496. Si Jesus kay Tadeo at kay Santiago ni Zebedeo.

Setyembre 21, 1946.

«Talaga bang gusto Ninyong pumunta sa pamamagitan ng daan na ito? Para sa ilang mga rason hindi sa palagay ko maganda ito...» pagtutol ng Iskariote.

«Alin? Ang mga tao ba ng nayon na ito ay hindi pumunta sa Akin, hanggang sa layo ng Capernaum, naghanap ng kalusugan at karunungan? Sila ba ay hindi mga nilikha din ng Diyos?»

«Oo... Ngunit... Hindi maganda para sa Inyo na maglakbay nang napakalapit sa Machaerus... Ito ay isang masamang lugar para sa mga kaaway ni Herodes.»

«Ang Machaerus ay malayo. At wala Akong panahon na maglakbay nang malayo. Gusto Kong pumunta sa Perea at sa ibayo... Ngunit magagawa Kong makarating sa kalahatian ng distansiya, baka mas kulang. Maging ano pa man, tayo na...»

«Kayo ay pinapayuhan ni Jose...»

«Na manatili sa nababantayan na mga daan. Ito ang daan na magdadala sa isa sa ibayo ng Jordan at istriktong binabantayan ng mga Romano. Ako ay hindi duwag, Judas, o padalus-dalos.»

«Hindi ko ito pagtitiwalaan. Hindi ako lalayo sa Herusalem. Ako...»

«Pabayaan lang ang Guro. Siya ay ang Guro at tayo ay ang Kanyang mga disipulo. Kailan ka nakarinig ng isang disipulo na nagbibigay ng payo sa kanyang guro?» sabi ni Santiago ni Zebedeo.

«Kailan? Hindi maraming taon ang nakaraan na ang iyong kapatid ay sinabi sa Guro na huwag pumunta sa Achor at Siya ay nakinig sa kanya. Gawin Siyang makinig sa akin ngayon.»

«Ikaw ay naninibugho at mapaghari-harian. Kung ang aking kapatid ay magsalita at pinakinggan, ang ibig sabihin nito na ang kanyang sinabi ay tama at kailangan na pakinggan, sapat nang tingnan si Juan noong araw na iyon, upang maintindihan na isang pagkamakatarungan ang sumang-ayon sa kanya!»

«O! sa pamamagitan ng lahat ng kanyang karunungan hindi niya kailanman naipagsanggalang Siya, at hindi niya kailanman maipagsasanggalang. Sa halip ang aking ginawa pagpunta sa Herusalem ay isang bagong pangyayari.»

«Ginawa mo ang iyong tungkulin. Nagawa din sana ito ng aking kapatid, kung nagkaroon siya ng pagkakataon, at sa isang ibang pamamaraan, sapagkat wala siyang kakayahan na magsinungaling, ni para sa isang mabuting pakay, at natutuwa ako tungkol diyan...»

«Ako ay iyong sinasaktan. Tinatawag mo akong isang sinungaling...»

«Hoy! Gusto mo bang sabihin ko na ikaw ay sinsiro, kung nakapagsisinungaling ka nang napakagaling, nang hindi nagbabago ng kulay?»

«Ginagawa ko iyon...»

«Alam ko. Alam ko! Upang mailigtas ang Guro. Ngunit hindi ko iyon gusto, at wala sa amin ang may gusto niyon. Mas gusto namin ang simpleng tugon ng matandang lalaki. Mas gusto namin na maging tahimik at tingnan na tanga, at kahit maltratuhin pa, kaysa kasinungalingan. Magsisimula ang isa para sa isang mabuting pakay at magtatapos nang may masamang pakay.

«Kung ang isa ay masamâ. Ngunit ako ay hindi. Kung ang isa ay tanga. Ngunit ako ay hindi.»

«Tama na iyan! Kahit na kung kayo ay tama, magtatapos kayo sa pagiging mali, hindi tungkol sa kung ano ang ibinabato ninyo sa mukha ng isa’t isa, bagkus dahil sa inyong pagkukulang sa karidad. Nalalaman ninyong lahat kung ano ang Aking opinyon tungkol sa sinseridad. Ipinipilit Ko rin iyan tungkol sa karidad. Tayo na. Ang inyong pagtatalo ay pinamimighati Ako nang higit pa kaysa sa mga insulto ng Aking mga kaaway.»

