495. Si Jesus at si Simon ni Jonas.

Setyembre 20, 1946.

Hindi ko alam kung nasaan ako. Tiyak na wala na sa lambak ng Jordan, bagkus sa mga bundok na nagpapanabi rito, sapagkat nakikita ko ang berdeng lambak at ang magandang asul na ilog sa ibaba, habang ang mga taluktok  ng napakatataas na bundok ay umuusli mula sa malawak na kapatagan sa itaas umuunat nang pasilangan ng Jordan.

Nakikita ko si Pedro, nag-iisa sa ibabaw ng maliit na pagtaas ng lupa, nakatitig nang pahilagang-silangan at nagbubuntung-hininga nang malungkot. May ilang panggatong na mga kahoy sa kanyang paanan at ito ay tiyak na pinulot sa mga kakahuyan na nagtatakip sa burol na ito. Isang maliit na nayon ang nakalugar sa pagitan ng kaberdehan. Si Pedro ay totoong pinanghihinaan ng loob. Siya ay nagtatapos sa pag-upo sa ibabaw ng kanyang bigkis ng mga panggatong hawak ang kanyang ulo sa kanyang mga kamay, lubos na nakakuyukot. Siya ay nananatiling ganito, nakakalimutan ang oras at ang lahat, siya ay babad-na-babad sa sarili na ni ang ilang mga bata na dumaraan na may hilang ilang sumpunging maliliit na kambing ay hindi siya magising. Ang mga batang lalaki ay tinitingnan siya at pagkatapos tatakbo, hinahabol ang kanilang mga kambing, patungo sa nayon. Ang araw ay lumulubog nang dahan-dahan at si Pedro ay hindi gumagalaw.

Si Jesus ay naglalakad sa isang landas na umaakyat mula sa nayon patungo sa maliit na burol. Siya ay naglalakad nang dahan-dahan at umiiwas na makagawa ng ingay. Narating Niya nang ganyan ang lugar kung saan si Pedro ay nakaupo. At tinawag Niya siya nakatayong tuwid sa harapan niya: «Simon!»

«Guro!» si Pedro ay nabigla, tinataas ang kanyang ulo at nagmumukhang balisa habang binibigkas ang salitang iyon.

«Ano ang ginagawa mo, Simon? Ang lahat ng iyong mga kasama ay nakabalik na. Ikaw na lamang ang tanging nawawala at kami ay nag-aalala. Labis-labis na ang iyong kapatid at ang mga anak ni Zebedeo kasama si Tomas at si Judas ay kumalat sa buong mga kabundukan, habang ang Aking kapatid kasama sina Isaac at si Marjiam ay bumaba patungo sa kapatagan.»

«Paumanhin... Humihingi ako ng paumanhin para sa pagdulot ng kirot at problema...»

«Ang iyong mga kasama ay gustung-gusto ka... Si Judas ang unang naging balisa at pinagalitan niya si Marjiam sa pagpapabaya sa iyo na makaalis ka nang nag-iisa.»

«H’m!...»

«Simon, anong nangyayari sa iyo?»

«Wala, Guro.»

«Ano ang ginagawa mo rito, nag-iisa lamang sa maliit na burol na ito, habang dumidilim na?»

«May tinitingnan ako...»

«Maaaring may tinitingnan ka, Simon. Ngunit wala kang tinitingnan ngayun-ngayon lamang... Ilang mga bata ang dumaan malapit sa iyo at halos natakot sila na ikaw ay patay na sapagkat yukung-yuko ka sa sarili mo mismo. Tumakbo sila sa kulungan na nagbigay sa atin ng matutuluyan at sinabi nila sa Akin. Ako ay pumunta... Ano ang tinitingnan mo, Simon?»

«Nakatingin ako... nakatingin ako patungo sa Ramoth Gilead, patungo sa Gerasa, Bozrah, Arbela... yung ating paglalakbay noong nakaraang taon, napakaganda, napaka. Ang Ina ay kasama natin! Ang mga babaeng disipulo... Si Juan ng Endor. Ang mangangalakal... Kahit na siya ay mabait at nakatulong na magawa ang paglalakbay na kaaya-aya. Gaano nagbago ang maraming bagay! Gaano ang kaibahan at gaano kalabis na kapighatian!... Iyan ang aking tinitingnan: ang nakaraan.»

