501. Ang Asawa ng Saduseong Nigromante.

Oktubre 3, 1944.

Si Jesus ay walang-kapaguran na naglalakbay pa rin sa paligid ng Palestina. Ang ilog ay nasa Kanya pa ring kanang tabi at naglalakad Siya patungo sa gayon pa rin na direksiyon katulad ng magandang asul na tubig, na nagniningning kung saan ito hinahalikan ng araw, at nagkukulay berdeng-asul malapit sa mga pampang, kung saan ang kulay ng mga punungkahoy ay nasasalamin sa malalim na berdeng mga kulay.

Si Jesus ay nasa gitna ng Kanyang mga disipulo. Naririnig ko si Bartolomeo na tinatanong Siya: «Tayo ba ay talagang pupunta sa Jericho? Hindi ba Kayo natatakot ng matambangan?»

«Hindi, hindi Ako natatakot. Dumating Ako sa Herusalem para sa Paskuwa sa pamamagitan ng ibang daan at sila ay bigo, dahil hindi nila alam kung papaano nila Ako mahuhuli nang hindi nakukuha nang labis ang atensiyon ng mga pulutong. Maniwala sa Akin, Bartolomeo, mas kulang ang panganib para sa Akin sa bayan na makapal ang tao kaysa sa malalayong landas. Ang mga pulutong ay mabuti at sinsiro. Ngunit sila ay pabigla-bigla rin. At sila ay aalsa kung Ako ay mahuhuli kapag nasa pagitan nila Ako nagtuturo at nagpapagaling ng mga tao. Ang mga ahas ay tumatrabaho sa pag-iisa at kadiliman. At pagkatapos... marami pa Akong mga araw upang magtrabaho... Ang... ang oras ng Dimonyo ay darating at mawawala Ako sa inyo. Ngunit matatagpuan ninyo Ako saka na. Paniwalaan iyan. At tandaan na paniwalaan iyan, kapag ang mga pangyayari ay tila talagang pinalalabas na Ako ay nagsisinungaling.»

Ang mga apostol ay nagbubuntung-hininga nang nag-aalala at tinitingnan Siya nang mapagmahal at maawain at si Juan ay napaungol: «Hindi!» habang si Pedro ay niyakap Siya ng kanyang maiikling malakas na mga bisig na tila upang ipagsanggalang Siya, nagsasabing: «O aking Panginoon at Guro!» Hindi siya nagsasalita ng kahit ano pa mang iba, ngunit ang iilan na mga salitang iyon ay napaka makahulugan.

«Iyan ay ganyan, Aking mahal na mga kaibigan. Iyan kung bakit Ako naparito. Maging malakas. Nakikita ninyo kung papaano Ako nagpapatuloy nang walang pag-aalinlangan patungo sa Aking tinatangka, katulad ng isang patungo sa araw ngumingiti rito at hinahalikan nito. Ang Aking sakripisyo ay magiging isang araw para sa mundo. Ang liwanag ng grasya ay bababa sa mga puso, ang kapayapaan ng Diyos ay magagawa silang maprodukto, ang mga merito ng Aking martiryo ay magagawa ang mga tao na magkaroon ng kakayahan na kamtin ang Langit. At ano ba ang gusto Ko bagkus iyan? Ang mailagay ang inyong mga kamay sa mga kamay ng Eternal, inyong Ama at Akin at masabi: “Naririto. Naibalik Ko ang mga anak na ito sa Inyo. Tingnan, Ama, sila ay puro. Makababalik sila sa Inyo”. At ang makita kayong yapos sa Kanyang sinapupunan at masabi: “Magmahalan sa isa’t isa sa wakas, sapagkat ang Isa at ang iba pa ay nananabik para diyan at naghirap kayo nang labis para sa pagiging di makapagmahal sa isa’t isa”. Iyan ang Aking lugod. At ang bawat araw na nagdadala sa Akin nang mas malapit sa katuparan ng balík na iyan, ng kapatawaran na iyan, ng pagsasamang iyan, ay dinadagdagan nito ang Aking pananabik na papangyarihin ang holokausto upang maibigay sa inyo ang Diyos at ang Kanyang Kaharian.»

Si Jesus ay solemne, halos nagtatalik sa galak habang sinasabi ito. Siya ay naglalakad nang tuwid sa Kanyang asul na tunika at mas madilim na manta, walang takip ang ulo sa malamig na oras na ito ng umaga, at Siya ay tila ngumingiti sa hindi ko alam kung anong bisyon, na nakikita ng Kanyang mga mata sa kaligiran ng maliwanag na asul na kalangitan. Ang araw na humahalik sa Kanyang kaliwang pisngi ay nagagawa ang Kanyang mga mata na lalo pang magningning at nagagawa ang Kanyang ginintuang buhok na kumislap habang nagagalaw ito ng magaang ihip ng hangin at ng Kanyang paghakbang. Pinatitingkad nito ang kapulahan ng Kanyang mga labì na nakabukas sa pagngiti at tila napaapoy ang lahat ng Kanyang mukha nang may lugod, na sa katunayan ay nanggagaling sa loob ng Kanyang adorableng Puso, umaapoy sa pagmamahal para sa atin.

«Guro, maaari ba akong magsalita sa Inyo ng isang salita?» tanong ni Tomas.

«Alin?»

«Nang makalawa sinabi Ninyo na ang Tagapagtubos, Kayo, ay magkakaroon ng isang traydor. Papaano ang isang tao pagtataksilan Kayo, ang Anak ng Diyos?»

