489. Sa Huling Araw ng Kapistahan ng mga Tabernakulo. Ang Buháy na Tubig.

Setyembre 13, 1946.

Ang Templo ay totoong nagsisiksikan sa tao. Ngunit wala ritong maraming mga babae at mga bata. Ang mapilit na mahanging panahon na may malalaki bagama't maiikling bagsak ng ulan ay maaaring napigilan ang mga babae na lumabas kasama ang mga bata. Ngunit ang nga kalalakihan sa buong Palestina at ang mga proselito mula sa Diaspora ay talagang nagsisiksikan sa Templo para sa huling mga panalangin at mga pag-aalay at upang makinig sa huling mga leksiyon ng mga eskriba.

Ang mga Galilean na mga tagasunod ni Jesus ay naroroon pa rin, na ang pinaka importanteng mga hepe nasa unahan na hanay, at si Jose ni Alfeo, alam-na-alam ang kanyang pusisyon bilang isang kamag-anak, ay nasa gitna ng grupo kasama ang kanyang kapatid na si Simon. Ang isa pang makapal na grupo na naghihintay ay ang grupo ng pitumpu’t dalawang mga disipulo, ang ibig kong sabihin ang mga disipulong pinili ni Jesus na mag-ebanghelyo, isang grupo na nagbago sa bilang at sa mga mukha, sapagkat ang ilan sa mga dating disipulo ay wala na rito, pagkatapos ng pagtalikod pagkatapos ng sermon tungkol sa Tinapay ng Langit, habang ang mga bago, katulad ni Nicolas ng Antioch ay sumali. Ang ikatlong grupo na siksik at marami rin ay ang grupo ng mga Judaean, kasama rito nakikita ko ang mga arsosinagoga ng Emmaus, ng Hebron at ng Kerioth; mula sa Jutah ay naroroon ang asawa ni Sarah at mula sa Bethzur ang mga kamag-anak ni Eliza.

Sila ay malapit sa Beautiful Gate at sila ay talagang maliwanag na ibig na palibutan ang Guro kaagad kapag Siya ay lumitaw. Sa katunayan si Jesus ay hindi makagawa ng isang hakbang sa loob ng pader nang hindi sinisiksik ng tatlong grupo na ito na halos maihiwalay Siya mula sa may masasamang-kaisipan na mga tao at kahit na mula sa mga taong simpleng mausisa lamang.

Si Jesus ay ibinaling ang Kanyang mga hakbang patungo sa Court of Israel upang magdasal doon, at ang iba ay sinundan Siya nang nagsisiksikan, hanggang sa magagawa nila ang pagsisiksikan na ito, nagbibingi-bingihan sa reklamo ng mga tumabi upang maparaan ang malaking bilang ng mga tao sa paligid ni Jesus. Siya ay nasa pagitan ng Kanyang mga kapatid. At ang mga sulyap ni Jose ni Alfeo, na tumitingin nang makahulugan sa ilang mga Pariseo, ay hindi kasing bait katulad ng tingin ni Jesus, ni ang kanyang tingin ay hindi napaka mapagpakumbaba...

Sila ay nagdasal pagkatapos bumalik sa Court of the Gentiles. Si Jesus ay naupo nang mapagpakumbaba sa sahig na ang Kanyang likod nasa pader ng balkonahe at may isang kalahating pabilog na hanay, pakapal-nang-pakapal, papalayo mula sa likuran ng mga hanay na mas malapit sa Kanya, nakaupo o nagsisiksikan nang nakatayo: isang multitud ng mga mukha at mga sulyap na nagtatagpo sa isang Mukha lamang. Ang nag-uusyoso at may masasamang-isip na mga tao at ang mga nanggaling mula sa malalayo at nakikilala ang Guro, ay nasa labas ng hanay ng mga naniniwala at nagsisikap silang makakita pinahahaba ang kanilang mga leeg, mga nakapatiyad. 

