504. Si Jesus, ang Liwanag ng Mundo.

Setyembre 28, 1946.

Si Jesus ay nasa Herusalem pa rin, ngunit hindi sa mga korte ng Templo, Siya ay nasa loob ng isang magandang nadekorasyunan na malaking silid, isa sa maraming matatagpuan sa bakuran, na kasing laki ng isang nayon.

Siya ay kapapasok pa lamang at naglalakad pa rin sa tabi ng isang tao na nag-anyaya sa Kanya na pumasok upang maprotektahan ang Kanyang Sarili sa malamig na hangin na umiihip sa Moriah, at Siya ay sinusundan ng Kanyang mga apostol at ilang mga disipulo. Sinasabi ko «ilan», sapagkat bukod kina Isaac at Marjiam ay naroroon si Jonathan, at sa pagitan ng mga pulutong, na pumasok din sa likuran ng Guro, ay naroon ang Levitang si Zachariah, na mga ilang araw pa lamang ang nakararaan ay nagsabi sa Kanya na ibig niyang maging Kanyang disipulo, at mayroon pang dalawang lalaki, na aking nakita nang kasama ng mga disipulo, ngunit ang kanilang mga pangalan ay hindi ko alam. Ngunit kasama sa mabuting-makitungong mga tao ay naroon pa rin ang dating di-maiiwasan na walang-pagbabagong mga Pariseo. Sila ay tumigil halos sa pintuan, doon lamang sa na tila nagkataon silang tumigil upang pagusapan ang isang negosyo, ngunit sila ay naroroon upang makinig. Ang mga taong naroroon ay nananabik upang mapakinggan ang salita ng Panginoon.

Tinitingnan Niya ang asamblea ng mga tao na malinaw na galing sa iba't ibang mga nasyonalidad, dahil sila ay hindi lahat mga Palestino, bagama't Hudyo ang relihiyon. Tinitingnan Niya ang lahat na mga taong naipon, na marami sa kanila ay baka babalik bukas sa mga rehiyon na kanilang pinanggalingan at ikukuwento ang Kanyang salita nagsasabing: «Napakinggan namin ang Tao Na siyang sinasabing ang Mesiyas.» At Siya ay hindi nagsasalita sa kanila tungkol sa Batas, dahil nalalaman na nila ito, katulad na madalas Siyang magsalita kung nakikita Niya na hindi nila ito alam o na ang kanilang pananampalataya ay nayayanig; bagkus nagsasalita Siya tungkol sa Kanyang Sarili, na sana Siya ay makilala nila.

Sinasabi Niya: «Ako ang Liwanag ng mundo at siya na sumusunod sa Akin ay hindi maglalakad sa kadiliman bagkus magkakaroon ng liwanag ng buhay.» At Siya ay nagiging tahimik, pagkatapos na maihayag ang paksa ng Kanyang talumpati, katulad na madalas Niyang gawin kapag Siya ay magbibigay ng isang napaka mahalagang talumpati. Nananatili Siyang tahimik upang mabigyan ang mga tao ng panahon na magpasya kung sila ay interesado sa paksa o hindi, at upang mabigyan din sila ng panahon na umalis kung ang paksa ay walang halaga sa kanila. Wala sa mga taong naroroon ang umaalis; sa kabaligtaran ang mga Pariseo, na mga malapit sa pintuan, puspusan sa pagpapakita ng isang sapilitan na pakunwaring pag-uusap, at mga naging tahimik at umusod sa looban ng sinagoga sa unang salita ni Jesus, ay pumapasok naniniko na makaraan dala ang kanilang walang-pagkaubos na arogansiya.

Nang ang lahat na bulungan ay natapos, inulit ni Jesus ang nasabi nang pangungusap sa mas lalo pang malakas na tinig at nagpatuloy Siya upang sabihin:

