493. Mga Tagubilin sa Daan Patungong Bethany.

Sinabi ni Jesus: «ilalagay mo rito ang bisyon tungkol sa Mapangalunyang Babae ng ika 20 ng Marso 1944.»

--------------------

Setyembre 17, 1946.

Si Jesus ay sinamahan na ang sampung mga apostol at ang pangunahing mga disipulo sa paanan ng Mount of Olives, malapit sa pontanya ng Siloam. Nang makita nila si Jesus na dumarating, naglalakad nang may malalakas na hakbang sa pagitan nina Pedro at Juan, pumunta sila sa Kanya at sila ay nagtagpo malapit lamang sa pontanya.

«Umakyat tayo sa daang Bethany. Iiwanan Ko ang bayan nang matagal-tagal. Habang naglalakad sasabihin Ko sa inyo kung ano ang gagawin» utos ni Jesus.

Kasama sa mga disipulo ay naroon din sina Manaen at Timoneus, na, mga masaya na muli, ay bumalik na sa kanilang lugar. At naroon sina Stephen at Hermas, si Nicolaus, si Juan ng Ephesus, si Juan ang pari, sa maikling pananalita, ang lahat na mas kilala dahil sa kanilang karunungan, bukod sa iba pa, na mga simpleng tao, ngunit napaka aktibo sa pamamagitan ng grasya ng Diyos at ng kanilang sariling mabuting kalooban.

«Iiwanan ba Ninyo ang bayan? May nangyari bang kahit ano?» tanong ng marami.

«Wala. Ngunit may mga lugar na naghihintay para...»

«Ano ang ginawa Ninyo ngayong umaga?»

«Nagsalita Ako... Ang mga propeta... Sa muli. Ngunit hindi nila maintindihan...»

«Walang himala, Guro?» tanong ni Mateo.

«Wala. Nagpatawad Ako at pinagsanggalang ang isang tao.»

«Sino iyon? Sino ang nananakit?»

«Ang mga nag-iisip na sila ay walang kasalanan ay inaakusahan ang isang babae na nagkasala. Niligtas Ko siya.»

«Ngunit kung siya ay isang makasalanan, tama sila.»

«Ang kanyang katawan ay katawan ng isang makasalanan. Ang kanyang kaluluwa... Maraming bagay ang kailangan Kong sabihin tungkol sa mga kaluluwa. At hindi Ko tatawagin na mga makasalanan lamang ang mga na ang pagkakasala ay kitang-kita. May pagkakasala din, ang mga nanunulsol sa iba na magkasala.

«Ngunit ano ba ang ginawa ng babae?»

«Adulteryo.»

«Adulteryo?! At niligtas Ninyo siya? Hindi Ninyo dapat!!» bulalas ni Judas Iskariote.

Si Jesus ay tinititigan siya pagkatapos nagtanong Siya: «Bakit hindi?»

«Sapagkat... baka makasama iyon sa Inyo. Alam naman Ninyo kung papaano sila napopoot sa Inyo at naghahanap ng maibibintang laban sa Inyo! Pihado... Ang magligtas ng isang adultera ay ang sumalungat sa Batas.»

«Hindi Ako sinabi na gusto Ko siyang iligtas. Sinabi Ko lamang na ang mga walang kasalanan ang kailangan na magtapon ng mga bato. At walang nagtapon sa kanya, sapagkat walang sinuman ang walang kasalanan. Kung gayon pinatotohanan Ko ang Batas na nagpapataw ng pambabato sa mga mapangalunya., ngunit niligtas Ko rin ang babae sapagkat wala ni isang magbabato ang natagpuan.»

«Ngunit Kayo...»

«Ginusto mo bang patayin Ko siya sa pambabato? Iyon ay naging hustisya sana, sapagkat maaari Ko siyang batuhin. Ngunit hindi sana iyon naging awa.»

«Ah! siya ay nagsisi! Nangusap siya sa Inyo at Kayo...»

«Hindi... Ni hindi siya nagsisisi. Nalulungkot lamang siya at natatakot.»

