyos ng lugod ng pagkakaroon sa inyo, mas magiging mas malala pa Ako kay Cain para sa inyo, sapagkat maisusumpa Ko kayo sa walang-katapusan na pagkatapon mula sa Diyos sa isang Limbo nang walang inaasahan na Paraiso?

Hindi ba ninyo naiintindihan ang lahat na iyan? Hindi ba ninyo nakikita ang mga patibong ng mga tao upang magawa Akong bumagsak? Ang bitag ni Satanas upang mahagupit ang Eternal na Ama sa Kanyang Pinakamamahal na Anak at sa Kanyang mga nilikha: sa mga tao? Hindi ba ninyo nakikita na ito ang tanda na Ako ay mahigit pa kaysa sa tao, na Ako ay ang Tao-Diyos? Ang pagnanasa Kong ito na tanging para sa espirituwal na mga bagay lamang upang maibigay sa inyo ang espirituwal na Kaharian ng Diyos?... Hindi ba ninyo naiintindihan na ang tanda na Ako....»

«Ang mga salita ni Gamaliel!» bulalas ni Simon.

«...na hindi Ako isang hari, bagkus ang Hari, ay ang lahat na kapootan na ito mula sa impiyerno at ng lahat sa mundo patungo sa Akin? Kailangan Kong magturo at iligtas kayo. Iyan ang kailangan Kong gawin. Ngunit si Satanas at ang mga katulad niya ay hindi gusto iyan. Ang isa sa inyo ay nagsabi: “Mga salita ni Gamaliel”. Ngayon. Siya ay hindi Ko disipulo at hindi magiging disipulo kailanman habang Ako ay nasa mundong ito. Ngunit siya ay isang makatarungan na tao.

Bueno: si Gamaliel ba kaya ay kasama sa mga nanukso sa inyo at sa Akin hinggil sa kaawa-awang pantaong kaharian?»

«O! hindi! Si Stephen ay nagsabi na ang rabbi, nang kanyang mapakinggan ang tungkol sa nangyari sa bahay ni Chuza, ay bumulalas: “Ang aking espiritu ay nagulat habang tinatanong ko ang aking sarili kung Siya nga ba ay maaaring ang sinasabi Niya na Siya nga. Ngunit walang ganyang katanungan ang kailanman papasok sa isip ko, kung Siya ay pumayag sa mungkahing iyon. Ang Bata na aking napakinggan ay nagsabi na ang pagka-alipin at pagiging-hari ay hindi magiging ayon sa ating pinaniniwalaan sa mga ito, napagkakamalan ang mga propeta, ibig sabihin, materyal, bagkus espirituwal, salamat sa Kristo, ang Tagapagtubos mula sa Kasalanan at tagapagpundar ng Kaharian ng Diyos sa mga kaluluwa. Natatandaan ko ang mga salitang iyon. At hinuhusgahan ko ang Rabbi sa pamamagitan niyan. Kung sa paghuhusga makikita ko Siya na Siya ay mas mababa sa sukat na iyan, tatanggihan ko Siya bilang isang makasalanan at isa sinungaling. At ako ay nanginginig nakikita ang pag-asa, na inilagay ng Bata sa mga ito, na matutunaw sa wala”» sabi ni Simon.

«Oo, ngunit sa pansamantala hindi siya nagsasabi na Siya ay ang Mesiyas» wika ni Jose.

«Naghihintay siya ng isang tanda, ganyang ang kanyang sinasabi» tugon ni Simon.

«Ibigay sa kanya ito, kung gayon! At gawin ito na isang malakas na tanda.»

«Ibibigay Ko sa kanya ang Aking pinangako sa kanya. ngunit hindi ngayon. Sa pansamantala makakapunta na kayo sa kapistahan. Hindi Ako pupunta nang lantad sa publiko, bilang isang rabbi, bilang isang propeta, upang ipilit ang Aking Sarili, sapagkat hindi pa ito ang Aking oras.»

«Ngunit pupunta Ka man lamang ba sa Judaea? Mabibigyan Mo ba ang mga Hebreo ng katibayan na makapagkukumbinsi sa kanila? Upang hindi sana nila sabihin...»

«Oo. Ngunit sa palagay mo ba may silbi ang mga iyan na kahit ano sa Aking kapayapaan? Kapatid, habang mas ginagawa Ko iyan, mas lalo Akong kapopootan. Ngunit pagbibigyan kita, ibibigay Ko ang mga katibayan na iyan na ang mas di-mapasisinungalingan na mga katibayan ay hindi magagawa... at magsasalita Ako sa kanila ng mga salita na makapagbabago sa mga lobo na maging mga kordero at ang matitigas na bato maging malalambot na waks. Ngunit ang mga iyan ay magiging walang silbi...»