«At ang hinaharap, Aking mahal na Simon.» Si Jesus ay naupo sa ibabaw ng bigkis ng mga panggatong sa tabi ni Pedro at nagpatong ng isang kamay sa kanyang mga balikat nagsasalita sa kanya: «Nakatingin ka sa orisonte... at ang kalungkutan ay pinalabo ito. Ang kasalukuyan, katulad ng isang ipu-ipo, ay nagtataas ng nakakatakot na mga ulap at itinatago sa iyo ang banayad na alaala na puno ng mga pangako at pag-asa, at tinatakot ka nito. Simon, napapailalim ka sa isa sa mga oras ng kalungkutan at pagkainip, na natatagpuan ng ating kalikasang pantao sa daan. Walang sinuman ang libre sa mga ito, sapagkat ang mga oras na iyan ay nadala niya na napopoot sa tao. At habang mas naglilingkod ang tao sa Diyos, mas lalong nagsisikap si Satanas na takutin at pagurin siya upang mailayo siya sa kanyang ministeryo. Nakapailalim ka rin sa isang oras ng kapaguran. Napapagod ka ng mapilit na mga pang-uusig laban sa iyong Guro. At sa huli – at hindi mo nalalaman na ito ay hindi ikaw, bagkus ito ay ang Manunukso – napapakinggan mo ang isang tinig na bumubulong sa iyo: “At bukas? Ano ang mangyayari bukas?»

«Panginoon, iyan ay totoo. Binabasa Ninyo ang aking puso. Ngunit nakikita rin Ninyo na kung itanong ko ang katanungan na iyan, iyan ay hindi dahil natatakot ako para sa aking sarili. Ito ay sapagkat... Hindi. Hindi ko kailanman matatagalan na makita Kayong pinahihirapan... Madalas Kayong magsalita ng tungkol sa krimen, ng tungkol sa pagtataksil. Ako... O! hindi lamang ako! Gaano karami, lalong-lalo na ang matatandang tao, ang humingi sa Inyo na sila ay pabayaan na mamatay bago makita nila ang kanilang Hari na sinasaktan? At ako!... Ako, alam Ninyo, Kayo ay ang lahat para sa akin. Wala akong interes sa kahit anong bagay bagkus sa Inyo.  Ito ay hindi sa katulad ng sinasabi ni Judas, pagkagiliw sa aking bangka at para sa aking asawa... Tingnan: makikita Ninyo kung ako ay nagsasalita ng katotohanan. Ako ay nagpumilit nang labis na makuha si Marjiam. Ang aking pagiging-tao ay ginusto ang magkaroon man lamang ng isang ampon na anak bilang kapalit ng mga anak na hindi naibigay sa akin ng aking asawa pinahihiya ang aking pagkalalaki na ibig na mapalawig. Ngunit ngayon, ngunit sa kasalukuyan ako...minamahal ko siya. Ngunit kung kailangan na kunin Ninyo siya sa akin, ako ay hindi magrereklamo. Sasabihin ko lamang sa Inyo... Hindi! Wala akong sasabihin na kahit na ano!»

«Sasabihin mo lamang sa Akin? Magpatuloy.»

«Wala itong silbi, Guro.»

«Sabihin mo sa Akin!»

«Sasabihin ko: “Ibigay siya sa sinuman na magpapalaki sa kanya bilang isang makatarungan na tao, mas mabuti kaysa sa magagawa ko”. Wala nang iba pa! O kung baga... at akin itong sinasabi sa Inyo, umiiyak, para sa kanya, para sa aking sarili, para sa aking kapatid, at para rin kay Juan at Santiago... at para rin sa iba pa, ngunit kami... kami  ay ang Inyong mga una...» Si Pedro ay bumagsak sa kanyang mga tuhod, nakasandal sa mga tuhod ni Jesus, nang may nakataas na mga kamay, ang mga palad na sa ibabaw, nangungusap, habang ang mga luha ay dumadaloy sa kanyang mga pisngi at nawawala sa kanyang balbas... «...sinasabi ko ito para sa aming mga sarili: gawin kaming mamatay, kunin kami bago kami... O! iniisip ko, ako ay lagi nang nag-iisip, sa loob ng maraming mga buwan – at nakikita Ninyo kung ito ay isang kaisipan na nagpapasakit sa akin at ginagawa akong tumanda, ito ay isang di napuputol na takot na ni hindi ako iniiwan kapag ako ay natutulog – iniisip ko na, kung ito ay magiging ayon sa Inyong sinasabi, maaaring ako ang maging traydor, o si Andres, o si Juan, o si Santiago, o si Marjiam... At kung hindi kami makarating sa sukdulan na iyan, maaaring ito ay ang isa sa mga binanggit din Ninyo tatlong gabi na ang nakararaan sa bahay ni Ananias, isa sa mga umaabot sa sukdulan na ginugusto ang kunin ang Inyong Dugo, ang isa, ang isa rin ng mga na, dala ng karuwagan, ay hindi ito masalungat at sila ay papayag sa kasamaan para sa takot sa kasamaan... ako... kung ako ay kailangan na pumayag lamang sa pamamagitan ng di pagtugon, dala ng takot... Guro, o! aking mahal na Guro, papatayin ko ang aking sarili upang parusahan ang aking sarili, o... papatayin ko ang Inyong mga mamamatay-tao, kung matatagpuan ko sila. Ako... kung ayaw Ninyo iyan, gawin akong mamatay bago pa, kaagad, dito... Ang buhay ay wala, ngunit ang mabigo na mahalin Kayo... Ang maging isa sa mga iyon... ang maging... ang makakita at hindi...» Siya ay bagabag-na-bagabag na nagkukulang siya pati ng mga salita. Yumuyuko siya na ang kanyang mukha nasa mga tuhod ni Jesus lumuluha ng mapapait na luha, ang mga luha ng isang magaspang na maedad na lalaki, hindi sanay sa pag-iyak, nababalisa ng napakaraming mga damdamin.

