479. Si Jesus at si Juan Dumating sa Engannim.

Agosto 27, 1946.

Ang panahon ay talagang pinangatawanan ang pangako nito at naging isang malamlam na mapilit na ambon. Ang mga nasa loon ng ma bagon ay maayos na napoprotektahan. Ngunit ang mga naglalakbay nang paglalakad lamang o nasa ibabaw ng mga asno ay nababasa at naiinis dito, lalo na ang mga namomroblema ng hindi lamang ng gawa ng tubig na bumabasa sa kanilang mga ulo at balikat, bagkus pati ng putik na nagiging mas pang basa-basa at kung gayon sumusuot sa mga sandalyas, kumakapit sa kanilang mga bukung-bukong at tumitilamsik sa kanilang mga damit. Ang mga peregrino ay tinakpan ang kanilang mga ulo sa pamamagitan ng mga manta at mga blanket, na kanilang nilupi nang doble, at nagmumukha silang may-talukbong na mga monghe.

Si Jesus at si Juan ay naglalakad, basà. Ngunit mas inaalagaan nila ang kanilang mga bag, na naglalaman ng kanilang reserbang mga damit, kaysa ang mga sarili nila. Nakarating sila nang ganyan sa Engannim at nagsimula silang hanapin ang mga apostol, naghihiwalay, upang matagpuan sila nang mas maaga.

At si Juan ito na siyang nakatagpo sa kanila, ibig sabihin, natagpuan niya si Santiago ni Zebedeo, na  namilí  ng mga panustos para sa Sabbath.

«Kami ay nag-aalala. At kung kayo ay hindi dumating, maglalakad kami nang pabalik, sa kabila na iyon ay ang Sabbath... Nasaan ang Guro?»

«Siya ay naghahanap para sa inyo. Ang unang makatagpo sa inyo ay pupunta sa malapit sa lugar ng panday.»

«Pagkatapos... Tingnan. Tayo ay tutuloy sa bahay na iyon, Siya ay isang mabuting babae na may tatlong anak na babae. Pumunta kaagad sa Guro at bumalik...» Si Santiago ay ibinaba ang kanyang tinig at bumubulong tumitingin sa paligid: «Maraming mga Pariseo... at... sila ay tiyak na masasamâ ang isip. Nagtanong sila sa amin kung bakit hindi namin kasama si Jesus. Ibig nilang malaman kung Siya ay nasa unahan o nasa likuran. Sa una sinabi namin: “Hindi namin alam”. Hindi sila naniwala sa amin. At tama sila, sapagkat papaano namin masasabi na hindi namin nalalaman kung nasaan Siya? Pagkatapos ang Iskariote -  hindi siya masyadong maatubili – ay nagsabi: “Siya ay nasa unahan namin” at sa dahilan na sila ay hindi kumbinsido at nagtanong kung sino ang kasama, anong dala, nang Siya ay umalis, sapagkat nalalaman nila na noong huling Biyernes Siya ay nasa malapit sa Giscala, sinabi niya: “Siya ay sumakay sa bangka sa Ptolemais at kung gayon nauna Siya sa amin. Bababa Siya sa Joppa at papasok sa Herusalem sa pamamagitan ng Damascus Gate, at pupunta kaagad upang makita si Jose ng Arimathea sa kanyang bahay sa Bezetha”.»

«Ngunit bakit napakaraming kasinungalingan?»tanong ni Juan na naiiskandalo.

«Sino ang nakaaalam? Sinabihan din namin siya. Ngunit siya ay tumawa nagsasabing: “Mata sa mata, ngipin sa ngipin, at kasinungalingan sa kasinungalingan. Maliban na ligtas ang Guro. Naghahanap sila para sa Kanya upang saktan Siya. Alam ko”. Sinabi ni Pedro na dahil sa pagbanggit ng pangalan ni Jose  baka siya makagawa ng problema para sa kanya. Ngunit tumugon si Judas: “Sila ay magmamadali doon at nakikita ang pagkamangha ni Jose malalaman nila na iyon ay hindi totoo”. “Kapopootan ka nila kung gayon, sa panlilinlang sa kanila...” tumutol kami. Ngunit siya ay tumawa at nagsabi: “O! hindi ko pinapansin ang kanilang kapootan, alam ko kung papaano gawin iyan ng di nakasasakit... Ngunit lakad, Juan. Subukan na hanapin ang Guro at pumunta ritong kasama Siya. Ang ulan ay natutulungan tayo dahil ang mga Pariseo ay nasa loob ng mga bahay upang hindi mabasa ang kanilang makakapal na damit...»

