506. Sa Loob ng Bahay ni Jose sa Sephoris. Ang Maliit na Batang si Martial Pinangalanang Manasseh.

Oktubre 7, 1946.

Ang bahay ni Jose ay hindi ang bahay ni Jose ng Arimathea, bagkus ang bahay ng isang matandang Galilean ng Sephoris, isang kaibigan ng mga anak ni Alfeo, lalo na ng mas nakatatandang mga anak, dahil siya ay isang kaibigan, at baka isang malayong kamag-anak ng matandang Alfeo, na ngayon ay patay na. At, kung ako ay hindi nagkakamali, siya ay may mga transaksiyon sa mga anak ni Zebedeo sa pagdadaing ng isda, dahil ang isda ay inaangkat mula sa lawa ng Gennesaret hanggang sa kapitolyo kasama ng iba pang mga produkto ng Galilee na mahal sa mga Galilean na lumipat ng tirahan sa Herusalem. Iyan ang aking naintindihan mula sa pag-uusap ng dalawang anak ni Alfeo at ni Juan kasama si Tomas.

Si Jesus sa halip ay nasa likuran nang kaunti kasama si Manaen, kung kanino ipinagkakatiwala Niya ang gawain ng pagpunta kay Jose ng Arimathea at kay Nicodemus pinakikiusapan sila na tumawag sa Kanya. Ito ay kaagad ginawa ni Manaen. Si Jesus ay sinamahan muli ang tatlong apostol nang isang sandali, pinapayuhan silang muli na maging mahinahon kapag nagsasalita «alang-alang sa levita na nagligtas sa kanila», pagkatapos Siya ay humiwalay at humakbang nang malalaki patungo sa isang maliit na landas...

Ngunit si Juan pagkaraan ay sinamahan Siya.

«Bakit ka pumunta rito?»

«Hindi namin Kayo maiiwanan nang nag-iisa... kung kaya't pumunta ako.»

«At sa palagay mo ba maipagsasanggalang mo Ako mismo laban sa marami?»

«Hindi ako nakatitiyak. Ngunit ako man lamang ay mamamatay muna bago Kayo. At makukontento na ako.»

«Mamamatay ka nang matagal pagkatapos Ko, Juan. Ngunit huwag mong ikalungkot iyan. Kung ang Kataastaasan ay iniwan ka sa mundo, ginawa Niya iyan upang sana mapaglingkuran mo Siya at ang Kanyang Salita.»

«At pagkatapos...»

«Pagkatapos magpapatuloy kang maglingkod. Hanggang sa kailangan mong mabuhay upang mapaglingkuran mo Ako ayon sa mithiin ng kapwa ng ating mga puso. Ngunit paglilingkuran mo rin Ako pagkatapos ng iyong kamatayan.»

«Papaano ko gagawin iyan, aking Guro? Kung ako ay nasa Langit kasama Kayo, sasambahin ko Kayo. Hindi ko Kayo magagawang mapaglingkuran sa Lupa pagkatapos na makaalis ako rito...»

«Talaga ba sa palagay mo? Bueno, sasabihin Ko sa iyo na paglilingkuran mo Ako hanggang sa Aking bagong adbiyento, ang panghuling adbiyento. Maraming mga bagay ang matutuyo bago ang huling mga panahon, katulad lamang na ang mga ilog ay matutuyo, at mula sa asul na kaaya-ayang dumadaloy na mga daang-tubig sila ay nagiging maalikabok na molde at tuyong mga bato. Ngunit ikaw ay magiging isang ilog pa rin na umaalingawngaw ng Aking salita at sumasalamin ng Aking liwanag. Ikaw ang magiging nangingibabaw na liwanag na maiiwan upang mapaalalahanan ang mga tao ng tungkol sa Kristo. Sapagkat ikaw ay magiging isang ganap na espirituwal na liwanag at sa huling mga panahon ay magkakaroon ng isang panlalaban ng kadiliman laban sa liwanag, ng laman laban sa espiritu. Ang mga magpupursige sa pananampalataya, ay makakatagpo ng lakas, pag-asa at kaginhawahan sa kung ano ang iyong iniwan pagkatapos mo, at mapapasaiyo pa rin... at higit sa lahat magiging Ako pa rin, sapagkat ikaw at Ako ay nagmahal sa isa’t isa, at kung nasaan ka naroroon Ako, at kung nasaan Ako naroroon ka. Pinangakuan Ko si Pedro na ang Aking Simbahan, kung saan naroroon ang Aking Bato bilang ang ulo nito at pundasyon, ay hindi mabubuwag ng paulit-ulit at pasidhi nang pasidhing mga pang-aatake ng Impiyerno, ngunit ngayon sinasabi Ko sa iyo na kung ano ang magiging Ako pa rin, at na iyong iiwanan bilang liwanag para sa mga naghahanap ng Liwanag, ay hindi mawawasak, sa kabila na ang Impiyerno ay magsisikap na patayin ito sa bawat paraan. Hindi lamang, bagkus: kahit mas mahigit pa! Ang mga naniniwala rin sa Akin sa isang di-perpektong pamamaraan, sapagkat bagama't tinatanggap nila Ako hindi nila tatanggapin ang Aking Pedro, ay laging babaling sa iyong pagoda katulad ng mga bangka na walang mga piloto at walang kompas, na magmamanyobra sa kanilang mga bagyo patungo sa isang liwanag, sapagkat ang liwanag ang ibig sabihin din ay kaligtasan.