Si Jesus sa pansamantala ay nakikinig sa isang ito o sa isang iyon humihingi sa Kanya ng isang payo o nagbibigay ng impormasyon. Ang mga kamag-anak ni Eliza ay nagsasalita tungkol sa kanya, nagtatanong kung siya ay maaaring pumunta upang maglingkod sa Guro. At Siya ay tumugon: «Ako ay hindi mananatili dito. Siya ay makakapunta pagkatapos.» At ang kamag-anak ni Maria ni Simon, ang ina ni Judas ng Kerioth, ay nagsasabi na siya ay nananatili upang tingnan ang bukid, habang si Maria ay halos laging sinasamahan ang ina ni Johanna. Si Judas ay lumaki ang mata sa pagtataka, ngunit hindi nagsasalita. At ang asawa ni Sarah ay nagsasabi na malapit na uling magkaroon siya ng isa pang anak na lalaki at nagtatanong kung anong pangalan ang kanyang ibibigay dito. Si Jesus ay tumugon: «Juan, kung ito ay lalaki, Anna, kung babae.» At ang matandang arsosinagoga ng Emmaus ay bumubulong ng isang kaso ng konsiyensya at si Jesus ay tumutugon sa mababang tinig. At patuloy pa ang ganito.

Pansamantala ang pulutong ay lumalaki-nang-lumalaki. Si Jesus ay itinaas ang Kanyang ulo at tumingin-tingin sa paligid. Sa dahilan na ang balkonahe ay mga ilang hakbang ang taas sa sahig ng korte, bagama't Siya ay nakaupo, nakikita Niya ang malaki-laking bahagi ng korte, sa tabing iyon at kung gayon nakakakita ng maraming mga mukha.

Siya ay tumayo at sa malakas na tinig, sa tuktok ng Kanyang magandang pagkatunong malakas na tinig, sinabi Niya: «Gawin ang mga nauuhaw na makalapit sa Akin at uminom! Ang mga ilog ng buháy na tubig ay bubukal mula sa mga sinapupunan ng mga naniniwala sa Akin.»

Ang Kanyang tinig ay pinupuno ang malapad na korte, ang marilag na mga arkada, ito ay tiyak na napapakinggan sa mga arkada sa kabila ng tabing ito at kumakalat sa kung saan pa, napangingibabawan nito ang bawat iba pang tinig, katulad ng isang may-armoniya na kulog na puno ng mga pangako. Siya ay nagsalita pagkatapos nanahimik nang isang sandali, na tila ibig Niyang maliwanagan ang tampok ng Kanyang talumpati at pagkatapos mabigyan ng panahon ang mga di interesadong makinig sa Kanya, na makaalis nang hindi makakagambala pagkatapos. Ang mga eskriba at mga doktor ay naging tahimik, ibig sabihin, ibinaba nila ang kanilang mga tinig hanggang sa isang bulong, na tiyak na mapaghangad ng masama- sa-kapwa na bulong. Hindi ko nakikita si Gamaliel.

Si Jesus ay umabante sa harapan, patungo sa kalahating-pabilog na nagbubukas ng hanay habang Siya ay lumalapit, at magsasara sa likuran Niya nagiging isang pabilog mula sa pagiging kalahating pabilog. Siya ay naglalakad nang dahan-dahan, mahestuwoso. Siya ay tila lumulutang sa ibabaw ng maraming-kulay na mga marmol ng sahig, na ang Kanyang manta medyo nakalawit napoporma ang isang klase ng hila-hilang tren sa likuran Niya. pumupunta Siya sa sulok ng balkonahe, sa tuntungan mula kung saan matatanaw mo ang korte, at Siya ay tumigil doon. Nakikita Niya kung gayon ang dalawang bahagi ng unang bakuran. Itinataas Niya ang Kanyang kanang kamay sa isang pagpapakita ng kinaugalian na Niya kapag Siya ay magsisimulang magsalita, habang ang Kanyang kaliwang kamay ay hawak ang Kanyang manta sa dibdib.

Inuulit Niya ang Kanyang unang mga salita:

«Gawin ang mga nauuhaw na makalapit sa Akin at uminom! Mga ilog ng buháy na tubig ay bubukal mula sa mga sinapupunan ng mga naniniwala sa Akin!