Si Juan ay binigay sa kanyang kapatid ang kanyang bag at tatakbo na sana, ngunit pinigil siya ni Santiago upang sabihin sa kanya: «At huwag banggitin ang mga kasinungalingan ni Judas sa Guro. Kahit na kung iyon ay sinabi para sa mabuting pakay, mga kasinungalingan pa rin iyon. At ang Guro ay kinapopootan ang kasinungalingan...»

«Hindi ko sasabihin sa Kanya» at si Juan ay tumakbong umalis.

Ang sinabi ni Santiago ay totoo. Ang mayayaman na tao ay nasa bahay na. Tanging ang mahihirap na tao lamang ang palakad-lakad sa mga kalsada, naghahanap ng masisilungan.

So Jesus ay nasa isang lobi malapit sa bulusan. Nilalapitan Siya ni Juan at nagsabi: «Halikayong madali. Nakita ko na sila. Makapagbibihis tayo ng mga tuyong damit.» wala siyang sinasabing kahit ano pa man upang mapangatwiranan ang kanyang pagmamadali.

Nakarating kaagad sila sa bahay, pumasok sila sa pintuan na iniwan na nakabukas nang kaunti. Sa likuran ng pinto kaagad ay naroon ang labing isang apostol na nagsiksikan sa paligid ni Jesus, dahil hindi nila Siya nakita sa loob ng ilang mga buwan. Ang maybahay na babae, isang maliit na nangayayat na nanliit na babae, ay sinisilip sila sa pamamagitan ng nakatikal na pinto.

«Kapayapaan sa inyo» sabi ni Jesus ngumingiti at niyayakap Niya silang lahat nang magkakaparehong pagkagiliw.

Sabay-sabay silang lahat na nagsasalita gustong sabihin sa Kanya ang napakaraming bagay. at si Pedro ay sumigaw: «Manahimik! At pakawalan Siya. hindi ba ninyo nakikita kung gaano Siya kabasà?» At sinabi niya sa Guro: «Nagpahanda ako ng isang mainit na pampaligo para sa Inyo... at ibigay Ninyo sa akin ang basang manta... at ang maiinit na damit. Kinuha ko ito mula sa Inyong bag...» Pagkatapos siya ay pumunta sa mas loob na bahagi ng bahay at siya ay sumigaw: «Hoy! Babae! Ang Panauhin ay dumating na. Dalhin ang tubig, sapagkat ako na ang bahala sa iba pa.»

At ang babae, kasing kimí ng lahat na naghirap – at kitang-kita sa kanyang hitsura na siya ay naghirap – ay dumaan sa koridor nang tahimik, sinusundan ng tatlong batang babae na katulad niya sa kapayatan at hitsura, upang pumunta sa kusina at kumuha ng mga kaldero na puno ng kumukulong tubig.

«Halikayo, Guro. At ikaw din, Juan. Kasing lamig ninyo ang mga lunod na katawan. Nagpakulo ako ng ilang juniper na may suka at inilagay ko iyon sa tubig, mabuti iyon para sa inyo.» Sa katunayan ang amoy ng suka at ng iba pang mga aroma ay kumalat mula sa mga kaldero habang sila ay dumaraan.

Si Jesus, sa pagpasok sa maliit na silid kung saan may dalawang malaking mga banyera (ibig sabihin dalawang maliit na gawa-sa-kahoy na mga tangke baka ginagamit sa paglalaba) ay tinitingnan ang babae na lumalabas kasama ang kanyang mga anak na babae at binati Niya siya: «Kapayapaan sa inyo at sa inyong mga anak na babae. At harinawang gantimpalaan kayo ng Panginoon.»

«Salamat sa Inyo, Panginoon...» siya ay tumugon at dahan-dahan na umalis.

