505. Si Jesus Nagsasalita sa Templo sa Di-Makapaniwalang mga Judaean.

Setyembre 30, 1946.

Si Jesus ay bumalik sa Templo kasama ang Kanyang mga apostol at mga disipulo. At ilan sa mga apostol, at hindi lamang ang mga apostol, ang nagsabi sa Kanya na hindi maganda ang pumunta. Ngunit Siya ay nagsabi: «Sa pamamagitan ng anong karapatan matatanggihan nila Akong makapasok? Ako ba kaya ay naisumpa? Hindi, hindi pa. Kung kaya't Ako ay pupunta sa itaas sa altar ng Diyos katulad ng bawat Israelita na natatakot sa Panginoon.»

«Ngunit may balak Kayong magsalita...»

«At ito ba ay hindi ang lugar kung saan ang mga rabbi ay pangkaraniwan na nag-iipon upang magsalita? Ang magsalita at magturo sa labas ay isang liban na kaso, katulad ng pagpapahingang ginagawa ng isang rabbi o ng isang pampersonal na pangangailangan. Ngunit ito ang lugar kung saan ang bawat isa ay gustong magturo sa mga disipulo. Hindi ba ninyo nakikita ang mga tao ng iba't ibang nasyonalidad sa paligid ng mga rabbi upang mapakinggan ang mga tanyag na rabbi nang kahit minsan man lamang? Upang kapag sila ay makabalik sa kanilang tinubuang mga bayan masasabi nila: “Napakinggan namin ang isang guro, isang pilosopo na nagsalita ayon sa pamamaraan ng Israel”. Isang guro para sa mga Hudyo na o nagbabalak na maging mga Hudyo; isang pilosopo para sa totoo at angkop na mga Hentil. Ni ang mga rabbi ay hindi minamaliit na sila ay pakinggan ng huli, dahil umaasa sila na makagawa ng mga proselito. Kung wala ang ganyang pag-asa, na magiging banal kung ito ay mapagpakumbaba, hindi sila mananatili sa Court of the Gentiles, bagkus hihingin nilang makapagsalita sa pinaka Santuwaryo, kung ito ay posible, sapagkat, ayon sa opinyon na kanilang pinangangatawanan sa kanilang mga sarili, sila ay napakabanal, na Diyos lamang ang mas banal... At Ako, ang Guro, ay magsasalita kung saan ang mga tagapagturo ay nagsasalita. Ngunit huwag matakot! Hindi pa ito ang kanilang oras. Kapag ang oras nila ay dumating, sasabihin Ko sa inyo, upang mapalakas sana ninyo ang inyong mga puso.»

«Hindi Ninyo sasabihin sa amin» sabi ng Iskariote.

«Bakit hindi?»

«Sapagkat hindi Ninyo malalaman. Walang tanda ang magsasabi sa Inyo. Wala diyan tanda. Nakasama ko na Kayo nang halos tatlong taon at lagi ko Kayong nakikitang pinagbabantaan at inuusig. Hindi lamang, bagkus, Kayo ay nag-iisa noon. Ngayon nasa Inyo ang suporta ng mga pulutong na nagmamahal sa Inyo at siyang kinatatakutan ng mga Pariseo. Kung kaya't Kayo ay nasa mas malakas na katayuan. Papaano Kayo makakaasa na malalaman Ninyo kung ang oras ay dumating na?»

«Sa kung ano ang Aking nakikita sa loob ng mga puso ng mga tao.»

Si Judas ay nananatiling di makapagsalita nang isang sandali, pagkatapos sinabi niya: «At hindi Ninyo iyan babanggitin dahil din... pinagsasanggalang Ninyo kami dahil pinagdududahan Ninyo ang aming katapangan.»

«Siya ay nananahimik upang hindi tayo maligalig» sabi ni Santiago ni Zebedeo.

«Totoo. Ngunit tiyak na hindi Ninyo sasabihin sa amin.»

«Sasabihin Ko sa inyo. At hanggang masabi Ko sa inyo, anuman ang karahasan at kapootan na makikita ninyo laban sa Akin, huwag itong katakutan. Wala iyang pupuntahan. Magpatuloy. Mananatili Ako rito upang hintayin si Manaen at si Marjiam.»

Ang Labindalawa at ang mga nakakasama nila ay nagpapatuloy nang nag-aalinlangan. Si Jesus ay bumalik sa Kanyang pinanggalingan hinihintay ang dalawa. Pagkatapos Siya ay lumabas patungo sa kalsada at naglakad patungo sa Antonia.

Ang ilang mga sundalong nakatayo malapit sa muog ay tinuturo Siya nag-uusap-usap. Tila may hindi pagkakasunduan sa opinyon, pagkatapos ang isa sa kanila ay nagsalita sa isang malakas na tinig: «Tatanungin ko Siya» at siya ay umalis sa grupo papalapit kay Jesus. «Mabuhay, Guro. Magsasalita rin ba Kayo diyan ngayon?»

«Harinawang ang Liwanag ay mapaliwanagan ka. Oo, magsasalita Ako.»

«Kung gayon... mag-ingat. Ang isa na naka-aalam ay binalaan kami. At ang isang binibini na humahanga sa Inyo ay inutusan kami na magbantay. Mananatili kami malapit sa silanganin na ilalim. Alam ba Ninyo kung nasaan ang pasukan?»

«Alam Ko. Ngunit ang dalawang dulo ay sarado.»

«Sa palagay ba Ninyo?» Ang sundalo ay may maliit na ngiti at sa loob ng anino ng kanyang helmet ang kanyang mga mata at mga ngipin ay nagniningning ginagawa siyang magmukhang mas bata. Pagkatapos siya ay sumaludo nang nakatayong tuwid at nagsabi: «Mabuhay, Guro. Alalahanin Quintus Felix.»

«Tatandaan Ko. Harinawang ang Liwanag ay paliwanagan ka.»

Si Jesus ay nagpatuloy sa paglalakad at ang sundalo ay bumalik sa kanyang lugar at nakikipag-usap sa kanyang kapwa mga sundalo.

«Guro, huli na ba kami? Ang mga ketongin ay napakarami!» bulalas nang magkasabay ni Manaen, na nakadamit ng lisong madilim na kulay-kapeng damit, at ni Marjiam.

«Hindi. Naging mabilis nga kayo. Ngunit tayo na. Ang iba ay naghihintay para sa atin. Manaen, ikaw ba ito na nagbigay ng babala sa mga Romano?»

«Tungkol sa ano, Panginoon? Wala akong kinausap na sinuman. At wala akong nalalaman... Ang mga binibining Romano ay wala sa Herusalem.»

