486. Sa Templo: «Makakasama Ninyo Ako Nang Maikling Panahon na Lamang Ngayon».

Setyembre 5, 1946.

Nang hindi inaalaala ang tungkol sa masamang kalooban ng mga tao si Jesus ay bumabalik sa Templo para sa ikatlong araw. Ngunit Siya ay hindi maaaring natulog sa Herusalem sapagkat ang Kanyang mga sandalyas ay maalikabok na maalikabok. Baka pinalampas Niya ang gabi sa mga burol na nakapaligid sa siyudad. At ang Kanyang mga kapatid na sina Santiago at Judas kasama si Jose, ang pastol, at si Solomon ay maaaring naging kasama Niya. Nakatagpo Niya ang iba pang mga apostol at mga disipulo malapit sa silanganing pader ng Templo.

«Sila ay pumunta, alam Ninyo? Kapwa sa amin at sa pinaka kilalang mga disipulo. Mabuting gawain na Kayo ay wala roon!»

«Dapat lagi nating gagawin iyan.»

«O sige. Ngunit pag-uusapan natin iyan saka na. Tayo na.»

«Marami ang nauna na sa amin pinapupurihan ang Inyong mga himala. Gaano karami ang nakumbinsi at naniwala sa Inyo! Ang Inyong mga kapatid ay tama, nang tungkol diyan» sabi ni Juan, ang apostol.

«Pumunta pa nga sila sa bahay ni Annaleah sa paghahanap para sa Inyo, alam Ninyo?»

«At sa mansiyon ni Johanna. Ngunit ang natagpuan lamang nila ay si Chuza...at may sumpong. Pinalayas niya sila katulad ng mga aso nagsasabing sa loob ng kanyang bahay ayaw niya ng mga espiya at na siya ay nagkaroon na ng sapat ng mga ito. kami ay sinabihan ni Jonathan, na naririto kasama ang kanyang panginoon» sabi ni Daniel, ang pastol.

«Alam Ninyo? Ang mga eskriba ay ibig na paghiwa-hiwalayin ang mga naghihintay para sa Inyo, sa pamamagitan ng pagkumbinsi sa kanila na Kayo ay hindi ang Kristo. Ngunit sila ay tumugon: “Siya ay hindi ang Kristo? At sino Siya kung gayon? Magagawa ba kailanman ng ibang tao ang mga himala na Kanyang nagagawa? Ang mga iba ba na nagsasabi noon na sila ay ang Kristo, ay nagagawa ang mga himala? Hindi. Sandaan, sanlibong mga impostor ay maaaring lumitaw, baka nilikha ninyo, nagsasabing sila ang Kristo, ngunit maging sinuman ang dumating hindi niya kailanman magagawa ang mga himala nang katulad Niya at sa kasing dami ng nagagawa Niya”. At habang pinangangatawanan ng mga eskriba at mga Pariseo na nagagawa Ninyo ang mga himala sapagkat Kayo ay isang Beelzebub, sila ay tumugon: “O! kung gayon makagagawa kayo ng mas kagulat-gulat na mga himala, sapagkat kayo ay tiyak na mga Beelzebub, kompara sa Banal na Isa» sabi ni Pedro at siya ay tumatawa at lahat sila tumatawa inaalaala ang matalisik na wika ng pulutong at ang naiskandalong mga eskriba at mga Pariseo, na mga umalis puno ng galit.

Sila ngayon ay nasa sakop na ng Templo at kaagad pinalibutan ng isang pulutong na mas malaki pa kaysa sa ng nakaraang mga araw.

«Kapayapaan sa Inyo, Panginoon! Kapayapaan! Kapayapaan!» sigaw ng mga Israelita.

«Mabuhay, Guro!» bati ng mga Hentil.

«Harinawang ang kapayapaan at liwanag ay pumunta sa inyo» tugon ni Jesus sa minsanan na pagbati.

«Kami ay natakot na Kayo ay baka nahuli nila, o na Kayo ay hindi lalabas dala ng kahinahunan o pagkasuklam. At kami ay kumalat sana sa paghahanap sa Inyo kahit saang lugar» sabi ng marami.

Si Jesus ay ngumingiti nang malumanay at nagtanong: «Kung gayon ayaw ninyo na mawala Ako sa inyo?»

«At kung mawala Kayo sa amin, Guro, sino ang magbibigay sa amin ng mga leksiyon at ng mga grasya na binibigay Ninyo sa amin?»

«Ang Aking mga leksiyon ay mananatili sa inyo at maiintindihan ninyo iyan nang mas mabuti kapag Ako ay nakaalis na... At ang katotohanan na Ako ay wala na sa pagitan ng mga tao ay hindi makapagpipigil sa grasya na bumaba sa mga nananalangin nang may pananampalataya.