Siya na nakita sa pagpapakita ng Panginoon, ang dakilang si Ezekiel, isang pari at propeta, pagkatapos na makita niya nang may pagkapropeta ang maruming mga kilos sa nilapastangan bahay ng Panginoon, at pagkatapos na makita niya, nang may pagkapropeta muli, na tanging ang may mga tanda lamang ng Tau ang mamumuhay sa totoong Herusalem, habang ang mga ibang tao ay makakakita ng mas higit pa sa minsan na pagkalipol, mahigit pa sa minsan na panunumpa, mahigit pa sa minsan na kaparusahan – at ang panahon ay malapit na, o kayong mga nakikinig sa Akin, ito ay malapit na, mas malapit pa kaysa sa inaakala ninyo, upang Ako, bilang Guro at Tagapagligtas, ay hinihimok kayo na huwag nang mag-antala pa na markahan ang inyong mga sarili ng Tanda na magliligtas, huwag nang mag-antala pa na ilagay ang Liwanag at Karunungan sa inyong mga sarili, huwag nang mag-antala pa na magsisi at tumangis, para sa inyong kapakanan at sa kapakanan ng ibang mga tao, upang sana mailigtas ninyo ang inyong mga sarili – si Ezekiel, pagkatapos na makita ang lahat na iyan at mas higit, ay nagsalita ng tungkol sa nakakatakot na bisyon. Ang bisyon ng tungkol sa tuyong mga buto.

Ang araw ay darating kung kailan sa isang patay na mundo, sa ilalim ng madilim na kisame ng langit, mga buto at mga buto pa ng patay ng mga tao ay lalabas sa tunog ng trumpeta ng mga anghel. Katulad ng isang sinapupunan na nagbubukas upang makapanganak, ang Lupa ay itutulak nitong paibabaw mula sa mga bituka nito ang bawat buto ng tao na namatay dito at naibaon sa putik nito, mula kay Adan hanggang sa huling tao. At pagkatapos ito ay magiging ang resureksiyon ng patay para sa dakilang kataastaasang paghuhukom na pagkatapos nito, katulad ng isang mansanas ng Sodom, ang mundo ay magiging walang-laman, nagiging isang wala at ang kisame ng langit kasama ang mga bituin nito ay magtatapos. Ang lahat ay magtatapos, maliban sa dalawang bagay na siyang eternal, magkalayo, nasa kadulu-duluhan ng dalawang walang-pagkasukat na mga kalaliman, nasa ganap na pagkakabaligtaran tungkol sa porma, aspekto at paraan kung saan ang kapangyarihan ng Diyos ay magpapatuloy magpasawalanghanggan sa kanila: ang Paraiso: liwanag, lugod, kapayapaan, pagmamahal; ang Impiyerno: kadiliman, kapighatian, takot, poot.

Ngunit sa palagay ba ninyo ang malawak na bukid ng Lupa ay hindi natatakpan ng walang-búhay, tuyung-tuyo, walang-galaw, nakahiwalay na patay na mga buto, sa simpleng dahilan lamang na ang mundo ay hindi pa patay at ang mga trumpeta ng mga anghel ay hindi pa hinihipan upang ipunin ang patay? Sasabihin Ko sa inyong totoo na ito ay ganito na. Sa pagitan ng mga buháy, dahil sila ay humihinga pa, ay may di-mabilang na mga tao na mga katulad ng mga labí: katulad ng mga tuyong buto na nakita ni Ezekiel. Sino sila? Ang hindi nagtataglay ng búhay ng espiritu.

Ang ganitong mga tao ay nasa Israel, at sa buong mundo. At natural na sa pagitan ng mga Hentil at ng mga idolatra ay nariyan bagkus ang patay na mga tao naghihintay upang mapasigla ng Buhay, at napamimighati lamang nito ang mga nagtataglay ng totoong karunungan, sapagkat nagagawa sila nito na maintindihan na ang Eternal na Ama ay naglikha para sa Kanyang Sarili ng mga tao at hindi para sa idolatriya at namimighati Siyang nakikita ang napakarami na patay. Ngunit kung ang Kataastaasan ay may ganyang kapighatian, at ito ay totoong ngang malaki, ano ang magiging katulad ng Kanyang kapighatian para sa Kanyang Sambayanan na maputi, walang-buhay, walang-espiritung mga buto?