«Ngunit ano ang aking iiwanan, aking Panginoon? Ako ay... mahirap... mangmang... mayroon lamang ako bagkus pagmamahal...»

«Ayan ka na: mag-iiwan ka ng pagmamahal. At ang pagmamahal para sa iyong Jesus ay magiging salita. At marami, pati na rin sa pagitan ng mga hindi mapapasali sa Aking Simbahan, na hindi mapapasali sa kahit anuman na simbahan, ngunit naghahanap ng liwanag at kaginhawahan bilang mga insentibo sa kanilang di-kontentong mga espiritu, para sa pangangailangan ng awa sa kanilang kapighatian, ay pupunta sa iyo at matatagpuan Ako.»

«Sana ang unang makatagpo sa Inyo ay ang malulupit na mga Judaean na ito, ang mga Pariseo at mga eskribang ito... Ngunit wala akong labis na silbi...»

«Wala nang maidadagdag pa sa isang lalagyan na puno na. Ngunit huwag panghinaan ng loob... Ngunit naririto na tayo sa bahay ni Jose. Kumatok at tayo ay pumasok.»

Ito ay isang makipot na mataas na bahay, na may isang mababang bahay-imbakan sa isang tabi, nangangamoy mabantot na may nakasalansan na mga materyales; at bukod sa huli ay may isang yarda na madilim dahil sa pader na nangingibabaw dito at nagmumukhang halos isang taberna, katulad na ang mga taberna noong mga araw ay ganito: mga portiko para sa mga kalakal, mga establero para sa mga asno, maliliit na silid o mga dormitoryo para sa mga panauhin. Dito ay may isang masamang pagkasemento na yarda, isang hugasán, dalawang mabababang madilim na establero, isang pangkabukiran na bubungan bilang isang portiko nakakabit sa bahay at may isang magaspang na pinto nagbubukas patungo sa bahay-imbakan. At sa kabila nito, ay ang bahay na aking binanggit, luma at madilim, na may isang makipot na mataas na pintuan na nagbubukas patungo sa tatlong batong mga baytang na gastado sa kakagamit.

Si Juan ay kumatok sa pinto at naghintay hanggang ang isang silipan na butas ay nabuksan at ang kulubot na mukha ng isang matandang babae ay sumilip dito sa malabong liwanag: «O! Juan! Bubuksan ko ito kaagad. Ang Diyos ay sumaiyo» bigkas ng bunganga ng kulubot na mukha, at ang pinto ay binuksan nang may malakas na ingay ng mga panara.

«Hindi ako nag-iisa, Maria. Ang Guro ay kasama ko.»

«Kapayapaan din sa Kanya, ang karangalan ng Galilee, at masaya ang araw na nagdadala sa mga paa ng Banal na Isa sa bahay ng isang totoong Israelita. Pasok Kayo, Panginoon. Paáalamin ko kaagad si Jose. Ginagawa niya ang huling mga paghahatid ng mga produkto sapagkat maaga ang paglubog ng araw sa malungkot na buwan ng Ethanim.»

«Pabayaan siya sa kanyang gawain, babae. Kami ay titigil dito hanggang bukas.»

«Isang dakilang lugod para sa amin. Matagal na panahon na kaming naghihintay para sa Inyo.  At nang nakaraang ilang mga araw pa lamang ang Inyong kapatid na si Jose ay nagpahatid ng balita tungkol sa Inyo. Ngunit ang aking asawa ay bibigyan Kayo ng mas mabuting impormasyon. Ngayon, makapananatili Kayo rito... At iiwanan ko Kayo, Panginoon, sapagkat tinatapos ko ang pagluluto ng tinapay. Iyon ay kailangan na maluto bago lumubog ang araw. Kung mayroon mang kahit na ano na Inyong kailangan, alam ni Juan kung saan ako matatagpuan.»

