485. Sa Templo: «Kilala BA Ninyo Ako AT KUNG  Saan Ako Nanggaling?»

Setyembre 4, 1946.

Ang Templo ay mas nagsisiksikan kaysa nang nakaraang araw. At kabilang sa balisang pulutong na pumupuno sa unang korte nakakakita ako ng maraming Hentil, mas marami pa kaysa kahapon. Lahat sila ay naghihintay nang nananabik, kapwa ang mga Israelita at ang mga Hentil. At ang mga Hentil ay nagsasalita sa mga Hentil, at ang mga Hebreo sa mga Hebreo, sa maliliit na mga grupo, nakakalat dito at doon, nang hindi iniiwan ng tingin ang mga pintuan.

Ang mga doktor sa ilalim ng mga balkonahe ay abala sa pagtataas ng kanilang mga tinig upang makuha ang atensiyon ng mga tao at ipakita sa kanila ang kanilang kahusayan sa pagsasalita. Ngunit ang mga tao ay hindi ito pinapansin at sila ay nagtuturo sa ilan-ilan na mga nakikinig. Si Gamaliel ay naroroon, sa kanyang dating lugar. Ngunit siya ay hindi nagsasalita. Siya ay naglalakad nang paparoo’t parito sa ibabaw ng kanyang maringal na alpombra, na ang mga kamay nakakursomano, ang ulo nakatungo, nagninilay-nilay, at ang kanyang mahabang tunika at ang mas mahabang manta na kanyang kinalagan at ngayon nakabitin nahahawakan ng dalawang roseta, pumoporma ng isang hilang tela na kanyang tinutulak sa pamamagitan ng kanyang paa sa tuwing babalikan niya ang kanyang dinaanan. Ang kanyang mga disipulo, ang pinakamatatapat, nakasandal sa pader, ay tinitingnan siya sa katahimikan, natatakot katulad nila, at ginagalang nila ang pagninilay-nilay ng kanilang guro.

Ang ilang mga Pariseo at mga pari ay tila abalang-abala at sila ay paparoo’t parito... Ang mga tao, na nakaaalam ng kanilang tunay na mga intensiyon, ay itinuturo sila at ang paminsan-minsan na punang mga salita ay lalabas katulad ng isang kuwitis na umaapoy upang sunugin ang kanilang pagkukunwari. Ngunit sila ay nagkukunwaring hindi nakaririnig. Sila ay kakaunti sa bilang kompara sa marami na hindi napopoot kay Jesus at sa kabaligtaran napopoot sa kanila, kung kaya't minabuti pa nila na huwag na lang umalma.

«Ayón Siya! Ayón Siya! Nanggagaling Siya sa Golden Gate ngayon!»

«Tumakbo tayo!»

«Hindi ako aalis dito. Siya ay pupunta at magsasalita rito. Ayaw kong mawala ang aking lugar.»

«Ni ako rin, hindi, ang mga umaalis ay nabibigyan tayo ng lugar.»

«Ngunit pahihintulutan ba nila Siya na magsalita?»

«Kung pinahintulutan nila Siya na makapasok!...»

«Oo, ngunit ito ay isang ibang bagay. Bilang isang anak ng Batas, hindi nila Siya mapipigil na makapasok. Ngunit bilang isang rabbi, mapalalayas nila Siya kung gusto nila.»

«Gaano karaming mga diskriminasyon! Kung pinahihintulutan nila Siya na makapagsalita sa Diyos, bakit hindi nila Siya pahintulutan na makapagsalita sa mga tao?» sabi ng isang Hentil.

«Iyan ay totoo» tugon ng isa pang Hentil. «Dahil tayo ay hindi puro, ayaw mo tayong pumunta roon, ngunit makapananatili tayo dito, dahil umaasa ka na tayo ay magiging mga tuli...»

«Manahimik, Quintus. Iyan kung bakit pinahintulutan nila Siya na makapagsalita sa atin. Umaasa sila na mapungusan tayo na tila tayo ay mga punungkahoy. Sa halip pumunta tayo rito upang paugatin ang Kanyang mga idea katulad ng mga supang sa ating mababangis na isip.»

«Tamang tama ka. Siya lamang ang natatanging hindi nasusuklam sa atin!»

«O! Kapag tayo ay namímilí na may mga lukbutan na puno ng pera, ang iba ay hindi rin tayo kinasusuklaman.»

«Tingnan! Tayong mga Hentil na lamang ang naiiwan dito. Mapapakinggan natin Siya at makikita nang mas mabuti! Gusto kong makita ang mga mukha ng Kanyang mga kaaway.  Sa ngalan ni Jove! Isang labanan ng mga mukha...»