Bakit kailangan na ang mga pinili, minahal, pinoprotektahan, pinakakain, tinuturuan Niya Mismo o ng Kanyang mga lingkod at mga propeta ay maging dapat-sisihin na mga tuyong buto, dahil lagi Siyang nagpapaambon ng isang pinong daloy ng mahalagang tubig mula sa Langit para sa kanila at mapainom sila ng tubig ng Buhay at Katotohanan? Bakit sila natuyo, kung titingnan na sila ay itinanim sa Lupa ng Panginoon? Bakit namatay ang kanilang mga espiritu kung ang  Eternal na Espiritu ay naglagay ng isang puno ng pangkatalinuhan na kayamanan sa abot-kamay nila, na sana sila ay makakuha mula rito at mabuhay? Sino, at sa pamamagitan ng kaninong kababalaghan, sila makakabalik sa Buhay, kung iniwan nila ang mga bukal, ang mga pastulan, ang mga liwanag na pinagkaloob ng Diyos at nangangapa sa kadiliman, umiinom sa di-purong mga mapagkukunan at nanginginain ng di-banal na pagkain?

Kung gayon sila ba ay hindi na mabubuhay ulit? Oo, mabubuhay sila. Isinusumpa Ko ito sa ngalan ng Kataastaasan. Marami ang babangon. Naihanda na ng Diyos ang himala, hindi lamang, bagkus, ito ay aktibo na, naisagawa na ito sa ilan, at ang tuyong mga buto ay nabihisan na ulit ng buhay sapagkat ang Kataastaasan, na hindi nagbawal ng kahit ano, ay tinupad at tinutupad ang Kanyang pangako at mas lalo pa itong kinukumpleto. Mula sa taas ng Langit sumisigaw Siya sa mga buto na naghihintay ng Buhay: “Ngayon, ilalagay Ko ang espiritu sa inyo at kayo ay mabubuhay”. At kinuha Niya ang Kanyang Espiritu, kinuha Niya ang Kanyang Sarili, at pinorma Niya ang laman upang damtan ang Kanyang Salita, at pinadala Niya Siya sa mga taong patay na ito, upang sa pagsasalita sa kanila, ang Buhay ay sana mailagay sa kanila muli.

Ilang beses sumigaw ang Israel sa buong mga panahon: “Ang aming mga buto ay tuyo, ang aming pag-asa patay, kami ay nakahiwalay!” Ngunit ang bawat pangako ay sagrado, ang bawat hula ay totoo. Ngayon, ang panahon ay dumating kung kailan ang Mensahero ng Diyos ay bubuksan ang mga libingan upang ilabas ang patay at pasiglahin sila at dalhin sila sa totoong Israel, sa Kaharian ng Panginoon, sa Kaharian ng inyong Ama at Akin.

Ako ay Resureksiyon at Buhay! Ako ang Buhay na dumating upang paliwanagan ang mga nakahimlay sa kadiliman! Ako ang Pontanya na bumubukal ng eternal na Buhay.

Ang mga pupunta sa Akin ay hindi makaaalam ng Kamatayan. Gawin ang mga nauuhaw sa Buhay na pumunta sa Akin at uminom. Gawin ang ibig na magkaroon ng Buhay, ibig sabihin, ng Diyos, na maniwala sa Akin at mga ilog ng buháy na tubig, hindi mga patak, ang dadaloy mula sa kanilang mga sinapupunan. Sapagkat ang mga naniniwala sa Akin ay popormahin nang kasama Ko ang bagong Templo mula kung saan ang nakapagpapalusog na tubig, na siyang sinasabi ni Ezekiel, ay dadaloy.

Lumapit sa Akin, mga tao! Halikayo sa Akin, mga nilikha! Halikayo at pormahin ang isang Templo lamang, sapagkat wala Akong tinatanggihan na sinuman, bagkus dala ng pagmamahal, gusto Kong makasama kayo, sa Aking gawain, sa Aking mga merito, sa Aking kaluwalhatian.

“At nakita ko ang mga tubig na dumadaloy mula sa ilalim ng pintuan ng bahay nang pasilangan... At ang mga tubig ay dumadaloy mula sa ilalim ng kanang tabi, sa timog ng altar”.

Ang mga naniniwala sa Mesiyas ng Panginoon, sa Kristo, sa Bagong Batas, sa Doktrina ng panahon ng Kaligtasan at Kapayapaan, ay ang Templong iyan. Katulad na ang mga pader ng Templong ito ay itinayo sa pamamagitan ng mga bato, ang mistikal na mga pader at napoporma sa pamamagitan ng mga buháy na espiritu at ito ay mabubuhay magpakailanpaman at tataas mula sa Lupa patungo sa Langit, katulad ng Tagapagtayo nito, pagkatapos ng pakikibaka at pagsubok.