Sila ay malapit na muli sa geyt ng bakuran. Ang Levita na si Zachariah ay naroon, na tila nagkataon na siya ay naroroon nang di sinasadya.

«Kapayapaan sa Inyo, Guro. Ibig kong sabihin sa Inyo... Magsisikap akong laging kung nasaan Kayo, sa loob dito. At pakiusap na huwag akong mawala sa inyong paningin. At kung magkaroon ng isang gulo at nakita Ninyo akong umalis, sikapin na sundan ako lagi. Kinapopootan nila Kayo nang labis! Wala na akong magagawa pa... Pakiusap na unawain ako...»

«Gantimpalaan at pagpalain ka nawa ng Diyos para sa awa na binibigay mo sa Kanyang Salita. Gagawin Ko ang sinasabi mo. At makatitiyak ka na walang makakaalam ng tungkol sa iyong pagmamahal para sa Akin.»

Sila ay naghiwalay.

«Baka sinabihan niya ang mga Romano. Habang nasa loob baka may narinig siya...» bulong ni Manaen.

Sila ay umalis upang magdasal dumaraan sa gitna ng mga pulutong na tumitingin sa kanila nang may iba't ibang nararamdaman at na pagkaraan ay nag-ipun-ipon sa likuran ni Jesus, nang Siya ay umalis sa Court of Israel pagkatapos na magdasal.

Sa labas ng ikalawang bakuran, si Jesus ay titigil sana, ngunit Siya ay napaliligiran ng isang grupo ng mga eskriba, mga Pariseo at mga pari. Ang isa sa mga opisyal ng Templo ay nagsasalita sa katauhan ng lahat.

«Naririto na naman ba Kayo ulit? Hindi ba Ninyo nababatid na ayaw namin sa Inyo? Ni hindi ba Kayo natatakot ng panganib na naghihintay sa Inyo? Lumayas Kayo. Mahigit nang pagbibigay kung pinahintulutan namin Kayo na pumunta upang magdasal. Ngunit hindi namin Kayo pinahihintulutan na ituro pa ulit ang Inyong doktrina.»

«Oo, lumayas Kayo. Layas. Kayong nanlalapastangan!»

«Oo. Ako ay aalis, ayon sa ibig ninyo. At hindi lamang sa labas ng mga pader na ito. Ako ay aalis, Ako ay papalayo na, kung saan hindi ninyo Ako mararating. At ang panahon ay darating din kung kailangan maghahanap kayo para sa Akin, at hindi lamang upang usigin Ako, bagkus sa pamamagitan ng isang pamahiing takot na mahampas sa pagpapalayas sa Akin, inuudyukan ng pamahiing kabalisahan na mapatawad ang inyong kasalanan at makatanggap ng awa. Ngunit sasabihin Ko sa inyo. Ito ang panahon ng awa. Ito ang panahon upang gumawa ng pakikipagkaibigan sa Kataastaasan. Pagkatapos ng kasalukuyang panahon, wala nang silbi ang ano pa man na remedyo. Hindi na ninyo Ako makukuha ulit  at mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan. Kahit na kung kayo ay maglakbay sa buong Lupa at nagtagumpay kayong makarating sa mga bituin at mga planeta, hindi na ninyo Ako makikita muli, sapagkat hindi kayo makakarating kung saan Ako patungo. Nasabi Ko na sa inyo. Ang Diyos ay dumarating at dumaraan. Ang marurunong ay tinatanggap Siya kasama ang Kanyang mga regalo habang Siya ay dumaraan. Ang mga tanga ay pinababayaan Siyang makaalis at hindi na Siya ulit makikita. Kayo ay nanggaling mula sa ibaba rito. Ako ay nanggaling mula sa itaas doon. Kayo ay pag-aari ng mundong ito. Ako ay hindi pag-aari ng mundong ito. Kung kaya't kapag Ako ay nakabalik na sa Tirahan ng Aking Ama, sa labas ng mundong ito ninyo, hindi na ninyo magagawang makita pa Akong muli at mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan, sapagkat ni hindi ninyo Ako mararating nang espirituwal sa pamamagitan ng pananampalataya.»

«Gusto ba Ninyong patayin ang Inyong Sarili, Kayong dimonyo? Tiyak na hindi namin Kayo masasamahan sa Impiyerno, kung saan doon bumababa ang mararahas na kaluluwa, sapagkat ang Impiyerno ay ang lugar ng isinumpang mga kaluluwa, samantalang kami ay ang pinagpalang mga anak ng Kataastaasan» ang ilan sa kanila ay nagsasabi.

At ang iba ay sumasang-ayon na nagsasabi: «Tiyak na gusto Niyang patayin ang Kanyang Sarili, sapagkat sinasabi Niya na tayo ay hindi makakapunta kung saan Siya pupunta. Nadama Niya na Siya ay natuklasan at bumagsak sa pagsubok, at papatayin Niya ang Kanyang Sarili, nang hindi na naghihintay na patayin katulad ng isa pang Galilean na isang huwad na Kristo rin.»

At ang iba ay nagsasabing may kagandahang-loob: «At kung Siya nga ay ang Kristo at kailangan na bumalik sa Kanya Na nagpadala sa Kanya?»

«Saan? Sa Langit? Si Abraham ay wala roon, kung kaya't papaano kayo makakaasa na Siya ay pupunta roon? Ang Mesiyas ay kailangan na makarating muna.»

«Ngunit si Elijah ay iniakyat sa Langit sa loob ng isang karwaheng apoy.»

«Sa isang karwahe, oo. Ngunit hindi patungo sa Langit!... Sino ang makatitiyak niyan?»

At ang pagtatalo ay nagpapatuloy habang ang mga Pariseo, mga eskriba, mga opisyales, mga pari, mga Judaean na nagpapaalipin sa mga pari, mga eskriba at mga Pariseo ay hinahabol ang Kristo sa buong kalakhan ng mga balkonahe katulad ng isang pangkat ng mga aso na hinahabol ang natuklasang biktima.

Ngunit ang ilang mga tao, ibig sabihin ang mabubuti sa pagitan ng palaban na grupo, ang mga nauudyukan ng tunay na tapat na mga intensiyon, ay sumisiksik sa pulutong hanggang marating si Jesus at itinanong sa Kanya ang kinasasabikan na tanong, na matagal nang napapakinggan na itinatanong nang madalas nang may pagmamahal o nang may kapootan: «Sino Kayo? Sabihin sa amin upang sana malaman namin kung papaano umasal. Sabihin sa amin ang katotohanan sa ngalan ng Kataastaasan!»

