494. Sa Nayon ni Solomon at sa Loob ng Kanyang Bahay.

Setyembre 18, 1946.

Upang hindi makita ng mga tao pumasok sila sa nayon kung nasaan ang bahay ni Solomon, naglalakad sa tabi ng pampang ng ilog. Ngunit sasabihin ko na ang pag-iingat ay labis na hindi kinakailangan, sapagkat dumidilim nang maaga sa mga gabi ng Nobyembre o ng katapusan ng Oktubre at ang mga tao ay nasa mga bahay na. Walang sinuman, absulutong walang sinuman ang nasa kalsada at kung ang ilang mga paghuni ay hindi marinig, sasabihin ng isa na ang lugar ay iniwanan ng mga tao.

Inuga nila ang maliit na geyt. Ito ay nakasarado. Saradung-sarado sa pamasukan ng maliit na pangkusinang-hardin, na nagmumukhang napakalinis sa kalabuan ng liwanag.

«Tawagin siya! Siya ay nasa kusina. Ang isang manipis na liwanag ay lumalabas sa pamamagitan ng mga persiyana» sabi ni Jesus.

Si Tomas ay nagkusa na tawagin sa pamamagitan ng kanyang malakas na tinig ang matandang lalaki na binuksan naman kaagad ang pinto at tumingin patungo sa kalsada. Siya ay hindi nakatitiyak dahil sa malabong liwanag sa labas, lalo na dahil siya ay nanggagaling sa kusina kung saan ay may isang apoy at isang lampara na nakasindi.

Ngunit nang sinabi ni Jesus: «Kami ito», ang matanda ay nakilala ang tinig kaagad at sumigaw: «Ang Guro!» at binababa ang pangkabukiran na baytang tumakbo siya upang magbukas.

«Aking Panginoon! Pasok, pasok Kayo sa loob ng Inyong bahay, at harinawang ang araw na ito ay pagpalain sapagkat nagtatapos ito sa pamamagitan ng Inyong pagdating!» sabi niya nagdadali-dali sa panara ng geyt at siya ay nagpapaliwanag: «Ako ay nag-iisa at isinara ko nang mabuti ang geyt. Ang mga magnanakaw ay nagagawa ang kahit ano. May ilan na gumagawa ng kapinsalaan ngayon sa isang lugar pagkatapos sa isa pa, at sila ay bumababa mula sa mga bundok ng Gilead. Ito ay hindi na ako ay natatakot para sa aking buhay. Bagkus naghanda ako para sa Inyo at... Naririto, Guro. Halikayo. Ngayon ay basang gabi. Ang Inyong buhok ay basa ng hamog...»

«At mas masigasig ka pa kaysa sa nobya ng Awit ng mga Awit, ama. Ang problemang iyong hinaharap upang salubungin ang Peregrino ay walang anuman sa iyo» sabi ni Jesus ngumingiti.

«Problema? Gaano katagal naging ang panahon ngayon! Ang isang araw pagkatapos ang susunod, ang isa pagkatapos ang susunod. Itinanim ko ang inyong binhi at nakita ko ang mga gulay na lumaking maganda. Madalas kong sabihin: “Kung Siya ay dumating, tiyak na magugustuhan Niya ito”. Ngunit sila ay nahinog at hindi Kayo dumating... At nakita ko ang bunga na kinulayan ang mga punungkahoy at kumain ako ng mga ito nang malungkot, sapagkat hindi Kayo nagkaroon ng kahit ano. Ang inahing tupang iyon ay nabigyan ako ng isang kordero, isang ganap na puting kordero. Itinago ko iyon nang gayon katagal na panahon upang kainin iyon na kasama Kayo. Umaasa ako na makikita ko Kayo bago ang mga Tabernakulo. Pagkatapos... isang kordero lahat para sa akin... Labis-labis! Ipinagpalit ko iyon para sa isang maliit na tupa, at naging mabuti sila sa akin, sapagkat hindi sila nangailangan ng kahit na ano upang mabalanse ang usapan. Ngunit nagtabi ako hangga't magagawa ko ng labis na prutas at keso para sa Inyo, pati na rin ilang dinaing na isda at mga legumbre at mayroon pa akong ilang mga melon. At kaunting alak... at hindi ako umiinom ng kahit ano, ngunit gumawa ako ng ilan para sa Inyo, para sa taglamig na panahon.»

Siya ay nagsasalita habang naglilinis ng mesa, inilalatag niya ang mga kagamitan sa mesa at sinusundot ang apoy, nagdadagdag siya ng tubig sa palayok at inaabala niya ang kanyang sarili nang masaya. Hindi na siya nagmumukhang katulad ng kaawa-awang matandang lalaki ng mga ilang buwan na nakaraan.

