498. Bumababa Mula sa Bundok ng Nebo.

Setyembre 23, 1946.

«Lagi kong panghihinayangan ang bundok na ito at ang pagpapahinga sa Panginoon» sabi ni Pedro habang sila ay naghahanda upang bumaba mula sa napaka bangis na tabi-ng-burol patungo sa lambak.

Sila ay nasa loob ng isang kabit-kabit ng napakataas na mga bundok. Pagawing silangan, sa kabila ng lambak, ay marami pang mga bundok, at may mga bundok sa timog at kahit mas matataas pang bundok sa hilaga. Sa gawing hilagang-kanluran ay naroon ang berdeng lambak ng Jordan, na dumadaloy patungo sa Dead Sea. Sa gawing kanluran ay naroon muna ang malungkot na dagat at pagkatapos, sa ibayo nito, ang tuyong mabatong disyerto, napuputol lamang ng magandang oasis ng Engedi, at pagkatapos ang mga bundok ng Judaea. Isang mapangibabaw na malapad na tanawin. Ang mga mata ng isa ay makararating saan man nila gustuhin, nakakalimutan sa loob ng bisyon ng labis na búhay ng mga gulay, na maiisip o malalaman ng isa na dito ay may mga tao, ang malungkot na tanawin ng Dead Sea, na walang mga naglalayag o buhay, malungkot pa rin kahit na sa loob ng sikat-ng-araw, malungkot din sa mababang peninsula na halos sa kalahatian ng distansiya sa silanganing tabi, ay umuusli patungo malungkot na dagat. Gaano nakapangingilabot ng mga landas na bumababa patungo sa lambak! Tanging mababangis na hayop lamang ang hindi pangingilabutan sa mga ito. Kung sila ay hindi nakakahawak sa mga sanga at mga palumpong imposible para sa kanila na makababa, at ito ang gumagawa sa Iskariote na bumulung-bulong.

«gayunpaman gusto ko pa ngang bumalik ulit» tugon ni Pedro.

«Mayroon kang kakatuwang mga panlasa. Ang lugar na ito ay mas malala kaysa sa una at sa ikalawa.»

«Ngunit hindi mas malala kaysa sa lugar kung saan ang Guro ay naghanda para sa Kanyang misyon ng isang mangangaral» wika ni Juan tumututol.

«Eh! ang lahat ay tila maganda sa iyo...»

«Oo. Ang lahat sa paligid ng aking Guro ay maganda at mabuti at mahal ko ito.»

«Mag-ingat, ako ay nasa loob ng lahat na iyan... at ang mga Pariseo, mga Saduseo, mga eskriba at mga Herodian ay madalas naririyan... Minamahal mo rin ba sila?»

«Minamahal Niya sila.»

«At papaano ikaw? ha! ha! ginagawa mo ba ang ginagawa Niya? Ngunit Siya ay Siya, at ikaw ay ikaw. Hindi ko alam kung ikaw laging makapagmamahal, dahil namumutla ka kapag nakaririnig ka ng sinuman na nagsasalita ng pagtataksil at kamatayan, o kung nakakakita ka ng sinuman na hinahangad ang mga bagay na ganyan.»

«Na ang ibig sabihin na ako ay napaka di-perpekto, kung ako ay nababalisa sa takot para sa Kanya o dala ng galit sa mga may-kagagawan.»

«Ah! kung gayon nababalisa ka ng galit? Hindi sa palagay ko... Kung gayon, kung isang araw nang di sinasadya makakita ka ng sinuman na talagang nananakit sa Guro, ano ang gagawin mo?»

«Ako? Bakit tanungin ako? Ang Batas ay nagsasabi: “Mata sa mata, ngipin sa ngipin”. Ang aking mga kamay ay magiging mga pansipit sa paligid ng kanyang lalamunan.»

«O! Ngunit sinasabi Niya na ang isa ay kailangan na magpatawad! Ang pagninilay-nilay ba ay napaunlad ka nang labis?»

«Hayaan mo ako nang mag-isa, ikaw na taga-gambala! Bakit mo ako tinutukso at ginagambala? Ano ang nasa loob ng iyong puso? Gusto kong makita ito...»

«Ang misteryo ng kalaliman ng Dead Sea ay hindi binubunyag sa mga nag-uusisa sa mga tubig nito. Ang mga tubig na iyan ay katulad ng mga bato sa sepulkro na nagtatakip sa kabulukan na tinanggap ng mga ito» sabi sa likuran nila ni Bartolomeo, na nasa hulihan. Ang iba ay lahat nauuna at hindi nakarinig, ngunit nakarinig si Bartolomeo. At siya ay nanghimasok sa kanilang pag-uusap at ang kanyang sulyap ay isang paalaala.