«Manahimik! Huwag mong gawin na mapakinggan ka ng sinuman na binabanggit si Jupiter. Iyan ay pinagbabawal dito.»

«O! Sa pagitan ni Jove at ni Jehovah ay may katiting na pagkakaiba lamang. At sa pagitan ng mga diyos ay walang samaan ng loob... Ako ay naparito naudyukan ng isang mabuting mithiin na mapakinggan Siya. Hindi upang tawanan Siya. Sila ay magandang magsalita tungkol sa Nazareno kahit saan! Kung kaya't sinabi ko: ang panahon ay maganda at lalakad ako at pakikinggan Siya. Maraming mga tao ang naglalakad nang mas malayo pa upang mapakinggan ang mga orakulo...»

«Saan ka nanggaling?»

«Mula sa Perga. At ikaw?»

«Mula sa Tarsus.»

«Ako ay halos Hudyo. Ang aking ama ay isang Helenista mula sa Iconium. Ngunit nakapangasawa siya ng isang Romano mula sa Antioch sa Cilicia at siya ay namatay bago ako pinanganak. Ngunit ang binhi ay Hebreo.»

«Siya ay huli... Nahuli kaya nila Siya?»

«Huwag matakot. Ang mga sigawan ng pulutong ay sasabihin ito sa atin. Ang mga Judiong ito ay sumisigaw katulad ng balisang mga madaldal na ibon, lagi...»

«O! ayón Siya, sa banda roon. Talaga bang pupunta Siya rito?»

«Hindi mo ba nakikita na kinuha nila ang lahat na mga lugar nang sadya, maliban sa sulok na ito? Hindi mo ba napapakinggan kung gaano karaming mga palaká ang kumukukak nagkukunwaring nagtuturo?»

«Ngunit ang isang iyon doon ay tahimik. Totoo ba na siya ang pinakadakilang doktor sa Israel?»

«Oo, ngunit... gaano siya mapagdunung-dunungan! Nakinig ako sa kanya isang araw, ngunit upang matunaw ng tiyan ang kanyang siyensiya kailangan kong uminom ng maraming lagok ng alak na Falemian sa Titus sa Bezetha.» Kapwa sila tumatawa.

Si Jesus ay lumalapit nang dahan-dahan. Dumaraan Siya sa harapan ni Gamaliel, na ni hindi tinataas ang kanyang ulo, pagkatapos pumunta Siya sa gayon ding lugar kahapon.

Ang pulutong, ngayon isang pagkakahalu-halo ng mga Israelita, ng mga proselito at ng mga Hentil, ay naiintindihan na Siya ay malapit nang magsalita at sila ay bumubulong: «Magsasalita na Siya ngayon sa madla, at walang nagsasalita sa Kanya ng kahit na ano.»

«Baka ang mga Prinsipe at mga Hepe ay kinilala na Siya bilang ang Kristo. Nang makaalis ang Galilean kahapon, si Gamaliel ay nagsalita sa mga Nakatatanda nang matagal.»

«Posible ba ito? Papaano nila Siya makikilala kaagad nang bigla na lamang, kung kamakailan pa lamang tinitingnan nila na Siya ay karapat-dapat na ipapatay?»

«Baka si Gamaliel ay may ilang mga katibayan...»

«Anong mga katibayan? Anong mga katibayan ang maaasahan mong magkaroon siya pabor sa taong iyon?» tanong nang galit ng isang lalaki.

«Manahimik, tikbalang. Ikaw lamang ang huli sa mga eskriba. Sino ang nagsalita sa iyo?» at pinagtatawanan nila siya.

Siya ay umalis. Ngunit ibang mga tao ang pumalit sa kanyang lugar, sila ay hindi mga taga-Templo, ngunit tiyak na di-makapaniwalang mga Hudyo: «Nasa amin ang mga katibayan. Alam namin kung saan Siya nanggaling. Ngunit kung ang Kristo ay dumating, walang makakaalam kung saan Siya nanggaling. Hindi natin malalaman ang Kanyang pinagmulan. Ngunit ang isang ito!!! Siya ay ang anak ng isang karpintero ng Nazareth, at ang buong nayon ay makapagsasaksi laban sa amin kung kami ay nagsasabi ng mga kasinungalingan...»

Sa pansamantala ang tinig ng isang Hentil ay narinig nagsasabing: «Guro, magsalita nang kaunti tungkol sa amin ngayon. Kami ay nasabihan na sinasabi Ninyo na ang lahat na mga tao ay nanggaling sa isang Diyos lamang, ang Inyo. At dahil diyan, tinatawag Ninyo sila na mga anak ng Ama. Ang ilan sa aming istoikong mga makata ay nagkaroon ng ganitong idea. Sinabi nila: “Tayo ay mga inapu ng Diyos”. Ang Inyong kapwa mga kababayan ay nagsasabi na kami ay mas di-puro kaysa sa mga hayop. Papaano Ninyo mapagkakasundo ang dalawang pag-iisip?»