«Ako ang Katotohanan mismo at hindi Ako kailanman nagsisinungaling. Ako ay kung ano ang lagi Kong sinasabi na Ako mula pa nang unang araw na nagsalita Ako sa mga pulutong, sa bawat lugar sa Palestina, dito, makailang beses, malapit sa Banal ng mga Banal, na ang Kaninong mga kidlat ay hindi Ko kinatatakutan, sapagkat nagsasalita Ako ng katotohanan. Marami pa Akong kailangan na sabihin at husgahan sa loob ng Aking araw at ang tungkol sa mga taong ito, at bagama't ang Aking gabi ay tila nalalapit na, alam Ko na masasabi Ko sa kanila at mahuhusgahan Ko ang lahat, sapagkat iyan ang ipinangako sa Akin Niya Na nagpadala sa Akin at siyang makatotohanan. Siya ay nagsalita sa Akin sa isang eternal na yakap ng pagmamahal, sinasabi sa Akin ang lahat ng Kanyang Isip, upang maulit Ko sana ito sa pamamagitan ng Aking Salita sa mundo, at hindi Ako maaaring maging tahimik, ni may sinuman na makapagpapatahimik sa Akin hanggang maibalita Ko sa mundo kung ano ang Aking narinig sa Aking Ama.»

«Kayo ba ay nanlalapastangan pa rin? At pinagpapatuloy pa ba Ninyo na tawagin ang Inyong Sarili na Anak ng Diyos? Ngunit sino ang inaakala Ninyo na maniniwala sa Inyo? Sino ang kailanman makakakita sa Anak ng Diyos sa Inyo?» sigaw ng Kanyang mga kaaway kinakalog ang kanilang mga kamao sa Kanyang mukha, naging-baliw katulad nila ng kapootan.

Ang mga apostol, mga disipulo at ang may-mabubuting hangarin na tao ay tinutulak silang paatras gumagawa ng isang paikot na harang sa Guro. Si Zachariah, ang levita, ay patagong unti-unting lumapit kina Jesus, Manaen at sa dalawang anak ni Alfeo nang may patay-malisyang mga kilos upang hindi makuha ang atensiyon ng masasamang tao.

Sila ngayon ay nasa dulo na ng Court of the Gentiles dahil ang progreso ay mabagal gawa ng humaharang na oposisyon at si Jesus ay tumigil sa Kanyang dating lugar, sa huling poste ng silanganing tabi. Siya ay tumigil. Hindi nila mapalalayas ang isang totoong Israelita mula sa lugar kung saan kahit na ang mga pagano ay pinahihintulutan na makapanatili, maliban na gusto nilang uminit ang mga tao, na siyang kanilang may-katusuhan na iniiwasan na gawin. At Siya ay nagpapatuloy sa pagsasalita tinutugunan ang Kanyang mga katunggali at ang lahat na iba pa: «Kapag naitaas na ninyo ang Anak ng tao...»

Ang mga Pariseo at mga eskriba ay sumisigaw: «At sino ang inaasahan Ninyo na magtataas sa Inyo? Miserable ang Bansang iyan na ang kaninong hari ay isang hangal na impostor at isang nanlalapastangan na di nagugustuhan ng Diyos. Wala sa amin ang magtataas sa Inyo, makatitiyak Kayo tungkol diyan. At ang kaunti pang katalinuhan na naiiwan pa sa Inyo ay nagawa Kayong maunawaan iyan sa oras, nang Kayo ay inilagay sa pagsubok. Nalalaman Ninyo na hindi namin Kayo kailanman magagawang aming hari!»

«Alam Ko. Hindi ninyo Ako itataas sa isang trono, gayunpaman itataas ninyo Ako. At habang itinataas Ako iisipin ninyo na ibinababa ninyo Ako. At sa kung kailan lamang iniisip ninyo na naibaba na ninyo Ako, Ako ay itataas. Hindi lamang sa itaas ng Palestina, hindi lamang sa itaas ng sambayanan ng Israel na nakakalat sa buong mundo, bagkus sa itaas ng buong mundo, kahit sa itaas ng mga paganong bansa, kahit sa itaas pa ng mga bansang iyon na ang mga may-pinag-aralan na mga tao ng mundo ay wala pang nalalaman. At Ako ay itataas hindi lamang para sa panahon ng pamumuhay ng isang tao, bagkus para sa buong buhay ng Lupa at ang anino ng Aking trono ay kakalat nang kakalat pa sa buong Lupa hanggang natatakpan na nito ito nang ganap. Pagkatapos diyan lamang, Ako babalik at makikita ninyo Ako. O! Makikita ninyo Ako!»

«Makinig sa Kanyang talumpati ng isang baliw! Itataas natin Siya sa pamamagitan ng pagpapababa sa Kanya, at ibababa natin Siya sa pamamagitan ng pagtataas sa Kanya! Siya ay baliw! At ang anino ng Kanyang trono sa ibabaw ng buong Lupa. Mas dakila pa kaysa kay Cyrus! Mas dakila pa kaysa kay Alexander! Mas dakila pa kaysa kay Caesar! At ano ang tungkol kay Caesar? Sa palagay ba Ninyo pahihintulutan niya Kayo na makuha Ninyo ang imperyo ng Roma? At Siya ay magtatagal sa Kanyang trono hanggang sa katapusan ng mundo! Ha! Ha!» Ang kanilang mga salita ay mas grabe pa kaysa sa mga sampal; ang kanilang panunuya ay mas masakit kaysa sa paghahagupit.

Si Jesus ay pinababayaan silang magsalita. Itinataas Niya ang Kanyang tinig upang marinig sa ibabaw ng malakas na sigaw ng mga nanunuya at ng mga nagsasanggalang, pinupuno ang lugar ng atungal ng isang masalimuot na dagat.