«Ang isang tao, sa katunayan, ay hindi magagawang pagtaksilan ang Anak ng Diyos, Diyos katulad ng Kanyang Ama. Ngunit hindi ito magiging isang tao. Ito ay magiging isang dimonyo sa loob ng katawan ng isang tao. Ang pinaka nakukuluban, ang pinaka humaling na tao. si Maria ng Magdala ay nagkaroon ng pitong dimonyo at ang nadimonyohan ng nakaraang ilang mga araw ay napaghaharian ni Beelzebub. Ngunit sa Aking traydor ay naririyan si Beelzebub at ang lahat ng kanyang maladimonyong korte... O! ang Impiyerno ay talagang mapupunta sa pusong iyon mabigyan siya ng katapangan na ipagbili ang Anak ng Diyos sa Kanyang mga kaaway, katulad-na-katulad na ang isang kordero ay pinagbibili sa mangangatay!»

«Guro, ang tao bang iyan ay nilulukuban na ni Satanas ngayon?»

«Hindi, Judas. Ngunit siya ay kumikiling kay Satanas at ang pagkiling kay Satanas ang ibig sabihin inilalagay ang sarili sa katayuan na bumagsak sa kanya» (Si Jesus ay nagsasalita sa Iskariote).

«At bakit hindi siya pumupunta sa Inyo upang mapagaling ng kanyang pagkiling? Nalalaman ba niya na mayroon siya ng ganyang pagkiling o hindi niya nalalaman?»

«Kung hindi niya nalalaman hindi siya magiging may kasalanan, samantalang nagkakasala siya, sapagkat nalalaman niya na kumikiling siya sa kasamaan at na hindi siya nagpupursige sa kanyang pasya na makalabas mula dito. Kung siya ay magpursige, pupunta siya sa Akin... ngunit hindi siya pumupunta... Ang lason ay tumatagos at ang Aking kalapitan ay hindi nakakalinis sa kanya sapagkat ayaw niya nito, iniiwasan niya ito... Ang pagkakamali ninyo, o mga tao. Lumalayo kayo sa Akin kung kailan kailangang-kailangan ninyo Ako» (Si Jesus ay tumugon kay Andres).

«Ngunit siya ba ay kailanman pumunta na sa Inyo? Kilala ba Ninyo siya? At kilala ba namin siya?»

«Mateo, kilala Ko ang mga tao bago pa man nila Ako makilala. At alam mo iyan  at alam ng mga kasama mo. Tinawag kita sapagkat kilala kita.»

«Ngunit kilala ba namin siya?» tanong ni Mateo namimilit.

«At posible ba para sa inyo na hindi malaman ang mga pumupunta sa inyong Guro? Kayo ay Aking mga kaibigan at bumabahagi sa Aking pagkain, pahinga at pagod. Binuksan Ko pa nga ang Aking bahay sa inyo, ang bahay ng Aking banal na Ina. Dinadala Ko kayo roon upang ang hangin na malalanghap doon ng isa ay sana magawa kayong maintindihan ang Langit sa pamamagitan ng mga tinig at mga kaayusan doon. Dinadala Ko kayo roon katulad na dinadala ng isang doktor ang kanyang mga pasyente, kaagad kapag nakapanumbalik na sila mula sa isang serye ng mga sakit, sa malulusog na bukal na sana makapagpalakas sa kanila sa pagtalo sa mga labí ng mga sakit na baka makasamâ muli. Kung gayon kilala ninyo ang bawat isa na pumupunta sa Akin.»

«Saang bayan Ninyo siya nakilala?»

«Pedro, Pedro!»

«Totoo iyan, Guro, malala pa ako kaysa sa isang tsismosa na babae. Patawarin ako. Ngunit ito ay pagmamahal, alam Ninyo...»

«Oo, alam Ko, at iyan kung bakit sinasabi Ko sa iyo na ang iyong kapintasan ay hindi nakasusuklam sa Akin. Ngunit alisin mo iyan.»

«Oo, aking Panginoon.»

Ang landas ay kumikipot, nalilimitahan ng isang hilera ng mga punungkahoy at ng isang maliit na kanal, at ang grupo ay numinipis nang pahaba. Si Jesus ay nagsasalita sa Iskariote, kung kanino Siya ay nagbibigay ng mga tagubilin para sa mga gastos at limos. Ang lahat na iba pa ay nasa likuran, nang dalawahan. Sa likuran, ay naroon si Pedro, nag-iisa. Siya ay palaisip. Siya ay naglalakad na ang kanyang ulo nakatungo, lubos na nasa kanyang pag-iisip na hindi niya napupuna na siya ay naiiwanan ng iba.

«Eh, ikaw! lalaki» ang isang lalaki na nakasakay sa kabayo ay sumigaw sa kanya. «Kasama mo ba ang Nazareno?»

«Oo, bakit?»

«Pupunta ba kayo ng Jericho?»

«Gustung-gusto mo bang malaman? Hindi ko alam. Sinusundan ko ang Guro at hindi ako nagtatanong ng mga tanong. Saan man Siya pumunta, ang lahat ay maayos. Ang daan ay ang daan ng Jericho, ngunit maaari kaming bumalik sa Decapolis. Sino ang nakaaalam? Kung gusto mong may malaman ka pa, ang Guro ay nasa banda roon.»

Ang mamâ ay pinabilis ang kanyang kabayo at si Pedro ay napangiwi nang kakaiba sa likuran ng mamâ at bumulong: «Hindi ako nagtitiwala sa iyo, aking guwapong mamâ. Kayo ay isang pangkat ng mga aso, lahat kayo. Ayaw kong maging ang traydor. Sinusumpa ko sa aking sarili: “Ang bunganga kong ito ay lalagyan ng selyo”. Ayan ka na» at gumagawa siya ng isang tanda sa ibabaw ng kanyang mga labì na tila isinasara niya ito.

