484. Sa Templo: «Ang Kaharian ng Diyos ay Hindi Dumarating Nang may Karangyaan.»

Setyembre 3, 1946.

Si Jesus ay pumunta sa loob ng Templo. Kasama Niya ang Kanyang mga apostol at napakalaking bilang ng mga disipulo, na ang aking kilala lamang sa tingin ay walo. At sa likuran nilang lahat, ngunit magkakasama sa isang grupo, na tila ibig nilang makilala na mga tagasunod ng Guro, ay bagong mga mukha, lahat di-kilala sa akin, maliban sa tusong isa ng Griyego na mula sa Antioch. Nakikipagusap siya sa ibang mga tao, baka mga Hentil na katulad niya, at habang si Jesus at ang Kanyang mga disipulo ay nagpapatuloy at pinapasok ang Court of Israel, tumigil Siya sa Court of the Gentiles kasama ang mga tao na Kanyang kinakausap.

Siyempre, ang pagpasok ni Jesus patungo sa nag-uumapaw-sa-tao na Templo ay hindi nangyaring walang nakakapuna. Isang bagong bulung-bulungan ang nabuhay, tila ito ay isang nabalisang bahay-pukyutan na nilulunod nito ang mga tinig ng mga doktor na nagtuturo sa ilalim ng Porch of the Gentiles. Ang mga leksiyon ay napuputol nang tila sa pamamagitan ng mahika, at ang mga iskuwela ng mga eskriba ay nagtatakbuhan dala ang balita ng pagdating ni Jesus, kung kaya't nang Siya ay dumaan sa pamamagitan ng mas nasa-loob na bakuran patungo sa Court of Israel, ilang mga Pariseo, mga eskriba at mga pari ang kumalat sa paligid pinanonood Siya. Ngunit wala silang sinasabi sa Kanya na kahit ano habang Siya ay nagdarasal at ni hindi sila lumalapit sa Kanya. Pinanonood lamang nila Siya.

Si Jesus ay bumalik sa Court of the Gentiles. Sinundan nila Siya. At ang linya ng may masamang intensiyon na mga tao ay lumaki sa bilang., katulad ng mga mausyoso at may mabubuting kalooban na mga tao. Ang mga salitang nabibigkas sa paghinga ng isa ay kumakalat sa gitna ng mga pulutong. Paminsan-minsan ang mas malakas na tinig ay maririnig nagsasabing: «Kumbinsido na ba kayo ngayon na Siya ay darating? Siya ay isang makatarungan na tao. Hindi Siya maaaring makalimot na pumunta sa kapistahan.» O: «Bakit Siya dumating? Upang iligaw pa nang lalo ang mga tao?» O: «Masaya na ba kayo ngayon? Nakikita na ba ninyo kung nasaan Siya ngayon? Labis kayong nagtatanong tungkol sa Kanya!» Mga namumukod na mga salita na kaagad napigilan sa mga lalamunan sa pamamagitan ng makahulugan na mga sulyap ng mga disipulo at mga tagasunod na nagbabanta sa mahinanakitin na mga kaaway sa pamamagitan ng kanilang pinaka pagmamahal. Mapanuyang nakalalason na mga tinig ng mga kaaway na dumudura ng lason at pagkatapos mananahimik sapagkat natatakot sila sa pulutong. At ang mga pulutong ay naging tahimik pagkatapos ng  isang nakakahangang pagpapakita ng suporta sa Guro, sapagkat natatakot sila ng balík ng malalakas. Ang rehiyon ng gantihang takot...

Ang tanging hindi natatakot ay si Jesus. Siya ay naglalakad nang dahan-dahan at may karingalan patungo sa lugar kung saan Niya ibig na pumunta, medyo nasa loob ng Kanyang sariling iniisip ngunit handang lumabas sa pagkakalublob na ito upang haplusin ang isang bata na binigay sa Kanya ng isang ina, o upang ngitian ang isang matandang lalaki na bumabati at nagpapalà sa Kanya.

