492. Ang mga Pariseo at ang Mapangalunyang Babae.

Marso 20, 1944.

Nakikita ko ang looban ng bakuran ng Templo, ibig sabihin, ang isa sa maraming mga korte na napaliligiran ng mga balkonahe. At nakikita ko rin si Jesus, Na, mabuting nababalot ng Kanyang manta na nagtatakip sa Kanyang tunika – ang huli ay madilim na pula at hindi maputi, at tila gawa sa isang mabigat na delanang tela – ay nagsasalita sa isang pulutong ng mga tao na nakatayo sa paligid Niya.

Sasabihin ko na ito ay isang araw ng taglamig sapagkat napuna ko ang lahat ay balot-na-balot, at na ngayon ay kung baga malamig sapagkat ang mga tao, sa halip na nakatayo, ay naglalakad nang mabilis na tila gusto nilang mapaiinitan ang kanilang mga sarili. Ang hanging ay umiihip pinawawagayway ang mga manta at nagtataas ng alikabok sa mga korte.

Ang grupong nagsisiksikan sa paligid ni Jesus, ang tanging grupo na hindi gumagalaw, habang ang lahat na iba pa na nakatayo sa paligid ng guro na ito o iyon ay naglalakad nang pauli-uli, ay nagbukas ng hanay upang paraanin ang isang maliit na grupo ng mga pakaway-kaway na makamandag na mga eskriba at mga Pariseo. Sila ay bumubuga ng kamandag mula sa kanilang mga mata, sa kanilang nangingitim na mga mukha at sa mga bunganga. Anong mga ahas sila! Kaysa pasunurin hinihila nila ang isang babae, mga tatlumpung taong gulang; ang kanyang buhok ay lugay at ang kanyang damit magulo at siya ay umiiyak, na tila siya ay minaltrato. Itinapon nila siya sa paanan ni Jesus na tila siya ay isang bigkis ng mga retaso o isang patay na katawan. At nananatili siya roon, nakakuyukot, na ang kanyang mukha nakapatong sa kanyang mga braso, na nagtatakip dito at katulad ng isang kutson sa pagitan nito at ng lupa.

«Guro, ang babaeng ito ay huling-húli sa akto ng pangangalunya. Siya ay mahal ng kanyang asawa at tinitiyak na hindi siya magkukulang ng kahit ano. Siya ay ang reyna sa loob ng kanyang bahay. At siya ay hindi naging tapat sa kanya sapagkat siya ay isang mabisyong walang utang-na-loob na makasalanan at isang walang-pakundangan. Siya ay isang adultera at bilang ganyan siya ay kailangan na batuhin. Iyan ay iniutos ni Moses. Sa kanyang batas inuutusan niya tayo na batuhin ang ganyang mga babae katulad ng di-malinis na mga hayop. At sila ay di-malinis. Sapagkat pinagtataksilan nila ang pananampalataya at ang lalaking nagmamahal at nangangalaga sa kanila, at sapagkat katulad ng lupa na hindi kailanman nasiyahan, lagi silang naghahangad ng kahalayan. Sila ay mas malala pa kaysa sa mga puta sapagkat nang walang nararamdaman na pangangailangan binibigay nila ang kanilang mga sarili upang masiyahan ang kanilang kahalayan. Sila ay naging marumi at nagpaparumi. Sila ay kailangan na mahatulan na mamatay. Iyan ang sinabi ni Moses. Ano ang masasabi Ninyo, Guro?»

Si Jesus, Na tumigil sa pagsasalita sa magulong pagdating ng mga Pariseo at tiningnan ang pangkat ng galit na mga lalaki nang may nanlalagos na mga mata at pagkatapos tiningnan ang nalulungkot na babaeng itinapon sa Kanyang paanan, ay tahimik. Nakaupo pa rin, Siya ay yumuko, at sa pamamagitan ng Kanyang daliri Siya ay nagsimulang magsulat sa mga bato ng balkonahe na natatakpan ng alikabok na itinataas ng hangin. Habang sila ay nagsasalita Siya ay nagsusulat.

«Guro? Kami ay nagsasalita sa Inyo. Makinig sa amin. Tumugon sa amin. Hindi ba Ninyo naintindihan? Ang babaeng ito ay huling-huli sa pinaka-akto ng pangangalunya. Sa loob ng kanyang bahay. Sa ibabaw ng kama ng kanyang asawa. Pinarumi niya ito sa pamamagitan ng kanyang pagpapakalabis sa kahalayan.»