Ang tanong ay inihain ayon sa kaugalian ng mga pagdedebateng  pilosopo, sa aking palagay man lamang. At si Jesus ay tutugon na sana, nang ang di-makapaniwalang mga Hudyo at ang mga naniniwala ay nagsimula nang magtalo nang mas mainitan at ang isang matinis na tinig ay inuulit nito: «Siya ay isang pangkaraniwan na tao. Ang Kristo ay hindi maaaring maging katulad niya. Ang lahat ay magiging pambihira sa Kanya: sa Kanyang hitsura, kalikasan, pinagmulan...»

Si Jesus ay tumingin sa direksiyon na iyon at nagsabi sa isang malakas na tinig: «Kung gayon kilala mo Ako at alam mo kung saan Ako nanggaling? Nakakatiyak ka? At ang kakaunting nalalaman mo, mayroon bang ibig sabihin ito sa iyo na kahit ano? Hindi ba nito pinatototohanan ang mga hula? Ngunit wala kang nalalaman tungkol sa lahat sa Akin, sasabihin Ko sa  iyong totoo na Ako ay hindi naparito nang Aking Sarili at nagmula sa kung saan sa palagay mo Ako nanggaling, Ang pinaka Katotohanan, Na siyang hindi mo kilala, ay ang nagpadala sa Akin.»

Ang isang sigaw ng pagngingitngit ay tumaas mula sa mga kaaway.

«Ang pinaka Katotohanan, na ang Kaninong mga gawa hindi mo nalalaman. Ni hindi mo nalalaman ang Kanyang daan, mula kung saan Ako naparito. Ang poot ay hindi maaaring malaman nito ang mga paraan at mga gawa ng Pagmamahal. Ang kadiliman ay hindi maaaring matagalan nito ang tanawin ng Liwanag. Ngunit kilala Ko Siya Na nagpadala sa Akin sapagkat Ako ay pag-aari Niya, Ako ay bahagi Niya at isang Buo kasama Siya. At Ako ay pinadala Niya upang gawin kung ano ang gusto ng Kanyang Isip.»

Nagkaroon ng kagulo. Ang Kanyang mga kaaway ay nagmadali patungo sa Kanyang upang lapatan Siya ng kanilang mga kamay, bihagin at patamaan. Ang mga apostol, mga disipulo, mga tao, mga Hentil, mga proselito ay kumilos upang ipagsanggalang Siya. Ang iba ay nagmadali upang tulungan ang mga kaaway at baka nagtagumpay, ngunit si Gamaliel, na magpahanggang ngayon ay tila malayo sa lahat ng nakapaligid sa kanya, ay umalis sa kanyang alpombra at pumunta kay Jesus, at dahil siya ay hindi pinalalapit ng mga nagsasanggalang kay Jesus sa ilalim ng balkonahe, siya ay sumigaw: «Pabayaan Siya. Gusto kong marinig ang Kanyang sinasabi.»

Ang tinig ni Gamaliel ay nakagawa ng mas higit pa kaysa sa pulutong ng mga lehiyonaryo na dumating mula sa Antonia upang patigilin ang gulo. Ang kagulo ay bumagsak katulad ng isang pag-inog na nasisira at ang sigawan ay humupa sa pagiging isang bulong. Ang mga lehiyonaryo ay nananatili bilang isang paniguro – lubos na hindi na kinakailangan ngayon malapit sa panlabas na bakuran.

«Magsalita» Si Gamaliel ay inaatasan si Jesus. «Tumugon sa mga nag-aakusa sa Inyo.» Ang tunog ng kanyang tinig ay hindi mapapasubalian, ngunit hindi nanunuya.

Si Jesus ay kumilos patungo sa harapan, patungo sa Korte. Kalmante Niyang pinagpapatuloy ang Kanyang pagsasalita. Si Gamaliel ay nananatili sa kanyang kinaroroonan at ang kanyang mga disipulo ay abala sa pagdala sa kanya ng kanyang alpombra at upuan, upang siya ay sana maging komportable. Ngunit nananatili siyang nakatayo, na ang kanyang mga kamay nakakursomano, ang ulo nakatungo, ang kanyang mga mata sarado, nakalublob sa pakikinig.

