481. Ang Sampung Ketongin Malapit sa Ephraim.

Agosto 29, 1946.

Sila ay nasa magaspang na bundok pa rin, sa mga landas kung saan walang kariton na makakaraan bagkus mga manlalakbay lamang o mga tao na nakasakay sa malalakas na asnong  pambundok, na mas malalaki at malalakas kaysa sa pangkaraniwan na maliliit na asno na makikita ng isa sa mas patag na mga lugar. Maraming tao ang maaaring titingnan ang sinasabi kong ito na walang kuwenta, ngunit ginagawa ko rin ito gayunpaman.

Sa Samaria ay may mga kaugalian na naiiba sa ibang mga lugar, kapwa hinggil sa pananamit at marami pang ibang mga bagay. At ang isa ay ang dami ng bilang ng mga aso, di katulad sa ibang mga lugar, at nagpapataka ito sa akin katulad na ako ay nasorpresa sa presensya ng mga baboy sa Decapolis, baka napakaraming aso sapagkat maraming mga pastol sa Samaria at maaaring maraming mga lobo sa mga bundok na napaka mabangis. Napakarami ding mga aso sapagkat nakikita ko na sa Samaria ang mga pastol ay sa pangkalahatan ay nag-iisa, sa pinakamaganda na may isang bata, ang bawat isa pinapastol ang kanyang sariling kawan, samantalang sa ibang lugar ay karamihan marami ang tumitingin sa malalaking kawan ng mayayamang tao. Ito ay isang katunayan dito na ang bawat pastol ay may kanyang aso o mas maraming aso ayon sa bilang ng mga tupa ng kanyang kawan.

Isa pang pagkakakilanlan ay ang mga asno, halos kasing taas ng mga kabayo, sila ay malulusog, angkop sa mga bundok na ito nang may mabigat ng karga sa ibabaw ng siyá, pati rin malalaking troso, dahil nakita ko silang bumababa mula sa mga magagandang bundok na ito na natatakpan ng matatandang kahoy.

Isa pang kakaibang pagkakakilanlanan: ang madaling pakikitungo ng mga tagarito, na hindi pagiging mga makasalanan katulad ng tingin ng mga Judaean at mga Galilean sa kanila, ay bukas at prangko, nang walang panatismo at wala ng kahangalang komplikasyon ng ibang mga tao. At sila ay mapag-aruga. Ang punang ito ay nagagawa akong isipin na sa parabula tungkol sa mabuting Samaritano ay hindi lamang naroon ang intensiyon na ipakita na may mabuti at kasamaan kahit saan at sa pagitan ng lahat na mga lahi, at na sa pagitan din ng mga erehe ay may mga matutuwid na tao, bagkus nandoon din ng totoong deskripsiyon tungkol sa Samaritano asal sa mga nangangailangan. Maaaring tumigil sila sa Pentateuch, napakinggan ko silang nagsasalita ng tungkol dito at wala nang iba pa, ngunit sinasabuhay nila ito, sa kanilang kapwa man lamang, nang may mas katarungan kaysa sa iba, kasama ang kanilang anim na raan at tatlumpung mga alituntunin, atbp.

Ang mga apostol ay nagsasalita sa Guro, at bagama't na sila ay mga kumbinsidong Israelita, sila ay napipilitan na kilalanin at papurihan ang saloobin ng mga tao ng Shechem, na nag-anyaya kay Jesus na manuluyan sa kanila, ayon sa aking naintindihan mula sa pag-uusap na aking napakinggan.

«Napakinggan Ninyo sila, hindi ba?» sabi ni Pedro «kung papaano nilang sinabing napakalinaw na nalalaman nila ang tungkol sa kapootan ng mga Judaean? Sinabi nila: “Kinapopootan nila Kayo nang higit pa kaysa napopoot sila sa aming mga Samaritano, sa dami naming ito at kailanpaman. Walang limit ang kanilang kapootan nila sa Inyo”.»

