499. Ang Parabula Tungkol sa Ama na Pumupuri sa Kanyang Nasa-Malayong mga Anak. Ang Paggaling ng Maliliit na Bulag na mga Batang Sina Fara at Tamar.

Setyembre 24, 1946.

Ito ay isang magandang taglagas na umaga. Bukod sa dilaw-na-pulang mga dahon na nagtatakip sa lupa at nagpapaalaala sa isa tungkol sa panahon, ang damo ay berdeng-berde na may ilang maliliit na bulaklak na lumalabas mula sa mga tungkos ng tanim na nabuhay muli ng mga ulan ng taglagas, ang hangin na gumagalaw sa pagitan ng mga sanga na medyo wala nang mga dahon ay panatag-na-panatag, na gugustuhin ng isa na isipin na ito ay ang pagsimula na ng tagsibol, lalo na dahil ang paghalò ng pangmatagalan sa santaunan na mga tanim ay nagbibigay ng masayang nota sa pamamagitan ng kanilang sariwang esmeraldang berdeng mga dahon na umuusbong sa dulo ng maliliit na sanga, malapit sa walang-dahon na mga sanga ng ibang mga tanim, na sa gayon ay tila naglalagay ng sariwang mga dahon. Ang mga tupa ay lumalabas sa mga kulungan at sumasama sa mga kordero na pinanganak sa taglagas patungo sa panginginainan na mga lupa humuhuni. Ang tubig ng isang pontanya sa pagsimula ng nayon ay nagniningning katulad ng likidong mga diyamante sa araw na humahalik dito, at kapag bumabagsak sa maitim na pansahod ito ay tila nagpapalabas ng maraming-kulay na mga kislap sa kaligiran ng mga pader na napaitim na ng maraming taon ng isang maliit na bahay.

Si Jesus ay nakaupo sa ibabaw ng isang pader na humahantong sa isang tabi ng daan, at naghihintay. Ang Kanyang mga apostol at ang mga taga-nayon ay nasa paligid Niya, habang ang mga pastol, na ayaw na kumalat nang napalayo, napipigilan katulad nila ng kanilang kawan, sa halip na umakyat nang mas mataas, ay nananatili sa tigkabilang tabi ng daan na pagawing kapatagan.

Walang sinuman ang dumarating sa kasalukuyan sa daan na mula sa lambak ay umaakyat sa bundok ng Nebo.

«Siya ba ay darating?» tanong ng mga apostol.

«Oo, darating siya. At tayo ay maghihintay para sa kanya. Ayaw Kong biguin ang isang sumisikat na pag-asa at sirain ang isang pananampalataya ng hinaharap» tugon ni Jesus.

«Hindi ba Kayo masaya rito? Naibigay namin sa Inyo ang pinakamagandang mayroon kami» sabi ng isang matandang lalaki na nagbibilad sa araw.

«Mas masaya pa kaysa sa ibang mga lugar, ama. At ang inyong kabaitan ay gagantimpalaan ng Diyos» tugon ni Jesus.

«Kung gayon magsalita sa amin nang mas kaunti pa. Ang masisigasig na mga Pariseo at mapagmalaking mga eskriba ay pumupunta rito kung minsan. Ngunit hindi sila nagsasalita sa amin. Sila ay nasa itaas doon, nakahiwalay sa... lahat, at pantas. Kami... Kung gayon kami ba ay kailangan na walang malaman dahil ang aming kapalaran ay ginawa kaming mapunta sa mundo rito?»

«Sa Bahay ng Aking Ama ay walang mga pagkakahiwalayan o mga pagkakaiba-iba para sa mga naniniwala sa Kanya at nagsasabuhay ng Kanyang Batas, na siyang ang alituntunin ng Kanyang kalooban, na ang tao ay harinawang mamuhay nang matuwid upang makamit ang eternal na gantimpala sa Kanyang Kaharian.