«O! ang marunong na Bartolomeo! Ngunit hindi mo sasabihin na ako ay katulad ng Dead Sea

«Ako ay nagsasalita kay Juan, hindi sa iyo. Halika sa akin, anak ni Zebedeo, hindi kita babalisahin» at kinuha niya si Juan sa braso, na tila siya, isang maedad na lalaki, ay hinahanap ang suporta ng kanyang bata-pang maliksing kasamahan.

Si Judas ay naiwan sa hulihan at gumagawa ng pangit na pagpapakita ng galit sa likuran nila. Tila siya nanunumpa sa kanyang sarili, o nananakot...

«Ano ang ibig sabihin ni Judas? At ano ang ibig mong sabihin?» si Juan ay tinatanong ang maedad na Natanael.

«Kalimutan mo ang tungkol diyan, aking mahal na kaibigan. Sa halip isipin natin kung ano ang ipinaliwanag sa atin ng Guro sa loob ng nakaraang mga araw. Gaano natin naintindihan ang Israel!»

«Totoo. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ito nakikita ng mundo!»

«Ni hindi rin natin ito naiintindihan nang ganap, Juan. Ayaw natin makaintindi. Kita mo kung gaano kahirap para sa atin na tanggapin ang Kanyang pang-Mesiyas na idea?»

«Oo, pinaniniwalaan natin Siya nang may-kabulagan sa lahat, maliban diyan. Dahil sa ikaw ay isang may-pinag-aralan, maaari mo bang sabihin sa akin kung bakit? Yayamang nakikita natin ang mga rabbi na mapupurol ang isip kompara sa Kristo, bakit nabibigo rin tayo na maabot ang perpektong idea tungkol sa isang espirituwal na pagkahari ng Mesiyas?»

«Naitanong ko rin iyan nang maraming beses sa sarili ko mismo. Sapagkat gusto kong makarating sa tinatawag mong isang perpektong idea. At sa palagay ko mapatatahimik ko ang aking isip sa pagsasabi sa aking sarili na ang kumokontra sa gayong  pagtanggap sa loob natin, na mga ibig na sumunod sa Kanya nang hindi lamang sa pamamaraan ng materyal at ng doktrina, bagkus ng espiritu din, ay ang lahat na mga panahon bago sa atin... at nasa loob natin. Nasa loob natin. Kita mo? Tumingin ng pasilangan, patimog, pakanluran. Ang bawat bato ay may isang alaala at isang pangalan. Bawat bato, bawat pontanya, bawat landas, bawat nayon o kastilyo, bawat bayan, bawat ilog, bawat bundok... ano ang pinaalaala nila sa atin, at ano ang kanilang isinisigaw sa atin? Ang pangako ng isang Tagapagligtas. Ang awa ng Diyos sa Kanyang sambayanan. Katulad ng isang patak ng langis mula sa may-tagas na lalagyan na balat ng kambing, ang maliit na panimulang grupo, ang nukleo ng hinaharap na sambayanan ng Israel ay kumalat sa pamamagitan ni Abraham sa ibabaw ng mundo, hanggang sa layo ng malayong Ehipto, at pagkatapos, sa mas lalo pang napakalaking bilang, ay bumalik kasama si Moses sa lupain ng amang si Abraham, mayaman sa mas malalaki pa at mas may-katiyakan na mga pangako at sa mga tanda ng pagiging ama ng Diyos, itinayo bilang isang totoong Sambayanan sapagkat ito ay binigyan ng isang Batas, na siyang ang pinakabanal na naririyan. Ngunit ano ang nangyari pagkatapos? Ano ang nangyari sa taluktok na iyon na kani-kanina pa lamang ay nagniningning sa sikat ng araw. Tingnan ito ngayon, Ito ay nakabalot sa loob ng mga ulap na nagbabago sa hitsura nito. Kung hindi natin nalalaman na ito ay naririyan at atin itong kikilalanin upang magabayan ang ating mga hakbang patungo sa isang ligtas na daan, magagawa ba natin ito, kung ito ay nawala sa porma gawa ng makakapal na ulap na nagmumukhang bilugan na mga burol at mga palupo ng bundok? Ganyan ang nangyari sa atin. Ang Mesiyas ay kung ano ang sinabi ng Diyos sa ating mga ama, sa mga patriyarka at sa mga propeta. Hindi kailanman magbabago. Ngunit ang idinagdag ng ating sarili, upang... maipaliwanag Siya, ayon sa ating kaawa-awang pagkataong karunungan, ay nakapaglikha ng isang gayong Mesiyas, isang huwad na moral na pigura ng Mesiyas, hanggang hindi na natin makilala ang tunay na Mesiyas. At sa pamamagitan ng mga panahon at mga henerasyon sa likuran natin, naniniwala tayo sa Mesiyas na ating binuo sa isip, sa Tagapaghiganti, sa napaka taong Hari, at hindi na natin magawang maisip ang Mesiyas at Hari bilang kung ano nga Siyang talaga, bilang inisip at ginusto ng Diyos, bagama't sinasabi natin na naniniwala tayo sa Kanya. iyan ang sitwasyon, aking mahal na kaibigan!»