«Kapag naitaas na ninyo ang Anak ng tao, diyan ninyo maiintindihan kung sino Ako at mababatid ninyo na wala Akong ginagawa sa pamamagitan Ko Mismo, bagkus sinasabi Ko kung ano ang itinuro sa Akin ng Aking Ama at ginagawa Ko kung ano ang gusto Niya. At Siya na nagpadala sa Akin ay hindi Ako iniiwan nang nag-iisa, bagkus Siya ay kasama Ko. Katulad ng isang anino na sumusunod sa isang katawan, ganyan din ang Ama sa likuran Ko, mapagbantay at naririyan, bagama't di-nakikita. Siya ay nasa likuran Ko at pinagiginhawahan at tinutulungan Ako at Siya ay hindi umaalis sapagkat lagi Kong ginagawa kung ano ang gusto Niya. Ang Diyos sa halip ay umaalis kapag ang Kanyang mga anak ay hindi sinusunod ang Kanyang mga batas at ang Kanyang mga inspirasyon. Siya pagkatapos ay aalis at iiwanan silang nag-iisa. Iyan kung bakit maraming tao sa Israel ang nakagagawa ng kasalanan. Sapagkat kapag ang tao ay naiiwan sa kanyang sarili, mahirap para sa kanya na manatiling makatarungan at madali siyang mahulog sa mga likaw ng Ahas. Sasabihin Ko sa inyong totoo na dahil sa inyong kasalanan sa pagtanggi sa Liwanag at Awa ng Diyos, iniiwan Niya kayo at hindi na Siya maninirahan sa lugar na ito o sa inyong mga puso at kung ano ang ipinamimighati ni Jeremiah sa kanyang mga propesiya at mga lamentasyon ay mangyayari. Pagnilayan ang mga propetikong mga salitang iyon, manginig at bumalik sa inyong mga ulirat kasama ang inyong mabubuting isip. Huwag makinig sa mga pananakot bagkus sa kabaitan ng Ama Na pinag-iingat ang Kanyang mga anak habang sila ay pinagkakalooban pa ng posibilidad na makagawa ng pagsasatama at mailigtas ang kanilang mga sarili. Pakinggan ang Diyos sa Kanyang mga salita at sa mga gawa, at kung ayaw ninyong paniwalaan ang Aking mga salita, sapagkat iniinis kayo ng lumang Israel, maniwala man lamang sa lumang Israel. Ang kanyang mga propeta ay sinabi ang mga panganib at mga kasawiang-palad ng Banal na Siyudad at ng lahat ng ating Amangbayan kung siya ay hindi magbabalik-loob sa Panginoong kanyang Diyos at hindi susunod sa Tagapagligtas. Ang kamay ng Diyos ay mamimigat nang husto sa sambayanang ito ng nakaraan. Ngunit ang nakaraan at ang kasalukuyan ay wala kompara sa nakapangingilabot na hinaharap, na naghihintay dito para sa di pagtanggap sa Mensahero na pinadala ng Diyos. Kung ano ang naghihintay sa Israel na nagtatakwil sa Kristo ay hindi maikukumpara sa nakaraan sa kabalasikan at tagal. Sinasabi Ko sa inyo, tinititigan ng Aking mga mata ang hinaharap na mga kapanahunan: katulad ng isang punungkahoy na binunot sa lupa at itinapon sa isang masalimuot na ilog, ang lahing Hebreo ay mahahampas ng dibinong anathema. Ito ay magmamatigas na magsisikap na tumigil sa mga pampang, dito at doon, at malakas na katulad nito, ito ay sisibol at magkakaugat. Ngunit kapag sa akala nito na ito ay nakapanumbalik na, ang karahasan ng baha ay tatangayin itong muli, babaklasin ito at hinahablot ang mga ugat at mga usbong, at iaanod ito nang mas malayo pa, upang maghirap, magkaugat muli, at pagkatapos mabunot at ikalat muli. At walang makapagbibigay dito ng katahimikan, sapagkat ang bahang tumutugis dito ay ang gálit ng Diyos at ang pag-alimura ng mga tao. Tanging sa pagtapon lamang ng sarili nito sa isang karagatan ng buháy na nagpapabanal na Dugo magkakaroon ito  ng kapayapaan. Ngunit iiwasan nito ang Dugo na iyan, sapagkat bagama't ang tinig nito ay isang nakapag-aanyayang tinig, ito ay maririnig katulad ng tinig ng dugo ni Abel na tinatawag ito: ang Cain ng makalangit na Abel.»

Ang mas malaki pang malawakan na pagbulung-bulong ang kumakalat sa malaking bakuran katulad ng ingay ng dagat. Ngunit ang paos na mga tinig ng mga Pariseo, ng mga eskriba at ng mga Hudyo na nakapailalim sa kanila, ay hindi bahagi ng pagbubulung-bulong. Sinamantala ni Jesus ang pagkakataon na makaalis.

Ngunit ang ilang mga tao na malayo sa Kanya, ay nilapitan Siya at nagsabi: «Guro, makinig sa amin. Kaing lahat ay hindi katulad nila (at tinuturo nila ang Kanyang mga kaaway), ngunit nahihirapan kami na sundan din Kayo sapagkat ang Inyong tinig ay nag-iisa laban sa daan-daan ng mga tinig na nagsasabi ng kabaligtaran sa kung ano ang Inyong sinasabi. At kung ano ang kanilang sinasabi ay ang kung ano lamang ang aming napakinggan mula sa aming mga ama mula pa ng aming kabataan. Ngunit ang Inyong mga salita ay nahahalina kami na maniwala sa Inyo. Ngunit papaano kami makapaniniwala nang ganap at magkaroon ng buhay? Ang pakiramdam namin kami ay itinali ng mga kaisipan ng nakaraan...»

«Kung kayo ay mananahan sa Aking Salita, na tila kayo ay pinanganganak muli ngayon, ang inyong pananampalataya ay magiging kumpleto at kayo ay magiging Aking mga disipulo. Ngunit kailangan na hubaran ninyo ang inyong sarili ng nakaraan at tanggapin ang Aking doktrina. Hindi nito binubura nang ganap ang nakaraan. Sa kabaligtaran pinananatili at naglalagay ito ng bagong buhay sa kung ano ang banal at sobrenatural sa nakaraan, at inaalis nito ang kalabisan ng pantaong mga dagdag dahil inilalagay nito ang perpeksiyon ng Aking Doktrina sa kung saan nakalagay ngayon ang pantaong mga doktrina, na laging di perpekto. Kung kayo ay pupunta sa Akin malalaman ninyo ang Katotohanan, at ang Katotohanan ay magagawa kayong malaya.»

«Guro, totoo ang sinabi namin sa Inyo, na pakiramdam namin tila kami itinali ng nakaraan. Ngunit ang pagkatali na iyan ay hindi pagkakakulong o pagkaalipin. Kami ang mga kaapu-apuhan ni Abraham sa espirituwal na mga bagay, sapagkat, kung hindi kami nagkakamali, ang ibig sabihin ng posteridad ni Abraham ay espirituwal na posteridad bilang kabaligtaran ng posteridad ni Hagar, na siyang posteridad ng mga alipin. Kung kaya't papaano Ninyo masasabi  na kami ay magiging malaya?»

«Ibig Kong imulat sa inyo na si Ishmael at ang kanyang mga anak ay posteridad din ni Abraham, sapagkat si Abraham ay ang ama ni Isaac at ni Ishmael.»

«Ngunit iyon ay di-puro sapagkat siya ay ang anak ng isang babae, na isang alipin at isang Ehipsiyo.»