Makinig. Ang isang ama ay maraming mga anak. Ang ilan ay laging namuhay nang malapit sa kanya, ang ilan, para sa iba't ibang mga rason, ay sa pagkumpara naging mas malayo sa kanilang ama. Subalit, sa dahilan na alam nila ang mga hinihiling ng kanilang ama, bagama't sila ay malayo, nagawa nilang kumilos nang tila siya ay kasama nila. Ang ilan pa ay nagsikap na mapaglingkuran ang kanilang ama hinggil sa kaunting nalalaman nila na nakapagpapasaya sa kanya, nalalaman nila ito sa pamamagitan ng likas na simbuyo kaysa sa pamamagitan ng kaalaman, sapagkat sila ay mas malayo at mula sa unang araw ng kanilang kapanganakan pinalaki sila sa pamamagitan ng mga katulong na nagsasalita ng iba't ibang mga wika at may iba't ibang mga kaugalian. Isang araw ang ama, na alam niya na sa kabila ng kanyang mga tagubilin ang mga katulong ay nagkulang na gawin ang kanyang mga kaisipan na malaman ng mga nasa-malayong mga anak na ito, sapagkat sa pagmamalaki ng mga katulong tiningnan nila na ang mga anak na mas mababa at hindi na minamahal, dahil lamang na sila ay hindi na namumuhay na kasama ang kanilang ama, ay nagpasyang ipunin ang lahat niyang mga anak. At tinawag niya sila. Bueno, sa palagay ba ninyo hinusgahan niya sila ayon sa pantaong mga karapatan, ipinagkakaloob ang pagkakaroon ng kanyang ari-arian sa mga anak lamang na laging nakakasama sa bahay, o hindi magpahanggang ngayon napigilan na malaman ang kanyang mga utos at mga kahilingan? Sa kabaligtaran, sinusundan ang isang ganap na ibang pangangatwiran at tinitingnan ang mga gawa ng mga naging makatarungan alang-alang sa kanilang ama, na nalalaman lamang nila sa pangalan, at nagbigay sa kanya ng karangalan sa pamamagitan ng kanilang mga kilos, tinawag niya sila malapit sa kanya nagsasabing: “Ang inyong pagiging makatarungan ay dobleng karapat-dapat ng mga merito, sapagkat kayo ay naging ganyan sa pamamagitan lamang ng inyong sariling kalooban, na wala ng kahit na anong tulong. Halikayo at tumayo sa paligid ko. Kaya ay lubos na karapat-dapat nito! Ang iba ay nagkaroon ng lahat ng panahon at ang lahat ng kanilang mga kilos ay ginabayan ng aking payo at ginantimpalaan ng aking mga ngiti. Kinailangan ninyong kumilos dala ng pananampalataya at pagmamahal. Halikayo, sapagkat ang inyong mga lugar ay nakahanda na sa aking bahay at wala akong tinitingnan na kaibahan sa pagitan ng naging laging nasa bahay at ng naging laging nasa malayo nito; bagkus ang kaibahan ay nasa mga gawaing ginawa ng aking mga anak, malapit o malayo man sa akin”.

Iyan ang parabula. At ito ang kapaliwanagan: ang mga eskriba at mga Pariseo, na namumuhay sa paligid ng Templo ay maaaring wala sa Bahay ng Panginoon sa eternal na Araw, at marami, na napakalayo upang magkaroon lamang ng kakaunting kaalaman tungkol sa mga bagay ng Diyos, ang maaaring pagdating panahon nasa Kanyang Sinapupunan. Sapagkat ang nagbubunyag sa Kaharian ay ang kalooban ng tao na may kiling na sumunod sa Diyos, at hindi ang isang tambak ng mga kaugalian at siyensiya.

Gawin, kung gayon, kung ano ang Aking pinaliwanag sa inyo kahapon. Gawin ito nang walang kalabisan na takot na nagpaparalisa, gawin ito nang hindi nagkakalkula na maiwasan ang kaparusahan. Gawin ito kung gayon para lamang sa pagmamahal sa Diyos Na naglikha sa inyo upang mahalin kayo at mahalin ninyo. At magkakaroon kayo ng isang lugar sa Bahay ng Ama.»

«O! magpatuloy sa pagsalita sa amin!»

«Ano ang sasabihin Ko sa inyo?»