«Kung gayon!... Bakit!... Hindi ko na Kayo maintindihan! Dati naiintindihan ko pa kung bakit pinatawad Ninyo si Maria ng Magdala, si Juan ng Endor, at... sa maikling pananalita ang maraming kasalanan...»

«Mas mabuti pang sabihin mo na rin si Mateo. Hindi ko iyan mamasamain. Sa kabaligtaran magpapasalamat pa ako sa iyo sa pagpapaalaala sa akin ng aking pagkakautang ng loob sa aking Guro» sabi ni Mateo kalmado at marangal.

«Oo, si Mateo din... Ngunit pinagsisihan nila ang kanilang mga kasalanan, ang kanilang mabisyong mga pamumuhay. Ngunit ang babaeng ito!... Hindi ko na Kayo maintindihan! Hindi lamang ako ang nag-iisang hindi makaintindi...»

«Alam Ko. Hindi mo Ako maintindihan... Hindi mo Ako kailanman naiintindihan nang mabuti. At hindi lamang ikaw ang nag-iisa. Ngunit hindi niyan nababago ang Aking asal.»

«Ang kapatawaran ay kailangan na ibigay sa mga humihingi para dito.»

«O! Kung ang Diyos ay patatawarin lamang ang mga humihingi ng kapatawaran! At hampasin kaagad ang mga hindi nagsisisi pagkatapos na magkasala! Hindi ka ba nakaramdam na ikaw ay pinatawad bago magsisi? Masasabi mo bang talaga na ikaw ay nagsisi at iyan kung bakit ka pinatawad?»

«Guro, ako...»

«Makinig sa Akin, lahat kayo, sapagkat marami sa inyo ay nag-iisip na Ako ay nagkamali at na si Judas ay tama. Sina Pedro at Juan ay naririto. Napakinggan nila kung ano ang Aking sinabi sa babae at mauulit nila ito sa inyo. Ako ay hindi nagiging tanga sa pagpapatawad. Hindi Ko sinabi ang Aking sinabi sa ibang mga kaluluwa na Aking pinatawad sapagkat sila ay ganap na nagsisisi. Bagkus binigyan Ko ang kaluluwang iyon ng panahon at posibilidad na makarating sa pagsisisi at kabanalan, kung ibig niyang marating ito. Ilagay iyan sa isip kapag kayo ay ang mga guro ng mga kaluluwa.

Kinakailangan na magkaroon ng dalawang bagay upang maging mga guro at maging karapat-dapat ng pagiging mga guro. Ang unang bagay: isang may-kahigpitan na pamumuhay para sa sarili, upang ang isa ay sana makapaghusga nang walang pagkukunwari ng pagsumpa sa ibang mga tao kung ano ang ipinatatawad sa sarili. Ang ikalawang bagay: mapasensyang awa upang mabigyan ang mga kaluluwa ng panahon na makabangon muli at mapalakas ang kanilang mga sarili.

Hindi lahat ng mga kaluluwa ang nakakabangon muli kaagad-agad mula sa mga sugat nito. Ang ilan ay nakakabangon sa pamamagitan ng magkakasunod na mga yugto, na kadalasan ay matagal at maaaring bumalik. Hindi nababagay sa isang espirituwal na doktor na tanggihan, isumpa, takutin sila. Kung palayasin ninyo sila, sila ay tatalbog ulit at itatapon muli ang kanilang sarili sa mga bisig ng huwad na mga kaibigan at mga guro. Laging ibukas ang inyong mga bisig at mga puso sa kaawa-awang mga kaluluwa, upang matagpuan sana nila sa inyo ang totoo at banal na mga pagkakatiwalaan, na sa kaninong mga tuhod hindi sila mahihiyang umiyak. Kung isusumpa ninyo sila pinagkakaitan sila ng espirituwal na tulong, magagawa ninyo sila na maging mas lalo pang di malusog at mahina. Kung gagawin ninyo sila na matakot sa inyo at sa Diyos, papaano nila magagawang itaas ang kanilang mga mata sa inyo at sa Diyos?