Siya ay lumabas at bumalik na may dala ng ilang gatas at nagsasabi siya humihingi ng paumanhin: «Kaunti lamang ito sapagkat iisang inahin lamang ang nagbibigay ng ilang gatas. Ngunit magiging dalawa na ito malapit na. Sapat na iyan para sa Inyo, gayunman.»

Siya ay makaama; deboto at makaama nang magkasabay. Kinuha niya ang basang mga manta at ang maruruming sandalyas at dinala ito sa kung saan. Siya ay nakabalik na may dalang ilang mansanas at mga granada at mga ubas at ilan ding igos na medyo tuyo at sinabi niya: «Pinatuyo ko sila nang ganyan, upang matikman man lamang Ninyo sila. Iniisip ko... iniisip ko ang aking Ananias na gustung-gusto ito kapag naihanda nang ganyan!...» Ang kanyang tinig na dati banayad, ay bumaba sa pagiging isang malungkot na tono habang sinasabi ang mga salitang iyon at siya ay nagtatapos: «at... inisip ko na magugustuhan Ninyo sila at habang inihahanda ko sila naramdaman ko na tila inihahanda ko sila para sa anak ng aking anak.» Iniiling niya ang kanyang ulo, nagsisikap siyang ngumiti, na ang kanyang mga mata nagniningning sa mga luha.

Si Jesus, Na nakaupo na sa mesa, ay tumayo, at ipinapatong ang isang kamay sa paligid ng kanyang mga balikat, kinabig Niya siya sa Kanyang Sarili nagsasabing: «Gustung-gusto Ko sila. Nagpapaalaala sila sa Akin ng Aking kabataan... at ng tungkol sa Aking ama. Ngunit hindi mo kailangan na pagkaitan mo ang iyong sarili ng napakaraming mga bagay dahil sa Akin. Sila ay mabuti para sa matatandang tao. Kailangan mong manatiling malusog at malakas upang mapatuloy mo Ako nang ganito sa tuwing Ako ay darating. Napakagandang makatagpo ng isang tahanan na katulad nito, na may isang ama na naghihintay para sa amin. Tama ba iyon, Aking mahal na mga kaibigan?»

«Iyan ay talagang tama. Napakagandang lumalaki tayong tamad sa halip na tulungan si Ananias» sabi ni Pedro at siya ay tumayo bumubulalas: «Sige na, tayo na at ihanda ang ating mga kama habang nagsasalita si Jesus sa kanya.»

«O! Hindi na iyan kinakailangan! Sila ay laging nakahanda. At ang lahat ay malinis... Ang tanging bagay lamang ay... sila ay hindi sapat. Kayo ay mahigit pa sa labindalawa. Ngunit lalakad ako at mahihiga sa mga dayami at...»

«Tiyak na hindi ninyo gagawin, ama. Kung gayon ako ang lalakad» sabi ni Juan.

«Hindi, ako» sabi ni Andres at ng iba.

«Wala nang pangangailangan ng ganyan, matutulog ako rito sa ibabaw ng mesang ito. Ito ay tiyak na hindi matigas kaysa sa mga tabla sa ilalim ng aking bangka, at si Marjiam...» sabi ni Pedro.

«... ay matutulog kasama Ko» sabi ni Jesus pinuputol siya.

«O kasama ko, kung gugustuhin mo... katulad ng madalas gawin ng maliit na Ananias» sabi ng matanda nang may nangungusap na mga mata.

«Oo, Guro. Lagi Ninyo akong nakakasama. Siya... sasama ako sa kanya» sabi ni Marjiam.

Si Jesus ay hinahaplos siya pinahahalagahan ang kanyang pagkusa.

«Sila ay pumunta nang makailang beses naghahanap para sa Inyo pagkatapos ng Pentekostes.  Pagkatapos tumigil sila sa pagdating» sabi ng matandang lalaki.

«Sino ang naghahanap para sa Kanya?»

«Mga Pariseo, hoy! At iba pang katulad nila. Ibig nilang tanungin Kayo. Ngunit sinabi ko: “Nakaalis na Siya papunta sa Kanyang nayon. Siya ay wala rito, at hindi ko alam kung kailan Siya pupunta rito... Iyon ang katotohanan. At napagod sila sa pagpunta-punta. At may hinahanap sila na isa pang tao, isang nagngangalan na Juan, at sinabi nila na siya ay kasama Ninyo at baka iniisip nila na siya ay nagtatago rito. Sinabi ko sa kanila: “Ngunit iyan ay ang apostol at siya ay kasama Niya”. Sila ay tumugon: “Ang Kanyang bang apostol ay bulag ang isang mata? Siya ba ay matanda, may sakit, namamatay?”. Nabatid ko na iyon ay hindi ikaw at ako ay tumugon: “Kilala ko lamang si Juan, ang apostol, isang bata-pang lalaki na mas mabait pa kaysa sa isang bata at may mabuting puso at katawan”. Tinakot nila ako. Ngunit ano pang iba ang aking masasabi? Iyan ang katotohanan...»