Si Jesus ay kitang-kitang balisa at nagsisimula Siyang maglakad nang may mabibilis na hakbang, nag-iisa, sa tabi ng daan na, nang hindi nagiging isang arkeologo, maiintindihan ng isa na ito ay ginawa ng mga Romano. Ito ay tumatakbong patimog, halos tuwid hanggang sa maaabot ng mata, sa pagitan ng dalawang magkakakabit na matataas na bundok.. Isang nakakasawang daan, madilim gawa ng kakahuyan na mga dalisdis na bumabalot dito at pumipigil sa mga mata na makagala sa orisonte, ngunit mabuting naaalagaan. Paminsan-minsan ay may lumalabas na tulay ng Romano sa ibabaw ng mga agos ng tubig o maliliit na ilog, na dumadaloy patungo sa Jordan o sa Dead Sea. Hindi ko matiyak kung alin, sapagkat ang mga bundok ay nahaharangan ang tanawin sa kanlurang tabi kung saan ang ilog at ang dagat ay maaaring naroroon. May ilang mga karabana sa daan, na umaakyat baka mula sa Red Sea at papunta sa ang kabutihan ang nakaaalam kung saan, na maraming kamelyo, mga drayber ng kamelyo at mga mangangalakal ng isang lahi na malinaw na iba sa mga Hudyo.

Si Jesus ay laging nauuna, malungkot. Sa likuran, sa dalawang grupo, ay ang mga apostol na nagsasalita sa isa’t isa sa mabababang tinig. Ang mga Galilean ay ang nasa unahan, ang mga Judaean sa likuran, kasama si Andres at si Juan at ang dalawang disipulo na sumama sa kanila. Ang isang grupo ay nagsisikap na mapaginhawahan si Santiago, na nalulungkot pagkatapos ng paninita ng Guro, ang isa pang grupo ay nagsisikap na kumbinsihin sa Judas na huwag laging maging matigas ang ulo at agresibo. At ang dalawang grupo ay nagkakasundo sa pagpapayo na ang dalawang kinagalitan na apostol ay pumunta sa Guro at makipagkasundo sa Kanya.

«Ako? Pupunta ako kaagad. Alam ko na tama ako. Alam ko kung ano ang aking ginagawa. Hindi ako ang nagpahiwatig ng masamâ. At ako ay pupunta» sabi ng Iskariote. Siya ay malakas ang loob, sasabihin ko: walang hiya. Binilisan niya ang kanyang hakbang upang makaabot kay Jesus. Nagtanong ako sa sarili ko noong minsan kung noong mga araw na iyon siya ay nakahanda nang pagtaksilan ang Kristo at nakikipagsabwatan sa Kanyang mga kaaway...

Si Santiago, sa halip, na matapos man ang lahat ay hindi masyadong may kasalanan, ay malungkot-na-malungkot para sa pagpapamighati sa Guro na hindi siya magkaroon ng lakas-ng-loob na lapitan Siya. Tinitingnan niya ang kanyang Guro, Na ngayon ay nagsasalita kay Judas... Tinitingnan niya Siya at ang kanyang mithiin para sa Kanyang nagpapatawad na salita ay kitang-kita sa kanyang mukha. Ngunit ang kanyang pinaka pagmamahal, napaka-sinsiro, matatag at malalim, ay nagagawa siyang maramdaman niya na ang kanyang di-magandang ginawa ay di kailanman maaaring mapatawad.

Ang dalawang grupo ay ngayon magkasama na at sina Simon Zealot, Andres, Tomas at Santiago ay nagsasabi: «Huwag kang malungkot! Kilalang-kilala ko Siya!  Pinatawad ka na Niya!» at nang may katalasan ng pang-unawa, ang maedad at marunong na si Bartolomeo, nagpapatong ng kanyang kamay sa balikat ni Santiago ay nagsabi: «Sasabihin ko sa iyo na upang maiwasan ang paglala ng mga bagyo kapwa kayo ay kinagalitan nang walang pinapanigan. Ngunit sa loob ng Kanyang puso si Judas lamang ang Kanyang ibig sabihin.»

