491. Malapit sa Pontanya ng En-Rogel

Setyembre 16, 1946.

Si Jesus ay bumalik mula sa Bethany sa tabi ng mas mababang daan (ang ibig kong sabihin ang mas mahabang daan, na hindi dumaraan sa Mount og Olives, bagkus pinapasok ang bayan sa pamamagitan ng arabal ng Tophet).

Siya ay tumigil muna upang tulungan ang mga ketongin na humihingi sa Kanya ng wala bagkus tinapay, pagkatapos pumunta Siya nang tuwiran sa isang malaking kudradong lunas, natatakpan at sarado sa lahat ng tabi maliban sa isang tabi. Isang bubon, isang malaking natatakpan na bubon, ang pinakamalaking aking nakita. Ito ay mas malaki pa kaysa sa bubon ng Samaritanong babae, at ito ay maaari ring mayaman sa tubig sapagkat ang lupa sa kapaligiran nito ay natutustusan nito at nagmumukhang napakataba, sa kaibhan sa tigang na parang sepulkrong lambak ng Hinnom, na ang kaunti nito ay makikita sa hilagang-kanluran. Tanging ang isang solidong batong gusaling katulad ng batong bubon na iyan at ng panakip na bubong nito ang makatatagal sa kabasaan ng lupa. At ang malaking maiitim na bato, na kahit hindi ka eksperto ay masasabi mo na isang antigo, ay tumatagal pumoprotekta sa mahalagang tubig.

Bagama't ngayon ay isang mapanglaw na araw at ang mga sepulkro ng mga ketongin ay nasa malapit, at lagi silang nagkakalat ng kalungkutan sa paligid, ang lugar ay kapwa kaaya-aya dahil sa kasaganaan ng katabaan nito at dahil sa likuran nito, sa hilaga, ay may mga malalaking hardin na may lahat na klase ng mga punungkahoy itinataas ang kanilang makakapal na tuktok patungo sa abuhing kalangitan na nakabitin nang mababa sa ibabaw ng bayan, at sa harapan nito, sa timog ng Kidron, lumalapad ang ilalim nito at nagiging mas mayaman sa tubig, habang ang lambak ay nagiging mas maningning at mas mayaman sa liwanag, sinusundan nang mahaba-haba ang daan na nagpapatungo sa Bethany at Jericho.

Marami ritong mga tao: mga babae na may mga amphora, mga drayber ng asno na may mga balde, ang mga karabana na dumarating o umaalis, ay tumitigil malapit sa bubon at kumukuha ng tubig. Ang isang malaki-laking bahagi ng lupa ay basa dahil sa tubig na tumutulo mula sa mga balde habang nagpupuno ng mga lalagyan. Kalmanteng matatamis na tinig ng mga babae, tumitiling mga tinig ng mga bata, malalalim na paos na malakas na tinig ng mga lalaki, ang pag-ingay ng mga asno at ang mabangis na sigaw ng mga kamelyo, na sa pagkakalapat ng kanilang tiyan sa lupa sa ilalim ng kanilang mga dala-dala ay hinihintay ang pagbabalik ng mga drayber na may dalang tubig.

Ito ay isang tipikong tanawin sa isang maulap na paglubog-ng-araw kung kailan ang kalangitan ay mantsado ng di-natural na biglaang dilaw na nagkakalat ng isang kakaibang liwanag sa lahat, habang sa mas mataas ang mabibigat na ulap ay nagpapatung-patong. Ang mas mataas na mga bahagi ng bayan ay nagmumukhang nakapangingilabot sa loob ng kakaibang liwanag sa kaligiran ng mabigat na kalangitan na may mga guhit-guhit ng kulay ng asupre.

«Ito ay nagmumukhang tubig at hangin...» sabi ni Pedro nang mapangaral, at siya ay nagtanong: «Saan tayo pupunta ngayong gabi?»

«Sa bahay ng hardinero. Aakyat Ako sa Templo bukas at...»

«Ulit? Mag-ingat sa Inyong ginagawa! Mas mabuti pang tinanggap Ninyo ang paanyaya ng mga napalayang alipin malapit sa sinagoga» mungkahi ni Simon Zealot.

«Pagkatapos, dahil sa ang isang sinagoga ay katulad ng isa pa, may marami pa, na nagpakita na gusto nila Siya! Ngunit bakit sila?» sabi ni Judas ng Kerioth.

«Sapagkat sila ang pinakaligtas. At wala nang pangangailangan na magpaliwanag pa kung bakit» tugon ng Zealot.

«Ligtas!! Papaano ka lubos na nakatitiyak?»

«Ang katunayan na sila ay nanatiling tapat sa kabila ng lahat na kanilang ipinaghirap.»

