5. Ang Kapanganakan kay Birheng Maria.

 Agosto 26, 1944.

Nakikita ko si Anna palabas ng hardin. Siya ay nakasandal sa braso ng isang kamag-anak, na katulad din niya. Siya ay kapuna-punang mga ilang buwan nang buntis, at siya'y nagmumukhang pagod at ang kanyang kapaguran ay hindi natutulungan ng kaalisangsangan, katulad na ang ngayong init ay pinapanghina ako.

Bagama't ang hardin ay malilim, napakainit nito at sarado. Ang ere ay maaaring hiwain katulad ng malambot na mainit na tapay, napakabigat nito. Ang sinag ng araw ay bumababang mula sa isang walang-awang asul na kalangitan at may ilang alikabok na ginagawa ang atmospera na maging medyo walang sigla. Ang panahon ay maaaring matagal nang tuyo, sapagkat kung saan walang irigasyon, ang lupa ay totoong naging pinung-pino, halos puting alikabok. Sa labas ang maputing pook na ito ay medyo kulay rosal, samantalang ito ay madilim na pulang kulay kape sa ilalim ng mga punungkahoy, kung saan ang lupa ay basa. gayon din naman ang lupa ay basa sa hilera ng maliliit na taniman ng mga bulaklak, kung saan ang hilera ng mga gulay ay tumutubo, at sa paligid ng mga tanim na rosas, ang mga hasmin at iba pang mga bulaklak, at lalo na ang nasa harapan at ang nasa magandang pergola, na humahati sa dalawa sa lootan, hanggang sa simula ng mga bukid, ay nawalan na ng mga tanim nito. Ang damo ng burol, na nagtatanda sa hangganan ng ari-arian, ay darang at manipis. Tanging sa hangganan nito, kung saan may halamang bakod ng layas na hawthorn, na ganap nang may mga kulay ruby gawa ng maliliit na prutas nito, ang damo ay mas berde at makapal. May ilang mga tupa sa paligid kasama ang isang batang pastol naghahanap ng pastulan at lilim.

Si Joachim ay nagtatrabaho sa paligid ng mga hilera ng mga baging at punong-olibo. May dalawang lalaki siyang kasama, tumutulong sa kanya. Bagama't maedad nang lalaki siya ay mabilis at masigasig magtrabaho. Sila ay nagbubukas ng maliliit na kanal sa dulo ng isang bukid upang mapatubigan ang tuyong mga tanim, at ang tubig na ito ay dumadaloy bumabalukbok sa pagitan ng damo at tuyong lupa. Ang daloy ay pumoporma ng mga pabilog na sa isang sandali nakakatulad ang isang manilaw-nilaw na kristal at pagkaraan ng mga ilan pang sandali ay mga pabilog na lamang ng basang lupa, sa paligid ng mga sanga ng baging na sobra-sobra na ang bigat at sa paligid ng mga punong-olibo.

Sa tabi ng malilim na pergola, sa ilalim kung saan ang mga kulay-gintong pukyutan ay humuhugong, nagtatakaw sa asukal ng gintong mga ubas, si Anna ay kumikilos nang dahan-dahan patungo kay Joachim, na nagmadaling salubungin si Anna nang makita niya siya kaagad.

«Malayo ang nilakad mo?»

«Ang bahay ay kasing init ng pugon.»

«At naghihirap ka gawa nito.»

«Ang tanging paghihirap sa huling oras na ito ay ang paghihirap ng isang buntis Ang natural na paghihirap ng lahat: tao at hayop. Huwag kang masyadong magpainit, Joachim.»

«Ang tubig na matagal na nating inaasahan, sa gayong katagal na panahon, at sa loob ng tatlong araw ay tila napakalapit na, ay hindi pa dumarating at ang kabukiran ay tuyo na. Masuwerte tayo na mayroon tayong bukal sa malapit at napakayaman sa tubig. Binuksan ko na ang mga kanal. Ito ay malaking kaginhawahan para sa tanim na may mga natutuyong dahon at natatakpan ng mga alikabok: sapat lamang upang sila ay mabuhay. Kung uulan lamang…» si Joachim, na may pananabik ng lahat na mga magbubukid, ay tinitingnan ang kalangitan, habang si Anna, pagod, ay pinalalamigan ang sarili sa pamamagitan ng pamaypay na tila gawa sa tuyong dahon ng isang palmera may sala-sala ng maraming kulay na mga sinulid nagpapatibay dito.

Ang kasamahan ni Anna ay sumabat: «Sa banda roon, sa kabila ng Great Harmon, mabilis na mga ulap ang tumataas. May hanging hilaga. Ito ay magpapalamig at baka magdala ng ulan.»

«Ang hangin ay lumabas nang tatlong araw at pagkatapos ito’y humupa nang ang buwan ay tumataas . Magiging ganyan din ito ngayon.» si Joachim ay pinanghinaan ng loob.

«Tayo ay bumalik sa bahay. Kahit dito ang isa ay halos hindi makahinga, at maging ano pa man sa palagay ko mas mabuting bumalik…» sabi ni Anna, na mas nagmumukhang kulay-olibo kaysa  karaniwan, gawa ng isang pamumutlang dumating sa kanyang mukha.

«May nararamdaman ka bang kirot?»

«Wala. Ngunit nararamdaman ko ang dakilang kapayapaan na naranasan ko sa loob ng Templo nang pinagkalooban ako ng grasya, at na aking naramdaman muli nang malaman ko na ako ay buntis. Ito ay katulad ng isang kaligayahan, isang matamis na tulog ng katawan habang nagbubunyi ang kaluluwa at kakalmante na kusa sa isang kapayapaan na walang nakakatulad sa pangkatawan. Minahal at minamahal pa rin kita, Joachim, at nang pinasok ko ang iyong bahay at sinabi ko sa aking sarili: “Ako ay asawa ng isang makatarungang lalaki”, nagkaroon ako ng kapayapaan: at ganito ang aking nararamdaman sa tuwing inaalagaan ng iyong mapaglaan na pagmamahal ang iyong Anna. Ngunit ang kapayapaang ito ay iba. Intindihin: sa palagay ko ang kaluluwa ng ating amang si Jacob ay pinasok ng ganito ring kapayapaan, katulad ng kaginhawahan na idinudulot ng langis na kumakalat at nagpapapayapa, pagkaraan na mapanaginipan niya ang mga anghel. At , baka mas eksakto pa, ito ay katulad ng malugod na kapayapaan ng mga Tobias pagkatapos na magpakita sa kanila si Raphael. Kung paiilalim ko ang aking sarili sa pakiramdam na ito, ito’y lumalakas pa nang lumalakas habang kinalulugdan ko ito. Ito'y katulad ng tila ako ay tumataas patungo sa asul na mga espasyo ng kalangitan… At higit pa rito, hindi ko malaman ang dahilan nito, ngunit sa dahilan na nagkaroon na ako ng mapayapang lugod na ito, nagkaroon ako ng awit sa loob ng aking puso: ang lumang awit ni Tobias. Sa palagay ko ito ay isinulat para sa oras na ito… para sa lugod na ito… para sa lupaing Israel na tumatanggap nito… para sa Herusalem na makasalanan at ngayon napatawad… Ngunit huwag kang tumawa sa pagkahibang ng isang ina… ngunit kapag sinasabi kong: “Pasalamatan ang Panginoon para sa iyong kayamanan at pagpalain ang Diyos ng mga siglo, upang sana itayo Niyang muli ang Kanyang Tabernakulo sa loob mo”. Sa palagay ko Siya na magtatayong muli ng Tabernakulo ng totoong Diyos sa Herusalem ay magiging ang Isang Ito na malapit nang ipanganak… At sa palagay ko rin na ang kapalaran ng aking anak ay pinopresiya at hindi ang kapupuntahan ng Banal na Siyudad, nang ang awit ay nagsasabi: “Ikaw ay magniningning na may matingkad na liwanag: ang lahat na mga tao ng mundo ay magpapatirapa sa harapan mo: ang mga nasyon ay darating magdadala ng mga regalo: sasambahin nila ang Panginoon sa iyo at tatanghalin nilang sagrado ang iyong lupain, sapagkat sa loob mo mapananawagan mo ang Dakilang Pangalan. Magiging masaya ka dahil sa iyong mga anak, sapagkat lahat sila ay pagpapalain at sila ay magtitipon malapit sa Panginoon. Pagpalain ang mga nagmamahal sa iyo at nagbubunyi sa iyong kapayapaan…» At ako ang unang nagbubunyi, ang kanyang masayang ina…»

