477. Hinihintay ang mga Magbubukid ni Johanan Malapit sa Tore ng Jezreel

Agosto 24, 1946.

Pagod-na-pagod ka, Juan. Gayunman kailangan na makarating tayo sa Engannim bukas bago lumubog ang araw.»

«Makakarating tayo, Panginoon» sabi ni Juan at siya ay ngumingiti bagama't siya ay maputla sa hapo, bilang nakapaglakad ng mahigit pa kaysa sino pa man. At nagsisikap siyang maglakad nang mas mabilis upang makumbinsi ang Guro na hindi siya pagod-na-pagod. Ngunit bumagal siya sa paglalakad ng isa na pagod na, nang may nakayukong mga balikat, ang kanyang ulo nakayuko paharap na tila nahihirapan siya ng isang pamatok, hinihila ang mga paa at natutumba sa daan.

«Ibigay mo man lamang sa Akin ang mga bag. Ang Aking ay mabigat.»

«Hindi, Guro. Mas pagod Kayo kaysa sa akin.»

«Maaaring mas pagod ka sapagkat mula sa Nazareth pumunta ka sa kakahuyan ni Mattathias at pagkatapos bumalik pa sa Nazareth.»

«At natulog ako sa isang kama. Kayo hindi. Kayo ay gising sa loob ng kakahuyan at umalis Kayo nang maaga.»

«At ikaw din. Iyan ang sinabi ni Jose. Umalis kayo sa liwanag ng bituin.

«O! ngunit ang mga bituin ay tumagal hanggang pagsikat ng araw!...» wika ni Juan ngumingiti. Pagkatapos siya ay naging seryoso at nagdagdag: «At hindi ang kulang sa tulog ang nagpapamighati sa isa...»

«Ano pa, Juan? Ano ang napamighati sa iyo? Baka ang Aking mga kapatid...»

«O! hindi, Panginoon! Sila din... Ngunit kung ano ang nagpapabigat sa akin... hindi, hindi mabigat... Kung ano ang nagpapatanda sa akin ay ang nakita ang Inyong Ina na umiiyak... Wala Siyang sinabi sa akin kung bakit Siya umiiyak at hindi ko Siya tinanong, bagama't gusto kong tanungin Siya. Ngunit labis ko Siyang tiningnan na nagsabi Siya: “Magsasalita Ako sa iyo sa bahay. Hindi ngayon, sapagkat mas lalo pa Akong iiyak nang husto”. At sa bahay nagsalita Siya sa akin nang napaka may-kabaitan at napakalungkot na ako ay umiyak din.»

«Ano ang sinabi Niya sa iyo?»

