490. Sa Bethany. «Ang Isa ay Makapapatay sa Maraming Pamamaraan.»

Setyembre 14, 1946.

Isang palungkot na nang palungkot ngunit laging kaaya-ayang bahay sa Bethany... Ang presensya ng mga kaibigan at mga disipulo ay hindi nakapag-aalis sa kalungkutan ng bahay.  Naroroon si Jose kasama si Nicodemus, si Manaen, si Eliza at si Anastasica; hanggang sa aking naiintindihan, ang dalawang babae ay hindi makatagal ng pagiging malayo kay Jesus at sila ay humihingi ng paumanhin na tila sila ay sumuway, bagama't sila ay buung-buo ang loob na hindi umalis. At si Eliza ay ipinaliliwanag ang kanyang magandang mga rason na siyang ang: ka-imposiblehan para sa mga kapatid na babae ni Lazarus na masundan ang Guro at mapangalagaan Siya at ang mga apostol, katulad ng siyang nararapat sa isang grupo ng mga kalalakihan na nag-iisa at, higit pa, inuusig.

«Kami lamang ang tanging makagagawa niyan. Sapagkat sina Martha at Maria ay hindi maiiwanan ang kanilang kapatid. Si Johanna ay wala rito. Si Annaleah ay napakabata pa upang sumama sa amin. Mas mabuti na para kay Nike na manatili sa kanyang kinaroroonan, upang matanggap niya Kayo doon. Ang aking puting buhok ay makapagpipigil sa panghahamak., mapangungunahan ko Kayo saan man Kayo pumunta, at Kayo ay magkakaroon lagi ng isang ina na malapit sa Inyo.»

Si Jesus ay pumayag nang Kanyang mapakinggan na sa isip nilang lahat iyon ang tamang bagay na gawin. Baka, sa malalim na kapaitan ng Kanyang puso, ibig Niyang magkaroon ng isang makainang puso sa malapit, upang masalamin dito ang kabaitan ng puso ng Kanyang ina....

Si Eliza ay matagumpay sa kanyang lugod.

Sinabi ni Jesus: «Ako ay madalas na mapupunta sa Nob. Titigil kayo sa bahay ng matandang si Juan.  Sinabi niya sa Akin na Ako ay makatutuloy doon kapag tumitigil Ako sa Nob. Matatagpuan Ko kayo roon sa tuwing babalik kami...»

«Iniisip na Ninyo ang pag-alis sa kabila ng basang panahon?» tanong ni Jose ng Arimathea.

«Oo, aalis Ako. Ibig Kong makapunta patungo sa Perea, tumitigil sa bahay ni Solomon. Pagkatapos pupunta Ako patungong Jericho at Samaria. O! gusto Kong makapunta sa napakaraming mga lugar pa...»

«Guro, huwag Kayong magpakalayu-layo sa mga daan at sa mga bayan na hawak ng isang senturyon. Hindi sila makapagpasya. At ang iba ay hindi rin makapagpasya. Dalawang takot. Dalawang mga pagmamanman. Tungkol sa Inyo. At palit-palitan. Ngunit makatitiyak Kayo na, hanggang sa ganang Inyo, ang mga Romano ay hindi masyadong delikado...»

«Tayo ay kanilang inabandona!...» wika ni Judas ng Kerioth nang tahasan.

«Sa palagay mo ba? Hindi. Sa pagitan ng mga Hentil na nakikinig sa Guro may nakikita ka kaya ng mga pinadala ni Claudia o ni Pontius? Sa pagitan ng mga naging-malaya alipin ng huli at ng kanyang binibining mga kaibigan marami ang makapagsasabi sa Bel Nidrasc, kung sila ay mga Israelita. Huwag kalimutan na maraming may-pinag-aralan na mga tao kahit saan, na inaalipin ng Roma ang mundo, na ang kanyang mga patrisyo ay gustong  makuha ang pinakamagagandang nasamsam sa mga kaaway upang maiadorno sa kanilang mga bahay. Kung ang mga himnastiko at ang mga namamahala ng mga sirko ay pinipili kung ano ang makapagbibigay sa kanila ng kita at kaluwalhatian, ang mga patrisyo ay pinipili ang mga na ang kanilang nalalaman at kagandahan ay makapag-aadorno at makapagbibigay-kasiyahan sa kanilang mga bahay at sa kanilang mga sarili... Guro, ang paksang ito ay nagpapaalaala sa akin ng isang bagay... Maaari ko ba Kayong matanong?»

«Magsalita.»

«Ang babaeng iyon, ang Griyegong babae, na naririto noong nakaraang taon... at siyang isang bintang sa Inyo, nasaan siya? Marami ang nagsikap na makaalam... at hindi para sa isang mabuting dahilan. Ngunit ako ay walang masamang hangarin... Kaya lamang... hindi posible na siya ay napapunta sa maling direksiyon na doktrina. Siya ay napagkalooban ng isang dakilang katalinuhan at sinsirong katarungan. Ngunit siya ay wala na sa paligid...»

«Sa isang bahagi ng Lupa, siya, isang paganong babae, ay nagawang maisabuhay para sa isang inuusig na Israelita ang karidad na walang Israelita ang nakagawa.»

«Tinutukoy ba Ninyo si Juan ng Endor? Siya ba ay kasama niya?»