«Ako ay inyong inakusahan nang di-makatarungan, na tila Ako ay naglapastangan sa halip na nagsasalita ng katotohanan. Ako ay nagsasalita hindi upang ipagtanggol ang Aking sarili, bagkus upang bigyan kayo ng Liwanag, upang sana malaman ninyo ang Katotohanan. At Ako ay hindi nagsasalita para sa kapakanan ng Aking sariling katauhan, bagkus inaalaala ang mga salita kung saan kaya naniniwala at kung saan kayo nanunumpa. Sila ay sumasaksi sa Akin. Alam Ko na wala kayong nakikita sa Akin bagkus isang taong katulad ng inyong mga sarili, mas mababa kaysa sa inyong mga sarili. At iniisip ninyo na imposible para sa isang tao na maging ang Mesiyas. O iniisip ninyo na ang Mesiyas ay kailangan na maging isang anghel man lamang, na ang kanyang pinanggalingan ay kailangan maging napaka misteryoso na siya ay dapat na maging hari sa awtoridad lamang na itinalaga ng kanyang pinanggalingan. Ngunit kailan ba kailanman sa kasaysayan ng ating sambayanan, sa mga aklat ng pagporma sa kasaysayan na iyan, at na magtatagal hanggang sa tagal ng mundo, sapagkat ang mga doktor ng lahat ng mga bansa at ang lahat na mga panahon ay kukuha mula sa kanila ng patotoo para sa kanilang siyensiya at sa kanilang mga pagsasaliksik sa nakaraan sa pamamagitan ng kapaliwanagan ng katotohanan, kailan ba kailanman sa mga aklat na ito sinabi na ang Diyos ay nagsalita sa isa sa Kanyang mga Anghel upang sabihin sa kanya: “Magmula ngayon ikaw ay magiging Aking Anak sapagkat pinanganak kita”?»

Nakikita ko na si Gamaliel ay may isang tableta at ilang mga pergamino na binigay sa kanya at siya ay naupo na nagsusulat...

«Ang mga anghel, mga espirituwal na mga nilikha, mga lingkod ng Kataastaasan at Kanyang mga mensahero, ay nilikha Niya, katulad ng tao, katulad ng mga hayop at lahat na nilikha. Ngunit sila ay hindi Niya pinanganak. Sapagkat ang pinanganganak ng Diyos ay ang isa pang Sarili lamang Niya, dahil ang Perpektong Isa ay bagkus makapanganganak ng isa pang Perpektong Isa, isa pang katulad Mismo Niya, upang hindi maibaba ang Kanyang perpeksiyon sa panganganak ng isang mas mababa kaysa sa Kanyang Sarili. Ngayon, kung ang Diyos ay hindi maaaring manganak ng mga anghel o itaas sila sa dignidad ng mga anak Niya, magiging ano ang Anak kung Kanino sinasabi Niya: “Ikaw ay Aking Anak, pinanganak Kita ngayon”? At magiging ng kung anong kalikasan Siya, kung sa panganganak sa Kanya, sinasabi Niya tinuturo Siya sa Kanyang mga anghel: “At gawin ang lahat na mga anghel ng Diyos na sambahin Siya”? At ano ang magiging katulad ng Anak upang marapatin na mapakinggan ang Ama na sabihin sa Kanya, ang Ama na sa pamamagitan ng Kanyang grasya mababanggit ng mga tao ang Kanyang pangalan nang ang kanilang mga puso namamaliit sa pagsasamba: “Maupo sa Aking kanan at gagawin Ko ang Iyong mga kaaway na isang tuntungan para sa Iyo”? Ang Anak na iyan ay maaaring bagkus isang Diyos katulad ng Kanyang Ama, Na nakakabahagi Niya sa mga katangian at kapangyarihan, at kasamang kinalulugdan Niya ang Karidad na nagpapasaya sa kanila sa di-maipahayag at di-malalamang pagmamahal ng Perpeksiyon mismo.

Kung hindi nakita ng Diyos na tama ang itaas ang isang anghel sa ranggo ng Anak, maaari ba Niyang nasabi sa isang tao ang Kanyang sinabi sa Kanya Na ngayon ay nagsasalita sa inyo dito – at marami sa inyo na ngayon ay sumasalungat sa Akin ay naroroon nang sinabi Niya ang gayon – sa bantilan ng Betharabah nang nakaraang dalawang taon? Napakinggan ninyo Siya at kayo'y nanginig. Sapagkat ang tinig ng Diyos ay di-mapagkakamalan, at kung wala ang Kanyang espesyal na grasya dudurugin nito ang mga nakaririnig at uugain ang kanilang mga puso. Ano kung gayon ang Tao Na nagsasalita sa inyo? Siya kaya ay isang pinanganak ng pantaong binhi at sa pamamagitan ng kalooban ng taong katulad ninyong lahat? At maaari kayang inilagay ng Kataastaasan ang Kanyang Espiritu upang manirahan sa loob ng isang katawan, na walang grasya, katulad ng mga katawan ng mga taong pinanganak ng karnal na kalooban? At masisiyahan ba ang Kataastaasan ng sakripisyo ng isang tao upang makagawa ng mga pagsusulit para sa malaking Kasalanan? Isipin ito: hindi Niya pinili ang isang anghel na maging ang Mesiyas at Tagapagtubos, mapipili kaya Niya kung gayon ang isang tao? At ang Tagapagtubos kaya ay maaaring ang Anak lamang ng Ama – nang hindi nagkakatawang-tao, ngunit may pamamaraan at kapangyarihan na humihigit sa pantaong mga limitasyon? At maaari bang ang Panganay na Anak ng Ama magkaroon ng mga magulang kung Siya ay ang eternal na Panganay? Ang inyo bang mapagmalaking mga kaisipan hindi nababalisa ng ganyang mga katanungan na tumataas sa mga larangan ng Katotohanan, papalapit nang papalapit dito, at nakatatagpo ng isang tugon sa loob ng isang mapagpakumbabang puso lamang na puno ng pananampalataya?