«Sinabi Niya na mahalin ko Kayo nang labis, na hindi ako dapat maging ang dahilan ng kahit pinakamaliit na kapighatian sa inyo, sapagkat pagkatapos pagsisisihan ko ito nang napakapait. Sinabi Niya sa akin: “Gawin natin ang lahat ng ating katungkulan sa natitirang mga buwan, kahit mas higit pa sa ating katungkulan”. Sapagkat ang katungkulan lamang ay napakaliit para sa Inyo Na Diyos. At sinabi rin Niya sa akin – at nagawa ako nitong maghirap nang labis at kung hindi Niya sinabi iyon hindi ko iyon paniniwalaan at sinabi Niya sa akin: “At napakaliit din na gawin lamang natin ang ating katungkulan sa Isa Na malapit nang umalis, Siya na hindi na natin mapaglilingkuran pa... Upang matanggap ang lahat pagkatapos, kapag Siya ay wala na sa atin, kailangan na nagawa natin ang mas higit pa kaysa sa ating katungkulan. Kailangan na naibigay natin ang lahat, ang lahat na ating pagmamahal, atensiyon, pagsunod, lahat. Pagkatapos sa pagpapahirap ng paghihiwalay masasabi ng isa: ‘O! masasabi ko na, habang iyon ay kalooban ng Diyos na kailangan na nasa akin Siya, hindi ako nagpabaya na mahalin at paglingkuran Siya kahit isang sandali.’” At sinabi ko: “Ngunit ang Guro ba ay talagang aalis na? Labis pa ang Kanyang kailangang gawin! Magkakaroon pa ng panahon... At iniling Niya ang Kanyang ulo nagsasalita, at dalawang malalaking luha ang dumaloy pababa sa Kanyang mga mata: “Ang totoong Manna, ang buháy na Tinapay ay babalik na sa Ama kapag nagbubunyi na ang tao na kinasisiyahan muli ang tinapay na ginawa sa bagong harina... At tayo ay mag-iisa na, pagkatapos, Juan”. Upang mapaginhawahan Siya sinabi ko: “Isang malaking kapighatian. Ngunit kailangan natin na magbunyi kung babalik Siya sa Ama, sapagkat wala nang makapananakit pa sa Kanya”. at sinabi Niyang umuungol: “O! ngunit bago ito!”, at akala ko naintindihan ko. Ngunit ito ba ay talagang magiging ganyan, Panginoon? Talaga? Kita Ninyo, ito ay hindi ang tungkol sa kung paniniwalaan ang Inyong mga salita. Ang katotohanan ay minamahal namin Kayo at... hindi ko sasabihin sa Inyo katulad ng sinabi ni Simon isang araw: na hindi iyan mangyayari sa Inyo. Naniniwala ako, naniniwala kaming lahat... Ngunit minamahal namin Kayo at... O! aking Panginoon! Ang mga pagkakasala ba ng pagmamahal ay totoong mga kasalanan?»

«Ang pagmamahal ay hindi kailanman nagkakasala, Juan.»

«Kung gayon kami, na nagmamahal sa Inyo, ay nakahandang lumaban at pumatay upang maipagsanggalang Kayo. Ang mga Galilean ay hindi minamahal ng ibang mga tao sapagkat sinasabi nila na tayo ay mga palaaway. Bueno, pangangatwiranan namin ang pagkakakilalang iyan sa pagsasanggalang sa Inyo. Tayo ay nasa mga lugar kung saan sa mga araw ni Deborah, si Barak ay sinira ang sandatahang-lakas ni Sisera sa pamamagitan ng kanyang sampunlibong mga tauhan. At ang sampunlibong iyon ay nanggaling mula sa Naphtali at Zebulun. At kami ay doon din nanggaling. Ang pangalan ay iba ngunit ang mga puso ay pareho din.»

«Sila ay sampunlibo... Ngunit kahit na kung kayo ay sampung beses na sampunlibo ngayon, ano ang maaari ninyong magawa?»

«Ano? Natatakot ba Kayo sa mga kawal? Sila ay hindi napakarami, at pagkatapos... Hindi nila Kayo kinapopootan. Hindi Ninyo sila nabibigyan ng kahit anong problema. Hindi Kayo nag-iisip ng isang kaharian na maaaring makaagaw ng isang biktima mula sa mga agilang Romano. Hindi sila makikialam sa atin at sa Inyong mga kaaway na masisira pagkatapos.»

«Kahit na kung kayo ay sanlibo, sampunlibo, sandaang-libo, ano ang magagawa niyan laban sa kalooban ng Diyos? Kailangan Kong gawin ito...»

Si Juan, nalulungkot, ay hindi na nagsasalita. Gaano kakaiba ang katigasang-ulo at kawalang-kakayahan ng isip kahit na sa pinakamabuting mga tagasunod ni Jesus na maintindihan ang Kanyang pinakamalaking misyon! Tinatanggap nila Siya bilang Guro at bilang Mesiyas. Naniniwala sila sa Kanyang kapangyarihan na makapagligtas at makapagtubos. Ngunit kapag nakakaharap nila ang Kanyang pamamaraan ng panunubos, ang kanilang mga katalinuhan ay nagiging bulag. Ang pinaka mga hula ay tila nawawalan ng halaga hinggil sa kanila. At wala nang masasabi pa tungkol sa mga Israelita, na, masasabi natin, na humihinga at naglalakad at pinakakain at namumuhay sa pamamagitan ng mga hula! Ang lahat na nasusulat sa banal ng mga Aklat ay totoo maliban dito: na ang Mesiyas ay kailangan na maghirap at mamatay at matalo ng mga tao. Hindi nila matanggap ito. Sa akin nagmumukha silang mga bulag at binging mga tao kung kanino si Jesus ay nananabik na ipakita sa kanila ang mga larawan ng kanyang hinaharap na Pasyon, upang sana mabasa nila doon kung ano ang magiging iyon. Ngunit sinasara nila ang kanilang mga mata. Kung gayon hindi sila makakita o makaintindi.