Si Anna ay nagbabago ang kulay, nang sinasabi ang mga salitang ito at siya ay nagliliwanag katulad ng isang bagay na kinuha mula sa kaputlaan ng sinag ng buwan patungo sa kaningningan ng isang malaking apoy at tumbalikan. Matatamis na luha, na hindi niya nalalaman, ay bumababa sa kanyang mga pisngi at siya ay ngumingiti sa kanyang lugod. At sa pansamantala siya ay kumikilos patungo sa bahay, naglalakad sa pagitan ng kanyang asawa at kanyang kamag-anak, na nakikinig at, lubos na naaantig, ay nananahimik.

Sila ay nagmadali sapagkat ang mga ulap na tinataboy ng isang malakas na hangin, ay mabilis na dumaan at naipon sa kalangitan, habang ang kapatagan ay dumidilim at nangangatal sa badya ng isang bagyo. Nang marating nila ang pamasukan ng tirahan, ang unang maputlang kisap ng kidlat ay tinawid ang kalangitan at ang dagundong ng unang repeke ng kulog ay katulad ng gúlong ng isang dambuhalang dram na humahalo sa arpeggio¹ ng unang mga patak ng ulan sa tuyong mga dahon.

Lahat sila ay pumasok at si Anna ay humiwalay, habang si Joachim, nakatayo sa may pintuan, ay nakikipagusap sa mga manggagawa, na mga sa pansamantala ay sumama sa kanya: ang pinag-uusapan ay ang matagal nang hinihintay na tubig na isang pagpapalà para sa tigang na lupa. Ngunit ang kanilang lugod ay naging isang takot sapagkat ang isang napakamarahas na bagyo ay papalapit may kasamang kidlat at mga ulap nagbabanta ng ulang yelo. «Kapag ang ulap ay sumabog, dudurugin nito ang mga ubas at ang mga olibo katulad ng isang panggiling na bato. Kaawa-awang ako!»

Si Joachim ay nananabik din para sa kanyang asawa, na ang oras ay dumating na para sa pagluluwal ng kanyang anak. Ang kanyang kamag-anak ay tinitiyak sa kanya na si Anna ay hindi man lamang naghihirap. Ngunit siya ay balisa, at sa tuwing ang kanyang kamag-anak o sino pa mang ibang babae, kasama rito ang ina ni Alfeo, ay lumalabas mula sa silid ni Anna at bumabalik ulit may dalang mainit na tubig at mga palanggana at mga linen pinatuyo sa malapit na lumalagablab na paapuyan sa malaking kusina, siya ay pupunta at magtatanong, ngunit siya ay hindi kumakalmante sa kabila ng kanilang mga pagtiyak. Ang kakulangan din ng mga pag-iyak mula kay Anna ay nagpapaalaala sa kanya. Sinabi niya: «Ako ay isang lalaki at hindi pa ako kailanman nakakita ng isang sanggol na ipinanganganak. Ngunit naaalaala ko na ang kawalan ng mga pagdaing ay piligroso.»

Dumidilim na at ang gabi ay pinangunahan ng isang nagngangalit at marahas na bagyo: ito ay nagdadala ng malakas na ulan, hangin, kidlat, lahat, maliban sa ulang-yelo, na bumagsak na sa ibang lugar.

Ang isa sa mga manggagawa ay napuna ang kabangisan ng amihang hangin: «Ito'y kamukha ng tila si Satanas ay lumabas ng Gehenna kasama ang kanyang mga dimonyo. Tingnan ang maiitim na ulap na iyon! Maaamoy mo ang asupre sa ere at may maririnig kang sumisipol at sumisirit, at dumaraing at nagmumurang mga tinig. Kung ito ay siya, siya ay galit ngayong gabi!»

Ang ibang mga manggagawa ay tumatawa at nanunuya: «Isang malaking bihag ang maaaring nakatakas sa kanya, o si Miguel ay nahampas siya ng bagong kidlat mula sa Diyos, at natalian ang kanya mga sungay at buntot at nasunog.»

Ang isang babae ay dumaraan at sumigaw: «Joachim! Ito'y parating na. At ito'y mabilis na nangyayari at maayos!» at siya ay nawala dala ang isang maliit na amphora sa kanyang mga kamay.

Ang bagyo ay biglang humina, pagkatapos ng huling kidlat na napakatindi upang naitapon nito ang tatlong lalaki sa pader; at sa harapan ng bahay, sa hardin, ang isang maitim na uka ay nananatili bilang alaala nito! Samantala ang isang iyak, nakakatulad ang munting pakiusap ng isang maliit na kalapati na sa pinaka-unang-una pagkakataon ay hindi na sumisilip bagkus humuhuni, ay narinig mula sa kabila ng pinto ni Anna. At kasabay nito ang isang napakalaking bahaghari ay inuunat nito ang kalahating pabilog nito sa kalangitan. Ito ay tumataas, o tila tumataas, mula sa tuktok ng Hermon, na bilang nahalikan ng araw, ay nagmumukhang katulad ng isang napakaselan na malarosas na alabastro: ito ay tumataas sa malinaw na kalangitan ng Setyembre at sa pamamagitan ng atmospera na nalinisan ng lahat ng mga dumi, tinatawid nito ang mga burol ng Galilee at ang kapatagang patungong timog, at ang isa pang bundok, at tila itinutukod ang kabilang dulo sa malayong orisonte, kung saan naglalaho ito sa paningin sa likuran ng kabit-kabit na matataas na bundok.