«Oo, iyan ang katotohanan. At maging laging makatotohanan; kahit na kung kailangan na masaktan mo Ako, ama, huwag kailanman magsinungaling.»

«Panginoon, ang aking buhok ay namuti na at lagi akong nagsikap na sundin ang Panginoon. At sa mga utos na kailangang sundin, nariyan din ang huwag magsinungaling. Ngunit... bakit nila Kayo hinahanap, Panginoon? Ako ay bulag noon. Kung kaya't hindi na ako pumupunta sa Herusalem. Ako ay bumalik ngayon... Tanging para lamang sa ritwal. Sapagkat gusto kong naririto ako naghihintay para sa Inyo... At nakadama ako ng poot at pagmamahal sa paligid Ninyo... at naisip ko na may mas maraming poot kaysa pagmamahal sa pagitan ng mga hepe ng mga tao. Ako ay nasa Templo noong umagang iyon kung kailan ibig nila Kayong saktan... at ako ay lumayas dahil ako ay nalungkot at pumunta ako rito upang maghintay para sa Inyo at umiyak. Bakit ang tao napakasamâ?»

«Sapagkat napatay na niya ang kanyang espiritu. At kasama ng kanyang espiritu ay ang kanyang kakayahan na makaramdam ng paninisi ng konsiyensya sa pagiging di-makatarungan.»

«Iyan ay totoo!... At sila ba ay naghahanap para sa Inyo upang saktan Kayo?»

«Oo, iyan ang paghahanap nila.»

«Oo! Ang Israel ay gustong saktan ang Hari nito? Gaano nakakatakot ang Israel isinusumpa ang kanyang sarili sa inihulang mga kaparusahan!... O! ako ay natutuwa, ngayon, na ang aking anak ay patay na... at gusto kong mamatay na mismo upang hindi makita ang kasalanan ng Israel...»

Nagkaroon ng lubos na katahimikan. Tanging ang pamimitik lamang ng nasusunog na kahoy sa paapuyan ang maririnig.

«Tayo ay mag-usap ng tungkol sa ibang bagay! Wala tayong pinag-uusapan bagkus kamatayan, poot, pagtataksil! Tama na iyan! Hindi ko na iyan matagalan!» sabi ng Iskariote, na nababalisa, galít, ligalíg at palakad-lakad sa kusina pakumpas-kumpas ang mga paa nang nananabik, ang kanyang mga kamay, ang kanyang buong katawan.

«Tama si Judas» sabi ng marami.

«Ang katotohanan na ang isa ay ayaw na makarinig, ay walang kapararakan. Ang makakatulong ay ang huwag sumang-ayon» sabi ni Jesus, binubukas ang Kanyang mga kamay sa ibabaw ng pangkabukirang mesa, na ang Kanyang mga palad nasa ibabaw, sa pagpapakita ng pagtanggap.

«Ano ang ibig Ninyong sabihin? Ang sumang-ayon! Sino ang sumasang-ayon diyan?» si Judas, yumuyuko sa mesa, halos humihiga rito upang malapitan ang Guro, ay inuuga ang kanyang mga kamao halos sa mukha ni Jesus.

