482. Sa Ephraim. Ang Parabula Tungkol sa Granada.

Agosto 31, 1946.

At si Jesus sa katotohanan ay naiisip na Siya ay talagang makakalampas sa Ephraim sa unang liwanag ng bukang-liwayway, habang ang bayan ay tahimik at ang mga kalsada nito ay wala pang mga tao, nang hindi nakikita ng sinuman. Mahinahon Niyang inikutan ang bayan, nang hindi ito pinapasok, sa kabila ng napakaagang oras.

Ngunit nang, lumalabas mula sa maliit na daanan sa likuran ng nayon, sila ay nakarating sa pinakadaan, natagpuan nila ang buong nayon, sasabihin ko, naghihintay para sa kanila, kasama ang iba pang mga tao mula sa ibang mga bayan, na kanilang dinaanan nang nakaraan, at ang huling pulutong ay itinuro sila sa mga tao ng Ephraim nang Siya ay kaagad makita nila. Mabuti na lamang dito ay walang mga Pariseo, mga eskriba o ang katulad.

Ang sambayanan ng Ephraim ay nagpadala ng mga kilala ng bayan, at ang isa sa kanila, pagkatapos ng isang solemneng pagbati, ay nagsalita sa katauhan ng lahat: «Napakinggan namin na Kayo ay naririto at na hindi Ninyo kinasuklaman na maawa sa sinuman. Nalalalaman na namin na Kayo ay naging maawain sa sambayanan ng Shechem at kung gayon ibig namin na mapunta Kayo sa amin. Ngayon, Siya na nalalaman ang mga naiisip ng mga tao ay pinadala Kayo sa pagitan amin. Manatili at magsalita sa amin, sapagkat kami rin ay mga anak ni Abraham.»

«Hindi Ako pinahihintulutan na tumigil...»

«O! nalalalaman namin na sila ay hinahanap Kayo. Ngunit hindi rito. Ang bayan na ito ay nasa hangganan ng disyerto at ng mga Bundok ng dugo. Hindi sila pumupunta rito nang kusa. At sa ganitong okasyon, pagkatapos ng mga nauna, hindi na kami nakakita pa ng iba.»

«Hindi Ako makatitigil...»

«Ang Templo ay naghihintay para sa Inyo. Alam namin. Ngunit maniwala sa amin. Kami ay tinitingnan ninyo bilang mga tulisan sapagkat hindi namin niyuyukuan ang mga Pontipise ng Israel. Ngunit ang Pontipise kaya ay Diyos? Kami ay malayo mula sa inyo. Ngunit hindi napakalayo na malaman na ang inyong mga pari ay mga kasing walang-halaga katulad ng amin. At aming iniisip na ang Diyos ay hindi na maaaring makasama nila. Hindi. Ang Kataastaasang Diyos ay hindi na itinatago ang Sarili sa loob ng ulap ng insenso. Maaari na silang tumigil sa pagsunog nito, at mapapasok na nila ang Banal ng mga Banal nang walang anumang takot na sila ay magiging mga abo gawa ng karingalan ng Diyos Na nakatayo sa Kanyang kaluwalhatian. At sinasamba namin ang Diyos pinakikiramdaman na Siya ay nasa labas ng iniwanang mga bato ng walang-laman na mga templo. At hindi namin sinasabi na ang aming mga templo ay mas walang-laman kaysa ng inyo, kung ibig ninyong akusahan kami ng pagkakaroon ng isang templo ng mga diyus-diyusan. Nakikita ninyo na kami ay walang kinikilingan. Kung gayon makinig sa amin.»