«Kahapon sinabi Ninyo na mayroong mga sakripisyo na mas kaaya-aya sa Diyos kaysa sa mga kordero at mga lalaking tupa, at na mayroon ding mga ketong na mas kahiya-hiya kaysa sa ketong ng katawan. Ang Inyong sinabi ay hindi napakalinaw sa akin» sabi ng isang pastol, na naghihinuha: «Bago ang isang kordero ay maging isang-taon at ito ay ang pinakamaganda sa kawan, na wala kahit anong mantsa o kapintasan, nababatid ba Ninyo kung gaanong sakripisyo ang kailangan na gawin ng isa at kung ilang beses na kailangan na mapaglabanan niya ang tukso na gamitin ito bilang ang lalaking-tupa ng kawan o ipagbili ito bilang ganyan? Ngayon kung sa loob ng isang taon nilalabanan ng isa ang bawat panunukso, inaalagaan niya ito at napamahal dito, nagiging ang hiyas ng kawan, nalalaman ba Ninyo kung gaano kalaki ang sakripisyo sa pagpakawala dito nang walang kahit anong kita at may malalim na kapighatian? Mayroon pa bang mas malaking sakripisyo na maiaalay sa Panginoon?»

«lalaki, sasabihin Ko sa iyong totoo na ang sakripisyo ay wala sa hayop na binibitawan, bagkus nasa pagsisikap na ginawa mo na alagaan ito upang maialay ito. Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang araw ay malapit nang dumating kung kailan, katulad ng sinasabi ng pinasiglang salita, sasabihin ng Diyos: “Hindi Ko kailangan ang sakripisyo ng mga tupa at mga lalaking tupa” at hihingi Siya ng isang sakripisyo lamang at isang perpektong sakripisyo. At mula sa sandaling iyan ang bawat sakripisyo ay magiging espirituwal. Ngunit noong matagal na panahon sinabi kung alin na sakripisyo ang mas gusto ng Panginoon. Si David ay bumulalas umiiyak: “Kung ginusto Ninyo ang isang sakripisyo, naibigay ko sana ito sa Inyo, ngunit ang pagsusunog ng isang hayop ay hindi sa Inyo nagbibigay ng kasiyahan. Ang sakripisyo para sa Diyos ay isang nagsisising espiritu (at dinadagdag Ko: masunurin at nagmamahal, sapagkat ang isa ay makapag-aalay ng isang sakripisyo ng mga papuri at lugod at pagmamahal, hindi lamang dahil sa pagbabayag-kasalanan). Ang sakripisyo para sa Diyos ay isang nagsisising espiritu; Kayo, o Diyos, ay hindi Ninyo tatanggihan ang isang nagsisisi at napahiyang puso”. Hindi, ni hindi tatanggihan ng inyong Ama ang isang pusong nagkasala at nagsisi. Kung gayon, papaano Niya tatanggapin ang sakripisyo ng isang purong makatarungan na puso na nagmamahal sa Kanya? Iyan ang pinakatanggap-na-tanggap na sakripisyo. Ang pang-araw-araw na sakripisyo ng pantaong kalooban sa dibinong kalooban katulad ng pinakita sa inyo sa Batas, sa mga inspirasyon at sa mga nangyayari sa araw-araw. At gayon din naman, ang ketong ng laman ay hindi ang pinaka kahiya-hiyang sakit na nagpapahiwalay sa mga tao sa presensya ng mga tao at sa mga lugar ng panalangin. Bagkus ito ay ang ketong ng kasalanan. Totoo na ito ay kadalasan nakakalampas nang hindi napupuna ng mga tao. Ngunit kayo ba ay nabubuhay para sa mga tao o para sa Panginoon? Ang lahat ba ay nagtatapos dito o ito ay nagpapatuloy sa susunod na buhay? Alam ninyo. Kung gayon maging banal, na kayo ay hindi sana maging mga ketongin sa mga mata ng Diyos, Na nakakakita sa mga puso ng mga tao at manatiling puro sa espiritu na sana kayo ay mabuhay magpakailanpaman.»

At kung ang isa ay isang matigas na makasalanan?»

«Gawin na huwag niyang gayahin si Cain. Gawin na huwag niyang gayahin sina Adan at Eba.  Bagkus gawin siyang tumakbo sa paanan ng Diyos at humingi ng awa nang may totoong pagsisisi. At ang isang may sakit o nasugatang tao ay pumupunta sa isang doktor upang mapagaling. Gawin ang isang makasalanan na pumunta sa Diyos upang makakuha ng kapatawaran. Ako...»

«Naririto ba Kayo, Guro?» sigaw ng isa na paakyat mula sa daan, lubos na nakabalot sa isang manta sa pagitan ng maraming ibang mga tao.

