503. Ang Parabula Tungkol sa Walang-prinsipyong  Hukom.

Setyembre 27, 1946.

Si Jesus ay nasa Herusalem muli. Isang mahangin na walang-siglang Herusalem sa taglamig. Si Marjiam ay kasama pa ni Jesus at si Isaac ay naroroon din. sila ay nag-uusap habang patungo sa Templo.

Sina Jose at Nicodemus ay kasama ng Labindalawa nakikipagusap sa Zealot at kay Tomas mahigit pa sa iba. Sila pagkatapos ay naghiwalay at nang dumaraan sa harapan ni Jesus binati nila Siya nang hindi na tumitigil.

«Ayaw nilang palakihin ang kanilang pakikipagkaibigan sa Guro. Ito ay delikado!» pahaging ng Iskariote sa tainga ni Andres.

«Sa palagay ko ginagawa nila iyon nang may tapat na kaisipan, hindi dala ng karuwagan» tugon ni Andres ipinagsasanggalang sila.

«Pagkatapos man ng lahat sila ay hindi mga disipulo. Kung kaya't magagawa nila iyon. Sila ay hindi naging kailanman mga disipulo» sabi ng Zealot.

«Hindi? Akala ko...»

«Ni si Lazarus ay hindi isang disipulo, ni si...»

«Ngunit kung magpapatuloy ka ng pag-alis, sino ang matitira?»

«Sino? Ang mga may misyon ng mga disipulo.»

«At iyong ba, kung gayon, ano sila?»

«Mga kaibigan. Walang iba bagkus mga kaibigan.  Sila kaya ay iniiwan ang kanilang mga tahanan, ang kanilang mga interes, upang sundan si Jesus?»

«Hindi. Ngunit nakikinig sila sa Kanya nang may kasiyahan at binibigyan nila Siya ng tulong at...»

«Bueno, kung iyan ang kaso, ang mga Hentil ay ginagawa rin iyan. Alam mo na malapit sa bahay ni Nike nakakilala tayo ng mga tao na nagbibigay sa Kanya. At ang mga babaeng iyon ay tiyak na hindi mga disipulo.»

«Huwag manabik! Sinasabi ko nang ganyan para lamang sa pagsasalita. Ikaw ba ay labis na nananabik na ang iyong mga kaibigan ay hindi dapat na lumabas na mga disipulo? Sa palagay ko kailangan na gustuhin mo ang kabaligtaran.»

«Ako ay hindi nagiging sabik at wala akong gustong anuman. Ni ayaw ko rin na saktan mo sila nagsasabi na sila ay Kanyang mga disipulo.»

«Papaano ko sasabihin iyan sa sinuman? Ako ay laging kasama mo...»

Si Simon Zealot ay naghagis ng gayon kahigpit na sulyap sa kanya na ang bungisngis ni Judas sa kanyang mga labi ay naglaho, at minarapat niyang baguhin ang paksa sa pagtatanong: «Ano ang kanilang ginugusto, ngayon, upang magsalita sa iyo nang gayon?»

«Nakakita sila ng isang bahay para kay Nike. Malapit sa mga hardin na pampalengke. Malapit sa Gate. Kilala ni Jose ang may-ari at nalalaman niya na iyon ay ipagbibili niya kung makakakuha siya ng magandang presyo. Paaalamin namin si Nike.»

«Gaano siyang nananabik na gumasta ng pera!»

«Iyan ay kanyang pera at magagawa niya ang gusto niya diyan. Gusto niyang mapalapit sa Guro. Siya kung gayon ay nakasunod sa kalooban ng kanyang asawa at sa kanyang sariling puso.»

«Tanging ang aking ina lamang ang malayo...» bulalas ni Santiago ni Alfeo nang may buntung-hininga.

«At ang akin» sabi ng isa pang Santiago.

«Ngunit hindi na magtatagal. Hindi mo ba napakinggan ang sinabi ni Jesus kina Isaac, Juan at Matthias? “Sa pagbalik ninyo sa bagong buwan ng Shebat, isama ninyo ang mga babaeng disipulo, bilang karagdagan sa Aking Ina”.»

