48. Sina Juan at Santiago Nagsalita kay Pedro Tungkol sa Mesiyas.

Oktubre 12, 1944.

¹Isang napakalinaw na bukang-liwayway sa lawa ng Galilee. Ang kalangitan at ang tubig ay kumikinang na may malarosas na mga kislap, hindi masyadong naiiba sa malumbay na mga kislap sa mga pader ng maliliit na lootan ng nayon sa lawa, kung saan ang namumungang mga púno, sa kanilang gusot na mayayabong na dahon, ay tila tumataas mula sa taniman at sisilip sa maliliit na daanan, pagkatapos yuyuko sa ibabaw ng mga ito.

Ang nayon ay nagsisimula nang gumising: ang mga kababaihan ay nagsisimula nang pumunta sa pontanya o sa mga paglalabhan na lugar, habang ang mga mangingisda ay magdidiskarga ng mga basket ng isda, o makikipagtawaran sa presyo, sa napakalakas na mga tinig, sa mga mangangalakal na mga nanggaling pa sa ibang mga nayon, habang ang iba ay dinadala ang mga isda sa kanilang mga bahay. Tinatawag ko itong nayon, ngunit ito ay hindi napakaliit na nayon. Ito sa halip ay isang malaki-laking lugar, sa nakikita ko man lamang dito, ngunit ito ay napakalaki at umuunat sa pangkalahatan sa tabi ng lawa.

Si Juan ay lumabas mula sa isang maliit na kalsada at nagpagawi kaagad sa lawa. Si Santiago ay sumusunod sa kanya, ngunit mas kalmante. Si Juan ay tinitingnan ang mga bangka na naroroon na sa baybayin, ngunit hindi makita ang isang kanyang hinahanap. Nakita niya ito noong ito ay mga sandaang yarda na mula sa baybayin, nagmamanyobrang papasok sa daungan, at nakakorte ang kanyang mga kamay sa tabi ng kanyang bunganga, sumigaw siya sa tuktok ng kanyang tinig, isang mahabang «O-ye!», na maaaring siyang kanilang pangkaraniwan na pagtawag. Noong makita niya na siya ay kanilang napakinggan, kumaway-kaway siya nang kanyang mga kamay, na ang ibig-sabihin: «Halikayo, halikayo.»

Ang mga lalaki sa bangka, hindi nalalaman kung ano ang nangyayari, inilagay ang mga panagwan, at ang bangka ay tumakbo nang mas mabilis kaysa sa pamamagitan ng mga panlayag, na kanilang ibinaba, baka upang makalamang sa panahon. Noong sila ay mga sampung metro na lamang mula sa baybayin, si Juan ay hindi na makapaghintay pa. Hinubad niya ang kanyang manta at ang kanyang mahabang tunika, at itinapon ito sa baybayin, hinubad ang kanyang mga sandalyas, nililis ang kanyang pang-ilalim na tunika at hinahawakan ito ng isang kamay halos hanggang sa kanyang puson, siya ay nagtampisaw sa tubig upang salubungin ang dumarating na bangka.

«Bakit hindi kayong dalawa pumunta?» tanong ni Andres. Si Pedro, nagtatampo, ay hindi nagsasalita ni isang salita.

«At bakit hindi ka sumama sa amin ni Santiago?» tugon ni Juan kay Andres.

«Ako ay nangisda. Wala akong panahon na ma-aaksaya. Kayo ay nawala kasama ang lalaking iyon…»

«Kinawayan kita na sumama. Iyon ay Siya. Kailangan na mapakinggan mo ang Kanyang mga salita!... Sumama kami sa Kanya nang buong araw hanggang hatinggabi. Kami ngayon ay naririto upang sabihin sa inyo: “Halikayo”.»

«Siya bang talaga iyon?» Nakakatiyak kayo? Nakita lamang natin Siya noon, nang itinuro Siya sa atin ni Juan Bautista.»

«Siya iyon. Hindi Niya ito itinanggi.»

²«Ang sinuman ay magsasabi ng kung ano ang gusto niya upang ipilit ang kanyang sarili sa mga utu-uto…» pabulong ni Pedro, hindi kumbinsido.

