502. Ang Kamatayan ni Ananias.

Setyembre 26, 1946.

«Bumangon at lumakad na tayo. Bumalik tayo sa ilog at maghanap ng bangka. Pedro, lumakad kasama si Santiago at kumuha ng isang bangka na magdadala sa atin sa malapit sa Bethabara. Tutuloy tayo nang isang araw sa bahay ni Solomon at pagkatapos...»

«Ngunit hindi ba’t tayo ay papunta sa Nazareth?»

«Hindi. Nagpasya ang Aking isip noong gabi. Nalulungkot Ako para sa inyo. Ngunit kailangan Kong bumalik.»

«Ako ay masaya!» bulalas ni Marjiam. «Mananatili akong kasama Kayo nang mas matagal!»

«Oo, bagama't, Aking kaawa-awang anak, nakakakita ka ng napaka malungkot na mga araw kasama Ako!»

«Kung gayon mabuting bagay na gusto kong makasama ko Kayo. Upang mamahal Kayo. Iyan lang ang gusto ko. Wala na akong hinhinging iba pa.»

Si Jesus ay hinahalikan ang kanyang noo.

«At dadaan ba tayong muli sa Bethabara?» tanong ni Mateo.

«Hindi. Tatawirin natin ang ilog sa bangka ng ilang mangingisda.»

Si Pedro ay bumalik kasama si Santiago. «Walang mga bangka, Guro, hanggang gabi... At... kailangan ko bang sabihin sa Inyo?»

«Sabihin sa Akin.»

«Ang ilang mga tao ay maaaring dumaan dito... At maaaring nagbayad sila nang mabuti o nagbigkas ng mga pananakot... Hindi sa palagay ko na kahit sa gabing ito makakatagpo Kayo ng isang bangka... Sila ay walang awa...» sabi ni Pedro nang may buntung-hininga.

«Hindi na bale. Tayo ay lumakad na... at ang Panginoon ay tutulungan tayo.»

Ang panahon ay masamâ, umuulan. Ang daan ay maputik, sa tabi ng binundok ang hamog ng gabi na marami malapit sa ilog ay pinalala nito ang pagkabasa dahil sa ulan. Ngunit nagpapatuloy pa rin sila katulad nang dati nanunulay sa matataas na parte ng lupa, dahil ito ay hindi masyadong maputik at hindi masyadong nakalantad sa mga patak ng napakaliit ngunit patuloy na bagsak ng ulan, bilang protektado kahit na papaano ng isang hilera ng mga poplar, maliban na lamang kung may isang ihip ng hangin na nagagawa ang mga patak ng tubig na nahahawakan ng mga sanga na bumagsak nang bigla.

«Eh! dumating na ang tag-ulan!» sabi ni Tomas nang may pagkapilisopo hinihilang pataas ang laylayan ng kanyang damit.

«Totoo nga!» patotoo ni Bartolomeo nang may buntung-hininga.

«Magpapatuyo tayo ng ating mga sarili sa isang lugar. Hindi silang lahat magiging... sabik laban sa atin» sabi ni Pedro.

«Baka makakita pa tayo ng isang bangka... Hindi mo malalaman!» dagdag ni Santiago ni Alfeo.

«Kung tayo ay maraming pera makakakuha tayo ng kahit ano. Ngunit ayaw Niyang pumunta ako sa Jericho na magbenta...» sabi ni Judas ng Kerioth.

«Pakiusap na manahimik! Ang Guro ay malungkot na malungkot!» nakikiusap si Juan.

«Ako ay mananahimik, Hindi lang, bagkus magbubunyi sa Kanyang utos. Upang walang magsasabi na ang mga Saduseong iyon mula sa malapit sa Jericho ay pinadala ko» at tinitingnan niya si Pedro. Ngunit si Pedro ay buhos sa pag-iisip at hindi siya nakakita o tumugon.

Sila ay nagpapatuloy, naglalakad sa ambon ng ulan, na kasing nipis ng ulap, sa mapanglaw na araw. Paminsan-minsan nagsasalita sila sa isa’t isa. Ngunit sila ay tila nagsasalita sa kanilang sarili, upang ang kanilang mga salita ay katulad ng mga konklusyon ng mga usapan sa di-nakikitang mga kausap.

«Tayo ay magtatapos sa pamimili sa kung saang lugar.»

«Ang lahat na mga lugar ay magkakatulad, sapagkat sila ay pumupunta sa lahat sa kanila.»