Ang mamang nakasakay sa kabayo ay sumabay na kay Jesus. Siya ay nagsasalita sa Kanya at iyan ay nagbigay kay Pedro ng pagkakataon na sabayan ang iba.

Nang ang mamâ ay umalis, kinawayan niya ang Iskariote. Walang nakapuna rito, maliban kay Pedro, na nasa likuran ng grupo. At siya ay tila hindi sumasang-ayon sa pagkaway. Kinuha niya si Judas sa manggas at tinanong siya: «Sino siya? Kilala mo siya? Papaano?»

«Sa tingin. Siya ay isang mayaman ng Herusalem.»

«May mga kaibigan sa matataas na lipunan! Bueno... maliban na ito ay walang problema. Sabihin sa akin: siya ba ang mukhang-lobo na tao na nagsasabi sa iyo ng maraming bagay?...»

«Alin na mga bagay?»

«Bueno! Ang mga bagay na sinasabi mo na nalalaman mo tungkol sa Guro!»

«Ako?»

«Oo, ikaw. hindi mo ba naaalaala nang mabagyong gabi? Noong oras ng biglaan na pagbaha?»

«Ah! Hindi!... Ngunit iniisip mo pa ba ang mga salitang sinabi noong sandali ng masamang katatawanan?»

«Iniisip ko ang lahat na baka makasakit kay Jesus: mga bagay, mga tao, mga kaibigan, mga kaaway... At lagi akong nakahanda na gawin ang pangakong ginawa ko sa sinuman na gustong manakit kay Jesus. Paalam.»

Si Judas ay tinitingnan siya sa isang kakaibang paraan, habang siya ay lumalayo. Mayroon doon ng pagtataka, kapighatian, galit at sasabihin ko isang bagay pa: poot.

Si Pedro ay sinasamahan si Jesus at tinawag Siya.

«O! Pedro! Halika!» si Jesus ay ipinatong ang Kanyang kamay sa balikat ni Pedro.

«Sino ang makalisag na Judaean na iyon?»

«Makalisag, Pedro? Siya ay makinis at may pabango!»

«Siya ay may isang makalisag na konsiyensya. Huwag siyang pagtiwalaan, Jesus.»

«Sinabi Ko sa iyo na ang Aking oras ay hindi pa dumarating. At kapag ito ay dumating walang di-pagtitiwala ang makaliligtas sa Akin... kung gugustuhin Kong mailigtas. Ang mga bato rin ay sisigaw at gagawa ng isang harang, kung gugustuhin Kong iligtas ang Aking Sarili.»

«Maaaring ganyan... Ngunit huwag magtiwala... Guro?»

«Pedro? Ano ang nangyayari?»

«Guro... may isang bagay akong sasabihin sa Inyo at isang pabigat sa aking puso.»

«Isang bagay? Isang pabigat?»

«Oo. Ang pabigat ay isang kasalanan. Ang bagay isang payo.»

«Magsimula sa kasalanan.»

«Guro... ako... napopoot ako... nasusuklam ako, oo, kung hindi ako mapoot sapagkat ayaw Ninyo kaming mapoot, nasusuklam ako sa isa sa amin. Ako ay tila malapit sa isang lungga mula kung saan ang baho ng mga ahas na nasa kainitan ay lumalabas... at ayaw ko na kahit alin sa kanila ay makalabas upang makapanakit sa Inyo. Ang mamang iyon ay isang katerba ng mga ahas at siya mismo ay nasa kainitan sa dimonyo.»

«Papaano mo nasasabi iyan?»

«Bueno!... hindi ko alam. Ako ay magaspang at mangmang, ngunit hindi ako tanga. Sanay akong bumasa ng mga hangin at mga ulap... at ngayon may mga mata rin ako upang mabasa ang mga puso. Jesus... natatakot ako.»

«Huwag maghusga, Pedro. At huwag magsospetsa. Ang pagsosospetsa ay lumilikha ng mga guniguni. At ang isa ay nakakakita ng wala naman doon.»

«Ipagkaloob sana ng eternal na Diyos na wala naman doon. Ngunit hindi ako makatiyak.»

«Sino ito, Pedro?»

«Si Judas ng Kerioth. Ipinagyayabang niya ang pagkakaroon ng mga importanteng mga kaibigan at kahit kani-kanina pa lamang ang may pangit-na-mukha na iyon ay binati siya katulad ng pagbati ng isang kilalang-kilalang tao. Wala siya dati ng mga kaibigan na ganyan.»

«Si Judas ay isa na siyang tumatanggap at nag-aabot ng pera. Mayroon siyang pagkakataon na lumapit sa mayayaman na tao. Siya ay matalino.»

«Oo, siya ay matalino... Guro, sabihin sa akin ang katotohanan, hindi ba Kayo nagsosospetsa?»

«Pedro, mahal-na-mahal ka sa Akin dahil sa iyong puso. Ngunit gusto Kong ikaw ay maging perpekto. Ang hindi sumusunod ay hindi perpekto. Sinabi Ko sa iyo: huwag maghusga at huwag magsospetsa.»

«Ngunit hindi Ninyo sinasabi sa akin...»

«Mayamaya lamang ay nasa Jericho na tayo at titigil tayo upang hintayin ang isang babae na hindi makatatanggap sa atin sa kanyang bahay...»

«Bakit? Siya ba ay isang makasalanan?»