Si Jesus ay pinapatong ang Kanyang isang kamay sa ulo ni Pedro na tila ibig niyang pakalmahin ang kanyang kapighatian at maalis ang bawat nagpapabalisang kaisipan at sinabi Niya: «Aking mahal na kaibigan, at sa palagay mo ba na kahit kung ikaw ay ganyan... na hindi maging perpekto sa oras na iyan, ang Panginoon, Na makatarungan, ay hindi titingnan ang iyong pagkakamali sa bigat ng iyong pagmamahal at sa iyong kasalukuyan na mabuting kalooban? Natatakot ka ba na ang ginintuan na pagmamahal at kalooban na ito ay magiging mas magaan kaysa sa pansamantalang pagka di-perpekto, at magiging di sapat na makakuha para sa iyo ng pagpapatawad mula sa Diyos, at sa pamamagitan ng pagpapatawad na iyan lahat na tulong upang maging ikaw mismo muli, Aking minamahal na Pedro?»

«Gawin akong mamatay! Iligtas ako! Natatakot ako!»

«Ikaw ay ang Aking Bato, Simon. Madudurog Ko ba ang Bato kung saan Aking itatayo Siya na siyang magpapanatili sa Akin sa Lupa?»

«Hindi ako karapat-dapat niyan. Nararamdaman ko ito. Ako ay isang kaawa-awang mangmang na tao, isang makasalanan. Ang lahat na masasamang kiling ay nasa akin. Hindi ako karapat-dapat, hindi ako karapat-dapat! Ako ay magiging balakyot. Isang mamamatay-tao. Ang lahat na masasama... Gawin akong mamatay. Nababatid ba Ninyo na kung malalaman ko kung sino ang napopoot sa Inyo...»

«Ang lahat ng mundo ay napopoot sa Akin, Simon. Kailangan natin na magpatawad...»

«Ako ay nagsasalita tungkol sa pinaka may-kagagawan. Maaaring mayroong pinaka-isa at...»

«Magkakaroon ng maraming isa, at ang bawat isa ay magkakaroon ng kanyang pinaka gagawin...»

«Alin na gagawin? Iyon na... O! Huwag Ninyong gawin kong sabihin ito! Ngunit ako...»

«Ngunit kailangan mong magpatawad, katulad Ko at kasama Ko. Bakit balisang-balisa ka, Simon, iniisip ang baka magawa mo upang magparusa? Iwanan ang gawain na iyan sa Panginoon. Kailangan mong magmahal at magpatawad, maging mapagpalayaw at magpatawad. Sila, ang lahat na mananakit laban sa iyong Jesus, ay nangangailangan ng labis upang matulungan na mapatawad!»

«Walang kapatawaran para sa kanila.»