«Hindi pa tayo kailanman nakakita ng katulad nito!»

«Tingnan! tingnan!»

«Tila ipinapasok nito sa isang pabilog ang buong lupain ng Israel. At tingnan! Mayroon na kaagad ng tala sa kalangitan habang hindi pa nakalubog ang araw. Anong tala ito! Ito ay nagniningning katulad ng isang dambuhalang diyamante!...»

«At ang buwan, sa banda roon, ay isang kabilugan, tatlong araw ang aga. Ngunit tingnan kung papaano siya magningning!»

Ang mga kababaihan ay dumating na masayang-masaya dala ang isang bilugang sanggol nakabalot sa lisong mga linen.

Ito ay si Maria, ang Ina. Isang napakaliit na Maria, na maaaring makatulog sa loob ng mga bisig ng isang bata, isang Maria na, sa pinakamahaba na, kasing haba ng isang braso, may maliit na ulong kulay-gatas na may bahid ng rosas. Ang Kanyang munting karminang mga labì ngayon hindi na umiiyak bagkus nakahanda sa likas na paghahanap ng masususo: napakaliit ng mga ito na hindi maiintindihan ng isa kung papaano nito kukunin ang isang utong. Ang Kanyang marikit na maliit na ilong nasa pagitan ng dalawang munting bilugang mga pisngi, at noong ginawa nilang ibuka ang Kanyang mga mata, sa pagkakanti sa Kanya, nakakita sila ng dalawang bahagi ng kalangitan, dalawang inosenteng tuldok na tumitingin ngunit hindi makakita, sa pagitan ng manipis na magandang mga pilikmata. Ang Kanya ring buhok sa Kanyang maliit na ulo ay isang malarosas na ginto, katulad ng kulay ng ilang pulot-pukyutan na halos maputi.

Ang Kanyang mga tainga ay dalawang maliliit na kabibi, naaaninag, perpekto. Ang Kanyang munting mga kamay… ano ang dalawang maliliit na bagay na iyon naghahapuhap sa hangin at nagtatapos sa Kanyang bunganga? Nakasara, katulad nito ngayon, ito ay tila dalawang buko ng rosas na ang berdeng mga takupis ay napupunit at naipakikita ang seda sa loob. Nang ang mga ito ay nagbukas, katulad ngayon, sila ay dalawang kulay-gatas na mga hiyas, gawa sa kulay-gatas na mga rosas at alabastro na may limang maputlang garneta bilang mga kuko. Papaano ang dalawang munting kamay na iyon makapagtutuyo ng napakaraming mga luha?

At ang Kanyang maliliit na paa? Nasaan ang mga ito? Sa pansamantala sila ay basta’t sumisipa, nakatago sa loob ng linen. Ngunit ngayon ang mga kamag-anak ay naupo at inaalisan Siya ng takip… O, ang maliliit na paa! Sila ay mga apat na sentimetro ang haba. Ang bawat takong ay isang kabibing kurales, na may kaputiang-niyebe na tuktok na may asul na mga ugat. Ang Kanyang mga daliri ay isang obra-maestra ng Lilliputian ng paglililok: sila rin ay nakokoronahan ng maliliit na kaliskis ng malabnaw na garneta. Ngunit saan sila makakakuha ng maliliit na sandalyas, kapag ang maliliit na mga paang iyon ng isang manika ay kukunin na ang unang mga hakbang, mga sandalyas na sapat na maliit upang magkasya sa gayon kamunting mga paa? At papaano ang maliliit na paang iyon lalakad nang gayong kalayo at tiisin ang labis na kirot sa ilalim ng krus?

Ngunit iyan sa pansamantala ay hindi nalalaman, at ang mga nakatingin ay ngumingiti at tumatawa sa Kanyang pagsisipa-sipa, sa Kanyang maayos na pagkapormang mga paa, sa Kanyang munting bilugan na mga binti na nagkakaroon ng mga puyo at ng kung baga mga singsing, sa Kanyang maliit na tiyan, kung baga isang kopa na itinaob, sa Kanyang munting perpektong dibdib. Sa ilalim ng Kanyang dibdib, kasing lambot ng pinong seda, ang paggalaw ng Kanyang paghinga ay makikita at ang pagtibok ng Kanyang maliit na puso maririnig, kung, katulad ng ginagawa ngayon ng Kanyang ama, ilalagay ng isa ang mga labì para sa isang halik… Ito ang pinakamagandang maliit na puso na malalaman ng mundo kailanman: ang tanging imakuladang puso ng isang nilalang na tao.

At ang Kanyang likod? Ngayon kanila na Siyang itinataob at kanilang nakikita ang kurbada ng Kanyang mga atay at pagkatapos ang bilugang mga balikat at ang rosas na batok ng Kanyang leeg, na napakalakas na naitataas nang sarili nito ang maliit na ulo sa arko ng munting mga gulugod. Nakakamukha nito ang maliit na ulo ng isang ibon na tinitingnan ang bagong mundo na natatanaw nito. Siya, ang Puro at Basal na Isa, sa pamamagitan ng kaunting iyak sa paglalantad sa Kanya nang ganito sa mga mata ng napakaraming tao, Siya, Ganap na Birhen, ang Banal at Imakulada, na wala na kailanman ang makakakita sa Kanya nang ganito muli, ay nagpoprotesta.

Takpan, takpan ang buko na ito ng isang liryo na hindi kailanman bubuksan sa lupa at na, nananatiling isang buko pa rin, magkakaroon ng Bulaklak nito, na mas maganda pa kaysa sa Sarili Niya Mismo. Tanging sa Langit lamang bubuksan ng Liryo ng Sang-tatlong Panginoon ang lahat ng petalo nito. Sapagkat sa itaas doon, wala kahit katiting na pagkakasala ang baka di-sinasadyang makapanglapastangan sa kalinisan nito. Sapagkat sa itaas doon ang Sang-tatlong Diyos ay tatanggapin Nito, sa presensya ng buong Imperyo, ang Sang-tatlong Diyos Na sa loob ng kaunting mga taon, nakatago sa isang walang-pagkakasalang puso, ay mapupunta kay Maria: Ama, Anak, Esposo.

Naririto Siyang muli, nakabalot sa Kanyang mga linen, sa loob ng mga bisig ng Kanyang makalupang ama, na Kanyang nakakamukha. Hindi sa ngayon. Ngayon Siya ay isa lamang maliit na katawan ng tao. Ibig kong sabihin na Siya ay makakamukha niya kapag Siya ay malaki na. Siya ay wala ng Kanyang ina. Nasa Kanya ang kutis at mga mata ng Kanyang ama at tiyak ang kanyang buhok din. Ang buhok ng Kanyang ama ay ngayon maputi, ngunit noong siya ay bata pa ito ay tiyak na maganda, katulad ng masasabi ng isa tinitingnan ang kanyang mga kilay. Nasa Kanya ang mga katangian ng Kanyang ama, nagawang mas perpekto at magiliw, bilang isang babae, ngunit espesyal na Babaeng iyon. Nasa Kanya rin ang ngiti, ang sulyap, ang paraan ng pagkilos at ang taas ng Kanyang ama. Iniisip si Jesus, katulad na si Jesus ay nakikita ko, nakikita ko na naibigay ni Anna ang kanyang taas sa kanyang Apo at ang malalim na pagka-kulay gatas ng kanyang balat. Si Maria, sa halip, ay wala sa Kanya ang karingalan ng Kanyang ina: isang mataas at maiyuyukong puno ng palmera, ngunit nasa Kanya ang kabaitan ng Kanyang ama.