«O! Guro! Ngunit talaga bang gusto Ninyong umalis? Sabihin Ninyo sa amin kung saan Kayo pupunta at susundan namin Kayo. Kami ay nasa ganyang pangangailangan sa Inyo!»

«Ang Guro ay nagsasabi nang ganyan upang malaman kung minamahal natin Siya. Ngunit san ba ang Rabbi ng Israel makapupunta, bagkus dito sa Israel?»

«Sasabihin Ko sa inyong totoo na mananatili Ako sa inyo nang maikling panahon na lamang at pupunta Ako sa kung kanino Ako pinadala ng Ama. Pagkatapos maghahanap kayo para sa Akin at hindi ninyo Ako matatagpuan. At kung nasaan Ako ay hindi kayo makakapunta. Ngunit ngayon pakawalan Ako. Ngayon Ako ay hindi magsasalita sa loob dito. Mayroon Akong ilang mahihirap na tao na mga naghihintay para sa Akin sa ibang mga lugar at sila ay hindi makakaparito sapagkat malala ang kanilang sakit. Pagkatapos ng panalangin Ako ay pupunta sa kanila.» At sa tulong ng Kanyang mga disipulo umusod Siya sa gitna ng pulutong patungo sa Court of Israel.

Ang mga nananatili ay nagkakatinginan.

«Saan ba Siya maaaring pumunta?»

«Tiyak na sa Kanyang kaibigan na si Lazarus. Malalang-malala ang kanyang kalagayan.»

«Sinasabi ko kanina: saan Siya pupunta, hindi ngayon, bagkus kapag iniwanan na Niya tayo talaga. Hindi ba ninyo napakinggan na sinabi Niya na hindi natin Siya matatagpuan?»

«Baka aalis Siya upang pagsama-samahin ang Israel, binibigyan ng ebanghelyo ang ating mga  kapatid na napakalat sa iba't ibang mga nasyon. Ang Diaspora ay umaasa sa Mesiyas katulad natin.»

«O baka aalis Siya at tuturuan ang mga pagano at madala sila sa Kanyang Kaharian.»

«Hindi. Iyan ay hindi posible. Laging magagawa natin na makita Siya, kahit na kung Siya ay nasa malayong Asya, o sa gitnang Aprika, o sa Roma, o sa Gaul, sa Iberia, sa Thrace o sa pagitan ng mga Samaritano. Kung sinasabi Niya na hindi natin Siya makikita kahit na kung hanapin natin Siya, ang ibig sabihin nito hindi Siya mapupunta sa kahit saan na mga lugar na ito.

«Siyempre! Ano ang ibig-sabihin ng mga salitang ito: “Hahanapin ninyo Ako ngunit hindi ninyo Ako makikita, at kung nasaan Ako kayo ay hindi makakapunta”? “Kung nasaan Ako...” Hindi: “Kung saan Ako mapupunta...” Kung gayon nasaan Siya? Hindi ba’t naririto Siya kasama natin?»

«Sinasabi ko sa iyo, Judas! Kamukha Niya ang isang tao ngunit Siya ay isang espiritu!»

«Tiyak na hindi! Sa pagitan ng mga disipulo may ilan na nakakita sa Kanya noong Siya ay isang bagong-panganak na sanggol. Mas higit pa! Nakita nila ang Kanyang Ina na buntis sa Kanya ilang oras bago Siya ipanganak.»

«Ngunit Siya nga ba talaga ang sanggol na iyon, na ngayon ay naging isang ganap na lalaki na? Sino ang makatitiyak sa atin na hindi Siya isang ibang tao?»

«Hindi! Siya ay maaaring ibang tao at ang mga pastol ay maaaring nagkamali. Ngunit papaano ang tungkol sa Kanyang Ina, sa kanyang mga kapatid at ang buong nayon?!»

«Ang mga pastol ba ay nakilala ang Ina?»

«Siyempre nakilala nila...»

«Bueno... Kung gayon, bakit Niya sinasabi: “Kung nasaan Ako hindi kayo makakapunta?”. Para sa atin ito ay hinaharap: kayo ay hindi makakapunta. Para sa Kanya ito ay kasalukuyan: Kung nasaan Ako. Kung gayon ang Tao ba na ito ay walang hinaharap?”

«Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ito ay ganito.»

«Sasabihin ko sa iyo. Siya ay baliw.»

«Baka ikaw ang baliw, ikaw na espiya ng Sanhedrin.»

«Ako espiya? Ako ay isang Judaean na humahanga sa Kanya. At sinabi mo ba na Siya ay pupunta kay Lazarus?»

