478. Kinukuha Muli ang Daan patungong Engannim.

Agosto 26, 1946.

«Juan, nag-uumaga na. Bangon na at tayo na» sabi ni Jesus inuuga ang apostol upang siya ay magising.

«Guro! Ang araw ay sumikat na! Gaano ako katagal nakatulog! At papaano Kayo?»

«Natulog din Ako, sa tabi mo, sa ilalim ng ating mga manta.»

«Ah! Kinumbinsi Ninyo ang Inyong sarili na ang ma magbubukid ay hindi pupunta at Kayo ay nahiga! Naisip ko na iyon...»

Si Jesus ay ngumingiti at tumugon: «Sila ay dumating nang ang mga bituin ng Great Bear ay itinuturo ng kanilang pusisyon na ang pagtilaok ng manok ay malapit nang magsimula.»

«O! wala akong napakinggan na anuman!... si Juan ay napapahiya. «Bakit hindi Ninyo ako pinanatiling gising?»

«Ikaw ay pagod-na-pagod. Kamukha mo ang isang sanggol natutulog sa isang kuna. Bakit ka gisingin?»

«Upang may kasama Kayo!»

«Ginawa mo iyan sa pamamagitan ng iyong mahimbing na tulog. Nakatulog ka na nagsasalita ng tungkol sa mga anghel, sa mga bituin, sa mga kaluluwa, sa liwanag... at sa iyong pagtulog ikaw ay tiyak na nagpatuloy na makakita ng mga anghel, mga bituin at ang iyong Jesus... bakit ibalik ka sa labis na walang-katarungan ng mundo kung ikaw ay napakalayo mula dito?»

«At kung... kung sa halip na ang mga magbubukid, ang ilang mga kriminal ang dumating dito?»

«Tinawag sana kita kung gayon. Ngunit sino ang pupunta?»

«Bueno... Hindi ko alam... si Johanan, halimbawa... Kinapopootan Kayo niya...»

«Alam Ko. Ngunit tanging ang kanya lamang na mga katulong ang dumating. Walang nagtaksil... sapagkat iyan ang iyong iniisip: na may isang baka nagsalita upang masaktan Ako at sila. Ngunit walang nagtaksil. At tama ang ginawa Ko sa paghintay sa kanila dito. Ang bagong tagapamahala ay kasing lupit katulad ng kanyang panginoon at may napakahigpit na mga tagubilin. Hindi Ako nagkukulang sa karidad sa pagtawag sa kanilang: malupit. Ang kahit iba pang salita ay magiging isang kasinungalingan... Ang mga magbubukid ay tumakbo kaagad nang dumilim na nananalangin sa Panginoon na gawin silang makita Ako. Ang Diyos ay laging ginagantimpalaan ang pananampalataya ng Kanyang mga di-masasayang anak at pinagiginhawahan sila. Kung Ako ay kanilang hindi natagpuan dito mananatili sila dito hanggang umaga at umalis sana upang makarating sa mga bukid sa pagsikat ng araw... at kung gayon nakita ko sila at pinagpala sila...»

«At Kayo ay napakalungkot sapagkat nakita Ninyo sila na labis na sinisiil.»

«Iyan ay totoo. Napakaraming mga rason upang malungkot... Para sa dahilan na iyong binanggit, sapagkat wala Akong maibibigay sa kanilang hapong mga katawan, dahil sa kaisipan na hindi Ko na sila makikita muli...»

«Sinabi ba Ninyo sa kanila?»

«Hindi. Bakit dagdagan ng kapighatian kung saan ang lahat ay kapighatian?»

«Magugustuhan ko sana na nakapagpaalam sa kanila mismo sa huling pagkakataon.»

«Hindi ito ang huling pagkakataon para sa iyo.  Sa kabaligtaran, kapag Ako ay wala na, aalagaan mo sila nang mabuti kasama ang iyong kapwa mga disipulo. Pinagkakatiwala Ko ang lahat na Aking tagasunod sa inyo, at lalo na ang pinaka di-masasaya at ang mga na ang tanging kaginhawahan ay ang kanilang pananampalataya at ang kaninong tanging lugod ay ang kanilang pag-asa sa Langit.»

«O! Aking Guro! Katulad ng Inyong kapatid na si Jose, sasabihin ko rin sa Inyo: humayo sa kapayapaan, Guro. Ipagpapatuloy ko, hanggang sa magagawa. Maniwala sa akin.»

«Nakakatiyak Ako tungkol diyan. Tayo na... Ang daan ay nagiging abala na. Ang mga ulap ay nag-iipun-ipon sa kalangitan at ang liwanag ay humihina sa halip na lumalakas. Uulan ngayong araw at ang lahat ay nagmamadali patungo sa susunod na titigilan na mga lugar. Ngunit ang mga ulap ay  naging mabait sa atin. Ang gabi ay hindi malamig at walang ulan para sa atin na nasa bukas na lugar. Ang Ama ay laging nagbabantay sa Kanyang minamahal na mga anak.»

«Kayo ay minamahal, Guro. Ako...»

«Ikaw ay minamahal Niya sapagkat minamahal mo Ako.»

«O! iyan ay totoo. Hanggang kamatayan...»

At humahalo sa pulutong, sila ay umalis patungong timog...

060811

 

 


Sunod na kabanata