483. Sa Bethany Para sa Kapistahan ng mga Tabernakulo.

Setyembre 2, 1946.

Ang iba't ibang pagkaberde ng kabukiran sa paligid ng Bethany ay makikita kaagad kapag inakyat ng isa ang isang nakausling lupa ng bundok at maglakad sa katimugang dalisdis, bumababa sa isang paliku-likong landas patungong Bethany. Ang malaplatang pagkaberde ng mga punong-olibo, ang matingkad na pagkaberde ng mga punong-mansanas na may ilan-ilang dilaw na mga dahon nagpapakitang maaga dito at doon, ang gusot at mas manilaw-nilaw na pagkaberde ng mga baging, ang madilim na siksik na pagkaberde ng mga terebinto at mga puno ng carob ay humahalo sa kulay-kape ng mga bukid na naararo na at naghihintay na lamang para hasikan at kasama ang luntiang berde ng mga pangkusinang-hardin at ng mga parang kung saan bagong mga damo ang lumalago, ay nagmumukhang maramihang-kulay na alpombra sa kaninuman na nakatanaw sa Bethany at sa mga kapaligiran. At nangingibabaw sa kaberdehan sa ibaba, ay ang korteng-pamaypay na mga dahon ng mga puno ng datiles, laging elegante at nagpapaalaala ng tungkol sa Silangan.

Ang maliit na bayan ng En-shemesh, nasa gitna ng kaberdehan at ganap na napaliliwanag ng araw na nagsisimula nang lumubog, ay pagkatapos nasakop, at ang malaking pontanya din na mayaman sa tubig sa hilagang kaunti ng Bethany ay naiwanan na rin, pagkatapos ang unang mga bahay ay lumitaw sa gitna ng kaberdehan... Sila ay nakarating na pagkaraan ng nakakapagod na paglalakbay. At bagama't sila ay pagod na pagod, tila nagkakaroon ulit sila ng lakas sa pagiging simpleng nalalapit sa mapagkaibigan na bahay sa Bethany.

Ang maliit na bayan ay tahimik, halos walang tao, Ang maraming naninirahan ay maaaring nakalipat na sa Herusalem para sa kapistahan. Kung kaya't si Jesus ay hindi napupuna hanggang makarating Siya malapit sa bahay ni Lazarus. Tanging nang Siya ay malapit na sa hardin na ngayon lumagong mabangis – kung saan naroroon lahat na mga palaupong mga ibon – nakasalubong Siya ng dalawang lalaki na nakakilala at bumabati sa Kanya at pagkatapos nagtanong: «Pupunta ba Kayo upang tingnan si Lazarus, Guro? Mabuti ang magagawa Ninyo, sapagkat siya ay malalang-malala ang sakit. Kami ay nanggaling mula sa kanyang bahay pagkatapos na madalhan siya ng gatas ng aming mga asno, dahil iyon lamang ang tanging pagkain, kasama ang kaunting katas ng prutas, na natatanggap pa ng kanyang tiyan. Ang kanyang mga kapatid na babae ay walang ginagawa bagkus ang umiyak. Sila ay hapung-hapo na sa pagbabantay sa tabi ng kama niya at may kapighatian... At wala si Lazarus ginagawa bagkus ang manawagan para sa Inyo. Sa palagay ko patay na siya, kung ang kanyang taimtim na pagnanasang makita Kayo ay hindi siya pinananatiling buháy magpahanggang ngayon.»

«Pupunta Ako kaagad. Ang Diyos ay sumainyo.»

«At... pagagalingin ba Ninyo siya?» nagtatanong sila nang mausisa.

«Ang kalooban ng Diyos ay ibubunyag sa kanya kasama ang kapangyarihan ng Panginoon» tugon ni Jesus nililito sila at nagmadali Siya patungo sa geyt ng hardin.

Ang katulong ay nakita Siya at nagmadali upang buksan ang hardin, ngunit nang walang pagbulalas sa lugod. Nang kaagad mabuksan ang geyt siya ay lumuhod pinagpipitagan si Jesus at nagsabi sa isang nakapamimighating tinig: «Nakarating Kayo sa tamang sandali Panginoon! At harinawang ang Inyong pagdating magdala ng lugod sa bahay na ito na puno ng mga luha. Si Lazarus, ang aking panginoon...»