Ang tao ay nakakatagpo ang tao bilang kanyang unang hukom. Tanging siya lamang na namumuhay ng isang espirituwal na pamumuhay ang may alam kung papaano tatagpuin ang Diyos muna. Ngunit ang isang nilikha na nakarating na sa pamumuhay nang espirituwal, ay hindi bumabagsak sa malalang mga pagkakasala. Ang kanyang pagiging tao na bahagi ay maaaring mahina pa rin, ngunit ang kanyang malakas na espiritu ay nagbabantay at ang kanyang mga kahinaan ay hindi nagiging malalang mga kapintasan. Samantalang ang tao na napaiilaliman pa rin ng laman at dugo ay nakagagawa ng kasalanan at nakakatagpo ang tao. Ngayon, kung ang tao na kailangan na siyang magtuturo sa Diyos sa kanya at kailangan na magturo sa kanyang espiritu, ay kinatatakutan niya, papaano ang may-pagkakasalang tao susunod nang ganap sa kanya? At papaano niya masasabi: “Pinakukumbaba ko ang aking sarili sapagkat naniniwala ako na ang Diyos ay mabuti at nagpapatawad”, kung nakikita niya na ang isa sa kanyang mga kapwa-nilikha ay hindi mabuti?

Kayo ang dapat na maging takda ng pagkukumpara, ang sukatan ng kung ano ang Diyos, katulad na ang isang barya ay ang bahagi na nagagawa ang isa na maintindihan ang halaga ng isang talento. Ngunit kung kayo ay malupit sa mga kaluluwa, kayong munting mga bahagi na siyang bahagi ng Walang-hangganan at kumakatawan sa Kanya, ano ang kanilang iisipin na kung ano ang Diyos? Anong intoleranteng karahasan ang kanilang iuugnay sa Kanya?

Judas, sa dahilan na ikaw ay isang mahigpit na hukom, kung ngayon lamang sabihin Ko sa iyo: “Isusumbong kita sa Sanhedrin para sa mga pagsasagawa ng salamangka...”.»

«Panginoon! Hindi Ninyo gagawin iyan! Iyan ay magiging... iyan ay magiging... Nalalaman Ninyo na iyan ay...»

«Alam Ko at hindi Ko alam. Ngunit nakikita mo kung papaano ka sumigaw kaagad para sa awa para sa iyong sarili... at nalalaman mo na hindi ka isusumpa nila sapagkat...»

«Ano ang ibig Ninyong sabihin, Guro? Bakit Ninyo sinasabi iyan?» tanong ni Judas nang nananabik, pinuputol si Jesus.

At si Jesus, napakakalmante ngunit may isang sulyap na nanlalagos sa puso ni Judas, at kasabay na napipigilan ang balisang apostol, na tinititigan ng ibang labing-isang apostol at ng maraming mga disipulo, ay nagsabi: «Sapagkat minamahal ka nila. Mayroon kang mabubuting kaibigan doon. Sinabi mo ito nang makailang beses.»

Si Judas ay napabuntung-hininga ng kaginhawahan, pinupunas ang kanyang pawis, na kakaiba sa isang malamig na mahangin na araw, at nagsabi: « Iyan ay totoo. Matatagal nang mga kaibigan. Ngunit hindi sa palagay ko na kung ako ay nagkasala...»

«At iyan ba kung bakit nanghihingi ka ng awa?»

«Oo. Ako ay hindi pa rin perpekto at gusto kong maging perpekto.»

«Nakapagsalita ka ng katotohanan. At ang babae rin na iyon masyadong di pa perpekto. Binigyan Ko siya ng panahon na maging mabuti, kung gugustuhin niya.»

Si Judas ay hindi na tumutugon pa.

Sila ngayon ay nasa daan na ng patungong Bethany, nasa malayu-layong distansiya mula sa Herusalem. Si Jesus ay tumigil at nagsabi: «Naibigay ba ninyo sa mahihirap ang binigay Ko sa inyo? Ginawa ba ninyo ang lahat na sinabi Ko sa inyo?»