Si Jesus ay lumingon at tinitingnan siya.

«Hindi ba Ninyo Ako nakikilala? Ako ang rabbi na si Sadoc. Nagkikita tayo paminsan-minsan.»

«Ang mundo ay laging maliit kapag gusto ng Diyos na magkita-kita ang mga tao. Magkikita tayong muli, rabbi. Pansamantala, kapayapaan sa iyo.»

Yaong isa ay hindi nagsusukli ng pagbati ng kapayapaan, bagkus siya ay nagtanong: «Ano ang Inyong ginagawa rito?»

«Ginawa Ko kung ano ang malapit mo nang gawin. Ang bundok bang ito ay hindi isang banal na bundok para sa iyo?»

«Nasabi na Ninyo. At pumunta ako kasama ang aking mga disipulo. Ngunit ako ay isang eskriba!»

«At Ako ay isang anak ng Batas. Kung kaya't pinagpipitagan Ko si Moses katulad ng ginagawa mo.»

«Iyan ay isang kasinungalingan. Ginagawa Ninyong walang-laman ang kanyang salita sa pamamagitan ng Inyo at humihingi Kayo ng pagsunod sa Inyong mga salita, hindi na sa amin.»

«Sa inyo, hindi. Iyan ay sa inyo. Ngunit ito ay hindi na kinakailangan...»

«Hindi na kinakailangan? Gaano nakapangingilabot!»

«Hindi, hindi na kinakailangan nang higit pa kaysa sa kailangan ang maraming dumadaloy na mga palawit na nag-aadorno sa iyong kasuutan upang maprotektahan ka sa hangin ng taglagas. Ang kasuutan ang nagpoprotekta sa iyo. Kung kaya't, sa dami ng mga salita na itinuturo tinatanggap Ko ang banal at kinakailangan na mga salita, ang Mosaic na mga salita, at kinalilimutan Ko ang iba pa.»

«Samaritano hindi Ninyo pinaniniwalaan ang mga propeta!»

«Ni hindi mo rin ginagalang ang mga propeta. Kung ginagalang mo, hindi mo Ako tatawagin na Samaritano.»

«Pabayaan Siya, Sadoc. Ibig mo bang makipagusap sa isang dimonyo?» sabi ng isa pang peregrino na kararating lang may kasamang ibang mga tao. At tumitingin sa paligid nang may matitigas na mata sa grupo na nakapaikot kay Jesus, nakita niya si Judas ng Kerioth at binati siya nang nanunuya.

Ang isang kaguluhan ay maaaring nangyari, sapagkat ang lokal na mga tao ay gustong ipagsanggalang si Jesus, ngunit ang mamâ mula sa Petra, sinusundan ng isang katulong, ay sumisiksik sa pulutong. Kapwa siya at ang katulong ay tig-isang may hawak na isang bata sa kanilang mga bisig. «Paraanin ako. Panginoon, napaghintay ko ba Kayo nang napakatagal?»

«Hindi, mamâ. Halika sa Akin.»

Ang mga tao ay nagbukas ng hanay upang siya ay makaraan. Pumunta siya kay Jesus at lumuhod inihihiga sa lupa ang isang maliit na babae na ang kaninong ulo ay binalutan ng mga bendahe ng linen. Ang katulong ay ginaya siya inihihiga ang isang batang lalaki na may mga matang hindi makakita.

«Ang aking mga anak, Gurong Panginoon!» sabi niya, at ang lahat na pag-asa at kapighatian ng isang ama ay nanginginig sa maikling pangungusap na iyon.

«Nagkaroon ka ng labis na pananampalataya, mamâ. Halimbawa na nabigo kita? O hindi mo Ako natagpuan? O sinabi Ko sa iyo na hindi Ko sila mapagagaling?»

«Hindi ko Kayo paniniwalaan. Ni hindi ko mapaniniwalaan ang ebidensiya ng hindi kayo nakikita.  Sasabihin ko na itinago Ninyo ang Inyong Sarili upang masubukan ang aking pananampalataya at hahanapin ko Kayo hanggang makita ko Kayo.»

«At papaano ang karabana at ang iyong kita?»

«Ang ganyang mga bagay? Ano sila kompara sa Inyo Na makagagamot sa aking mga anak at makapagbibigay sa akin ng matatag na pananampalataya sa Inyo?»