«Wala kaming sinabi na kung ano, matandang espiya. Wala kaming nalalaman. At kahit na kung alam namin hindi namin ito sasabihin sa iyo. Lakad at sabihin sa mga nagpadala sa iyo, na hanapin nila Siya mismo. Ikaw ay isang espiya, isang naging maruming espiya!...»

Nakita ng lalaki na ang takbo ng mga bagay-bagay ay sumasamâ at siya ay umalis nang palihim.

«Ngunit tayo ay kailangan na manatili rito! Kung tayo ay umalis, baka nakita natin Siya. Takbo rito! Takbo roon!... Sabihin sa amin kung anong daan ang kinuha Niya. Sabihin sa Kanya na huwag pumunta kay Lazarus.»

Yung may mabubuting paa ay tumatakbo... At sila ay bumabalik... «Siya ay wala na rito... Humalo Siya sa pulutong, at walang sinuman ang makapagsasabi...»

Ang bigong pulutong ay unti-unting naghihiwa-hiwalay...

...Ngunit si Jesus ay mas malapit kaysa sa naiisip nila. Pagkatapos na makaraan sa isa sa mga geyt, umikot Siya sa Antonia at lumabas ng bayan sa pamamagitan ng Sheep Gate, bumababa sa lambak ng Kidron na may napaka kaunting tubig sa gitnang bahagi ng ilalim. Ito ay tinatawid ni Jesus tumatalon sa mga bato na nakausli sa tubig at nagsimulang akyatin ang Mount of Olives. Ang mga puno ng olibo ay napakakapal sa bahaging iyon at nakahalo sa mga palumpong na nagpapalungkot sa bandang ito ng Herusalem, sasabihin ko panlibing, saradong katulad nito sa pagitan ng madilim na mga pader ng Templo na siyang nangingibabaw sa tabing iyon kasama ang lahat ng bundok nito, at ng Mount of Olives sa kabila. Sa mas malayo pa sa timog ang lambak ay lumiliwanag at lumalapad, samantalang dito ito ay napakakipot: ang kalmot ng isang higanteng pangalmot na siyang humukay ng isang malalim na guhit sa pagitan ng Mount of Moriah at ng Mount of Olives.

Si Jesus ay hindi patungo sa Gethsemane, patungo Siya sa pasalungat na direksiyon, patimog, naglalakad lagi sa bundok na lumalapad patungo sa isang mabangis na lambak, kung saan, malapit sa isang mababang pabilog na kabit-kabit na mababangis na burol na natatakpan ng mga bato, umaagos ang ilog na gumagawa ng isang paliko sa hilaga ng bayan. Ang mga puno ng olibo ay napapalitan doon ng baog, matinik, pili-pilipit, gusot na maliliit na mga punungkahoy, nakahalo sa mga palumpong, na ang mga galamay nito ay kumakalat sa lahat na direksiyon. Ito ay napakalungkot at nangungulilang lugar. Nagbibigay ito ng impresyon ng isang pang-impiyernong pagbubunyag na lugar. May ilan-ilan dito na mga sepulkro, at wala nang iba pa, wala ni kahit mga ketongin. At ang pangungulilang ito, naiibang-naiiba sa mga pulutong ng bayan na napakalapit at punung-puno ng mga tao at ingay, ay kakaiba ngang totoo. Maliban sa bulong ng tubig sa pagitan ng maliliit na bato, at sa lagaslas ng hangin sa pagitan ng mga tanim na tumubo sa gitna ng mga bato, wala nang iba pang ingay ang maririnig. Ni wala dito ng masasayang pagsiyap ng mga ibon, na napakarami sa pagitan ng mga punong-olibo ng Gethsemane at ng Mount of Olives. Ang kung baga malakas na hangin na umiihip mula sa hilagang-silangan, nagtataas ng maliliit na mga ipu-ipo ng alikabok, ay pinababalik ang ingay ng bayan, at ang katahimikan, ang katahimikan ng isang lugar ng kamatayan, ay naghaharing nakapaniniil, halos nakapananakot.

«Ngunit ito ba ang daan?» si Pedro ay tinatanong si Isaac.

«Oo, ito. Ang isa ay makakarating din doon sa pamamagitan ng ibang mga daan, nagsisimula sa Herod’s Gate at mas mabuti pa sa Damascus Gate. Ngunit mas mabuti para sa inyo na malaman ang di-masyadong ginagamit na mga landas. Kami ay nakaikot na sa lahat ng labas ng bayan upang malaman ang mga ito at maipakita ito sa inyo. Kayo kung gayon ay makakapunta saan man ang gustuhin ninyo, sa kalapit na mga lugar, nang hindi kinukuha ang pangkaraniwang mga daan.»