«Humayo sa kapayapaan. Wala kaming pangangailangang iba maliban sa ospitalidad.»

Sila ay nananatiling nag-iisa nang matagal-tagal. Pagkatapos ang isang maliit na kayumanggihing mukha ay lumitaw mula sa likuran ng kurtina na naghihiwalay sa silid sa koridor at pasulyap-sulyap, natatakot at mausyoso.

«Sino ang batang iyon?» si Jesus ay tinatanong si Juan.

«Hindi ko alam, Panginoon. Wala siya rito noong nakaraang mga okasyon. Totoo na mula nang ako ay makasáma sa Ninyo, hindi na ako kailanman nakapunta rito tungkol sa negosyo ng aking ama. Halika rito, bata.»

Ang bata ay lumalapit nang may maiikling hakbang.

«Sino ka?»

«Hindi ko sasabihin sa inyo.»

«Bakit?»

«Ayaw kong makarinig ng masasamang salitang sasabihin sa akin. Kung sasabihin ninyo ang mga ito, ako ay sasagot, at ayaw ni Jose ng ganyan.»

«Iyan ay isang bago! Guro, ano sa palagay Ninyo iyan?» at si Juan ay tumatawa, namamanghang katulad niya ng mga rason ng maliit na bata.

Si Jesus ay ngumingiti rin at itinaas ang Kanyang kamay upang kabigin ang bata sa Sarili Niya Mismo at pinagmamasdan siya. Pagkatapos sinabi Niya: «At kilala mo ba kung sino Ako?»

«Oo, alam ko! Kayo ang Mesiyas, Na lulupig sa lahat ng mundo, pagkatapos wala nang masamang mga salita ang bibigkasin sa mga batang katulad ko.»

«Hindi ka mula sa Israel, hindi ba?»

«Ako ay tuli... at napakasakit nito. Ngunit... ngunit ang gutom ay masakit din at... at ang mawalan na ng nanay... at wala nang iba... Ngunit masakit din na mapakinggan ang isang iyon... na kami...» siya ay umiiyak bilang nawalan na ng primitibong kompiyansa sa sarili.

«Siya ay maaaring isang banyagang ulila, Juan. Maaaring tinanggap siya ni Jose dala ng awa at siya ay pinatuli...» pagpapaliwanag ni Jesus kay Juan, na namamangha sa pangangatwiran ng bata at sa kanyang mga luha. At binuhat ni Jesus ang bata at inilagay siya sa ibabaw ng Kanyang mga tuhod. «Sabihin mo sa Akin ang iyong pangalan, bata. Minamahal kita. Si Jesus ay minamahal ang lahat na bata at ang maliliit na ulila lalo na. Mayroon din Akong isa, at ang kanyang pangalan ay Marjiam at siya...»

«At ako rin, sapagkat ako (ang kanyang matining na tinig ay naging isang halos di-mapakinggan na bulong) sapagkat ako ay isang Romano...»

«Sinabi Ko na sa iyo. At ikaw ay isang ulila, hindi ba?»

«Oo... Hindi ko maalaala ang aking ama. Ang aking ina... oo, naaalaala ko siya. Namatay siya nang malaki na ako... at ako ay naiwang mag-isa, at walang may gusto sa akin. Mula sa Caesarea naglalakad, sinusundan ang mga manlalakbay, pagkatapos na ang panginoon ay nakaalis na nang malayo. At gutom na gutom. At kung sabihin ko ang aking pangalan, mga dagok... Sapagkat nakakaintindi sila sa pamamagitan ng aking pangalan, eh?! Pagkatapos pumunta ako rito, para sa isang kapistahan, at ako ay gutom. Pumasok ako sa mga establero kasama ang isang karabana at nagtago ako sa mga dayami upang kainin ang pagkain ng mga hayop at ang mga carob ng mga asno. At ang isang asno ay kinagat ako at ako ay sumigaw at nagmadali silang pumasok at ginusto nila akong hampasin. Ngunit sinabi ni Jose: “Huwag, ginawa Niya ito at sinasabi Niya na kailangan nating gawin kung ano ang Kanyang ginagawa. At kinukuha ko ang bata at gagawin siyang isang Israelita”. At kinuha niya ako at inalagaan ako kasama si Maria at binigyan niya ako ng ibang pangalan sapagkat ang akin... Ngunit ang aking ina ay tinawag akong Martial...» at ang mga luha ay nagsimulang dumaloy muli nang pababa sa kanyang mga pisngi.