«Alisan ng takip ang mukha ng batang babae» utos ni Jesus.

«Pinanatili kong may takip ito sapagkat nasasaktan siya nang labis ng liwanag.»

«Ito ay magiging sandaling kirot lamang» sabi ni Jesus.

Ngunit ang bata ay nagsimulang umiyak nang labis at ayaw na maalisan ng takip.

«Siya ay tumutugon nang ganyan sapagkat akala niya pahihirapan Ninyo siya ng apoy katulad ng ginawa ng mga doktor» paliwanag ng ama habang nagpupumilit na maalis ang mga kamay ng bata sa paghawak sa mga bendahe.

«O! huwag matakot, maliit na bata. Ano ang pangalan mo?»

Ang bata ay umiiyak at hindi tumutugon. Ang kanyang ama ang tumugon sa katauhan ng bata: «Tamar, mula sa lugar kung saan siya pinanganak. At ang lalaki ay Fara.»

«Huwag umiyak, Tamar. Hindi kita sasaktan. Pakiramdaman mo ang Aking mga kamay. Wala Akong hinahawakan na kahit ano. Halika sa Aking lapi. Pansamantala pagagalingin Ko ang iyong kapatid na lalaki at sasabihin niya sa iyo kung ano ang kanyang naramdaman. Halika rito, anak.»

Ang katulong ay tinutulak sa mga tuhod ni Jesus ang kaawa-awang maliit na batang lalaki na ang kaninong mga mata ay nasira ng trachoma. Si Jesus ay hinahaplos ang kanyang ulo at tinanong siya: «Kilala mo ba kung sino Ako?»

«Si Jesus ang Nazareno, ang Rabbi ng Israel, ang Anak ng Diyos.»

«Maniniwala ka ba sa Akin?»

«Oo, maniniwala ako.»

Si Jesus ay pinapatong ang Kanyang kamay sa mga mata ng bata tinatakpan ang mahigit sa kalahati ng kanyang mukha. Sinabi Niya: «Gusto Ko ito! At harinawang ang liwanag ng kanyang mga mata ay mabuksan ang daan sa liwanag ng Pananampalataya.» At Kanyang inalis ang Kanyang kamay.

Ang bata ay napasigaw nilalagay ang kanyang mga kamay sa kanyang mga mata, at pagkatapos nagsabi: «Ama! Nakakakita ako!» Ngunit hindi siya tumatakbo sa kanyang ama. Sa kanyang pambatang lalaking pagkukusa kumapit siya sa leeg ni Jesus at hinahalikan ang Kanyang mga pisngi at nananatiling ganyan, niyayakap ang Kanyang leeg, na ang kanyang maliit na ulo naninilungan sa balikat ni Jesus, upang ang kanyang mga mata ay masanay muli sa liwanag ng araw.

Ang mga pulutong ay sumisigaw sa himala habang ang ama ay ibig na alisin ang bata sa leeg ni Jesus.

«Hayaan siya. Hindi niya Ako naiistorbo. Kaya lang, Fara, sabihin mo sa iyong kapatid kung ano ang Aking ginawa sa iyo.»

«Isang haplos, Tamar. Pakiramdam nito ay katulad ng kamay ng inay. O! gumaling ka rin at maglalaro tayo muli!»

Ang batang babae, medyo nag-aalinlangan, ay pumayag na mailagay ang kanyang sarili sa ibabaw ng mga tuhod ni Jesus, Na ibig na pagalingin siya nang ni hindi na hinahawakan ang kanyang mga bendahe. Ngunit ang mga eskriba at ang kanilang mga kasamahan ay sumigaw: «Ito ay isang panlilinlang. Ang batang babae ay nakakakita. Ito ay isang pakana upang mapagsamantalahan ang inyong kompiyansa sa Kanya, o mga mamamayan ng lugar na ito.»

«Ang aking anak na babae ay may sakit. Ako...»

«Hindi na bale! Ngayon, Tamar, maging mabuti at hayaan mong alisin Ko ang iyong mga bendahe.»

Ang bata, na ngayon kumbinsido na, ay pumayag. Anong tanawin nang ang huling linen na bendahe ay naalis! Dalawang mapula, may mga langib, magang mga sugat ang nasa lugar ng kanyang mga mata, at mga luha at nana ang bumababa mula sa mga ito. Ang mga pulutong ay napasigaw sa takot at awa habang ang batang babae ay inilalagay ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha upang maprotektahan ang kanyang sarili sa liwanag na maaaring nagpapahirap sa kanya nang malaki; dalawang mapulang bagong mga sunog ang makikita sa kanyang mga sentido.