At siya ay nagpapatuloy sa isang masolemneng tono: «Mas mabuti pang tumigil Kayo rito upang sambahin ang Ama sa pagitan ng mga na kung man lamang ay tinatanggap na sila ay may isang espiritu ng relihiyon na walang laman ng katotohanan katulad ng iba na hindi ito matanggap at sinasaktan nila kami. Bagama't nag-iisa, iniiwasan katulad ng mga ketongin, walang mga propeta at mga doktor, nagawa man lamang namin na kami ay magka-isa, pinakikiramdaman na kami ay mga magkakapatid. At batas namin ang huwag magtaksil, sapagkat ito ay nakasulat: “Hindi kayo dapat papanig sa mas malaki ang bilang sa paggawa ng masama, o pumanig sa nakararami at magbigay ng saksi sa asunto sa pagsalungat sa katarungan”. Ito ay nakasulat: “Tiyakin na ang tao na inosente at makatarungan ay hindi papatayin, sapagkat hindi Ko matagalan ang lapastangan na mga tao. hindi kayo dapat tumanggap ng suhol, dahil nabubulag ng suhol ang may malinaw na paningin na mga tao at siyang ang kasiraan ng isang dahilan ng isang makatarungan na tao. Huwag siilin ang estranghero sapagkat nalalaman ninyo kung papaano ang maging mga estranghero sa isang banyagang bansa”. At sa mga pagpapalà na binibigkas sa Gerizim, isang bundok na mahal sa Panginoon kung pipiliin Niya ito bilang isang bundok ng mga pagpapalà, ang lahat na mabubuting bagay ay pinapangako sa mga sumusunod sa totoong Batas na nasa loob ng Pentateuch.  Ngayon kung tinatanggihan namin ang mga salita ng mga tao na tila sila ay mga diyus-diyusan, ngunit tinatanggap namin kung ano ang mga salita ng Diyos, masasabi ba ng mga tao na kami ay mga idolatra? Ang sumpa ng Diyos ay nasa kanya na malihim na nanghahampas ng kanyang kapwa at tumatanggap ng gantimpala upang masentensiyahan ang isang inosente ng kamatayan. Ayaw namin na maisumpa ng Diyos dahil sa aming mga aksiyon. Sapagkat hindi kami maaaring isumpa para sa pagiging mga Samaritano, dahil ang Diyos ay Makatarungan at ginagantimpalaan Niya ang pagkamatuwid saan man ito naroroon. Iyan ang aming pagsandal sa Panginoon.»

Siya ay nagmumuni-muni nang isang sandali, at pagkatapos siya ay nagpatuloy: «Iyan kung bakit sinasabi namin sa Inyo: mas mabuti pa para sa Inyo na manatiling kasama namin. Ang Templo ay kinapopootan Kayo at nagsisikap na pamighatiin Kayo. At hindi lamang ang Templo: lagi na Kayong napakahaba sa pagitan ng mga tumatanggi sa Inyo bilang isang kahihiyan. Walang pagmamahal ang darating sa Inyo mula sa mga Hudyo.»

«Hindi Ako makapananatili dito. Ngunit tatandaan Ko ang iyong mga salita. Pansamantala sasabihin Ko sa iyo na magpursige sa pagsunod sa mga batas ng katarungan na iyong inalaala, at siyang nanggagaling sa alituntunin ng pagmamahal ng isang kapwa, Ang alituntunin, na kasama ang pagmamahal ng Diyos, ay napoporma ang pinaka utos ng matandang Relihiyon at ng Akin. Ang landas patungo sa Langit ay hindi malayo para sa mga namumuhay nang matuwid. Isang hakbang lamang ang magdadala sa daan patungo sa Kaharian ng Diyos sa mga nasa malapit na landas at nakahiwalay lamang sa pamamagitan ng katigasan-ng-ulo, kaysa ng paniniwala.»

«Sa Inyong Kaharian!»

«Sa Akin. Ngunit hindi sa Kaharian ayon sa naiisip ng mga tao, ang kaharian ng magandang temporal na kapangyarihan, na baka maging mas marahas pa upang maging malakas. Bagkus ang Kaharian na nagsisimula  sa loob ng mga puso ng mga tao, kung kanino ang espirituwal na Hari ay nagbibigay ng espirituwal na batas at magbibigay ng isang espirituwal na gantimpala. Ibibigay Niya ang Kaharian, kung saan hindi magkakaroon ng tanging mga Judaean o mga Galilean o mga Samaritano, bagkus ang lahat na nasa lupa na may isang pananampalataya lamang: Akin, at sa Langit magkakaroon ng isang pangalan lamang: mga santo. Ang mga lahi, at mga dibisyon sa pagitan ng mga lahi ay mananatili sa Lupa at ito ay nakatalaga diyan. Sa Aking Kaharian hindi magkakaroon ng mga lahi, bagkus ang tanging lahi ng mga anak ng Diyos lamang. Ang mga anak ng Isang Tanging Ama lamang ay magiging bagkus ng isang pinanggalingan lamang. Ngayon pabayaan Akong makaalis. Malayo pa ang kailangan Kong marating bago gumabi.»

