507. Ang Matandang Pari na si Matan (O Natan).

Oktubre 8, 1946.

Nang pinasok ni Pedro ang bahay, siya ay may gayon din na malungkot na hitsura katulad sa Jordan  pagkatapos na siya ay maglunoy sa Bethabara: na tila siya ay patang-pata itinapon niya ang kanyang sarili sa unang upuan na nakita niya, at hinahawakan ang kanyang ulo sa kanyang mga kamay. Ang iba ay hindi masyadong nalulungkot, ngunit lahat sila ay humigit-kumulang balisa, maputlang tingnan, sasabihin ko lito. Ang mga anak ni Alfeo, si Santiago ni Zebedeo at si Andres ay halos hindi makatugon sa mga pagbati ni Jose ng Sephoris at ng kanyang asawa, na dumating na may kasamang isang matandang babaeng katulong na may dala ng bagong mga tinapay na mainit pa at iba pang mga pagkain. May mga bakas ng luha sa mga pisngi ni Marjiam. Si Isaac ay nagmadali patungo kay Jesus, kinuha ang Kanyang kamay at hinahaplos ito siya ay bumulong: «Ito ay laging katulad ng gabi ng pagpaslang sa ma bata... At Kayo ay ligtas muli. O! aking Panginoon, sa gaano katagal? Sa gaano katagal Ninyong maililigtas ang Inyong Sarili?» Ang kanyang mga salita ay nagawa ang iba na maging madaldal at lahat sila ay nagsimulang magsalita, bagama't sa kalituhan, nagkukuwento tungkol sa masasamang pagtrato, sa mga pananakot at sa takot na kanilang ipinaghirap...

Nagkaroon pa ng isang pagkatok sa pinto.

«Naku, nasundan ba nila tayo?! Sinabi ko na mas mabuti ang pumunta nang paunti-unti!!...» sabi ng Iskariote.

«Oo, mas mabuti sana iyon. Sila ay sinusundan tayo sa lahat ng oras. Ngunit ngayon...» sabi ni Bartolomeo.

Si Jose mismo, bagama't medyo nag-aalinlangan, ang pumunta upang tumingin sa silipan na butas, habang ang kanyang asawa ay nagsasabi: «Mula sa terasa makabababa ka sa mga establero at pagkatapos sa likuran ng pangkusinang-hardin. Ipakikita ko sa iyo...» Ngunit habang siya ay umaalis, ang kanyang asawa ay bumulalas: «Si Jose ang Nakatatanda! Anong karangalan!» at binuksan niya ang pinto pinapapasok si Jose ng Arimathea.

«Kapayapaan sa Inyo, Guro. Ako ay naroroon at nakita ko... si Manaen ay tinagpo ako habang ako ay papalabas ng Templo suklam na suklam, sa dahilan na hindi ko nagawang makialam, upang naging mas may-pakinabang sa Inyo, at... O! ikaw ay naririto rin, Judas ng Kerioth? Nagawa mo sana iyon, dahil kaibigan ka ng napakarami! Hindi mo ba nararamdaman na katungkulan mo iyon, dahil ikaw ay Kanyang apostol?»

«Ikaw ay isang disipulo...»

«Hindi. Kung ako ay isang disipulo, susundan ko sana Siya katulad ng ginagawa ng marami pang iba. Ako ay isang kaibigan Niya.»

«Gayon din iyan.»

«Hindi. Si Lazarus din ay Kanyang kaibigan, ngunit hindi mo sasabihin sa akin na siya ay isang disipulo...»

«Siya ay isang disipulo, sa kanyang kaluluwa.»

«Ang lahat na hindi mga dimonyo ay mga disipulo ng Kanyang salita, sapagkat nakikita nila na ito ay ang salita ng Karunungan.»

Ang walang kuwentang pag-aaway sa pagitan ni Jose at ni Judas ng Kerioth ay nagkaroon ng katapusan dahil si Jose ng Sephoris, na ngayon lamang nabatid na may di magandang nangyayari,  ay tinatanong ito at iyon nang may interes at ilang kalungkutan. «Si Jose ni Alfeo ay kailangan na mapasabihan! Kailangan siyang mapasabihan. At pagkakatiwalaan ko... Ano ang gusto mo sa akin, Jose?» tinatanong niya ang Nakatatanda na hinipo ang kanyang balikat na tila mayroon siyang gustong sabihin.