⁶Ang mga babae rin ay nagsasalita ng tungkol sa bagyo at sa di-pangkaraniwang kalagayan ng buwan, ang tungkol sa presensya ng tala at ng bahaghari. Kasama si Joachim pinasok nila ang silid ng masayang ina at ibinigay sa kanya ang kanyang sanggol.

Si Anna ay ngumingiti sa isa sa kanyang mga naiisip: «Siya ang Tala» sinabi niya. «Ang Kanyang tanda ay nasa Langit. Maria, arko ng kapayapaan! Maria, purong buwan! Maria, aming perlas!»

«Tatawagin mo ba Siyang Maria?»

«Oo, Maria, bituin at perlas at liwanag at kapayapaan…»

«Ngunit ang ibig-sabihin din nito ay kapaitan…Hindi ka ba natatakot na dalhan Siya ng kamalasan?»

«Ang Diyos ay kasama Niya. Siya ay pag-aari Niya bago pa Siya dumating. Dadalhin Siya Niya sa Kanyang mga daan at ang lahat na kapaitan ay magiging makalangit na pulot-pukyutan. Ngayon dito Ka sa Iyong inay… nang matagal-tagal nang kaunti, bago lahat mapasa-Diyos…»

At ang bisyon ay nagtapos sa unang pagtulog ni Anna, isang ina, at ni Maria, isang sanggol.

Agosto 27, 1944.

jesus sinab

Sinasabi ni Jesus:

«Bangon at magmadali, Aking munting kaibigan. Nananabik Akong isama kita sa makalangit na kontemplasyon tungkol sa Pagkabirhen ni Maria. Lalabas ka mula sa karanasang ito na ang iyong kaluluwa kasing bago na tila ikaw din ay kalilikha pa lamang nang sandaling ito ng Ama, isang munting Eba wala pang nalalaman tungkol sa laman. Lalabas ka na ang iyong kaluluwa puno ng liwanag, sapagkat lulublob ka sa obra-maestra ng Diyos. Lalabas ka na ang iyong buong pagkatao tigmak sa pagmamahal, sapagkat maiintindihan mo ang antas kung gaano nakapagmamahal ang Diyos. Ang magsalita tungkol sa paglilihi kay Maria, ang Imakulada, ang ibig sabihin ay lagusin ang kalangitan, ang liwanag, ang pagmamahal.

⁸Halika at basahin ang Kanyang mga kaluwalhatian sa Aklat ng Ninuno. “Ang Diyos ay taglay ako sa simula ng Kanyang mga gawain, mula sa simula, bago ang Sangnilikha. Mula sa walang-hanggan ako ay matatag na nakaluklok, sa simula, bago ang lupa naging lupa, wala pa ang kalaliman naipaglihi na ako. Hindi pa bumubukal ng tubig ang mga bukal at ang mga bundok hindi pa umalsa sa kanilang malalaking masa, ni ang mga burol hindi pa rin mga hiyas sa ilalim ng araw, noong ako ay pinanganak. At ang Diyos ay hindi pa nalilikha ang lupa, ang mga ilog at ang pundasyon ng mundo, at ako ay naroroon na. Noong inihanda Niya ang mga Langit ako ay naroroon, nang sa pamamagitan ng di-magbabagong mga batas ikinulong Niya ang kalaliman sa ilalim ng ibabaw, noong itinalaga Niya nang matatag ang mga Langit, at ibinitin Niya ang mga bukal ng tubig doon, noong nagtalaga Siya sa dagat ng mga hangganan nito at binigyan ng mga batas ang mga tubig, noong iniutos Niya sa mga tubig na huwag sakupin ang baybayin, noong inilatag Niya ang mga pundasyon ng lupa, ako ay kasama Niya inaayos ang lahat. Ako ay laging naglalaro nang malugod sa presensya Niya, naglaro ako sa sansinukuban…” Ginamit ninyo ang mga salitang ito sa Karunungan, ngunit ito ay nagsasalita tungkol sa Kanya: ang magandang Ina, ang banal na Ina, ang Inang Birhen ng Karunungan na Ako nga, Ako Na nagsasalita sa iyo ngayon.

⁹Ginusto Kong isulat mo ang unang linya ng awit sa itaas ng aklat na nagsasalita tungkol sa Kanya, upang sana Siya ay pagnilayan at ang konsolasyon at lugod ng Diyos ay sana makilala; ang rason para sa namamalagi, perpekto, magiliw na kasiyahan ng Diyos na ito Isa at Sang-tatlo, Na naghahari at nagmamahal sa inyo at Siyang nakatatanggap mula sa tao ng napakaraming dahilan para maging malungkot; ang rason kung bakit pinalalaganap Niya ang lahi ng tao, kahit na kung, sa unang pagsubok, ang sangkatauhan ay karapat-dapat nang lipulin; ang rason para sa kapatawaran na inyong tinanggap.

Ang magkaroon ng Maria na nagmahal sa Diyos! O! Sulit na nilikha ang Tao at pabayaan siyang mabuhay at ipasyang patawarin siya, upang magkaroon ng Magandang Birhen, ang Banal na Birhen, ang Imakuladang Birhen, ang Mapagmahal na Birhen, ang Minamahal na Anak na Babae, ang Kapurupuruhang Ina, ang Mapagmahal na Esposa! Ang Diyos ay nagbigay sa inyo nang labis at binigyan pa sana kayo ng mas marami pa upang taglayin ang Nilikha ng Kanyang kasiyahan, ang Araw ng Kanyang araw, ang Bulaklak ng Kanyang hardin, sapagkat ang lugod ni Maria ay dumadaloy patungo sa lugod ng Diyos at pinalalaki ito sa pamamagitan ng mga kislap na nagpupuno sa liwanag, ang dakilang liwanag ng Paraiso nang may maniningning na kislap at ang bawat kislap ay grasya sa sansinukuban, sa sangkatauhan, sa pinagpalang mga kaluluwa na tumutugon sa pamamagitan ng  masayang sigaw ng aleluya sa bawat paglikha ng dibinong himala, nilikha dahil sa mithiin ng Banal na Trinidad na makita ang kumikislap na ngiti ng lugod ng Birhen.