«At ang matandang iyon? Gaano siyang tumama sa sinabi niya: “Matapos man ang lahat makatarungan lamang na ito ay ganito, sapagkat Kayo ay hindi isang tao, Kayo ay ang Kristo, ang Tagapagligtas ng mundo at kung gayon Kayo ang Anak ng Diyos, sapagkat tanging ang Diyos lamang ang makapagliligtas sa naging-maruming mundo. Kung gayon dahil sa Kayo ay walang mga limit bilang Diyos, walang mga limit sa Inyong kapangyarihan, sa Inyong kabanalan at sa Inyong pagmamahal, katulad na ang Inyong tagumpay laban sa Kasamaan ay hindi magkakaroon ng limit, kung gayon natural lamang ng ang Kasamaan at ang Poot, lahat nagkakaisa sa Kasamaan, ay walang limit laban sa Inyo”. Talagang nasabi niya ang katotohanan! At ang rason na iyan ang kapaliwanagan ng maraming mga bagay!» sabi ng Zealot.

«Ano ang pinaliliwanag niyan ayon sa iyo? Ako... ako sasabihin ko na pinaliliwanag lamang niyan na sila ay mga tanga» sabing tuwiran ni Tomas.

«Hindi. Ang katangahan ay magiging isang pangangatwiran. Ngunit sila ay hindi mga tanga.»

«Mga lasing kung gayon, lasing sa kapootan» tugon ni Tomas.

«Ni hindi iyan. Ang pagkalasing ay nawawala pagkatapos na makasuka. Ang kanilang kapootan ay hindi nawawala.»

«Hindi na iyan mas di-napipigilan kaysa lasing! At iyon ay naging ganyan sa matagal-tagal na panahon... na dapat nawala na sana iyan ngayon.»

«Aking mga kaibigan, hindi pa nararating niyan ang  tinatangka niyan» sabi ni Jesus nang kalmante, na tila ang tinatangka ng kapootan na iyon ay hindi ang Kanyang kamatayan.

«Hindi!? Subalit hindi nila tayo kailanman iniiwan sa kapayapaan?!»

«Guro, hindi nila magawa ang kanilang mga sarili na maniwala na ako ay nakapagsalita ng katotohanan. Ngunit nagsalita ako. O! Nagsalita nga ako! At sasabihin ko rin na kung iyon ay umasa sa inyo, nahulog sana kayong lahat sa patibong, katulad ni Juan Bautista. Ngunit hindi sila magtatagumpay sapagkat ako ay nagbabantay...» sabi ng Iskariote.

At si Jesus ay tinitingnan siya. At tinitingnan ko rin siya nag-iisip, at ako ay matagal-tagal nang nag-iisip, kung ang mabuting asal ng Iskariote ay dala ng isang mabuting tunay na pagbabalik sa landas ng birtud at pagmamahal para sa Guro, isang paglaya mula sa pantao at sobra-pa sa tao na mga kapangyarihan na dating humahawak sa kanya, o ito ay isang mas pinong gawain bilang preparasyon sa huling dagok, isang mas malalang pagkaalipin sa mga kaaway ng Kristo at kay Satanas. Ngunit si Judas ay isang gayong espesyal na nilikha na hindi siya malirip. Diyos lamang ang nakaiintindi sa kanya. At ang Diyos, si Jesus, ay naglalagay ng isang belo ng awa at kahinahunan sa ibabaw ng lahat ng mga aksiyon at pagkatao ng Kanyang apostol... isang belo na sisirain, maglalagay ng ganap na liwanag tungkol sa napakaraming mga katanungan na sa kasalukuyan ay misteryoso, tanging kapag ang mga aklat lamang ng Langit ay buksan.

Ang idea na ang kapootan ng mga kaaway ay hindi pa nararating ang tinatangka nito ay nagpapaalala sa mga apostol nang labis-labis na sila ay tumigil sa pagsasalita nang matagal-tagal. Pagkatapos si Tomas ay nagsasalita sa Zealot nagsasabing: »Bueno kung gayon, kung sila ay hindi lasing o tanga, kung ang kanilang kapootan ay nagpapaliwanag sa maraming mga bagay ngunit hindi ang isang ito, ano ang pinaliliwanag niyan? Ano sila? Hindi pa Ninyo sa amin sinasabi ito...»

