480. Si Jesus at ang Pastol na Samaritano.

Agosto 28, 1946.

Hindi ko masabi kung saang bahagi kami ng Samaria. Kami ay tiyak na nasa gitna ng mga bundok ng Samaria, bagama't ang mga ito ay hindi ang pinakamatataas. Ang pinakamatataas na bundok, sa katunayan, ay nasa malayo pa sa timog, na ang kanilang matatarik na taluktok tumataas sa kalangitan, na ngayon ay naging malinis na.

Ang mga apostol ay pinananatili nila hangga't maaari na malapit sila kay Jesus habang naglalakad, ngunit ang landas, isang mas-maikling daanan, ay hindi sila napahihintulutan na magawa ito nang madalas at ang grupo ay napoporma at nawawasak nang patuloy.

Maraming mga pastol ang nasa mga bundok kasama ang kanilang mga kawan at ang mga apostol ay sa kanilang nagtatanong kung ang landas ay ang tamang daan upang madala ang isa patungo sa daan ng karabana na mula sa dagat ay magdadala sa Pella. Bagama't sila ay mga Samaritano, tinutugon nila ang mga tanong nang walang anumang kagaspangan. Sa kabaligtaran, ang isa sa kanila, sa isang sangahan ng mga landas na tumatakbo sa lahat ng mga direksiyon at naghihiwalay muli sa maraming mga sanga, ay nagsabi: «Ako ay malapit nang bumaba sa mga lambak. Magpahinga nang kaunti at pagkatapos makalalakad tayo nang magkasabay. Kung kayo ay maliligaw sa mga bundok na ito... hindi iyan magiging mabuting bagay...» binababa niya ang kanyang tinig at nagdagdag: «Mga mandarambong sa daan!» at siya ay tumitingin sa kapaligiran na tila siya ay natatakot na baka sila ay nasa malapit sa nagbabanta sa kanya. Pagkatapos, nang siya ay nakatitiyak, sinabi niya: «Sila ay bumababa mula sa mga dalisdis ng Mount Gerizim at Mount Ebal at kumakalat sila sa mga araw na ito ng mga peregrino. At sila ay laging aktibo, sa kabila na ang mga Romano ay dinagdagan ang kanilang mga guwardiya sa mga daan... sapagkat laging may mga tao na umiiwas ng abalang mga daan upang makapaglakbay ng mas mabilis o dahil sa ibang mga rason.»

«Marami kayong mga taong tampalasan, eh!» wika ni Felipe nang may ibig-sabihin na ngiti.

«Ikaw, na isang Galilean... sa palagay mo ba sila ay mga Samaritano?» tugon ng pastol nang nagdaramdam.

Ang Iskariote ay nakialam dahil nararamdaman niya na ito ay kanyang katungkulan upang maiwasan ang bawat di-magandang insidente, dahil siya ang promoter ng pagbabago ng dadaanan, at sinabi niya: «Hindi, hindi! Ito ay dahil nalalaman ng mga tao na kayo ay mapag-aruga at kung gayon ang mga nakagagawa ng masama sa ibang mga lugar, ay pumupunta rito upang makita ng mapagtataguan, ito ay tila,,, ang buong lugar ay isang siyudad na kanlungan. Ang mga gumagawa ng masama ay alam-na-alam nila na wala, maging mga Galilean o mga Judaean, ang sumusunod sa kanila dito at sinasamantala nila iyan. At ang kalikasan ay natutulungan din sila. Ang lahat na mga bundok na ito...»