«Ako ang Liwanag ng mundo sapagkat Ako ang Anak ng Ama, Na siyang ang Ama ng Liwanag. Ang isang anak ay laging katulad ng ama na siyang naging ama niya at sila ay magkatulad ng kalikasan. gayon din Ako ay katulad at may parehong kalikasan Niya na siyang naging Ama Ko. Ang Diyos, ang Kataastaasan, ang perpekto at Walang-hangganang Espiritu, ay Liwanag ng Pagmamahal, Liwanag ng Karunungan, Liwanag ng Kapangyarihan, Liwanag ng Kabutihan, Liwanag ng Kagandahan. Siya ang Ama ng mga Liwanag, at siya na namumuhay dahil sa Kanya at sa Kanya ay nakakakita, sapagkat siya ay nasa Liwanag, katulad na ito ang mithiin ng Diyos na ang mga tao ay kailangan na makakita. At binigyan Niya ang tao ng katalinuhan at mga pakiramdam, upang sana makita niya ang Liwanag, ibig sabihin, ang Diyos Mismo, at maintindihan at mahalin ito. At binigyan Niya ang tao ng mga mata, upang sana makita niya ang pinakamaganda sa lahat ng mga bagay na nilikha, ang perpeksiyon ng mga elemento, na sa pamamagitan nito ang Sangnilikha ay makikita at na siyang ang unang mga ikinilos ng Diyos na Tagapaglikha at nagtataglay ng pinaka makikitang tanda Niya Na siyang naglikha dito: ang liwanag, ang walang-materyal, maningning, may- luwalhati, nagpapaginhawa, kinakailangang liwanag, katulad na kinakailangan ang Ama ng lahat: ang Diyos Eternal at Kataastaasan.

Sa pamamagitan ng utos ng Kanyang isip nilikha Niya ang papawirin at ang lupa, ibig sabihin, ang kapal ng atmospera at ang kapal ng alikabok, ang walang-materyal at ang may-materyal, kung ano ang napakagaan at kung ano ang napakabigat, subalit kapwa pa rin walang-pakinabang, walang-laman at walang hugis, sapagkat sila ay nakabalot sa kadiliman, walang mga bituin at walang-buhay. Ngunit upang mabigyan ang lupa at ang papawirin ng kanilang totoong mga katangian, upang makagawa sa kanila ng dalawang magagandang bagay, may-pakinabang at angkop para sa pagpapatuloy ng Kanyang naglilikhang gawain, ang Espiritu ng Diyos – na paligid-ligid sa ibabaw ng mga tubig at kaisa ng Tagapaglikha Na siyang naglilikha at kasama ang Tagapagpasigla Na nag-uudyok na maglikha, upang mamahal hindi lamang ang Kanyang Sarili sa Ama at sa Anak, bagkus pati na rin ang walang-hanggang bilang ng mga nilikhang nagngangalang mga bituin, mga planeta, mga tubig, mga karagatan, mga kakahuyan, mga tanim, mga bulaklak, mga hayop na lumilipad, kumikisay, gumagapang, tumatakbo, lumulukso, umaakyat, at panghuli ang tao, ang pinaka perpektong nilikha, mas perpekto pa kaysa sa araw, sapagkat siya ay pinagkalooban ng kaluluwa pati na rin ng materyal, may katalinuhan at pati na rin likas na simbuyo, may kalayaan pati na rin mga panuntunan, tao nakakatulad sa Diyos dahil sa kanyang espiritu, nakakatulad sa hayop dahil sa kanyang katawan, ang maliit na diyos na nagiging diyos sa pamamagitan ng grasya ng Diyos at ng kanyang sariling kalooban, ang taong nilalang na mababago ang kanyang sarili sa pagiging isang anghel, kung gugustuhin lamang niya, ang minamahal na nilikha ng matinong Paglilikha, para kung kanino, bagama't nalalaman Niya na siya ay magiging isang makasalanan, bago pa man magkaroon ng panahon, inihanda Niya ang tagapagligtas, ang Biktima sa Nilikhang minamahal nang higit pa sa sukat, sa Anak, sa Salita, para kung Kanino ang lahat ay nilikha – ngunit upang mabigyan ang lupa at ang papawirin ng kanilang totoong mga katangian, katulad ng Aking sinasabi, ang Espiritu ng Diyos, paligid-ligid sa Sansinukob, ay sumigaw, at iyon ang unang pagkakataon na ang Salita ay pinakita ang Sarili: “Magkaroon ng liwanag” at nagkaroon ng liwanag, mabuti, may-benepisyo, malakas sa umaga, malabo sa gabi, panghabang panahon hanggang sa katapusan ng panahon. Mula sa karagatan ng mga kababalaghan, na siyang ang trono ng Diyos, ang sinapupunan ng Diyos, kinuha ng Diyos ang pinakamagandang hiyas, at ito ang liwanag na nangunguna sa pinaka perpektong hiyas, ibig sabihin, ang paglikha sa tao, kung kanino walang hiyas ng Diyos, bagkus ang Diyos Mismo, humihinga sa alikabok upang gawin itong buháy na laman at Kanyang tagapagmana sa makalangit na Paraiso kung saan Niya hinihintay ang makatarungan, ang Kanyang mga anak, na sana Siya ay magbunyi sa kanila at sila sa Kanya.