«Ano sila? Sila ay nalulukuban. Sila ay ang sinasabi nila na Siya nga. Iyan ang kapaliwanagan ng kanilang galit na walang  alam na mga hangganan, sa kabaligtaran habang mas nakikilala ang Kanyang kapangyarihan, mas lalo itong lumalaki.  Ang Samaritano ay nagsalita ng katotohanan. Sa Kanya, Anak ng Ama at ni Maria, ang Tao at Diyos, ay nariyan ang kawalang-hangganan ng Diyos, at ang Kapootan na sumasalungat sa perpektong Kawalang-hangganan ay kawalang-hangganan, kahit na kung sa walang-hangganang poot nito ito ay di perpekto, sapagkat Diyos lamang ang perpekto sa Kanyang mga aksiyon. Ngunit kung ang Poot ay mahihipo ang kalaliman ng perpeksiyon bababa ito upang hipuin ito, hindi lamang, bagkus, itatapon nito ang sarili pababa upang hipuin ito, upang tumalbog nang pabalik muli, sa pamamagitan mismo ng bagsik ng bagsak nito sa kalaliman ng impiyerno, laban sa Kristo, upang masugatan Siya sa pamamagitan ng mga armas na hinablot mula sa impiyernong Kalaliman. Ang sansinukuban na pinangangasiwaan ng Diyos ay may isang araw lamang. Ito ay tumataas, ito ay sumisinag at lumulubog iniiwan ang lugar sa mas maliit na araw. Ang mga Bituin ay tinuturuan ang mga tao ng maraming bagay sapagkat sila ay nagpapasakop sa kalooban ng Tagapaglikha. Ang mga tao ay hindi. Ang oposisyon sa Guro ay ang isang halimbawa nito. Ano ang mangyayari kung sasabihin ng buwan: “Hindi ako mawawala at babalik ako sa dating rota na aking dinaanan”? Tiyak na makakabangga niya ang araw pahihintakutan at sisirain ang buong Sangnilikha. Iyan ang ibig nilang gawin, dahil iniisip nila na masisira nila ang Araw...»

«Ito ay ang pakikibaka ng Kadiliman laban sa Liwanag. Nakikita natin ito araw-araw sa bukang-liwayway at sa gabi. Ang dalawang puwersa ay nagkokontrahan pinaghaharian ang Lupa nang palitan. Ngunit ang kadiliman ay laging natatalo sapagkat ito ay hindi kailanman absuluto. Ang isang maliit na liwanag ay laging naririyan, kahit na kung sa loob ng isang walang-bituin na gabi. Ang pinaka-ere ay tila nililikha nito ito sa walang-hangganan na mga espasyo ng arko ng langit na siyang naglalagay nito, kahit na kung ito ay kakatiting, upang kumbinsihin ang mga tao na ang mga bituin ay hindi patay. Sinasabi ko rin iyan sa ganitong kadiliman ng Kasamaan laban sa Liwanag na siyang si Jesus, ang Liwanag ay mapapariyan upang paginhawahan ang mga naniniwala rito, sa kabila ng lahat na pagsisikap ng Kadiliman» sabi ni Juan ngumingiti sa kanyang sariling naiisip, kung saan siya ay nakalublob na tila nagsasalita siya sa kanyang sarili.

Ang kanyang iniisip ay dinudugtungan ni Santiago ni Alfeo. «Sa mga Aklat ang Kristo ay tinawag na “Tala sa Umaga”. Kung gayon mararanasan din Niya ang isang gabi, at – nahihintakutan ako nito – malalaman din natin ang isang pagitan ng panahon kung saan ang Liwanag ay tila lumalabas na hindi malakas, samantalang ang Kadiliman ay tila lumalabas na nananalo. Ngunit sa dahilan na tinawag Siyang ang Tala sa Umaga sa isang pamamaraan na pinagpapaliban ang limitasyon ng panahon, sasabihin ko na pagkatapos ng panandalian na gabi Siya ay magiging puro, sariwa, malabirhen na Liwanag ng umaga, binubuhay muli ang mundo, katulad ng liwanag na sumunod sa Kaguluhan sa unang araw. O! oo. Ang mundo ay lilikhain nang muli sa loob ng Kanyang Liwanag.»

«At maisusumpa ang mga imbi na tataas ng kanilang mga kamay upang hampasin ang Liwanag, inuulit ang mga pagkakamali na nagawa na ni Lucifer hanggang sa ibaba sa mga tagapaglapastangan ng banal na sambayanan. Si Jehovah ay pinababayaan nang malaya ang tao sa kanyang mga aksiyon. Ngunit alang-alang sa tao hindi Niya pahihintulutan ang Impiyerno na mangibabaw.»

«O! Mabuting bagay ito na pagkatapos ng labis na kaantukang ng ating mga espiritu, kung saan tayong lahat ay tila mapupurol at makukupad dahil sa maagang pagtanda, ang karunungan ay muling yumayabong sa ating mga labì! Tayo ay tila hindi na ang ating mga sarili! Ngayon nakita ko nang muli ang Zealot, at si Juan, at ang dalawang magkapatid ng dating magagandang araw!» sabi ng Iskariote kinakamayan sila.