«Ganyan iyan, Bartolomeo! Ang aking Kapatid ay pinag-aalala ang Sarili sa pagtitiyaga sa lalaking iyon, na Kanyang pinipilit na magusto sanang magbago at sinusubukan Niya nagsisikap na magawa siyang lumabas... na katulad natin. Siya ang Guro, at ako... ako ba... Ngunit kung ako Siya, o! ang lalaki ng Kerioth ay hindi sana natin nakakasama!» sabi ni Tadeo habang ang kanyang magandang mga mata, na nagpapaalaala ng mga mata ni Jesus, ay kumikislap sa galit.

«Sa palagay mo ba? Nagsosospetsa ka ba? Tungkol sa ano?» tanong ng marami.

«Wala. Walang tiyak. Ngunit hindi ko gusto ang tao.»

«Hindi mo siya kailanman nagustuhan, kapatid. Isang kakatwang pagkamuhi na lumitaw sa inyong unang pagkikita. Tinanggap mo ito sa akin. Ito ay laban sa karidad, kailangan na mapangibabawan mo iyan, kahit na kung ito ay upang mabigyan lamang ng lugod si Jesus» sabi ni Santiago ni Alfeo nang kalmante at nangungumbinsi.

«Tama ka, ngunit... hindi ko magawa. Halika, Santiago, pumunta tayong magkasama sa aking Kapatid» at si Judas ni Alfeo ay kinuha ang kamay ni Santiago ni Zebedeo nang may-pasya at kinaladkad siyang palayo.

Si Judas napapakinggan silang dumarating, ay tumalikod, pagkatapos nagsalita ng kung ano kay Jesus, Na tumigil hinihintay sila. Si Judas ay tinitingnan ang napahiyang apostol nang may malikot na mga mata.

«Mawalang-galang na sa iyo, umusod ka nang kaunti. Kailangan kong magsalita sa aking Kapatid» sabi ni Tadeo. Ang mga salita ay mapag-alang-alang, ngunit ang tono ay napakalamig.

Ang Iskariote ay humahalikhik, pagkatapos kinikibit ang kanyang mga balikat lumakad siya nang pabalik upang sumama sa iba.

«Jesus, kami ay mga makasalanan...» sabi ni Judas Tadeo.

«Ako ay makasalanan, hindi ikaw» bulong ni Santiago nang may nakayukong ulo.

«Tayo ay mga makasalanan, Santiago, sapagkat inisip ko ang iyong ginawa, sinang-ayunan ko ito, iyan ay nasa loon ng aking puso. Kung kaya't ako ay makasalanan din. Sapagkat ang aking pasya laban kay Judas ay nanggagaling sa aking puso at nakukuntamina nito ang aking karidad... Jesus, wala Ka bang sasabihan na kahit ano sa Iyong mga disipulo na inaamin ang kanilang mga kasalanan?»

«Ano ba ang Aking sasabihin na hindi pa ninyo nalalaman? Babaguhin ba ninyo ang inyong saloobin sa inyong kasamahan dahil sa Aking mga salita?»

«Hindi. Hindi higit pa sa kanyang pagbabago dahil sa mga salitang Inyong sinasabi sa kanya»  ang Kanyang pinsan ay tumugon nang may sinseridad para sa kanyang sarili at para sa iba pa.

«Hindi na bale, Judas, hindi na bale! Nagkamali ako. Sangkot ako at kailangan kong tingnan ang aking sarili, hindi ang iba. Guro, huwag Kayong mayamot sa aking...»