«Wala. Ibig ko lamang na batiin ka sa iyong malusog na hitsura. Ito ay isang mabuting Israelita, tapat at makatarungan sa lahat. Eh! Alam ko. Masasabi natin tungkol sa kanya na ang Diyos ay nasubukan at nakilala siya...»

Isa pang katok sa pinto. Ang dalawang Jose ay magkasamang pumunta sa pintuan upang buksan ito at nakikita ko si Jose ng Arimathea na yumuko upang magsalita ng kung ano sa tainga ng isa pa, na nasorpresa at lumingon nang isang sandali upang tingnan ang mga apostol. Pagkatapos kanyang binuksan ang pinto.

Sina Nicodemus at Manaen ay pumasok sinusundan ng lahat na mga pastol na disipulo na naroroon sa Herusalem, ibig sabihin, si Jonathan at ang dating mga disipulo ni Juan Bautista. Pagkatapos, kasama nila, ay naroon si Juan, ang pari, na may kasamang isa pang napakatandang lalaki at si Nicolaus. At, sa likuran, si Nike kasama ang bata-pang babae na ipinagkatiwala ni Jesus sa kanya, at si Annaleah kasama ang kanyang ina. Inalis nila ang kanilang mga belo na nagtatakip sa kanilang mga mukha, na nagmumukhang balisa.

«Guro! Ano ang nangyayari? Napakinggan ko... Sa mga tao muna at pagkatapos kay Manaen... Ang bayan ay puno ng bulung-bulungan na ito, katulad ng umuugong na bahay-pukyutan at ang mga nagmamahal sa Inyo ay nagmamadali sa paligid sa paghahanap para sa Inyo saan man na lugar na sa akala nila naroroon Kayo. Sila ay tiyak na nakapunta rin sa bahay mo Jose... Papunta rin ako sa bahay ni Lazarus... Ito ay sobra! Papaano Kayo nakawala sa problemang ito?»

«Ang Maykapal ay nagbabantay sa Akin. Ang mga babaeng disipulo ay kailangan na huwag umiyak bagkus kailangan na pagpalain nila ang eternal na Ama at palakasin ang kanilang mga puso. At salamat at mga pagpapalà sa lahat sa inyo. Ang pagmamahal at katarungan ay hindi ganap na patay sa Israel. At iyan ay nagpapaginhawa sa Akin.»

«Oo, Guro, ngunit huwag na uling pumunta pa sa Templo.  Manatiling malayo nang matagal, at huwag pumunta roon!» Lahat sila ay sumasang-ayon sa pag-uulit sa mga salita at ang balisang «huwag pumunta» ay umaalingawngaw sa pagitan ng malalakas na pader ng lumang bahay sa mga tinig ng nangungusap na paunawa.

Ang maliit na si Martial, na nakatago sa ang kabutihan lamang ang may alam kung saan, ay napakinggan ang ingay at nagmadali patungo sa silid dala ng pag-uusisa, at sumilip sa awáng ng mga kurtina. Nakita niya si Maria at pumunta sa kanya naninilungan sa loob ng kanyang mga bisig dahil sa takot na mapagalitan ni Jose ng Sephoris. Ngunit si Jose ay sabik na sabik at abala sa pakikinig sa isang ito at sa isang iyon, nagbibigay ng payo at sumasang-ayon, at iba pa, upang bigyan ang bata ng atensiyon, at napuna lamang niya siya nang ang bata, kung kanino may sinabi si Maria, ay pumunta kay Jesus at hinahalikan Siya niyayapos ang Kanyang leeg. Si Jesus ay niyayapos siya ng isang kamay, kinakabig siya sa Kanyang Sarili, habang tumutugon Siya sa maraming tao na nagsasabi sa Kanya kung ano ang kanilang iniisip na pinakamabuting gawin.

«Hindi. Hindi Ako aalis dito. Maaari kayong pumunta kay Lazarus, na naghihintay para sa Akin, at sabihin sa kanya na hindi Ako makakapunta. Ako, isang Galilean at isang kaibigan ng pamilya nang maraming mga taon, ay mananatili dito hanggang bukas na gabi. Pagkatapos magpapasya Ako kung saan pupunta...»