«Sasabihin Ko sa inyong totoo: mayroon lamang bagkus isang pagkaalipin, ang pagkaalipin ng kasalanan. Siya lamang na gumagawa ng kasalanan ang isang alipin. At isang pagkaalipin na walang pera ang makatutubos; at siya ay isang alipin ng isang di-mapatatahimik na malupit na panginoon at nawawalan ng lahat na karapatan sa malayang pamumuno sa Kaharian ng Langit. Ang isang alipin, isang tao na naging isang alipin sa pamamagitan ng digmaan o kasawiang-palad, ay maaari ring maging isang ari-arian ng isang mabuting panginoon. Ngunit ang kanyang kapakanan ay laging nasa balag na alanganin sapagkat ang kanyang panginoon ay maaari siyang ipagbili sa isang ibang malupit na panginoon. Siya ay isang kalakal, wala nang iba pa. Kung minsan ginagamit siya bilang pera upang ipambayad ng utang. At ni wala siyang karapatan na magreklamo. Ang isang katulong sa halip ay naninirahan sa loob ng bahay ng kanyang panginoon hanggang sa siya ay paalisin. Ngunit ang isang anak ay nananatili sa loob ng bahay ng kanyang ama magpakailanman, at ang ama ay hindi nag-iisip na palayasin siya. Makaaalis lamang siya sa pamamagitan ng kanyang sariling malayang kalooban. At iyan ang kaibahan sa pagitan ng pagkaalipin at pagpapaalipin, at sa pagitan ng pagpapaalipin at pagiging anak. Ang pagkaalipin ay nailalagay ang tao sa págkakadéna. Ang pagpapaalipin ay nailalagay siya sa paglilingkuran sa isang panginoon. Ang pagiging anak ay nailalagay siya magpakailanman, at nang may parehong mga karapatan sa buhay, sa loob ng bahay ng ama. Ang pagkaalipin ay sumisira sa tao. Ang pagpapaalipin ay pina-iilalim siya. Ang pagiging anak ay ginagawa siyang malaya at masaya. Ang kasalanan ay ginagawa ang tao na alipin at sa magpakailanman, ng pinaka malupit na panginoon: si Satanas. Ang pagpapaalipin, sa kasong ito sa Lumang Batas, ay nagagawa ang tao na katakutan ang Diyos bilang ang di-nagpapahinuhod na Naririyan. Ang pagiging-anak, ibig sabihin, ang pumunta sa Diyos kasama ang Kanyang Panganay, Ako, ay ginagawa ang tao na malaya at masaya, dahil nalalaman at nagtitiwala siya sa karidad ng kanyang Ama. Ang tanggapin ang Aking Doktrina ay ang pumunta sa Diyos kasama Ko, ang Panganay sa maraming minamahal na mga anak. Puputulin Ko ang inyong mga kadena, kung pupunta lamang kayo sa Akin upang maputol ang mga ito at kayo ay talagang magiging masaya at mga kapwa-tagapagmana kasama Ko sa Kaharian ng Langit. Alam Ko na kayo ay ang mga posteridad ni Abraham. Ngunit ang mga nasa pagitan ninyo na naghahangad ng Aking kamatayan ay hindi na nagpaparangal kay Abraham, bagkus kay Satanas, at naglilingkod sa kanya bilang tapat na mga katulong. Bakit? Sapagkat tinatanggihan nila ang Aking salita na hindi makarating sa mga puso ng marami sa inyo. Ang Diyos ay hindi pinipilit ang tao na maniwala o tanggapin Ako. Ngunit pinadala Niya Ako upang sana maipakita Ko sa inyo ang Kanyang kalooban. At sinasabi Ko sa inyo kung ano ang nakita at napakinggan Ko malapit sa Aking Ama. At ginagawa Ko kung ano ang gusto Niya. Ngunit ang nasa pagitan ninyo na nang-uusig sa Akin, ay ginagawa kung ano ang kanilang natutuhan mula sa kanilang ama at kung ano ang kanyang minumungkahi.»

Katulad ng isang kombulsiyon na bumabalik pagkaraan ng pagkahulagpos sa isang sakit, ang galit ng mga Judaean, mga Pariseo at mga eskriba ay napukaw ulit nang nag-aalimpuyo, bagama't ito ay tila humupa. Pinapasok nila katulad ng isang kunyas ang siksik na nakapaligid na mga tao kay Jesus at sinisikap nilang malapitan Siya. Ang pulutong ay umuundayo katulad ng magkakasalungat na mga alon, katulad na magkakasalungat ang mga nararamdaman ng kanilang mga puso. Ang mga Judaean, namumutla sa galit at kapootan ay sumisigaw: «Si Abraham ay aming ama. Wala kaming ibang ama.»

«Ang Diyos ay ang Ama ng mga tao. Si Abraham mismo ay isang anak ng pansansinukuban na Ama. Ngunit marami ang hinihiwalayan ang totoong Ama para sa isa na hindi isang ama at pinili nila bilang ganyan dahil siya ay tila mas makapangyarihan at pumapayag na pagbigyan ang kanilang walang-tutos na mga mithiin. Ang mga anak ay ginagawa ang mga gawain na nakikita nilang ginagawa ng kanilang ama. Kung kayo ay mga anak ni Abraham, bakit hindi ninyo ginagawa ang mga gawain na ginawa ni Abraham? Hindi ba ninyo alam kung ano ang mga ito? Kailangan Ko bang isa-isahin ang mga ito hinggil sa kanilang uri at simbolo? Si Abraham ay sumunod sa pamamagitan ng pagpunta sa lugar na itinuro sa kanya ng Diyos, at ito kung gayon ang simbolo ng tao na kailangan na nakahandang iwanan ang lahat upang makapunta kung saan siya pinadadala ng Diyos. Si Abraham ay mapagbigay sa anak ng kanyang kapatid, na kanyang pinabayaan na piliin ang rehiyon na kanyang gusto, sa gayon sinisimbolo ang paggalang para sa kalayaan ng pagkilos at para sa mapagkawanggawang isip na kailangang mayroon tayo para sa ating kapwa. Si Abraham ay mapagpakumbaba sa kagustuhan ng Diyos, Na kanyang pinarangalan sa Mamre, laging nararamdaman na siya ay isang wala lamang kompara sa Kataastaasan, Na nagsalita sa kanya, isang simbolo ng lugar ng mapagpitagan na pagmamahal na dapat laging mayroon ang tao sa kanyang Diyos. Si Abraham ay pinaniwalaan at sinunod din ang Diyos sa pinaka mahirap na mga bagay na paniwalaan at pinaka masakit na gawin, at hindi siya naging makasarili upang maging ligtas, bagkus siya ay nanalangin para sa mga tao ng Sodom. Si Abraham ay hindi nakipagkasundo sa Panginoon, sa paghiling ng gantimpala para sa kanyang maraming pagsunod, sa kabaligtaran, upang maparangalan Siya hanggang sa pinakadulo, hanggang sa sukdulang abot, isinakripisyo niya ang kanyang pinakamamahal na anak sa Kanya...»