¹⁰Hinangad ng Diyos na maglagay ng isang hari sa sansinukuban na Kanyang nilikha mula sa wala. Isang hari, na sa kalikasan ng materyal ay kailangan na nangunguna sa lahat ng mga nilikhang may materyal at pinagkalooban ng materyal. Isang hari, na sa kalikasan ng espiritu ay kailangan na mas mababa nang kaunti sa dibino, kaisa ng Grasya katulad noong kanyang unang inosenteng araw. Ngunit ang Kataastaasang Isip, kung Kanino ang lahat na pinakamalayong mga pangyayari sa loob ng mga siglo ay hindi kaila sa Kanya, ay paulit-ulit na nakikita kung ano ang nakaraan, ang kasalukuyan at kung ano ang mangyayari sa hinaharap;  at habang pinagninilayan ang nakaraan, at inoobserbahan ang kasalukuyan, nilalagos Nito nang malalim sa pamamagitan ng paningin Nito sa pinakamalayong hinaharap at nalalaman sa bawat detalye kung papaano ang huling tao mamamatay. Nang walang pagkalito o pagkaputol ang Kataastaasang Isip ay laging alam na ang haring nilikha na maging maliit na diyos sa tabi Nito sa Langit, tagapagmana ng Ama, ay darating na adulto sa Kanyang Kaharian, pagkatapos na mamuhay sa bahay ng kanyang ina – ang lupa, na sa pamamagitan nito siya ay nilikha – sa loob ng kanyang kabataan, bilang anak ng Eternal na Ama para sa kanyang araw sa lupa. Ang Kataastaasang Isip ay laging alam na ang tao ay makagagawa ng laban sa kanyang sarili ng krimen ng pagpatay sa Grasya sa kanyang sarili mismo at ng pagnanakaw sa sarili ng Langit.

Bakit kung gayon nilikha Niya siya? Tiyak na marami ang nagtatanong sa kanilang sarili kung bakit. Mas ginusto kaya ninyong hindi nabuhay? Ang araw bang ito ay hindi karapat-dapat, sa sarili nito mismo, na pamuhayan, bagamat napakasamâ at wala kahit ano, at nagawang magaspang ng inyong kasamaan, upang sana malaman ninyo at hangaan ang walang-hangganang Kagandahan na itinanim ng kamay ng Diyos sa sansinukuban?

Para kanino sana Niya nilikha ang mga bituin at mga planeta na lumilipad katulad ng mga kidlat at mga palaso, inuukitan ang arko ng Langit, o rumaragasang mahestuwoso sa pagmamadali ng kanilang mga bulalakaw, gayunpaman tila mabagal, binibigyan kayo ng liwanag at mga panahon, eternal na di-mababago datapwat nagbabago. Binibigyan kayo nila ng bagong pahina na mababasa sa Langit, bawat gabi, bawat buwan, bawat taon, na tila ibig nilang sabihin: “Kalimutan ang inyong mga restriksiyon, iwanan ang inyong imprintang materyal na puno ng malabo, bulok, marumi, nakalalason, huwad, nanunungayaw, nagpaparuming materyal at tumaas, sa pamamagitan man lamang ng inyong mga mata, sa walang limitasyon na kalayaan ng papawirin, gawing maningning ang inyong mga kaluluwa tinitingnan ang isang napakalinaw na kalangitan. Mag-ipon ng panustos na liwanag na madadala sa inyong madilim na kulungan. Basahin ang salitang aming sinusulat inaawit ang aming sideral na koro, na mas may-pagkakasundo kaysa sa isang nanggagaling sa isang organo ng isang katedral. Ang salitang aming sinusulat habang sumisinag. Ang salitang aming sinusulat habang nagmamahal, sapagkat lagi naming sinasaisip Siya Na nagbigay sa amin ng lugod ng pagiging naririto. At minamahal namin Siya para sa pagbigay sa amin ng aming buhay, aming kaningningan, aming galaw, aming kalayaan, aming kagandahan sa gitna ng mayuming asul, sa ibayo nito kung saan makikita natin ang mas dakilang asul: ang Paraiso. At tinutupad namin ang ikalawang bahagi ng Kanyang utos ng pagmamahal, sa pamamagitan ng pagmahal sa inyo, aming mga kapwa sa sansinukuban. Minamahal kayo sa pagbibigay sa inyo ng gabay at liwanag, init at kagandahan. Basahin ang salitang aming sinasabi, ang salitang ginagamit namin upang mapaganda ang aming pag-awit, ang aming kaningningan, ang aming ngiti: Diyos!”

Para kanino sana Niya ginawa ang asul na dagat, ang salamin ng kalangitan, ang daan patungo sa lupa, ang ngiti ng mga tubig, ang tinig ng mga alon? Ang dagat mismo ay isang salita na kasama ang pagkaluskos ng seda, kasama ang mga ngiti ng masasayang dalaga, kasama ang mga buntung-hininga ng matatandang tao na nakakaalaala at lumuluha, kasama ang sigaw ng karahasan, nang may mga banggaan at mga atungal ay laging nagsasalita at nagsasabi: “Diyos”. Ang dagat ay para sa inyo, katulad na sa inyo ang kalangitan at ang mga bituin. At kasama ang dagat, ang mga lawa at mga ilog, ang mga sanaw at ang dumadaloy na mga tubig, ang purong mga bukal, na ang lahat na ito nagsisilbing buhayin kayo, patirin ang inyong uhaw, linisan kayo: at napaglilingkuran kayo sa paglilingkod sa kanilang Tagapaglikha, nang hindi kayo nilulunod, katulad ng karapat-dapat sa inyo.

Para kanino sana Niya ginawa ang di-mabilang na mga pamilya ng mga hayop, ang magandang kinulayan na mga ibon, na lumilipad umaawit, at ang iba pang mga hayop na katulad ng mga lingkod, tumatakbo, nagtatrabaho, binubuhay kayo at tinutulungan kayo, kanilang mga hari?

Para kanino sana Niya nilikha ang di-mabilang na mga pamilya ng mga tanim at mga bulaklak na nagmumukhang mga paruparo, katulad ng mga hiyas at di-gumagalaw na mga ibon, ang mga pamilya ng mga prutas na katulad ng mga alahas o mga kahon ng mga alahas at isang alpombra para sa inyong mga paa at ang mga punungkahoy na pumoporma ng mga panilungan para sa inyong mga ulo, isang katanggap-tanggap na pagpapahingalay at lugod sa inyong mga isip, inyong mga galamay, inyong paningin at pangamoy?

Para kanino sana Niya ginawa ang mga mineral sa loob ng mga bituka ng lupa at ang mga asin na nasa malamig at kumukulong mga bukal, ang mga yodo at ang mga bromina, kung hindi sila kalulugdan ng isa, ng isa na hindi Diyos, bagkus ang anak ng Diyos? Ang isa: ang  tao.