«At tatawagin kitang Martial katulad ng tawag sa iyo ng iyong ina. Napakabait naman ni Jose sa ginawa niya. Kailangan na mahalin mo siya.»

«Oo, ngunit Kayo ang kailangan na mas mahalin ko. Iyan ang sinasabi niya. Lagi niyang sinasabi: “Kung isang araw makita mo si Jesus ng Nazareth, ang Mesiyas, mahalin mo Siya nang buong pagkatao mo, sapagkat ito ay sa pamamagitan Niya na ikaw ay nailigtas sa pagkakamali”. Si Maria, sa isa pang silid, ay sinasabi niya sa katulong na ang Mesiyas ay nasa loob ng bahay, at pumunta ako upang tingnan kung sino ang nagligtas sa akin.»

«Hindi ko alam na ito ay ginawa ni Jose. Siya ay napaka... kuripot... Hindi ko kailanman maiisip na siya pala ay... Kaawa-awang Jose! Kuripot at nayayamot sa kanyang mga anak. Sila ay walang paggalang sa kanyang puting buhok.

«Alam Ko. Ngunit tingnan? Baka ang batang ito ay nagtatanim ng bagong buhay sa kanya at... nakakalimot siya. Ang Diyos ay ginagantimpalaan siya nang ganyan para sa kanyang ginawa para sa bata. Ano na ang pangalan mo ngayon?»

«Isang pangit na pangalan. Gusto ko lang ang simula nito, sapagkat ito ay katulad ng akin: Manasseh ang pangalan ko!... Ngunit si Maria, na nakaiintindi, ay tinatawag akong “Man”. At ang bata ay inuulit ito nang may isang nakalulungkot na ekspresyon na si Jesus at si Juan ay hindi mapigilan ang ngumiti.

At si Jesus upang mapaginhawahan siya ay nagpapaliwanag: «Ang Manasseh ay isang pangalan na may isang magiliw na ibig-sabihin para sa amin. Ang ibig sabihin nito: ang Panginoon ay ginawa akong makalimutan ko ang lahat ng aking paghihirap. Si Jose ay binigay ito sa iyo ibig sabihin magagawa mong makalimutan niya ang lahat ng kanyang kapighatian. At gagawin mo iyan, Aking anak, upang makapagpasalamat sa kanya. Ikaw mismo sa pamamagitan ng iyong bagong pangalan ay nagsasabi na ang Panginoon ay minahal ka nang labis na ikaw ay Kanyang binigyan ng isang bagong ama, isang bagong ina at isang tahanan. Hindi ba’t ganito ito?»

«Oo, kapag ipaliwanag iyan nang ganyan, oo... Ngunit sinasabi ni Jose na kailangan ko rin kalimutan ang aking tahanan. Ayaw kong kalimutan ang aking ina!»

Si Jesus ay tinitingnan si Juan, at si Juan at tinitingnan ang Guro at sa ibabaw ng maitim na ulo ng bata sila ay nagpapalitan ng makahulugan na mga sulyap...

«Ang iyong ina ay hindi dapat na kalimutan. Si Jose ay hindi niya nagawa ang kanyang sarili nang malinaw, o, mas maaari pa, hindi mo siya naintindihan. Tiyak na ang ibig niyang sabihin ay kailangan mong kalimutan ang lahat na lumbay ng nakaraan, ang kapighatian para sa inyong bahay, sapagkat ngayon mayroon ka na ng isang ito at kailangan na ikaw ay maging masaya.»

«Ah! Iyan ay walang anuman. At si Maria ay mabuti sa akin ang ginagawa akong masaya. Kahit na ngayon siya ay nagluluto ng ma keyk. Pupunta ako at tingnan kung iyon ay handa na at magdadala rin ako ng ilan sa Inyo» at siya ay nagpadalusdos mula sa mga tuhod ni Jesus at tumakbong palabas sa silid. Ang ingay ng kanyang walang-saplot na mga paa ay naglalaho sa mahabang koridor.

«Laging may matigas na kiling kahit na sa pinakamabuti sa pagitan natin. Pinagtatangkaan nila kung ano ang imposible! Ang mga anak ng sambayanan ng Diyos ay mas mahigpit pa kaysa sa Diyos Mismo! Kaawa-awang bata! Maaari bang asahan ng isa na makakalimutan ng isang bata ang kanyang ina dahil siya ngayon ay tinuli na? Sasabihan Ko si Jose.