Ngayon ay kung baga isang malamlam na gabi at dumidilim na nang sila ay makarating sa tanawin ng Jezreel.

Si Jesus ay pinagiginhawahan si Juan, na hindi na muli nagsasalita at nagpapatuloy katulad ng isang naglalakad-na-tulog pagod-na-pagod siya, nagsasabing: «Malapit na tayong makarating. Papasok ka at maghahanap ng matutuluyan para sa iyong sarili.»

«At para sa Inyo.»

«Hindi, Juan. Mananatili Ako malapit sa daan nanggagaling mula sa kapatagan. Sa palagay Ko darating sila sa loob ng gabi at gusto Ko silang paginhawahan at pauwiin sila bago sumikat ang araw.

«Pagod-na-pagod Kayo... at baka umulan katulad kagabi. Pumasok man lamang hanggang sa kalahatian ng pagbabantay ng pagtilaok ng manok.»

«Hindi, Juan.»

«Kung gayon ang kaso ako ay mananatiling kasama Ninyo. malapit na tayo sa ari-arian ng mga Pariseo at... At nangako ako sa Inyong Ina at sa aking sarili. Ayaw kong kailangan na magsisi...»

Ilang mga tore a nasa apat na sulok ng Jezreel, ngunit hindi ko alam kung para sa kung anong pakay ang mga iyon. Matatanda na sila nang makita ko sila. Kamukha nila ang apat na magagaspang na higante inilagay bilang mga bantay ng kulungan na itinatayo sa ibabaw ng isang elebasyon na nakatanaw sa kapatagan na ngayon ay unti-unti nang naglalaho sa paningin sa maaagang mga nino ng isang maulap na gabi.

«Akyatin natin ang dalisdis na iyon malapit sa tore. Makikita natin ang lahat ng daan nang hindi tayo nakikita. Mayroong damo na mahihigaan at ang baytang bago ang pintuan ay mapoprotektahan tayo kung uulan» sabi ni Jesus.

Sila ay umakyat. Naupo sila sa ibabaw ng napakababang pader, na sirâ ang kalahati at mga sampung metro ang layo mula sa tore. Kamukha nito ang isang proteksiyon na itinayo noong mga unang araw sa paligid ng tore. Ito ay halos ganap na sirâ na at ang makapal na damo ay natatakpan ang labì sa pamamagitan ng malalaking kaskada ng ligaw na mga gapang-na-tanim at iba pang mga yerba na tumutubo sa pagitan ng mga labí, na may malalaking mabalahibong mga dahon, na ang pangalan nito ay hindi ko alam.

Kumakagat sila ng ilang tinapay sa loob ng huling liwanag ng araw. Wala na sila ng iba pa. Si Juan, bagama't hapo na, ay nakikita ang mga sanga ng isang puno ng igos, na biglang lumitaw, pili-pilipit at gulung-gulo, sa pagitan ng mga bato at kasama sa naninilaw na mga dahon nakatagpo siya ng ilang maliliit na igos na naiwan ng mga ibon at ng mga bata. Kinain nila ito hinuhusto ang kanilang hapunan. Sila ay may tubig sa kanilang maliliit na prasko. Ang hapunan ay natapos kaagad.

«May umalis ba sa tore?» tanong ni Juan na inaantok.

«Wala sa palagay Ko. Walang liwanag o tunog na tumagos sa labas. Ginusto mo bang magtanong ng matutuluyan? Ikaw ay hapung-hapo...»