«Hindi ko alam kung bakit ayaw Niyang bumalik si Marjiam kasama sila. Sinabi Niya sa kanya: “Pupunta ka kung magpadala Ako para sa iyo”.»

«Baka ayaw Niyang maiwan si Porphirea na walang katulong... Kung walang lalabas para mangisda wala silang pagkain doon. Dahil hindi tayo pumupunta, si Marjiam ang kailangan na pumunta. Ang isang puno ng igos, isang bahay pukyutan, iilan na mga puno ng olibo at dalawang tupa ay hindi sapat upang mabuhay ang isang babae, ang damtan siya at pakanin siya...» wika ni Andres.

Si Jesus, nakasandal sa pader ng bakuran ng Templo, ay pinagmamasdan silang dumarating. Sina Pedro, Marjiam at Judas ni Alfeo ay kasama Niya. Ilang mahihirap na tao ang bumabangon mula sa mga tipak ng bato na inilagay sa daan patungo sa Templo – ang isang nanggagaling sa Zion patungo sa Moriah, hindi ang nanggagaling sa Ophel patungo sa Templo – at sila ay pumupunta na umuungol kay Jesus nanghihingi ng limos. Wala sa kanila ang humihingi na mapagaling. Sinasabi ni Jesus kay Judas na bigyan sila ng ilang sentimos. Pagkatapos Siya ay pumasok sa Templo.

Walang maraming tao. Pagkatapos ng malaking multitud sa mga kapistahan, wala nang mga peregrino. Tanging ang mga taong napipilitan na pumunta sa Herusalem tungkol sa mga bagay na lubhang mahalaga, o ang mga naninirahan sa bayan, ang umaakyat sa Templo. Kung kaya't ang mga korte at mga balkonahe, bagama't hindi nawawalan ng tao, ay hindi masyadong nagsisiksikan, at nagmumukha silang mas marami at mas sagrado, dahil hindi sila napakaingay. Ang mga taga-palit ng pera at mga nagtitinda ng mga kalapati at iba pang mga hayop ay hindi masyadong marami, at sila ay mga nakasandal sa mga pader sa maaraw na tabi, bagama't ang araw ay napakahina na nilalagos nito nang may-kahirapan ang kulay-abong mga ulap.

Pagkatapos ng makapagdasal sa loob ng Court of Israel, binalikan ni Jesus ang Kanyang dinaanan at sumandal sa isang poste nagmamasid... at pinagmamasdan.

Nakakita Siya ng isang lalaki at babae, na maaring bumabalik mula sa Court of Israel, at bagama't hindi sila umiiyak, ang kanilang hitsura ay mas malungkot kaysa sa kung sila ay lumuha. Ang lalaki ay nagsisikap na mapaginhawahan ang babae, ngunit makikita ng isa na ang lalaki ay lubos na namimighati rin.

Si Jesus ay lumayo sa poste at pumunta sa kanila. «Ano ang nagpapahirap sa inyo?» tinanong Niya sila nang naaawa.

Ang lalaki ay tiningnan Siya, nagtataka nang labis sa Kanyang malasakit. Baka iniisip niya na Siya rin ay isang magaspang. Ngunit siya ay tinitingnan ni Jesus nang napakabait, na siya ay nadesarmahan. Ngunit bago niya sabihin ang dahilan ng kanyang pamimighati, siya ay nagtanong: «Papaano nangyari na ang isang rabbi ay nagkaka-interes sa kapighatian ng isang simpleng naniniwala?

«Sapagkat ang rabbi ay iyong kapatid, mamâ. Ang iyong kapatid sa Panginoon, at minamahal ka niya katulad na ito ang pinanunúto ng kautusan.

«Inyong kapatid! Ako ay isang kaawa-awang nagbubunggkal-ng-lupa sa kapatagan ng Sharon, malapit sa Dora. Kayo ay isang rabbi.»

Ang mga rabbi ay may mga kapighatian katulad ng iba pa. Alam Ko kung ano ang katulad ng kapighatian at gusto kitang paginhawahan.»