«Pupunta ba Kayo ng Herusalem?»

«Sa En-shemesh.»

«Magpapakita kami kung gayon sa Inyo ng isang daan, na kami lamang ang nakaaalam, upang makapunta sa piyordo nang hindi kinakailangan na tumigil at walang panganib. Makukuha ninyo ito dahil wala kayong mabigat na mga dala o mga kariton. Mapupunta Kayo sa Inyong pupuntahan sa ika-siyam na oras. At magiging mabuti para sa Inyo na malaman ang landas na iyan. Ngunit magpahinga dito kasama kami para sa isang oras at tanggapin ang aming tinapay at asin at ibigay Ninyo sa amin ang Inyong salita bilang kapalit.»

«Mangyari ang ayon sa ibig ninyo. Ngunit manatili tayo kung nasaan tayo ngayon, ito ay isang kaaya-ayang araw at ang lugar na ito ay maganda.»

Mayroon sa katunayan sa isang maliit na lambak na nakakalat na mga taniman ng mga punungkahoy at sa gitna nito ay may isang maliit na agos ng tubig, na napalaki ng unang mga pag-ulan at umaagos nang bumubulwak at nagniningning sa araw patungo sa Jordan sa gitna ng malalaking bato, na bumabasag sa mga tubig nito  sa pagiging malaperlas na bula. Ang mga mabababang punungkahoy na nakatagal sa init ng tag-init ay tila kinalulugdan ang napulbos na bula sa dalawang pampang at sila ay nagniningning nang nanginginig sa isang malumanay na ihip ng hangin na nagdadala sa amoy ng hinog na mga mansanas at nangangasim na mga bagong katas ng mga ubas.

Si Jesus ay lumapit sa agos ng tubig, Siya ay naupo sa ibabaw ng isang malaking bato na ang Kanyang ulo nasa loob ng magaan na lilim ng isang puno ng willow habang masayang dumadaloy ang agos sa ibaba ng lambak. Ang mga tao ay naupo sa damuhan na nagsisimula nang tumubo muli sa dalawang pampang.

Mula sa nayon nagdala sila ng tinapay, bagong gatas, keso, prutas at pulot, at inalay nila ang lahat kay Jesus para sa Kanyang Sarili at para sa Kanyang mga disipulo. At tinitingnan nila Siya, habang Siya ay kumakain, pagkatapos na maialay at mabendisyunan ang pagkain, napakasimple bilang isang nilalang na tao, napakahigit sa lahat na kagandahang pagkalalaki at espirituwal na nakapangingibabaw bilang isang diyos. Nakasuot Siya ng isang maputing tunika na nagiging kulay garing katulad ng kulay ng habing-bahay na delana at ng isang madilim na asul na manta na nakasalampay sa Kanyang balikat. Ang araw, tumatagos sa willow, ay naliliwanagan ang Kanyang buhok sa pamamagitan ng ginintuan na mga sinag na laging nagbabago ang pusisyon habang gumagalaw ang mga dahon ng willow. At ang isang sinag ay hinahaplos ang Kanyang kaliwang pisngi ginagawa ang malambot na kulot sa dulo ng bungkos na bumabagsak sa tabi ng Kanyang pisngi na maging isang labay ng kinidkid na hibla ng ginto at ang katulad na kulay, medyo maputla, ay makikita sa Kanyang malambot na di kalabisan na kakapalan na balbas na nagtatakip sa Kanyang babâ at sa mas mababang bahagi ng Kanyang mukha. Ang Kanyang balat, ng isang lumang garing na kulay, ay pinakikita nito sa sinag ng araw ang maselan na pagkakaayos ng Kanyang mga ugat sa Kanyang pisngi at mga sentido at ang isang tumatawid sa Kanyang makinis na mataas na noo, mula sa Kanyang ilong hanggang sa Kanyang buhok...

Sa palagay ko doon lamang sa ugat na iyon nakakita ako ng labis na dugo na dumaloy, dahil natusok ito ng isang tinik sa loob ng Kanyang Pasyon...

Sa tuwing nakikita ko si Jesus na napakagandang lalaki at malinis sa Kanyang pagkalalaking tayó, naaalaala ko ang kalagayan kung saan Siya pinaliit sa pamamagitan ng Kanyang paghihirap at ng mga insulto ng mga tao...