Sa loob ng Porch of the Gentiles, nakatayo sa gitna ng isang grupo ng mga disipulo, ay naroroon si Gamaliel. Na ang kanyang mga kamay naka-abra-siyete sa kanyang dibdib, sa kanyang maringal na kaputiang-niyebeng napakalapad na kasuutan na nagmumukhang mas maputi pa sa kaligiran ng makapal na malalim na pulang alpombra na nakalatag sa ilalim ng kanyang mga paa, si Gamaliel ay tila nakalubog sa pag-iisip, ang ulo nakayuko, at hindi kailangan na maabala ng kung ano ang nangyayari. Ang kanyang mga disipulo, sa kabaligtaran, ay lubos na nababalisa nang may malalim na pag-uusisa. Ang isa sa kanila, na napakapandak, ay umakyat sa isang mataas na bangkito, upang magkaroon ng mas mabuting tanawin.

Ngunit nang si Jesus ay katapat na si Gamaliel, ang rabbi ay tumingala at ang kanyang malalalim na mga mata sa ilalim ng kanyang noo ng isang nag-iisip ay tumitig nang isang sandali sa mapayapang mukha ni Jesus. Isang mausisa, nagpapahirap at pinahihirapan na sulyap. Ito ay nadama ni Jesus at Siya ay tumalikod. Tinitingnan Niya siya. Ang dalawang kislap ay nagkatagpo: ang kislap ng napakadilim na mga mata at ng sapirong mga mata. Ang mga mata ni Jesus ay mapagpakumbaba, bukas sa pagiging pinag-aaralan; ang kay Gamaliel ay di-malagos, nananabik na makaalam at makarating sa puso ng misteryo ng katotohanan – ang Galilean na Rabbi sa katotohanan ay isang misteryo sa kanya – ngunit siya ay may pagka-Pariseong naninibugho tungkol sa kanyang naiisip, kung kaya't siya ay sarado sa bawat pagsusuri na walang kaugnayan sa Diyos. Tiningnan nila ang isa’t isa nang isang sandali lamang. Pagkatapos si Jesus ay nagpatuloy at si Gamaliel ay itinungong muli ang kanyang ulo, nang hindi pinakikinggan ang prangkong nanabik na mga katanungan ng ilang mga tao sa paligid niya, o ang tusong nakapaninikis na mga katanungan ng iba pa: «Hindi ba’t Siya ito, panginoon? Ano sa palagay ninyo Siya?», «Bueno! Ano ang inyong opinyon? Sino Siya?»

Si Jesus ay nagpatuloy sa lugar na Kanyang pinili. O! walang mga alpombra sa ilalim ng Kanyang mga paa! Ni wala Siya sa ilalim ng balkonahe. Simpleng nakasandal lamang Siya sa isang malaking poste, nakatayo sa pinakatuktok na baytang, sa katapusan ng balkonahe. Ito ay ang pinakamababang lugar. Sa paligid Niya ay naroon ang Kanyang mga apostol, mga disipulo, mga tagasunod at mauusisang tao; sa mas malayo pang likuran ay naroon ang mga Pariseo, mga eskriba, mga pari, mga rabbi. Si Gamaliel ay nananatili sa kinaroroonan niya.

Si Jesus ay nagsimulang ituro para sa ika-sandaan na beses ang tungkol sa pagdating ng Kaharian ng Diyos at ang tungkol sa paghahanda para dito. At sasabihin ko na inuulit Niya ang gayon din na mga konsepto, pinalakas sa kapangyarihan, na Kanyang pinaliliwanag halos sa gayon din na lugar, dalawampung taon na ang nakararaan. Nagsasalita Siya tungkol sa hula ni Daniel, tungkol sa Prekursor na hula ng mga propeta, sinariwa Niya ang bituin ng mga Mago, ang pagpatay sa mga Inosente. At pagkatapos ng pambungad na mga ala-alang ito upang maipakita ang mga tanda ng pagdating ng Kristo sa Lupa, upang mapatotohanan ang Kanyang pagdating, binabanggit Niya ang kasalukuyang mga tanda na nagpapakilala sa Kristo Na Tagapagturo, katulad ng mga iba dati na nagpapakilala sa Pagdating ng Nagkatawang-tao Na Kristo, ibig sabihin, sinasariwa Niya ang kontradiksyon na sumasabay sa Kanya, ang kamatayan ng Prekursor, at ang mga himala na nangyayari nang patuloy, nagpapatotoo na ang Diyos ay kasama ang Kanyang Kristo. Hindi Niya kailanman inaatake ang Kanyang mga kalaban. Ni hindi Niya sila tila nakikita. Siya ay nagsasalita upang mapagtibay ang Kanyang mga tagasunod sa kanilang pananampalataya, upang mapaliwanagan sa katotohanan ang mga na, sa hindi nila kasalanan, ay nasa ganap na kamangmangan pa rin tungkol sa katotohanan...