«Santiago, gusto Ko ng isang bagay mula sa iyo, mula sa inyong lahat. Ako ay labis na nalulungkot, dahil sa di pagkakaintindi na Aking natatagpuan... dahil sa labis na katigasan na panlalaban. Nalalaman ninyo ito... Para sa bawat lugar na nagbibigay sa Akin ng lugod, may tatlong tumatanggi sa Akin at Ako’y pinalalayas nila katulad ng isang gumagawa-ng-masamâ. Ngunit ibig Ko man lamang na tumanggap mula sa inyo ng pagkaintindi at pagtangkilik na ipinagkakait sa Akin ng ibang mga tao. Na ako ay hindi dapat na mahalin ng mundo, na Ako ay kailangan na mainis ng lahat na kapootan na ito, ng pag-ayaw na ito, ng samaan ng loob, ng pagsospetsa sa paligid Ko, ng lahat ng mabababang gawain, ng pagkamakasarili, ng lahat na tanging ang Akin lamang na walang-hangganang pagmamahal para sa tao ang nagagawa Akong matiis ang lahat, ay masakit. Ngunit tinitiis Ko ito nang may pasyensiya. Ako ay naparito upang paghirapan iyan mula sa mga napopoot sa Kaligtasan. Ngunit kayo! Hindi, hindi Ko iyan matatagalan! Na hindi ninyo magawa na mahalin ang isa’t isa at kung gayon maintindihan Ako. Na hindi ninyo tinatangkilik ang Aking espiritu, pinagsisikapan na gawin ang Aking ginagawa.

Iniisip ba ninyong lahat na hindi Ko nakikita ang mga pagkakamali ni Judas, at hindi Ko nalalaman ang kanyang mga ginagawa? O! Makumbinsi na iyan ay hindi ganyan. Kung ginusto Ko ang mga nilikha na perpekto sa kanilang mga espiritu, ginawa Ko sana na magkatawang-tao ang mga anghel at pinaligiran Ko sana ang Aking Sarili nila. Maaari Kong gawin iyan. Ito kaya ay totoong naging mabuting bagay sana? Hindi. Sa Aking panig ito ay naging pagkamakasarili sana at panunuya. Maiiwasan Ko ang kapighatian gawa ng inyong pagiging di-perpekto at mamamaliit Ko ang mga taong nilikha ng Aking Ama at ng labis na pagmamahal Niya na Ako ay pinadala Niya upang sila ay iligtas. At sa panig ng tao ito ay naging di maganda sa kanyang hinaharap sana. Kapag ang Aking misyon ay natapos na at umakyat na muli Ako sa Langit kasama ang Aking mga anghel, ano at sino at totoong maiiwan upang ipagpatuloy ang Aking misyon? Alin na tao ang nakasubok at nakagawa sana ng kung ano ang Aking sinasabi, kung tanging ang isang Diyos at mga anghel lamang ang nagtayo ng halimbawa para sa bagong pamumuhay na ginagabayan ng espiritu? Kinailangan para sa Akin na kumuha ng katawan ng tao upang makumbinsi ang tao na kung gugustuhin niya, maaari siyang maging basal at banal sa bawat pamamaraan. At kinailangan din para sa Akin na kumuha ng mga tao, katulad ng kung ano talaga sila, na ang mga espiritu ay tumutugon sa Aking espiritu, nang hindi tinitingnan kung sila ay mayaman o mahirap, may-pinag-aralan o mangmang, mga tagabayan o mga tagabukid. Kinailangan para sa Akin na kunin sila katulad ng kung ano sila nang matagpuan Ko sila at kinailangan para sa Akin at sa kanilang kalooban na mabago sila nang unti-unti sa pagiging mga guro ng ibang mga tao.