«Hindi. Siya ay isang kaawa-awang sawing-palad. Ang mamang iyon na nakasakay sa kabayo na nagpapaalala sa iyo nang labis ay pumunta upang sabihin sa Akin na hintayin ang babae. At maghihintay Ako para sa kanya bagama't nalalaman Ko na wala Akong magagawa para sa kanya. At nalalaman mo ba kung sino ang naglagay sa babae at sa nangangabayo sa Aking daan? Si Judas. Nakikita mo na ang kanyang pagkakakilala sa Judaean na iyon ay tapat.»

Si Pedro ay iniyuko ang kanyang ulo at naging tahimik at napahiya. Baka hindi pa siya kumbinsido at mausisa pa, ngunit siya ay tahimik.

Si Jesus ay tumigil sa labas ng mga pader ng bayan at pagod na katulad Niya, Siya ay naupo sa loob ng mga anino ng isang grupo ng mga punungkahoy, na nagbibigay ng lilim sa isang pontanya, malapit dito kung saan ay may mga kuwadrupedo na umiinom. Ang mga disipulo ay naupo rin naghihintay. Ito ay maaaring hindi isang importanteng distrito ng bayan sapagkat bukod sa mga kabayo at mga asnong ito, na halatang pag-aari ng mga naglalakbay na mga mangangalakal, wala ritong mga tao.

Ang isang babae ay lumalapit, lahat nakabalot sa isang malapad na madilim na manta at ang kanyang mukha takip-na-takip. Ang kanyang makapal na madilim na belo ay nagtatakip sa kalahati ng kanyang mukha. Ang mángangabayong nakita kanina, ngunit ngayon naglalakad, at tatlo lalaki, marangyang nakadamit, ay kasama niya.

«Binabati namin Kayo, Guro.»

«Ang kapayapaan ay sumainyo.»

«Ito ang babae. Makinig sa kanya at pagbigyan ang kanyang hiling.»

«Kung magagawa Ko.»

«Nagagawa Ninyo ang lahat.»

«Ikaw, isang Saduseo, sa palagay mo ba?» Ang Saduseo ay ang mangangabayo.

«Naniniwala ako sa aking nakikita.»

«At nakita mo ba na nagagawa Ko?»

«Oo, nakita ko.»

«At nalalaman mo ba kung bakit nagagawa Ko?» Nagkaroon ng katahimikan. «Maaari Ko bang malaman kung bakit sa palagay mo magagawa Ko?» Naroon ang katahimikan.

Si Jesus ay hindi na siya pinapansin o ang iba. Siya ay nagsasalita sa babae: «Ano ang gusto mo?»

«Guro... Guro...»

«Magsalita, nang walang takot.»

Ang babae ay tinitingnan nang nag-aalinlangan ang kanyang mga kasama na pinakakahulugan ang kanyang sulyap ayon sa kanilang pamamaraan.

«Ang asawa ng babae ay may sakit at hinihiling niya sa Inyo na pagalingin siya. Siya ay isang maimpluwensiyang tao, sa korte ni Herodes. Mas mabuting pagbigyan Ninyo siya.»

«Pagbibigyan Ko siya kung magagawa Ko, hindi dahil siya ay maimpluwensiya, bagkus dahil siya ay hindi masaya. Lagi Kong sinasabi ang ganyan. Ano ang problema ng iyong asawa? Bakit hindi siya pumarito? At bakit ayaw mo Akong pumunta sa kanya?»

Mas lalo pang katahimikan at mas lalo pang tingin na nag-aalinlangan.

«Ibig mo bang magsalita sa Akin nang walang saksi? Halika.» Sila ay tumabi nang kaunti.

«Magsalita.»

«Guro... Ako ay naniniwala sa Inyo. Labis akong naniniwala na nakatitiyak ako na nalalaman Ninyo ang lahat tungkol sa kanya, sa akin at sa aming kasuklam-suklam na mga buhay... Ngunit siya ay hindi naniniwala... Bagkus kinapopootan niya Kayo... Ngunit siya...»

«Ngunit hindi siya mapagagaling sapagkat wala siyang pananampalataya. Hindi lamang na siya ay walang pananampalataya sa Akin, bagkus wala rin kahit na sa totoong Diyos.»

«Ah! nalalaman Ninyo!» Ang babae ay umiiyak nang husto. «Ang aking bahay ay isang impiyerno! Isang impiyerno! Nagpapalaya Kayo ng mga inalihan na mga tao. Kung gayon nalalaman Ninyo kung ano ang dimonyo. Ngunit kilala ba Ninyo ang matalisik, matalino, huwad at may-nalalaman na dimonyong ito? Nalalaman ba Ninyo kung sa anong pagkataliwas niya dinadala ang isa? Sa kung anong mga kasalanan? Nalalaman ba Ninyo ang kasiraan na kanyang dinadala sa nakapaligid sa kanya? Sa aking bahay? Ito ba ay isang bahay? Hindi. Iyon ay ang pamasukan ng impiyerno. Ang aking asawa? Siya ba ay aking asawa? Siya ngayon ay may sakit at walang pakialam sa akin. Ngunit kapag din siya ay malakas noon at nananabik para sa pagmamahal, iyon ba ay isang tao na yumayakap sa akin, humahawak sa akin at tumatabi sa akin? Hindi! Ako ay napupuluputan ng isang dimonyo, naaamoy ko ang hininga at nararamdaman ko ang malagkit na katawan ng isang dimonyo. Minahal ko siya nang labis at minamahal ko siya. Ako ay kanyang asawa at kinuha niya ang aking pagkababae nang ako ay mahigit lamang nang kaunti sa isang bata: Ako noon ay labing-apat na taong gulang lamang. Ngunit kapag naaalaala ko din noon ang unang oras na iyon at kasama nito naaalaala ko ang di-nadungisan na mga pakiramdam ng unang yakap na nagawa akong isang babae, ako, sa una sa pamamagitan ng mas nobleng bahagi ng aking sarili at pagkatapos sa pamamagitan ng aking laman at dugo, ako ay nahintakutan naaalaala na siya ay isang maruming nigromante. Nagkaroon ako ng impresyon na hindi ang aking asawa bagkus ang mga patay na tao na kanyang pinanawagan ang nasa akin upang makaraos sila... At kahit na ngayon, kapag tinitingnan ko siya, namamatay ngunit nakalubog pa rin sa mahika na iyon, ako ay nahihintakutan. Hindi ko siya nakikita... nakikita ko si Satanas. O! gaano ito katindi! Ni sa kamatayan hindi ko siya makakasama, sapagkat ito ay ipinagbabawal ng Batas. Iligtas Ninyo siya, Guro. Hinihingi ko sa Inyo na pagalingin siya upang mabigyan siya ng panahon na makapanumbalik.» Ang babae ay umiiyak nang nakakaawa.