Sino ang dapat na maging ang Kristo? Ang isang anghel? Mahigit pa sa isang anghel. Isang tao? Mahigit pa sa isang tao? Isang Diyos? Oo, isang Diyos. Ngunit nakadugtong sa laman na pantao na sana makumpleto nito ang pagbabayad-kasalanan ng nagkasalang laman. Ang lahat ay kailangan na matubos sa pamamagitan ng gayon din na materyal na sa pamamagitan nito ito ay nagkasala. Kung kaya't ang Diyos ay nakapagpadala sana ng isang anghel upang mabayaran ang mga kasalanan ng bumagsak na mga anghel, upang makapagbayad sa katauhan ni Lucifer at ng kanyang tagasunod na mga anghel. Sapagkat, katulad ng nalalaman ninyo, si Lucifer ay nagkasala din. Ngunit ang Diyos ay hindi nagpadala ng anghel na espiritu upang matubos ang mga anghel ng kadiliman. Hindi nila sinamba ang Anak ng Diyos, at ang Diyos ay hindi pinatatawad ang kasalanan laban sa Kanyang Salita Na pinanganak ng Kanyang Pagmamahal. Ngunit mahal ng Diyos ang tao at Kanyang pinadadala ang Tao, ang tanging perpektong Tao, upang matubos ang tao at makakuha ng kapayapaan sa Diyos. At ito ay ayon sa katarungan na tanging ang isang Tao-Diyos lamang ang maaaring gumawa ng panunubos sa tao at mapakalma ang Diyos.

At ang Ama at ang Anak ay nagmahal at naintindihan ang isa’t isa. At ang Ama ay nagsabi: “Gusto Ko”. At ang Anak ay nagsabi: “Gusto Ko”. At pagkatapos ang Anak ay nagsabi: “Ibigay sa Akin”. At ang Ama ay nagsabi: “Kunin”, at ang Salita ay nagawang laman, ang pormasyon nito ay mahiwaga at ang laman na ito ay pinangalanang Jesucristo, ang Mesiyas, Siya Na siyang tutubos sa mga tao, magpapasunod sa kanila sa Kaharian, tatalo sa dimonyo, dudurog sa pagkaalipin.

Upang matalo ang dimonyo! Ang isang anghel ay hindi maaari, hindi magagawa kung ano ang magagawa ng Anak ng tao. Iyan kung bakit ang Diyos ay hindi tinatawag ang mga anghel bagkus ang Tao na gawin ang dakilang gawain. Naririto ang Tao Na ang Kaninong pinanggalingan ay pinagdududahan ninyo, tinatanggihan ninyo o inyong pinag-aalalahanan. Naririto ang Tao. Ang Tao na katanggap-tanggap sa Diyos. Ang Tao na nangangatawan sa lahat ng Kanyang mga kapatid. Ang Tao na katulad ninyo sa hitsura, mas mataas at iba sa inyo sa pamamagitan ng pinanggalingan, pinanganak hindi sa pamamagitan ng tao bagkus sa pamamagitan ng Diyos at kinunsagra sa Kanyang ministeryo, ay nasa harapan ng mataas na altar upang maging ang Pari at Biktima para sa mga kasalanan ng mundo, supremong eternal na Pontipise, Mataas na Pari ng orden ni Melchizedek. Huwag matakot! Hindi Ko inuunat ang Aking kamay patungo sa tiyara ng pontipise. Ibang korona ang naghihintay sa Akin. Huwag mag-alala! Hindi Ko kukunin ang Rational sa inyo. Ibang Rational ang nakahanda na para sa Akin. Katakutan lamang na ang Sakripisyo ng Tao at ang Awa ng Kristo ay maging walang kabuluhan sa inyo. Minahal Ko kayo nang labis, minamahal Ko kayo nang labis na nakuha Ko mula sa Ama na mapuksa Ko ang Aking Sarili. Minahal Ko Kayo at minamahal Ko kayo nang labis na hinihingi Ko na matupok ang lahat na Kapighatian ng mundo upang maibigay sa inyo ang eternal na kaligtasan.