«At... mapagkakatiwalaan ba natin ang mga taong iyon ng Nob? Tanong ni Pedro muli.

«Katulad na mapagkakatiwalaan mo ang iyong sariling pamilya. Si Tomas noong nakaraang taglamig, si Nicodemus lagi, ang kanyang disipulo na si Juan ang pari, at ang mga iba pa ay nakuha ang pagtitiwala ng maliit na nayon.»

«At ginawa mo ang mas malaki kaysa sa lahat» sabi ni Benjamin ang pastol.

«O! ako!! Kung ako ay may nagawa na kahit ano, kung gayon ang lahat ay ginagawa iyon. Ngunit makatitiyak Kayo, Guro, na mayroon Kayong ligtas na mga lugar sa paligid ng bayan...»

«Ang Ramah din...» sabi ni Tomas na ipinagmamalaki ang kanyang bayan. «Ang aking ama at aking bayaw ay inisip kayo kasama si Nicodemus.

«Kung gayon ang Emmaus din» sabi ng isang lalaki na hindi na bago sa akin, ngunit hindi ko masabi nang iksakto kung sino siya, dahil din nakakita ako ng mahigit pa sa isang Emmaus sa Judaea, nang hindi na sinasama ang lugar malapit sa Tarichea.

«Napakalayo nitong pumunta at bumalik katulad ng ginagawa Ko ngayon. Ngunit pupunta Ako doon minsan, nang walang paltos.»

«At sa aking bahay» sabi ni Solomon.

«Ako ay tiyak na pupunta doon nang minsan man lamang upang kumustahin ang matandang lalaki..

«Nariyan din ang Bether.»

«At ang Bethzur.»

«Hindi Ako pupunta sa mga bahay ng mga babaeng disipulo, ngunit kung kinakailangan magpapadala Ako ng tao para sa kanila.»

«Mayroon akong tapat na kaibigan malapit sa En-Rogel. Ang kanyang bahay ay bukas sa Inyo. At wala sa mga napopoot sa Inyo ang mag-iisip na Kayo ay napakalapit sa kanila» sabi ni Stephen.

«Ang hardinero ng maharlikang mga hardin ay makapagbibigay sa Inyo ng pag-aruga. Siya ay nakikipag-ugnayan kay Manaen na siyang nagbigay sa kanya ng trabahong iyon... at pagkatapos... pinagaling Ninyo siya isang araw...»

«Pinagaling Ko? Hindi Ko alam...»

«Kasama niya ang mahihirap na Inyong pinagaling sa loob ng bahay ni Chuza noong Paskuwa. Ang pagkahiwa ng isang panggapas na may dumi ng hayop ang may kagagawan kung bakit ang kanyang paa ay nabubulok at ang kanyang dating panginoon ay pinaalis siya dahil noon. Siya ay nanlilimos para sa kanyang mga anak. At pinagaling Ninyo siya. Pagkatapos naihanap siya ni Manaen ng isang trabaho sa mga hardin, sa isang magandang tiyempo ni Antipas. Ginagawa na niya ngayon ang lahat na sabihin sa kanya ni Manaen. At para sa Inyo...» sabi ni Matthias, ang pastol.

«Hindi Ko kailanman nakita si Manaen na kasama mo...» sabi ni Jesus tinititigan si Matthias, na nagbabago ang kulay at naging balisa. «Sumama ka sa akin sa unahan.»

Ang disipulo ay sinusundan Siya.

«Magsalita!»

«Panginoon... si Manaen ay nagkamali... at naghihirap siya nang labis at si Timoneus at ilan pang mga taong kasama niya. Hindi mapalagay ang kanilang mga isip dahil Kayo...»

«Tiyak na hindi nila iniisip na kinapopootan Ko sila...»

«Hindi! Ngunit... Natatakot sila sa Inyong mga salita at sa Inyong mukha.»

«O! Anong pagkakamali! Dahil lamang sa nakagawa sila ng pagkakamali na sila ay kailangan na pumunta sa Remedyo. Nalalaman mo ba kung nasaan sila ngayon?»

«Oo, Guro, alam ko.»

«Bueno, pumunta sa kanila at sabihin na Ako ay maghihintay para sa kanila sa Nob.»

Si Matthias ay umalis nang walang inaaksayang panahon.

Ang landas sa bundok ay tumataas upang ang buong Herusalem ay makikita mula sa hilaga... Si Jesus kasama ang Kanyang mga disipulo ay tumalikod at lumakad nang patungo sa kasalungat na direksiyon.

190811

 

 


Sunod na kabanata