«Siya ay patay na.»

«Patay na?»

«Oo, at nagawa sana nilang mamatay siyang malapit sa Akin... Wala nang mahabang panahon ng paghihintay noon... Ang mga tao, at sila ay napakarami, na trumabaho upang siya ay mapalayo, ay nakagawa ng pagpatay-ng-tao, na tila itinaas nila ang kanilang mga kamay armado ng mga patalim laban sa kanya. Dinurog nila ang kanyang puso. At bagama't nalalaman nila na iyan kung bakit siya namatay, hindi nila tinitingnan ang kanilang mga sarili na mga mamamatay-tao. Wala silang nararamdaman na paninisi-ng-konsiyensya para sa pagiging ganyan. Ang mga kapatid ay maaaring mapatay sa maraming pamamaraan.  Sa pamamagitan ng mga armas at sa pamamagitan ng mga salita o sa pamamagitan ng isang masamang gawain, katulad ng pasabihan ang isang mang-uusig ng tungkol sa lugar kung nasaan ang inuusig na tao, o pagkaitan ang isang kaawa-awang sawing-palad ng kanyang kanlungan ng kaginhawahan... O! sa gaano karaming pamamaraan ang isa makapapatay... Ngunit ang tao ay hindi nakararamdam ng paninisi-ng-konsiyensya para diyan. Ang tao, at iyan ang tanda ng kanyang espirituwal na pagbaba, ay napatay ang paninisi-ng-konsiyensya.»

Si Jesus ay napakahigpit sa pagsasalita ng mga salitang iyon, upang walang sinuman ang nagkaroon ng lakas-ng-loob na magsalita. Nagtinginan sila sa isa’t isa nang patago, na may nakayukong mga ulo, at kahit na ang pinakamagaling at pinaka-inosenteng mga tao ay napahiya.

Pagkaraan ng isang sandali ng katahimikan si Jesus ay nagsabi: «Walang sinuman ang kailangan na magbigay-alam sa mga kaaway ng tungkol sa patay na tao at tungkol sa kung ano ang Aking sinabi, upang mabigyan sila ng kaluguran ng isang dimonyo. Ngunit kung mayroon man na magtatanong sa inyo, makatutugon kayo na si Juan ay nasa kapayapaan na, na ang kanyang katawan nasa isang malayong sepulkro at ang kanyang kaluluwa nasa paghihintay sa Akin.»

«Napamighati ba Kayo nang labis niyan, Panginoon?»

«Ano? Ang kanyang kamatayan?»

«Oo.»

«Hindi, hindi Ako napamighati. Ang kanyang kamatayan ay nagbigay sa Akin ng kapayapaan sapagkat iyon ay ang kanyang kapayapaan. Ako ay napamighati nang labis ng mga na sa pamamagitan ng kanilang mga mabababang damdamin sinabihan ang Sanhedrin tungkol sa kanyang presensya sa pagitan ng mga disipulo at nagawa ang kanyang pag-alis. Ngunit ang bawat tao ay may kanyang mga sistema at tanging ang isang mabuting kalooban lamang ang makapagbabago ng mga instinto at mga sistema. Ngunit sasabihin Ko: “Siya na nanghahamak, ay manghahamak muli. Siya na nagdala ng kamatayan, ay magdadala muli ng kamatayan”. Ngunit kapahamakan sa kanya. Akala niya siya ay nananalo samantalang siya ay natatalo. At ang paghusga ng Diyos ay naghihintay para sa kanya.»

«Bakit Kayo nakatingin nang ganyan sa akin, Guro?» tanong ni Juan ni Zebedeo, nagiging di-mapakali at namumula, na tila siya ay may kasalanan.

«Sapagkat kung titingnan kita, wala nang iba pa, ni ang pinakamasamang tao, ang mag-iisip ng baka kinapootan mo ang isang kapatid ninyo.»

«Maaaring ito ay isang Pariseo o isang Romano... Nagtutustos siya sa kanila ng mga itlog...» sabi ni Judas ng Kerioth.

«Iyon ay isang dimonyo. Ngunit nagawan niya siya ng mabuti habang gusto niya siyang saktan. Napagmadali niya ang kanyang ganap na puripikasyon at kapayapaan.»

«Papaano Ninyo nalaman? Sino ang naghatid sa Inyo ng balita?» tanong ni Jose.

«Ang Guro ba ay nangangailangan na magkaroon ng balita na dalhin sa Kanya?  Hindi ba Niya nakikita ang mga kinikilos ng mga tao? Hindi ba’t pumunta Siya at tinawag si Johanna na sana siya ay pumunta sa Kanya at mapagaling? Ano ang imposible sa Diyos?» sabi ni Maria ng Magdala nang madamdamin.

«Iyan ay totoo, babae. Ngunit kakaunting mga tao ang mayroon ng iyong pananampalataya... At iyan kung bakit nagtanong ako ng isang katangahan na tanong.»

«O sige. Ngunit halina Kayo ngayon, Guro. Si Lazarus ay gising na at naghihintay para sa Inyo...» At kinuha niya Siya nang bigla at may-pasya, pinuputol ang kahit ano pa man na pag-uusap o tanong.

290811

 

 


Sunod na kabanata