«Ah! akala ko tinitingnan ninyo... Ang mga bundok, siyempre, ay nakapagbibigay ng kanilang mapaggagamitan. Ang dalawang pinakamatataas na bundok, lalo na... Oo... ngunit... gaano ang nanggagaling mula sa mga bundok ng Adummim at mula sa mga bangin ng Ephraim! Sila ay pag-aari ng lahat na mga lahi, eh!... at ang mga sundalong Romano ay tuso... Hindi sila pumupunta upang paalisin sila, Tanging mga ahas lamang at mga agila ang nakaaalam ng kanilang mga lungga at nakaaabot sa kanila. At nakakatakot na mga bagay ang naiuulat. Ngunit maupo. Bibigyan ko kayo ng ilang gatas... Ako ay isang Samaritano, ngunit nalalaman ko rin ang Pentateuch! At hindi ko sinasaktan ang hindi nananakit sa akin. Kayo... kayo ay hindi nananakit, subalit kayo ay mga Galilean at mga Judaean. Ngunit sinasabi nila na ang isang propeta ay lumitaw upang turuan kami kung papaano magmahal sa isa’t isa. Kung hindi ko titingnan na ayon sa mga eskriba at mga Pariseo ng Israel na kami ay isinumpa, iyan ang sinasabi nila, sasabihin ko na ang dakilang mga propeta na nagmahal sa amin, bagama't kami ay mga Samaritano, ay bumalik sa Kanya, ayon sa sinasabi ng ilang mga tao, upang magmahal muli. Ngunit hindi ko pinaniniwalaan ito... Naririto ang gatas... Ngunit ibig kong makilala ang propeta. Sinasabi nila na ang isa pang propeta, ang isa na nagtatago sa aming mga hangganan at isang hindi namin pinagtataksilan – ang mga nang-iinsulto sa amin ay kailangan na tandaan iyan – ay nagsabi na ang propetang ito ay mas mahigit pa kay Elijah. Tinatawag niya Siya ang Kordero ng Diyos, ang Kristo. At ilang mga Samaritano sa Shechem ay nagsalita sa Kanya, at sila ngayon ay nagkukuwento ng dakilang mga bagay tungkol sa Kanya, at maraming mga tao ang nagpunta sa mga pinakadaan, naghihintay para sa Kanya, sapagkat iniisip nila na baka Siya dumaan doon. Hindi lang, bagkus – ito ay ang unang pagkakataon na ito ay nangyari – ilang mga Judaean, mga Pariseo at mga doktor ang nagtanong sa amin sa bawat bayan, nagsasabi na kung makita namin Siya, kailangan na mauna kami sa Kanya upang sabihan sila na Siya ay parating, sapagkat ibig nila Siyang bigyan ng isang malaking pasalubong.»

Ang mga apostol ay nagkakatinginan nang patago, ngunit mabuting nananatili silang tahimik. Si Judas, sa pamamagitan ng kanyang maningning na madilim na mga mata, puno ng nananagumpay na liwanag, ay tila nagsasabing: «Napakinggan ba ninyo iyan? Kumbinsido na ba kayo ngayon na tama ako?»

Ang pastol ay patuloy sa pagsasalita: «Kayo ay tiyak na kilala Siya. Saan kayo nanggaling?»

«Mula sa mataas na Galilee» tugon agad ni Judas.

«Ah! kayo ay Galilean... Hindi. Hindi kayo Galilean.»

«Nanggaling kami sa maraming mga lugar. Gumawa kami ng isang perigrinasyon sa mga libingan ng mga doktor.»

«Ah! Baka kayo ay mga disipulo... Ngunit ang mamâ bang ito ay hindi isang rabbi?» nagsasabi siya tinuturo si Jesus.

«Kami ay mga disipulo. Tama ka. Oo, ang taong ito ay isang rabbi. Ngunit nalalaman mo na ang isang rabbi ay naiiba sa isa pa...»

«Alam ko. siya ay tiyak na bata pa at marami pa Siyang dapat na malaman sa dakilang mga doktor ng inyong Templo» at may labis na panunuya sa salitang “inyong”.

Ngunit si Judas na laging nakahandang sumagot, ay napakagandang nagpapasakop. Ang iba ay hindi nagsasalita, si Jesus ay nagmumukhang buhos sa pag-iisip, kung kaya't ang maanghang na wika ay hindi pumupukaw ng ganti. Si Judas sa katunayan ay nagsasalita nang ngumingiti: «Siya ay napakabata nga. Ngunit Siya ang pinakamarunong sa lahat» at upang matapos ang pag-uusap na baka maging isang piligroso, sinabi niya: «Kailangan mo bang magtagal pa rito? Sapagkat gusto namin na makababa sa lambak sa gabi.»

«Hindi. Ako ay lalakad na. Iipunin ko na ang mga tupa at aalis na.»