«Alam Ko. Maging handa sa anuman ang mangyari, lahat kayo, ayon sa kalooban ng Panginoon. Gagantimpalaan Niya kayo para sa pagsasakripisyo ng inyong mga kalooban sa Kanya. Lakad at tawagin sina Martha at Maria. Maghihintay Ako para sa kanila sa loob ng hardin.»

Ang katulong ay nagmadaling umalis at siya ay sinusundan ni Jesus nang dahan-dahan pagkatapos na sabihan ang mga apostol: «Pupunta Ako kay Lazarus. Makapagpapahinga na kayo, ayon sa pangangailangan ninyo nito...»

Sa katunayan, habang ang dalawang magkapatid na babae ay lumilitaw sa pintuan at nahihirapan na makilala ang Panginoon, pagod-na-pagod ang kanilang mga mata sa pagbabantay at pag-iyak, at ang araw na sumisinag sa kanilang mga mata ay nagagawang mas mahirap para sa kanila na makakita, ang ibang mga katulong ay lumabas mula sa isang tabing pintuan upang salubungin ang mga apostol at kinuha nila sila.

«Martha! Maria! Ako ito. Hindi ba ninyo Ako nakikilala?»

«O! ang Guro!» bulalas ng dalawang magkapatid at tumakbo sila patungo sa Kanya nagpapatirapa sa Kanyang paanan pinipigil ang kanilang mga hikbi nang may kahirapan, Mga halik at mga luha ang bumabagsak sa mga paa ni Jesus katulad noong dati sa bahay ni Simon, ang Pariseo.

Ngunit sa pagkakataon na ito si Jesus, habang tinatanggap ang umaagos na mga luha nina Martha at Maria, ay hindi nananatiling matigas katulad ng Kanyang ginawa noon. Ngayon Siya ay yumuyuko, hinihipo Niya ang kanilang mga ulo pinagpapala sila at pinipilit silang tumayo nagsasabing: «Halikayo, pumunta tayo sa ilalim ng balag ng hasmin. Maiiwanan ba ninyo si Lazarus?»

Mas sa pamamagitan ng pagtango kaysa ng mga salita, habang humihikbi, sinasabi nilang oo. At pumunta sila sa malilim na balag na sa ibabaw ng madilim na madahon na mga sanga nito ang ilang mapilit na maliliit na hasmin na bituin ay mga maputi at nangangamoy pa.

«Ngayon, sabihin sa Akin...»

«O! Guro! Kayo ay nagpunta sa isang tunay na malungkot na bahay! Kami ay nahihilo sa kapighatian. Nang ang katulong ay nagsabi sa amin: “May isang naghahanap para sa inyo” hindi namin naisip na Kayo ito. At nang makita namin Kayo, hindi namin Kayo nakilala. Kita Ninyo? Ang mga luha ay binanlian na ang aming mga mata. Si Lazarus ay namamatay na!...» at ang bagong mga luha ay pinutol ang mga salita ng dalawang magkapatid na babae nagsasalita nang palit-palitan.

«Ako ay naririto na...»

«Upang pagalingin siya?! O! aking Panginoon!» sabi ni Maria, ang kanyang mga mata nagniningning sa pag-asa sa pamamagitan ng kanyang mga luha.

«Ah! sinabi ko na! Kung Siya ay dumating...» sabi ni Martha pinagkakabit ang kanyang mga kamay sa isang malugod na pagpapakita.

«O! Martha! Martha! Ano ang nalalaman mo tungkol sa mga ginagawa at mga dekreto ng Diyos?»

«Sa aba, Guro! Hindi ba Ninyo siya pagagalingin?!» kapwa sila bumulalas bumabalik sa kapighatian.

«Sinasabi Ko sa inyo: magkaroon ng walang-limitasyon na pananampalataya sa Panginoon. Magpursige sa pagkakaroon nito sa kabila ng mga parunggit at mga pangyayari, at makakakita kayo ng dakilang mga bagay kapag ang inyong mga puso ay hindi na nakakakita ng kahit ano pang rason na makita pa ang mga ito. Ano ang sinasabi ni Lazarus?.»