«Bakit ayaw ninyo Akong paniwalaan? Hindi pa ba kayo makapaniniwala? Hindi ba’t sinabi tungkol sa Kristo: “Ikaw ay Pari sa orden ni Melchizedek magpakailanman”? Ngunit kailan ba nagsimula ang pagpapari? Baka kaya sa mga araw ni Abraham? Hindi. At nalalaman ninyo. Ang Hari ba ng Katarungan at Kapayapaan, na nagpakita upang ibalita Ako, nang may propetikong hitsura, sa pagsimula ng ating sambayanan, ay hindi kayo binalaan na mayroong mas perpektong pagpapari na darating nang diretso mula sa Diyos, na katulad na katulad ni Melchizedek, na ang kaninong pinanggalingan ay hindi kailanman inalam ng sinuman at na siyang tinawag na “ang pari” at pari siyang mananatili magpakailanman? Hindi na ba ninyo pinaniniwalaan ang mga salitang pinasigla? At kung pinaniniwalaan ninyo iyan, bakit, mga doktor, hindi kayo makapagbigay ng katanggap-tanggap na kapaliwanagan ng mga salitang nagsasabi, at tinutukoy nito Ako: “Kayo ang Pari magpakailanman sa orden ni Melchizedek”? Mayroon, kung gayon, ng isa pang pagpapari at bukod sa pagpapari ni Aaron. At ito ay sinabi tungkol dito “Kayo ngayon”.  Hindi “Kayo dati”. Hindi “Kayo magiging”. Kayo ay pari magpakailanman. Kung gayon ang pangungusap na ito ay nagbabalita na ang eternal na Pari ay hindi kasapi sa kilalang-kilalang lahi ni Aaron o sa kahit alin pang ibang saserdotal na lipi. Bagkus ito ay magiging kasapi ng bagong panggagalingan, na kasing hiwaga ng lipi ni Melchizedek. Ito ay ng ganyang panggagalingan. At kung ang kapangyarihan ng Diyos ay pinadala ito, ang ibig sabihin nito gusto Niya na papanariwain ang Pagpapari at ang ritwal upang ito ay sana maging may pakinabang sa Sangkatauhan.

Alam ba ninyo ang Aking pinagmulan? Hindi. Alam ba ninyo ang Aking mga gawa? Hindi. Nalalaman ba ninyo ang mga epektong magagawa nito? Hindi. Wala kayong nalalaman tungkol sa Akin. Kung kaya't makikita ninyo na Ako ay ang Kristo nang ganyan din, na ang Kaninong Pinagmulan, Kalikasan at Misyon ay hindi kailangan na malaman hanggang ito ay kaaya-aya na Diyos na ibunyag sa mga tao. Pagpalain ang mga makapaniniwala at maniniwala bago ang nakakatakot na Pagbubunyag ng Diyos ay pabagsakin sila sa lupa sa pamamagitan ng bigat nito, at ipako sila doon, hinahampas sila ng nakasisilaw na makapangyarihang katotohanan na pinakulog mula sa Langit, pinaugong mula sa Lupa: “Siya ang Kristo ng Diyos”. Sinasabi ninyo: “Siya ay mula sa Nazareth. Si Jose ay ang Kanyang ama. Si Maria ay ang Kanyang Ina”. Ako ay walang ama na nagpanganak sa Akin bilang tao. Ako ay walang ina na nagpanganak sa Akin bilang Diyos. Gayunpaman Ako ay may isang katawan na Aking inako sa pamamagitan ng misteryosong gawain ng Espiritu, at Ako ay pumunta sa pagitan ninyo dumaraan sa pamamagitan ng isang banal na tabernakulo. At ililigtas Ko kayo, pagkatapos na maporma ang Aking Sarili ayon sa kalooban ng Diyos. Ililigtas Ko kayo, sa pamamagitan ng ginagawa ang Aking sarili na makalabas mula sa Tabernakulo ng Aking Katawan upang gawin ang dakilang Sakripisyo ng isang Diyos Na sinasakripisyo ang Sarili upang iligtas ang mga tao.

Ama, Aking Ama! Sinabi Ko sa Inyo sa pagsimula ng panahon: “Naririto Ako upang sundin ang Inyong Kalooban”. At sinabi Ko sa Inyo sa oras ng grasya bago iwanan Kayo upang tanggapin ang isang katawan na makapaghihirap: “Naririto Ako upang sundin ang Inyong Kalooban”. At sinasabi Ko sa Inyong muli upang mapabanal ang mga para kung kanino Ako ay dumating: “Naririto Ako upang sundin ang Inyong Kalooban”. At lagi Ko kayong sasabihan hanggang masunod ang Inyong Kalooban...»