«Napamighati ba kita? Ako ay nagsasalita para sa Iyong sariling kabutihan.»

«Hindi mo Ako pinamimighati... Ngunit ibig Kong maintindihan mo Ako, Aking mahal na kapatid, at makita Ako para sa Kong ano Ako... Ibig Kong makaalis na masaya na may katiyakan na ikaw ay Aking kaibigan. Ang isang kaibigan ay nakaiintindi at nagpoprotekta sa mga interes ng kanyang kaibigan...»

«At sasabihin ko sa Iyo na gagawin ko iyan. Alam ko na kinapopootan Ka nila. Nakakatiyak na ako ngayon. Iyan kung bakit ako naparito. Ngunit alam Mo. Babantayan Kita. Ako ang pinakamatanda. Tahasan na tatanggihan ang paninirang-puri at ako ang bahala sa Iyong Ina» nangangako si Jose.

«Salamat sa iyo, Jose. Ang aking dinadala ay mabigat at pinagagaanan mo ito. Ang kapighatian, katulad ng isang dagat, ay tumutulak dala ang mga alon nito upang ilubog Ako at ang kapootan ay kasama nito... Ngunit wala ito kung nasa Akin ang iyong pagmamahal. Sapagkat ang Anak ng tao ay may isang puso... at ang puso na ito ay nangangailangan ng pagmamahal...»

«At ibibigay ko sa Iyo ito. Sa mga mata ng Diyos Na nakakakita sa akin sinasabi ko sa Iyo na ibibigay ko ito sa Iyo. Humayo sa kapayapaan, Jesus, sa Iyong gawain. Tutulungan Kita. Gustung-gusto natin ang isa’t isa. Pagkatapos... Ngunit balikan natin ang mga araw na iyon. Ang isa para sa isa. Ikaw: ang Santo, ako: ang tao, ngunit kaisa para sa kaluwalhatian ng Diyos. Paalam, Kapatid.»

«Paalam, Jose.»

Sila ay nagpalitan ng halik at pagkatapos si Simon ay nagtanong: «Pagpalain kami upang sana ang aming mga puso ay magbukas sa lahat ng Liwanag.»

Si Jesus ay pinagpapala sila at bago iwanan sila sinabi Niya muli: «Pinagkakatiwala Ko ang Aking ina sa inyo...»

«Humayo sa kapayapaan. Kami ay magiging katulad ng dalawang anak na lalaki sa Kanya.»

Sila ay nághiwaláy.

Si Jesus ay bumalik sa daan at nagsimulang maglakad nang mabilis na si Juan nasa tabi Niya.

Pagkaraan ng isang mahabang sandali pinutol ni Juan ang katahimikan nagtatanong: «Ngunit si Jose ni Alfeo kaya ay kumbinsido na ngayon o hindi pa?»

«Hindi pa.»

»Kung gayon, ano Kayo sa ganang kanya? Mesiyas? Tao? Hari? Diyos? Ang sitwasyon ay hindi maliwanag sa akin. Sa aking palagay siya ay...»

«Si Jose ay katulad ng isa sa umagang mga panaginip kapag inilalapit ng isip ang reyalidad pinagagaanan ang sarili nito ng mabigat na tulog na gumawa ng di-tunay na mga panaginip at kung minsan masasamang panaginip. Ang gabing mga guniguni ay umuurong, ngunit ang isip ay pataas-pababa sa panaginip na ibig ng isa na hindi na sana matapos, sapagkat ito ay maganda... Siya ay katulad niyan. Papalapit na siya sa sandali kung kailan ang isa ay magigising na. Ngunit sa pansamantala hinahaplos pa niya ang panaginip. Halos pinipigil pa niya ito, sapagkat, para sa kanya, ito ay maganda... Ngunit ang isa ay kailangan na matutong kunin kung ano ang maibibigay ng tao. At kailangan natin na papurihan ang Kataastaasan para sa pagbabago na nangyari magpahanggang ngayon. Pagpalain ang mga bata! Napakadali para sa kanila ang maniwala!» at si Jesus ay pinaraan ang Kanyang isang kamay paikot sa baywang ni Juan, na nakaaalam kung papaano maging isang bata at maniwala, upang magawa siyang maramdaman niya ang Kanyang pagmamahal.

050811

 

 


Sunod na kabanata