«Ang lahat, Guro» tugon ng mga apostol at mga disipulo.

«Bueno, makinig. Pagpapalain Ko na kayo ngayon at palalakarin. Kayo ay kakalat, katulad ng dati, sa buong Palestina. Kayo ay magtitipon dito muli para sa Paskuwa. Huwag pumalyang dumating... At sa loob ng mga susunod na buwan palakasin ang inyong mga puso at ang mga puso ng mga naniniwala sa Akin. Maging mas lalu’t lalo pang makatarungan, di-makasarili, matiyaga. Maging kung ano ang itinuro Ko sa inyo na maging. Umikot sa mga bayan, mga nayon, sa nakahiwalay na mga bahay. Walang iwasan na sinuman. Pagpasensyahan ang lahat. Hindi ninyo pinaglilingkuran ang inyong sariling mga kaakuhan, katulad na hindi Ko pinaglilingkuran ang kaakuhan ni Jesus ng Nazareth, bagkus pinaglilingkuran Ko ang Aking Ama. Paglingkuran din ang inyong Ama. Kung gayon, ang Kanyang mga interes, hindi ang inyo, ay dapat maging sagrado sa inyo, kahit na kung ito ay naghahatid ng kapighatian o ikasasamâ sa inyong pantaong mga interes. Magabayan kayo ng espiritu ng pagtanggi-sa-sarili at ng pagsunod. Baka ipatawag Ko kayo o baka magpasabi Ako sa inyo na manatili sa inyong kinaroroonan. Huwag husgahan ang Aking mga tagubilin. Sundin ang mga ito, maging ano pa man ang mga ito, nang may matatag na paniniwala na ito ay mabuti at ibinigay para sa inyong ikabubuti. At huwag manibugho kung Ako ay nagpadala ng para sa ilan at hindi para sa iba. Nalalaman ninyo... ang ilan ay humiwalay sa Akin... at Ako ay naghihirap dahil diyan. Sila ay ang mga tao na ibig pa rin na kumilos ayon sa kanilang sariling mga kalooban. Ang pagmamalaki ay ang panikwas na nagpapataob sa mga espiritu at ang batubalani na umaagaw sa kanila mula sa Akin. Huwag isumpa ang mga humiwalay sa Akin. Magdasal na sana sila ay bumalik... Ang Aking mga pastol ay mananatiling dalawahan sa kapaligiran ng Herusalem. Si Isaac ay sasama sa Akin pansamantala kasama si Marjiam. Magmahalan sa isa’t isa. At magtulungan. Aking minamahal na mga kaibigan, harinawang ang inyong mga espiritu ay sabihin sa inyo ang lahat na iba pa, pinaaalalahanan kayo ng Aking itinuro sa inyo, at harinawang ang inyong mga anghel ay ulitin ito sa inyo. Pinagpapala Ko kayo.»

Lahat sila ay pinagpatirapa ang kanilang mga sarili habang binibigkas ni Jesus ang pagpapalà ni Moses.  Pagkatapos sila ay nagsiksikan sa paligid ni Jesus binabati Siya. Pagkatapos sila ay umalis habang Siya kasama ang labindalawang apostol, si Isaac at si Marjiam ay nagpapatuloy sa daan ng Bethany.

«Tayo ngayon ay titigil na nang sapat na tagal lamang upang batiin si Lazarus at pagkatapos tayo ay magpapatuloy patungo sa Jordan.»

«Tayo ba ay pupunta ng Jericho?» tanong ni Judas nang may interes.

«Hindi. Sa Betharabah.»

«Ngunit... gabi...»

«Walang kakulangan ng mga bahay at mga nayon mula rito hanggan sa ilog...»

Wala nang nagsasalita pa at bukod sa paglagaslas ng mga punong-olibo at ng pagkaluskos ng mga paa, wala nang iba pang ingay ang maririnig.

030911

 


Sunod na kabanata