«Sinasariwa niya ang Inyong mga salita. Sinasabi niya sa amin: “Huwag pagdudahan ang kabaitan at kapangyarihan ng Diyos, kahit ano pa man ang mangyari. Siya ay mamamagitan sa inyo at sa aking katauhan, at sa katauhan ng marami, sa lahat na, katulad ko at ninyo, ay nananatiling tapat sa Panginoon”. At kung káya niyang gawin, pinaliliwanag niya ang mga Iskriptura sa amin, wala siyang binabasa na kahit ano sa mga araw na ito ngayon, at nagsasalita siya sa amin tungkol sa Inyo, at sinasabi niya na siya ay mamamatay sa isang masayang pagitan ng panahon sapagkat ang panahon ng kapayapaan at pagpapatawad ay nagsimula na. Ngunit mapapakinggan Ninyo siya... sapagkat nagsasabi rin siya ng iba pang mga bagay na nagagawa kaming umiyak nang lalo pa kaysa umiiyak kami para sa aming kapatid...» sabi ni Martha.

«Halikayo, Panginoon. Ang bawat sandali na dumaraan ay pagnanakaw sa pag-asa ni Lazarus. Madalas niyang bilangin ang mga oras at magsasabi: “Tiyak na mapupunta Siya sa Herusalem para sa kapistahan at Siya ay paparito... Marami kaming nalalaman na hindi namin sinasabi kay Lazarus upang hindi siya mapamighati, at wala kaming labis na pag-asa, sapagkat iniisip namin na hindi Kayo paparito upang maiwasan ang mga naghahanap para sa inyo... Si Martha ay kumbinsidong-kumbinsido tungkol diyan. Ako ay hindi labis na nakatitiyak... sapagkat kung ako ay Kayo, haharapin ko ang aking mga kaaway. Ako ay hindi isang babae na natatakot sa mga lalaki. At ngayon ni hindi ako natatakot sa Diyos. Dahil alam ko kung gaano Siya kabuti sa mga nagsisising mga kaluluwa...» sabi ni Maria at nagpaabot siya ng isang nagmamahal na sulyap sa Kanya.

«Hindi ka ba natatakot ng kahit ano, Maria?» tanong ni Jesus.

«Ng kasalanan... at ng aking sarili... Lagi akong natatakot na mahulog ulit sa kasamaan. Sa palagay ko si Satanas ay may mortal na kapootan sa akin.»

«Tama ka. Ikaw ang isa sa mga kaluluwa na labis na kinapopootan ni Satanas. Ngunit ikaw din ang isa sa pinakamamahal ng Diyos. ilagay iyan sa isip.»

«O! Ilalagay ko. At ang alaalang iyan ay ang aking lakas! Naalaala ko ang Inyong sinabi sa loob ng bahay ni Simon. Sinabi Ninyo: “Maraming kasalanan ang pinatawad sa kanya sapagkat nagmahal siya nang labis”, at sinabi Ninyo sa akin: “Ang iyong mga kasalanan ay pinatawad na. Ang iyong pananampalataya ay niligtas ka. Humayo sa kapayapaan”’ Sinabi Ninyo  “iyong mga kasalanan”. Hindi marami. Lahat sila. At kung gayon sa palagay ko minahal Ninyo ako, aking Diyos, nang walang limitasyon. Ngayon kung ang aking abang pananampalataya ng mga araw na iyon, ang pananampalataya ng isang kaluluwa na puno ng mga kapintasan, ay nakakuha nang labis mula sa Inyo, ang aking bang kasalukuyang na pananampalataya ay hindi ako maipagsasanggalang sa Kasamaan?»

«Oo, Maria. Maging mapagmatyag at bantayan ang iyong sarili. Iyan ay kababaang-loob at kahinahunan. Ngunit magkaroon ng pananampalataya sa Panginoon. Siya ay kasama mo.»