Mapaniniwalaan ng tao ang tao, ang tao na kanyang nakikita. Ngunit mahirap para sa tao, na bumagsak na nang napakababa, na maniwala sa Diyos, Na kanyang hindi nakikita. Ang Sinai ay nagbabaga pa sa apoy at ang idolatriya ay nakapagsimula na sa paanan ng bundok... Si Moses ay hindi pa patay, at sila ay gumagawa na ng mga kasalanan laban sa Batas, bagama't hindi nila matingnan ang kanyang mukha. Ngunit kapag kayo ay nabago sa pagiging mga guro at kayo ay katulad ng isang huwaran, isang saksi, katulad ng lebadura sa pagitan ng mga tao, hindi na nila masasabi: “Sila ay mga diyos na bumaba sa pagitan ng mga tao at hindi natin sila magagaya”. Kailangan nilang sabihin: “Sila ay katulad natin, mayroon din silang parehong mga instinto, mga insentibo, at mga reaksiyon katulad ng mayroon tayo, subalit napaglalabanan nila ang kanilang mga insentibo at mga instinto, at ang kanilang mga reaksiyon ay ganap na iba sa ating brutal na mga reaksiyon”. At sila ay makukumbinsi na ang tao ay maaaring diyosin, kung gugustuhin lamang niya na sundan ang mga pamamaraan ng Diyos. Tingnan ang mga Hentil at ang mga idolatra. Sila ba ay nagagawang mas mabuti na kahit na ano sa pamamagitan ng kanilang Olympus at ng lahat ng kanilang mga diyos? Hindi. Sapagkat kung sila ay di-makapaniwala, sasabihin nila na ang kanilang mga diyos ay isang gawang kuwento lamang; kung sila ay mga naniniwala sasabihin nila: “Sila ay mga diyos at ako ay isang tao” at hindi sila nagsisikap na gayahin sila. Kayo kung gayon ay kailangan na magsikap na maging katulad Ko. At huwag magmadali. Ang tao ay naging tao nang unti-unti mula sa pagiging isang may-katwiran na hayop hanggang sa pagiging isang espirituwal na nilalang. At tiisin ang isa’t isa. Walang sinuman, maliban sa Diyos, ang perpekto.

At ang lahat ay tapos na ngayon, hindi ba? Paunlarin ang inyong mga sarili nang may matatag na kalooban, ginagaya si Simon ni Jonas, na sa loob ng wala pang isang taon ay nakagawa ng mabilis na pag-unlad. gayunpaman... Sino sa inyo ang mas tao sa materyal na pananaw kaysa kay Simon na mayroon ng lahat na depekto ng isang napaka-materyal na pagkatao?»

«Iyan ay totoo, Jesus. Hindi ako kailanman tumigil sa pag-aaral sa kanya. At nasusorpresa niya ako» pagtatapat ni Tadeo.

Oo. Nakasama ko na siya mula pa ng aking pagkabata. Kilala ko siya na tila siya ay naging aking kapatid. Ngunit ngayon mayroon akong ibang Simon sa harapan ko. Kailangan kong tanggapin na noong sinabi Ninyo na siya ang aming hepe, ako, at hindi lamang ako ang nag-iisa, ay nagtaka. Tila siya ang pinaka di-bagay sa lahat sa amin. Si Simon ay kinompara sa isa pang Simon at kay Natanael! Si Simon kompara sa aking kapatid at sa Inyong mga kapatid! Higit sa lahat hinggil sa limang iyon! Talagang naisip ko na iyon ay isang pagkakamali... Ngayon sasabihin ko na tama Kayo noon.»

«At nakikita lamang ninyo ang labas ni Simon! Ngunit nakikita Ko ang kalaliman niya. Marami pa siyang kailangan na gawin at ipaghihirap upang maging perpekto. Ngunit gusto Kong makita ang kanyang mabuting kalooban, ang kanyang kasimplehan, kababaang-loob at pagmamahal sa bawat isa sa inyo...»

Si Jesus ay nakatingin sa harapan Niya Mismo at tila may nakikita na hindi ko alam kung ano. Siya ay nasa Kanyang Sarili sa pag-iisip at ngumingiti sa kung ano ang Kanyang nakikita. Pagkatapos ibinaba Niya ang Kanyang tingin at tinitingnan si Santiago ngumingiti.

«Kung gayon... napatawad na ba ako?!»

«Gusto Kong patawarin ang lahat katulad ng pagpapatawad Ko sa iyo... Ayón, ang bayan na iyon ay maaaring ang Heshbon. Iyan ang sinabi ng mamâ: ang bayan ay pagkatapos ng tulay na may tatlong mga arko. Hintayin natin ang iba at pumunta tayo sa bayan nang magkakasabay.»

080911

 

 


Sunod na kabanata