«Ngunit tayo ba, tayo man lamang, ay hindi kailanman magtatagumpay na makita, mapaniwalaan, magustuhan ang tunay na Mesiyas?»

«Oo, magtatagumpay tayo. Kung tayo ay hindi magtatagumpay, hindi sana Niya tayo pinili. At kung ang Sangkatauhan ay hindi makikinabang sa pamamagitan ng Mesiyas, ang Kataastaasan ay hindi sana Siya pinadala.»

«Ngunit Kanya ring tutubusin ang Kasalanan nang walang tulong ng Sangkatauhan! Sa pamamagitan ng Kanyang sariling merito lamang.»

«Aking mahal na kaibigan, ang katubusan mula sa orihinal na Kasalanan ay magiging isang dakilang katubusan, ngunit hindi magiging ganap. Mayroon tayo ng iba pang mga kasalanan bukod sa orihinal na kasalanan. At upang malinisan, kakailanganin nila ang Tagapagtubos at ang pananampalataya ng mga lalapit sa Kanya bilang kanilang Kaligtasan. Sa aking palagay ang Panunubos ay magiging aktibo hanggang sa katapusan ng mundo. Ang Kristo ay hindi magiging di-aktibo nang isang sandali, kapag Siya ay naging ang Tagapagtubos at naibigay sa Sangkatauhan ang Búhay na nasa Kanya, katulad na ang isang pontanya ay walang-tigil sa pagbibigay ng tubig nito sa mga nauuhaw, sa araw-araw, sa isang buwan pagkatapos ng isa, sa isang taon pagkatapos ng isa, sa isang siglo pagkatapos ng isa. Ang Sangkatauhan ay laging nasa pangangailangan ng Buhay. Hindi Siya makatitigil sa pagbibigay nito sa mga umaasa at naniniwala sa Kanya nang may karunungan at katarungan.»

«Ikaw ay isang may-pinag-aralan na tao, Natanael. Ako ay isang kaawa-awang mangmang na binata.

«Ginagawa mo sa pamamagitan ng espirituwal na instinto kung ano ang aking ginagawa nang may kahirapan sa pamamagitan ng pag-iisip: ang ating pagbabagong anyo mula sa pagiging mga Israelita patungo sa pagiging mga Kristiyano. Ngunit mararating mo kaagad ang iyong tinatangka sapagkat nakapagmamahal ka nang labis kaysa sa nakapag-iisip ka. Ang pagmamahal ay nadadala at nababago ka.»

«Ikaw ay mabait, Natanael. Kung tayong lahat ay katulad mo!» sabi ni Juan nang may isang malalim na buntung-hininga.

«Kalimutan mo ang tungkol diyan, Juan! Tayo ay magdasal para kay Judas» sabi ng nakaka-edad na apostol, na nakaintindi sa pagbubuntung-hininga ni Juan.

«O! kayo ay naririto rin! Tinitingnan namin kayo na parating. Ano ang inyong pinag-uusapan nang masinsinan?» tanong ni Tomas ngumingiti.

«Nag-uusap kami tungkol sa lumang Israel. Nasaan ang Guro?»

«Nauna na Siyang kasama ang Kanyang mga kapatid at si Isaac upang tingnan ang isang may sakit na pastol. Sinabi Niya sa amin na magpatuloy sa daan na ito hanggang marating natin ang isang umaakyat sa bundok.»

«Tayo na, kung gayon.»

Sila ngayon ay bumababa na sa isang landas na hindi napakatarik hanggang narating nila ang isang tunay na daan-ng-mola na umaakyat sa bundok ng Nebo. May isang maliit na grupo ng mga bahay sa loob ng kakahuyan. Sa mas mababa pa, halos nasa lambak, ay naroon ang maputing mga bahay ng isang totoo at tamang bayan sa mga dalisdis na ngayon ay halos patag. Mula sa daan kung saan sila naroroon nakikita nila ang mga tao na pumapasok sa bayan.

«Maghihintay ba tayo para sa mamâ na mula sa Petra sa banda roon?» tanong ni Pedro.

«Oo, iyan ang bayan. Umasa tayo na siya ay nakarating na. Kung nakarating na, bukas babalik tayo patungo sa Jordan. Hindi ko alam. Ang aking pakiramdam ay hindi kailanman masaya rito» sabi ni Mateo.

100911

 


Sunod na kabanata