Ang isang paos na tinig ay napakinggan mula sa malayong  dulo ng pulutong: «Papaano mapupunta ang Diyos sa Inyong mga himala kung ginagawa Ninyo ito sa mga ipinagbabawal na mga araw? Kahit kahapon pinagaling Ninyo ang isang ketongin sa daan ng Bethphage.»

Si Jesus ay tiningnan ang pumuputol sa Kanya ngunit hindi Siya tumugon. Nagpapatuloy Siya sa pagsasalita tungkol sa pagpapalaya mula sa paghahari ng naniniil sa mga tao, at tungkol sa pagtatatag ng eternal, walang-pagkagapi, maluwalhati, perpektong Kaharian ng Kristo.

«At kailan ito mangyayari?» tanong ng isang eskriba nang nanunuya. At dagdag pa niya: «Alam namin na gusto Ninyong ilagay ang Inyong Sarili na hari. Ngunit ang isang hari na katulad Ninyo ay ang magiging kasiraan ng Israel. Nasaan ang Inyong maharlikang kapangyarihan? Nasaan ang Inyong mga tropa, ang Inyong mga kayamanan, ang Inyong mga kaalyado? Kayo ay baliw!» At maraming katulad niya ang iniiling ang kanilang mga ulo tumatawa at nanunuya sa Kanya.

Ang isang Pariseo ay nagsabi: «Huwag kayong umasal nang ganyan. Sa pamamaraang iyan hindi natin malalaman kung ano ang Kanyang ibig-sabihin ng kaharian, anong mga batas ang magkakaroon ito at kung papaano ibubunyag nito ang sarili nito. Ano? Ang lumang kaharian ba ng Israel ay naging perpekto kaagad katulad noong mga araw ni David at ni Solomon? Hindi ba ninyo naaalaala ang marami at mahihirap na walang mga katiyakan na panahon bago ang maharlikang karingalan ng perpektong hari? Upang magkaroon ng unang hari kinailangan na pormahin ang tao na magpapahid sa kanya ng langis, at kung gayon alisin ang kabaugan ni Anna ni Elkanah at pasiglahin siya na ialay ang bunga ng kanyang sinapupunan. Pagnilayan ang awit ni Anna. Ito ay isang leksiyon sa ating katigasan at kabulagan: “Walang kasing banal katulad ng Panginoon... Huwag magsalita at nagsasalita nang may pagmamalaking mga salita, pinagmamalaki ang mga ito... Ang panginoon ay nagbibigay ng kamatayan at buhay... Itinataas Niya ang mahirap... Ginagabayan Niya ang mga hakbang ng Kanyang matatapat, subalit ang masasama ay naglalaho sa kadiliman, sapagkat hindi sa pamamagitan ng kanyang lakas na ang tao ay malakas, bagkus sa pamamagitan ng lakas na dumarating sa kanya mula sa Diyos”.  O! alalahanin! “Huhusgahan ng Panginoon ang mga dulo ng Lupa, lalagyan Niya ng kapangyarihan ang Kanyang hari at itataas Niya ang sungay ng Kanyang Kristo”. Ang Kristo ba ng mga hula ay hindi ang manggagaling sa lahi ni David? Kung gayon ano ang hinula mula pa sa kapanganakan ni Samuel, hindi ba iyon ang dapat tukuyin na kaharian ng Kristo? Kayo, Guro, hindi ba’t Kayo ay nagmula sa lahi ni David, pinanganak sa Bethlehem?» tinanong niya si Jesus nang diretso sa huli.

«Oo, ang sinabi mo ay totoo» tugon nang maikli ni Jesus.

«O! Bigyan ng kasiyahan ang aking mga isip. Nakikita Ninyo na ang katahimikan ay hindi mabuting bagay sapagkat binubuhay nito ang mga ulap ng pagdududa sa loob ng mga puso.»

«Hindi ang mga ulap ng pagdududa, bagkus ng pagmamalaki, na mas grabe pa nga.»