«Huwag mag-away. Bukas Ako ay aakyat sa Templo. Iyan ay napagpasyahan na. Tayo ay tumigil dito nang kaunting sandali. Ito ay laging magandang lugar kung saan ang isa ay makapag-eebanghelyo.»

«Hindi mas maganda kaysa alin pang iba. Hindi ko alam kung bakit mas gusto Ninyo ito.»

«Bakit, Judas? Para sa maraming rason na Aking ipaliliwanag sa mga taong mag-iipon dito, at para sa isang rason na sasabihin Kong partikular sa inyong lahat. Ang tatlong Mago mula sa Silangan ay tumigil nang di-nakatitiyak at bigo sa bubon na ito ng pontanya ng Rogel, dahil ang Tala na gumabay sa kanila magpahanggang ngayon ay nawala. Ang sino pa man na ibang tao ay maaaring pinagdudahan na ang Diyos at ang kanyang sarili. Sila ay nanalangin hanggang madaling-araw malapit sa pagód na mga kamelyo, ang tanging mga gising sa pagitan ng mga natutulog na mga katulong, at pagkatapos sa pagsikat ng araw sila ay tumayo at nagpatuloy patungo sa mga geyt, pinangangahasan ang panganib na sila ay isipin na mga baliw at mga  manunulsol at pinangangahasan din ang panganib ng kanilang mga buhay. Si Herodes, ang uhaw-sa-dugo na hari ay siyang naghahari noon, tandaan iyan. At kahit sa mas maliit pang dahilan na gustong sabihin ng tatlong Mago sa kanya ay sapat na upang sila ay ipapatay niya. Ngunit sila ay naghahanap para sa Akin. Hindi sila naghahanap ng kaluwalhatian, mga kayamanan, mga karangalan. Sila ay naghahanap para sa Akin, para sa Akin lamang. Isang Sanggol: kanilang Mesiyas, kanilang Diyos.  Ang pananaliksik para sa Diyos, bilang mabuti, ay laging nagbibigay ng tulong at lakas-ng-loob. Ang mga takot, mabababang bagay ay ang pamana ng mga nangangarap ng napakahamak na mga bagay. Minimithi nilang sambahin ang Diyos. Sila ay malakas sa kanilang pagmamahal, na, pagkatapos ng kaunting mga oras ay ginantimpalaan, dahil ang Tala ay nagpakitang muli sa kanilang mga mata, dito, sa gabing naliliwanagan ng buwan. Ang mga naghahanap sa Diyos nang may katarungan at pagmamahal ay hindi kailanman nawawalan ng tala ng Diyos. Ang tatlong Mago! Nasiyahan na sana sila sa pagitan ng huwad na mga parangal na ibig na ibigay ni Herodes sa kanila pagkatapos ng tugon ng punong mga pari, mga eskriba at mga doktor. Sila ay pagod-na-pagod!... Ngunit hindi sila tumigil kahit isang araw at bago nagsara ang mga geyt sila ay lumabas at tumigil dito hanggang madaling araw. Pagkatapos... hindi ang pagsikat-ng-araw bagkus ang pagsikat ng Diyos and lumitaw muli upang gawin ang daan na maging kasing ningning katulad ng plata; ang Tala ay tinawag sila sa pamamagitan ng liwanag nito at sila ay pumunta sa Liwanag. Pinagpala! Pinagpala sila at ang mga may-alam kung papaano sila gayahin!»

Ang mga apostol at si Marjiam kasama si Isaac ay puspos sa pakikinig na may malugod na tingin na laging mayroon ang kanilang mga mukha kapag sinasariwa ni Jesus ang Kanyang kapanganakan, at si Isaac, nagtatalik sa kaligayahan, ay nagbubuntung-hininga, ngumingiti, nag-aalaala... na may nagtatalik-sa-kaligayahan na mukha, malayo sa panahon at lugar, bilang nakabalik ulit nang tatlumpung taon, hanggang sa gabing iyon, sa Talang kanyang nakita noong kasama niya ang kanyang kawan...

Mas maraming tao pa ang lumapit, sapagkat ang daan ay abalá, at sila’y nakikinig, at ang ilan ay naaalaala ang magandang karabana, at ang balitang dinala nito... at ang mga konsekwensiya nito. 

«Ito ay laging isang lugar ng pagninilay. Ang kasaysayan ay laging inuulit ang sarili. Ito ay laging isang lugar ng pagsubok. Para sa mabubuti at masasamang tao. Ngunit ang buong pamumuhay ay isang pagsubok para sa pananampalataya at katarungan ng tao.