«Hindi niya siya sinakripisyo.»

«Sinakripisyo niya ang kanyang pinakamamahal na anak sapagkat totoo na ang kanyang puso ay naisakripisyo na niya siya, sa loob ng paglalakbay, sa kanyang kalooban na sumunod, na pinigil ng anghel nang ang kanyang puso ng isang ama ay nabibiyak na, dahil nasa punto na siya na ibaon ang punyal sa puso ng kanyang anak. Papatayin niya ang kanyang anak upang maparangalan ang Diyos. Pinapatay ninyo ang Anak ng Diyos upang parangalan si Satanas. Kung gayon, ginagawa ba ninyo ang mga gawain niya na inyong tinatawag na ama? Hindi, hindi ninyo ginagawa. Sinusubukan ninyong patayin Ako sapagkat sinasabi Ko sa inyo ang katotohanan katulad na ito ay napakinggan Ko mula sa Diyos.  Si Abraham ay hindi umasal ng ganyan. Hindi niya sinikap na patayin ang tinig na nanggagaling sa Langit, bagkus sinunod niya ito. Hindi, hindi ninyo ginagawa ang mga gawain ni Abraham, bagkus ang mga pinakita sa inyo ng inyong ama.»

«Kami ay hindi pinanganak ng isang puta. Kami ay hindi mga anak sa labas. Sinabi Ninyo Mismo na ang Diyos ay ang Ama ng mga tao, at kami ay ang piniling Sambayanan at kami ay kabilang sa piniling mga lipi ng Sambayanan na ito. Kung kaya't ang Diyos ay bilang ang aming tanging Ama.»

«Kung kinikilala ninyo ang Diyos bilang inyong Ama sa espiritu at katotohanan mamahalin ninyo Ako sapagkat nanggaling at nagmula Ako sa Diyos; Ako ay hindi naparito gawa ng Aking sarili, bagkus ito ay Siya Na nagpadala sa Akin. Kung kaya't, kung talagang kilala ninyo ang Ama, makikilala din ninyo Ako, ang Kanyang Anak at inyong kapatid at Tagapagligtas. Posible ba sa magkakapatid na hindi kilala ang isa’t isa? Ang mga anak ba ng Isa lamang na ama ay hindi makikilala ang wika na ginagamit sa loob ng Bahay ng Nag-iisang Ama? Bakit, kung gayon, hindi ninyo naiintindihan ang Aking wika at hindi ninyo matanggap ang Aking mga salita?

Sapagkat Ako ay nanggaling sa Diyos at kayo ay hindi. Iniwan ninyo ang bahay ng Ama at nakalimutan ninyo ang mukha at ang wika Niya Na naninirahan dito. Kayo ay nagkusang pumunta sa ibang mga rehiyon, sa ibang mga tirahan, kung saan ang isa na hindi Diyos ay naghahari, at kung saan ibang wika ang ginagamit. At siya na naghahari doon ay pinipilit ang mga gustong pumasok na maging kanyang mga anak at sundin siya. At ginawa ninyo iyan at ginagawa pa rin ninyo. Tinanggihan at di ninyo kinilala ang Diyos Ama upang piliin ang ibang ama para sa inyong mga sarili. At ang amang iyan ay si Satanas. Nasa inyo ang dimonyo bilang ama at ibig ninyong gawin kung ano ang kanyang minumungkahi sa inyo. At ang mga mithiin ng dimonyo ay para sa kasalanan at karahasan at tinatanggap ninyo ang mga ito. Mula sa simula siya ay isang mamamatay-tao at hindi siya nagpursige sa katotohanan, sapagkat bilang nagrebelde laban sa Katotohanan, hindi maaaring magkaroon siya ng kahit anong pagmamahal para sa katotohanan. Kapag siya ay nagsasalita, nagsasalita siya katulad ng kung ano siya, ibig sabihin, isang sinungaling at isang makulimlim na nilikha, sapagkat siya nga ay tunay na isang sinungaling at naging ama at nagpanganak sa kasinungalingan pagkatapos na mahasikan ng pagmamalaki at pinakain ng pagrerebelde. At ang lahat na kiling-sa-pagkakasala ay nasa kanyang sinapupunan, idinudura at pinadadapo niya ito upang malason ang mga nilikha. Siya ang makulimlim, nanunuya, gumagapang na isinumpang ahas, ang Kahihiyan at Lagim. Ang kanyang mga gawa ay nagpahirap sa tao sa loob ng napakahabang mga panahon at ang mga tanda at mga bunga ng mga ito ay maliwanag sa mga talino ng mga tao. Gayunpaman nakikinig kayo sa kanya, bagama't nagsisinungaling at naninira siya, samantalang kung Ako ay magsalita at sinasabi kung ano ang totoo at mabuti, hindi kayo naniniwala sa Akin at sinasabi ninyo na Ako ay isang makasalanan. Ngunit sa pagitan ng maraming tao na lumapit sa Akin, nang may poot o may pagmamahal, sino ang makapagsasabi na nakita niya Ako na gumawa ng kasalanan? Sino ang makapagsasabi nang may labis na katotohanan? Nasaan ang mga katibayan upang makumbinsi Ako at ang mga naniniwala sa Akin na Ako ay isang makasalanan? Alin sa sampung mga utos ang Aking nalabag? Sino ang makapanunumpa sa harapan ng altar ng Diyos na nakita niya Akong nilabag Ko ang Batas at ang mga kaugalian, ang mga alituntunin, ang mga tradisyon at mga panalangin? Sino sa pagitan ng lahat na mga tao ang magagawa Akong mamula, bilang nakumbinsi Ako ng pagkakasala nang may tiyak na mga katibayan? Walang sinuman ang makagagawa niyan. Walang sinuman sa pagitan ng mga tao, walang sinuman sa pagitan ng mga anghel. Ang Diyos ay sumisigaw sa loob ng mga puso ng mga tao: “Siya ay ang Inosenteng Isa”. Kayong lahat ay kumbinsido niyan, at kayo na mga nag-aakusa sa Akin ay mas matatag na kumbinsido kaysa sa mga taong ito na nag-aalinlangan kung sino ang tama, kayo o Ako. Ngunit tanging ang mga pag-aari ng Diyos lamang ang nakikinig sa mga salita ng Diyos.  Kayo ay hindi nakikinig sa mga ito, bagama't umuugong ang mga ito sa loob ng inyong mga kaluluwa araw at gabi, at hindi kayo nakikinig sa mga ito sapagkat hindi kayo pag-aari ng Diyos.»