«Ano? Ang magduda tungkol sa Inyo ay hindi napakagrabe katulad ng nagmamalaki?»

«Oo. Sapagkat ang pagmamalaki ay ang kasakiman ng isip. At ito ay isang mas malaking kasalanan, sapagkat katulad ito ng kasalanan ni Lucifer. Pinatatawad ng Diyos ang maraming mga bagay, at ang Kanyang Liwanag ay sumisinag nang nagmamahal upang paliwanagan ang kamangmangan at alisin ang mga pagdududa. Ngunit hindi Niya pinatatawad ang pagmamalaki na tumatawa sa Kanya nagkukunwaring mas dakila kaysa sa Kanya.»

«Sino sa amin ang nagsasabi na siya ay mas dakila pa kaysa sa Diyos? Hindi kami nanlalapastangan...» ang ilan sa kanila ay sumisigaw.

«Hindi kayo nagsasabi nang ganyan sa pamamagitan ng inyong mga labì. Ngunit pinatototohanan ninyo ito sa pamamagitan ng inyong mga gawa. Gusto ninyong sabihin sa Diyos: “Hindi posible para sa Kristo na maging isang Galilean, isang tao ng sambayanan. Hindi posible para sa taong ito na maging Siya”. Ano ang imposible para sa Diyos?»

Ang tinig ni Jesus ay umugong katulad ng kulog. Kung dati Siya ay nagmumukhang medyo mahiyain, nakasandal katulad ng isang pulubi sa isang malaking poste, ngayon ay itinuwid Niya ang Kanyang Sarili, lumalayo Siya sa poste, itinataas ang Kanyang ulo nang masolemne at winawasak ang pulutong sa pamamagitan ng tingkad ng Kanyang maningning na mga mata. Nakatayo pa rin Siya sa ibabaw ng baytang, ngunit nagmumukha Siyang tila nasa itaas ng isang trono, napaka maharlika ang Kanyang hitsura. Ang mga tao ay umaalis, halos natatakot at walang tumutugon sa Kanyang huling tanong.

Pagkatapos ang isang rabbi, isang maliit na kulubot na lalaki, na ang kaninong kaluluwa ay tiyak na kasing pangit ng kanyang hitsura, pinangungunahan ang kanyang tanong sa pamamagitan ng isang huwad na umaalik-ik na tusong tawa, ay nagtanong: «Kinakailangan ang dalawang tao upang maisagawa ang kasakiman. Kasama ng isip ang sino upang maisagawa ito?  Ang isip ay hindi korporyal. Kung gayon, papaano ito makagagawa ng kasalanan ng kasakiman? Sa dahilan na ito ay di-korporyal, kanino ito nakikipagtalik upang magkasala?» at siya ay tumatawa pinahihina ang kanyang mga salita at ang tusong tawa.

«Kanino? Kay Satanas. Ang isip ng mapagmalaking tao ay nakikipagtalik kay Satanas laban sa Diyos at laban sa pagmamahal.»

«At kanino nakipagtalik si Lucifer upang maging Satanas, kung si Satanas ay wala pa noon?»

«Sa kanyang sarili. Sa kanyang sariling matalino at walang-kaayusan na isip. Eskriba, ano ang kasakiman?»

«Ngunit... sinabi ko sa Inyo! Sino ang di nakaaalam kung ano ang kasakiman? Naranasan natin itong lahat...»

«Ikaw ay hindi isang marunong na rabbi, sapagkat hindi mo nalalaman ang totoong esensiya ng pansansinukuban na kasalanan na ito, ang sang-tatlong bunga ng Kasamaan. Katulad na ang Ama, ang Anak at ang Banal na Espiritu ay ang sang-tatlong Porma ng Pagmamahal. O Eskriba, ang kasakiman ay kawalang-kaayusan. Kawalang-kaayusan na dinadala ng isang malayang gising na katalinuhan, na nakaaalam na ang mithiin nito ay masama, ngunit ibig pa rin na masiyahan ito nang gayunpaman. Ang kasakiman ay kawalang-kaayusan at karahasan laban sa natural na mga batas, laban sa katarungan at pagmamahal para sa Diyos, para sa ating mga sarili, para sa ating mga kapatid. Lahat na kasakiman: ang kasakiman ng laman katulad ng pagtangka sa kayamanan at kapangyarihan ng Lupa, katulad din ng kasakiman ng mga ibig na mapigilan nila ang Kristo na magawa ang Kanyang misyon, sapagkat nagsasabwatan sila nang walang-pagpipigil na ambisyon na natatakot na mahampas Ko.»