Si Jesus Na naitaas ang Kanyang mga kamay patungo sa Langit, nagdarasal, ay ngayon binababa at nilulupi ang mga ito sa ibabaw ng Kanyang dibdib, sinasara ang Kanyang mga mata at naging nakalublob sa lihim na panalangin.

Ang mga tao ay bumubulong. Hind lahat ang nakaintindi, hind lamang, bagkus karamihan sa kanila (kasama ang aking sarili) ang hindi nakaintindi. Napaka mangmang namin. Ngunit aming nabatid na Siya ay nagpahayag ng malalaking bagay. At kami ay tahimik, puno ng paghanga.

Ang may masasamang-kaisipan na mga tao, na hindi nakaintindi o ayaw na makaintindi, ay nanunuya: «Siya ay nahihibang!» Ngunit hindi sila nangangahas na magsalita ng mahigit pa at sila ay tumatabi o pumupunta sa mga geyt iniiling ang kanilang mga ulo. Sa aking palagay ang labis na kahinahunan at dahil sa mga sibat at mga punyal ng mga Romano na nagniningning sa sinag ng araw sa tabi ng mas nasa labas na mga pader.

Si Gamaliel ay pinipilit ang kanyang daan sa gitna ng mga nanatili. Nakarating siya malapit kay Jesus, Na nakalublob pa sa panalangin, malayo sa pulutong at sa lugar, at tinawag Siya: «Rabbi Jesus!»

«Ano ang gusto mo, rabbi Gamaliel?» tanong ni Jesus tumitingala, ang Kanyang mga mata nakalublob pa rin sa panloob na bisyon.

«Isang kapaliwanagan mula sa Inyo.»

«Sabihin sa Akin.»

«Umalis kayo, kayong lahat!» utos ni Gamaliel, at sa gayong tono na ang mga apostol, mga disipulo, mga tagasunod, mga usyosong tao at ang pinaka mga disipulo ni Gamaliel, ay tumabing mabilis, Sina Jesus at Gamaliel ay nag-iisa, magkaharap. At tinitingnan nila ang isa’t isa, si Jesus ay, katulad ng dati, mapagpakumbaba at mabait, si Gamaliel di-sinasadyang mapag-awtoridad at nagmumukhang mapagmalaki. Isang hitsura na tiyak na dahil sa maraming mga taon ng eksaheradong pagpipitagan.

«Guro... Ang ilan sa Inyong mga salita ay naikuwento sa akin. Sinabi Ninyo ito sa isang bangkete... na ang tungkol dito ay hindi ko sinang-ayunan sapagkat iyon ay hindi isang tunay na bangkete. Ako ay lumalaban o hindi lumalaban, ngunit laging lantaran... Pinagnilayan ko ang mga salitang iyon. Kinompara ko ang mga iyon sa mga salitang nasa aking alaala...At matagal na akong naghihintay para sa Inyo, dito, upang itanong sa Inyo ang tungkol sa mga iyon... Ngunit bago ito gusto ko munang mapakinggan Kayong magsalita... Sila ay hindi nakaintindi. Umaasa Ako na magagawang kong makaintindi. Sinulat ko ang Inyong mga salita habang Kayo ay nagsasalita, upang sana mapagnilayan ko ang mga ito, hindi upang saktan Kayo. Naniniwala ba Kayo sa akin?»

«Oo, naniniwala Ako. At harinawang ang Kataastaasan ay gawin silang umapoy sa iyong espiritu.»

«Mangyari ito. Makinig. Ang mga batong manginginig, sila ba kaya ay ang mga bato ng aming mga puso?»

«Hindi, rabbi. Ang mga ito (at Kanyang tinuturo ang mga pader ng Templo sa pamamagitan ng isang paikot na galaw ng Kanyang kamay). Bakit mo Ako tinatanong?»

«Sapagkat ang aking puso ay nanginig nang ang mga salitang Inyong sinabi sa bangkete at ang Inyong tugon sa mga nanunukso ay ikinuwento sa akin. Akala ko ang panginginig na iyon ay ang tanda...»

«Hindi, rabbi. Ang panginginig ng iyong puso at ng mga puso ng ilan pang mga tao ay napakaliit upang maging tanda na hindi mag-iiwan ng mga pagdududa... Kahit na kung, sa pamamagitan ng pambihirang paghusga ng mapagpakumbabang kaalaman ng iyong sarili, ay isalarawan ang iyong puso na: bato. O! Rabbi, Gamaliel, talaga bang hindi mo magagawa ang iyong nanigas na puso na maging isang maningning na altar na tumatanggap sa Diyos? Hindi para sa Aking kapakanan, rabbi. Bagkus na sana ang iyong katarungan ay makumpleto...»