«O! gaano ka kahigpit sa iyong mga kapatid, Simon! Siyempre may kapatawaran din para sa kanila, kung itutuwid nila ang kanilang mga pamamaraan. Nakapanghihilakbot ito kung ang lahat na mananakit sa Akin ay hindi dapat na patawarin! Halika ka na, tumayo, Simon. Ang iyong mga kasamahan ay mas nag-aalala na ngayon, nakikita na ni Ako ay wala rin sa kulungan ng mga tupa. Ngunit kahit na sa sila ay maghirap nang kaunti pa, tayo ay magdasal bago pumunta sa kanila. Tayo ay magdasal nang magkasama. Wala nang iba pa na kailangan gawin upang makuha muli ang kapayapaan, espirituwal na lakas, pagmamahal, awa... para rin sa atin mismo. Ang panalangin ay nagpapaalis sa mga guniguni ni Satanas, at nagagawa tayo na maging mas malapit sa Diyos. At na ang Diyos malapit sa atin mahaharap at malalabanan natin ang lahat nang may katarungan at may merito. Tayo ay magdasal nang ganyan, ikaw at Ako magkasama, dito, mula sa bundok na ito, mula kung saan labis ng ating Amangbayan ang makikita, katulad na ang Pangakong Lupa ay nakita ni Moses mula sa bundok ng Nebo. Tayo ay mas masuwerte kaysa sa kanya, sapagkat dinadala natin ang Salita at Kaligtasan sa Lupa na magiging pag-aari ng Kristo. Ako muna, pagkatapos ikaw. Tingnan! Ang mga bundok ng Judaea ay nakikita pa rin sa huling liwanag. Ngunit sa ibayo nila ay nariyan ang kapatagan, ang dagat, pagkatapos ang iba pang mga lupain, ang mundo... Sila ay naghihintay para sa iyo, Pedro. Sila ay naghihintay para sa iyo upang matutunan na mayroong totoong Diyos. Isang Diyos Na magbibigay ng totoong liwanag sa mga kaluluwa na nangangapa sa kadiliman ng Hentilismo at idolatriya. Tingnan: ang makalupang liwanag ay lumalabo. Papaano hindi maliligaw ang mga manlalakbay sa loob ng walang-liwanag na gabi? Ngunit nariyan ang Polong-Tala. Ito ay tumataas na upang gabayan ang mga manlalakbay. Ang Aking Relihiyon ay ang magiging ang tala na gagabay sa espirituwal na mga manlalakbay sa daan patungo sa Langit. At ikaw ay magiging kaisang-kaisa nito katulad na maging isang liwanag lamang kasama Ako at ang Aking Doktrina, Aking mahal na Pedro, Aking pinagpalang Bato. Tayo ay magdasal para sa oras na iyan kung kailan ang mga tao ay maliligtas sa pamamagitan ng Aking Pangalan. “Ama namin Na nasa Langit”...»

Binibigkas Niya ang «Ama Namin» nang dahan-dahan, hinahawakan si Pedro sa kamay, at tila pinipresenta Niya siya sa Ama, habang itinataas Niya ang Kanyang mga bisig at kamay, na ang kaliwang kamay ng apostol nasa Kanyang kanan.

«At ngayon tayo ay bumaba na. At ating iwanan dito ang kahit anong walang-silbing kalungkutan at mga alalahanin tungkol sa bukas. Kasama ang ating pang-araw-araw na tinapay ang Ama ay ibibigay sa atin ang Kanyang tulong para bukas at para sa bawat bukas. Kumbinsido ka ba, Simon?»

«Oo, Guro, pinaniniwalaan ko iyan» sabi ni Pedro nang may-pasya; hindi na siya nagmumukhang balisa, bagkus may-paghihigpit, katulad na siya ay ganito sa loob ng marami-raming mga buwan, upang siya ay tila ibang-iba sa magaspang na mapágpatawáng mangingisda ng unang dalawang taon.

Sila ay bumababa, nauuna si Jesus, sinundan ni Pedro dala ang kanyang bigkis ng mga panggatong at halos sa unang bahay ng nayon nasalubong nila ang nag-aalalang mga tao.

«Ngunit saan ka nagpunta?» tanong nila kay Pedro sumisigaw.

«Kanina pa sana kami rito, ngunit Ako ay tumigil kasama siya, nagsasalita at nakatingin pagawing Gerasa...» tugon ni Jesus sa katauhan niya.

Sila ay pumunta sa kanan, patungo sa mga labi ng medyo gibang kulungan ng mga tupa. Sa loob ng isang gawa-sa-kahoy na bakod,  na ang kalahati nito ay bumagsak at ang natitira maamag at pagiray-giray, ay may isang silungan na hindi maganda ang pagkakatakip at masama ang pagkakasarado ng mga pader sa tatlong tabi at ang ikaapat na tabi ay nilagyan ng mga tabla. Walang kahit ano sa loob, maliban sa ilang mga dayami sa sahig at isang sinaunang paapuyan sa isang sulok. Sa palagay ko ang nayon ay hindi sila binigyan ng matutuluyan at doon sila nanilungan...

050911

 

 


Sunod na kabanata