Ang isang malaking bulung-bulungan ay kumalat sa pulutong. Si Gamaliel, na nag-iisa sa kanyang alpombra, ay itinaas muli ang kanyang ulo at naghagis ng isang matalas na sulyap kay Jesus.

«Kung gayon, kailan darating ang Kaharian ng Diyos? Hindi pa Kayo tumutugon...» pamimilit muli ng dating Pariseo.

«Kapag ang Kristo ay nasa trono na na inihahanda ng Israel para sa Kanya, mas mataas kaysa sa iba pang trono, mas mataas pa kaysa sa Templong ito.»

«Ngunit nasaan ito inihahanda, dahil walang preparasyon ang nakikita? Posible kaya na ang Roma ay pahihintulutan ang Israel na tumaas muli? Ang mga agila kaya ay naging bulag na bulag na hindi nila makita kung ano ang inihahanda?»

«Ang Kaharian ng Diyos ay hindi dumarating nang may karangyaan. Tanging ang mata lamang ng Diyos ang nakakakita rito na pinoporma, sapagkat ang mata ng Diyos ay nababasa ang loob ng mga tao.. Kung kaya't huwag lumakad sa paghahanap para sa Kaharian na ito, kung saan ito inihahanda. At huwag paniwalaan ang mga nagsasabi: “Sila ay nagbabalak sa Batanaea, sila ay nagsasabwatan sa loob ng mga kuweba sa disyerto ng Engedi, at sa mga baybayin ng dagat”. Ang Kaharian ng Diyos ay nasa ninyo, sa loob ninyo, sa inyong mga espiritu na tumatanggap sa Batas na nanggagaling sa Langit, bilang ang batas ng totoong Amangbayan, ang batas, na, kapag sinabuhay, ay nagagawa ang isa na maging mamamayan ng Kaharian. Iyan kung bakit si Juan ay dumating bago Ako upang maihanda ang mga daan patungo sa mga puso ng mga tao upang ang Aking Doktrina ay makapasok sa mga ito. Ang mga daan ay naihanda sa pamamagitan ng pagsisisi, sa pamamagitan ng pagmamahal ang Kaharian ay tataas at ang pagkaalipin sa kasalanan, na nagbabawal sa Kaharian ng Langit sa mga tao, ay babagsak.»

«Ang taong ito ay totoong dakila! At sinasabi ninyo na Siya ay isang artesano?» sabi sa malakas na tinig ng isang lalaki na nakikinig nang maasikaso. At ang iba pa, parang mga Judaean ayon sa kanilang mga damit, baka inudyukan ng mga kaaway ni Jesus, ay nagkakatinginan sa isa’t isa nang nagtataka at pagkatapos nilapitan ang kanilang mga taga-udyok nagtatanong: «Ano ba ang inyong ipinahiwatig sa akin? Sino ang magsasabi na ang taong ito ay nililigaw ang mga tao?» At ang iba ay nagtatanong: «Kami ay nagtataka at ibig namin na sabihin ninyo sa amin ito:  kung totoo na wala sa inyo ang nagturo sa Kanya, papaano Siya naging napakadunong? Saan Siya natuto ng labis na karunungan kung hindi Siya kailanman nag-aral sa isang guro?» At kinakausap nila si Jesus nagtatanong: «Sabihin sa amin. Saan Ninyo natagpuan ang Inyong doktrina?»