Ang babae ay inangat nang kaunti ang kanyang belo upang tingnan si Jesus at bumulong siya sa kanyang asawa: «Sabihin sa Kanya. Baka matulungan Niya tayo...»

«Rabbi, kami ay nagkaroon ng isang anak na babae, may anak na babae kami. Nasa amin pa rin siya... Pinakasal namin siya nang may wastong pakikiharap sa isang bata-pang lalaki, nirekomenda sa amin bilang isang mabuting asawa ng isang kaibigan ng lahat. Sila ay kasal na nang anim na taon at nagkaroon ng dalawang anak. Dalawa lamang... sapagkat pagkaraan ang kanilang pagmamahal ay nawala... na ngayon ang kanyang asawa ay ibig siyang hiwalayan. Ang aming anak ay umiiyak at nanghihina na sa pamimighati, iyan kung bakit namin sinabi na nasa amin pa rin siya: mamamatay siya na durog ang puso bago magtagal. Sinubukan na namin ang lahat na kumbinsihin ang kanyang asawa. At nagdasal kami nang labis sa Kataastaasan... Ngunit wala sa kanilang dalawa ang nakinig sa amin... Pumunta kami rito nang perigrinasyon para lamang diyan at nakapunta na kami rito nang isang buong buwan.  Pumupunta kami sa Templo araw-araw: ako sa aking lugar, ang asawa ko sa kanya... Ngayong umaga ang katulong ng aking anak ay dinala sa amin ang balita na ang kanyang asawa ay umalis papuntang Caesarea upang padalhan siya ng kasulatan ng diborsiyo mula doon. At iyan ang kasagutan na tinanggap ng aming mga panalangin...»

«Huwag mong sabihin iyan, Santiago» nakikiusap ang asawa sa isang bulong. At dinagdag niya nang may buntung-hininga: Ang Rabbi ay isusumpa tayo na tayo ay tila mga nanlalapastangan... at ang Diyos ay parurusahan tayo. Ito ay ating kapighatian. Ito ay nanggagaling sa Diyos... at kung tayo ay Kanyang hinampas, ang ibig sabihin nito karapat-dapat tayo nito.»

«Hindi, babae. Hindi Ko kayo isusumpa. At ang Diyos ay hindi kayo parurusahan. Sinasabi Ko sa inyo. Katulad na sinasabi Ko sa inyo na hindi ang Diyos ang nagbibigay sa inyo ng kapighatian na ito, bagkus ang tao. At ang Diyos ay pinahihintulutan ito upang masubukan kayo at ang asawa ng inyong anak. Huwag mawalan ng pananampalataya at ang Panginoon ay pakikinggan kayo.»

«Huli na. Ang aming anak ay nahiwalayan na at napahiya na ngayon at siya ay mamamatay...» sabi ng lalaki.

«Hindi kailanman huli na para sa Kataastaasan. Sa isang sandali at dahil sa mapilit na panalangin, mababago Niya ang takbo ng mga pangyayari. Sa pagitan ng kopa at ng mga labi ay may panahon pa para sa kamatayan na itulak ang panaksak at kung gayon mapigilan siya, na kumukuha sa kopa patungo sa kanyang mga labi, na mainom ito.  At iyan sa pamamagitan ng pakikialam ng Diyos. Sinasabi Ko sa inyo. Bumalik kayo sa inyong mga lugar ng panalangin at mamilit ngayon, bukas at sa araw pagkaraan ng bukas. At kung maaari kayong magkakaroon ng pananampalataya makakakita kayo ng himala.»

«Rabbi, gusto Ninyong paginhawahan kami... ngunit ngayun-ngayon lamang... ito ay hindi posible, katulad ng alam Ninyo, upang pawalang-bisa ang kasulatan, kapag ito ay naiabot na sa hinihiwalayan na babae» sabi ng lalaki namimilit.

«Sinasabi Ko sa inyo na magkaroon ng pananampalataya. Totoo na hindi iyan maaaring pawalang-bisa. Ngunit nalalaman ba ninyo kung ito ay natanggap ng iyong anak?»