«Kung tayo ay kailangang usigin, mas mabuti pang pumunta tayo sa bayan. Tayo ay hindi man lamang mababasa.»

«Ngunit ano ba ang kanilang tinatangka?»

«Kaawa-awang Maria! Kung malaman Niya!»

«Kataastaasang Diyos, protektahan ang Inyong mga lingkod!» at patuloy pa... Sila pagkatapos ay nagsama-sama at nag-uusap sa mabababang tinig.

Si Jesus ay nasa harapan nag-iisa... nag-iisa hanggang si Marjiam ay sinamahan Siya kasama ang Zealot.

«Ang iba ay pumunta sa ibaba sa nakalantad na ilalim ng ilog, upang tingnan kung may bangka... Magiging mas mabilis ito. Makakasabay ba kami sa Inyo?»

«Halikayo. Ano ang inyong pinag-uusapan dati?»

«Ang tungkol sa Inyong paghihirap.»

«At ang kapootan ng mga tao. Ano ang aming magagawa upang mapaginhawahan Kayo at mapigilan ang kanilang kapootan?» tanong ng Zealot.

«Para sa Aking kapighatian ay naririyan ang inyong pagmamahal... Para sa kapootan... ang isa ay kailangan lamang na tiisin ito... Iyan ang isang bagay na magtatapos kasabay ang buhay ng Lupa... at ang kaisipan na iyan ay nagbibigay sa isa ng pasyensiya at lakas na tiisin ito. Marjiam! Aking anak! Bakit ka balisa?»

«Sapagkat nagpapaalaala ito sa akin ng tungkol kay Doras...»

«Tama ka. Panahon na para sa Akin na iuwi ka...»

«Hindi! Jesus! Bakit ibig Ninyo akong parusahan kung wala naman akong nagawang mali?»

«Hindi kita pinarurusahan. Pinananatili kita... Ayaw Kong maalaala mo si Doras. Anong mga pakiramdam ang pinatataas ng alaalang iyan sa loob ng iyong puso? Sabihin sa Akin...»

Si Marjiam ay umiiyak at ibinababa ang kanyang ulo, pagkatapos tumingala siya at nagsabi: «Tama Kayo. Ang aking espiritu ay walang kakayahan na makakita at magpatawad, wala itong kakayahan. Ngunit bakit Ninyo ako pinauuwi? Kung Kayo ay naghihirap, lalong mas rasonable na ako ay kailangan na nasa malapit sa Inyo. Lagi Ninyo akong napagiginhawahan! Hindi na ako ang tangang bata na nang nakaraang taon ay madalas nagsasabi sa Inyo: “Huwag Ninyong gawin na makita ko ang Inyong kapighatian”. Ako ay isang lalaki na ngayon. Gawing manatili ako! Panginoon! O! maaari bang sabihin mo sa Kanya, Simon!»

«Alam ng Guro kung ano ang mabuti para sa atin... Gusto Niyang pagkatiwalaan ka ng isang gawain... Hindi ko alam... Isang kaisipan ko lamang iyan...»

«Tama ka. Papanatilihin Ko sana siya at may labis na kaluguran hanggang pagkatapos ng kapistahan ng Dedikasyon. Ngunit... Ngunit ang Aking Ina ay malungkot sa itaas doon. Ang ingay ng kapootan ay napakalakas. Baka natatakot Siya nang higit pa sa kinakailangan. Ang Aking ina ay nag-iisa. At Siya ay tiyak na umiiyak. Pupunta ka sa Kanya at sasabihin sa Kanya na pinaaabot Ko ang lahat ng Aking pagmamahal at Ako ay naghihintay para sa Kanya ngayon, Pagkatapos ng Dedikasyon. At wala kang sasabihin sa Kanya na iba pa, Marjiam.»

«At kung tanungin Niya ako?»

«O! Makakaiwas ka ng pagsasalita ng isang kasinungalingan... na ang buhay ng Kanyang Jesus ay katulad ng kalawakang ito sa Ethanim: mga ulap at ulan, kung minsan bagyo. Ngunit mayroon din ng ma-araw na mga araw. Katulad kahapon, katulad bukas, baka. Ang manahimik ay hindi ang magsinungaling. Sasabihan mo Siya tungkol sa mga himala na iyong nakita. Na si Eliza ay kasama Ko. Na si Ananias ay tinanggap Ako sa kanyang bahay na tila siya ay Aking ama. Na sa Nob Ako ay nasa loob ng bahay ng isang mabuting Israelita. Ang iba pa... Maging tahimik tungkol sa iba pa. At pagkatapos pupunta ka may Porphirea. At mananatili ka roon hanggang magpadala Ako para sa iyo.»