«Kaawa-awang babae! Hindi Ko siya mapagagaling.»

«Bakit, Panginoon?»

«Sapagkat ayaw niya nito.»

«Oo. Natatakot siya ng kamatayan. Siyempre gusto niya.»

«Ayaw niya. Siya ay hindi baliw, siya ay hindi isang tao na inalihan na hindi nag-aalam ng kanyang katayuan, na hindi nakikiusap na mapalaya sapagkat hindi siya makapag-isip nang malaya.  Hindi siya isang tao na may pinagbabawalan na kalooban. Siya ay isa na gustong maging kung ano siya. Nalalaman niya na ang kanyang ginagawa ay ipinagbabawal. Nalalaman niya na siya ay isinumpa ng Diyos ng Israel. Ngunit siya ay nagpupumilit. Kahit na kung pinagaling Ko siya, at Ako ay magsisimula sa kanyang kaluluwa, babalik siya sa kanyang mala-dimonyong kinaluluguran. Ang kanyang kalooban ay naging marumi. Siya ay isang rebelde. Hindi Ko magagawa.»

Ang babae ay mas umiyak nang malakas. Ang mga lalaki na nagdala sa kanya, ay lumapit. «Hindi ba Ninyo siya pinagbibigyan, Guro?»

«Hindi Ko magagawa.»

«Hindi ba’t sinabi ko na sa iyo. Bakit?»

«Ikaw, isang Saduseo, ay tinatanong Ako kung bakit?  Inaanyayahan kita sa aklat ng mga Hari. Basahin kung ano ang sinabi ni Saul at ang sinabi ni Elijah kay Ahaziah. Ang espiritu ng propeta ay kinagagalitan ang hari sa paggambala sa kanya sa pananawagan sa kanya mula sa kaharian ng mga patay. Ipinagbabawal ang gawin ito. Basahin ang Leviticus, kung hindi mo na maalaala ang salita ng Diyos, Tagapaglikha at Panginoon ng lahat na naririyan, ang Tagapag-alaga ng búhay at ng patay. Ang patay at ang nabubuhay ay nasa mga kamay ng Diyos at hindi kayo pinahihintulutan na agawin ito sa kanila, sa pamamagitan ng walang-kabuluhan na pag-uusyoso, o walang-pakundangan karahasan, o  isinumpang pagdududa. Ano ang gusto mong malaman? Kung mayroong eternal na hinaharap? At sinasabi mo na naniniwala ka sa Diyos. Kung ang Diyos ay naririyan, tiyak na mayroon Siyang isang korte. At anong korte ito magiging, bagkus isang eternal na korte katulad ng Sarili Niya Mismo, naglalaman ng eternal na mga espiritu? Kung sinasabi mo na naniniwala ka sa Diyos, bakit hindi ka naniniwala sa Kanyang salita? Ang Kanya bang salita ay hindi sinasabi: “Hindi kayo magsasagawa ng paghuhula, hindi kayo mag-oobserba ng mga panaginip”? Hindi ba sinasabi nito: “Kung ang isang tao ay lumapit sa mga salamangkero at mga manghuhula at gagawa ng kasalanan kasama sila, sisimangutan Ko ang taong iyan at aalisin Ko siya sa kanyang sambayanan”? Hindi ba sinasabi nito: “Huwag gumawa ng metal na mga diyos”? At ano kayo? Mga Samaritano at naligaw na mga tao o kayo ay mga anak ng Israel? At ano kayo: mga tanga o mga taong nakapangangatwiran? At kung sa pamamagitan ng pangangatwiran tinatanggihan ninyo ang inmortalidad ng mga kaluluwa, bakit ninyo pinananawagan ang mga patay? At kung ang di-materyal na mga bahagi na nagpapakilos sa tao ay hindi inmortal, ano ang natitira sa tao pagkaraan ng kamatayan? Ang kabulukan at mga buto, tuyong mga buto na umuusli mula sa isang tumpok ng nangingisay na mga uod. At kung kayo ay hindi naniniwala sa Diyos, at lumalapit kayo sa mga diyus-diyusan at mga simbolo upang mapagaling at makakuha ng pera, mga tugon, katulad ng ginawa ng lalaki na ang kaninong kalusugan ay gusto ninyong maibalik sa dati, bakit kayo gumagawa ng mga diyos at maniwala na makapagsasalita sila inyo ng mga salita, na mas makatotohanan, mas banal at mas dibino kaysa sa mga salitang sinasabi sa inyo ng Diyos? Ibibigay Ko na sa inyo ngayon ang ganoon ding tugon na binigay ni Elijah kay Ahaziah: “Dahil nagpadala kayo ng mga mensahero upang konsultahin si Beelzebub , ang diyos ng Ekron, na tila walang Diyos sa Israel na makukunsulta, hindi ka kailanman makakaalis sa kama na iyong kinuha na higaan, at tiyak na mamamatay ka sa iyong kasalanan”.»