«Walang malaking distansiya mula Dora at Caesarea. Habang ang katulong ay papunta rito, si Jacob ay tiyak pumunta sa bahay at pinalayas na si Maria.»

«Walang malaking distansiya. Ngunit nakatitiyak ka ba na nabagtas niya ito? Ang isang kalooban ba na mas mataas sa tao ay hindi mapatitigil ang tao, kung si Joshua, sa tulong ng Diyos, ay napatigil ang araw? Ang iyo bang mapilit na nagtitiwalang panalangin na ginawa para sa isang mabuting pakay ay hindi isang banal na kalooban na kontra sa masamang kalooban ng tao? At hindi ba kayo tutulungan ng Diyos na patigilin ang tangang tao sa kanyang daan, dahil nanghihingi kayo ng isang mabuting bagay Niya, na Siyang inyong Ama? Siya ba kaya ay hindi pa kayo natutulungan? At kahit na kung ang lalaki ay mamilit pa sa pagpapatuloy, magtatagumpay ba siya, kung mamimilit kayo sa paghingi sa Ama para sa isang bagay na makatarungan? Sinasabi Ko sa inyo: lumakad at magdasal ngayon, bukas at sa araw pagkatapos ng bukas at makikita ninyo ang himala.»

«O! tayo na, Santiago! Alam ng Rabbi. Kung sinasabi Niya na tayo ay lumakad at magdasal ibig sabihin nito nalalaman Niya na ito ang tamang bagay, magkaroon ng pananampalataya, aking esposo. Nakararamdam ako ng isang malaking kapayapaan, isang malakas na pag-asa na tumataas sa loob ko kung saan ako may labis na kapighatian dati. Harinawang gantimpalaan Kayo ng Diyos, Rabbi, dahil sa Kayo ay mabuti at sana pakinggan Niya Kayo. Magdasal din para sa amin. Halika, Santiago, halika» At nagtagumpay siyang kumbinsihin ang kanyang asawa, na sumunod sa kanya pagkatapos na batiin si Jesus sa pamamagitan ng pangkaraniwan na Hebreong pagbati: «Kapayapaan sa Inyo»,  kung saan si Jesus ay tumugon sa pamamagitan ng gayon ding pormularyo.

«Bakit hindi Ninyo sinabi kung sino Kayo? Nanalangin sana sila nang may mas malaking kapayapaan» sabi ng mga apostol, at dagdag ni Felipe: «Pupunta ako at sasabihin ko sa kanila.»

Ngunit siya ay pinigilan ni Jesus nagsasabing: «Ayaw Ko niyan. Siya sa katunayan ay mananalangin nang may kapayapaan, subalit nang mas kulang sa halaga at merito. Katulad na ito ay ganito ngayon, ang kanilang pananampalataya ay perpekto at gagantimpalaan.»

«Talaga?»

«Inaasahan mo ba Akong magsinungaling niloloko ang dalawang di-masayang tao?»

Tinitingnan Niya ang mga taong naipon sa malapit sa Kanya, mga sandaan sa kanila, at sinabi Niya:

Makinig sa parabulang ito na magpapaliwanag sa inyo ng kahalagahan ng isang palagian na panalangin:

Nalalaman ninyo kung ano ang sinasabi ng Deuteronomio tungkol sa mga hukom at mga mahistrado. Kailangan na sila ay makatarungan at maawain nakikinig nang walang-kinikilingan sa mga taong dumudulog sa kanila., laging nagpapasya na tila ang kaso na kailangan nilang pasyahan ay isang personal na kaso ng kanilang sarili, nang hindi tinitingnan ang mga regalo o mga pananakot, nang hindi kumikiling sa may-kasalanang mga kaibigan at nagiging mahigpit sa mga kagalit ng mga kaibigan ng hukom. Ngunit kung ang mga salita ng Batas ay makatarungan, ang mga tao ay hindi kasing makatarungan ni hindi nila sinusunod ang Batas, Sa gayon nakikita natin na ang pantaong katarungan ay madalas di-perpekto, sapagkat bihira sa mga hukom ang nakaaalam kung papaano manatili silang malaya sa kurupsiyon, at maawain at mapasyensiya kapwa sa mayaman at sa mahirap, sa mga balo at sa mga ulila, katulad sa mga hindi ganito.

