487. Sa Nob. Ang Himala sa Hangin.

Setyembre 6, 1946.

Ito ay isang makatarungan na napapangalagaan na nayon, na may mga bahay na napagsama-sama. Ang mga naninirahan ay lahat nasa kanilang mga bahay, sapagkat ang isang malakas na hangin ay umiihip. Ngunit nang ang mga disipulo ay pumunta upang sabihin sa kanila na si Jesus ay naroroon, lahat na mga babae, mga bata at matatandang tao na gawa ng edad ay napilitan na manatili sa bahay, ay nagsiksikan sa paligid ni Jesus, Na tumigil sa gitna ng maliit na liwasan. Dahil sa ang nayon ay nasa isang elebasyon, ang ere ay malinis din sa malamlam na araw, makikita ng mga mata ang Herusalem sa timog at ang Ramah sa hilaga (Sinasabi ko Ramah sapagkat ito ay nakasulat sa isang kilometrahe na nakalagay ang mga kilometro).

Ang mga tao ay lubos na naantig. Ito ay isang bago at makabagbag-damdamin para sa kanila na magkaroon ng pribilehiyo na makapagbigay ng ospitalidad sa Panginoon! Ang isang matandang lalaki, isang tunay na patriyarka, ay ganito ang sinasabi sa katauhan ng lahat at ang mga babae ay tumatango sa pagsang-ayon.

Dahil sa sila ay nasanay na ng dinudurog ng pagmamalaki ng mga pari at mga Pariseo, sila ay natatakot... Ngunit si Jesus ay pinagpalagay sila kaagad sa pagkuha sa Kanyang bisig sa isang maliit na batang babae, na gumagawa ng kanyang unang mga hakbang, at hinahaplos ang isang matandang lalaki, nagsasabing: «Hindi pa ba ninyo Ako nakita dati?»

«Mula sa malayo... dumaraan... sa ilang mga tao sa Templo. Ngunit para sa amin na malapit sa bayan, mas mahirap magkaroon ng kung ano ang nagkakaroon ang mga tao na mga nanggagaling sa malayo» sabi ng matandang lalaki.

«Ito ay laging ganito, ama. Kung ano ang tila siyang nagpapadali sa mga bagay, ay nagpapahirap sa kanila, sapagkat ang lahat ay umaasa sa idea na ito ay madali. Ngunit magkákakilála na tayo ngayon. Umuwi na kayo, ama. Ang mga hanging taglagas ay umiihip, hindi ito mabuti sa mga patriyarka.

«O! Ako ay nag-iisa na! Wala na para sa akin ang bilang nga mga araw...»

«Ang kanyang anak na babae ay nag-asawa malayo dito at ang asawa ng matanda ay namatay noong kapistahan ng Dedikasyon» nagpapaliwanag ang isang babae.

«Juan, hindi ninyo dapat sabihin iyan, ngayon na naririto na ang Rabbi. Labis kayong nananabik na makita  ninyo Siya!» sabi sa kanya ng isang maliit na matandang babae.

«Iyan ay totoo. Ngunit... Kayo ang Mesiyas, hindi ba?»

«Oo, ama, Ako.»

«Bueno, kung gayon, ano pa ang aking mimithiin, ngayon na nakita ko na Siya at nakita ko nang natupad ang pangakong ginawa kay Abraham? Ang isang matandang lalaki, siya noon ay matanda na, ay umawit isang araw sa Templo, at ako ay naroroon, sapagkat noong araw na iyon ang aking Leah ay napadalisay pagkatapos ng kanyang tanging pagpapanganak, at ako ay malapit sa kanya, at sa harapan namin, ay isang Babae, mahigit lamang sa isang batang babae na tumupad sa Kanyang ritwal... ang isang matandang lalaki ay umawit hinahalikan ang Bagong-Panganak na Sanggol ng bata-pang Babaeng iyon ng: “Ngayon, Panginoon, hayaan ang Inyong lingkod na humayo sa kapayapaan, sapagkat ang aking mga mata ay nakita ang Tagapagligtas”. Kung gayon Kayo ang Bagong-Panganak na iyon. O! gaano akong pinagpalà! Pagkatapos ako ay nanalangin sa Panginoon nagsasabing: “Gawin din na ako ay mamatay pagkatapos na makilala ko Siya”. Ngayon kilala ko na Kayo. Kayo ay naririto. Ang kamay ng aking Panginoon ay nakapatong sa aking ulo. Ang Kanyang tinig ay nagsalita sa akin. Ang Eternal na Diyos ay pinakinggan ako. At ano ang aking dapat sabihin bagkus ang mga salita ng matandang may-pinag-aralan at makatarungan na si Simon? Sasabihin ko ang mga ito: “Gawin, Panginoon, ang Inyong lingkod na humayo sa kapayapaan, sapagkat ang aking mga mata ay nakilala ang Inyong Kristo”»

«Ayaw ba ninyong maghintay at makita ang Kanyang Kaharian?» tanong ng isang babae.