Pumasok sila sa bahay. Si Martha ay pumunta sa kanyang kapatid na si Lazarus. Si Maria ay ibig na silbihan si Jesus. Ngunit gusto ni Jesus na pumunta kay Lazarus muna. At pinasok nila ang medyo madilim na silid, kung saan ang sakripisyo ay isinasagawa.

«Guro!»

«Aking kaibigan!»

Si Lazarus ay tinataas ang kanyang nangayayat na mga kamay, habang binababa ni Jesus ang Kanya upang yakapin ang katawan ng Kanyang nalalantang kaibigan. Isang matagal na yakap. Pagkatapos inihiga ni Jesus ang imbalido sa mga kutson at tinititigan siya nang naaawa. Ngunit si Lazarus ay ngumingiti. Siya ay masaya. Sa kanyang nasirang mukha tanging ang kanya na lamang na mga mata ang sumisinag nang maningning, naliwanagan ng lugod ng pagiging naroroon si Jesus.

»Kita mo? Ako ay naparito. At mananatili Akong kasama mo nang matagal.»

«O! hindi Kayo makapananatiling matagal, aking Panginoon. Hindi nila sinasabi sa akin ang lahat. Ngunit sapat ang nalalaman ko upang masabi sa Inyo na hindi Kayo makapananatili. Sa kapighatian na binibigay nila sa Inyo, dinagdag nila ang akin, ang aking bahagi, sa hindi pagpapahintulot sa akin na mamatay sa loob ng Inyong mga bisig. Ngunit sa dahilan na minamahal ko Kayo hindi ako maaaring maging napakamakasarili katulad ng pigilin ko Kayo ritong kasama ko, sa panganib. Kayo... inasikaso ko na ito... kailangan na patuloy Kayong magbago ng lugar. Ang lahat na aking mga bahay ay bukas sa Inyo. Ang mga namamahala ay binigyan na ng mga tagubilin at ang mga tagapamahala din ng aking mga lupa. Ngunit huwag pumunta sa Gethsemane upang mamalagi doon. Nagbabantay sila nang mahigpit sa lugar na iyon. Ang ibig kong sabihin ang bahay. Makapupunta Kayo sa pagitan ng mga punong-olibo, lalo na sa mga nasa mas matataas, at makakapunta Kayo doon sa pamamagitan ng maraming mga landas, nang hindi nila ito nalalaman. Si Marjiam, alam ba Ninyo na siya ay naririto na? Siya ay tinanong ng ilang mga tao nang siya ay nasa pisaan ng langis kasama si Marcus. Ibig nilang malaman kung nasaan Kayo at kung Kayo ay darating dito. Ang bata ay binigyan sila ng napaka tusong tugon: “Siya ay isang Israelita at Siya ay darating. Kung sa anong daan hindi ko alam, dahil iniwan ko Siya sa Merom”. Kung kaya't hindi niya sila binigyan ng pagkakataon na sabihin na Kayo ay isang makasalanan at hindi siya nagsinungaling.»

«Salamat sa iyo, Lazarus. Makikinig Ako sa iyo. Ngunit magkikita pa rin tayo lagi gayunpaman.»  At tinititigan Niya siya muli.

«Tinitingnan ba Ninyo ako, Guro? Kita Ninyo kung gaano ako napaliit? Katulad ng isang punungkahoy na sa taglagas ay tinatanggalan ng mga dahon, ako ay hinubaran ng aking laman, aking lakas at ng mga oras ng aking buhay. Ngunit sinasabi ko ang katotohanan kung sasabihin ko na, kung nalulungkot ako na hindi ako mabubuhay nang sapat na matagal upang makita ang Inyong tagumpay, nagbubunyi ako sa pag-alis upang hindi ko makita ang poot na lumalaki laban sa Inyo na hindi ko maharap sa kawalan ko ng kapangyarihan.»