Si Jesus ay nagsusulat.jesus_writing

 «Ngunit ang lalaking ito ay isang tanga! Hindi mo ba nakikita na wala Siyang naiintindihan na kahit ano at na Siya ay gumuguhit ng mga tanda sa alikabok katulad ng isang kaawa-awang tanga?»

«Guro, alang-alang sa Inyong pangalan, magsalita. Gawin ang Inyong karunungan na tumugon sa aming katanungan. Inuulit namin ito: ang babaeng ito ay hindi nagkukulang ng kahit ano. Siya ay may mga damit, pagkain, pagmamahal. At siya ay naging di-tapat.»

Si Jesus ay nagsusulat.

«Siya ay nagsinungaling sa lalaki na nagtiwala sa kanya. Sa pamamagitan ng nagsisinungaling na mga labì binati niya siya at pumunta sa pintuan kasama siya, ngumingiti, pagkatapos binuksan niya ang lihim na pinto at pinapasok niya ang kanyang kalaguyo. At habang wala ang kanyang asawa nagtatrabaho para sa kanya, siya, katulad ng isang di-malinis na hayop, ay nagbabad sa kanyang kahalayan.»

«Guro, siya ay isang tagapaglapastangan ng Batas pati na rin ng kanilang higaang mag-asawa. Siya ay isang rebelde, isang suwail, isang walang-pakundangan.»

Si Jesus ay nagsusulat. Nagsusulat Siya pagkatapos Kanyang binubura sa pamamagitan ng Kanyang may sandalyas na paa kung ano ang Kanyang naisulat na at nagpapatuloy pa sa pagsulat, lumiliko nang kaunti upang makakita ng mas malaking lugar. Nagmumukha Siyang katulad ng isang maliit na bata na naglalaro. Ngunit kung ano ang Kanyang sinusulat ay hindi paglalarong mga salita. Naisulat Niyang magkakasunod: «Usurero», «Huwad», Walang-galang na anak», «Sumisiping sa di-asawa», Mamamatay-tao», Tagapaglapastangan ng Batas», «Magnanakaw», «Malibog», «Mangangamkam», «Di-karapat-dapat na asawa at ama», «Walang-pakundangan, «Mapagrebelde sa Diyos», «Mapangalunya». Ang mga salita ay isinusulat nang paulit-ulit habang may bagong nag-aakusa ang nagsasalita

«Bueno, Guro! Ang Inyong opinyon. Ang babae ay kailangan na mahusgahan. Kailangan na hindi niya mahawa ang Lupa ng kanyang bigat. Ang kanyang hininga ay lason na nagpapabalisa sa mga puso.»

Si Jesus ay tumayo.  O! ano ito! Anong mukha! Ang Kanyang mga mata ay kumikislap katulad ng kidlat na tumatama sa mga nag-aakusa. Pinananatili Niyang tuwid ang Kanyang ulo na Siya ay nagmumukhang mas mataas. At Siya ay mahigpit na mahigpit at solemne na siya ay tila isang hari sa kanyang trono. Ang Kanyang manta ay nakawala sa isang balikat na ito ay nasa lupa hila-hila Niya sa likuran. Ngunit hindi Niya ito pinapansin. Nang may matigas na hitsura at ni wala kahit kaunting bakas ng isang ngiti sa Kanyang mga labì o sa Kanyang mga mata, Siya ay nanlilisik sa pamamagitan ng ganyang mga mata sa mga pulutong na lumalayo katulad na lumalayo sila sa harapan ng dalawang matalas na patalim. Tinititigan Niya sila nang isa-isa. Sa pamamagitan ng ganyang tindi na nananakot. Ang mga tinititigan ay nagsisikap na makasiksik sa pulutong at magtago roon. Ang pabilog na hanay kung gayon ay lumalapad at nasisira na tila ito ay hinuhukay ng isang kapangyarihan ng isang kulto.

Sa wakas Siya ay nagsalita: «Kung may isa man sa inyo na hindi nagkasala, gawin siyang una na magtapon ng bato sa kanya.» At ang Kanyang tinig ay katulad ng kulog habang ang Kanyang mga mata ay kumikislap nang mas maningning pa. Si Jesus ay nailupi na ang Kanyang mga braso sa Kanyang dibdib at nananatiling gayon: kasing tuwid ng isang hukom, naghihintay. Ang Kanyang mga mata ay hindi nagbibigay ng kapayapaan: ito ay naghahanap, nanlalagos at nag-aakusa.