«Hindi, Maria. Ang mga Kapistahan ay hindi para sa matatandang tao. At hindi ko pinaniniwalaan ang sinasabi ng karamihan na mga tao. Naaalaala ko ang mga salita ni Simon... Nangako siya ng isang espada sa puso ng bata-pang Babae na iyon sapagkat ang mundo ay hindi mamahalin nang ganap ang Tagapagligtas... Sinabi niya na ang pagbagsak at resureksiyon ay darating sa marami sa pamamagitan Niya... at nariyan si Isaiah... at nariyan si David... Hindi. Mas gusto kong mamatay at hintayin ang Kanyang grasya sa mundo na darating... At ang Kanyang Kaharian sa mundo na darating...»

«Ama, mas nakakakita ka nang mabuti kaysa sa mga bata-pang tao. Ang Aking Kaharian ay ang Kaharian ng Langit. Ngunit ang Aking pagdating ay hindi kasiraan para sa inyo sapagkat alam ninyo kung papaano maniwala sa Akin. Pumunta tayo sa loob ng inyong bahay. Ako ay titigil sa inyong bahay» at pinasusunod ng matanda Siya ay pumunta sa isang maliit na maputing bahay sa isang lakaran sa pagitan ng mga pangkusinang-hardin, na inaalisan ng kanilang mga dahon ng malakas na hangin, at Siya ay pumasok kasama si Pedro at ang dalawang anak ni Alfeo at si Juan.

Ang iba ay kumalat sa pagitan ng ibang mga bahay... upang bumalik pagkaraan ng mga ilang sandali upang magsiksikan sa maliit na bahay, sa pangkusinang-hardin, sa terasa sa bubong, at umakyat pa nga sila sa tuyong-batong pader na naghihiwalay sa isang tabi ng pangkusinang-hardin mula sa daan, sa isang malaking puno ng walnut at sa isang malakas na puno ng mansanas, binabale-wala ang hangin na palakas pa nang palakas, nagtataas ng mga ulap ng alikabok. Ibig nilang mapakinggan si Jesus. At si Jesus ay nagdadalawang-isip nang sandali, pagkatapos nagsimula Siyang magsalita tumatayo sa pamasukan ng pangkusinang-hardin upang ang Kanyang tinig ay kumalat sa loob at sa labas ng bahay.

«Ang isang malakas na hari, na ang kaninong kaharian ay napakalaki, ay ginusto isang araw ng bisitahin ang kanyang mga nasasakupan. Siya ay nakatira sa isang dakilang palasyo mula kung saan, sa pamamagitan ng mga katulong at mga mensahero, pinadadala niya ang kanyang mga utos at mga pabor sa kanyang mga nasasakupan, na sa gayon nalalaman ang kanyang presensya, ang kanyang pagmamahal para sa kanila, ang kanyang mga intensiyon, ngunit hindi nila siya nakikilala nang personal, ni hindi nila kilala ang kanyang tinig at wika. Nalaman nila nang kaunti na siya ay naroroon at siya ay kanilang Panginoon, ngunit wala nang iba pa. At, katulad ng kadalasan, dahil sa gayong sitwasyon, ang marami sa kanyang mga batas at mga pagkukusang tulong ay nababaluktot, sa pamamagitan ng kasamaan o kabiguan na maintindihan ang mga ito, upang ang mga interes ng mga nasasakupan at ang mga mithiin ng hari, na gusto silang maging masaya, ay nakararanas ng kasiraan. Siya kung minsan ay napipilitan na parusahan sila at siya ay naghihirap dahil dito nang higit pa sa kanila. At ang mga kaparusahan ay hindi nagdala ng mga kaunlaran. Sinabi niya pagkatapos: “Pupunta ako. Magsasalita ako sa kanila nang diretso. Gagawin ko ang aking sarili na makilala. Mamahalin nila ako, mas susundin nila ako nang masigasig at sila ay magiging masaya”. At siya ay umalis mula sa kanyang dakilang tirahan upang pumunta sa pagitan ng kanyang sambayanan.