Si Marjiam ay umiiyak nang mas malakas.

«Bakit ka umiiyak nang ganyan? Hindi ka ba masaya na pumunta sa bahay ni Maria? Kahapon masaya ka...» sabi ni Simon.

«Oo, kahapon masaya ako, sapagkat lahat tayo ay pupunta.  At ako ay umiiyak sapagkat natatakot ako na hindi ko na Kayo makikita muli... O! Panginoon! Panginoon! Hindi na ako muli magiging masaya katulad na naging masaya ako noong mga nakaraang mga araw!»

«Magkikita tayong muli, Marjiam. Nangangako Ako sa iyo.»

«Kailan? Hindi bago ang Paskuwa. Ito ay matagal na panahon!» Si Jesus ay tahimik.

«Talaga bang ayaw mo Ako bago ang Paskuwa?»

Si Jesus ay niyakap ang balingkinitan pang mga balikat niya at kinabig siyang mas malapit  pa sa Kanyang sarili. «Bakit ibig mong malaman an hinaharap? Tayo ay ngayon. Bukas tayo ay hindi na. Ang tao, kahit na ang pinakamayaman at ang pinakamalakas, ay hindi makapagdadagdag ng isang araw sa kanyang buhay. Iyan ay, pati rin ang lahat na hinaharap, ay nasa mga kamay ng Diyos...»

«Ngunit para sa Paskuwa kailangan kong pumunta sa Templo. Ako ay isang Israelita. Hindi Ninyo ako magagawang makagawa ng kasalanan!»

«Hindi ka magkakasala. At ang unang kasalanan na kailangan na ipangako mo sa Akin na hindi mo gagawin ay ang di-pagsunod. Ikaw ay susunod. Lagi. Sa Akin ngayon, at sa magsasalita sa iyo sa Ngalan Ko pagkatapos. Pinapangako mo ba iyan? Tandaan na Ako, iyong Guro at Diyos, ay sinunod ang Aking Ama at susundin Ko Siya hanggang sa... katapusan ng Aking araw.» Si Jesus ay solemne sa pagsasalita ng mga salitang ito.

Si Marjiam, halos natitigilan, ay nagsabi: «Ako ay susunod. Sinusumpa ko ito. Sa harapan Ninyo at sa harapan ng eternal na Diyos.»

Nagkaroon ng katahimikan. Pagkatapos ang Zealot ay nagtanong: «Siya ba ay lalakad nang mag-isa?»

«Tiyak na hindi. Kasama ang ilang mga disipulo. Makakakuha pa tayo ng iba bukod kay Isaac.»

«Ipadadala rin ba Ninyo si Isaac sa Galilee?»

«Oo, at siya ay babalik kasama ang Aking Ina.»

Sila tinatawag mula sa ilog. Ang tatlo ay kumilos, tinawid ang daan at naglakad patungo sa ilog.

«Tingnan, Guro. Nakatagpo tayo ng isa at ayaw nila ng kahit ano. Sila ay ang mga kamag-anak ng isang lalaki na napagaling nang mahimala. Ngunit nagtatawid sila ng mga buhangin sa nayon na iyon. Kakailanganin natin na maglakad patungo roon, at pagkatapos isasakay nila tayo.»

«Harinawang gantimpalaan sila ng Diyos. Makakarating tayo sa bahay ni Ananias ngayong gabi.»

Si Pedro ay masaya at siya ay bumalik ulit sa daan at nakita si Marjiam na balisa. «Ano ang nangyayari sa iyo? Ano ang ginawa mo?»

«Walang masama, Simon. Sinabi Ko sa kanya na pagdating natin sa unang lugar kung saan may mga disipulo, pauuwiin Ko siya. At siya ay naging malungkot.»

«Uwi... Siyempre!... Tama iyan... Ang panahon...» Si Pedro ay nag-iisip. Pagkatapos tiningnan niya si Jesus, hinatak niya ang Kanyang manggas ginagawa Siyang ibaba ang Kanyang ulo patungo sa kanyang bunganga. Nagsalita siya sa Kanyang tainga: «Guro, bakit pinauuwi Ninyo siya nang hindi na naghihintay...»

«Dahil sa panahon katulad ng sinabi mo.»

«Pagkatapos?»