Si Pedro ay pumasok kasama si Juan. Isinara niya ang pinto at bumulong: «Tandaan na hindi niya alam kung sino Kayo... Tayo ay mga peregrino... lahat tayo, at Kayo ay isang rabbi, kami ay Inyong mga kaibigan. Na siyang totoo, pagkatapos ng lahat... Hindi ito ganito, siyempre! Ito ay bagkus isang kalahating-nakatagong katotohanan... Napakaraming mga Pariseo... at interesadung-interesado sa Inyo. Kumilos nang naaayon... Tayo ay mag-uusap saka na» at iniiwan niya silang mag-isa at bumalik siya sa kanyang mga kasamahan na mga nakaupo sa isang maliit na silid.

«At ngayon? Ano ang sasabihin natin sa Guro? Kung sasabihin natin na tayo ay nagsinungaling Siya ay mamimighati. Ngunit...hindi natin maitatago ang katotohanan sa Kanya» sabi ni Pedro.

«Huwag mong isakripisyo ang iyong sarili. Nagsinungaling ako at sasabihin ko sa Kanya.»

«At gagawin mo Siyang mas malungkot pa. Hindi mo ba napupuna kung gaano Siya kalungkot?»

«Oo, napuna ko. ngunit iyan ay dahil Siya ay pagod... Maging ano pa man... Masasabi ko rin sa mga Pariseo: “Ako ay nagsinungaling”. Iyan ay isang walang kuwentang bagay. Ang importante ay Siya na hindi sana maghirap.»

«Hindi ako magsasalita ng kahit ano sa sinuman. Kung sabihin mo sa Kanya, hindi mo iyan magagawang lihim. Kung sabihin mo sa kanila, hindi mo Siya maililigtas sa kanilang mga patibong...» wika ni Felipe.

«Malalaman natin» sabi nang makumpiyansa ni Judas.

Pagkaraan ng kaunting sandali si Jesus ay pumasok suot ang tuyong mga damit at napalamigan ng paliligo. Si Juan ay sinusundan Siya.

Sila ay nagsasalita ng tungkol sa lahat na nangyari sa apostoladong grupo at sa Guro at kay Juan. Ngunit walang nagbabanggit ng tungkol sa mga Pariseo hanggang nagsabi si Judas: «Guro, nalalaman kong tiyak na ang mga napopoot sa Inyo ay naghahanap para sa Inyo. At upang mailigtas Kayo nagkalat ako ng sabi-sabi na hindi Kayo patungo sa Herusalem sa dating rota, bagkus sa pamamagitan ng dagat hanggang sa layo ng Joppa... Sila ay magmamadali roon, aha! Aha!»

«Ngunit bakit magsinungaling?»

«At bakit sila nagsisinungaling?»

«Ngunit sila ay sila, at ikaw ay hindi, hindi ka kailangan na maging katulad nila...»

«Guro, ako ay isang bagay lamang: isang nakakikilala sa kanila at siyang nagigiliw sa Inyo. Ibig ba Ninyong masira? Nakahanda ako upang pigilin iyan. Makinig sa akin nang mabuti at pakinggan ang aking puso nagsasalita sa Inyo sa pamamagitan ng aking mga salita. Hindi Kayo lalabas dito bukas...»

«Bukas ay ang Sabbath...»

«O sige. Ngunit hindi Kayo lalabas. Kayo ay magpapahinga, Kayo...»

«Lahat maliban sa kasalanan, Judas. Walang konsiderasyon ang magpapapayag sa Akin na kalimutan na pabanalin ang Sabbath.»

«Sila...«

«Pabayaan silang gawin ang gusto nila. Hindi Ako magkakasala. Kung magkasala Ako, bilang karagdagan sa Aking kasalanan na magpapabigat sa Akin, makapaglalagay Ako sa kanilang mga kamay ng isang armas upang sirain Ako. Hindi mo ba naaalaala na sinasabi na nila na nilalabag Ko ang Sabbath?»

«Tama ang Guro» sabi ng iba.

»Sige... magagawa Ninyo ang gusto Ninyo sa Sabbath. Ngunit hindi ang tungkol sa daan. Huwag natin kunin ang daan na kinukuha ng lahat, Guro. Makinig sa akin. Lituhin sila...»

«Ngayon, makinig! Ano talaga ang nalalaman mong iksakto, dahil nagsasalita ka nang labis?» sigaw ni Simon inaalog ang kanyang maiikling kamay.  «Guro, sabihin sa kanya na magsalita!»