«Sige. Pansamantala kami ay magsisimula na...» at siya ay tumayo kasama ang iba at kinuha kaagad ang landas. Nang ang palumpungan ay nasa pagitan na niya at ng pastol siya ay tumatawa nang tumatawa, nagsasabing: «Gaano kadali ito na tuksuhin ang mga tao! At ngayon ba ay kumbinsido na kayo na ako ay hindi nagsisinungaling at hindi ako tanga?»

«Hindi. Hindi ka nagsinungaling... ngunit nagsisinungaling ka na ngayon.»

«Nagsinungaling? Hindi. Papaano mo nasasabi iyan. Felipe? Alam ko kung papaano sabihin ang katotohanan  nang napipigilan ito na makasakit. Hindi ba tayo nanggaling sa Mas Mataas na Galilee? Hindi ba tayo nanggagaling sa lahat ng mga lugar? Tayo ba ay hindi pumunta isang araw upang pagpitaganan ang ma libingan ng mga doktor at tayo ay binato? At tayo ba ay hindi rin pumunta sa malapit sa kanila sa loob ng ating huling paglalakbay patungong Giscala? Ako kaya ay pinagkaila si Jesus na Siya ay isang rabbi? Sinabi ko kaya na Siya ay hindi ang pinakamarunong sa kanilang lahat?... Sa pagsasabing iyan, ako ay nag-iisip, at ang aking puso ay nagbubunyi, na sa pagsasabing “tayo” sinasaktan ko ang mga rabbi, na lahat ay mas mababa sa Guro, bagama't hindi nila ito iniisip, nagagawa kong tanga ang pastol... Ha! Ha! Kailangan na alam ng isa kung papaano sabihin ang mga bagay... at masasabi ng isa ang lahat nang hindi nagkakasala at hindi nakagagawa ng kahit anong kapinsalaan.»

Si Judas ni Alfeo ay napangiwi sa pagkasuklam at nagsabi: «Sa ganang akin iyan ay kasinungalingan pa rin.»

«Siyempre! Ginawa ko iyon! Ngunit napakinggan mo ba siya, eh! Kinalimutan nila ang maling mga akala, suklam, arogansiya upang masabihan ang mga Samaritano na sabihan sila tungkol sa pagdaan ng Guro, upang sana masalubong nila Siya sa mga hangganan! Ah! Anong isang pagsalubong!»

«Pagsalubong! Nag-isip din sila at nagsalita ng kung ano ang isang bagay na totoo, habang nagsisinungaling... tama si Judas ng Kerioth» sabi ni Tomas.

Si Jesus ay lumingon at nagsabi: «Oo. Ang kanilang mga salita ay mandaraya at mapootin. Ngunit ang sabihin ng isang salita para sa isa pa, kahit na kung para sa mabuting pakay, ay laging kapintas-pintas. Sa palagay ba ninyo ang Panginoon ay nangangailangan ng ganyang asal upang maprotektahan ang Kanyang Mesiyas? Huwag nang magsinungaling pa, ni kahit para sa mabuting pakay. Ang isip ay nasasanay sa pag-iisip ng mga kasinungalingan, at ang mga labì sa pagbigkas ng mga ito. Hindi, Judas. Iwasan ang maging di sinsiro.»

«Iiwasan ko, Guro. Ngunit manahimik na tayo ngayon. Ang pastol ay tumatakbo upang masamahan tayo...»

Sa katunayan ang pastol ay dumarating tinutulak paharap ang kanyang mga tupa, na nararamdaman na ang kulungan ay malapit na ay nagsisimulang tumakbo sa kanilang pahapay-hapay na paglakad, humuhuni, nagtutulakan, pinipilit ang kanilang daan sa pagitan ng mga apostol, na halos maitapon nila. Siya ay sinusundan ng batang pastol at ng aso at tumigil lamang siya nang sa tulong ng bata at ng aso nagtagumpay siyang pigilan ang mga tupa, iniipon sila upang sila ay hindi kumalat sa paligid o pumunta sa lambak sa pamamagitan nila mismo.

«Sila ang pinakatangang hayop sa Lupa. Ngunit sila ay may pakinabang na may pakinabang!» sabi niya pinupunas ang kanyang pawis at dinagdag niya nang may buntung-hininga: «Eh! kung si Reuben ay naririto pa rin! Ngunit sa pamamagitan ng batang ito lamang!...» Iniiling niya ang kanyang ulo bumababa sa likuran ng kanyang mga tupa, na pinipigilan ng aso at ng bata, sa uluhan ng kawan, na maghiwa-hiwalay. At nagsasalita sa kanyang sarili: «Kung nalalaman ko lamang kung saan ko makikita ang propetang iyon, bagama't ako ay isang Samaritano, magsasalita ako sa Kanya...»