«Kami, na nabubuhay para sa Batas at sa pinaka detalyadong pagsunod sa mga alituntunin, upang parangalan ang Kataastaasan, kami ay hindi pag-aari ng Diyos? At nangangahas Kayong sabihin iyan? Ah!!!» Sila ay tila naiinis sa takot, na tila ang isang lubid na pambigti ay nakaikot sa kanilang mga leeg. «At kami ay hindi kailangan na magsabi na Kayo ay inalihan at isang Samaritano?»

«Hindi Ako kahit alin nito, ngunit pinararangalan Ko ang Aking Ama, kahit na kung tinatanggihan ninyo Siya upang batikusin Ako. Ngunit ang inyong mga insulto ay hindi Ako napamimighati. Hindi Ko hinahanap ang Aking kaluwalhatian. May Isang siyang nangangalaga nito at naghuhusga. Iyan ang Aking sinasabi sa inyo na ibig na ipahiya Ako. Ngunit sa mga may mabubuting kalooban sasabihin Ko na siya na tumatanggap sa Aking salita, o na tinanggap na nila ito, at alam kung papaano panatilihin ito, ay hindi kailanman mamamatay.»

«Ah! Ngayon nakikita namin nang napakalinaw na ang dimonyong lumulukob sa Inyo ay nagsasalita sa pamamagitan ng Inyong mga labì! Sinabi Ninyo iyan Mismo: “Siya ay nagsasalita katulad ng isang sinungaling”. Ang Inyong sinabi ay isang kasinungalingan, kung gayon iyon ay isang salita ng dimonyo. Si Abraham ay namatay at ang mga propeta ay namatay. At sinasabi Ninyo na ang mga tumatanggap sa Inyong salita ay hindi kailanman mamamatay. Kung gayon hindi Kayo mamamatay?»

«Ako ay mamamatay lamang bilang Tao, upang bumangon muli sa panahon ng Grasya, ngunit hindi Ako mamamatay bilang ang Salita. Ang Salita ay ang Búhay at hindi kailanman mamamatay. At siya na tumatanggap sa Salita ay may buhay sa sarili niya at hindi kailanman mamamatay, bagkus bumabangon sa Diyos sapagkat pasisiglahin Ko siyang muli.»

«Tagalapastangang baliw! Dimonyo! Mas dakila pa ba Kayo kay Abraham at sa mga propeta, na mga namatay? Sino sa palagay Ninyo Kayo?»

«Ang Simula Na nagsasalita sa inyo.»

Nagkaroon ng tunay na kaingayan at kaguluhan. At habang nangyayari ito, ang Levita na si Zachariah ay tinutulak nang di halata si Jesus patungo sa isang sulok sa korte, tinutulungan ng mga anak ni Alfeo at ng iba pang mga tao, na baka mga tumutulong sa Kanya nang ni hindi nalalaman kung ano ang kanilang ginagawa.

Nang si Jesus ay nasa tabi na ng pader at protektado ng Kanyang pinaka matatapat nakatayo sa harapan Niya at ang kagulo ay kumalma nang kaunti, sinabi Niya sa Kanyang tinig na napaka talas, maganda at kalmante rin sa loob ng pinaka magulong mga sandali: «Kung luluwalhatiin Ko ang Aking Sarili, ang Aking kaluwalhatian ay magiging walang halaga. Kahit sinuman ay masasabi ang gusto niyang sabihin tungkol sa kanyang sarili. Ngunit Siya Na nagluluwalhati sa Akin ay Aking Ama, Na inyong sinasabi na inyong Diyos, bagama't Siya ay napakakaunting sa inyo na hindi ninyo Siya nakikilala, at hindi ninyo Siya kailanman nakilala, ni ayaw ninyo Siyang makilala sa pamamagitan Ko, katulad na nagsasalita Ako tungkol sa Kanya dahil nakikilala Ko Siya; at kung kakailanganin Kong sabihin na hindi Ko Siya nakikilala, upang papayapain ang inyong poot laban sa Akin, Ako ay magiging isang sinungaling katulad ninyo na nagsasabing nakikilala ninyo Siya. Alam Ko na Ako ay hindi kailangan na magsinungaling para sa kahit ano pa man na rason. Ang Anak ng tao ay kailangan na huwag magsinungaling kahit na kung sa pagsasabi ng katotohanan madadala Niya ang Kanyang Sarili sa Kanyang kamatayan. Sapagkat kung ang Anak ng tao ay magsisinungaling, hindi na Siya magiging ang Anak ng Katotohanan at ang Katotohanan ay tatanggihan Siya sa Kanyang Sarili Mismo. Kilala Ko ang Diyos, kapwa bilang Diyos at bilang Tao. At bilang Diyos at bilang Tao pinananatili Ko ang Kanyang mga salita at tinatalima Ko ang mga ito. Israel, pag-isipan ito! Ito ay dito na ang Pangako ay matutupad. Ito ay matutupad sa Akin. Kilalanin Ako para sa kung ano Ako! Si Abraham, ang inyong ama, ay minimithing makita ang Aking araw. Nakita niya ito, sa mga mata ng isang propeta, sa pamamagitan ng isang grasya ng Diyos, at siya ay nagbunyi. At kayo na totoong namumuhay dito...»

«Manahimik! Wala pa Kayong limampung taong gulang at sinasabi Ninyo na si Abraham ay nakita Kayo at nakita Ninyo siya?» at ang kanilang mapanuyang tawa ay kumakalat katulad ng isang alon ng lason o ng kumakain na asido.

«Sasabihin Ko sa inyong totoo: bago pa naipanganak si Abraham Ako ay Ako na nga.»

«”Ako nga”? Diyos lamang ang makapagsasabi niyan, dahil Siya ay eternal. Kayo ay hindi Ninyo masasabi iyan! Tagalapastangan! “Ako nga”! Anathema! Kayo ba kaya ay Diyos, na maaari Ninyong sabihin iyan?» sigaw ng isa, na maaaring isang importanteng personahe, sapagkat, bagama't kararating pa lamang niya, siya ay malapit na kaagad kay Jesus, dahil ang lahat ay tumabi, halos sa takot, sa kanyang pagdating.

«Ikaw ito na nagsasabi nito» tugon ni Jesus sa isang kumukulog na tinig.