Una isa muna, pagkatapos dalawa, pagkatapos lima, pagkatapos grupu-grupo, ang lahat na taong naroroon ay umalis na ang mga ulo nakatungo. Hindi lamang ang mga eskriba at mga Pariseo, bagkus pati na rin ang mga dating nasa paligid ni Jesus, at ang iba pa na lumapit kay Jesus upang pakinggan ang Kanyang opinyon at hatol, at kapwa ang una at ang huli ay nagkasama pa sa pag-aabuso sa nagkasalang babae at sa paghingi ng kanyang sentensiya na batuhin.

Si Jesus ay naiwan na nag-iisa kasama si Pedro at si Juan. Hindi ko nakikita ang ibang mga apostol.

Si Jesus ay nagpatuloy sa pagsusulat, habang ang pag-alis ng mga nag-aakusa ay nangyayari, at sinusulat na Niya ngayon: «Mga Pariseo», «Mga ahas», «Mga sepulkro ng kabulukan», «Mga sinungaling», «Mga traydor», «Mga kaaway ng Diyos», «Mga taga-alimura ng Kanyang Salita»...

Nang ang korte ay ganap nang walang laman at mayroon nang isang solemneng katahimikan sa loob – tanging ang paglagaslas ng hangin at ang bulong ng isang maliit na pontanya sa isang sulok ang maririnig – itinaas ni Jesus ang Kanyang ulo at tumingin. Ang Kanyang hitsura ay ngayon banayad. Siya ay malungkot, ngunit hindi na galit. Tinititigan Niya si Pedro, na lumayo nang kaunti, sumasandal sa isang poste, at si Juan din, na halos nasa likuran ni Jesus, ay tinitingnan Siya ng kanyang nagmamahal na mga mata. Si Jesus ay ngumiti nang kaunti tinitingnan si Pedro at nang mas maningning nang tiningnan Niya si Juan. Dalawang magkaibang ngiti.

Pagkatapos Kanyang tiningnan ang babae, nakapatirapa pa rin at umiiyak sa Kanyang paanan. Siya ay tumayo, inaayos Niya ang Kanyang manta na tila Siya ay papaalis na. Kinawayan Niya ang dalawang apostol na pumunta sa labasan na pintuan.

Nang Siya ay nag-iisa na tinawag Niya ang babae. «Babae, makinig sa Akin. Tingnan mo Ako.» Inulit Niya ang Kanyang utos sapagkat ang babae ay di maglakas-loob na tumingala. «Babae, tayo ay nag-iisa. Tumingin sa Akin.»

Ang kaawa-awang sawing-palad ay itinaas ang mukha na ginawa ng mga luha at alikabok na maging isang maskara ng kalungkutan.

«Babae, nasa na ngayon ang mga nag-aakusa sa iyo?» Si Jesus ay nagsasalita sa isang mababang tinig, na may kabigatan na puno ng awa. Ang Kanyang ulo at katawan ay medyo nakakiling paharap, patungo sa labis na pagdurusa, at ang Kanyang mga mata ay puno ng isang mapagpalayaw na ekspresyon ng paanyaya sa pagpapanibago. «Wala bang nag-akusa sa iyo?»

«Ang babae ay tumugon humihikbi: «Wala, Guro.»

«Ni Ako ay hindi ka inaakusahan. Humayo. At huwag nang magkasala pa muli. Umuwi ka. At umasal sa pamamaraan na sana patawarin ka ng Diyos at ng tao na iyong sinaktan. At huwag panghimasukan ang kaamuang-loob ng Panginoon. Lakad.»

At tinutulungan Niya siyang makatayo kinukuha siya sa kamay. Ngunit hindi Siya nagpapalà, ni hindi Niya siya binabati sa pamamagitan ng pagbati ng kapayapaan. Tinitingnan Niya siya na umaalis, ang kanyang ulo nakatungo at medyo sumusuray sa kanyang kahihiyan, at nang siya ay nawala sa paningin, umalis na rin Siya Mismo kasama ang dalawang apostol.

--------------------

jesus_sinasabi

Sinasabi ni Jesus:

«Ang nakasakit sa Akin ay ang kakulangan ng karidad at sinseridad mula sa mga nag-aakusa.

