497. Ang lalaki na Mula sa Petra, Malapit sa Heshbon.

Setyembre 22, 1946.

Hindi ko makita ang bayan ng Heshbon. Si Jesus at ang Kanyang mga apostol ay lumalabas mula dito at mula sa kanilang mga tingin nakikita ko na sila ay bigo. Sila ay sinusundan, o kung baga, mga ilang metro ang layo, ng isang sumisigaw na nananakot na pulutong...

«Ang mga lugar na ito sa paligid ng Dead Sea ay isinumpa katulad ng dagat mismo» sabi ni Pedro.

«Ang lugar na ito! Ito ay pareho pa rin katulad noong mga araw ni Moses at napakabait Ninyo na parusahan ito katulad na ito ay pinarusahan noon. Ngunit iyan ang kinakailangan: upang masugpo ang mga tao sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Langit o ng kapangyarihan ng Lupa, lahat sila, hanggang sa huling tao at sa huling lugar» sabi ni Natanael nang galít, ang kanyang lumalim na mga mata umaapoy sa galit.

At ang Guro ay tumalikod at itinataas ang Kanyang kamay sinabi Niya: “Kapayapaan! Kapayapaan! Madadala rin sila sa Katotohanan. Ngunit ang kapayapaan ay kinakailangan. At awa. Hindi pa tayo kailanman napunta rito. Hindi tayo nila kilala. Ang ibang mga lugar ay katulad niyan sa unang pagkakataon, sila pagkatapos ay nagbabago.»

«Ang problema ay ang mga lugar na ito ay katulad ng Masada. Naging marumi! Bumalik na tayo sa Jordan» sabi ni Pedro namimilit.

Ngunit si Jesus ay nagpapatuloy nang patimog sa pangunahing daan, na kanilang kinuha muli. Ang mga taong pinaka galít sa Kanya ay patuloy sa pagsunod sa Kanya, nakukuha lagi ang atensiyon ng mga manlalakbay.

Ang isa, na maaaring isang mayaman na mangangalakal o nagtatrabaho sa isang mangangalakal, at nagpapatakbo ng isang mahabang karabana na patungong hilaga, ay nanonood nang may pagtataka at pinatigil ang kanyang kamelyo. At lahat na iba ay tumigil nang sabay-sabay. Tinitingnan niya si Jesus, tinitingnan niya ang mga apostol, na ang hitsura ay labis na walang panlaban at mabait, tinitingnan niya ang sumisigaw na mga pulutong na nakaabot nang nananakot at tinanong niya sila kung ano ang lahat na ito. Hindi ko marinig ang kanyang mga salita, ngunit naririnig ko ang mga sumigaw sa pagtugon: «Siya ay isinumpang Nazareno, ang baliw na inalihan na Nazareno. Hindi namin Siya kailangan sa pagitan ng among mga pader!»

Ang mamâ ay tumigil na sa pagtanong ng kahit ano pa man. Pinatalikod niya ang kamelyo, sumigaw siya ng kung ano sa mga lalaking sumusunod nang malapitan at pinakilos niya ang kanyang hayop, na sa kaunting mga paglundag, ay narating ang mga apostol. «Sa ngalan ng inyong Diyos, sino sa inyo si Jesus ang Nazarene?» tinatanong niya ang mga apostol na sina Mateo, Felipe, Simon Zealot at si Isaac, na nasa huling grupo.

«Bakit ibig mong malaman? Ibig mo rin ba siyang molestiyahin? Ang Kanyang bang kapwa mga kababayan hindi pa sapat? Ibig mo rin bang magsimula?» sabi ni Felipe nang nag-aalalang nag-aalala.

«Hind ako kasing samâ katulad nila. At naghahanap ako ng grasya. Huwag akong tanggihan. Nakikiusap ako sa inyo sa ngalan ng inyong Diyos.»

Mayroon ng kung anong bagay sa tinig ng mama na nakumbinsi ang apat na apostol at si Simon ay nagsabi: «Ang isang nauuna sa lahat, kasama ang dalawang pinakabata.»

Ang mamâ ay sinusundot muli ang kanyang kamelyo – sapagkat si Jesus, Na nasa unahan, ay nakalayo pa nang lalo sa loob ng maikling pag-uusap na hindi Niya nalalaman.

«Panginoon... Makinig sa isang di-masayang tao...» sabi niya, nang nakaabot siya kaagad sa Kanya.

Sina Jesus, Juan at Marjiam ay tumalikod nang takang-taka.

«Ano ang kailangan mo?»