Ang kanyang pagdating ay nakagawa ng malaking sorpresa. Ang mga tao ay naantig at nabalisa, ang ilan sa tuwa, ang ilan sa takot, ang ilan sa galit, ang ilan sa pagdududa, ang ilan sa poot. Ang hari nang wala kailanman ng pagkapagod, ay nagsimulang lapitan nang matiyaga ang mga nagmahal sa kanya pati na rin ang mga natakot sa kanya o napoot sa kanya. Pinaliwanag niya ang kanyang batas, nakinig siya sa kanyang mga nasasakupan, tinulungan niya sila at nakibagay sa kanila. At marami ang sa katapusan minahal siya, hindi na siya iniiwasan sapagkat napakadakila niya: ang ilan, kakaunti lamang, ay tumigil sa pagduda at pagkapoot. Sila ang pinaka mabubuti. Ngunit marami ang nanatili kung ano sila dati dahil wala silang mabuting kalooban. Ngunit sa dahilan na ang hari ay napakamarunong tiniis din niya iyon, naninilungan sa damdamin ng mas mabubuti bilang isang gantimpala para sa kanyang pagod.

Ngunit ano ang nangyari? Nangyari na hindi lahat sa mas mabubuti ang nakaintindi sa kanya. Siya ay nanggaling mula sa napakalayo! Ang kanyang wika ay bagung-bago! Ang kanyang kalooban ay ibang-iba sa kalooban ng kanyang mga nasasakupan! At siya ay hindi naintindihan ng lahat... Hindi lamang, bagkus ang iba ay pinalungkot siya, at ginawan siya ng kapighatian at kasiraan, o nagsapalaran na gawin ito, dahil napagkamalan nila siya. At nang kanilang nakita na napalungkot at nasaktan nila siya, sila ay nabahala at umalis sa presensya niya at hindi na sila kailanman bumalik sa kanya, dahil natatakot sila sa kanyang salita.

Ngunit  ang hari ay nababasa ang kanilang mga puso at araw-araw mapagmahal niyang tinatawag sila, nananalangin siya sa eternal na Diyos na pagkalooban siya na makita niya silang muli upang sana masabi niya sa kanila: “Bakit kayo natatakot sa akin? Totoo. Ang hindi ninyo  pagkaintindi ay napalungkot ako, ngunit nakita ko na diyan ay walang malisya, ito ay dahil lamang sa inyong pagka-walang kakayahan na maintindihan ang aking wika na masyadong naiiba kaysa sa inyo. Kung ano ang nagpapalungkot sa akin ay ang inyong pagkatakot sa akin. Na ang ibig sabihin ako ay hindi lamang ninyo naintindihan bilang inyong hari, bagkus bilang din inyong kaibigan. Bakit hindi kayo pumupunta? Pumunta kayo. Kung ano ang hindi ninyo naintindihan sa pamamagitan ng lugod ng pagmamahal sa akin ay naging malinaw sa inyo sa pamamagitan ng inyong kapighatian para sa pagpapalungkot sa akin. O! halikayo, pumunta, aking mga kaibigan. Huwag dagdagan ang inyong kamangmangan sa pananatiling malayo sa akin, ang inyong kadiliman sa pagtago ng inyong mga sarili, ang inyong kapaitan sa pagkait sa inyong sarili ng aking pagmamahal. Kita ninyo? Kapwa kayo at ako ay naghihirap sa pagiging magkahiwalay. At ako higit pa sa inyo. Kung kaya't pumunta kayo at bigyan ako ng lugod”.

Iyan ang ibig ng hari na sabihin. At iyan ang kanyang sinabi. Ang Diyos ay ganyan din magsalita sa mga nagkakasala. At ang Tagapagligtas ay nagsasalita nang ganyan sa mga baka nakagawa ng isang pagkakamali. At ang Hari ng Israel ay ganyan nagsasalita sa Kanyang mga nasasakupan. Ang totoong Hari ng Israel, Siya Na mula sa maliit na kaharian ng Lupa ay ibig na dalhin ang Kanyang mga nasasakupan sa dakilang Kaharian ng Langit. Ang mga hindi sumusunod sa Hari, ang mga ayaw na matutong maintindihan ang Kanyang mga salita at ang Kanyang isip ay hindi makakapasok sa Kanyang Kaharian. Ngunit papaano kayo matututo kung iniiwasan ninyo ang Guro sa unang pagkakamali?