At si Jesus ay tinitingnan nang may-kabaitan ang maedad na guro na kinukusot ang kanyang balbas at pinapasok ang kanyang mga daliri sa ilalim ng kanyang takip sa ulo dinidiinan ang kanyang noo at bumubulong na ang kanyang ulo nakatungo: «Hindi ko magawa... Hindi pa... Ngunit umaasa ako... Ibibigay pa rin ba Ninyo ang tanda?»

«Oo, ibibigay Ko.»

«Paalam, Rabbi Jesus.»

«Harinawang ang Panginoon ay pumunta sa iyo, rabbi Gamaliel.»

Sila ay naghiwalay. Si Jesus ay tumango sa Kanyang mga disipulo at umalis sa Templo kasama sila.

Ang mga eskriba, mga Pariseo, mga Saduseo, mga disipulo, mga rabbi ay nagmamadaling katulad ng mga buwitre sa paligid ni Gamaliel na inilalagay sa kanyang malaking sinturon ang kanyang mga sinulat.

«Bueno? Ano ang palagay mo sa Kanya? Siya ba ay baliw? Tama ang ginawa mo sa pagsulat sa Kanyang mga kalokohan. Kakailanganin natin iyan. Nagpasya na ba ang isip mo? Kahapon... ngayon... mahigit pa ang kinakailangan upang makumbinsi ka.» Sila ay nagsasalita nang maingay at si Gamaliel ay tahimik habang inaayos niya ang kanyang sinturon, tinatapik niya ang lalagyan ng tinta na nakabitin mula dito, binabalik niya sa kanyang disipulo ang tableta na pinagpapatungan niya kapag siya ay nagsusulat sa mga pergamino.

«Hindi ka ba tutugon? Hindi ka nagsasalita mula pa kahapon...» pamimilit ng isa ng kanyang mga kasamahan.

«Ako ay nakikinig, hindi sa iyo, sa Kanya. At pinagsisikapan kong makilala sa Kanyang kasalukuyang mga salita ang salita na Kanyang sinabi sa akin isang araw, dito.»

«At nagtagumpay ka ba?» marami sa kanila ang nagsasabi tumatawa.

«Katulad ng isang kulog, na tumutunog nang iba, ayon sa kung ito ay mas malapit o mas malayo. Ngunit ang tunog pa rin ng kulog.»

«Kung gayon isang walang-katiyakan na tunog» panunuya ng isa.

«Huwag kang tumawa, Levi. Ang tinig ng Diyos ay maaaring matagpuan din sa kulog, at tayo ay maaaring maging napakatanga na isipin na ito ay ang ingay ng mga ulap na binabasag... At ikaw, Helkai, at ikaw, Simon, tumigil sa pagtawa, kung hindi ang kulog ay magbago sa pagiging isang kidlat at gawin kayong mga abo...»

«Kung gayon... ikaw... ay halos nagsasabi na ang Galilean ay ang batang iyon Na inakala mo at ni Hillel na siyang ang propeta, at na ang bata at ang lalaki ay ang Mesiyas...» ang ilan sa kanila ay nagtatanong nang nangungutya, bagama't nang may katusuhan, sapagkat si Gamaliel ay kailangan na igalang.

«Wala akong sinasabi na kahit ano. Ang sinasabi ko na ang atungal ng kulog ay laging ang atungal ng kulog.»

«Sa mas malapit o sa mas malayo?»

«Aba! Ang mga salita ay mas malakas, katulad na bagay sa Kanyang edad. Ngunit ang dalawampung taon na nakaraan ay nagawa ang aking katalinuhan na maging mas sarado nang dalawampung beses sa kayamanan na tinataglay nito. At ang tunog ay mas mahinang nakakapasok...» At si Gamaliel ay pinabagsak ang kanyang ulo sa kanyang dibdib, nagninilay-nilay.

«Ha! Ha! Ha! Ikaw ay tumatanda na at nagiging tanga, Gamaliel! Napagkakamalan mo ang mga guniguni na mga totoo. Ha! Ha! Ha!» lahat sila nagsasabi nang tumatawa.

Si Gamaliel ay kinikibit ang kanyang mga balikat nang mapanghamak. Pinapalumpon niya ang kanyang manta na nakasabit sa kanyang mga balikat, binabalot ang kanyang sarili dito nang makailang beses, napakalapad nito, tinalikuran niya ang lahat, nang hindi tumutugon ng isang salita, puno ng panghahamak sa kanyang pananahimik.

170811

 

 


Sunod na kabanata