«Lagi Ninyong sinasabi ang ganyan, pagkatapos bumabalik Kayo doon, ngunit hindi namin Kayo pababalikin doon muli. Ako man lamang ay hindi Kayo pababalikin. Talagang iniisip ko na Kayo ay mapapahamak na...» sabi ni Pedro habang dalawang luha ay bumubukal mula sa kanyang umuusling mga mata.

Hindi pa ako nakakita ng katulad ng nangyari. At iyon ay sapat na. Nagpasya na ang aking isip. Kung ako ay hindi Ninyo tatanggihan... Napakatanda ko na para sa altar, sa ngayon, ngunit malakas pa rin ako nang sapat upang mamatay para sa Inyo. At ako ay mamamatay, kung kinakailangan, sa pagitan ng santuwaryo at ng altar, katulad ng marunong na si Zachariah, o ni Onias ang tagapagtanggol ng Templo at ng Tesoreriya, mamatay ako sa labas ng sagradong bakuran kung saan inilaan ko ang buong buhay ko, Ngunit magbubukas Kayo ng mas banal na lugar para sa Akin! O! hindi ko na matatagalan ang abominasyon! Bakit kinailangan na makakita ang aking mga mata ng labis? Ang abominasyon na nakita ng Propeta ay nasa loob na ng mga pader at ito ay tumataas at tumataas katulad ng rumaragasang tubig ng isang baha na nasa punto nang tabunan ang isang bayan! Ito ay tumataas nang tumataas, sinasakop ang mga korte at mga balkonahe, umaapaw sa mga baytang, pasugód nang pasugód! Ito ay tumataas at malapit nang hampasin ang Banal ng mga Banal! Ang maputik na tubig ay sumasampal na sa mga batong nakalatag sa banal na lugar! Ang kanilang mahalagang mga kulay ay napaitim! Ang mga paa ng Pari ay narumihan nito! Ang Kanyang tunika ay nababad dito! At ang Ephod ay naparumi! Ang mga bato ng Rational ay napalabo nito at ang mga titik nito ay hindi na mabasa! O! Ang mga alon ng abominasyon ay tumataas sa mukha ng Mataas na Pari at dinudumihan ito, at ang Kabanalan ng Panginoon ay nasa ilalim ng isang piraso ng tuyong putik at ang kanyang  tiara ay katulad ng isang piraso ng tela na nahulog sa isang maputik na sanaw. Putik! Putik! Ngunit ito ba ay tumataas mula sa labas, o mula sa tuktok ng Moriah ito ay dumadaloy patungo sa bayan at sa lahat ng Israel? Amang Abraham! Amang Abraham! Hindi ba ninyo ginustong sindihan ang apoy ng sakripisyo doon, upang ang holokausto ng inyong tapat na puso ay sana magningning nang makinang? Ang lusaw na putik ay ngayon lumalagukgok kung saan naroroon dapat noon ang apoy! Si Isaac ay nasa pagitan natin, at ang mga tao ay pinapatay siya bilang sakripisyo. Ngunit kung ang Biktima ay puro... kung ang Biktima ay puro... ang mga nagsasakripisyo ay marumi. Anathema sa atin! Sa bundok ang Panginoon ay makikita ang abominasyon ng Kanyang sambayanan!... Ah!» at ang matandang lalaki na kasama ni Juan, ang pari, ay bumagsak sa lupa tinatakpan ang kanyang mukha at umiiyak nang husto.

«Dinala ko siya sa Inyo... Matagal na niyang minimithi ito... Ngunit ngayong araw, pagkatapos ng kanyang nakita, wala nang makapagpigil pa sa kanya... Ang matandang Matan (o Natan) ay madalas na napasisigla ng propetikong espiritu, at kung ang kanyang paningin ay lumalabo nang lumalabo, ang kanyang espirituwal na paningin ay palinaw na nang palinaw. Tanggapin ang aking kaibigan, Panginoon» sabi ni Juan, ang pari.

«Wala akong tinatanggihan na sinuman. Tumayo ka, pari, at itaas mo ang iyong espiritu. Sa itaas ay walang putik, at siya na alam kung papaano makapanatiling nasa itaas ay hindi mahihipo ng putik.»

Ang matanda bago tumayo, puno ng pagpipitagan, ay kinuha ang pinakamababang laylayan ng tunika ni Jesus at hinahalikan ito.