Hindi dahil sa sila ay nagsisinungaling sa pag-aakusa. Ang babae ay totoong nagkasala. Ngunit sila ay di sinsiro bilang naiiskandalo ng isang bagay na kanilang nagawa nang libu-libong beses at nanatiling di nabubunyag lamang sa pamamagitan ng mas malaking katusuhan at magandang suwerte. Ang babae, sa kanyang unang pagkakasala, ay hindi naging napakatuso at masuwerte. Ngunit sa mga nag-aakusa, kapwa lalaki at babae – sapagkat pati mga babae ay inaakusahan siya sa kanilang mga puso kahit na kung hindi nila tinataas ang kanilang mga tinig – ay walang hindi nagkasala.

Isang adultero ang isa na ginagawa ang akto at minimithi ang akto at pinagnanasaan ito nang buong lakas niya. Kapwa siya na nagkakasala at siya na ibig na magkasala ay mahalay. Hindi sapat na hindi gawin ang kasamaan. Kinakailangan din na huwag itong mithiin na gawin. Alalahanin, Maria, ang unang salita ng iyong Guro, nang tinawag kita mula sa gilid ng bangin kung saan ikaw noon ay naroroon: “Hindi sapat na hindi gumawa ng kasamaan. Kinakailangan din na huwag mithiin itong gawin”. Siya na minamaganda ang sensuwal na mga kaisipan at pinasisigla ito sa pamamagitan ng mga babasahin at mga pagkilos na gustong gawin para sa pakay na ito at sa pamamagitan ng nakapipinsalang mga ugali, ay kasing di-puro ng isang gumagawa ng kasalanan na ito nang aktuwal. Mangangahas Akong sabihin: siya ay mas makasalanan pa. Sapagkat sa pamamagitan ng kanyang mga naiisip sinasalungat niya ang kalikasan, hindi lamang laban sa mga moral. Hindi Ko tinutukoy ang mga gumagawa ng tunay na mga pagkilos laban sa kalikasan. Ang tanging nakapagpapagaan na sirkunstansiya lamang para sa ganyang tao ay ang isang sakit ng katawan o sakit sa isip. Siya na walang nakapagpapagaan na sirkunstansiyang iyan ay mas mababa pa nang sampung antas kaysa sa pinakamaruming hayop.

Ang isa ay kailangan na maging malaya sa kasalanan upang makapaghusga nang may hustisya. Tingnan mo ang nakaraan na mga diktasyon, noong Ako ay nagsasalita ng tungkol sa kinakailangan na mga kondisyon upang maging isang hukom.

Ako ay hindi na walang nalalaman tungkol sa mga puso ng mga Pariseo at mga eskribang iyon, o tungkol sa mga puso ng mga taong iyon na sumali sa kanila sa pag-insulto sa nagkasalang babae. Mga makasalanan laban sa Diyos at sa kanilang kapwa, sila ay nagkasala laban sa pananampalataya, laban sa kanilang mga magulang, laban sa kanilang kapwa at higit sa lahat nakagawa sila ng maraming kasalanan laban sa kanilang mga asawa. Kung sa pamamagitan ng isang himala inutusan Ko ang kanilang dugo na isulat ang kanilang mga kasalanan sa kanilang noo, kabilang sa maraming bintang ang bintang ng pagiging “mga adultero” sa pamamagitan ng gawa o ng pagmimithi ay naging ang pinakamarami sana. Sinabi Ko: “Ang nanggagaling sa puso ang siyang nagpaparumi sa tao”. At maliban sa Aking puso wala sa mga puso ng mga hukom ang  puro. Nagkukulang sila ng sinseridad at karidad. Ni ang kanilang pagiging katulad ng babae sa kanilang kagutuman sa kahalayan ay hindi nag-udyok sa kanila na maging mapagkawanggawa.

Ako ang naging mapagkawanggawa sa nalulungkot na babae. Ako, Ako lamang, Na dapat nasuklam sa kanya. Ngunit tandaan ito: “Habang mas bumabait ang isa, mas lalong maawain ang isa sa mga may kasalanan”. Ang isa ay di maluwag sa kasalanan mismo. Hindi. Bagkus ang isa ay mas mapagbigay sa mahihinang tao na hindi nakalaban sa tukso.