Paaalalahanan Ko kayo tungkol kay Hushai, Zadox at Abiathar, kay Jonathan at Ahimaaz, na umalis mula sa lugar na ito upang iligtas ang kanilang hari at prenotektahan ng Diyos sapagkat kumikilos sila ayon sa hustisya.

Paaalalahanan Ko kayo tungkol sa isang pangyayari na konektado sa lugar din na ito ngunit hindi nagkaroon ng masayang kinalabasan sapagkat iyon ay isang pagmamalupit at kung gayon iyon ay hindi pinagpala ng Diyos. Malapit sa bato ng Zoheleth, malapit sa pontanya ng En-Rogel, si Adonijah ay nakipagsabwatan laban sa kalooban ng kanyang ama at ginawa niyang siya ay iproklamang hari ng kanyang mga tauhan. Ngunit ang pag-abuso ay walang nagawang maganda para sa kanya, sapagkat bago matapos ang bangkete ang mga hosana na inawit sa Gihon ay napasabihan siya, kahit bago pa man makapagsalita si Jonathan ni Abiathar, na si Solomon ay ang hari at na siya, na ibig na agawin ang trono, ay kailangan na umasa na lamang sa awa ni Solomon. Napakaraming tao ang umuulit sa ginawa ni Adonijah at lumalaban sa totoong Hari o nagbabalak ng masama laban sa Kanya sinusunod ang partido na tila siyang pinakamalakas. At napakarami, sa paggawa nito, ang makakakapit sa mga sungay ng altar manghihingi ng kapatawaran at umaasa sa awa ng Diyos.

Ngayon na natingnan na natin ang tatlong mga pangyayari na nangyari malapit sa bubon na ito, masasabi ba natin na ang lugar na ito ay nakapailalim sa mabuti o sa masamang mga impluwensiya? Hindi. Hindi ang lugar. Hindi ang panahon. Hindi ang mga pangyayari, bagkus ang kalooban ng tao ang nagpapabalisa sa mga kinikilos ng tao. Ang En-Rogel ay nasaksihan ang katapatan ng mga lingkod ni David at ang kasalanan ni Adonijah, katulad na nasaksihan nito ang pananampalataya ng tatlong Mago. Ito ay ang gayon din na bubon. Sina Jonathan at Ahimaaz, katulad ni Adonijah at ng kanyang mga tagasunod, katulad ng tatlong Mago ay sumandal sa mga batong ito at pinawi ang kanilang pagka-uhaw sa pamamagitan ng tubig nito. Ngunit ang tubig at ang mga bato ay nasaksihan nito ang tatlong magkakaibang bagay: katapatan sa haring si David, pagtataksil sa haring si David, at katapatan sa Diyos at sa Hari ng mga hari. Ito ay laging ang kalooban ng tao na siyang naghahatid ng mabuti o masama. At ang Kalooban ng Diyos ay nagtatapon ng liwanag nito sa kalooban ng tao at ang kalooban ni Satanas nagtatapon ng nakalalason na mga singaw nito. Nasa sa tao na kung tatanggapin niya ang liwanag o ang lason at maging makatarungan o makasalanan.

Ang isang guwardiya ay inilalagay sa bubon na iyan upang walang sinuman sana ang makagalaw sa tubig. At bilang karagdagan sa guwardiya ito ay binigyan ng mga pader at isang bubong, upang ang hangin ay hindi sana makapagdala ng mga dahon at dumi sa loob nito, na baka makasama sa mahalagang tubig. At sa tao rin ang Diyos ay nagbigay ng isang guwardiya: ang katalinuhan at ang batid na kalooban ng tao; at binigyan Niya siya ng mga proteksiyon: ang mga utos at ang anghelikal na payo, upang ang espiritu ng tao ay hindi sana maparumi nang batid o di-batid. Ngunit kapag pinarumi ng tao ang kanyang konsiyensya, ang kanyang katalinuhan, hindi nakikinig sa mga pampasigla mula sa Langit, niyayapakan ang Batas, katulad niya ang isang guwardiya na iniiwan na walang bantay ang bubon o katulad ng isang baliw na ginigiba ang mga pananggalang nito. Iniiwan niya ang bukid na bukas sa maladimonyong mga kaaway, sa kiling ng mundo at ng laman, at sa “mga panunukso” na, kahit na kung hindi nagpapatalo dito, ay kailangan na mahinahon na bantayan at tanggihan.

Mga anak ng Herusalem, mga Hebreo, mga proselito, mga manlalakbay na napapunta rito nang di sinasadya upang makinig sa tinig ng Diyos, maging marunong na may totoong karunungan, na naglalaman ng pagsasanggalang sa sariling kaakuhan laban sa mga gawa na kahiya-hiya sa tao.