Sa isang bayan ay may isang hukom na labis na di-karapat-dapat ng kanyang opisyo, na kanyang nakuha sa pamamagitan ng malalakas na kamag-anak. Siya ay napaka di-makatarungan sa pagpapasya, katulad na siya ay madalas nakakiling sa pagsasabi na ang mayayaman at malalakas, o ang mga rekomendado ng mayayaman at malalakas na tao, o ang mga nagsusuhol sa kanya ng maluluhong regalo ay tama. Hindi niya kinatakutan ang Diyos at pinagtatawanan niya ang mga reklamo ng mahihirap at mahihinang tao, sapagkat sila ay malungkot at walang malalakas na sumusuporta. Kung ayaw niyang makinig sa isang tao na may kitang-kitang mga rason na tiyak na mananalo laban sa ilang mayayaman na tao na hindi niya kailanman mapapagpasyahan nang salungat, ginagawa niyang siya ay mapalayas sa kanyang presensya tinatakot na siya ay ipakukulong. At maraming tao ang naghirap dahil sa kanyang karahasan umaalis na tila sila ay natalo, tinatanggap ang pagkatalo kahit bago pa man mapagdebatihan ang kaso.

Ngunit sa bayan na iyon ay mayroon din na isang balo na may maraming anak, at siya ay may karapatan na tumanggap ng isang malaking halaga ng pera mula sa isang malakas na tao para sa mga trabahong ginawa ng kanyang namatay na asawa para sa mayaman na tao. Naudyukan ng pangangailangan at ng makainang pagmamahal nagsikap siyang makuha mula sa mayaman na tao ang pera na magagawa niyang mapakain ang kanyang mga anak at maramtan sila sa parating na taglamig. Ngunit nang ang lahat ng kanyang mga hiling at pakiusap sa mayaman ay naging walang silbi, siya ay dumulog sa hukom.

Ang hukom ay isang kaibigan ng mayaman na tao na nagsabi sa kanya: “Kung tatanggapin mo na ako ay tama, ang ikatlong bahagi ng halaga ay magiging sa iyo”. Kung kaya't nagbingi-bingihan siya sa mga salita ng balo na nangungusap sa kanya nagsasabing: “Bigyan ako ng katarungan laban sa aking kalaban. Nalalaman ninyo na ako ay nasa pangangailangan. Ang lahat ay makapagsasabi sa inyo na ako ay may karapatan sa pera na iyan”. Siya ay hindi nakinig sa kanya at ginawa siyang mapalayas sa pamamagitan ng kanyang mga katulong. Ngunit ang babae ay bumalik nang minsan, dalawang beses, sampung beses sa umaga, sa ika anim, ika siyam, sa gabi, nang hindi kailanman napapagod. At susundan niya siya sa mga kalsada sumisigaw: “Maging makatarungan sa akin. Ang aking mga anak ay nagugutom at giniginaw. At wala akong pera na pambili ng tinapay at mga damit para sa kanila”. Naghihintay siya para sa kanya sa pintuan ng kanyang bahay kapag siya ay umuuwi upang maupo sa mesa kasama ang kanyang mga anak. At ang sigaw ng balo: “Maging makatarungan sa akin laban sa aking kalaban, dahil ako at ang aking mga anak ay nagugutom at giniginaw” ay naririnig kahit sa loob ng bahay, sa hapag-kainan, sa silid-tulugan, sa loob ng gabi, na kasing mapilit katulad ng sigaw ng isang maingay na ibon. “Maging makatarungan sa akin, kung ayaw ninyong mahampas ka ng Diyos! Maging makatarungan sa akin. Tandaan na ang mga balo at mga ulila ay sagrado sa Diyos at kapahamakan sa mga naniniil sa kanila! Bigyan mo ako ng katarungan kung ayaw mong ipaghirap isang araw ang pinaghihirap namin ngayon. Ang lamig, ang gutom na pinaghihirap namin, matatagpuan ninyo ito sa susunod na buhay kung hindi ninyo ako bibigyan ng katarungan. Ikaw na nananadyang tao``.