«Hindi sa palagay ko na tayo ay nagbago nang labis upang maging tila hindi na ang ating mga sarili» sabi ni Pedro.

«Nagbago nga tayo! Lahat tayo. At ikaw ang una. At pagkatapos si Simon at ang iba pa, kasama ang aking sarili. Kung mayroon man na humigit-kumulang pareho pa rin ng dati, ito ay si Juan.»

«H’m! Talagang hindi ko alam kung saan...»

«Saan? Hindi nakikipag-ugnayan, na tila tayo ay pagod, walang-pakialam, nag-aalala... hindi na tayo nakaririnig ng mga pag-uusap katulad ng mga pag-uusap noong mabubuting lumang araw, katulad ng sa kasalukuyan, napaka kapaki-pakinabang...»

«Para sa mga pagtatalu-talo» sabi ni Tadeo inaalaala kung papaano sila madalas napupunta sa pag-aaway-away.

«Hindi, para sa ating pormasyon. Sapagkat hindi tayo lahat katulad ni Natanael, o ni Simon, o katulad ninyo, mga anak ni Alfeo, hinggil sa kapanganakan at karunungan. At ang mga hindi masyadong ganito, ay natututo mula sa mas nakakatulad niyan» tugon ng Iskariote.

«Sa katunayan... sasabihin ko na kung ano ang kinakailangan ay ang lumago sa katarungan. At si Simon ay nabigyan tayo ng isang magandang leksiyon tungkol diyan» sabi ni Tomas.

«Ako? Nakikita mo ang mga bagay nang mali. Ako ang pinakang tanga sa samahan» sabi ni Pedro.

«Hindi. Ikaw ang isa na nagbago nang pinaka malaki. Sa ganyang pagtanaw tama si Judas. Napakaliit na lamang ang naiiwan sa iyo ng Simon na nakilala ko noong ako ay dumating at sumama sa inyo at siyang, patawarin ako, nanatiling katulad niya nang matagal-tagal na panahon. Mula nang makasama kita muli, pagkaraan ng paghihiwalay para sa Kapistahan ng Dedikasyon, wala kang ginawa bagkus ang paunlarin ang sarili mo. Maunlad ka na ngayon... oo, sasabihin ko sa iyo: ikaw ay mas makaama at mas mabalasik din. Mas nakapagtitimpi katulad ng iyong kaawa-awang kapatid kaysa noong dati... At makikita ng isa, ako man lamang ay nakikita ko ito, kung ano ang binibigay mo sa pagtitimpi. Ngunit napipigilan mo ang iyong sarili. At hindi ka pa kailanman nakakuha ng labis na paggalang katulad na nakakakuha ka ngayon na ikaw ay hindi nagsasalita at hindi naninita nang labis...»

«Bueno, aking kaibigan! Napakabait mo na husgahan ako nang ganyan... Hindi ako kailanman nagbago, maliban sa pagmamahal para sa Guro, na palaki na nang palaki sa loob ko.»

«Hindi. Tama si Tomes. Nagbago ka nang husto» marami sa kanila ang nagpatotoo.

«Sino ang nakaaalam! Sinasabi ninyo ito...» sabi ni Pedro kinikibit ang kanyang mga balikat. At dinagdag niya: «Tanging ang Guro lamang ang makapagbibigay ng tiyak na opinyon. Ngunit pangangalagaan ko na huwag Siyang tanungin. Nalalaman Niya ang aking kahinaan at alam Niya na ang isang di nirarapat na papuri ay makakasamâ sa aking espiritu. Kung kaya't hindi Niya ako papupurihan, at magagawa Niya ang tamang bagay. Mas lalo ko nang nakikilala ang Kanyang puso at ang Kanyang paraan at nakikita ko kung gaano ka-makatarungan ang mga ito.»

«Sapagkat ikaw ay may isang matuwid na isip at nagmamahal nang higit at higit pa. Ang pagmamahal mo sa iyong Guro ang nagbubukas ng iyong mga mata at ng iyong pangunawa. Ang iyong Guro, ang totoo at pinakadakilang Guro na nagagawa kang maintindihan mo ang iyong Guro, ay Pagmamahal» sabi ni Jesus Na magpahanggang ngayon ay nakikinig at nananahimik.