«Kapayapaan, Simon. Kung ang iyong kapatid ay may nalalaman na isang peligro, na maaaring isang peligro din sa kanya, at binibigyan tayo ng babala, hindi natin siya dapat na tratuhin na isang kaaway, bagkus kailangan natin na maging mapagpasalamat sa kanya. kung hindi niya masasabi sa atin ang lahat, sapagkat baka masasangkot ang iba pang mga tao na hindi sapat na malakas ang loob na magsalita bagkus sapat na tapat pa rin na hindi pahintulutan ang isang krimen, bakit ibig mong pilitin siyang magsalita? Kung kaya't pabayaan siyang magsalita, at tatanggapin Ko kung ano ang mabuti sa kanyang proyekto at tatanggihan kung ano ang maaaring hindi mabuti, magsalita, Judas.»

«Salamat, Guro. Kayo lamang ang tanging Isa Na nakaaalam sa akin kung ano ako. Sinasabi ko kanina. Makapagpapatuloy tayo nang ligtas sa loob ng mga hangganan ng Samaria. Sapagkat ang Roma ay naghahari nang mahigit sa Samaria kaysa sa Galilee at ang Judaea at ang mga napopoot sa Inyo, ay ayaw na magkaroon ng problema sa Roma. Ngunit sinasabi ko na upang malito ang mga espiya kailangan na huwag natin sundin ang deretsong rota, bagkus, umaalis mula dito, kailangan na ibaling natin ang ating mga hakbang patungo sa Dothan at pagkatapos, nang hindi pumupunta sa Samaria, kailangan na bagtasin natin ang kabukiran at dumaan sa Shechem, pagkatapos pababa sa Ephraim, sa tabi ng Mount Adummim at Cherith at pagkatapos magpatuloy nang Bethany.»

«Isang mahaba at mahirap na daan, lalo na kung umuulan.»

«Mapanganib! Ang Adummim...»

«Tila naghahanap ka ng panganib...»

Ang mga apostol ay hindi ganado. Ngunit si Jesus ay nagsabi: «Tama si Judas. Ang daan na iyan ang ating kukunin. Pagkatapos magkakaroon tayo ng panahon na makapagpahinga. Mayroon pa Akong ibang mga bagay na kailangang gawin bago dumating ang oras at ito ay perpekto, at kailangan na huwag, dala ng katangahan, na mailagay Ko ang Aking Sarili sa kanilang mga kamay, hanggang ang lahat ay nagawa na. Dadaan tayo kung gayon kay Lazarus. Siya ay tiyak na malalang-malala at naghihintay para sa Akin... Makakakain na kayo. Ako ay hihiwalay, ako ay pagod.

«Wala ni kahit kaunting pagkain? Wala Kayong sakit, hindi ba?»

«Wala, Simon. Ngunit hindi Ako natulog sa loob ng isang kama nang pitong gabi. Paalam, Aking mga kaibigan, ang kapayapaan ay sumainyo...» at Siya ay umalis.

Si Judas ay masayang-masaya: «Kita ninyo? Siya ay mapagpakumbaba at makatarungan at hindi Niya tinatanggihan kung ano ang sa Kanyang pakiramdam ay tama...»

«Oo... ngunit... Sa palagay mo ba Siya ay masaya? Totoong masaya?»

«Hindi sa palagay ko... ngunit nakikita Niya na tama ako...»

«Ibig kong malaman kung papaano mo nalalaman ang napakaraming mga bagay. Gayunpaman... ikaw ay laging kasama namin!...»

«Oo. At ako ay inyong binabantayan na tila ako ay isang mapanganib na hayop. Alam ko. ngunit walang anuman ito. tandaan ito sa isip: ang isa ring pulubi, at kahit ang isang magnanakaw ay maaaring maging may-pakinabang na makatuklas ng mga bagay, at ang isang babae din. ako ay nagsalita sa isang pulubi at tinulungan ko siya. at nagsalita ako sa isang magnanakaw at may nalaman ako... At sa... isang babae... gaano karami ang maaaring malaman ng isang babae!»

Ang nabiglang mga apostol ay nagkakatinginan sa isa’t isa, naghahagis sila ng nagtatanong na mga sulyap sa isa’t isa. Kailan? Saan si Judas nakaalam at nakipagtagpo?...