Ang lugod ng Diyos ay hindi nagkukulang ng kahit ano: ang Diyos ay walang pangangailangan. Siya ay sapat na sa Kanyang Sarili. Kinakailangan lamang Niyang pagnilayan ang Sarili upang magbunyi, upang mapakain ang Sarili, upang makapagpahinga. Ang buong Sangnilikha ay hindi nakadagdag ng kahit isang atoma sa Kanyang walang-hangganang lugod, kagandahan, buhay, kapangyarihan. Ginawa Niya ang lahat para sa nilikha na ginusto Niyang ilagay bilang hari sa gawaing Kanyang ginawa: ang nilikhang iyan ay ang tao.

¹¹Sulit ang mabuhay upang makita ang gayong gawa ng Diyos at maging mapagpasalamat sa Kanyang kapangyarihan na nagbigay sa inyo ng pagkakataon na iyan. At kailangan na maging mapagpasalamat kayo na kayo ay buhay. Kailangan na kayo ay naging mapagpasalamat kahit na kung kinailangan ninyong maghintay hanggang sa Araw ng Paghuhukom upang matubos, sapagkat kayo ay naging mga sinungaling, mapagmataas, mahahalay at mga mamamatay-tao sa inyong Unang mga Magulang, at ganyan pa rin ang bawat isa sa inyo. Gayunpaman pinahihintulutan kayo ng Diyos na kalugdan ang kagandahan ng sansinukuban, ang kabutihan ng sansinukuban; at tinatrato kayo na tila kayo ay mabubuting anak, na mga tinuruan at pinagkalooban ng lahat upang ang kanilang mga buhay ay maging mas masaya at mas kaaya-aya. Kung ano ang nalalaman ninyo, nalalaman ninyo sa pamamagitan ng liwanag ng Diyos. Kung ano ang inyong natutuklasan, natutuklasan ninyo sa pamamagitan ng paggabay ng Diyos. Sa Kabutihan. Ang ibang mga kaalaman at mga pagkatuklas na may tanda ng kasamaan, ay nanggagaling sa Supremong Kasamaan: kay Satanas.

Ang Kataastaasang Isip, na nakaaalam ng lahat, bago pa nagkaroon ng tao, ay alam na ang tao ay magiging isang magnanakaw at mamamatay sa sarili. At sa dahilan na ang Eternal na Kabutihan ay walang limitasyon sa pagiging mabuti, bago dumating ang Kasalanan, naisip Niya ang paraan upang maalis ang Kasalanan. Ang paraan: Ako, ang Salita. Ang instrumento upang maging magaling na instrumento ang paraan: si Maria. At ang Birhen ay nilikha sa dakilang isip ng Diyos.

¹²Ang lahat ay nilikha para sa Akin, ang mahal na Anak ng Ama. Ako-Hari ay nagkaroon sana sa ilalim ng Aking Dibinong Maharlikang mga paa mga alpombra at mga alahas na wala pang maharlikang palasyo ang nagkaroon, at mga awit at mga tinig at mga lingkod at mga ministro sa paligid ko na wala pang soberano ang nagkaroon kailanman, at mga bulaklak at mga batong-hiyas, lahat na dakila, kadakilaan, kabaitan na maaaring manggaling sa isip ng isang Diyos.

Ngunit Ako ay kailangan na maging Laman bukod sa pagiging Espiritu upang mailigtas ang laman. Laman upang mapadakila ang laman, dinadala ito sa Langit maraming mga siglo bago ang panahon nito. Sapagkat ang laman na tinitirhan ng espiritu ay ang obra-maestra ng Diyos at ang Langit ay gawa na para dito. Upang maging laman nangailangan Ako ng isang Ina. Upang maging Diyos kinailangan na ang Ama ay Diyos.

Pagkatapos nilikha ng Diyos ang Kanyang Esposa at sinabi sa Kanya: “Sumama Ka sa Akin. Sa tabi Ko tingnan kung ano ang Aking ginagawa para sa ating Anak. Tingnan at magbunyi, eternal na Birhen, eternal na Dalaga at harinawang mapuno ng Iyong ngiti ang Imperyong ito at mabigyan ang mga anghel ng kanilang panimulang nota at maturuan ang Paraiso ng selestiyal na armoniya. Ako ay nakatingin sa Iyo. At nakikita Kita katulad ng kung magiging ano Ka, ang Imakuladang Babae, Na ngayon ay isa pa lamang espiritu: ang espiritu kung saan Ako ay nagbubunyi. Tinitingnan Kita at binibigay Ko sa dagat at sa papawirin ang asul ng Iyong mga mata, sa banal na butil (ng trigo) ang kulay ng iyong buhok, ang kaputian sa liryo at ang isang kulay-rosas sa rosas, katulad ng Iyong malasedang balat. Kinopya Ko ang mga perlas mula sa Iyong maliliit na ngipin, ginagawa Ko ang matamis na mga istroberi pinagmamasdan ang Iyong bunganga at binibigay Ko sa ruwinsensor ang Iyong mga nota at sa mga kalapati ang Iyong pag-iyak. At binabása ang Iyong mga naiisip sa hinaharap at pinakikinggan ang mga pintig ng Iyong puso, mayroon Ako ng motibo ng paggabay sa paglilikha. Halika, Aking lugod, kunin ang mga mundo bilang isang laruan hanggang sa Ikaw ay ang sumasayaw na liwanag sa Aking isip; kunin ang mga mundo para sa Iyong ngiti, gawing mga girnalda at mga kuwintas ang mga bituin; ilagay ang buwan sa ilalim ng Iyong mayuyuming paa; gawin ang Galatea Iyong bandana ng mga bituin. Ang mga bituin at mga planeta ay para sa Iyo. Halika at malugod tinitingnan ang mga bulaklak na magiging isang pambatang lugod para sa Iyong Sanggol at isang unan para sa Anak ng Iyong sinapupunan. Halika at tingnan ang mga tupa at mga kordero, mga agila at mga kalapati na nililikha. Manatili sa tabi Ko kapag ginagawa Ko ang mga uka ng mga dagat at ang mga kanal ng mga ilog at tinataas Ko ang mga bundok at inaadornohan Ko sila ng niyebe at mga kakahuyan. Manatili rito habang tinatanim Ko ang mga kumpay at mga punungkahoy at mga bagging, at ginagawa Ko ang punong-olibo para sa Iyo, Aking Mapayapang Isa, ang bagging para sa Iyo, Aking sanga ng Bagging na mamumunga ng Kumpol ng mga ubas para sa Eukaristiya. Takbo, lipad, magbunyi, Aking Kagandahan. At sana ang sansinukuban na nililikha oras-oras ay matuto sa Iyo na mahalin Ako, Aking Pagmamahal. At harinawang ito ay maging mas maganda dahil sa Iyong ngiti, Ina ng Aking Anak. Reyna ng Aking Paraiso, Pagmamahal ng Iyong Diyos”. At sa muli, nakikita ang Pagkakasala at hinahangaan ang Walang-Pagkakasalang Isa: “Sumama sa Akin, Ikaw Na pumupunas sa kapaitan ng pagsuway ng tao, ng pakikipagtalik ng tao kay Satanas at ng kawalang-pasasalamat ng tao. Kasama Ka dadalhin Ko ang Aking paghihiganti kay Satanas.”