«Sa palagay ko... ito rin ay ang kapighatian ng nasa loob ko...»

«Kapighatian? Bakit?» ang iba sa kanila ay nagtanong.

«Hoy! Dahil sa maraming bagay, na pagkatapos ng lahat, ay iisang bagay lamang: kung ano ang pinaghihirap ng Guro... at ang kaisipan tungkol sa kung ano ang Kanyang ipaghihirap. Hindi posible para sa atin na maging wala sa ating sarili katulad natin noong maaagang mga araw, katulad ng mga bata na walang alam, ngayon na nalalaman na natin kung ano ang nakakayanan ng tao na gawin at kung gaano kailangan na maghirap ang isa upang sila ay mailigtas. O! akala natin ang lahat ay madali noong maaagang araw! Akala natin ang tanging gagawin lang natin upang sumama sa atin ang iba ay ang ipresenta ang ating mga sarili sa kanila! Akala natin na upang makuha ang Israel at ang mundo ay katulad ng... paghahagis ng isang lambat sa mga tubig na maraming isda. Mahal ko! Sa palagay ko kung Siya ay hindi magtatagumpay sa pagkakaroon ng mabuting huli ng isda, hindi tayo magkakaroon ng kahit na ano. Ngunit iyan ay wala! Sa palagay ko sila ay masama at ginagawa nila Siyang maghirap. At sa aking palagay iyan ang rason para sa ating pagbago sa pangkalahatan...»

«Iyan ay totoo. Sa ganang akin iyan ay totoo» patotoo ng Zealot.

«Iyan din sa ganang akin. Sa ganang akin din» sabi ng iba pa.

«Iyan ang aking inaalala nang matagal na at nagsikap ako na makagawa... ng ilang mabuting tulong. Ngunit pinagtaksilan nila ako... at hindi ninyo ako naintindihan... At hindi ko kayo naintindihan. Akala ko kayo ay ganyan sa pamamagitan ng kapaguran ng espiritu, pagkukulang ng kompiyansa, kabiguan...»

«Hindi ako kailanman umasa para sa pantaong mga kaluguran, kung kaya't hindi ako bigo» sabi ng Zealot.

«Ang aking kapatid at ako ay ibig na Siya ay maging matagumpay, ngunit para sa Kanyang sariling kaluguran. Sinusundan namin Siya dala ng pagmamahal bilang Kanyang mga kamag-anak, kaysa bilang mga disipulo. Lagi namin Siyang sinusundan mula pa sa aming pagkabata. Siya ay mas bata kaysa sa amin, ngunit laging mas dakila kaysa sa amin...» sabi ni Santiago kasama ang kanyang walang hangganan na paghanga para sa kanyang Jesus.

«Kung mayroong isang bagay na dapat natin ikalungkot, ito ay ang hindi pagmahal sa Kanya sa espiritu at sa espiritu lamang ng lahat ng Kanyang mga kamag-anak. Ngunit hindi lamang tayo sa Israel ang nagmamahal sa Kanya sa di-tamang paraan» sabi ni Tadeo.

Si Judas Iskariote ay tinitingnan siya at baka magsasalita ng isang bagay, ngunit ang kanyang atensiyon ay nasira ng isang sigaw nanggagaling sa isang maliit na burol na nangingibabaw sa nayon, sa paligid nito kung saan sila ay naglalakad, naghahanap para sa daan upang pasukin ito.

«Jesus! Rabbi Jesus! Anak ni David at aming Panginoon, maawa sa amin.»

«Sila ay mga ketongin! Umalis na tayo, Guro, kundi’y ang buong nayon ay magmamadali patungo dito at pipigilan tayo sa kanilang mga bahay» sabi ng mga apostol.

Ngunit ang mga ketongin ay nakakalamang sa pagiging nasa unahan nila, sa itaas ng daan, mga limampung daang metro mula sa nayon, at sila ay bumababang paika-ika at nagmamadali patungo kay Jesus inuulit ang kanilang mga sigaw.

«Pumunta tayo sa loob ng nayon, Guro. Hindi sila makakapasok» sabi ng ilang mga apostol, ngunit ang iba ay nagsasabi: «May ilang mga babae na ang lumabas at tumitingin. Kung tayo ay papasok, maiiwasan natin ang mga ketongin, ngunit hindi natin maiiwasan na hindi makilala at mapigilan.»