«O! Simon! Huwag mong sabihin iyan! Siya ay ang Mesiyas! Nalalaman Niya ang lahat? Naririnig ka Niya!» si Juan ay namimighati at nadidismaya sa mga salita ni Simon Pedro.

«Talaga! Ang Mesiyas! At Kanyang ipinakita ang Kanyang Sarili sa inyo, kay Santiago at kay Andres! Tatlong kaawa-awang mangmang na mga mangingisda! Ang Mesiyas ay mangangailangan ng higit pa diyan! At napapakinggan Niya ako! Eh! Aking kaawa-awang bata. Ang unang sikat ng araw ng tagsibol ay nasira ang inyong mga utak! Halika na, halika at gumawa ng ilang magagawa. Mas mabuti iyan. At kalimutan ang ganyang mga pambatang kuwento!»

«Sinasabi ko sa iyo. Siya ang Mesiyas! Si Juan¹ ay nagsasalita ng mga banal na bagay, ngunit Siya ay nagsasalita ng tungkol sa Diyos. Ang hindi Kristo ay hindi makapagsasalita ng gayong mga salita.»

³«Simon, ako ay hindi isang bata. Ako ay sapat na matanda na at ako ay matatag at nag-iisip. Alam mo iyan. Ako ay hindi nagsasalita nang labis, mas nakikinig ako sa loob ng mga oras  ng aming ipinanatili kasama ang Kordero ng Diyos at masasabi ko sa iyo na totoong Siya ay walang iba bagkus ang Mesiyas! Bakit hindi ka maniwala? Bakit ayaw mong maniwala? Baka hindi ka maniwala, sapagkat hindi mo Siya napakinggan. Ngunit naniwala ako sa Kanya. Tayo ay mahirap at mangmang? Bueno, sinasabi Niya na Siya ay naparito upang ibalita ang Ebanghelyo ng Kaharian ng Diyos, ng Kaharian ng kapayapaan, sa mahihirap, sa mabababa ang loob, at sa maliliit bago sa mga malalaking tao. Sinabi Niya: “Ang malalaki ay mayroon na ng kanilang mga kinasisiyahan. Hindi ito kaiinggitan na mga kasiyahan kompara sa mga kasiyahan na Aking ipinunta para dalhin sa inyo. Ang malalaki ay nakaiintindi na sa pamamagitan ng kanilang mga kultura. Ngunit Ako ay naparito para sa ‘maliliit’ ng Israel at ng mundo, sa mga lumuluha at umaasa, sa mga naghahanap ng liwanag at nagugutom para sa totoong Manna, kung kanino ang mga may-pinag-aralan ay hindi nagbibigay ng liwanag at pagkain, bagkus mga pabigat lamang, kadiliman, tanikala, paghamak. At tinatawag Ko ‘ang maliliit’. Ako ay naparito upang baligtarin ang mundo. Sapagkat Aking ibababa ang ngayon tinitingalang mataas, at Aking itataas ang ngayon tinitingnan nang may paghamak. Hayaan ang mga may gusto ng katotohanan at kapayapaan, may gusto ng eternal na buhay, na makalapit sa Akin. Ang mga nagmamahal sa Liwanag, hayaan silang makalapit sa Akin. Ako ang Liwanag ng mundo”. Hindi ba’t sinabi Niya iyan. Juan?» Si Santiago ay nagsalita sa kalmante, magiliw na tinig.