Ang lahat ay nagiging isang armas sa mga kamay ng mga napopoot. Habang ang huling lalaki na nagtanong kay Jesus ay nagpapakawala ng isang pagpapakita ng paggagaya ng naiskandalong takot at inaalis ang kanyang sumbrero, kinukusot ang kanyang buhok at balbas at nagtatanggal ng mga hibilya na humahawak sa kanyang manta sa kanyang leeg, na tila siya ay hihimatayin sa takot, mga dakót ng lupa at mga bato – gamit ng mga nagtitinda ng mga kalapati at iba pang mga hayop upang mahawakan ang mga lubid ng mga kulungan, at ng mga tagapalit ng pera bilang proteksiyon sa kanilang mga kahon, na mas pinoprotektahan nila kaysa ang kanilang sariling mga buhay – ay itinatapon sa Guro at siyempre bumabagsak sa pulutong, dahil si Jesus ay napakalayo sa loob ng arkada upang matamaan, at ang mga pulutong ay nagmumura at nagrereklamo...

Si Zachariah, ang levita, ay itinulak si Jesus nang malakas, ang tanging paraan upang marating Niya ang isang maliit na mababang pintuan, nakatago sa pader ng korte at nakahanda na upang mabuksan, at itinulak Siya sa loob kasama ang dalawang anak ni Alfeo, si  Juan, si Manaen at si Tomas. Ang iba ay naiwan sa labas sa kagulo... ang ingay nito ay nakararating nang mahina sa loob ng daanan sa ilalim ng lupa, sa pagitan ng malalaking batong pader, na ang tamang pangalang arkitektural nito ay hindi ko alam. Ang mga bato ay nakatanim, sasabihin ko, ibig sabihin, mayroon malalaking bato at maliliit, at sa ibabaw ng mas maliliit ay ang malalaki at salit-salitan. Hindi ko alam kung nagawa ko ang aking sarili na malinaw. Sila ay maiitim at malalaki, magaspang ang pagkasinsel, halos hindi makita sa malabong liwanag na nanggagaling mula sa makipot na mga butas na ginawa sa itaas sa regular na mga patlang upang makapasok ang hangin at liwanag upang ang lugar ay hindi maging ganap na madilim. Ito ay isang makipot na tunel, na ang pakay nito ay hindi ko alam, ngunit sa aking pagka-intindi ito ay tumatakbong paikot ng korte. Baka ginawa ito bilang proteksiyon, bilang isang kanlungan na lugar, o upang doblehin at kung gayon palakasin ang mga pader ng mga korte, na pumoporma ng mga bakuran sa palibot ng totoo at pinaka-Templo, ang Banal ng mga Banal. Sa maikling pananalita, hindi ko alam. Sinasabi ko kung ano ang aking nakikita. May isang amoy ng pagiging-basâ, ang klase ng pagkabasâ na hindi masasabi ng isa kung ito ay malamig o hindi, katulad ng ilang mga imbakan ng mga alak sa ilalim ng lupa

«At ano ang ating gagawin dito?» tanong ni Tomas.

«Manahimik! Sinabi sa akin ni Zachariah na siya ay darating at tayo ay kailangan na manatiling tahimik at walang-galaw» tugon ni Tadeo.

«Ngunit... mapagkakatiwalaan ba natin siya?»

«Umaasa ako.»

«Huwag matakot. Siya ay isang mabuting tao» sabi ni Jesus pinagiginhawahan sila.

Sa labas ang ingay ng kagulo ay naglalaho. Mga ilang sandali ang dumaan. Pagkatapos ang taguktok na tunog ng mga hakbang at ang pagkurap ng munting liwanag na dumarating mula sa madilim na kalaliman.

«Naririyan ba Kayo, Guro?» tanong ng isang tinig na ibig na mapakinggan ngunit natatakot na ito ay marinig.

«Oo, Zachariah, Ako ay naririto.»

«Papurihan si Jehovah! Gaano ko Kayo napaghintay? Kinailangan kong hintayin ang iba na makalabas sa ibang mga labasan. Halikayo, Guro... Ang Inyong mga apostol... Nagawa kong sabihan si Simon na pumunta silang magkakasama patungo sa Bezetha at maghintay doon. Bababa tayo rito... Walang masyadong liwanag, ngunit ito ay isang ligtas na daan. Dadalhin tayo nito sa ibaba sa mga tangke... at lalabas tayo malapit sa Kidron. Isang lumang daan. Hindi lagi ginagamit para sa mabuting pakay. Ngunit ngayon ito ay sa mabuting pakay... At iyan ay nagpapabanal dito...»

Sila ay nagpapatuloy sa pagbaba sa malalim na lilim na napuputol lamang ng kumukurap-kurap na liwanag ng lampara, hanggang makita ang ibang sinag sa ibaba sa ilalim... at sa ibayo nito ilang berde ang lumitaw sa malayo... Ang isang barandilya, napakabigat at makapal na ito ay nagmumukhang katulad ng isang pinto, ay nasa dulo ng tunel.

«Guro, nailigtas ko Kayo. Makakalakad na kayo. Ngunit makinig sa akin. Huwag bumalik nang matagal-tagal. Hindi ko Kayo laging mapaglilingkuran nang hindi napupuna. At... kalimutan, lahat kayo ay kailangan na kalimutan ang daanan na ito at ako na nagdala sa inyo rito» sabi ni Zachariah, ginagalaw ang ilang mga gamit ng mabigat na barandilya, na kanyang binubuksan nang tama lamang upang sila ay makalabas. At inuulit niya: «Kalimutan ang tungkol sa lahat ng ito, alang-alang sa akin.»

«Huwag matakot. Wala sa amin ang magsasalita. At harinawang makasama mo ang Diyos para sa iyong karidad.» Si Jesus ay itinataas ang Kanyang kamay at inilalapat ito sa nakayukong ulo ng bata-pang lalaki.

Siya ay lumabas sinusundan ng Kanyang mga pinsan at ng iba pa. Natagpuan Niya ang Kanyang Sarili sa isang maliit na mabangis na bukas na lugar, puno ng matitinik na tanim, napakaliit nito na halos hindi sila magkasya lahat, nakaharap sa Mount of Olives. Ang isang napakatarik na landas ay bumababa sa pagitan ng matitinik na tanim patungo sa ilog.

«Tayo na. Aakyat tayong muli hanggang sa taas ng Gate of the Sheep at pupunta Ako sa bahay ni Jose kasama ang Aking mga kapatid, habang kayo ay pupunta sa Bezetha upang kunin ang iba at pagkatapos sasamahan Ako. Tayo ay pupunta sa Nob bukas na gabi pagkalampas ng paglubog-ng-araw.»

240911/012913

 

 


Sunod na kabanata