Gawing walang tao ang mawalan ng pag-asa kung siya ay nagkasala at nagsisi, kung siya ay nagkamali at tinatanggap ang kanyang pagkakamali. Gawin siyang makapunta sa Pontanya na nag-aalis ng mga pagkakamali at nagkakaloob ng liwanag at karunungan, na umaapoy sa mithiin na mapatid ang kanyang pagkauhaw at siyang nanggaling sa Langit upang ibigay ang sarili sa mga tao.

Si Jesus ay tahimik. Tanging ang hangin lamang ang mapapakinggang umaatungal nang palakas na nang palakas. Sa tuktok ng maliit na bundok kung nasaan ang Nob, ito ay nananalanta nang galit-na-galit upang ang mga punungkahoy ay lumalangitngit nang nakakatakot.

Ang mga tao ay napipilitan na bumalik sa kanilang mga bahay. Ngunit nang sila ay naghiwa-hiwalay at si Jesus ay nakapasok sa bahay isinasara ang pinto, si Matthias, sinusundan nina Manaen at Timoneus, ay lumabas mula sa likuran ng maliit na pader at pumunta sa pangkusinang-hardin at kumatok sa pinto.

Si Jesus Mismo ang pumunta upang buksan ito. «Guro, naririto sila!...» sabi ni Matthias tinuturo ang dalawa na nakararamdam ng kahihiyan, ay nanatili sa gilid ng pangkusinang-hardin at hindi naglalakas-loob na itaas ang kanilang mga mukha upang tingnan si Jesus.

«Manaen! Timoneus! Aking mga kaibigan!» bulalas ni Jesus lumalabas patungo sa pangkusinang-hardin at isinasara ang pinto upang magawa ang mga nasa loob na maintindihan  na sila ay hindi kailangan na pumunta, dala ng pag-usyoso. At Siya ay pumunta sa dalawang lalaki, ang Kanyang mga kamay nakabukas nakahandang yakapin sila.

Ang dalawa ay tumingala, naantig ng pagmamahal na pumipintig sa tinig ng Guro, nakita nila ang Kanyang mukha at mga mata na puno ng pagmamahal, at ang kanilang takot ay naglaho, sila ay nagmadaling lumapit nang may isang sigaw na nagawang paos ng kanilang mga luha: «Guro!» at sila ay bumagsak sa Kanyang paanan niyayakap ang Kanyang mga bukungbukong, hinahalikan ang Kanyang walang-saplot na mga paa at binabasâ ito ng kanilang mga luha.

«Aking mga kaibigan! Hindi diyan. Dito sa Aking puso. Naghintay Ako sa inyo nang matagal! At naintindihan Ko nang labis! Halikayo!...» at nagsisikap Siyang buhatin sila.

«Patawarin kami! O! patawarin kami!...  Huwag sabihing hindi, Guro. Naghirap kami nang labis!»

«Alam Ko. Ngunit kung kayo ay pumunta nang mas maaga, nasabi Ko sana sa inyo nang mas maaga: “Minamahal Ko kayo”.»

«Minamahal Ninyo kami? Guro?! Katulad nang dati?!» Si Timoneus ang unang nagtanong tumitingaláng may pag-uusisa.

«Mas mahigit pa kaysa dati, sapagkat ngayon kayo ay napagaling sa lahat ng pagiging-tao sa inyong pagmamahal para sa Akin.»

«Iyan ay totoo! O! aking Guro!» at si Manaen ay napa-igkas na tumayo dahil hindi na niya ito mapigilan. Itinapon niya ang kanyang sarili sa dibdib ni Jesus at si Timoneus ay ginaya siya...

«Kita ninyo kung gaano kakumportable ito rito? Hindi ba’t mas mabuti rito kaysa sa isang kaawa-awang palasyo? Saan ninyo Ako maari nang mas mahigit, at mas makapangyarihan, mabait, sagana sa kayamanan nang walang katapusan, kaysa sa Ako ay pag-aari ninyo bilang inyong Tagapagligtas, Tagapagtubos, espirituwal na Hari at nagmamahal na Kaibigan?»

«Iyan ay totoo! Totoong-totoo! O! Natukso nila kami! At akala namin pinararangalan namin Kayo at na ang kanilang idea ay isang ideang makatarungan!»