«At ano ang sasabihin mo sa Kanya?» tanong ni Jesus.

«Sasabihin ko: “Nagkaroon ako ng isang asawa na kasing buti ng tubig ng bundok sa isang uhaw na lalaki, at ang Kataastaasan ay kinuha siya sa akin. Nagkaroon ako ng isang anak na babae na kasing buti ng kanyang ina, ang isang Romano ay nakita siya at ginustong pakasalan siya at inilayo siya. Nagkaroon ako ng aking panganay na lalaki at siya ay ang lahat sa akin... nadulas siya sa bundok isang maulan na araw at nabali ang kanyang likod at hindi makagalaw at ngayon may sakit na rin siya ng isang panloob na sakit at ang mga doktor ay nagsasabi na siya ay mamamatay.  Hindi ko Kayo tatanungin kung bakit ang Eternal na Ama ay pinarurusahan ako, bagkus hinihingi ko sa Inyo na pagalingin ang aking anak”.»

«At  naniniwala ka ba na mapapagaling Niya siya para sa iyo?»

«Tiyak na pinaniniwalaan ko iyan! Ngunit hindi ko Siya kailanman makikita...»

«Bakit ka nakakatiyak? Siya ay hindi isang Samaritano.»

«Siya ay isang makatarungan na tao. Siya ay ang Anak ng Diyos, iyan ang sinasabi nila.»

«Kayo, sa inyong mga ama, ay sinaktan ang Diyos.»

«Iyan ay totoo. Ngunit sinasabi rin na patatawarin ng Diyos ang Kasalanan ng tao sa pagpapadala ng Tagapagtubos. Ang pangakong ito ay mababasa sa Pentateuch kasunod ng pagsumpa kay Adan at Eba. At ang Aklat ay inuulit ito nang makailang beses. Kung mapapatawad Niya ang kasalanan na iyon, hindi ba siya magkakaroon ng awa sa akin, na walang malay na pinanganak na isang Samaritano? Sa aking palagay na kung maririnig ng Mesiyas ang aking hinaing, maaawa Siya sa akin.»

Si Jesus ay ngumingiti ngunit hindi nagsasalita ng kahit na ano. Ang mga apostol din ay ngumingiti nang makahulugan, na, bagama't, ay hindi napupuna ng pastol.

«Kung gayon ang bata bang iyon ay hindi ang anak mo?» tanong ni Jesus.

«Hindi. Siya ay ang anak ng isang balo na may pitong anak na lalaki at namumuhay sa karukhaan. Kinuha ko siya bilang isang katulong... at isang anak... upang ako ay hindi maiwan na nag-iisa... kapag si Reuben ay nasa kanya nang libingan...» at siya ay nagbubuntung-hininga.

«Ngunit kung ang iyong anak ay makapanumbalik, ano ang gagawin mo sa isang ito?»

«Pananatilihin ko siya. siya ay mabuti at naaawa ako para sa kanya...» binaba niya ang kanyang tinig nagsasabing: «Hindi niya nag-aalam. Ngunit ang kanyang ama ay namatay sa mga galera.» 

«Ano ang kanyang nagawa upang marapatin iyon?»

«Walang sinasadya. Ngunit ang kanyang kariton ay nakasagasa ng isang lasing na sundalo at inakusahan ng pagsagasa nang sadya...»

«Papaano mo nalalaman na siya ay patay na?»

«O! ang isa ay hindi nagtatagal na buhay sa sagwan! Ngunit isang tiyak na balita ay binigay sa amin na isang mangangalakal ng Samaria, na nakakita sa kanyang katawan na inaalis mula sa mga kadena at itinapon sa dagat sa ibayo ng mga Pillar»»

«At talagang pananatilihin mo siya sa iyo?»