Tao! O! Mahigit pa kaysa sa isang maselan na tambo at sa isang manipis na gapáng na tanim, madali siyang bumigay sa tukso at kumapit sa kahit na anong makagagawa sa kanya na umasa na makatagpo ng kaaliwan. Sapagkat maraming beses ang kasalanan ay nagagawa, lalo na ng mas mahinang sekso, dahil sa ganyang paghahanap para sa kaginhawahan. Sasabihin Ko kung gayon na siya na walang pagmamahal para sa kanyang asawa, o para sa kanyang sariling anak na babae, ay nubenta pursiyento na may pananagutan para sa kasalanan ng kanyang asawa o ng kanyang anak na babae at siya ay mananagot para sa kanila. Ngunit ang katangahang pagmamahal, na walang iba bagkus ang katangahang pagkaalipin na ipinasusunod ng isang lalaki sa kanyang asawa o ng isang ama sa kanyang anak na babae, at ang pagkait ng pagmamahal o mas malala pa, ang kasalanan ng pambababae na nagdadala sa isang lalaki sa ibang mga pag-iibigan at sa mga magulang sa ibang mga pangangalaga kaysa sa kanilang sariling mga anak, ay mga pangganyak sa adulteryo at sa pagiging puta at sinusumpa Ko nang ganyan.

Kayong mga nilikha ay pinagkalooban ng rason at ginagabayan ng isang dibinong batas at ng isang moral na batas. Ang ibabá ang inyong mga sarili patungo sa asal ng mga mababangis o ng mga hayop ay kailangan na mahintakutan ang inyong dakilang pagmamalaki. Ngunit ang pagmamalaki, na sa kasong ito ay magiging may-pakinabang din, ay ginagamit ninyo para sa ganap na ibang mga bagay.

Tiningnan Ko si Pedro at si Juan sa magkaibang paraan, sapagkat ibig Kong sabihin sa una: “Pedro, tiyakin na hindi ka rin nagkukulang sa karidad at sa sinseridad”, at ibig Ko rin sabihin sa kanya bilang Aking Pontipise sa hinaharap: “Tandaan ang oras na ito at sa hinaharap maghusga katulad ng ginawa ng iyong Guro”; habang sa huli, isang bata-pang lalaki na may kaluluwa ng isang bata, gusto Kong sabihin: “Makapaghuhukom ka, ngunit hindi mo ginagawa, sapagkat ang iyong puso ay katulad ng Akin. Salamat sa iyo, Aking minamahal, sa pagiging labis na Akin, katulad sa maging ikalawang Ako”. Pinaalis Ko ang dalawang disipulo bago Ko tawagin ang babae dahil ayaw Kong palakihin ang kanyang kahihiyan sa pamamagitan ng presensya ng dalawang saksi, Matuto, o walang-awang mga tao. Kahit na gaano makasalanan ang isang tao, siya ay kailangan na tratuhin nang may paggalang at karidad. Hindi kayo dapat na magbunyi sa kanyang pagkasira, hindi kayo dapat maging walang-awa, ni kahit na sa pamamagitan ng mausyosong mga sulyap. Maawa sa mga bumabagsak!

Itinuro Ko sa may-pagkakasalang babae ang daan na kanyang dapat sundan upang matubos ang kanyang sarili: ang bumalik sa kanyang bahay, humingi nang may pagpapakumbaba na mapatawad at makakuha ng kapatawaran sa pamamagitan ng matuwid na pamumuhay;  huwag na muling magpadala sa laman; huwag panghimasukan ang dibinong Kabutihan at ang kabaitan ng tao upang hindi na gumawa ng pagbabayad-sala nang mas grabe kaysa sa kasalukuyan para sa dalawa o mas marami pang kasalanan. Ang Diyos ay nagpapatawad at Siya ay nagpapatawad sapagkat Siya ay Kabutihan. Ngunit ang tao, bagama't sinabi Ko: “Patawarin ang inyong kapatid nang makapitumpung-pito”, ay hindi makapagpatawad nang dalawang beses.

Hindi Ko siya binati nang kapayapaan at hindi Ko binigay sa kanya ang Aking pagpapalà sapagkat hindi siya ganap na nakatikal sa kanyang kasalanan, katulad na ito ang kinakailangan upang mapatawad. Sa kanyang lamang at malas na kahit sa kanyang puso ay wala doon ng pagkakasuka para sa kasalanan. Nang si Maria ng Magdala ay natikman ang Aking Salita, siya ay nasuklam sa kasalanan at pumunta sa Akin, puno ng mabuting kalooban na magbago. Subalit ang babaeng ito ay nag-aalinlangan pa sa pagitan ng mga tawag ng laman at ng mga tawag ng espiritu. At sa loob ng kasabikan ng sandali, hindi pa niya magawang gamitin ang palakol laban sa tuod ng laman at putulin ito upang makapunta, kapag siya ay naputulan na ng kanyang matakaw na bigat, sa Kaharian ng Diyos. Naputulan ng kung ano ang labí, ngunit nadagdagan ng kung ano ang kaligtasan.