Si Jesus ay inaalis ang maliliit na kamay ng bata at sa pamamagitan ng isang magaan na pagkakadikit inilalagay Niya ang Kanyang kamay sa kasiraan na iyon sa kanyang mukha nagsasabing: «Ama, Na naglikha sa liwanag para sa lugod ng mga buháy, at nagbigay ng mga mata kahit na sa mga kutong-lupa, magkaloob ng liwanag sa nilikhang ito Ninyo na sana makita niya Kayo at maniwala sa Inyo at mula sa liwanag ng Lupa, makapasok sana siya, sa pamamagitan ng Pananampalataya, sa liwanag ng Inyong Kaharian.» Inaalis Niya ang Kanyang kamay...

«O!» lahat sila ay sumisigaw.

Wala nang mga sugat. Ngunit ang bata ay pinananatili pa rin niya ang kanyang mga mata na nakasarado.

«Buksan mo sila, Tamar. Huwag matakot. Ang liwanag ay hindi ka sasaktan.»

Ang bata ay sumusunod nang kung baga natatakot at ibinuka ang kanyang mga talukap-mata nagpapakita ng dalawang buhay-na-buhay na maiitim na mga mata.

«Ama! Nakikita ko kayo!» at nagpapahingalay din siya sa ibabaw ng balikat ni Jesus upang masanay nang unti-unti sa liwanag.

Ang mga pulutong ay nagbubunyi habang ang mamâ mula sa Petra ay itinapon ang kanyang sarili sa paanan ni Jesus umiiyak sa lugod.

«Ang iyong pananampalataya ay tumanggap ng gantimpala nito. Mula ngayon harinawang ang iyong pasasalamat ay madala ang iyong pananampalataya sa Tao sa pinakamataas na kalagayan: sa pananampalataya sa totoong Diyos. Tumayo ka at umalis na tayo.»

At ibinaba ni Jesus ang maliit na batang babae na ngumingiti nang masaya at napatikal Siya sa batang lalaki nang Siya ay tumayo. Hinahaplos Niya silang muli at ibig Niyang sumiksik upang makaraan sa pulutong na nagsisiksikan upang makita ang gumaling na mga mata.

«Kailangan mo ring makiusap upang mapagaling ang iyong nalalabuan na mga mata» sabi ng isang disipulo sa isang matandang lalaki na inaakay sa kamay dahil ang kanyang mga mata ay napakalabo.

«Ako?! Ako?! Ayaw ko ng liwanag mula sa isang dimonyo. Sa kabaligtaran! Sumisigaw ako sa Inyo, eternal na Diyos! Makinig sa akin. Sa akin! Ganap na kadiliman sa akin! Na sana hindi ko makita ang mukha ng dimonyo, ng dimonyong iyon, ng lapastangan na mangangamkam na iyon, walang pakundangan, mamamatay-ng-diyos! Mga anino ang bumagsak sana sa aking mga mata magpasawalanghanggan. Kadiliman, kadiliman, na sana hindi ko Siya makita!» Siya ito na siyang tila ang dimonyo! Sa kanyang sumpong sinuntok niya ang kanyang mga mata na tila ibig niyang pasabugin ang mga ito.

«Huwag matakot. Hindi mo Ako makikita. Ang Kadiliman ay ayaw ang Liwanag at ang Liwanag ay hindi ipinipilit ang sarili sa mga tumatanggi rito. Ako ay aalis, matandang lalaki. Hindi mo na Ako makikitang muli sa Lupa. Ngunit makikita mo rin Ako gayunpaman, sa ibang lugar.»

At si Jesus ay malungkot-na-malungkot na ang imbay ng paglakad na tipikal sa napakataas na mga tao – medyo na nakakiling paabante – ay mas namumukod-tangi habang Siya ay naglalakad nang pababa sa burol. Siya ay laylay-na-laylay ang balikat na Siya ay nagmumukha nang ang Sentensiyado na tao na bumababa sa Moriah sa ilalim ng bigat ng Krus... At ang mga sigaw ng Kanyang mga kaaway, na naudyukan ng matandang baliw na lalaki, ay katulad-na-katulad ng mga sigawan ng mga pulutong sa Herusalem noong Biyernes Santo.