Ang altar na iyon kung saan ang tubig ay bumubukal, ang altar na nakaharap sa silangan ay Ako. Ang Aking mga tubig ay bumubukal mula sa kanang tabi, sapagkat ang tabing iyan ay ang lugar para sa mga pinili sa Kaharian ng Diyos. Sila ay bumubukal mula sa Akin upang dumaloy sa Aking mga pinili, upang mapagyaman sila sa mahahalagang tubig, na sana mahawakan nila ang mga ito at maikalat sa hilaga, sa timog sa silangan at sa kanluran, upang makapagbigay Buhay sa Lupa sa mga tao nito na mga naghihintay para sa oras ng Liwanag, ang oras na darating, ay tiyak na darating para sa bawat lugar bago ang Lupa ay tumigil sa pagiging lupa.

Ang Aking mga tubig ay bumubukal at kumakalat kahalo ang mga tubig na personal Kong binigay at ibibigay sa Aking mga tagasunod, at bagama't sila ay ikinakalat upang mapabuti ang Lupa, sila ay magkakaisa sa isang ilog lamang ng Grasya, na palalim-nang-palalim, palapad-nang-palapad, lumalago araw-araw, sa bawat hakbang, kasama ang mga tubig ng mga bagong tagasunod, hanggang sa ito ay maging katulad ng dagat na maghuhugas sa bawat lugar upang mapabanal ang buong Lupa.

Ang Diyos ay gusto iyan at ginagawa iyan. Ang isang baha ay hinugasan ang mundo pinapatay ang mga makasalanan. Ang isang bagong baha, ng ibang likido mula sa ulan, ay huhugasan ang mundo nagbibigay Buhay. At sa pamamagitan ng isang mahiwagang pagkilos ng grasya, ang mga tao ay makakabahagi sa nagpapabanal na bahang iyan, sa pamamagitan ng pagsama ng kanilang mga kalooban sa Aking kalooban, ang kanilang pagod sa Aking pagod, ang kanilang mga paghihirap sa Aking paghihirap. At ang mundo ay malalaman ang Katotohanan at ang Buhay. At ang mga gustong sumali dito, ay magagawa ito. At tanging ang mga ayaw na mapalakas ng mga tubig ng Buhay ang magiging isang lugar ng latian na nagdadala ng sakit, o mananatiling ganyan, at hindi malalaman ang mayaman na ani ng mga bunga ng grasya, karunungan, kalusugan, na siyang malalaman ng mga nabubuhay sa Akin.

Sasabihin Ko sa inyong muli na ang mga nauuhaw at pupunta sa Akin, ay iinom at hindi na muli mauuhaw pa, sapagkat ang Aking grasya ay bubuksan nito ang mga bukal at mga ilog ng buháy na tubig sa kanila. At ang mga hindi naniniwala sa Akin ay maglalaho katulad ng isang maalat kung saan ang buhay ay hindi maaaring mabuhay.

Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang Pontanya ay hindi titigil pagkaraan Ko, sapagkat Ako ay hindi mamamatay, bagkus Ako ay mabubuhay, at pagkatapos na Ako ay makaalis, nakaalis ngunit hindi patay, upang buksan ang mga Pintuan ng Langit, ang Isa pa ay darating, Na siyang katulad Ko, at kukumpletuhin ang Aking gawain ginagawa kayong maintindihan ninyo kung ano ang Aking sinabi sa inyo at pinaaapoy kayo upang gawin kayong mga “liwanag”, sapagkat tinanggap ninyo ang Liwanag.»

Si Jesus ay tahimik. Ang pulutong, magpahanggang ngayon tahimik, natitigilan gawa ng talumpati, ay ngayon bumubulong gumagawa ng magkakaibang opinyon.

Ang ilan ay nagsasabi: «Anong mga salita! Siya ay isang tunay na propeta!»

Ang ilang ay nagsasabi: «Siya ay ang Kristo. Sinasabi ko sa inyo. Ni si Juan ay hindi nagsalita nang ganyan. At walang propeta ang napakalakas.»

«At ginagawa Niya tayong maintindihan natin ang mga propeta, kahit na si Ezekiel, na ang kaninong mga simbolo ay napaka labo.»

«Napakinggan ba ninyo iyon? Ang mga tubig! Ang altar! Ito ay kitang-kita!»