Si Jesus ay tumingin sa itaas puno ng inspirasyon at nagsabi:

«Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang doktrinang ito ay hindi sa akin, bagkus ito ay sa Kanya Na nagpadala sa Akin sa pagitan ninyo. Sasabihin Ko sa inyong totoo na walang tagapagturo ang nagturo sa Akin nito, ni kung ito ay natagpuan Ko sa kahit na anong buháy na aklat o pergamino o batong monumento. Sasabihin Ko sa inyong totoo na naihanda Ko ang Aking sarili para sa oras na ito sa pakikinig sa Buháy na Naririto na nagsasalita sa Aking espiritu. Ang oras ay dumating na para sa Akin upang ibigay sa sambayanan ng Diyos ang Salita na bumaba mula sa Langit. At ginagawa Ko ito, at gagawin ito hanggang sa huli, at pagkatapos na maihinga Ko ang Aking huling hininga ang mga bato, na nakapakinig sa Akin at hindi lumambot, ay makararanas ng takot ng Diyos nang mas higit pa kaysa sa takot na naramdaman ni Moses sa Sinai, at sa takot na iyan, kasama ang tinig ng katotohanan, nagpapalà o nanunumpa, ang mga salita ng Aking tinanggihang doktrina ay ikukukit sa mga bato. At ang mga salitang iyan ay hindi kailanman aalisin. Ang tanda ay mananatili: liwanag para sa mga tatanggap nito, sa oras na iyon man lamang, nang may pagmamahal; absulutong kadiliman para sa mga ni hindi sa oras na iyon nakaintindi na ito ay ang Kalooban ng Diyos na nagpadala sa Akin upang itatag ang Kanyang Kaharian. Sa simula ng Paglilikha ito ay sinabi: “Magkaroon ng liwanag”. At nagkaroon ng liwanag sa kasaligutgutan. Sa simula ng Aking buhay ito ay sinabi: “Kapayapaan sa mga tao na may mabubuting kalooban”. Ang mabuting kalooban ay ang kalooban na gumagawa sa kalooban ng Diyos at hindi ito kinokontra. Ngayon siya na gumagawa sa kalooban ng Diyos at hindi ito kinokontra, ay nararamdaman na hindi niya Ako malalabanan sapagkat nararamdaman niya na ang Aking doktrina ay nanggagaling sa Diyos at hindi mula sa Aking Sarili. Ako ba kaya ay naghahanap ng Aking sariling kaluwalhatian? Ako ba kaya ay nagsasabing Ako ang Awtor ng Batas ng grasya at ng panahon ng pagpapatawad? Hindi. Hindi Ko kinukuha ang kaluwalhatian na hindi sa Akin, bagkus nagbibigay Ako ng kaluwalhatian sa Kaluwalhatian ng Diyos, ang Tagagawa ng lahat na mabuting mga bagay. Ang Aking kaluwalhatian ay ang gawin kung ano ang gusto ng Ama na gawin Ko, sapagkat iyan ay nagbibigay kaluwalhatian sa Kanya. Siya na nagsasalita sa katauhan Niya upang mapuri, ay naghahanap ng kanyang sariling kaluwalhatian.  Ngunit Siya na makatatanggap ng kaluwalhatian mula sa mga tao, kahit na kung hindi ito hinahanap, para sa kung ano ang Kanyang ginagawa at sinasabi, bagkus tinatanggihan ito nagsasabing: “Iyan ay hindi Aking kaluwalhatian, nilikha Ko, bagkus nagmumula iyan sa kaluwalhatian ng Ama katulad na Ako ay nagmumula sa Kanya”, ay nasa katotohanan at walang pagka di-makatarungan sa Kanya, katulad na binibigay Niya sa bawat tao kung ano ang pag-aari nila nang hindi kinukuha para sa Kanya kung ano ang hindi Kanyang sarili. Ako ay naririto, sapagkat ginusto Niya Ako.»

Si Jesus ay tumigil nang sandali. Tinitingnan Niya nang mabuti ang pulutong hinahanapan ang mga konsiyensya. Binabasa Niya at tinitimbang ang mga ito. Nagpatuloy Siya sa pagsalita: «Kayo ay tahimik. Ang kalahati sa inyo ay humahanga sa Akin, ang kalahati pa ay nagtatanong kung papaano nila Ako gagawin na manahimik. Kanino ang sampung Utos? Saan sila nanggaling? Sino ang nagbigay sa kanila sa inyo?»

«Si Moses!» sigaw ng pulutong.