At habang hindi sila nakatitiyak sa kung ano ang kanilang gagawin, ang mga ketongin ay mas lumapit pa kay Jesus, Na hindi pinapakinggan ang mga 'kung' at 'ngunit' ng Kanyang mga disipulo, ay nagpatuloy sa Kanyang paglalakad. At ang mga apostol ay tinanggap na lamang na sundan Siya habang ang mga babae na may mga nakakapit na mga bata sa kanilang mga damit at ilang matatandang lalaki naiwan sa nayon ay pumunta upang makakita, nananatili sa isang mahinahon na distansiya mula sa mga ketongin na, bagama't  ay tumigil sa layo nang ilang mga metro mula kay Jesus at nangungusap muli: «Jesus, maawa sa amin!»

Si Jesus ay tinitingnan sila nang isang sandali; pagkatapos, nang hindi nilalapitan ang nakapamimighating grupo, Siya ay nagtanong: «Kayo ba ay mula sa nayon na ito?»

«Hindi, Guro. Nanggaling kami sa ibang mga lugar. Ngunit ang kabilang tabi ng bundok kung saan kami nakatigil, ay nakaharap sa daan patungo sa Jericho at iyon ay mabuting lugar para sa amin...»

«Pumunta kung gayon sa nayon na pinakamalapit sa inyong bundok at ipakita ninyo ang inyong mga sarili sa mga pari.»

At si Jesus ay nagpatuloy sa paglalakad, pumupunta sa tabi ng daan, upang hindi Niya mahipo ang mga ketongin, na nakatingin sa Kanya, habang Siya ay papalapit, na ang kanilang kaawa-awang may-sakit na mga mata nagsasaad ng wala bagkus pag-asa. At nang sila ay narating ni Jesus, itinaas Niya ang Kanyang kamay upang pagpalain sila.

Ang mga tao ng nayon ay bigo at bumalik sa kani-kanilang mga bahay... Ang mga ketongin ay naghikahos muli paakyat sa bundok patungo sa kanilang mga gruta o sa pagawing daan ng Jericho.

«Tama ang Inyong ginawa sa di sa kanila pagpagaling. Ang mga tao ng nayon ay hindi sana tayo paaalisin...»

«Oo, at kailangan natin na makarating sa Ephraim bago gumabi.»

Si Jesus ay patuloy sa paglalakad at nananahimik. Ang nayon ngayon ay natatakpan na ng mga liko ng paliko-likong daan na sumusunod sa alangang tabas ng bundok sa paanan nito kung saan ito naiukit.

Ngunit ang isang tinig ay narating sila: «Papuri sa Kataastaasang Diyos at sa Kanyang totoong Mesiyas. Ang lahat na kapangyarihan, karunungan at awa ay nasa Kanya! Papuri sa Kataastaasang Diyos Na nagkaloob sa amin ng kapayapaan sa pamamagitan Niya. Purihin Siya, o mga tao ng mga bayan ng Judaea, Samaria, Galilee at sa ibayo ng Jordan. Gawin ang papuri sa Kataastaasan at sa Kanyang Kristo na umugong sa kasing layo ng niyebe sa napakataas na Hermon, hanggang sa layo ng tigang na mga bato sa Idumea, hanggang sa layo ng mga baybayin  na sinasampal ng mga alon ng Great Sea. Ang hula ni Balaan ay natupad. Ang Bituin ni Jacob ay nagniningning sa naibalik na kalangitan ng amangbayan na naipagkaisang muli ng totoong Pastol. At ang mga pangakong ginawa sa mga patriyarka ay natupad din! Naririto, naririto ang mga salita ni Elijah, na nagmahal sa amin. Makinig dito, mga sambayanan ng Palestina at intindihin ito. Ang isa ay hindi na kailangan na umika sa dalawang tabi bagkus ang isa ay kailangan na mamilì sa pamamagitan ng espiritu, at kung ang espiritu ay matuwid mapipili ng isa ang tama. Ito ang Panginoon, sundan Siya! Ah! magpahanggang ngayon tayo ay pinarusahan sapagkat hindi tayo nagsumikap na makaintindi! Ang tao ng Diyos ay isinumpa ang huwad na altar nanghuhula: “Ang isang anak na lalaki ay ipanganganak sa bahay ni David, Josiah sa pangalan, na magsasakripisyo sa altar at susunugin ang mga buto ni Adan. At ang altar ay sasabog hanggang sa layo ng mga bituka ng Lupa at ang mga abo ng pagsasakripisyo ay ikakalat sa hilaga, sa timog, sa silangan at kung saan ang araw lumulubog”. Huwag umasal katulad ng tangang si Ahaziah na nagpadala ng mga mensahero upang magsangguni sa diyos ni Ekron nang ang Kataastaasan ay nasa Israel. Huwag maging mas mababa pa kaysa sa asno ni Balaam na sa paggalang nito para sa espiritu ng liwanag ay naging marapat na mabuhay, samantalang ang propeta na hindi nakakita ay sana hinampas. Naririto ang Liwanag na dumaraan sa pagitan natin, ibukas ang inyong mga mata, mga tao na ang mga kaluluwa ay bulag at tumingin» at ang isa sa mga ketongin ay sinusundan silang papalapit nang papalapit, sa pinakadaan din, kung saan tinuturo si Jesus sa mga peregrino.