«Nakahanda akong panumpaan ito. Siya ay di-masaya, Ako ay di-masaya. At hindi lamang ako ang nag-iisa na gawin ito, ang ibang mga tao ay kinuha ang mga anak ng lalaki ng balo, na ngayon ay naiwanan ng kanyang tatlong mga anak na babae. Napakarami pa rin nila. Ngunit mas mabuti na ang maging apat kaysa labindalawa... Ngunit hindi ako kailangan na manumpa!... Si Reuben ay mamamatay...»

Ang isa ay makikita na ang daan na abalang-abala na may mga peregrino na nagmamadali patungo sa kanilang pagtitigilan na mga lugar. Ngayon ay dumidilim na.

«Mayroon ba kayong lugar na matutulugan?» tanong ng pastol.

«Walang, talaga.»

«Gusto kong sabihin sa Inyo: “Halikayo”, ngunit ang aking bahay ay napakaliit para sa lahat. Ngunit ang kulungan ay malaki.»

«Harinawang gantimpalaan ka ng Diyos na tila binigyan mo Ako ng pag-aruga. Ngunit magpapatuloy Ako hanggan ang buwan ay lumubog.»

«Ayon sa ibig Ninyo. Hindi ba Kayo natatakot na maligaw? Ang makatagpo ng masasamang tao?»

«Ang karukhaan ng Aking mga kasama at ang Akin ay magpoprotekta sa Aking laban sa mga mandarambong. Ang tungkol sa daan, umaasa Ako sa angel ng mga peregrino.»

«Kailangan kong pumunta sa harapan ng kawan. Hindi ito alam ng bata... At ang daan ay puno ng mga kariton...» at siya ay tumatakbo sa unahan upang pangunahan ang mga tupa sa kaligtasan.

«Guro, ang malala ay parating na ngayon. Kailangan natin na bagtasin ang isang layo ng daan sa pagitan ng mga tao...» bulong ng mga apostol.

Sila ngayon ay nasa daan na, sa likuran ng mga tupa, na nagpapatuloy sa isang linya, nasasarhan ng tabi ng bundok, ng tungkod ng pastol at ng alerto na aso. Ang bata ay ngayon katabi na ni Jesus Na humahaplos sa kanya.

Narating nila ang isang sangandaan. Ang pastol ay pinatigil ang kawan nagsasabing: «Naririto na tayo. Ito ang Inyong daan at ang isang iyon ay akin. Ngunit kung Kayo ay pupunta patungo sa nayon, makakakita Kayo ng mas maikling daan upang makarating sa susunod na nayon. Tingnan: nakikita ba Ninyo ang malaking puno ng sycamore lumakad na iyon? Lumakad hanggang sa layo niyon at pagkatapos lumiko sa kanan. Makakakita Kayo ng maliit na liwasan na may isang pontanya at pagkatapos niyan, isang bahay, maitim sa usok. Iyon ang bulusan. Ang daan ay sa kabila niyan. Hindi Kayo magkakamali. Paalam.»

«Paalam. Ito ay napakabait ninyo at ang Diyos ay pagiginhawahan ka.»

Ang pastol ay kinuha ang kanyang daan at kinuha ni Jesus ang Kanya. ang una ay napalilibutan ng mga tupa, ang huli ng mga apostol. ang dalawang pastol nasa gitna na kanilang mga kawan...

Sila ngayon ay magkahiwalay na, naitatago ng isang grupo ng mga bahay na itinayo sa pagitan ng pinakadaan, sinusundan ng pastol, at ng daanan na dumaraan sa isang abang bahagi ng nayon, ang pinakadukha, sa palagay ko, tahimik, nangungulila... Ang mahihirap na tao ay nasa loob na ng kanilang mga bahay at ang mga paapuyan sa mga kusina ay makikita sa pamamagitan ng medyo nakabukas ng mga pinto... Ang gabi ay bumabagsak nang may kadiliman ng agaw-dilim.

«Titigil tayo sa labas lamang ng nayon» sabi ni Judas. «May nakikita akong ilang mga bahay sa banda roon sa mga bukid.»

«Hindi. Mas mabuti pang magpatuloy.» May iba't ibang mga opinyon.

Narating nila ang pontanya, nagmadali sila patungo rito upang hugasan ang kanilang mga sarili at punuin ang kanilang maliliit na mga prasko. Naroon ang panday. Isinasara niya ang kanyang pandayan. At naroon ang daan patungo sa mga bukid... Kinuha nila ito.