«Oo, at sinabi Niya: “Ang mundo ay hindi Ako mamahalin. Ang dakilang mundo ay hindi Ako mamahalin, sapagkat naparumi ito ng mga bisyo at ng idolatriya. Hindi, bagkus, ang mundo ay hindi Ako gugustuhin, sapagkat sa dahilan na ito ay ang anak ng Kadiliman, hindi nito minamahal ang Liwanag. Ngunit ang lupa ay hindi lamang gawa ng dakilang mundo. Naririyan din ang mga na, nakahalo sa mundo, ay hindi kasama ng mundo. May mga tao na kasama ng mundo sapagkat sila ay nákulong dito, katulad ng isda sa loob ng isang lambat”. Iyan ang eksaktong sinabi Niya, dahil kami ay naguusap sa baybayin ng lawa at itinuturo Niya ang ilang mga lambat na hinihila sa baybayin na may laman ng mga isda. Hindi lamang iyan, bagkus sinabi Niya: “Kita ninyo. Wala sa mga isdang iyon ang ibig na mahuli sa lambat. Ang mga tao rin, ay sadyang ayaw na maging mga biktima ni Mammon. Ni hindi ang pinakamasama na, nabubulagan ng pagmamalaki, hindi naniniwala na sila ay walang karapatan na gawin kung ano ang gusto nilang gawin. Ang kanilang totoong kasalanan ay ang pagmamalaki. Ang iba pang mga kasalanan ay dito nagmumula. Ang mga hindi ganap na masasama, ay mas lalo pang ayaw na maging biktima ni Mammon. Ngunit sila ay nabibiktima dahil sa kanilang kahangalan at dahil sa isang pabigat na humihila sa kanila nang pailalim, at siyang ang kasalanan ni Adan. Ako ay naparito upang alisin ang kasalanan na iyan, at habang naghihintay sa oras ng Panunubos, upang bigyan ang mga naniniwala sa Akin ng lakas na mapalaya ang kanilang mga sarili sa mga patibong na nanghuhuli sa kanila at sila ay maging malaya na makasunod sa Akin, ang Liwanag ng mundo”.»

⁴«Bueno kung gayon, kung sinabi Niya iyan, kailangan na pumunta na tayo sa Kanya kaagad.» Si Pedro, sa kanyang pabigla-biglang ugali, na tunay-na-tunay at gustung-gusto ko, ay nagpasya kaagad, at kumikilos na nang naaayon dito, nagmamadaling diskargahan ang bangka na nakarating na sa baybayin: ang mga mangingisda ay halos naisadsad na ito, inaalis ang mga lambat, mga tali at mga panlayag. «At ikaw, tangang Andres, bakit hindi ka sumama sa kanila?!...»

«Ngunit… Simon! Kinagalitan mo ako sapagkat hindi ko sila nakumbinsi na sumama sa akin dito… Pabulung-bulong ka nang buong magdamag, at ngayon sinisita mo ako dahil hindi ako sumama?!»

«Tama ka… Ngunit hindi ko Siya nakita… ikaw ang nakakita… at maaaring nakita mo na Siya ay hindi katulad natin… Maaaring mayroon Siya ng isang bagay na nakakaakit!...»

«O! Oo.» sabi ni Juan. «Ang Kanyang mukha! Ang Kanyang mga mata! Anong gandang mga mata, hindi ba, Santiago?! At ang Kanyang tinig! O! Anong tinig! Kapag Siya ay nagsasalita, tila nananaginip ka ng Langit.»

«Bilis, bilis. Tayo na at tingnan Siya. At kayo, (kinakausap ang iba pang mga mangingisda) dalhin ang lahat kay Zebedeo at sabihin sa kanya na gawin ang lahat na inaakala niyang pinakamabuti. Kami ay babalik ngayong gabi taón sa pangingisda.» 

Silang lahat ay nagbihis at umalis. ⁵Ngunit si Pedro, pagkaraan ng ilang yarda ay tumigil at hinawakan ang braso ni Juan at tinanong siya: «Sinabi mo ba na nalalaman Niya ang lahat at naririnig ang lahat?...»

«Oo, sinabi ko. Isipin na lamang na noong nakita namin ang buwan mataas sa kalangitan, sinabi ko: “Ano na kaya ang ginagawa ni Simon ngayon?”, at sinabi Niya: “Naglalaglag siya ng kanyang lambat at hindi mapalagay ang kanyang isip sapagkat kinailangan niyang gawin ang lahat nang siya lamang mag-isa, dahil hindi kayo sumama sa magkakambal na bangka sa ganito kaganda ng gabi para sa pangingisda… hindi niya nalalaman na bago magtagal siya ay mangingisda sa pamamagitan ng ibang mga lambat at manghuhuli ng ibang isda”.»

«Banal na Awa! Totoo iyan! Bueno, maaaring napakinggan din Niya… na tinawag ko Siyang halos isang sinungaling… Hindi ako makapupunta sa Kanya!»