«Sino? Ang lahat na nangangarap nang makita Akong mamatay sa Aking dugo. Sa dugo! Sa dugo ng iyong Mesiyas! Dugo sa iyo, o Lupa, na ayaw sa iyong Panginoon! Isang dugo na mas matingkad pa kaysa sa mga apoy na iyon! Dugo, isang apoy sa yelo at kadiliman ng isang kriminal na mundo! Umaasa silang mapatay ang Liwanag sa pagkait dito ng dugo nito. Ngunit ang Liwanag ay espiritu; ang dugo ay materyal pa rin. Ang materyal ay nagpapabigat sa espiritu. Ang dugo nakakalat sa ibabaw ng mukha ng isang mica ay pinalalabo ang liwanag, hindi ba? Bueno, sasabihin Ko sa inyong totoo na katulad na ang kahoy na iyon ay hindi nagningning hanggang sa iyan ay naging apoy at ang mga resina niyan nagiging apoy naging kaningningan, at ngayon iyan ay isang maliwanag-na-maliwanag na panlilisik, kung gayon kapag ang lahat ay nakumpleto na at ang dugo at laman ay naubos na ng sakripisyo, diyan, katulad ng apoy na iyon doon, na binago ang lahat sa pagiging liwanag, ang Aking espiritu ay magniningning nang mas matingkad kailanpaman sa mundo at Ako ay magiging mas higit pa kailanman ang Liwanag. Isang ganyang Liwanag na masisilaw nito magpakailanman ang mga napopoot sa Liwanag at patayin ito. Isang ganyang Liwanag na ang ginintuang mga geyt ng Langit ay matutunaw pagkatapos na maging sarado sa Sangkatauhan nang mahabang panahon at ang Langit ay magiging bukas sa makatarungan. Isang ganyang Liwanag na lalagusin nito ang mga bato na pumoporma na arko ng Kalaliman at ang matinding apoy ng Impiyerno ay magiging sukdulan na matindi sa ilalim ng mga kidlat ng Aking mga sinag. At kapahamakan sa mga naglatag ng mga patibong sa Liwanag! Ang Dugo at Liwanag! Ang dalawang bagay na iyan ay mapupunta sa harapan nila hanggang sa sila ay maging baliw at mawalan ng pag-asa. Mga dimonyo!»

Si Jesus, Na tumayo nang Siya ay nagsasabing: «Sasabihin Ko sa inyong totoo» at nakakatakot, napaka-mapangibabaw sa loob ng mababang madilim na pinaderan na kusina, habang ang kaningningan ng mga apoy ng paapuyan ay pumoporma ng isang sinag sa ibabaw ng Kanyang ulo, ay naupo at naging tahimik.

Lahat sila ay nagtinginan sa isa’t isa, maliban kay Judas, na tila nagagayuma tinitingnan ang gatong na kahoy na umaapoy... Nagagayuma o natatakot. Isang pagkatakot na naghahayag ng isang nakapangingilabot na maskara sa kanyang mukha, ng medyo berdeng kaputlaan ng parang patay na tao, na nakukulayan ng pula ng nasusunog na kahoy. Nagpapaalaala ito sa akin ng kanyang nakapangingilabot na mukha noong Biyernes Santo. Pagkatapos bigla na lamang siyang tumalikod at sumigaw: «Maging tahimik! Maging tahimik! Bakit Ninyo kami pinasasakitan?!» at lumabas siya binabagsak ang pinto...

«Kanyang pamamaraan, iyan ay totoo. Ngunit minamahal niya Kayo nang labis... at naghihirap siya naririnig ang ilang mga salita» sabi ni Tomas. At siya ay naghinuha: «Nasasaktan din kami nito nang labis! Ngunit kami ay hindi labis na kakaiba, sabihin na natin... kakaiba...»

Walang nagsasalita. Si Jesus din ay tahimik...

«Ang mga gulay ay luto na, ang gatas ay mainit-init na...» sabi ng matandang lalaki sa isang mababang tinig, dahil siya ay natakot at halos hindi na siya mangahas na magsalita ng pangkaraniwang mga salita pagkatapos ng nangyari...

«Tawagin si Judas at tayo ay maghapunan» utos ni Jesus.

Si Juan ay lumabas at tinatawag ang kanyang kasamahan. Sila ay pumasok muli... Si Judas ay nagmumukhang pinahirapan. Ngunit isang pagpapahirap na walang kapayapaan... Ngunit siya ay naupo sa mesa at siya tumayo katulad ng iba nang si Jesus ay nag-aalay at nagpapalà at siya ay tumitingin nang patago sa Kanya nang iniaabot Niya ang mga parte pinahúhuli ang para sa Kanyang Sarili.

Ang bawat isa ay ibig na mapaalis ang kalungkutan na naghahari sa loob ng silid, ngunit walang nagtatagumpay hanggang kinakausap ni Jesus ang matandang lalaki tinatanong siya kung ang maliit na nayon at ang kalapit na mga lugar ay tinanggap ang salita ng Panginoon.

«Oo, Guro. At tinanggap nila ito nang napakaganda. Sasabihin ko mas maganda rito kaysa sa kabila ng ilog. Alam Ninyo na si Juan Bautista ay nabubuhay pa rin sa alaala ng lahat rito, at ang kanyang mga disipulo, na ngayon ay sa Inyo na, ay pinananatili itong sariwa at sa pamamagitan ng kanyang mga salita nagagawa nila Kayo na makilala. At pagkatapos dito ay walang maraming mga Pariseo sa Perea at sa Decapolis. Kung kaya't.»

040911

 

 


Sunod na kabanata