Kung sa pagsimula ng paglilikha ginusto ng Diyos ang liwanag sa Kanyang mga gawa, kung upang makagawa ng liwanag ginamit Niya ang Kanyang Salita, kung pinagkakalooban Niya ang Kanyang mga minamahal ng pinaka perpektong pagkakatulad Niya: ang liwanag, mahalagang malugod na walang-materyal na liwanag, marunong na nagpapabanal na espirituwal na liwanag, posible ba na hindi Niya binigyan ang Anak ng Kanyang pagmamahal ng kung ano Siya Mismo? Totoong binigay ng Kataastaasan ang lahat sa Kanya kung Kanino Siya ay lubos na nasisiyahan mula pa sa eternidad, at ginusto Niya ang Liwanag na maging ang una at ang pinakamakapangyarihan sa lahat, upang kahit hindi naghihintay upang makaakyat sa Langit malaman sana ng mga tao ang kababalaghan ng Trinidad, na nagagawa ang maligayang makalangit na mga koro na umawit dahil sa armoniya ng lugod na kanilang hinahangaan, at kinalulugdan na pagnilayan ng mga anghel ang Liwanag, ibig sabihin, ang Diyos, ang Liwanag na pumupuno sa Paraiso ginagawa ang lahat ng mga naninirahan na maging masaya.

Ako ang Liwanag ng mundo. Siya na susunod sa Akin ay hindi maglalakad sa kadiliman bagkus magkakaroon ng liwanag ng Buhay! Katulad na ang liwanag sa walang-hugis na lupa ay nagawa ang buhay na posible para sa mga tanim at mga hayop, magagawa ng Aking Liwanag ang eternal na Buhay na posible para sa mga espiritu. Ako, bilang ang Liwanag na Ako nga, ay naglilikha ng Buhay sa inyo at pinananatili Ko ito, pinalalaki Ko ito, nililikha Ko kayo ulit dito, binabago Ko kayo, dinadala Ko kayo sa Tinitirhan ng Diyos sa mga daan ng karunungan, ng pagmamahal, ng pagpapakabanal. Siya na nasa kanya ang Liwanag, ay tinataglay ang Diyos, sapagkat ang Liwanag ay parehong bagay ng Karidad at siya na may Karidad ay nasa kanya ang Diyos. Siya na nasa kanya ang Liwanag ay tinataglay ang Buhay, sapagkat ang Diyos ay naroroon kung saan ang Kanyang minamahal na Anak ay pinatutuloy.»

«Kayo ay nagsasalita ng walang-kabuluhan. Sino ang nakakita kung ano ang Diyos? Ni si Moses ay hindi nakita ang Diyos, sapagkat sa Horeb, nang kaagad napuna niya kung sino ang nagsasalita sa umaapoy na palumpong, tinakpan niya ang kanyang mukha, ni hindi niya maaaring makita Siya sa ibang nga okasyon dahil sa nakasisilaw na kidlat. At sinasabi Ninyo na nakita Ninyo ang Diyos? Ang mukha ni Moses, na nakapakinig lamang na Siya ay nagsalita, ay nanatiling maningning na nagliliwanag. Ngunit anong nagliliwanag ang naririyan sa Inyong mukha? Kayo ay isang kaawa-awang Galilean na may maputlang mukha katulad ng karamihan ng Inyong mga kababayan. Kayo ay may sakit, pagod at payat. Kung totoong nakita Ninyo ang Diyos at Kayo ay Kanyang minahal, hindi Kayo magmumukhang katulad ng isang namamatay na tao. Ibig Ninyong ibigay ang Inyong buhay, kung wala Kayong sapat para sa Inyong Sarili? » at iniiling nila ang kanilang mga ulo kinaaawaan Siya nang may panunuya.