Habang kumakain si Jesus ay ngumingiti sa ilang mga bata na mga sumiksik sa paligid Niya, pinapatong ang kanilang mga ulo sa Kanyang mga tuhod, o tinitingnan Siyang kumakain, na tila nakakita sila ng kung ano na hindi ko alam, at nang si Jesus ay nakaabot sa prutas at pulot, nagbibigay Siya ng ilan, naglalagay ng mga ubas at malalambot na mumo na naisawsaw sa likidong pulot sa mga bunganga ng mas nakababatang mga bata, na tila sila ay mga sisiw na patukain.

Ang isang maliit na batang lalaki ay tumatakbo sa gitna ng mga pulutong patungo sa isang taniman ng mga punungkahoy at bumalik hawak ang kanyang mga kamay nang mahigpit sa kanyang dibdib pinoporma kung gayon ang isang buháy na maliit na basket, kung saan naroon ang tatlong magagandang malalaking granada – tiyak na gusto niya ito at umaasa na siya ay magkaroon – at kanya itong inaalay nang mapilit kay Jesus.

Si Jesus ay kinuha ang prutas. Binuksan Niya ang dalawa ginagawa ang isang bahagi para sa bawat isa ng Kanyang maliliit na kaibigan, kung kanino binibigay Niya sila. Pagkatapos, kinuha Niya ang ikatlo, tumayo at nagsimulang magsalita hawak ang magandang granada sa palad ng Kanyang kaliwang kamay, upang makita sana ito ng lahat.

«Sa kung ano Ko ikukumpara ang mundo sa pangkalahatan, at ang Palestina sa partikular, minsan nagkakaisa bilang isang Nasyon, at ayon din sa kaisipan ng Diyos, at pagkatapos nahati sa pamamagitan ng isang pagkakamali at sa pamamagitan ng may-katigasang-ulo na kapootan ng mga magkakapatid? Saan Ko maikukumpara ang Israel katulad na siya ngayon ay napaliit na sa pamamagitan ng kanyang sariling kalooban? Ikukumpara Ko siya sa granadang ito. At sasabihin Ko sa inyong totoo na ang pagkakaiba-iba sa pagitan ng mga Judaean at mga Samaritano, ay matatagpuan, sa iba't ibang porma at sukat ngunit sa magkakaparehong may-kinalaman na kapopootan, sa pagitan ng lahat na mga nasyon sa mundo, at kung minsan sa pagitan ng mga probinsiya ng sariling bansa. At sinasabi na sila ay di-mapangingibabawan, na tila sila ay mga bagay na nilikha ng Diyos. Hindi. Ang Tagapaglikha ay hindi gumawa ng kasing dami ng mga Adan at ng mga Eba katulad na mayroong mga lahi, salungat sa isa’t isa, o kasing dami ng mga tribu at mga pamilya na palaban sa isa’t isa. Gumawa Siya ng isa lamang na Adan at isa lamang na Eba, mula kung saan ang lahat na mga tao ay nagmula, at sila ay kumakalat upang punuin ang Lupa ng mga tao, na tila ito ay isa lamang na bahay na yumayaman nang yumayaman sa mga silid habang lumalaki ang mga anak at nag-aasawa nagkakaroon ng mga apo para sa kanilang mga magulang. Kung gayon, bakit ang labis na kapootan sa pagitan ng mga tao, bakit napakaraming mga hadlang at mga di-pagkakaintindihan? Sinabi mo: “Alam namin kung papaano maging magkaisa, nakararamdam na katulad ng magkakapatid”. Ngunit ito ay hindi sapat. Kailangan na mahalin din ninyo ang hindi mga Samaritano.