Ibig mo bang malaman kung siya ay naligtas? Hindi Ako ang Tagapagligtas para sa lahat. Ibig Kong maging ganito, ngunit hindi Ako naging ganito sapagkat hindi lahat gustong mailigtas. At iyan ang isa sa pinaka nanunusok na mga palaso sa Aking aguniya sa Gethsemane.

Humayo sa kapayapaan, Maria ni Maria, at huwag nang magkasala pa muli, ni kahit sa maliliit na bagay. Sa ilalim ng manta ni Maria ay wala bagkus purong mga bagay lamang. Itanim iyan sa isip.

Isang araw, Maria, ang Aking Ina, ay nagsabi sa iyo: “Nakiusap Ako sa Aking Anak nang may mga luha na ibigay ka sa Akin”. At isa pang beses: “Iniiwan Ko sa Aking Jesus na Ako ay mahalin... Kapag minamahal mo Ako Ako ay pumupunta. At ang Aking pagpunta ay lugod at kaligtasan”.

Gusto ka ng Inay. At binigay kita sa Kanya. Hindi lamang, bagkus, dinala kita roon, sapagkat nalalaman Ko na kung saan Ako makapambabaluktot nang may awtoridad, kukunin ka Niya nang may haplos ng pagmamahal at dadalhin ka Niya roon nang mas mabuti kaysa sa madadala kita roon. Ang Kanyang haplos ay isang selyo na sa harapan nito si Satanas ay tumatakbo. Ngayon nasa iyo na ang Kanyang damit at kung ikaw ay magiging tapat sa mga panalangin ng dalawang Orden, magninilay ka sa lahat ng pamumuhay ng ating Ina araw-araw: sa Kanyang mga lugod at mga kapighatian. Ibig sabihin, sa Aking mga lugod at sa Aking mga kapighatian. Sapagkat mula nang Ako, ang Salita, naging Jesus, Ako ay nagbunyi at umiyak kasama Siya at para sa gayon ding mga rason.

Kung gayon nakikita mo na ang mahalin si Maria ay ang mahalin si Jesus. Ito ay ang mahalin si Jesus nang mas madali. Sapagkat nagagawa kitang dalhin ang krus at nilalagay kita sa krus. Ang Inay sa halip ay dinadala ka o tumatayo sa paanan ng krus upang tanggapin ka sa Kanyang puso na makapagmamahal lamang. At sa oras din ng kamatayan ang sinapupunan ni Maria ay mas kaaya-aya kaysa sa isang kuna. Ang sinuman na hihinga ng kanyang huling hininga sa Kanya, ay walang napapakinggan bagkus mga tinig ng anghelikal na koro na umiikot sa paligid ni Maria. Wala siyang nakikitang kadiliman, bagkus nakikita ang matamis na sinag ng Tala sa Umaga. Wala siyang napapakinggang pag-iyak, bagkus nakikita ang Kanyang ngiti. Wala siyang nalalamang takot. Sa Amin na nagmamahal sa Kanya, sino ang mangangahas na agawin mula sa mga bisig ni Maria ang isang nilikha na Kanya?

Huwag sabihin “Maraming salamat” sa Akin. Pasalamatan Siya, Na ayaw na makaalaala ng kahit na ano tungkol sa iyo, maliban sa kaunting mabuti na ginawa mo at ang pagmamahal na mayroon ka para sa Akin, at iyan kung bakit ginusto ka Niya, upang patigilin sa ilalim ng Kanyang paa ang hindi napatigil ng inyong mabuting kalooban. Sumigaw: “Mabuhay Maria!” At manatili sa Kanyang paanan sa paanan ng Krus.  Maaadornohan mo ang iyong damit ng mga rubi ng Aking Dugo at ng mga perlas ng Kanyang mga luha. Magkakaroon ka ng isang kapa ng isang reyna para sa iyong pagpasok sa Aking Kaharian.

Humayo sa kapayapaan. Pinagpapala kita.»

020911

 

 


Sunod na kabanata