«Huwag na iyang isipin. Iyan ay nakaraan na. Pag-aari na iyan ng nakaraan. Gawin ang panahon, na dumaraan nang mabilis katulad ng buhawi na ito ngayon na nananalanta sa atin, na dalhin iyan sa malayo at ikalat magpakailanpaman... Ngunit tayo ay pumasok. Hindi posible na manatili rito.

Sa katunayan isang tunay na bagyo ang rumaragasang pababa sa nayon mula sa hilaga. Ang mga sanga ay bumabagsak sa lupa, ang mga tisa ay lumilipad, ang mabababang pader bumabagsak mula sa mga terasa nang may ingay. Ang mga puno ng walnut at mansanas ay pumipilipit sa paligid na tila ibig nilang mabunot sa lupa.

Sila ay pumasok sa bahay at ang apat na mga apostol ay nagtataka tinitingnan ang mga mukha ng mga disipulo na basa pa ng mga luha sa kaibhan sa mga ngiting nasa kanilang mga labì. Ngunit wala silang sinasabi na kahit ano.

«Kinakabahan ako na magkakaroon ng isang sakuna» sabi ng matandang Juan.

«Oo, hindi ko alam kung ano ang gagawin ng mga nakatira sa mga kubo na iyon...» sabi ni Pedro.

Ang hangin ay napakalakas na ang tatlong apoy ng isang lampara, sinindihan upang magbigay liwanag sa saradong silid, ay kumukurap bagama't ang mga pinto ay nakasara.

Ang ingay ng hangin, na palakas na nang palakas at humahampas sa bahay ng alikabok at mga buhangin ng eskombro, na ang tunog ay nakakatulad ang maliliit na ulang-yelo, ay humahalo sa mga sigaw ng mga babae, na maririnig nang papalapit nang papalapit. Sila ay mga natatakot na mga maybahay at nagdadalamhating mga ina: «Ang aming mga asawa! Ang aming mga anak! Sila ay nasa kanilang daan. Natatakot kami. Ang pader ng isang walang-nakatirang bahay ay bumagsak... Panginoon! Jesus! Maawa!»

Si Jesus ay tumayo, binuksan Niya nang may kaunting kahirapan ang pinto, laban kung saan ang hangin ay umiihip kasama ang lahat ng karahasan nito. Ang ilang mga babae, nakayuko upang malabanan ang hangin – isang tunay na buhawi sa ilalim ng nakakatakot na kalangitan – ay umuungol na ang kanilang mga kamay nakaunat nang papalayo.

«Pasok kayo. Huwag matakot!» sabi ni Jesus. At tinitingnan Niya ang kalangitan at ang mga punungkahoy na nasa punto na na bumagsak.

«Pasok ulit, Jesus! Hindi ba Ninyo nakikita kung papaano humihiwalay ang mga sanga at bumabagsak ang mga tisa ng bubong? Hindi mabuti ang manatili sa labas» sigaw ni Judas ni Alfeo.

«Kaawa-awang mga punong-olibo! Ang mga ito ay ulang-yelo. Saan man ito bumagsak, katapusan na ng ani» wika ni Pedro.

Si Jesus ay hindi bumabalik sa loob. Sa kabaligtaran, Siya ay pumupunta sa labas kung saan ang hangin ay pinipilipit ang Kanyang mga damit at kinukusot ang Kanyang buhok. Inuunat Niya ang Kanyang mga kamay, nananalangin at pagkatapos nag-utos: «Tama na iyan! Gusto Ko ito!» at bumalik Siya sa loob ng bahay.

Ang hangin ay umatungal para sa huling beses pagkatapos biglang nawala. Ang katahimikan pagkatapos ng labis na ingay ay nakakagulat. Ito ay gayon na ang nagtatakang mga mukha ay dumudungaw mula sa mga bahay. Ang mga tanda ng bahawi ay naroroon: mga dahon, putol na mga sanga, pira-pirasong mga kurtina. Ngunit ang lahat ay tahimik. Ang kisame ng langit ay tumutugon sa Lupa, na hindi na balisa, sa pagpapaalis sa mga ulap, na mula sa pagiging madilim ay naging maliwanag at kumakalat nang hindi gumagawa ng kahit na anong kapinsalaan, nagbubuhos ng ambon na nag-aalis ng labis na alikabok sa ere.

«Anong nangyari?»

«Papaano iyon tumigil nang gayon?»