Ang mamâ mula sa Petra, napapahiya, karga ang maliit na batang babae na umiiyak dahil sa takot, ay bumubulong: «Dahil sa akin, Panginoon! Dahil sa akin! Nakagawa Kayo ng labis na kabutihan sa akin! Ngunit ako... sa Inyo! Mayroon akong isang bagay para sa Inyo sa loob ng talabing sa ibabaw ng kamelyo. Ngunit ano iyon kompara sa mga insulto na nadala ko? Ako ay napapahiya na ako ay lumapit sa Inyo...»

«Hindi, mamâ. Iyan ang Aking mapait na pang-araw-araw na tinapay. At ikaw ang pulot na nagpapatamis diyan. Ang tinapay ay laging mas marami kaysa sa pulot. Ngunit ang isang patak ng pulot ay sapat na upang mapatamis ang mas maraming tinapay.

«Kayo ay mabuti... Ngunit sabihin man lamang sa akin: ano ang aking dapat na gawin upang malinis ang mga sugat na iyon?»

«Panatilihin ang pananampalataya sa Akin, pansamantala hangga't magagawa mo. Bago magtagal... Oo, ang Aking mga disipulo ay pupunta hanggang sa layo ng Petra at sa mas malayo pa. Pagkatapos sundan ang kanilang doktrina sapagkat Ako ay magsasalita sa pamamagitan nila. At sa pansamantala magsalita sa mga taga-Petra tungkol sa kung ano ang Aking ginawa para sa iyo, upang kapag ang mga nakapaligid sa Akin at ang iba pa ay dumating sa ngalan Ko, ang Pangalan Kong ito ay hindi na magiging di-kilala sa kanila.»

Sa katapusan ng pagbaba, sa daan na gawa ng mga Romano, ay may tatlong kamelyo. Ang isa na may siyá lamang,  ang iba may mga talabing. Ang isang katulong ay binabantayan ang mga ito.

Ang mamâ ay pumunta sa talabing at kumuha ng ilang mga balutan mula dito: «Narito» sabi niya binibigay ang mga ito kay Jesus. «Mapakikinabangan Ninyo sila. Huwag akong pasalamatan. Ako ito na siyang magpapalâ sa Inyo para sa Inyong binigay sa akin. Kung magagawa Ninyo sa di-tuli na mga tao, pagpalain ako at ang aking mga anak, Panginoon!» at siya ay lumuhod kasama ang kanyang mga anak. Ang mga katulong ay ginaya siya.

Si Jesus ay inunat ang Kanyang mga kamay nananalangin sa isang mababang tinig nakatingin lagi sa kalangitan.

«Humayo. Maging makatarungan at matatagpuan ninyo ang Diyos sa inyong daan at susundan ninyo Siya nang hindi Siya kailanman mawawala sa inyo. Paalam, Tamar! Paalam, Fara!» Hinahaplos Niya sila bago ang bawat isa umakyat sa isang kamelyo kasama ang mga katulong/

Ang mga hayop ay tumayo sa mga sigaw ng mga drayber at sila ay lumiko tumutroteng patimog. Dalawang maliliit na kulay-kapeng mga kamay ang nakaunat mula sa talabing at dalawang matinis na tinig ang nagsasabi: «Paalam, Panginoong Jesus! Paalam, ama!»

Ang mamâ ay pasakay na rin. Siya ay yumuko sa lupa at hinahalikan ang damit ni Jesus, pagkatapos siya ay sumakay at umalis pagawing hilaga.

«At ngayon lumakad na tayo» sabi ni Jesus umaalis pagawing hilaga rin.

«Ano? Hindi na ba Kayo pupunta kung saan ginusto Ninyong pumunta?» tinatanong nila Siya.

«Hindi. Hindi na tayo makakapunta pa! Tama ang mga tinig ng mundo! Dahil ang mundo ay tuso at nalalaman ang mga gawa ng dimonyo, tayo ay pupunta sa Jericho»

Gaano kalungkot si Jesus! Lahat sila ay sinusundan Siya, dala ang mga balutan na binigay ng mamâ, yukayok at walang masabi.

110911

 

 


Sunod na kabanata