«Ang Diyos ay Liwanag at nalalaman Ko kung ano ang Kanyang Liwanag, sapagkat ang mga anak ay kilala ang kanilang ama at ang bawat isa ay kilala ang sarili. Kilala Ko ang Aking Ama at kilala Ko kung sino Ako. Ako ang Liwanag ng mundo. Ako ang Liwanag sapagkat ang Aking Ama ay ang Liwanag at Siya ang naging Ama Ko at binigay Niya sa Akin ang Kanyang Kalikasan. Ang salita ay hindi naiiba sa Isip sapagkat binibigkas ng salita kung ano ang iniisip ng isip. Maging ano pa man, hindi na ba ninyo nalalaman ang mga propeta? Hindi ba ninyo naaalaala si Ezekiel at lalo na si Daniel? Nang ang una ay pinaliliwanag niya ang Diyos, Na nakita sa bisyon, nakasakay sa karwahe ng apat na hayop, sinasabi niya: “Sa trono ay may isang nagmumukhang katulad ng isang tao at sa loob niya at sa paligid niya nakakita ako ng isang katulad ng dilaw na ambar na nakakatulad ang apoy, at mula sa kanyang mga lomo pataas at pababa nakakita ako ng isang katulad ng apoy at sa lahat sa paligid isang liwanag; katulad ng isang bahaghari sa mga ulap sa mauulan na araw, ganyan ang nakapaligid na liwanag lumabas”. At si Daniel ay nagsasabi: “Ako ay nanonood hanggang ang trono ay mapalagay sa lugar at ang Antigo ng mga araw ay naupo. Ang kanyang kapa ay kasing puti ng niyebe, ang kanyang buhok kasing puro ng lana; ang kanyang trono ay isang lagablab ng mga apoy at ang mga gulong ng kanyang trono ay isang umaapoy na apoy. Ang isang agos ng apoy ay bumubuhos na nagmumula sa kanyang presensya”. Ang Diyos ay katulad niyan at Ako ay magiging ganyan kapag Ako ay dumating upang husgahan kayo.»

«Ang Inyong testimonya ay imbalido. Sumasaksi Kayo sa Inyong Sarili. Kung gayon ano ang halaga ng Inyong testimonya? Sa ganang amin iyan ay kasinungalingan.»

«Bagama't tumatayo Akong saksi sa sarili Ko, ang Aking saksi ay totoo, sapagkat nalalaman Ko kung saan Ako nanggaling at kung saan Ako patungo. Ngunit wala kayong nalalaman kung saan Ako nanggaling o kung saan Ako patungo. Ang inyong karunungan ang inyong nakikita. Ako sa halip ay alam Ko ang lahat na hindi nalalaman ng tao, at Ako ay naparito na sana kayo ay may malaman din nito. Iyan kung bakit Ko sinabi na Ako ang Liwanag. Sapagkat nabubunyag ng liwanag kung ano ang tinatago ng kadiliman. Sa Langit ay may Liwanag, sa Lupa, higit sa lahat, ay nariyan ang paghahari ng Kadiliman, na itinatago ang katotohanan sa mga espiritu, sapagkat ang Kadiliman ay kinapopootan ang mga espiritu ng mga tao at ayaw nitong malaman nila ang Katotohanan at ang mga katotohanan, upang sila ay hindi sana mapabanal. At iyan kung bakit Ako naparito. Na sana kayo ay magkaroon ng Liwanag at dahil dito ng Buhay. Ngunit ayaw ninyo Akong tanggapin. Ibig ninyong husgahan ang hindi ninyo nalalaman at hindi ninyo ito mahuhusgahan sapagkat ito ay nasa itaas na masyado kaysa sa kinatatayuan ninyo at hindi ito maaaring maintindihan ng sinuman na hindi nagninilay dito sa pamamagitan ng mga mata ng espiritu, ng isang mapagpakumbabang espiritu na pinakain ng pananampalataya. Sa halip naghuhusga kayo ayon sa laman. Kung gayon ang inyong pasya ay hindi maaaring maging totoo. Ako sa halip ay hindi hinuhusgahan ang sinuman, kung Ako ay maaaring huwag manghusga. Tinitingnan Ko kayo nang maawain at nananalangin Ako para sa inyo. Na sana buksan ninyo ang Liwanag. Ngunit kapag Ako ay maghuhusga , diyan ang Aking pasya ay totoo, sapagkat hindi Ako nag-iisa, bagkus kasama Ko ang Ama na nagpadala sa Akin, at mula sa Kanyang kaluwalhatian nakikita Niya ang loob ng mga puso. At katulad ng nakikita Niya ang sa inyo, nakikita Niya ang Akin. At kung makakita Siya ng di-makatarungan na pasya sa loob ng Aking puso, alang-alang sa Akin at para sa karangalan ng Kanyang katarungan, sasabihin Niya sa Akin. Ngunit ang Ama at Ako ay naghuhusga sa isang bagay lamang kung kaya't kami ay nasa dalawa at hindi Ako nag-iisa sa paghusga at pagsaksi. Sa inyong Batas nakasulat na ang testimonya ng dalawang saksi nagbibigay ng parehong katibayan ay kailangan na tanggapin bilang totoo at balido. Kung gayon tumatayo Akong saksi sa Aking Kalikasan at ang Ama Na nagpadala sa Akin ay tumatayong saksi sa bagay din na iyan. Kung gayon kung ano ang Aking sinasabi ay totoo.»