«Hindi. Ang Kataastaasan. Si Moses, ang Kanyang lingkod, ay dinala sila sa inyo. Ngunit sila ay nanggaling sa Diyos. Nasa inyo ang pormularyo, ngunit wala sa inyo ang pananampalataya, at sinasabi ninyo sa inyong mga puso: “Hindi namin nakita ang Diyos. Ni hindi tayo o ang mga Hebreo sa paanan ng Sinai”. O! ni hindi ang mga kidlat na nagpa-apoy sa bundok habang ang Diyos ay sumisinag kumukulog sa presensya ni Moses, magiging sapat upang magawa kayong maniwala na ang Diyos ay naroroon. Ni kahit ang mga kidlat at ang mga lindol ay hindi makatutulong upang magawa kayong maniwala na ang Diyos ay nasa pagitan ninyo upang isulat ang eternal na Kasunduan ng kaligtasan at ng kapahamakan. Makakakita kayo ng bagong nakakatakot na pagpapakita malapit na sa pagitan ng mga pader na ito. At ang banal na lihim na mga lugar ay lalabas mula sa kadiliman sapagkat ang Kaharian ng Liwanag ay magsisimula at ang Banal ng mga Banal ay papupurihan sa presensya ng mundo at hindi na muli itatago sa ilalim ng tripleng belo. At hindi pa rin kayo maniniwala. Ano kung gayon ang kinakailangan upang kayo ay maniwala? Na ang mga kidlat ng katarungan ay sana tamaan ang inyong mga katawan? Subalit ang katarungan ay mapatatahimik na pagdating niyan at ang mga kislap ng pagmamahal ay bababa na. Subalit, ni kahit na sila ay hindi maisusulat ang Katotohanan sa inyong mga puso, sa lahat ng inyong mga puso, ni hindi sila magbubunsod ng Pagsisi at pagkatapos ng Pagmahal...»

Ang mga banát nang mata ni Gamaliel ay ngayon nakatitig kay Jesus...

«Ngunit nalalaman ninyo na si Moses ay isang tao sa pagitan ng mga tao at ang mga mananalaysay ng kanyang mga araw ay nag-iwan sa inyo ng deskripsiyon tungkol sa kanya. Subalit, gayunpaman, bagama't kilala ninyo kung sino siya, kung mula Kanino at kung papaano niya tinanggap ang Batas, kayo ba ay sumusunod dito? Hindi, wala sa inyo ang sumusunod dito.»

Ang mga pulutong ay umaatungal sa pagpoprotesta.

Si Jesus ay nagpapataw ng katahimikan: «Sinasabi ba ninyo na ito ay hindi totoo? Na karapat dapat kayo nito? Bakit kung gayon ibig ninyo Akong patayin? Ang ikalima bang utos ay hindi ipinagbabawal ang pagpatay sa isang tao? Hindi ba ninyo Ako nakikilala bilang ang Kristo? Ngunit hindi ninyo maipagkakaila na Ako ay isang tao. Kung gayon bakit nagsisikap kayo na patayin Ako?»

«Kayo ay baliw! Kayo ay nalulukuban! Ang isang dimonyo ay nagsasalita sa Inyo at ginagawa Kayong magngangawa at magsalita ng mga kasinungalingan! Wala sa amin ang nag-iisip na patayin Kayo! Sino ang may gustong patayin Kayo?» sigaw ng mga iyon ngang talaga ang gusto.

«Sino? Kayo. At nagsisikap kayong makakita ng dahil upang gawin ito. At sinisisi ninyo Ako para sa huwad na mga pagkakamali. Pinagbibintangan ninyo Ako, at ito ay hindi ang unang pagkakataon, para sa pagpapagaling sa isang tao sa araw ng Sabbath. Si Moses ba ay hindi nagsasabi na tayo ay kailangan na maging maawain sa isang asno o sa isang toro na bumagsak dahil ito ay may halaga sa inyong kapatid? At Ako ba ay hindi kailangan na maawa sa may-sakit na katawan ng isang kapatid para kung kanino ang kanyang nanumbalik na kalusugan ay materyal na kaginhawahan at isang espirituwal na pamamaraan upang pagpalain ang Panginoon at mahalin Siya dahil sa Kanyang kabaitan? At hindi rin ba ninyo sinasabuhay sa mga araw ng Sabbath ang pagtutuli na ibinigay ni Moses sa inyo bilang tinanggap ito mula sa mga patriyarka. Kung sa pamamagitan ng pagtuli sa isang tao sa araw ng Sabbath ang Batas ni Moses ay hindi nalalabag sapagkat nagagawa nito ang isang bata na maging isang anak ng Batas, bakit ninyo Ako sinasalungat nang malakas kung sa araw ng Sabbath pinagaling Ko nang ganap ang isang tao, kapwa sa kanyang katawan at sa kanyang kaluluwa, at ginawa Ko siyang isang anak ng Diyos? Huwag manghusga sa hitsura o sa titik. Bagkus manghusga nang may malusog na paghuhusga at ayon sa espiritu, sapagkat ang titik, mga pormularyo at mga hitsura ay patay na mga bagay, mga iginuhit na mga tanawin ngunit hindi tunay na buhay, samantalang ang espiritu ng mga salita at ng mga hitsura ay totoong buhay at pinanggagalingan ng eternidad. Ngunit hindi ninyo naiintindihan ang mga bagay na ito sapagkat ayaw ninyong maintindihan sila. Tayo na.» At Siya ay tumalikod at lumakad patungo sa labasan, sinusundan at pinalilibutan ng Kanyang mga apostol at mga disipulo, na tumitingin sa Kanya nakararamdam ng habag para sa Kanya at galit para sa Kanyang mga kaaway.