«O! Napakabuti Niya. Tiyak na nalalaman Niya ang naisip mo. Alam na Niya. Sapagkat noong Siya ay aming iniwan nagsasabing pupuntahan ka namin, sinabi Niya: «Lakad. Ngunit huwag kayong panghinaan ng loob dahil sa unang mga salita ng panghahamak. Ang gustong sumama sa Akin ay kailangan na nakapagpapatuloy laban sa nanunuyang mga salita ng mundo at sa mga pagbabawal ng mga kamag-anak. Sapagkat Ako ay mataas kaysa sa dugo at lipunan, at nananagumpay Ako sa mga ito. At ang nakakasama Ko ay magtatagumpay din magpakailanman.” At sinabi din Niya: “Huwag matakot na magsalita. Ang taong nakikinig ay sasama, sapagkat siya ay isang tao ng mabuting kalooban”.»

«Iyan ba ang Kanyang sinabi? Bueno, sasama ako. Magsalita, magsalita tungkol sa Kanya, habang tayo ay papunta. Nasaan Siya?»

«Sa isang maralitang bahay; sila ay maaaring mga kaibigan Niya.»

«Siya ba ay mahirap?»

«Isang manggagawa mula sa Nazareth. Ganyan ang sinabi Niya.»

«At papaano na Siya namumuhay ngayon, kung hindi na Siya nagtatrabaho?»

«Hindi kami nagtanong. Baka tinutulungan Siya ng Kanyang mga kamag-anak.»

«Mas mabuti pa siguro kung nagdala tayo ng ilang isda, ilang tinapay at prutas…, kahit ano. Tayo ay patungo upang konsultahin ang isang rabbi, sapagkat Siya ay katulad… Siya ay mahigit pa sa isang rabbi, at tayo ay papunta na walang dala! Ang ating mga rabbi ay hindi iyan gusto…»

«Ngunit gusto Niya. Kami ay may bagkus dalawampung sentimos sa pagitan namin ni Santiago, at amin itong inialay sa Kanya, katulad na ito ang kinaugalian sa mga rabbi. Hindi Niya ito gusto. Ngunit sa dahilan na labis kaming namimilit, sinabi Niya: “Gantimpalaan sana kayo ng Diyos sa pamamagitan ng mga pagpapalà ng mahihirap. Sumama kayo sa Akin” at ibinigay Niya iyon sa ilang mahihirap na tao: alam Niya kung saan sila nakatira. At nang tinanong namin Siya: “Guro, hindi ba Kayo magtatabi ng anuman para sa Inyong Sarili?» Siya ay tumugon: “Ang lugod na gawin ang kalooban ng Diyos at napaglilingkuran ang Kanyang kaluwalhatian”. Sinabi din namin: “Tinatawag Ninyo kami, Guro. Ngunit lahat kami ay mahirap. Ano ang aming dadalhin sa Inyo?”, Siya ay tumugon nang may ngiti na kinalugdan namin ang mga kinasisiyahan sa Paraiso: “Ibig Ko ang isang kayamanan mula sa inyo”, at sinabi namin: “Ngunit wala kami ng kahit ano”. At Siya ay tumugon: “Isang kayamanan na may pitong pangalan, na kahit na ang pinakamahirap ay mayroon, habang ang mayayaman ay baka wala nito. Mayroon kayo nito, at gusto Ko ito. Pakinggan ang mga pangalan: karidad, pananampalataya, mabuting kalooban, tamang intensiyon, kahinahunan, sinseridad, espiritu ng pagsasakripisyo. Iyan ang kailangan Ko mula sa Aking mga tagasunod, iyan lamang, at mayroon kayo nito. Ito ay natutulog, katulad ng isang binhi sa ilalim ng lupa ng taglamig, ngunit ang sikat ng araw ng tagsibol ay gagawin itong sumibol na may pitong-ibayong espiga”. Iyan ang Kanyang sinabi.»

«Ah! Ngayon nararamdaman ko na Siya ay isang totoong Rabboni, ang pinangakong Mesiyas! Siya ay hindi malupit sa mahihirap, hindi Siya nanghihingi ng pera… Sapat nang tawagin Siyang ang Banal na Tao ng Diyos. Makalalakad tayo nang ligtas.»

At ang lahat ay natapos.

(256) 060710/033113/040413

¹ Si Juan Bautista, ang ibig sabihin.

Sunod na kabanata.