«Simon, sasabihin Ko sa iyo ang katotohanan. Mas mabuti para kay Marjiam na huwag lasunin ang kanyang puso...»

«Tama Kayo, Guro. Ang napapaít na puso... Iyan na iyan ang mangyayari sa katapusan.» Itinaas niya ang kanyang tinig: «Tama-tama ang Guro. Ikaw ay lalakad at... magkikita tayong muli sa paskuwa. Matapos man ang lahat... ito ay hindi napakatagal... Kapag tapos na ang Chislev... O! ang magandang Nissan ay mapaparito. Siyempre! Tama Siya...» Ang tinig ni Pedro ay hindi na matatag. Inuulit niya nang mabagal at malungkot: «Tama Siya...» at nagsasalita sa kanyang sarili: «Ano ang mangyayari mula ngayon hanggang Nisan?» Dinadagukan niya ang kanyang noo nang kanyang kamay nang mapanglaw.

At sila ay nagpapatuloy sa basang araw. Hindi na umuulan hanggang, sa loob ng putik na hanggang sa kanilang mga tuhod, pinapasok nila ang limang maliliit na basang bangka, na may laman ng buhangin, pababa muli sa agos ng tubig. Nagsimula muling umulan, at ang mga patak, tumatama sa kalmanteng tubig ng ilog, na sumasalamin sa kulay-abong mga ulap ng kalangitan, ay gumagawa ng maraming mga bilog-bilog na lumalabas at nawawala nang walang-tigil na may pagkislap ng mga perlas.

Ito ay nagmumukhang isang pinagtampuhan na kalupaan. Sa mga binundok, sa mga nayon sa ilog, ay walang makikita kahit isang kaluluwa. Dahil sa ulan ang mga bahay ay sarado at ang mga daan walang mga tao. Upang nang sila ay makadaong sa dapit-hapon kung saan naroroon ang nayon ni Solomon . natagpuan nila ang daan na tahimik at walang tao, at sila ay nakarating sa bahay nang walang tao na nakakakita sa kanila. Sila ay kumatok. Sila ay tumawag. Walang sagot. Tanging ang mga paghuni lamang ng mga kalapati, ang paghuni ng mga tupa at ang ingay ng ulan.

«Walang tao sa loob. Ano ang gagawin natin?»

«Pumunta sa mga bahay sa nayon. Sa bahay muna ng maliit na si Michael» utos ni Jesus.

At habang umaalis nang mabilis ang mga nakakabatang mga apostol, si Jesus kasama ang mga nakakatanda ay nananatiling malapit sa bahay nagbabantay at gumagawa ng mga komentaryo.

«Ang lahat ay sarado... Ang geyt din ay nakatali nang husto at ligtas. Tingnan! Mayroon pang isang malaking pako. Ang mga bintana ay nakasarado katulad na ito ay sa araw. Gaano kalungkot! At ang mga lamentasyon ng mga tupa at ng mga kalapati? Maaari bang siya ay may sakit? Ano sa palagay Ninyo, Guro?»

Si Jesus ay iniiling ang Kanyang ulo. Siya ay pagod at malungkot...

Ang mga apostol ay bumalik tumatakbo. Si Andres ang unang nakarating at habang siya ay ilang mga metro pa ang layo siya ay sumigaw: «Siya ay patay na... Si Ananias ay patay na... Hindi tayo makakapasok sa bahay sapagkat hindi pa iyan napadadalisay... Siya ay inilibing mga ilang oras pa lamang ang nakakaraan. Kung tayo ay nakarating kahapon... Ang babae, ang ina ni Michael, ay parating na ngayon.

«Ano ang nang-uusig sa atin?!» bulalas ni Bartolomeo.

«Kaawa-awang matanda! Masayang-masaya siya nang nakaraan! At malusog-na-malusog! Anong nangyari? Kailan siya nagkasakit?» Sila ay nagsasalita nang sabay-sabay.

Ang babae ay dumating at nananatili sa malayo mula sa lahat siya ay nagsabi: «Panginoon, kapayapaan sa Inyo. Ang aking bahay ay bukas sa Inyo... Hindi ko alam kung... naihanda ko ang patay na tao. Iyan kung bakit nananatili akong malayo sa inyo. Ngunit maipakikita ko sa Inyo ang mga bahay na magpapatuloy sa inyo.»

«Oo, babae. Harinawang gantimpalaan ka ng Diyos, at ang mga naaawa sa mga manlalakbay. Ngunit papaano siya namatay?»