Ngunit ang isang sigaw ay narinig mula sa malayo, mula sa nayon. «Rabbi! Rabbi! Ang aking anak! Mga kababayan! Halikayo! Nasaan ang Peregrino?»

«Naghahanap sila para sa atin, Guro! Ano ang Inyong ginawa?»

«Takbo. Kung marating natin ang kakahuyan na iyon wala nang makakakita pa sa atin.»

Tinakbong tinawid nila ang isang bukid na natatakpang ng kapuputol pa lamang na mga dayami, narating nila ang isang maliit na burol na kanilang inaakyat at sila ay nawala, sinusundan ng mga tinig, ngayon marami na, at ng mga tao na kumalat sa paligid, sa labas ng nayon, nagtatawag kung baga naghahanap, sapagkat walang masyadong makita sa agaw-dilim. Sila ay tumigil sa paanan ng maliit na burol.

«Iyon ay ang Rabbi na pumunta sa Shechem, sinasabi ko sa inyo, Iyon ay walang iba bagkus Siya. At pinagaling Niya ang aking Reuben. At hindi ko Siya nakilala. Rabbi! Rabbi! Rabbi! Pahintulutan ako na sambahin ko Kayo! Sabihin sa akin kung saan Kayo nakatago!»

Tanging ang alingawngaw lamang ang tumutugon at tila sinasabi nito: «Abbi! Abbi! Abbi!» at upang baguhin ang huling salita na maging «heaven».¹

«Ngunit hindi Siya maaaring malayo» sabi ng panday. «Kararaan pa lamang Niya sa harapan ko bago kayo dumating...»

«Subalit Siya ay wala rito. Kita ninyo. Walang sinuman sa daan. Kukunin Niya ang isang ito.»

«Siya ba ay maaaring nasa loob ng kakahuyan?»

«Hindi. Siya ay nagmamadali...» Pagkatapos humingi siya ng tulong mula sa kanyang aso. «Hanapin sila! Hanapin sila!» at sa isang sandali ang aso ay tila makikita sila ang pinagtataguan na lugar, sapagkat patungo ito sa kakahuyan pagkatapos na maamoy ang parang. Pagkatapos ang hayop ay tumigil nagtataka, na ang isang paa nakataas, ang nguso nito nasa ere... pagkatapos, bigo ng kung ano na hindi ko alam, nagsimula itong umalis patungo sa kabilang direksiyon, tumatahol, at ang mga tao ay hinahabol ito...

«O! Pagpalain ang Panginoon!» bulalas ng mga apostol nang may mga buntung-hininga ng kaginhawahan at hindi nila maiwasan na magsabi sa Guro: «Ngunit ano ang Inyong ginawa, Panginoon!» at halos sisihin nila Siya sa paggawa nito. «Nalalaman Ninyo na mapanganib para sa Inyo na maituro, subalit Kayo…»

«At hindi Ko ba kailangan na gantimpalaan ang pananampalataya? At hindi ba magandang bagay na isipin nila na Ako ay nasa daan na mula sa Dothan ay magdadala sa Pella? Baka kaya ayaw mo na silang hindi magkaroon ng maliwanag na idea tungkol sa kung anong bagay?»

«Totoo iyan. Tama Kayo! Ngunit kung ang aso ay matagpuan Kayo?»

«O! Simon! At sa palagay mo ba na Siya na nagpapataw ng Kanyang kalooban, mula sa malayo din, sa mga sakit at mga elemento at nagpapalayas ng mga dimonyo,  ay hindi ito maipapataw sa isang hayop? Ngayon sikapin natin na marating ang daan sa kabila ng pagliko, at hindi na nila tayo makikita pa. Tayo na.»

At sila ay nagpapatuloy nang halos nangangapa sa palumpungan sa burol, hanggang sa makabalik sila sa daan; isang maliit na daan, lahat puti sa liwanag ng tumataas na buwan, at malayo mula sa nayon na ngayon ganap nang naitatago ng burol...

060811/012913

 



¹ Ang orihinal na salitang English ng “langit” ang ginamit upang tumugma sa tunog ng “Abbi!” na siyang ibig palabasin, sa palagay ko, ni Maria Valtorta. - RLB


Sunod na kabanata