Ang hukom ay walang kinatatakutan ni ang Diyos o ang kanyang kapwa. Ngunit napagod siya sa palagi na lamang siyang minomolestiya, nakikitang siya ay nagiging pinagtatawanan ng buong bayan, dahil sa pang-uusig ng balo, at maraming tao ang siya ang sinisisi. Kung kaya't isang araw sinabi niya sa kanyang sarili: `Bagama't hindi ko kinatatakutan ang Diyos, o ang mga pananakot ng balo, o ang opinyon ng mga tao, subalit, upang magkaroon ng katapusan ang labis na problemang ito, pakikinggan ko ang balo at bigyan siya ng katarungan sa pamimilit sa mayaman na tao na magbayad, maliban na titigilan ng babae ang pang-uusig sa akin at umalis siya sa daan ko`. At kanyang pinatawag ang mayaman na kaibigan at sinabi niya sa kanya: ``Aking kaibigan, imposible para sa akin na pagbigyan ka. Gawin mo ang iyong tungkulin, sapagkat hindi ko na matiis ang minomolestiya dahil sa iyo. Iyan ang aking pasya`. At ang mayaman ay kinailangan na magbayad ng halagang ayon sa hustisya.

Iyan ang parabula. Para sa inyo na ngayon na gamitin ito.

Napakinggan ninyo ang mga salita ng masamang hukom: “Pakikinggan ko ang babae upang magkaroon ng katapusan ang problemang ito”. At siya ay isang masamang tao. ngunit ang Diyos ba, ang napakabuting Ama, maging mas mababa pa kaysa sa masamang hukom? Hindi ba Siya gagawa ng katarungan sa mga anak Niya na nananawagan sa Kanya araw at gabi? At papapaghintayin ba Niya sila nang matagal para sa grasya na ang kanilang nalulungkot na mga kaluluwa ay tumigil sa pagdarasal? Titiyakin Ko sa inyo: bibigyan Niya sila kaagad ng katarungan upang ang kanilang mga kaluluwa ay hindi mawalan ng pananampalataya. Ngunit kinakailangan din na malaman kung papaano magdasal, nang hindi napapagod pagkatapos ng unang mga panalangin at paghingi para sa mabubuting bagay. at kailangan din na sumandal kayo sa Diyos nagsasabing: “Ngunit papangyarihin sana ang nakikita ng Inyong Karunungan na mas makakabuti sa amin”.

Manampalataya. Magdasal nagkakaroon ng pananampalataya sa panalangin at sa pananampalataya sa Diyos, inyong Ama. At bibigyan kayo ng katarungan laban sa mga naniniil sa inyo, maging sila man ay mga tao o mga dimonyo, mga sakit o iba pang mga kalamidad. Ang isang nagpupursiging panalangin ay nagbubukas ng Langit, at ang pananampalataya ay naililigtas ang  kaluluwa sa ano pa mang paraan ang panalangin mapakinggan at matugunan. Tayo na!»

At Siya ay naglakad patungo sa labasan. Siya ay halos nasa labas na ng bakuran nang itinaas Niya ang Kanyang ulo upang tingnan ang ilang mga tao na sumusunod sa Kanya at ang maraming walang-pakialam o mga mapanlaban na mga tao na nagmamasid sa Kanya mula sa malayo, Siya napabulalas nang malungkot: «Ngunit kapag bumalik na ang Anak ng tao, makatatagpo pa kaya Siya ng pananampalataya sa Lupa?» at nang may buntung-hininga binalot Niya nang mahigpit ang Kanyang sarili sa Kanyang manta at humakbang nang papalayo patungo sa arabal ng Ophel.

180911

 

 


Sunod na kabanata