Tingnan ang prutas na ito. Alam ninyo ang lasa nito pati na rin ang kagandahan nito. Saradong katulad nito, nangangako na ito ng matamis na katas sa loob nito. Kung bubuksan mo ito, ito ay isa ring magandang tanawin sa pamamagitan ng magkakasunod na mga hilera ng maliliit na silid katulad sa mga rubi nakapaloob sa isang kahon. Ngunit kalungkutan sa di-mahinahon na tao na kakagatin ito nang hindi inaalis ang mga pinaka partisyon sa pagitan ng mga pami-pamilya ng mga maliliit na silid. Malalason niya ang kanyang mga labì at mga bituka at isusuka ito magsasabing: “Ito ay lason”. Ang mga pagkakahiwalay din naman at ang kapootan na naririyan sa pagitan ng isang sambayanan at ng isa pa, sa pagitan ng isang tribu at ng isa pa, ay nagawa nitong “lason” kung ano ang nilikha na maging katamisan. Ang ganyang mga pagkakahiwalay ay walang silbi, at katulad ng prutas na ito, wala silang ginagawa bagkus ang lumikha ng mga limitasyon na kumukuha ng espasyo at gumagawa ng kabalisahan at kapighatian. Sila ay mapait at nagbibigay ng kapaitan na lumalason sa mga espiritu ng mga kumakain sa kanila, ibig sabihin sa mga kumakagat sa kanilang mga kapwa na kanilang di-minamahal bagkus kanilang sinasaktan at pinamimighati. Sila ba ay di-mapapawi? Hindi. Ang mabuting kalooban ay nakakansela sila katulad na naaalis ng kamay ng isang bata ang mga partisyon ng kapaitan na ito sa matamis na prutas, na ginawa ng Tagapaglikha para sa kasiyahan ng Kanyang mga anak. 

At ang unang nagkaroon ng mabuting kalooban ay ang iyon ding Nag-iisang Panginoon, Na siyang Diyos ng mga Judaean pati na rin ng mga Galilean, mga Samaritano at mga Idumaean. At pinatunayan Niya ito sa pagpapadala sa Natatanging Tagapagligtas Na magliligtas sa kanilang lahat nang walang hinihinging kahit anuman bagkus pananampalataya sa Kanyang Kalikasan at Doktrina. Ang Tagapagligtas Na nagsasalita sa inyo ay daraan sa paggiba ng walang-silbing mga hadlang, kinakansela ang nakaraan na siyang naghiwalay sa inyo, upang palitan ito ng kasalukuyang panahon na magagawa kayong lahat na mga magkakapatid sa Kanyang Pangalan. Ang tanging gagawin lamang ninyo at ng nasa kabila ng hangganan ay ang sundin Siya, at ang kapootan ay mawawala at ang katamlayan na siyang nagpapataas ng samaan-ng-loob ay mawawala rin, pati na rin ang pagmamalaki na siyang naghahatid ng kawalang-katarungan.

Ito ang Aking kautusan: na ang lahat na tao ay magmahalan sa isa’t isa bilang magkakapatid, na siyang sila nga. Na mamahalin nila ang isa’t isa katulad na minamahal sila ng Ama sa Langit at katulad na minamahal sila ng Anak ng tao, katulad na Siya sa pamamagitan ng pagkataong kalikasan na Kanyang inako sa Kanyang Sarili ay nararamdaman na Siya ay ang kapatid ng mga tao, at sa pamamagitan ng Kanyang Pagiging Ama nalalaman Niya na Siya ay may kapangyarihan na matalo ang Kasamaan kasama ang lahat na mga konsekwensiya nito. Sinabi mo: “Batas namin na huwag magtaksil”.  Kung gayon, bilang unang bagay, huwag pagtaksilan ang inyong mga kaluluwa pinagkakaitan sila ng Langit. Magmahalan sa isa’t isa, magmahalan sa isa’t isa sa Akin,  at ang kapayapaan ay darating sa mga espiritu ng mga tao, katulad ng ipinangako. At ang Kaharian ng Diyos ay darating, na siyang ang Kaharian ng kapayapaan at pagmamahal para sa lahat na ibig na magsilbi sa Panginoong kanilang Diyos nang may matuwid na kalooban.

Iniiwan Ko kayo. Harinawang ang Liwanag ng Diyos ay mapaliwanagan ang inyong mga puso... Tayo na...»

Binalot Niya ang Kanyang Sarili sa loob ng Kanyang manta, sinaklay Niya ang Kanyang bag sa Kanyang balikat at Siya ang unang umalis, kasama si Pedro sa isang tabi at ang kilalang tao, na siyang nagsalita sa simula, sa kabila. Ang mga apostol ay nasa likuran Niya at sa mas malayo pa sa likuran, dahil hindi posibleng  magpatuloy sa isang grupo sa makipot na daan sa tabi ng ilog, ay ang ilang mga kalalakihan mula sa Ephraim...

080811

 


Sunod na kabanata