«Kayo ay laging ang isang nag-iinsulto at umatake sa amin. Sinasabi ko ito sa Inyo. Kami ay lumapit sa Inyo upang...»

«Upang marahuyo Akong makapasok sa isang bitag. Ngunit nababasa Ko ang inyong mga puso. Mag-alis kayo ng maskara, kayong mga Herodian na nagpabayad sa kaaway ng Israel! Mag-alis ng maskara, kayong huwad na malulupit na Pariseo! Mag-alis ng maskara, kayong mga Saduseo, totoong mga Samaritano! Mag-alis ng maskara, kayong mga eskriba na ang mga salita ay ibang-iba sa mga katotohanan! Mag-alis ng maskara, lahat kayo, mga lumalabag sa Batas ng Diyos, mga kaaway ng Katotohanan, mga kalaguyo ng Kasamaan! Kapahamakan sa inyo, mga tagapaglapastangan ng Bahay ng Diyos! Kapahamakan sa inyo, mga manunulsol ng mahihinang konsiyensya! Kapahamakan sa inyo, mga asong-gubat na inaamoy ang biktima sa hangin na dumaan at susundan ang bakas at magtatago at maghihintay, hinihintay ang tamang sandali upang pumatay, at dinidilaan ninyo ang inyong mga labì sa pananabik sa lasa ng dugo at sa pag-asam sa tamang sandali!... O mga manggagantso at mga nakikipagtalik sa Kasamaan na ipinagbibili para sa mas mababa pa sa halaga ng isang dakot na mga lenteha ang inyong pagkapanganay sa mga tao at hindi na pinagpapalâ ng Diyos, sapagkat iba pang mga tao ang magsusuot ng balahibo ng Kordero ng Diyos, at tunay na mga Kristo ang makikita ng mga mata ng Kataastaasan, Na naaamoy ang halimuyak ng Kanyang Kristo na lumalabas sa kanila, ay magsasabi: “Naririto ang amoy ng Aking Anak! Katulad ng amoy ng isang mabulaklak na bukid na pinagpalà ng Diyos. Sa inyo ay ang hamog ng Langit: ang Grasya. Sa inyo ay ang  kayamanan ng Lupa: ang bunga ng Aking Dugo. Sa inyo ay ang kasaganaan ng trigo at alak: ang Aking Katawan at ang Aking Dugo na Aking ibibigay para sa mga buhay ng mga tao at sa pag-alaala sa Akin.  Hayaan ang mga tao na paglingkuran kayo, hayaan ang mga nasyon na yumukod sa inyo, sapagkat kung nasaan ang tanda ng Aking Kordero, ay naririyan ang Langit. At ang Lupa ay nakapailalim sa Langit. Maging mga guro ng inyong mga kapatid, sapagkat ang mga tagasunod ng Aking Kristo ay ang magiging mga hari ng espiritu, dahil tataglayin nila ang Liwanag, sa kung aling Liwanag ang iba pa ay ibabaling ang kanilang mga mata umaasa sa tulong nito. Hayaan ang mga anak ng inyong ina: ang Lupa, na yumukod sa inyo. Oo, ang lahat na mga anak ng Lupa ay yuyuko isang araw sa Aking Tanda. Isumpa siya na magsusumpa sa inyo at pinagpala ang mga pagpapalà sa inyo, sapagkat ang mga pagpapalà at mga maldisyon na ibinigay sa inyo, ay nakararating sa Akin,  inyong Ama at Diyos”. Iyan ang Kanyang sasabihin, o mga lapastangan na nakikipagtalik kay Satanas at sa kanyang huwad na mga doktrina, samantalang maaari kayong magkaroon ng totoong pananampalataya bilang ang minamahal na esposa ng inyong mga kaluluwa. Iyan ang Kanyang sasabihin, o mga mamamátay. Mga mamamátay ng mga konsiyensya at mga mamamátay ng mga katawan. Naririto ang ilan sa inyong mga biktima. Ngunit kung dalawang puso ang napatay, may isang Katawan na mapupunta sa inyo para lamang sa panahon ni Jonah. Pagkatapos, naisama sa inmortal na Esensiya Nito, huhusgahan kayo Nito»

Si Jesus ay terible sa Kanyang mahigpit na sermon. Terible! Sa palagay ko Siya ay mahigit kumulang magiging ganyan sa Katapusan ng mundo.

«At nasaan ang mga pinatay na tao? Kayo ay nagsasalita ng walang-kabuluhan! Kayo ay isang kalaguyo ni Beelzebub. Nakikipagtalik Kayo sa kanya at gumagawa ng mga himala sa ngalan niya. hindi Kayo makagagawa ng isa sa kaso namin sapagkat kami ay mga kaibigan ng Diyos.»

«Si Satanas ay hindi niya pinaaalis ang kanyang sarili, nagpapalayas Ako ng mga dimonyo. Kung gayon sa kaninong pangalan Ko ginagawa ito?» May katahimikan. «Tugunan ang Aking tanong!»