«At ang tuyong mga buto?! Nakita ba ninyo kung papaano ang mga eskriba, ang mga Pariseo at ang mga pari naging balisa? Naintindihan nila ang salmo!»

«Siyempre! At pinadala nila ang mga guwardiya, na... nakalimot na hulihin Siya at nanatiling katulad ng mga bata kung kanino ang mga anghel ay nagpakita. Tingnan ninyo sila sa banda roon! Sila ay tila natutulala.»

«Tingnan! Tingnan! Ang isang opisyal ay tinatawag sila at kinagagalitan sila. Tayo na at pakinggan siya!»

Pansamantala si Jesus ay nagpapagaling ng ilang mga maysakit na dinala sa Kanya at hindi pinapansin ang kahit ano pa man hanggang sa Siya ay narating ng isang grupo ng mga pari at mga Pariseo, na naniniko na makaraan sa pulutong, pinangungunahan ng isang lalaki na mga tatlumpu o tatlumpu’t limang taong gulang, na takot-na-takot na iniiwasan ng lahat na sila ay tila naninigas.

«Naririto Ka pa ba? Lumayas Ka! Sa ngalan ng Mataas na Pari!»

Si Jesus ay itinuwid ang sarili – Siya ay nakayuko sa isang paralitiko – at tinitingnan sila nang kalmante at banayad. Pagkatapos yumuko Siya ulit upang patawan ng mga kamay ang imbalido.

«Lumayas Ka! Naintindihan Mo? Ikaw na manunulsol, ng mga pulutong. Kung hindi aarestuhin Ka namin.»

«Humayo ang purihin ang Panginoon namumuhay nang may-kabanalan» sabi ni Jesus sa imbalido na tumayong magaling na, at iyon lamang ang Kanyang tanging tugon, habang ang mga nananakot sa Kanya ay dumudura ng kamandag at ang mga pulutong ay binabalaan sila sa pamamagitan ng kanilang mga hosana na huwag saktan si Jesus.

Ngunit kung si Jesus ay mapagpakumbaba, si Jose ni Alfeo ay hindi at itinutuwid ang sarili at itinataas ang kanyang ulo upang magmukhang mas mataas, siya ay sumigaw: «Eleazar, sa dahilan na ikaw at ang katulad mo ay ibig na agawan ng setro ang piniling Anak ng Diyos at ni David, mas mabuting malaman mo na pinuputol mo ang bawat punungkahoy, nagsisimula sa iyong sarili, na lubos mong pinagmamalaki. Sapagkat ang iyong kasamaan ay inaalog nito ang espada ng Panginoon sa ibabaw ng iyong ulo!» at magpapatuloy siya sa pagsasalita, ngunit nilapatan siya ng kamay ni Jesus sa kanyang balikat nagsasabing: «Kapayapaan, kapayapaan, Aking kapatid!» at si Jose, namumula sa galit, ay naging tahimik.

Sila ay nagpatungo sa labasan. At nang sila ay nasa labas na ng bakuran si Jesus ay sinabihan na ang mga hepe ng mga pari at ang mga Pariseo ay nilapitan ang mga guwardiya para sa di pag-aresto sa Kanya at pinangatwiranan nila ang kanilang sarili sa pagsasabi na walang nakapagsalita ng  katulad ni Jesus at na ang mga hepe ng mga pari at ang mga Pariseo, na kasama rito ay maraming mga miyembro ng Sanhedrin, ay naging mabangis gawa ng kanilang tugon. Labis-labis, na upang mapatunayan sa mga guwardiya na tanging mga tangang tao lamang ang mararahuyo ng isang baliw na tao, ibig nilang puntahan at arestuhin Siya sa ilalim ng bintang ng paglalapastangan, at upang maturuan ang mga pulutong na maintindihan ang katotohanan. Ngunit si Nicodemus, na naroroon, ay kinontra ang kanilang pasya nagsasabing: «Hindi kayo makapagpapatuloy laban sa Kanya. Ang ating Batas ay pinagbabawalan tayo na akusahan ang isang tao bago pakinggan at tingnan kung ano ang ginagawa niya. At sa Kanyang kaso napakinggan lamang natin at nakita ang mga bagay na hindi kasumpa-sumpa.» At iyan ay nagawa ang mga kaaway ni Jesus na itambak ang kanilang galit kay Nicodemus sa pamamagitan ng  mga banta, insulto at panunuya, na tila siya ay isang tanga at isang makasalanan. At si Eleazar ben Annas ay pumunta nang personal kasama ang pinakagalit na mga tao upang palabasin si Jesus, dahil hindi siya makapaglakas-loob na gumawa ng iba pa, dahil sa mga nararamdaman ng mga pulutong.