«O! Hindi ko alam. Siya ay walang sakit. Noong makalawa siya ay mabuti naman. Oo, siya tiyak na malusog. Si Michael ay pumarito sa umaga upang kunin ang dalawang tupa ng matanda at isinama ito sa aming mga tupa. Iyan ang usapan. At noong ikaanim na oras nagdala ako sa kanya ng ilang damit na aking nilabhan para sa kanya. Siya ay nakaupo sa mesa kumakain, malusog-na-malusog. Noong gabi ibinalik na Michael ang mga tupa at nag-igib ng dalawang pitsel ng tubig para sa kanya, at si Ananias ay binigyan siya ng dalawang tinapay na kanyang niluto. Kahapon ng umaga ang anak ko ay pumunta para sa mga tupa. Ang lahat ay sarado katulad ito ngayon at walang tumutugon sa mga sigaw ng bata. Tinulak niya ang geyt ngunit hindi niya ito mabuksan. Ito ay harang. Si Michael pagkatapos ay natakot at tumakbo siyang pabalik sa akin. Ang aking asawa at ako kasama ang iba pang mga tao ay tumakbo rito. Binuksan namin ang geyt at kumatok sa pinto ng pangkusinang-hardin... pinilit namin ang pinto... Siya ay nakaupo malapit sa paapuyan na ang kanyang ulo nakasandal sa mesa, ang lampara ay malapit pa sa kanya, ngunit ito ay wala nang sindi, may isang maliit na kutsilyo sa kanyang paanan na may kahoy na mangkok na naukit na nang kalahati... Ganyan kung papaano siya namatay...Ang isang ngiti ay nasa kanyang mga labì... Siya ay nasa kapayapaan... O! gaano ang kanyang hitsura naging ang hitsura ng isang makatarungang tao! Nagmumukha pa nga siyang mas magandang lalaki... Naalagaan ko lamang siya nang kaunting panahon... Ngunit napamahal na siya sa akin... At ako ay umiyak...» 

«Siya ay nasa kapayapaan. Sinabi mo iyan mismo. Huwag umiyak! Saan ninyo siya inilagay?»

«Alam namin na minamahal Ninyo siya nang labis, kung kaya't inilagay namin siya sa sepulkro na tinayo ni Levi para sa kanyang sarili kamakailan. Ang tanging isa, sapagkat si Levi ay isang mayaman na tao. Kami ay hindi. Sa ibaba roon, sa ibayo ng daan. Ngayon, kung gugustuhin Ninyo, padadalisayin natin ang lahat at...»

«Oo.  Kukunin mo ang mga tupa at ang mga kalapati, at itabi ang tira para sa Aking mga disipulo at sa Akin. Upang makapunta Ako rito paminsan-minsan. Pagpalain ka nawa ng Diyos. Pumunta tayo sa sepulkro.»

«Gusto ba Ninyong ibangon siya mula sa kamatayan?» tanong ni Tomas lubos na namamangha.

«Hindi. Iyan ay hindi magiging lugod para sa kanya. Mas masaya siya kung nasaan siya ngayon. Maging ano pa man iyan ang kanyang ginusto...»

Si Jesus ay malungkot-na-malungkot. Ang lahat ay tila nagsasama-sama upang palakihin ang Kanyang kalungkutan. Sa mga pintuan ng kanilang mga bahay, ang ilang mga babae ay nakatingin at binabati Siya gumagawa ng mga komentaryo.

Ang sepulkro ay maya-maya lamang ay narating: isang maliit na kubiko katatayo pa lamang kamakailan. Si Jesus ay nagdarasal malapit dito. Pagkatapos Siya ay tumalikod, may mga luhang bumubukal sa Kanyang mga mata at nagsabi: «Tayo na... sa mga bahay sa nayon. Sa loob ng ating maliit na bahay ay wala nang sinuman ang naghihintay para sa atin upang pagpalain tayo... O Aking Ama! Ang pangungulila ay bumabalot sa Inyong Anak, ang pagkawalang-laman ay lumalalim pang lumalalim at palungkot pa nang palungkot. Ang mga nagmamahal sa Akin, ay namamatay, at ang mga napopoot sa akin, ay nananatili... O Aking Ama! Harinawang masunod lagi ang Inyong kalooban at pagpalain!...»

Sila ay pumunta sa nayon at dalawa rito, tatlo doon, pinasok nila ang mga bahay ng mga hindi humipo sa bangkay, upang manilungan at makapagpalamig.

170911

 

 


Sunod na kabanata