«Walang kuwenta ang mag-aksaya ng panahon sa maladimonyong ito. Binalaan ko kayo. Hindi ninyo ako pinaniwalaan. Gawin Siyang sabihin sa inyo. Tumugon, Kayong baliw na Nazareno. Alam ba Ninyo ang sciemanflorasc?»

«Hindi Ko iyan kailangan!»

«Napakinggan ba ninyo iyon? Isa pang tanong. Napunta ba Kayo sa Ehipto?»

«Oo, napunta Ako.»

«Kita ninyo? Sino ang nigromante, ang dimonyo? Gaano nakakatakot! Halika, babae. Ang iyong asawa ay isang santo kompara sa Kanya. Halika!... Kailangan mong mapadalisay. Nahipo mo si Satanas!...» At sila ay umalis kinakaladkad ang babae na umiiyak na may maliwanag na mga pagpapakita ng matinding pag-ayaw.

Si Jesus, na nakakursomano, ay pinagmamasdan sila nang may kumikislap na mga mata.

«Guro... Guro...» ang mga apostol ay nahihintakutan kapwa ng matinding pagsasaad ng damdamin ni Jesus at ng mga salita ng mga Judaean.

Si Pedro ay nagtanong, at yumuyuko pa nga siya habang nagsasalita: «Ano ang kanilang ibig sabihin ng kanilang huling mga tanong? Ano ang bagay na iyo?»

«Aling? Ang sciemanflorasc?» ¹

«Oo. Ano iyon?»

«Kalimutan ang tungkol diyan. Hinahalo nila ang Katotohanan sa Kasinungalingan, ang Diyos kay Satanas, at sa kanilang maladimonyong pagmamalaki akala nila na ang Diyos, upang pumayag sa mga gusto ng mga tao, ay kailangan na pakiusapan sa pamamagitan ng Kanyang Tetragrammaton. Ang Anak ay nagsasalita ng totoong wika sa Kanyang Ama at sa pamamagitan nito, sa pamamaraan ng naggagantihan na pagmamahal ng Ama at ng Anak, mga himala ay nagagawa.»

«Ngunit bakit niya Kayo tinanong kung Kayo ay nakapunta sa Ehipto?»

«Sapagkat ang Kasamaan ay gumagamit ng pinaka di-nakasasakit na mga bagay upang makagawa ng mga akusasyon sa mga taong ibig nitong maapektuhan. Ang Aking pagkapunta noong Ako ay bata pa sa Ehipto ay isa sa mga akusasyon ng pagdedemanda sa kanilang oras ng paghihiganti. Kayo, at ang mga susunod sa inyo, ay kailangan na malaman na sa tusong si Satanas at sa kanyang tapat na mga katulong dobleng pagiging matalas ang isip ay ang kinakailangan. Iyan kung bakit sinabi Ko: “Maging kasing tuso ng mga ahas bukod sa pagiging kasing simple ng mga kalapati”, upang mailagay lamang ang pinakamaliit na mga armas sa mga kamay ng mga dimonyo. At kahit na, iyan ay wala din magagawa. Tayo na.»

«Saan, Guro? Sa Jericho?»

«Hindi. Kukuha tayo ng bangka at babalik ulit sa Decapolis. Mamamangka tayong pataas ng Jordan hanggang sa layo ng Enon  at pagkatapos tayo ay dadaong. Sa mga baybayin ng Gennesaret kukuha tayo ng isa pang bangka at maglalayag patungo sa Tiberias, at pagkatapos sa Cana at Nazareth. Ako ay nangangailangan ng Aking Ina, at kayo ay kailangan din ninyo Siya. Kung ano ang hindi nagagawa ng Kristo sa pamamagitan ng Kanyang salita, nagagawa ni Maria sa pamamagitan ng Kanyang katahimikan. Kung ano ang hindi nagagawa ng Aking kapangyarihan, nagagawa ng Kanyang kadalisayan. O! Ang Aking Ina!»

«Umiiyak ba Kayo, Guro? Umiiyak ba Kayo? O! huwag! Ipagsasanggalang namin Kayo! Minamahal namin Kayo!»

«Hindi Ako umiiyak at hindi Ako natatakot dahil sa mga napopoot sa Akin. Umiiyak Ako sapagkat ang mga puso ay mas matigas pa kaysa sa haspe at wala Akong magagawa sa karamihan sa kanila. Halikayo, Aking mga kaibigan.»

Bumababa sila patungo sa pampang at pumunta silang pataas sa ilog sa isang bangka. Ang lahat ay nagtatapos nang gayon.

--------------------

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus:

«Ikaw at ang gumagabay sa iyo ay kailangan na pagnilayan nang matagal ang Aking tugon kay Pedro.

Ang mga tao ng mundong ito – hindi lamang ang mga layko – ay di kinikilala ang sobrenatural, pagkatapos, sa harapan ng mga manipestasyon ng Diyos, nakahanda silang siyasatin hindi ang sobrenatural, bagkus ang tagò. Napaghahalo nila ang isa sa isa pa. Ngayon makinig: ang sobrenatural ay kung ano ang nanggagaling sa Diyos. Ang tagò ay kung ano ang nanggagaling sa labas ng mundo, ngunit walang ugat sa Diyos.