«O! hindi. Iniisip ko lamang... Ngunit maganda rito...»

«Humiga ka man lamang, Juan. Ang damo ay makapal at hindi pa umuulan dito. Ang lupa ay tuyo.»

«... Hindi... Hindi Panginoon. Hindi ako inaantok... Tayo ay mag-usap. Magkuwento Kayo ng kahit ano... Isang parabula... Uupo ako rito sa paanan Ninyo. Ako ay masayang-masaya kung pinapahinga ko ang aking ulo sa ibabaw ng Inyong mga tuhod...» at siya ay naupo sinasandal ang kanyang ulo, na ang kanyang mukha nakatingala sa kalangitan, sa ibabaw ng mga tuhod ni Jesus. Gumagawa siya ng sapilitan na pagsisikap na huwag makatulog... Nagsisikap siyang magsalita upang manatiling gising... Nagsisikap siyang magka-interes sa kung ano ang kanyang nakikita... mga bituin sa kalangitan, mga ilaw sa daan. Ang una ay parami-nang-parami, sapagkat ang hangin ay naitaboy na ang mga ulap; habang ang huli ay paunti-nang-paunti sapagkat ang mga peregrino ay tumitigil sa paglalakbay sa gabi. Tanging iilan-ilan na mga matitigas-ang-ulo na mga tao ang nagpupumilit sa pagpapatuloy ng kanilang mga kariton na may gamit ng isang lampara na umuundayo mula sa mga banig o mga blanket na nakaunat sa ibabaw ng mga arko ng mga kariton.

Ngunit ang katahimikan mismo, ngayon palalim na nang palalim, ay nagagawa ang isa na antukin... Si Juan, sa isang tinig na ang tunog ay papalayo nang papalayo, ay nagsabi: «Gaano karaming ilaw sa kalangitan! At tingnan: ang ilan ay tila bumaba sa Lupa at nanginginig at kumikislap katulad ng kanilang ginagawa sa itaas doon... Ngunit sila ay tila mas maliliit at hindi kasing ganda... Hindi tayo makagagawa ng mga bituin... May usok sa ating mga bituin at nangangamoy sila ng mitsa... at kahit na ano ay mapapatay sila... Minsan ay sinabi Ninyo na ang isang paru-paro ay sapat nang pumatay ng isang liwanag sa atin at kinompara Ninyo ang mga paru-paro sa mga pangganyak ng mundo... At pagkatapos sinabi Ninyo na... habang ang mga paru-paro ay nakapapatay ng isang liwanag, ang mga pakpak ng mga anghel, at tinawag Ninyo ang mga anghel na espirituwal ng mga bagay, ay ginagawa ang liwanag sa loob natin na mas maliwanag... Ako... ang anghel... ang liwanag...» si Juan ay nakatulog nang unti-unti at nahiga siya nang hindi niloloob, nanghihina sa pagod.

Si Jesus ay naghihintay hanggang si Juan ay komportableng nakapuwesto at pagkatapos inilagay Niya ang kanyang bag sa ilalim ng kanyang ulo at tinakpan siya ng isang manta nang may makaamang pangangalaga. Sa huling kislap ng liwanag ng pananalita si Juan ay bumulong: «Ako ay hindi natutulog, Guro, alam Ninyo?... Kaya lang... sa gayon ako nakakakita ng mas maraming bituin at nakikita ko Kayo nang mas mabuti...» at nakatulog siya upang makita si Jesus at ang mabituin na kalangitan nang mas mabuti, pinananaginipan sila sa isang mahimbing na tulog.

Si Jesus ay bumalik upang maupo sa Kanyang berdeng upuan. Itinutukod Niya ang Kanyang kanang siko sa Kanyang tuhod at ang Kanyang pisngi nakapatong sa Kanyang palad at nag-iisip, nagdarasal, tinitingnan ang daan na ngayon ay wala nang mga tao, habang ang Kanyang pinakamamahal na apostol, na ang isang kamay nasa ilalim ng kanyang ulo, ay natutulog nang mahimbing katulad ng isang bata.

050811

 

 


Sunod na kabanata