Ang Diyos, ang Amang Tagapaglikha, ay nilikha ang lalaki at babae nang may perpektong batas na iyon ng pagmamahal na ni hindi na ninyo maintindihan pa ang perpeksiyon nito. At kayo ay nawawala na sa pagtatanong kung papaano lumabas ang uri ng tao, kung ang tao ay hindi naturuan ni Satanas kung papaano gawin iyon.

Tingnan ang bunga at ang binhi ng mga tanim. Sila ba ay nakagagawa ng binhi at bunga sa pamamaraan ng pagtatalik, sa pamamagitan ng isang paghasik sa sandaan na pagtatalik? Hindi. Ang polen ay lumalabas mula sa lalaking bulaklak at napakikilos ng isang mahirap-intindihin na mga batas ng bulalakaw at batubalani napupunta ito sa obaryo ng babaeng bulaklak. Ang huli ay magbubukas, tatanggapin ito at magbubunga. Hindi nito pinarurumi ang sarili pagkatapos tatanggihan ito, katulad ng ginagawa ninyo, upang kasiyahan ang dating pakiramdam sa susunod na araw. Ito ay magbubunga at hanggang sa pagdating ng bagong pagkakataon, hindi nito dinudumihan ang sarili at kung ito ay marumihan, ito ay para lamang mamunga.

Tingnan ang mga hayop. Lahat sila. Nakakita na ba kayo kailanman ng isang lalaking hayop at isang babaeng hayop na lalapit sa isa’t isa para sa isang baog na yakap at mahahalay na paghaharap? Hindi. Mula sa malapit o malayo man, sila ay lilipad, gagapang, lulukso o tatakbo, pupunta sila, kapag ito ay panahon na, sa ritwal ng paghahasik. Ni hindi nila ginagawang umiwas tumitigil sa kasiyahan, bagkus pinagpapatuloy nila, hanggang sa seryoso at banal na mga konsekwensiya ng anak, ang tanging dahilan lamang na magagawa ang isang tao, isang maliit na diyos gawa ng kanyang pinanggalingan na Grasya na Aking kinumpleto, na tanggapin ang kahayupan ng akto, kinakailangan dahil kayo ay bumaba nang isang antas patungo sa mga hayop.

Hindi kayo kumikilos katulad ng ginagawa ng mga tanim at ng mga hayop. Nagkaroon kayo ng Satanas bilang inyong tagapagturo. Ginusto ninyo siya bilang inyong tagapagturo at gusto pa rin ninyo siya. At ang gawang inyong ginagawa ay ang maaasahan ng isa mula sa tagapagturo na inyong ginusto. Kung kayo ay naging tapat sa Diyos, nagkaroon sana kayo ng lugod ng pagkakaroon ng mga anak, sa isang banal na paraan, nang hindi ninyo pinapagod ang inyong mga sarili sa masagwa at nakakahiyang mga pagtatalik, na kahit na ang mga hayop ay hindi nalaman, bagamat ang mga hayop ay wala ng isang pangangatwiran at espirituwal na kaluluwa.

Sa lalaki at babae, naparumi ni Satanas, ang Diyos ay magpasyang salungatin ang Tao pinanganak ng isang Babae, Na kataastaasan na pinadakila ng Diyos hanggang sa sukdulan na Siya ay nanganak nang walang nalalamang lalaki: isang Bulaklak na manganganak ng isang Bulaklak, nang walang pangangailangan ng binhi, sa pamamagitan ng isang namumukod na halik ng Araw sa di-nalapastangang kalis ng Liryo-Maria.

¹³Ang ganti ng Diyos!

Ihagishis mo, O Satanas, ang iyong poot habang Siya ay dumarating sa mundo! Ang Sanggol na ito ay natalo ka na! Bago ka naging ang Rebelde, ang Tagapilipit, ang Tagarumi, ikaw ay natalo na at Siya ang iyong Kongkistadora. Ang sanlibong asamblea ng mga sundalo ay walang magagawa laban sa iyong kapangyarihan, ang mga armas ng mga tao ay bumabagsak sa harapan ng iyong mga kaliskis, o Walang-tigil na Isa, at walang hangin ang makapag-alis ng baho ng iyong hininga. Gayunpaman, ang sakong ng Batang ito, na napaka-rosas na nagmumukhang katulad ng loob ng isang malarosas na kamelya, at napaka-kinis at napaka-lambot na ang seda ay tila magaspang sa pagkumpara, at napakaliit na ito ay makakapasok sa kalis ng isang tulipan at gawin nitong isang sapatos ang satin ng gulay na iyon, ang sakong na iyon ay dinudurog ang iyong ulo nang wala kahit anong takot at pinapupunta ka sa iyong lungga. At ang Kanyang sigaw ay nagagawa kang lumayas, bagamat hindi ka natatakot sa mga sundalo. At pinadadalisay ng Kanyang hininga ang mundo ng iyong mabahong amoy.  Ikaw ay natalo. Ang Kanyang pangalan, ang Kanyang tingin, ang Kanyang kadalisayan ay isang sibat, isang kidlat na lumalagos sa iyo at binubuwag ka at ikinukulong ka sa iyong lungga sa Impiyerno, o Sinumpang Isa, na nagkait sa Diyos ng lugod ng pagiging ang Ama ng lahat na mga tao na nilikha!

Walang-kabuluhan mong pinarumi sila, na mga nilikhang inosente, dinadala sila sa kaalaman at paglilihi sa pamamaraan ng pananabik sa kahalayan, pinagkakaitan ang Diyos, sa Kanyang mahal na nilikha, ng pagiging siyang may-kaloob sa mga anak ayon sa mga panuntunan, na, kung naigalang, napanatili sana ang balanse sa lupa ng bilang ng mga lalaki’t babae at ng iba’t ibang mga lahi, isang balanse na mapipigilan ang mga digmaan sa pagitan ng iba’t ibang mga tao at ang mga kalamidad sa pagitan ng mga pamilya.

Sa pagsunod, nalaman din sana nila ang pagmamahal. Hindi lamang, bagkus, tanging sa pagsunod lamang nalaman sana nila ang pagmamahal at taglayin ito. Isang kumpleto at mapayapang pag-ari ng regalong ito mula sa Diyos, Na mula sa sobrenatural bumababa sa imperyor, upang ang laman din sana ay magbunyi nang tapat, dahil ito ay kaisa ng espiritu at nilikha Niya Na naglikha sa espiritu.

Ngayon, mga tao, ano ang inyong pagmamahal, anu-ano ang inyong pagmamahal? Kung ito ay hindi ang kahalayan na nagbabalatkayong pagmamahal ito ay ang isang di-mapagaling na takot na mawala ang pagmamahal ng inyong partner sa pamamagitan ng kanya o ng kahalayan ng ibang mga tao. Hindi kayo kailanman nakatitiyak na pag-aari ninyo ang puso ng inyong asawa, mula nang ang kahalayan ay pumasok sa mundo. At kayo ay manginginig at sisigaw at balisang-balisa sa paninibugho, kung minsan kayo ay pumapatay upang maipaghiganti ang isang pagtataksil, kung minsan kayo ay nagiging desesperado, at kung minsan nagkukulang kayo ng pasya o nagiging baliw pa.