Ang mga babae, at si Annaleah lalo na, ay umiiyak sa ilalim ng kanilang mga talukbong, lubos pa rin na naaantig at ang mga salita ng matandang lalaki ay napalala ang kanilang pag-iyak. Si Jesus ay tinawag sila, at na may nakayukong mga ulo lumalapit sila sa Kanya mula sa sulok kung saan sila nananatili. Kung si Nike at ang ina ni Annaleah ay nagtatagumpay sa pagpigil sa kanilang mga luha, naitatago ito nang halos ganap, ang bata-pang babaeng disipulo ay umiiyak nang malakas, walang pakialam sa mga nakatingin sa kanya na may ibang mga nararamdaman.

«Patawarin siya, Guro. Utang niya ang kanyang buhay sa Inyo at minamahal niya Kayo. Imposible para sa kanya na paniwalaan na masasaktan nila Kayo. At pagkatapos siya ay naiwanan nang... napakalungkot at napaka... lungkot pagkatapos...»

«O! Ito ay hindi iyan! Hindi, ito ay hindi iyan! Panginoon! Guro! Aking Tagapagligtas! Ako... ako...»  Si Annaleah ay hindi makapagsalita, maaaring dahil sa kanyang pag-iyak, maaaring dahil sa hiya o dahil sa iba pang bagay.

«Natatakot siya ng ganti sapagkat siya ay isang disipulo. Iyan ang tiyak na dahilan. Marami ang umaalis dahil diyan...» sabi ng Iskariote.

«O! hindi! Mas lalong hindi! Mamâ, wala kang naiintindihan na kahit ano, o pinapalagay mo na ang iyong iniisip ay ang iniisip din ng ibang mga tao. Ngunit alam ba Ninyo, Panginoon, kung bakit ako umiiyak. Natatakot ako na Kayo ay patay na at nakalimutan Ninyo ang pangako...» sabi niya, nagtatapos sa isang buntung-hininga, pagkatapos na mabigkas ang unang mga salita nang malakas, nagrerebelde laban sa pinahihiwatig ni Judas.

Si Jesus ay tumugon sa kanya: «Hindi Ako kailanman nakakalimot. Huwag matakot. Umuwi ka na, sa kapayapaan, hinihintay ang oras ng Aking tagumpay at iyong kapayapaan. Lakad. Ang araw ay lulubog na. Umuwi na kayo, mga babae. At ang Aking kapayapaan ay sumainyo.»

«Panginoon, ako ay hindi masaya na iwanan Kayo...» sabi n Nike.

«Ang pagsunod ay pagmamahal.»

«Totoo, Guro. Ngunit bakit hindi ko Kayo masundan katulad ni Eliza?»

«Sapagkat ikaw ay napakikinabangan Ko rito katulad na siya ay napakikinabangan Ko sa Nob. Lakad, Nike. Gawin na ilang mga lalaki ay samahan ang mga babae upang wala sanang magsamantala sa kanila.»

Si Manaen at si Jonathan ay nakahandang sumunod, ngunit pinatigil ni Jesus si Jonathan tinatanong siya: «Kung gayon, ikaw ba ay babalik sa Galilee?»

«Oo, Guro, sa araw pagkatapos ng Sabbath. Ako ay pinadadala ng aking panginoon.»

«May lugar ka ba sa bagon?»

«Ako ay nag-iisa, Guro?»

«Kung gayon isasama mo sina Marjiam at Isaac. Ikaw, Isaac, ay alam mo kung ano ang dapat mong gawin. At ikaw din, Marjiam...»

«Oo, Guro» tugon ng dalawa, si Isaac nang may banayad na ngiti, si Marjiam nang may isang panginginig ng mga luha sa kanyang tinig at sa kanyang mga labì.

Si Jesus ay hinahaplos siya, at si Marjiam, nakalilimutan ang lahat na pagpipigil, ay itinapon an g sarili sa dibdib ni Jesus nagsasabing: «Iwanan Kayo... ngayon na ang lahat ay inuusig Kayo!... O! aking Guro! Hindi ko na Kayo kailanman makikita muli!... Kayo ay naging ang aking lahat na Kabutihan, natagpuan ko ang lahat sa Inyo!... Bakit Ninyo ako pinalalayo? Hayaan akong mamatay kasama Ninyo! Ano ang kahalagahan ng buhay sa akin, kung wala Kayo sa akin?»