«Iyon ay parang katapusan na ng mundo at ngayon lumiliwanag na? Ang mga tinig ay nagtatanong mula sa mga bahay-bahay.

Ang mga babae na nagmadali patungo kay Jesus kanina, ay lumabas nang nagmamadali. «Ang Panginoon! Ang Panginoon ay kasama natin! Ginawa Niya ang himala! Pinatigil Niya ang hangin! Napaalis Niya ang mga ulap! Hosana! Hosana! Papuri sa Anak ni David. Kapayapaan! Mga pagpapalà! Ang Kristo ay kasama natin! Ang Pinagpalang Isa ay kasama natin! Ang Banal na isa! Ang Banal na Isa! Ang Banal na Isa! Ang Mesiyas ay kasama natin! aleluya!»

Ang nayon ay ibinuhos ang lahat na mga mamamayan nito at ang paminsan-minsan na mga bisita, ibig sabihin, ang mga apostol at mga disipulo, na mga nagmadali patungo sa maliit na bahay kung saan si Jesus tumitigil. Ang lahat ay ibig na halikan, hipuin at papurihan Siya.

«Purihin ang Kataastaasang Panginoon. Siya ay ang Guro ng mga hangin at mga tubig. Kung Siya ay nakikinig sa Kanyang Anak, ginawa Niya ito upang gantimpalaan ang pananampalataya at pagmamahal na mayroon kayo sa Kanya.»

At ibig Niyang paalisin na sila. Ngunit sino ba ang makapagpapakalma sa isang nayon na nahihibang sa lugod at balisa dahil sa kitang-kitang himala? Lalong lalo na kung ang nayon ay puno ng mga babae? Ang pagsisikap ni Jesus ay walang magawa. Siya ay ngumingiti nang mapasensya habang ang matandang lalaki na nagbigay sa Kanya ng pag-aruga ay hinuhugasan ang Kanyang kaliwang kamay sa pamamagitan ng mga luha at hinahalikan ito.

Naririto ang unang mga kalalakihan na bumalik mula sa Herusalem: sila ay humihingal at natatakot. Natatakot sila ng kung anong kamalasan na hindi ko alam. Nakita nila ang mga tao na nagbubunyi. «Ano ang nangyayari? Ano ang nangyari? Ngunit hindi ba kayo nagkaroon ng bagyo rito? Mula sa bundok nakita namin ang bayan na nawala sa ilalim ng mga ulap ng alikabok. Akala namin ito ay gumuho. Sa halip ang lahat ay nasa ayos dito!»

«Ang Panginoon! Ang Panginoon! Dumating Siya nang nasa oras upang iligtas kami sa pagkasira. Tanging ang isinumpang bahay lamang ang gumuho, ilang mga tisa at ilang ma sanga. At papaano kayo? Ano ang nangyari sa Herusalem?»

Mga tanong at mga tugon ang pinagpapalitan. Ngunit ang mga lalaki ay ipinilit ang kanilang daan nang paniniko patungo sa Tagapagligtas upang ipagbunyi Siya. Tanging pagkaraan lamang pinaliwanag nila na ang lahat sa bayan ay natatakot dahil sa parating na bagyo at ang mga tao ay umalis sa mga kubo patungo sa mga bahay at ang mga may-ari ng mga taniman ng mga punong-olibo ay nagdadalamhati na sa pagkawala ng ani... nang ang hangin ay bigla na lamang nawala, ang kalangitan ay lumiwanag... nang may kaunting ulan... at ang buong bayan ay namangha. At dahil sa ang mga imahinasyon ay kaagad nagiging buháy sa ilang mga kaso, kinukuwento ng mga lalaki na habang ang mga tao ay tumatakbo, ang marami na naroon sa Templo nang nakaraang mga araw, nakikita na ang burol ng Moriah ay ang pinaka tinamaan ng lubos ng mga bugso ng hangin, upang ang mga upuan ng mga nagpapalit ng pera ay bumabaligtad at ang bahay ng Pontipise ay nagkaroon ng kasiraan, ay nagsabi na iyon ay isang kaparusahan mula sa Diyos para sa mga insulto sa Kanyang Mesiyas. At patuloy pa... Habang mas maraming tao ang dumarating, mas lalong nagkakaroon ng gayak ang kuwento. Ito ay halos nagiging mas tungkol sa apokalipsis kaysa sa pagkukuwento tungkol sa Biyernes Santo.

200811

 

 


Sunod na kabanata