Siya ay tumatawa at nagsabi: «At nagsalita ako sa isang sundalo! Oo. Sapagkat ang isang babae ay labis na nagsalita na ako ay nagawang pumunta sa sundalo. At pinatotohanan niya. At ginawa kong makaalam ang mga tao... Ang lahat ay pinahihintulutan kung ito ay kinakailangan: pati na rin mga kortesano at mga sundalo!»

«Ikaw ay... ikaw ay...!» bulalas ni Bartolomeo pinipigilan kung ano ang kanyang nang sasabihin.

«Oo. Ako nga. Hindi hihigit pa sa aking sarili. Isang makasalanan ayon sa inyo. Ngunit ako, kasama ang lahat na aking mga kasalanan, ay naglilingkod sa Guro nang mas mabuti pa kaysa sa nagagawa ninyo. Maging ano pa man... Kung ang isang kortesano ay nalalaman kung ano ang gustong gawin ng mga kaaway ni Jesus, ibig sabihin nito na sila ay pumupunta sa mga kortesano o tumabi sila sa kanila, mga baylarina o mga manggagaya, upang aliwin ang kanilang mga sarili... At kung tinabihan nila sila nang malapitan... matatabihan ko rin sila. Kita ninyo? Ang babae... siya ay may pakinabang sa akin. Kailangan na tingnan ninyo na sa mga hangganan ng Judaea Siya ay baka nahuli na. At sa dahilan na naiwasan ko iyon kailangan na magsabi kayo na ako ay marunong...»

Silang lahat ay nag-iisip at kumakain nang natitigilan, Pagkatapos si Bartolomeo ay tumayo.

«Saan ka pupunta?»

«Upang hanapin Siya... Hindi ako naniniwala na Siya ay natutulog. Dadalhan ko Siya ng ilang gatas... at makikita ko.»

Siya ay lumabas at nawala siya nang ilang mga sandali. Siya ay bumalik.

«Siya ay nakaupo sa kama... at Siya ay umiiyak... Napamighati mo Siya, Judas. Katulad lang ng aking naisip.»

«Sinabi ba Niya iyon? Pupunta ako at magpapaliwanag.»

«Hindi. Hindi Niya sinabi iyan. Sa kabaligtaran sinabi Niya na mayroon ka ng iyong mga merito din. Ngunit naintindihan ko Siya. Huwag pumunta. Hayaan Siya sa kapayapaan.»

«Kayong lahat ay tanga. Naghihirap Siya sapagkat Siya ay inuusig at hinahadlangan sa Kanyang misyon. Iyan ang rason» tugon ni Judas sa isang mapaghimagsik na tono.

At ito ay pinatotohanan ni Juan: «Iyan ay totoo, Umiyak din Siya bago kayo sinamahan. Naghihirap Siya nang mapait, at dahil din sa Kanyang Ina, sa Kanyang mga kapatid, sa di-masasayang magbubukid. O! gayong lalim na kapighatian!...»

«Sabihin sa amin...»

«Napakalungkot na iwanan ang Kanyang Ina... at ang makita na Siya ay hindi naiintindihan, na walang nakaiintindi sa Kanya. at namimighati Siya na ang mga magbubukid ni Johanna...»

«Oo! Totoong malungkot na makita sila!... Natutuwa ako na si Marjiam ay hindi sila nakita. Naghirap sana siya at kinapootan ang Pariseo...» sabi ni Pedro.

«Ngunit ang aking bang mga kapatid ay pinahirapan muli si Jesus?» tanong ni Judas Tadeo nang mahigpit.

«Hindi, sa kabaligtaran. Sila ay nagtagpo at nagsalita nang madamdamin at naghiwalay sila sa kapayapaan at may mabuting mga pangako. Ngunit gusto Niya na sila ay maging katulad natin... at higit pa sa ating lahat... Gusto Niyang tayong lahat ay makumbinsi tungkol sa Kanyang Kaharian at ng kalikasan nito. At tayo...». Ngunit si Juan ay hindi na nagsalita pa. At katahimikan ang bumababa sa maliit na silid na napaliliwanagan ng may dobleng-apoy na lampara na napaliliwanagan ang labindalawang magkakaibang mukha.

060811

Sunod na kabanata