«Sinasabi Ko sa iyo kung ano ang sinabi Ko kay Nike. Ang pagsunod ay pagmamahal.»

«Lalakad ako! Pagpalain ako, Jesus!»

Si Jonathan ay umalis kasama si Manaen, si Nike at ang iba pang tatlong babae. Ang iba rin na mga disipulo ay umalis sa maliliit na grupo.

Nang ang silid, na dati nagsisiksikan, ay halos wala nang laman, ang pagkawala ni Judas ng Kerioth ay doon lamang napuna. At marami ang nasorpresa, sapagkat siya ay naroroon kani-kanina pa lamang, at siya ay hindi binigyan ng kahit anong tagubilin.

«Baka siya ay lumabas upang gumawa ng ilang pamimili para sa atin» sabi ni Jesus upang maiwasan ang mga komentaryo, at nagpapatuloy Siya sa pagsasalita kina Jose ng Arimathea at Nicodemus, ang tanging mga natitira bukod sa labing-isang apostol at kay Marjiam, na malapit kay Jesus, nananabik na kasiyahan ang Kanyang pakikisama sa loob ng mga huling oras na ito. Si Jesus ay kung gayon nasa pagitan ni Marjiam, isang nagbibinata, at ni Martial, isang bata, kapwa kayumanggihin, balingkinitan, parehong di-masaya sa kanilang kabataan, at parehong tinanggap ng dalawang mabubuting Israelita sa ngalan ni Jesus.

Si Jose ng Sephoris at ang kanyang asawa ay kapwa umalis nang may pag-uunawa upang maiwanan ang Guro na maging malaya.

Si Nicodemus ay nagtanong: «Ngunit sino ang batang ito?»

«Siya ay si Martial. Isang bata na kinupkop ni Jose bilang isang anak.»

«Hindi ko nalaman.»

«Wala, o halos walang nakaaalam na sinuman.»

«Siya ay isang napaka mapagpakumbabang tao. Ang sino pa mang iba ay sasabihin ang kanyang ginawa» wika ni Jose.

«Sa palagay mo ba?... Lakad Martial. Isama mo si Marjiam upang tingnan ang bahay...» sabi ni Jesus. At nang ang dalawa ay nakaalis, pinagpatuloy Niya ang Kanyang sinasabi: «Nagkakamali ka, Jose. Gaano kahirap ang maghusga ayon sa katarungan!»

«Ngunit, Panginoon! Ang kumupkop ng isang ulila, sapagkat siya ay tiyak na ulila, at hindi ito ipinagmamalaki, ay tiyak na kababaang-loob.»

«Ang bata, ang kanyang pangalan ay sinasabi sa iyo, ay hindi mula sa Israel...»

«Ah! alam ko na. Tama ang kanyang ginawa na itago siya.»

«Ngunit siya ay tinuli...»

«Hindi bale. Alam Ninyo... Si Juan ng Endor din ay tinuli... Ngunit siya ay ang naging dahilan ng paninisi para sa Inyo. Si Jose, isang Galilean pa bilang karagdagan, ay baka may problema, sa kabila ng pagtutuli. Napakaraming mga ulila sa Israel din... Tiyak na may pangalan na iyan... at may kanyang mga katangian...»