Si Jesus ay maputla, ngunit Siya ay ngumingiti at nagsabi sa kanila: «Huwag kayong malungkot. Kayo ay Aking mga kaibigan. At ginagawa ninyo ang tamang bagay sa pagiging ganyan, sapagkat ang Aking oras ay nagtatapos na. Ang panahon ay malapit nang dumating kung kailan gugustuhin ninyong makita ang isa sa mga araw na ito ng Anak ng tao. Ngunit hindi na ninyo ito makikita pa. Ito diyan ay magiging isang konsolasyon para sa inyo na sabihin: “Minahal namin Siya at kami ay naging tapat sa Kanya habang Siya ay nasa pagitan namin”. At upang tawanan kayo at gawin kayong magmukhang katulad ng mga tanga, sasabihin nila sa inyo: “Ang Kristo ay nakabalik. Siya ay naririto! Siya ay naroroon!” Huwag pakinggan ang mga tinig na iyan. Huwag pumunta at huwag sundan ang nagsisinungaling na mga mangungutyang iyon. Ang Anak ng tao, kapag Siya ay umalis na, ay hindi na ulit babalik hanggang sa Kanyang Araw. At ang Kanyang manipestasyon ay magiging katulad ng kidlat kumikislap sa kalawakan, napakabilis na ang mata ay halos hindi masusundan ito. Kayo, at hindi lamang kayo, bagkus walang tao ang makasusunod sa Akin kapag Ako ay sa wakas magpakita upang ipunin ang lahat na dati naging, naging ngayon o magiging. Ngunit bago ito mangyari ang Anak ng tao ay kailangan na maghirap nang labis. Kailangan Niyang paghirapan ang lahat. Ang lahat na kapighatian ng Sangkatauhan, at higit pa, Siya ay kailangan na tanggihan ng henerasyon na ito.»

Kung gayon, aking Panginoon, paghihirapan Ninyo ang lahat na kasamaan na maihahampas sa Inyo ng henerasyon na ito» wika ni Matthias, ang pastol.

«Hindi. Sinabi Ko: “Ang lahat na kapighatian ng Sangkatauhan”. Ito ay naririto na bago pa ang henerasyon na ito at mapapariyan, sa buong mga henerasyon, pagkatapos ng isang ito. At ito ay laging magkakasala. At ang Anak ng tao ay malalasahan ang lahat na kapaitan ng nakaraan, ng kasalukuyan at ng hinaharap na mga kasalanan, hanggang sa huling kasalanan, sa Kanyang espiritu, bago naging ang Tagapagtubos. At pagkatapos ng Kanyang kaluwalhatian maghihirap pa rin Siya sa Kanyang espiritu ng Pagmamahal nakikita na ang Sangkatauhan na tinatapakan ang Kanyang Pagmamahal. Hindi kayo makaiintindi ngayon... Pumasok tayo sa bahay na ito. Ito ay isang mapagkaibigan na bahay.»

Siya ay kumakatok sa pinto na binuksan pinapapasok Siya, habang ang bantay sa pintuan ay tila hindi nagtataka nakikita ang bilang ng mga tao na pumapasok pagkatapos ni Jesus.

130811

 

 


Sunod na kabanata