Ang mga apostol, naiinis, ay tumalikod sinasabihan nang dalawa o tatlong beses ang ketonging, na ngayon ganap nang gumaling, na maging tahimik. At sa pinakahuli ay halos takutin siya.

At siya ay tumigil sa pagsigaw nang isang sandali, upang makapagsalita sa lahat, at tumugon: «At umaasa ba kayo na hindi ko luluwalhatiin ang dakilang mga bagay na ginawa ng Diyos sa akin? Gusto ba ninyong huwag kong pagpalain Siya?»

«Pagpalain mo Siya sa loob ng iyong puso at maging tahimik» tumugon sila nang galit.

«Hindi, hindi ako makapananahimik. Ang Diyos ay nilalagay ang mga salita sa aking mga labì», at siya ay nagpapatuloy sa isang mas malakas na tinig: «Sambayanan ng dalawang hangganang mga bayan, at kayo na nagkataon na maparaan dito, tumigil at sambahin Siya Na maghahari sa ngalan ng Panginoon. Madalas kong tawanan ang napakaraming mga salita. Ngunit ngayon inuulit ko sila sapagkat nakikita ko na sila ay natupad. Ang lahat na mga tao ay gumagalaw at pumupunta sa Panginoon, nagbubunyi, patawid ng dagat at mga disyerto, sa mga bundok at mga burol. At tayo rin, ang mga taong matagal nang naglalakad sa kadiliman, ay pupunta sa dakilang Liwanag na tumaas, patungo sa Buhay, iniiwan ang rehiyon ng kamatayan. Tayo na katulad ng mga lobo dati, mga tigre at mga leon, ay ipanganganak sa isang bagong buhay sa Espiritu ng Panginoon at magmamahalan sa isa’t isa sa Kanya, sa loob ng lilim ng Usbong ni Jesse, na lumaking isang cedar, sa ilalim nito kung saan magkakampo ang mga nasyon na naipon Niya sa apat na kardenal na mga punto ng Lupa. Dumarating ang araw kung kailangan ang paninibugho ni Ephraim, ay matatapos, sapagkat wala nang Israel at Judah, bagkus isang Kaharian na lamang: ang Kaharian ng Kristo ng Panginoon. Bueno, inaawit ko ang mga papuri ng Panginoon Na nagligtas sa akin at nang-aliw sa akin. Ngayon, sinasabi ko: purihin Siya at halikayo upang uminom ng kaligtasan sa pontanya ng Tagapagligtas. Hosana! Hosana sa dakilang mga bagay na Kanyang ginagawa! Hosana sa Kataastaasan Na naglagay ng Kanyang Espiritu sa pagitan ng mga tao at nagdamit sa Kanya ng laman, na sana Siya ay maging ang Tagapagtubos!»

Siya ay walang kapaguran. Ang pulutong ay lumalaki sa bilang, sila ay nag-uumpukan at humaharang sa daan. Ang mga nasa likuran ay tumatakbo sa harapan, ang mga nauuna ay bumabalik, ang mga tao ng isang maliit na nayon, na malapit na ngayon, ay sumasama sa mga nagdaraan.

«Pakiusap na patahimikin siya, Panginoon. Siya ay isang Samaritano. Iyan ang sinasabi ng mga tao. Sa dahilan na ni hindi Ninyo kami pinahihintulutan na umunang magsalita tungkol sa Inyo, kailangan na huwag siyang magsalita ng tungkol sa Inyo!» sabi ng galit na mga apostol.