Gaano ka-“Israel” ang pag-iisip ninyong lahat, kahit na ang pinakamagaling! Kahit sa paggawa ng mabuti hindi ninyo maintindihan at hindi ninyo magawang maging perpekto! Hindi pa ba ninyo maintindihan na Isa Lamang ang Ama ng Langit, at na ang bawat nilikha ay Kanyang anak? Hindi pa ba ninyo  maintindihan na ang tao ay magkakaroon ng bagkus isang gantimpala lamang at isa lamang na kaparusahan at na iyan ay talagang isang gantimpala o isang kaparusahan? Bakit maging mga alipin sa takot sa mga tao? Ngunit iyan ang bunga ng pagpaparumi sa dibinong Batas, na binago at pinabigatan sa gayong antas ng hamak na pantaong mga batas, katulad na mapapurol at mapalabo kahit ang pag-iisip ng makatarungang mga tao na nagsasabuhay nito. Sa Mosaic na Batas, kung gayon dibino Batas, sa bago pa sa Mosaic na Batas, moral na batas lamang o lumitaw sa pamamagitan ng selestiyal na inspirasyon, sinasabi kaya dito na ang mga hindi kasama sa Israel, ay hindi maaaring maging bahagi nito? Hindi ba natin nababasa sa Genesis: “Kapag sila ay walong araw na ang gulang ang lahat ng inyong lalaking anak ay kailangan na tuliin, maging sila man ay pinanganak sa loob ng sambahayan o dinala galing sa isang banyaga na hindi isa sa inyong mga inapu”? Iyan ay sinabi. Anuman ang iba pang karagdagan ay inyong sarili. Sinabi Ko kay Jose at sinasabi Ko sa iyo. Ang lumang sirkunsisyon ay malapit nang mawalan ng labis na importansiya. Ang isang bago at mas totoong sirkunsisyon ay papalitan iyan at sa mas nobleng bahagi. Ngunit habang tumatagal ang una at kayo, dala ng katapatan sa Panginoon, ay ginagawa ito sa mga lalaking pinanganak ninyo o kinupkop ninyo, huwag ikahiya na ginagawa ninyo ito sa laman ng ibang mga lahi. Ang laman ay pag-aari ng sepulkro, ang kaluluwa ay pag-aari ng Diyos. Ang laman ay tinutuli sapagkat hindi posibleng tuliin kung ano ang espirituwal. Ngunit ang banal na tanda ay nagniningning sa espiritu. At ang espiritu ay nanggagaling sa Ama ng lahat na mga tao. Magnilay tungkol diyan.»

Nagkaroon ng katahimikan, pagkatapos si Jose ng Arimathea ay tumayo at nagsabi: «Aalis na ako, Guro. Pumunta Kayo sa aking bahay bukas.»

«Hindi, mas mabuti pa kung hindi Ako pumunta.»

«Kung gayon pumunta sa akin, sa bahay sa Mount of Olives, sa daan patungong Bethany. May kapayapaan at...»

«Hindi, ni hindi kahit doon. Pupunta Ako sa Mount of Olives, upang magdasal... Ngunit ang Aking espiritu ay naghahanap ng pag-iisa. Pakiusap na paumanhinan Ako.»

«Ayon sa ibig Ninyo, Guro. Ngunit... huwag pumunta sa Templo. Kapayapaan sa Inyo.»

«Kapayapaan sa inyo.»

Ang dalawa ay umalis...

«Ibig kong malalaman kung saan pumunta sa Judas!» bulalas ni Santiago ni Zebedeo.

«Sasabihin ko na pumunta siya sa mahihirap na tao. Ngunit ang kanyang lukbutan ay naririto.»

«Huwag mag-alala... Siya ay darating...»

Si Maria ni Jose ay pumasok na may dalang ilang lampara, dahil ang liwanag ay hindi na makalampas sa isang makapal na piraso ng mica na inilagay bilang liwanag ng kalangitan sa malaking silid, at ang dalawang batang lalaki din ay pumasok.

«Natutuwa akong iwanan ko Kayo ng isa na ang pangalan ay halos katulad ng akin. Kung kaya't, kapag tinawag Ninyo siya, maaalaala Ninyo ako» sabi ni Marjiam.

Si Jesus ay kinabig siya sa Kanyang Sarili.

Si Judas din ay pumasok. Ang katulong na babae ay binuksan ang pinto sa kanya. Siya ay walang pangingimi, ngumingiti, prangko! «Guro, ginusto kong makita... Ang bagyo ay kumalma na. At sinamahan ko ang mga babae... Ang birhen na iyon ay takot na takot! Hindi ako nagsalita ng anuman sa Inyo sapagkat pipigilan Ninyo ako, at ginusto kong makita kung mayroong kahit anong peligro para sa Inyo. Ngunit wala nang nag-iisip pa ng tungkol doon. Ang mga kalsada ay walang tao sa mga araw ng Sabbath.»

«Mabuti. Tayo ay manatili dito sa kapayapaan ngayon at bukas...»

«Kayo ay hindi babalik na sa Templo kaagad!» sigaw ng mga apostol.

«Hindi. Sa ating sinagoga, bilang mabuting Galilean na mga naniniwala.»

011011

 

 


Sunod na kabanata