«Ako ay nagmula sa Petra, Panginoon. Nagdadala ako ng mga kalakal mula sa Red Sea hanggang sa layo ng katulad ng Damascus, para sa ibang mga tao. Ako ay hindi mahirap. Ngunit ako ay kasing di-masaya lamang. Ako ay may dalawang anak, Panginoon, at ang isang sakit ay naapektuhan ang kanilang mga mata at sila ay bulag; ang isa, na siyang nagkasakit nang una, ay ganap na bulag, ang isa pa ay halos bulag na at malapit nang mawalan ng kanyang paningin nang ganap. Ang mga doktor ay hindi gumagawa ng mga himala, ngunit gumagawa Kayo.»

«Papaano mo nalalaman?»

«May kilala akong isang mayaman na mangangalakal na nakakakilala sa Inyo. Madalas siyang tumigil sa Aking bakuran at kung minsan pinagsisilbihan ko siya. Nang makita niya ang aking mga anak sinabi niya sa akin: “Tanging si Jesus lamang ng Nazareth ang makagagamot sa kanila. Hanapin mo Siya”. Hinanap ko sana Kayo. Ngunit wala akong labis na panahon at kailangan kong sundan ang pinaka tamang mga daan.»

«Kailan mo nakita si Alexander?»

«Sa pagitan ng dalawa ng inyong mga kapistahan sa tagsibol. Mula noon nakagawa na ako ng dalawang biyahe ngunit hindi ko Kayo kailanman natagpuan. Panginoon, maawa!»

«Mamâ, hindi Ako makakababa hanggang sa layo ng Petra, at hindi mo maiiwanan ang iyong karabana...»

«Siyempre, magagawa ko. Si Arisa ay isang maaasahan na lalaki. Sasabihin ko sa kanya na magpatuloy nang dahan-dahan. Lilipad ako patungo sa Petra. Ang aking kamelyo ay mas mabilis pa sa hangin sa disyerto at mas maliksi pa kaysa sa isang gasela. Kukunin ko ang aking mga anak at isa pang tapat na lingkod. Gagawin kong maabutan ko Kayo. Pagagalingin Ninyo sila... O! liwanag sa kanilang madidilim na mata na kasing ganda ng mga bituin, ngayon pinalabo ng isang makapal na ulap! Pagkatapos magpapatuloy ako, habang sila ay bumabalik sa kanilang ina. Nakikita ko na Kayo ay nagpapatuloy, Panginoon. Saan Kayo papunta?»

«Ako ay patungo sa Dibon...»

«Huwag Kayong pumunta roon. Iyon ay puno ng mga... taga-Machaerus. Isinumpang mga lugar, Panginoon. Huwag iabandona ang di-masasayang tao, Panginoon, upang ibigay ang Inyong Sarili sa mga isinumpa.»

«Katulad lamang ng aking naiisip» pabulong ni Bartolomeo sa kanyang balbas, at marami ang nagsasabi na siya ay tama.

Sa ngayon ang lahat na mga tao ay nasa paligid na ni Jesus at ng mamâ mula sa Petra. Sa kabaligtaran, ang mga mamamayan ng Heshbon, nakikita na ang karabana ay mabuti ang pakikitungo sa inuusig na Guro, ay bumabalik sa kanilang pinanggalingan. Ang karabana, nakatigil, ay hinihintay ang kalalabasan at ang pasya.

«Mamâ, kung hindi Ako pumunta sa mga bayan sa timog, babalik Ako sa hilaga. Ngunit hindi ibig sabihin niyan na makikinig Ako sa iyo.»

«Alam ko na ako ay kasuklam-suklam para sa mga Israelita. Ako ay di-tuli at hindi ako karapat-dapat na pakinggan. Ngunit Kayo ang Hari ng mundo, at kami ay nasa mundo rin...»

«Hindi iyan ang punto. Ang problema ay... Papaano ka makapaniniwala na magagawa Ko kung ano ang hindi magawa ng mga doktor?»

«Sapagkat Kayo ang Mesiyas ng Diyos at sila ay mga tao. Kayo ang Anak ng Diyos. Sinabi sa akin ni Misace at pinaniniwalaan ko ito. Magagawa Ninyo ang lahat, para rin sa isang kaawa-awang lalaking katulad ko.» Ang kanyang tugon ay isang may-pasyang tugon at ito ay kinumpleto ng mamâ sa pagpapadalusdos sa lupa, nang hindi na pinaluluhod man lamang na ang kamelyo, at pinagpatirapa ang sarili sa alikabok.

«Ang iyong pananampalataya ay mas higit pa kaysa sa pananampalataya ng marami. Lakad. Alam mo ba kung nasaan ang bundok ng Nebo?»