«Hindi ka walang-kapangyarihan; hindi ka kailanman ganyan. Inaasikaso mo ang iyong Kaibigan, kahit bago pa man Siya dumating. Ako ay may dalawang bahay ng kapayapaan, at masasabi Ko na kapwa sila mahal sa Akin: ang isang nasa Nazareth at ang isang ito. Kung ang Aking Ina ay naroroon: ang makalangit na pagmamahal na halos kasing laki ng Langit para sa Anak ng Diyos, dito nasa Akin ang pagmamahal ng mga tao para sa Anak ng tao. Ang mapagkaibigan, tapat, nagpipitagan na pagmamahal... Salamat, Aking kaibigan!»

«Hindi na ba pupunta ang Inyong  Ina?»

«Sa pagsimula ng tagsibol.»

«O! kung gayon hindi ko na Siya makikita ulit...»

«Oo, makikita mo. Sinasabi Ko sa iyo at kailangan na maniwala ka sa Akin.»

«Pinaniniwalaan ko ang lahat, Panginoon. Kung ano rin ang di-pinatutunayan ng mga pangyayari.»

«Nasaan si Marjiam?»

«Sa Herusalem kasama ng mga disipulo. Ngunit pumupunta siya rito sa gabi. Nandidito siya maya-maya lamang. At ang Inyong mga apostol? Hindi ba Ninyo sila kasama?»

«Sila ay kasama ni Maximinus na tumutulong sa kanila dahil sila ay pagod at hapo na.»

«Naglakad ba kayo nang husto?»

«Oo, labis-labis, nang walang tigil. Kukuwentuhan kita tungkol dito... Ngunit magpahinga na ngayon. Pinagpapala kita pansamantala.» At si Jesus ay pinagpapala siya at umalis.

Ang mga apostol ay ngayon kasama na ni Marjiam at ng halos lahat na mga pastol at sila ay nagsasalita tungkol sa pamimilit ng mga Pariseo na may malaman tungkol kay Jesus. Sinasabi nila na ang gayong pag-uusisa ay nakapagpapaduda sa kanila, upang ang kanilang mga disipulo ay nagpasyang bantayan ang bawat daan patungo sa Herusalem upang mabigyan ng babala ang Guro.

«Sa katunayan» sabi ni Isaac «nakakalat kami sa lahat ng mga daan mga ilang stadia mula sa mga Gate at nagbabantay kami ng isang gabi bawat grupo nang palit-palitan. Ito ang aming pagbabantay ngayon.»

«Guro» sabi ni Judas nang tumatawa «sinasabi nila na sa Gate ng Joppa ay naroon ang kalahati ng Sanhedrin at sila ay nag-aaway-away sapagkat ang ilan sa kanila ay naalaala ang mga salita na sinabi ko sa Engannim, ang ilan ay nanunumpa na napakinggan nila na Kayo ay nanggaling sa Dothan, ang ilan sa halip ay nagsabi na nakita nila Kayo malapit sa Ephraim, at kung gayon sila ay nagngangalit sapagkat hindi nila malaman kung nasaan Kayo...» at siya ay tumatawa iniisip ang panloloko na ginawa niya sa mga kaaway ni Jesus.

«Makikita nila Ako bukas.»

«Hindi. Lalakad kami bukas. May mga plano na kami: lahat sa isang grupo at inilalantad ang aming mga sarili.»

«Ayaw Ko niyan. Magsisinungaling kayo.»

«Sinusumpa ko sa Inyo na hindi ako magsisinungaling. Kung hindi sila magsasalita ng kahit ano sa akin hindi ako magsasalita ng kahit ano sa kanila. Kung magtatanong sila kung Kayo ay kasama namin, tutugon ako: “Hindi ba ninyo makita na Siya ay wala rito?”, at kung ibig nilang malaman kung nasaan Kayo sasabihin ko: “Hanapin ninyo Siya mismo. Papaano kayo makakaasa na alam ko kung nasaan ang Guro ngayun-ngayon lamang?”. Sa katunayan tiyak na hindi ko malalaman kung nasaan Kayo sa bahay, dito, o sa taniman ng mga punungkahoy, o hindi ko alam kung saan.»

«Judas, Judas, sinabi Ko na sa iyo...»