«Hindi namin napapakinggan ang tinig ng Kataastaasan. Sinasabi Ninyo na Siya ay Inyong Ama...»

«Siya ay nagsalita tungkol sa Akin sa Jordan...»

«O sige. Ngunit hindi lamang Kayo ang nasa Jordan. Naroroon din si Juan. Baka Siya ay nagsalita ng tungkol sa kanya. Siya ay isang dakilang propeta.»

«Sinusumpa ninyo ang inyong mga sarili sa pamamagitan ng inyong sariling mga labì. Sabihin sa Akin: sino ang nagsasalita sa pamamagitan ng mga labì ng mga propeta?»

«Ang Espiritu ng Diyos.»

«At si Juan ba ay isang propeta ayon sa inyo?»

«Isa sa pinakadakila, kung hindi ang pinakadakila.»

«Bueno kung gayon, bakit hindi ninyo pinaniwalaan ang kanyang mga salita at bakit hindi ninyo ito pinaniniwalaan? Itinuro niya Ako bilang ang Kordero ng Diyos, Na naparito upang kanselahin ang mga kasalanan ng mundo. Nang siya ay tinanong kung siya ay ang Kristo, siya ay tumugon: “Ako ay hindi ang Kristo, ako ang isa na mauuna sa Kanya. at sa likuran ko ay nariyan Siya Na aktuwal na nauuna sa akin, sapagkat Siya ay naririto na bago pa ako, at hindi ko Siya nakilala, ngunit Siya na kumuha sa akin mula sa sinapupunan ng aking ina at nagdamit sa akin ng aking misyon sa disyerto at nagpadala sa akin upang magbinyag, ay nagsabi sa akin: ‘Siya na makikita mo  bababaan ng Espiritu, Siya ang Isa Na magbibinyag sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at apoy’ “ Hindi ba ninyo naaalaala? Gayunpaman marami sa inyo ang naroroon... Kung gayon bakit hindi ninyo pinaniniwalaan ang propeta na nagturo sa Akin pagkatapos na marinig ang mga salita ng Langit? Kailangan Ko bang sabihin sa Ama ito: na ang Kanyang sambayanan ay hindi na naniniwala sa mga propeta?»

«At nasaan ang Inyong ama? Si Jose ang karpintero ay matagal nang mga taon na natutulog sa kanyang sepulkro. Kayo ay wala nang isang ama.»

«Hindi ninyo nakikilala ang Aking Ama o Ako. Ngunit kung ibig ninyong makilala Ako, makikilala din ninyo ang Aking tunay na Ama.»

«Kayo ay inalihan at isang sinungaling. Kayo ay isang lapastangan dahil namimilit Kayo na ang Kataastaasan ay Inyong Ama. Karapat-dapat Kayong batuhin ayon sa Batas.»

Ang mga Pariseo at ang mga iba ng Templo ay sumisigaw nang nananakot habang ang mga tao ay nakatingin sa kanila nang walang-puknat, nanggigigil katulad nila na ipagsanggalang ang Kristo.

Si Jesus ay tinitingnan sila nang hindi na nagsasalita pa ng iba, at pagkatapos iniwan Niya ang silid sa pamamagitan ng isang maliit na tabing pintuan na nagbubukas patungo sa isang balkonahe.

190911

 


Sunod na kabanata