Marami Akong nakikitang mga Hentil dito. Pinakikita Ko sa kanila na hindi lamang mga kayamanan at mga kalakal ang kailangan na mabili, ngunit mayroon pang isang bagay na kailangan na makuha, at ito ay ang buhay ng kaluluwa ng sarili; sapagkat ang tao ay may isang kaluluwa sa kanya mismo, isang bagay na di-mahihipo, ngunit nagagawa siya nito na mabuhay, isang bagay na hindi namamatay kapag ang kanyang laman ay mamatay, isang bagay na nararapat na ipamuhay ang totoong buhay nito, isang eternal na buhay, ngunit hindi ito maipamumuhay kung papatayin ng tao ang kanyang totoong sarili sa pamamagitan ng kanyang masasamang gawain.

Ang idolatriya at Hentilismo ay mapangingibabawan. Ang isang marunong na tao ay nagninilay-nilay at magsasabi: “Bakit sinusundan ko ang mga diyus-diyusan at namumuhay nang walang inaasahan na isang mas mabuting buhay, samantalang sa pagpunta sa totoong Diyos makakakuha ako ng eternal na lugod?” Ang tao ay tinitipid ang kanyang mga araw at ang kamatayan ay nakakatakot sa kanya. Habang siya ay mas nababalot sa kadiliman ng huwad na mga relihiyon o sa di-paniniwala, mas lalo niyang kinatatakutan ang kamatayan. Ngunit siya na pumupunta sa totoong Pananampalataya ay hindi na natatakot ng kamatayan sapagkat nalalaman niya na sa kabila ng kamatayan ay may isang eternal na buhay kung saan ang mga espiritu ay nagkikita-kita muli at kung saan doon ay wala nang mga kirot o mga pagkakahiwalayan. Hindi mahirap na sundan ang daan ng Buhay. Sapat na ang maniwala sa Tanging totoong Diyos, ang mahalin ang ating kapwa at mahalin ang katapatan sa bawat aksiyon.

Kayong mga mamamayan ng Israel ay nalalaman ninyo kung ano ang iniutos at kung ano ang ipinagbawal. Ngunit Aking uulitin ang mga bagay na ito para sa mga taong ito na nakikinig sa Aking mga salita at dadalhin nila ito nang malayo... (at Kanyang binabanggit ang Dekalogo).  Ang totoong relihiyon ay iyan ang nilalaman, hindi ang walang-kabuluhan na mararangyang mga sakripisyo. Kinakailangan na sundin ang mga alituntunin ng perpektong mga asal, ng walang-kapintasan na mga birtud, maging maawain, iwasan ang nagpapahiya sa tao, kalimutan ang mga banidad, ang nanloloko na mga panghuhula, ang huwad na mga babala, ang mga panaginip ng masasama, katulad ng sinasabi ng nagbibigay-karunungan na aklat, upang mapakinabangan ang mga kaloob ng Diyos nang may katarungan, ibig sabihin ang kalusugan, kasaganaan, mga kayamanan, katalinuhan, kapangyarihan, huwag maging mapagmalaki, dahil ang pagmamalaki ay isang tanda ng katangahan sapagkat ang tao ay buháy, malusog, mayaman, marunong, makapangyarihan habang pinagkakaloob ito ng Diyos sa kanya, huwag hangarin ang kalabisan na mga mithiin na madalas nagdadala sa isa na makagawa ng krimen. Sa pagbubuod, ang isa ay kailangan na mamuhay bilang isang tao at hindi bilang isang hayop, at dala rin ng pagrespeto para sa sarili.

Madaling bumaba, mahirap tumaas. Ngunit sino ang gustong mamuhay sa loob ng isang maruming kalaliman dahil lamang siya ay nahulog doon, at hindi magsisikap na makalabas dito umaakyat muli patungo sa mabulaklak na mga taluktok na nagniningning sa sinag ng liwanag? Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang buhay ng isang makasalanan ay nakalagay sa isang kalaliman at gayon din ang isang pamumuhay na nasa pagkakamali. Ngunit ang mga tumatanggap sa Salita at pumupunta sa Katotohanan ay umaakyat sa mga tuktok ng Liwanag.

Makakalakad na kayo sa inyong mga patutunguhan. At tandaan na malapit sa pontanya ng En-Rogel, ang Pinanggagalingan ng Karunungan ay binigay sa inyo ang tubig nito na maiinom upang kayo ay sana mauhaw muli para dito at muling bumalik dito.

Si Jesus ay ginawa ang Kanyang paglalakad at nagsimulang magpatungo sa bayan, iniiwan ang mga tao upang gumawa ng mga komentaryo, magtanong at tumugon sa kanila.

310811

 


Sunod na kabanata