«Hindi ko talaga alam na ito ay ginawa niya. Ang aking ama, katulad ng maraming mga Galilean, ay pumupunta rito sa mga kapistahan. At siya ay hindi nagsalita sa akin tungkol dito na tila wala siyang nalalaman tungkol dito... Ngunit naririnig ko ang tinig ni Jose...»

Si Jesus ay tumayo at gayon din si Juan, nakahandang batiin nang may nauukol na paggalang ang maybahay na lalaki na pumapasok at na, nang kanya nang pagkakataon, ay yumuyukong paulit-ulit at nagtatapos sa pagluhod sa paanan ni Jesus.

«Tumayo ka, Jose. Ako ay naparito, katulad ng nakikita mo.»

«Patawarin Ninyo ako kung napaghintay ko Kayo.  Ang Biyernes ay laging isang abaláng araw! Mabuhay, Juan. May balita ka ba tungkol kay Zebedeo?»

«Wala mula pa noong mga Tabernakulo, nang makita ko siya.»

«Bueno, masasabi ko sa iyo na siya ay mabuti ang lagay at gayon din si Salome. Bagong balita. Balita ngayong umaga. Kasabay ng huling paghatid ng isda. At masasabi ko rin sa Inyo, Guro, na ang Inyong mga kamag-anak ay lahat mabuti ang lagay sa Nazareth. Ang lalaking dumating ay aalis sa araw pagkatapos ng Sabbath. Kung ibig Ninyong magpahatid ng salita... Nag-iisa ba Kayo?»

«Hindi. Ang iba ay darating maya-maya lamang...»

«Mabuti! May lugar para sa lahat. Ito ay isang tapat na bahay. Nalulungkot ako na si Maria ay naging abala sa pagluluto ng tinapay at ako sa pagbebenta. Naiwan namin kayong nag-iisa... Nabigo kaming parangalan at samahan Kayo katulad ng nababagay sa isang panauhin. At isang dakilang panauhin!»

«Isang anak ng Diyos katulad mo, Jose. Ang mga sumusunod sa Batas ng Diyos ay lahat magkakapantay.»

«Eh! hindi. Kayo ay Kayo. Ako ay hindi isang tanga katulad ng mga Judaean na ito. Kayo ay ang Mesiyas!»

«Iyan ay sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos. Ngunit sa pamamagitan ng Aking kalooban at katungkulan Ako ay isang anak ng Batas katulad mo.»

«Eh! Ang mga naninirang-puri sa Inyo ay hindi masasabi at magagawa kung ano ang Inyong sinasabi ngayon at laging ginagawa!»

«Ngunit ginagawa mo nang labis kung ano ang Aking tinuturo. Nakita Ko ang bata, Jose...»

«Ah! Nakita na Ninyo siya? Siya ay pumunta! Alam niya na ayaw ko ng ganyan! Sa kaso Ninyo... ako ay natutuwa. Ngunit iyon ay maaaring naging ibang tao...»

«Kung gayon? Ano ang maaaring nangyari sana?»

«Na... Ayaw ko niyon, iyon ‘yun!»

«Bakit, Jose? Hindi dapat purihin? Ang iyong naisip ay kapuri-puri. Ngunit ang bata ay maaaring iniisip na nahihiya na ipakita sa kanya...»

«At iyan ay totoo!»

«Totoo? Bakit? Sabihin sa Akin.»

«Bueno. Ang bata ay hindi isang Hebreo na pinanganak ng mga Hebreo, ni hindi ng mga proselito, o ng isang Hebreo na ina at isa pagano na ama. Siya ay anak ng dalawang Romano, isang napalaya na magkasama na nanirahan sa bahay ng isang Romano sa Caesarea sa Dagat. Kinupkop niya ang bata habang siya ay nananatili doon. Ngunit nang siya ay umalis, iniwan niya ang bata na nanatiling nag-iisa. Ang mga Hebreo ay siyempre hindi siya tatanggapin. Ang mga Romano... Alam Ninyo kung ano ang katulad ng mga Romano... at ang mga Romano ng Caesarea higit sa lahat! Ang bata, nagpapalimos...»

«Oo, alam Ko. Nakarating siya rito at tinanggap mo siya. Ang Diyos ay tinandaan ang iyong ginawa sa Langit.»