«Aking mga kaibigan, uulitin Ko sa inyo ang mga salita na sinabi ni Moses kay Joshua ang anak ni Nun nang siya ay nagreklamo dahil sina Eldad at Medad ay nanghuhula sa kampo: “Naninibugho ba kayo para sa akin? O! kung ang buong sambayanan ni Yahweh ay mga propeta, at ibigay ni Yahweh ang Kanyang Espiritu sa kanilang lahat!”. Subalit, Ako ay titigil at pauuwiin siya upang magawa kayong masaya.»

At Siya ay tumigil at tumatalikod at tinatawag ang pinagaling na ketongin, na tumakbo patungo sa Kanya at nagpatirapa mismo sa harapan ni Jesus hinahalikan ang lupa.

«Tumayo ka. At nasaan ang iba pa? Hindi ba’t kayo ay sampu lahat? Ang siyam na iba pa ay hindi nakaramdam na kinakailangan na magpasalamat sa Panginoon. Ano? Sa sampung ketongin, na sa pagitan nito isa lamang ang isang Samaritano, wala ni isa, maliban sa banyagang ito, ang nakaramdam na katungkulan niya na bumalik at magbigay ng kaluwalhatian sa Diyos, bago bumalik sa pamumuhay at sa kanyang pamilya? At sinasabi nila na siya ay isang “Samaritano”. Kung gayon ang mga Samaritano ay hindi na mga lasing, dahil hindi sila nakakakita nang doble at pumupunta sila sa daan ng Kaligtasan nang hindi sumusuray? Ang Salita ba ay nagsasalita ng banyagang wika kung ang mga banyaga ay nakaiintindi sa Kanya at ang Kanyang mga kababayan ay hindi?»

Ibinaling Niya ang Kanyang magagandang mata sa mga pulutong na mula sa bawat lugar sa Palestina na naroroon. At ang kumikislap na mga matang iyon ay hindi matatagalan... Marami ang itinungo ang kanilang mga ulo at pinatakbo ang kanilang mga sinasakyan o naglakad na umaalis...

Si Jesus ay ibinaba ang Kanyang mga mata sa Samaritano na nakaluhod sa Kanyang paanan at tinitingnan siya nang napakabait. Itinaas Niya ang Kanyang kamay, na dati nakabitin nang walang buhay sa Kanyang tabi, upang pagpalain siya at nagsabi: «Tumayo ka at humayo. Ang iyong pananampalataya ay nailigtas ang isang bagay na mas higit pa sa iyong laman, magpatuloy sa Liwanag ng Diyos. Humayo.»

Ang lalaki ay hinahalikan muli ang lupa at bago tumayo siya ay nagtanong: «Bigyan Ninyo ako ng pangalan, Panginoon. Isang bagong pangalan sapagkat ang lahat ay bago sa akin at magpakailanman.»

«Nasaan na lugar na tayo ng kabukiran ngayon?»

«Sa Ephraim.»

«At Ephrem ang mula ngayon ang iyong pangalan, sapagkat ang Buhay ay binigyan ka ng buhay nang dalawang beses¹.

Ang lalaki ay tumayo at umalis.

Ang lokal na mga tao at ilang mga peregrino ay ibig na pigilan si Jesus. Ngunit pinatigil Niya sila sa pamamagitan ng isang sulyap, na ngayon ay hindi na mahigpit, sa kabaligtaran ngayon ay napakagiliw, ngunit maaaring nagsasaad ito ng isang kapangyarihan na wala ni isa ang nagtangkang pumigil sa Kanya.

At si Jesus ay iniiwan ang daan nang hindi na pumupunta sa maliit na nayon, naglalakad Siya sa isang bukid, pagkatapos tinatawid Niya ang isang maliit na agos ng tubig at isang landas at inaakyat ang silangang maliit na burol, lahat natatakpan ng mga kakahuyan, na Kanyang pinapasok kasama ang Kanyang mga disipulo nagsasabing: «Susundan natin ang daan naglalakad sa kakahuyan, upang hindi tayo maligaw. Pagkatapos ng likong iyan ang daan ay tatakbo sa tabi ng bundok na ito, makatatagpo tayo ng isang gruta kung saan makakatulog tayo at sa pagliwanag tayo ay nasa ibayo na ng Ephraim...»

070811 /012913



¹ Ang ibig sabihin ng «Ephrem» ay, sa katunayan: dobleng bunga.


Sunod na kabanata