Si Jose ni Alfeo ay galit. Si Jesus ay tinitingnan siya at nagsabi: «Kita mo, kapatid?» Wala Siyang sinasabing iba... ngunit ang mga salitang iyon ay labis ang ibig-sabihin! Ang mga salita ay isang babala na Siya ay tama magsalita man Siya o maging tahimik, sila ay paalaala tungkol sa Kanyang mga salita, sila ay isang indikasyon kung anong klase ang pinaka importanteng mga grupo sa Judaea, kung ano ang Templo at iba pa.

Si Jose ay itinungo ang kanyang ulo at nagsabi: «Tama Ka...» Siya ay naging tahimik at nag-iisip, pagkaraan, nang bigla na lamang, niyakap niya ang mga balikat ni Jesus at umiyak sa ibabaw ng Kanyang dibdib nagsasabing: «Aking kaawa-awang Kapatid! Kaawa-awang Maria! Kaawa-awang Ina!» Sa palagay ko naintindihan niya doon lamang, at nang napakalinaw, kung ano ang kapalaran ni Jesus...

«Huwag umiyak! Gawin, katulad ng ginagawa Ko, ang kalooban ng ating Ama!» sabi ni Jesus pinagiginhawahan at hinahalikan siya nang sabay upang maaliw siya.

Nang si Jose ay kumalma na nang kaunti, sila ay naglakad patungo sa bahay kung si Jesus ay binigyan ng matutuluyan at nagpalitan sila ng halik sa pagpapaalam. Si Jose ay lubos na naantig at ang kanyang huling mga salita ay: «Humayo sa kapayapaan, Jesus! Huwag mag-alala ng kahit ano. Inuulit ko sa Iyo kung ano ang aking sinabi sa Iyo malapit sa Nazareth, at inuulit ko ito nang mas may-katatagan. Humayo sa kapayapaan. Asikasuhin Mo lamang ang Iyong ginagawa. Ako na ang bahala sa iba. Humayo at harinawang paginhawahan Ka ng Diyos.» At kanyang hinahalikan Siyang muli nang may makaamang aktitud, hinahaplos ang Kanyang ulo, na tila nagbibigay siya ng pagpapalà ng ulo ng pamilya.

Pagkatapos si Jose ay nagpapaalam sa kanyang mga kapatid. Binabati rin niya si Simon. Ngunit napuna ko na si Santiago, hindi ko alam kung bakit, ay medyo matigas kay Jose, at gayon din si Jose. Sa halip kay Simon ay mas may kalambutan. Ang huling tanong ni Jose kay Santiago ay: «Kung gayon, kailangan ko bang sabihin na nawala ka sa akin?»

«Hindi, kapatid. Kailangan na sabihin mo na alam mo kung nasaan ako at kung gayon nasa sa iyo na upang makita ako. Nang walang masamang damdamin. Sa kabaligtaran, nang may maraming mga panalangin para sa iyo. Ngunit pagdating sa espirituwal na mga bagay ang isa ay hindi kailangan na kunin ang dalawang landas nang sabay. Nalalaman mo kung ano ang ibig kong sabihin...»

«Nakita mo na pinagsasanggalang ko Siya...»

«Pinagsasanggalang mo ang tao at ang kamag-anak. Hindi iyan sapat upang ibigay sa iyo ang mga ilog ng Grasya na Kanyang sinasabi. Ipagsanggalang ang Anak ng Diyos, nang wala kahit anong ikinatatakot sa mundo, nang hindi tinitingnan ang mga kalamangan, at ikaw ay magiging perpekto. Paalam. Tingnan ang ating ina at si Maria ni Jose...»

Si Jesus – hindi ko alam kung napakinggan Niya, dahil Siya ay abala sa pagbati sa iba pang mga Nazareno at mga Galilean – nang ang pagpapaalam ay natapos na ay nagsabi: «Pumunta tayo sa Mount of Olives. Pagkatapos mula doon pupunta tayo sa ibang lugar...»

290811

 

 


Sunod na kabanata