«At ginawa kong siya ay matuli! At pinalitan ko ang kanyang pangalan. Ang kanyang pangalan! Pagano! Idolatra! Ngunit ayaw kong makihalo siya sa mga tao at maalaala niya ang nakaraan.»

«Bakit, Jose!» si Jesus ay nagtatanong nang may-kabaitan at Siya ay nagpapatuloy: «Ang bata ay naghirap para diyan. Naaalaala niya ang kanyang ina. Ito ay mauunawaan!»

«Ngunit mauunawain din na ako ay hindi dapat na pintasan sa pagtanggap sa isang...»

«Sa isang inosente. Wala nang iba pa, Jose. Bakit ka natatakot sa opinyon ng mga tao, kung ang isang mas mataas na pagpasya, ang dibinong pagpasya, ay pinatotohanan na ang iyong ginawa ay isang banal na gawain? Bakit mo ikahihiya ang isang mabuting gawain, dala ba ng paggalang sa opinyon ng publiko, o dahil sa takot sa balik nito? Bakit gusto mong maglagay para sa bata ng isang halimbawa ng pagka-doblekara, katulad ng lumalabas mula sa pagpapalit ng kanyang pangalan at pagkakansela ng kanyang nakaraan, dala ng takot na ikaw ay baka sabihan na hindi ka naging makatarungan sa iyong paghusga? Bakit gusto mong maghasik sa bata ng pag-alimura para sa kanyang ama’t ina? Tingnan mo, Jose, nakagawa ng isang kapuri-puring gawain, ngunit tinatakpan mo ito ng mga alikabok, sa pamamagitan ng gayong... di-perpektong mga idea.. Ginaya mo ang isa sa Aking mga kinikilos. Tinanggap mo ang Aking mga salita. Na siyang mabuti. Ngunit bakit hindi mo gawin ang paggaya sa Akin nang perpekto kinukumpleto ito nang tahasan at nagsasabing: «Oo. Ang bata ay isang Romano. At hindi ako nakaramdam ng pagkasuklam sa kanya, sapagkat siya ay isang anak ng Tagapaglikha katulad ninyo. gusto ko lamang siya na nasa loob ng ating Batas at ginawa kong siya ay tuliiin”? Sa katunayan... Ang totoong sirkunsisyon ay malapit nang dumating at ang bagong paghiwa ay gagawin sa loob ng mga puso ng mga tao, mula kung saan ang nakapaikot na nananakal na trebleng kiling sa pagkakasala ay aalisin, ganyan kahit na kung ang bata ay nanatiling walang nalalaman hanggang sa oras na iyan... Ngunit ayaw Kong kagalitan kita para diyan. Ikaw, isang Hebreo, ay nagawa ang tamang bagay sa paggawa sa kanya na isang Hebreo. Ngunit pabayaan mo siya sa kanyang pangalan. O! Sa hinaharap ilan na mga tao na nagngangalang Martial, at Caius, at Felix, at Cornelius, at Claudius at iba pa, ang mapupunta sa Kristo at sa Langit! Iyan ay posible din sa bata, na walang anuman na nalalaman tungkol sa mga Hebreo at mga Hentil, at na magkaka-edad kung kailan ang bago at totoong Batas ay maitatatag na may bagong Templo at bagong mga pari, at hindi ayon sa iniisip mo, at siya ay iiksaminin ng Diyos at makikitang karapat-dapat ng Kanyang bagong Templo. Pabayaan siya sa pangalan na binigay sa kanya ng kanyang ina. Iyan ay isa pa ring makainang haplos sa kanya. Naintindihan Ko kung ano ang ibig mong sabihin sa pagtawag mo sa kanya na Manasseh. Ngunit hayaan siyang maging Martial. At sa mga magtatanong sa iyo tungkol sa kanya, maaari mong sabihin: “Oo, siya ay Martial. Halos katulad ng disipulo ng Kristo, ang bata kung kanino binigay ni Maria ang pangalan na iyan”. Maging matapang sa kabutihan, Jose. At ikaw ay magiging dakila, napakadakila.»

«Guro... ayon sa ibig Ninyo. Ayaw ko Kayong balisahin. At sa palagay ba Ninyo na... nagawa ko rin ang tamang bagay bilang isang tao?»

«Oo, nagawa mo. Ang iyong kapighatian ay nagawa kang mabuti. Kung kaya't ang lahat na nagawa mo ay maayos. At ang gawang ito ay isang mabuting gawain..»

Ang ilang mga pagkatok sa pinaka pintuan ay naputol ang pag-uusap.

280911

 

 


Sunod na kabanata