«Oo, Panginoon. Iyan ang bundok ng Nebo. Napakinggan din namin ang tungkol kay Moses. Isang dakilang tao! Napakadakila upang hindi pansinin. Ngunit Kayo ay mas dakila. Ang paghambing sa pagitan Ninyo at ni  Moses ay katulad ng paghambing sa pagitan ng isang bundok at sa isang bato.»

«Pumunta ka sa Petra. Maghihintay Ako para sa iyo sa bundok ng Nebo...»

«Mayroon isang nayon sa paanan ng bundok para sa mga bisita. At may mga otel doon... Mapupunta ako riyan sa loob ng sampung araw pinakamatagal na. Pupuwersahin ko ang aking kamelyo at kung Siya na nagpadala sa Inyo ay poprotektahan ako, wala akong masasalubong na kahit anong bagyo.»

«Lakad at bumalik kaagad hangga't maaari. Kailangan Kong pumunta sa ibang mga lugar...»

«Panginoon! Ako... ay hindi tuli. Ang aking pagpapalà ay isang kahihiyan para sa Inyo. Ngunit ang pagpapalà ng isang ama ay hindi ganyang kailanman. Pinagpapala ko Kayo at ako ay umalis na.»

Kumuha siya ng isang platang pito at hinihipan ito nang tatlong ulit. Ang lalaki sa ulo ng karabana ay bumalik nang isang pakaskas. Sila ay nag-uusap at pagkatapos nagpaalam. Ang lalaki ay bumalik sa karabana na nagpatuloy sa paglalakbay. Ang isa pang lalaki ay sumakay muli sa kanyang kamelyo at umalis nang patimog sa isang pagpapakaskas.

Si Jesus at ang Kanyang mga apostol at nagpatuloy nang muli.

«Talaga bang pupunta tayo sa bundok ng Nebo?»

«Oo, at iiwanan natin ang mga bayan at aakyatin ang mga dalisdis ng mga bundok ng Abarim. Makakatagpo tayo ng maraming mga pastol. At matututunan natin sa kanila at daan patungo sa bundok ng Nebo at ituturo natin sa kanila ang Daan patungo sa bundok ng Diyos. At titigil tayo doon sa loob ng kaunting mga araw, katulad ng ginawa natin sa mga bundok ng Arbela at malapit sa bundok ng Cherit.»

«O! gaano magiging kaganda ito! At tayo ay magiging mas mabuti. Tayo ay laging mas malakas at mas mabuti kapag tayo ay bumababa mula sa mga lugar na iyon» sabi ni Juan.

«At Kayo ay magsasalita sa amin tungkol sa lahat na nagpapaalaala sa amin ng tungkol sa Nebo. Kapatid, naaalaala Mo ba, noong tayo ay mga bata pa, na isang araw sa paglalaro ginampanan Mo ang parte ni Moses na nagpapalà sa Israel bago mamatay?» sabi ni Judas ni Alfeo.

«Oo. At ang Inyong Ina ay sumigaw nakikita Kayong nakahiga na tila Kayo ay patay? Ngayon tayo ay totoong papunta sa bundok ng Nebo» sabi ni Santiago ni Alfeo.

«At pagpapalain Ninyo ang Israel. Kayo ang totoong Lider ng sambayanan ng Diyos!» bulalas ni Natanael.

«Ngunit hindi Kayo mamamatay doon. Hindi Kayo kailanman mamamatay, hindi ba, Guro?» tanong ni Judas ng Kerioth nang may kakaibang halikhik.

«Ako ay mamamatay at babangon katulad na ito ay sinabi. Maraming tao ang mamamatay nang hindi nagiging patay sa araw na iyan. At habang bumabangon muli ang makatarungan, kahit na kung sila ay matagal nang patay nang maraming taon, ang mga nabubuhay sa loob ng kanilang mga katawan subalit ang kanilang mga espiritu ay tiyak na patay na, ay hindi babangon muli. Tiyakin na kayo ay hindi isa sa kanila.»

«At tiyakin Ninyo na walang nakakarinig sa Inyo nang inuulit na Kayo ay babangon muli. Sinasabi nila na iyan ay paglalapastangan» tugon ni Judas ng Kerioth.

«Iyan ang katotohanan. At sinasabi Ko iyan.»

«Anong pananampalataya ang mayroon ang mamang iyon! At ang Misace na iyon!» sabi ng Zealot nagsisikap na makagawa ng paglihis sa usapan.

«Ngunit sino si Misace?» tanong ng mga hindi kasali noong nakaraang taon sa paglalakbay sa ibayo ng Jordan. At sila ay umalis pinag-uusapan ang mga pangyayaring iyon, habang si Jesus ay pinagpapatuloy kasama si Marjiam at si Juan ang naputol nilang pinag-uusapan.

090911

 

 


Sunod na kabanata