Sasabihin Ko sa inyong totoo at ang mga espiritu ay maaaring manggaling sa inyo. Papaano? Sa dalawang paraan. Sa pamamagitan ng utos ng Diyos o sa pamamagitan ng karahasan ng tao. Ang mga anghel at mga pinagpalang mga kaluluwa ang mga espiritu na nasa loob na ng liwanag ng Diyos, ay dumarating sa pamamagitan ng utos ng Diyos. Sa pamamagitan ng karahasan ng tao ang mga espiritu ay makakapunta sa kung kanino ang tao ay may kontrol din, dahil sila ay nakalubog sa mga rehiyon na mas mababa pa kaysa sa mga rehiyon ng pantao, kung saan mayroon pa ng isang alaala tungkol sa Grasya, bagama't ito ay hindi aktibong Grasya. Ang una ay dumarating nang kaagad-agad, sinusunod ang isang utos lamang: ang Akin. At dinadala nila ang katotohanan na ibig Kong malaman ninyo. Ang huli ay dumarating sa pamamagitan ng isang kasaligutgutan ng magkakarugto0ng na mga kapangyarihan. Ang kapangyarihan ng isang mapag-idolatriyang tao idinugtong sa mga kapangyarihan ng Satanas-na-diyus-diyusan. Maibibigay ba nila sa inyo ang katotohanan? Hindi. Hindi kailanman. Absulutong hindi. Ang isa bang pormularyo, kahit na kung itinuro ni Satanas, ay mapapayuko ba ang Diyos sa kalooban ng tao? Hindi. Ang Diyos ay laging dumarating nang kaagad-agad. Ang isang panalangin ay maidudugtong kayo sa Kanya, hindi ng isang pormularyo.

At may tututol magsasabing: “Si Samuel ay nagpakita kay Saul”, sasabihin Ko: “Hindi sa gawa ng mangkukulam. Bagkus sa pamamagitan ng Aking utos upang gisingin ang hari, na nagrerebelde sa Aking Batas”. Ang ilang mga tao ay maaaring magsabi: “At papaano ang mga propeta?”. Ang mga propeta ay nagsasalita sa pamamagitan ng kaalaman tungkol sa Katotohanan na inilagay sa kanila nang diretso o sa pamamagitan ng ministeryo ng anghel. Ang iba ay maaaring tumutol: “At ano ang tungkol sa sumusulat ng kamay sa bangkete ni Belshazzar?”. Gawin silang basahin ang tugon ni Daniel: “...hinamon mo rin ang Panginoon ng Langit... pinapupurihan ang mga diyos na pilak, tanso, bakal, ginto, kahoy, bato. Na ni hindi makakita, makarinig o makaintindi, ngunit hindi ka nagbigay ng kaluwalhatian sa Diyos Na naghahawak sa iyong hininga at sa bawat paggalaw mo sa Kanyang mga kamay. Iyan kung bakit pinadala Niya ang daliri (na pinadala kaagad, habang ikaw, isang tangang hari at isang tangang tao ay hindi iniisip ito at abala sa pagpuno ng iyong tiyan at pagpalaki ng iyong pagmamalaki) ang daliri ng kamay na nagsulat ng kung ano ang nasa banda roon”.

Oo. Kung minsan ang Diyos ay hinihimok kayo sa pamamagitan ng mga manipestasyon na inyong tinatawag na “ginagamitan ng medyum”, na sa katunayan ay ang habag ng isang pagmamahal na ibig kayong iligtas. Ngunit hindi ninyo kailangan na likhain ninyo ito mismo. Ang mga nililikha ninyo ay hindi kailanman sinsiro. Sila ay hindi kailanman magagamit. Hindi sila kailanman nagdadala ng kahit anong mabuti. Huwag magpaalipin sa kung ano ang makakasira sa inyo. Huwag sabihin at maniwala na kayo ay mas matalino kaysa sa mapagpakumbabang mga tao, na nagpapailalim sa Katotohanan na matagal nang nakadeposito sa Aking Simbahan, dahil lamang na kayo ay mapagmalaking mga tao naghahanap, sa pamamagitan nang pagsuway, ng kapahintulutan para sa inyong ilegal na likas na mga simbuyo. Bumalik at manatili sa Disiplina, na siglu-siglong gulang na. Mula kay Moses hanggang kay Kristo, mula sa Kristo hanggang sa inyo, mula sa inyo hanggang sa huling araw iyan ang isang iyon, at wala nang iba pa.

Ang inyo bang siyensiya ay talagang siyensiya? Hindi. Ang siyensiya ay nasa Akin at sa Aking doktrina at ang karunungan ng tao ay nasa pagsunod sa Akin. Pag-usyoso na walang peligro? Hindi. Ang pagkahawa dito ay inyong ipaghihirap pagkaraan. Layuan si Satanas, kung gusto ninyong mapunta sa inyo ang Kristo. Ako ang mabuting Isa. Ngunit hindi Ako maninirahan na kasama ang Espiritu ng Kasamaan. Ito ay kung hindi Ako ay siya. Mamilì.

O Aking “bunganga”: sabihin ito sa kung kanino ito dapat na masabi. Ito ang huling tinig na pupunta sa kanila. At ikaw at siya na gumagabay sa iyo ay kailangan na maging mahinahon. Ang mga katibayan ay nagiging kontra-katibayan sa mga kamay ng Kaaway at sa mga kaaway ng Aking mga kaibigan. Mag-ingat!! Humayo sa Aking kapayapaan.»

160911/012913

 

 



¹ Ang salitang ito, na baka mali ang pagkakabaybay, ay walang nakaaalam kahit na ang mga esperto, na mga kinonsulta tungkol dito. Mula sa konteksto nito ito ay tila isang ekspresyon na ginagamit para sa mga inkantasyon ng mga taong nagsasagawa ng mahika.

 


Sunod na kabanata