Ito ang iyong nagawa, Satanas, sa mga anak ng Diyos. Ang iyong mga pinarumi, ay nalaman sana nila ang lugod ng pagkakaroon ng mga anak nang walang dinadanas na kahit anong kirot at naranasan sana ang lugod ng pinanganganak na wala ang takot ng pagkamatay. Ngunit ngayon natalo ka na sa isang Babae at ng isang Babae. Mula ngayon, sinuman ang magmahal sa Kanya ay magiging sarili muli ng Diyos, nalalabanan ang iyong mga panunukso, upang matingnan ang Kanyang imakuladang kadalisayan. Mula ngayon ang mga ina, bagamat hindi makapaglihi nang walang nararamdamang kirot, ay makatatagpo ng kaginhawahan sa Kanya. Mula ngayon Siya ang magiging gabay ng mga nag-asawang babae at ang Ina ng mga namamatay na tao, upang magiging matamis ang mamatay nakapahingalay sa dibdib na iyon na isang pananggalang laban sa iyo, ikaw na Isinumpang Isa, at laban sa galit ng Diyos.

Maria, munting tinig, nakita mo ang kapanganakan ng Anak ng Birhen at ang pag-akyat sa Birhen sa Langit. Nakita mo kung gayon na ang mga walang-kasalanan ay walang nalalamang kirot sa panganganak at ng kirot din sa pagkamatay. Ngunit kung ang Pinaka-inosenteng Ina ng Diyos ay pinagkalooban ng mga regalong selestiyal, ang lahat na sa Unang mga Magulang ay nanatiling inosente at mga anak ng Diyos, ay maaaring nakapanganak nang walang mga paghihirap katulad na ito ang makatarungan, bilang naglihi nang walang kahalayan, at maaaring namatay sila nang walang pagkabalisa.

Ang dakilang pananagumpay ng Diyos sa paghihiganti kay Satanas ay ang maitaas ang perpeksiyon ng minamahal na nilikha sa isang napakataas na perpeksiyon na kailangang mawalan-ng-bisa kahit sa isang tao man lamang ang lahat na mga alaala ng pagkatao, na natatablan ng lason ni Satanas, upang ang Anak ay maipanganak hindi sa pamamagitan ng isang basal na yakap ng tao, bagkus sa pamamagitan ng isang dibinong yakap na nagagawa ang espiritu na magbago ng kulay sa labis na kaligayahan ng Apoy.

¹⁵Ang Pagkabirhen ng Birhen!...

Halika. Pagnilayan ang malalim na pagkabirhen na ito na nagbibigay ng nagtatalik-sa-kaligayahan na pagkahilo sa pagninilay-nilay dito! Ano ang kaawa-awang ipinilit na pagkabirhen ng isang babae na walang lalaki ang nagpakasal? Mas wala pa sa wala. Ano ang pagkabirhen ng isang babae na ibig na maging isang birhen upang maging pag-aari ng Diyos, ngunit gustong labis ito sa kanyang katawan at hindi sa kanyang espiritu, kung saan pinababayaan niyang makapasok ang banyagang mga kaisipan at maaliw ng mga panggaganyak ng mga kaisipang pantao? Ito ay isang pagkukunwaring pagkabirhen. Ngunit napakaliit pa rin. Ano ang pagkabirhen ng isang nakakulong na madre na namumuhay para sa Diyos lamang? Labis. Ngunit hindi ito kailanman ang perpektong pagkabirhen kung ikukumpara sa pagkabirhen ng Aking Ina.

Laging nagkakaroon ng isang asosasyon, sa pinakabanal din. Ang orihinal na asosasyon sa pagitan ng espiritu at ng pagkakasala. Ang isa na tanging ang Binyag lamang ang nakatutunaw. Tinutunaw nito ito, ngunit katulad sa kaso ng isang babae na napahiwalay sa kanyang asawa dahil sa kamatayan ng asawa, hindi nito nagagawa ang pagkabirhen na kumpleto katulad na ito ay sa Unang mga Magulang bago ang Pagkakasala. Ang peklat ay nananatili at sumasakit nagagawa ang isa na maalaala ito, at ito ay laging maaaring maging isang sugat katulad ng ilang mga sakit na paminsan-minsan napalalala ng mikrobyo nito. Sa Birhen ay wala ng natunaw na asosasyon na ito sa Pagkakasala. Ang Kanyang kaluluwa ay lumalabas na maganda at buo katulad noong Siya ay inisip ng Ama, iniipon ang lahat na mga grasya sa Kanya.

Siya ay ang Birhen. Siya ang Tanging Isa lamang. Siya ay ang Perpektong Isa. Ang Kumpletong Isa. Inisip bilang gayon. Pinanganak bilang gayon. Nanatiling gayon. Kinoronahan bilang gayon. Eternal na gayon. Siya ang Birhen. Siya ang tugatog ng di-mahihipo, ng kadalisayan, ng grasya na nawala sa Kalaliman mula kung saan ito lumitaw: sa Diyos: pinaka-perpektong Di-Mahihipo, Kadalisayan, Grasya.

¹⁶Iyan ang higanti ng Diyos Sang-tatlo at Isa. Laban sa mga nilikhang nilapastangan itinataas Niya ang Bituin na ito sa perpeksiyon. Laban sa nakapipinsalang pag-uusyoso itinataas Niya ang Mahiyaing Birhen na ito, kontento lamang sa pagmamahal sa Diyos. Laban sa siyensiya ng kasamaan, ang dakilang Inosenteng Birhen na ito. Sa Kanya ay naroon hindi lamang ang kawalang-kaalaman tungkol sa nawalang-sigla na pagmamahal: naroon hindi lamang ang kawalang-kaalaman tungkol sa pagmamahal na binigay ng Diyos sa mga nag-asawang tao. Mahigit pa rito. Sa Kanya ay naroon ang ausensiya ng mga insentibo, ang pamana ng Pagkakasala. Sa Kanya ay naroon lamang ang mala-yelo at maputing init na karunungan tungkol sa dibinong pagmamahal. Isang apoy na nagpapalakas sa laman sa pamamagitan ng yelo, upang ito ay sana maging isang nasisinag na salamin sa altar kung saan pinakasalan ng Diyos ang isang Birhen at hindi Nito pinababába ang Sarili sapagkat ang Kanyang perpeksiyon ay niyayapos  ang perpeksiyon ng Birhen, na, habang ito ay nagiging isang nobya, mas mababa lamang nang isang punto sa Kanya, nagpapasakop sa Kanya bilang isang Babae, ngunit walang kapintasan katulad Niya.»

(20)051009/020913/032313

 

 

¹Arpeggio: ang pagtunog ng mga nota sa mabilis na pagkakasunud-sunod.


Sunod na kabanata.