«At sasabihin ko na tama Kayo. Ngunit ang aking asal ay baka hindi ang kasimplehan ng isang kalapati, bagkus ito ay ang kahinahunan ng isang ahas. Kayo ang kalapati, ako ang ahas. At magkasamang mapoporma natin ang perpeksiyon na tinuro Ninyo sa amin.» Kinukuha niya ang tayo ni Jesus kapag Siya ay nagtuturo at ginagaya ang Guro sa perpeksiyon siya ay nagsabi: «”Pinadadala ko kayo bilang mga tupa sa gitna ng mga lobo. Maging kung gayon kasing talino ng mga ahas at kasing simple ng mga kalapati... Huwag mag-alala kung ano ang kailangan na sasabihin, dahil ang mga salita ay diyan ilalagay sa inyong mga labì, sapagkat hindi kayo ang nagsasalita, bagkus ang Espiritu ang nagsasalita sa loob ninyo... Kung kayo ay inuusig sa isang bayan, pumunta sa isa pa hanggang dumating ang Kaharian ng Anak ng tao...” Naaalaala ko ang mga ito at panahon na ngayon na ito ay isagawa.»

«Hindi Ko sinabi ang mga iyon nang ganyan, ni hindi lamang iyan ang Aking sinabi» pagtutol ni Jesus.

«O! sa kasalukuyan iyon lamang ang kinakailangan na maalaala at sabihin iyon nang ganyan. Alam ko ang ibig Ninyong sabihin. Ngunit hanggang sa ang pananampalataya sa Inyo ay hindi pa natitiyak, at ito ay isang bato sa Inyong Kaharian, mas mabuti nang huwag sumuko sa mga kaaway. Pagkatapos nito... sasabihin at gagawin natin ang iba pa...» At ang ekspresyon ni Judas ay napakaningning na matalino at may kapilyuhan na nakukuha niya ang lahat, maliban kay Jesus, Na nagbubuntung-hininga. Si Judas ay totoo ngang ang tagatukso na hindi nagkukulang ng kahit ano upang mangibabaw sa mga tao.

Si Jesus ay nag-iisip at nagbubuntung-hininga... Ngunit Siya ay nagpapatalo dahil sa pakiramdam Niya ang pag-aalala ni Judas ay hindi ganap na masama. At ang Iskariote ay ipinaliliwanag ang kanyang plano nang nananagumpay.

«Kung kaya't lalakad kami bukas at sa araw pagkatapos ng bukas hanggang sa araw pagkatapos ng Sabbath. At mamamalagi sa loob ng isang buko na gawa sa mga sanga, sa lambak ng Kidron, katulad ng mga perpektong Israelita. Mapapagod sila sa paghihintay sa Inyo... at pagkatapos Kayo ay darating. Sa pansamantala mananatili Kayo rito, sa kapayapaan at magpapahinga Kayo. Hapo na Kayo, aking Guro. At ayaw namin ang ganyan. Kapag ang mga geyt ay sarado na ang isa sa amin ay darating at sasabihin sa Inyo kung ano ang kanilang ginagawa. O! magandang makita silang bigo!»

Lahat sila ay sumasang-ayon at si Jesus ay hindi nagbibigay ng kahit anong pagsalungat, Baka ang katotohanan na Siya ay talagang hapung-hapo, baka ang Kanyang mithiin na makapagbigay ng kaginhawahan kay Lazarus, lahat ng posibleng kaginhawahan bago ang huling paghihirap, ay nakatulong sa Kanyang pagpapahinuhod. Baka ang tunay din na pangangailangan ng pagiging malaya hanggang magawa Niya ang lahat na kinakailangan na mga gawain, upang ang Israel ay hindi sana magkaroon ng pagdududa tungkol sa Kanyang Kalikasan bago Siya hatulan... Sinabi Niya: «Mangyari ang ganyan. Ngunit iwasan ang mga pagtatalu-talo at mga kasinungalingan. Maging tahimik, ngunit huwag magsinungaling. Ngayon tayo na, sapagkat si Martha ay tinatawag na tayo. Halika, Marjiam. Natagpuan kita sa mabuting kalagayan...» at Siya ay umalis nagsasalita sa bata, na ang isang kamay nasa paligid ng kanyang balikat.

110811

 

 


Sunod na kabanata