508. Ang Paggaling ng Lalaking Pinanganak Na Bulag.

Oktubre 10, 1946.

Si Jesus ay lumabas kasama ang Kanyang mga apostol at si Jose ng Sephoris, binabaling ang Kanyang mga hakbang patungo sa sinagoga. Ang maliwanag at matiwasay na araw ay nagagawa ang mga tao na matuwa, katulad ng isang pangako ng tagsibol pagkatapos ng mahangin na maulap na mga araw ng taglamig. Sa gayon maraming mga tao ng Herusalem ang nasa mga kalsada, ang ilan ay patungo sa mga sinagoga, ang ilan ay pabalik mula sa mga ito o mula sa ibang mga lugar, ang ilan kasama ang kanilang mga pamilya, gustong umalis ng bayan at kalugdan ang sikat ng araw sa kabukiran. Mula sa Herod’s Gate, na makikita mula sa bahay ni Jose ng Sephoris, makikita ng isa ang mga tao na gustong lumabas upang kalugdan ang kanilang sarili sa kabila ng mga pader, sa bukas na lugar: isang pagtubog sa berdeng mga pananim, patungo sa libreng bukas na espasyo, malayo sa makikipot na mga kalsada sa pagitan ng matataas na gusali. Sa aking palagay ang rural na lugar na nakapaikot sa Herusalem ay sinadyang ginusto ng mga mamamayan, na gustong makatugon sa mga limitasyon ng Sabbath tungkol sa paglalakad at kalugdan din nila ang ere at ang sikat ng araw sa bukas na lugar, at hindi lamang sa ibabaw ng mga terasa ng kanilang mga bahay. Ngunit si Jesus ay hindi patungo sa Herod’s Gate. Sa kabaligtaran, tinalikuran Niya ito, binabaling ang Kanyang mga hakbang patungo sa sentro ng bayan.

Ngunit kahahakbang pa lamang Niya nang ilan sa mas malapad na kalsada, mula sa maliit na kalsada kung saan naroroon ang bahay ni Jose ng Sephoris, nang ang atensiyon ni Judas ng Kerioth ay nakuha ng isang lalaki na papalapit sa kanila sa pamamagitan ng pangangapa sa pader sa pamamagitan ng isang tungkod, itinataas ang kanyang mukha na pinagkaitan ng mga mata, sa pagkilos na tipiko ng  mga bulag na tao. Ang kanyang pananamit ay pangmaralita, bagama't malinis, at siya ay maaaring kilala ng maraming tao sa Herusalem, sapagkat mahigit pa sa isang tao ang itinuro siya, at ang ilan ay pumunta sa kanya nagsasabing: «Mamâ, nawala ka sa iyong daan ngayon. Nalampasan mo na ang mga kalsadang Moriah at ikaw ay nasa Bezetha.»

«Hindi ako nanghihingi ng mga limos ngayon» tugon ng bulag nang may isang ngiti, at ngumingiti pa siya ay nagpapatuloy patungo sa hilagang bahagi ng bayan.

«Guro, tingnan Ninyo Siya. Ang kanyang mga talukap-mata ay selyado. Hindi, bagkus, sasabihin ko na siya ay wala lahat ng mga talukap-mata. Ang kanyang noo ay nakadugtong sa kanyang mga pisngi na wala kahit anong uka at wala ng mga kabilugan ng mata sa ilalim. Ang kaawa-awang mamâ ay pinanganak na ganyan. At siya ay mamamatay na ganyan nang hindi nakikita kailanman ang liwanag ng araw o ang mukha ng isang tao. Ngayon sabihin sa akin, Guro. Siya ay tiyak na nagkasala upang pinarusahan nang napaka tindi. Ngunit kung siya ay pinanganak na bulag, katulad na siya ay tiyak na pinanganak na ganyan, siya ba ay maaaring nagkasala bago pa man pinanganak? Baka ang kanyang mga magulang ay nagkasala at pinarusahan sila ng Diyos sa pagpapahintulot na ipanganak siya na ganyan?»

At ang iba rin na mga apostol at sina Isaac at Marjiam ay sumisiksik sa paligid ng Guro upang mapakinggan ang Kanyang tugon. At dalawang may-kayang mga tao ng Herusalem, na nasa likuran nang kaunti ng bulag, ay binilisan ang kanilang paghakbang patungo kay Jesus, na tila sila ay naaatrak ng taas ng Guro, Na nangingibabaw sa pulutong. Naroroon din si Jose ng Arimathea, na nananatiling nasa malayu-layo, nakasandal sa isang pinaka-pintuan sa itaas ng dalawang baytang, tumitingin siya sa paligid pinagmamasdan ang lahat na mga mukha.

Si Jesus ay tumutugon at ang Kanyang mga salita ay maliwanag na napapakinggan sa katahimikan na nalikha: «Ni siya o ang kanyang mga magulang ay nagkasala nang mahigit pa kaysa sa sino pa mang tao na nagkakasala, at baka nagkasala sila nang mas kakaunti pa. Sapagkat ang karukhaan ay kadalasan nagpipigil na magkasala. Ngunit siya ay pinanganak na ganyan, upang sa muli ang kapangyarihan at mga gawa ng Diyos ay sana maibunyag sa pamamagitan niya. Ako ang Liwanag na pumunta sa mundo upang ang mga taga-mundo na nakalimot sa Diyos, o nawalan ng Kanyang espirituwal na imahe, ay sana makita at maalaala Siya, at ang mga naghahanap sa Diyos, o nasa Kanya na, ay sana makumpirmahan sa kanilang pananampalataya at pagmamahal. Ang Ama ay pinadala Ako na sana makumpleto Ko ang kaalaman tungkol sa Diyos sa Israel at sa mundo, sa loob ng panahon na pinagkakaloob pa sa Israel. Ako, kung gayon, ay kailangan na gawin ang gawain Niya Na nagpadala sa Akin, nagpapatotoo na magagawa Ko kung ano ang nagagawa Niya, sapagkat Ako ay kaisa Niya, at sana malaman at makita ng mundo na ang Anak ay hindi iba sa Ama, at sana maniwala sa Akin para sa kung ano Ako. Pagkatapos ang gabi ay darating kung kailan hindi na posibleng magtrabaho, at ito ay magiging madilim, at ang mga hindi nag-ukit  sa kanilang mga sarili ng Aking tanda at ng kanilang pananampalataya sa Akin, ay hindi na ito magagawa sa kadiliman, kalituhan, kapighatian, pangungulila at kasiraan, na mangingibabaw sa mga lugar na ito at manggugulat sa mga espiritu nang may kalubusan ng paghihinagpis. Ngunit habang Ako ay nasa mundo, Ako ay Liwanag at Saksi, Salita, Daan at Buhay, Karunungan, Kapangyarihan at Awa. Kung kaya't lakad, tagpuin ang lalaki na pinanganak na bulag at dalhin siya rito sa Akin.»

«Maaari bang ikaw ang lumakad, Andres. Gusto kong manatili rito at tingnan kung ano ang gagawin ng Guro» tugon ni Judas tinuturo ang Guro, Na yumuko sa maalikabok na daan, dumura sa lupa at sa pamamagitan ng Kanyang daliri hinahalo ang alikabok sa dura pumoporma ng isang bolitas ng putik. Habang si Andres, na laging masunurin, ay lumalakad upang kunin ang bulag, na malapit nang lumiko sa makipot na kalsada kung saan naroroon ang bahay ni Jose ng Sephoris, si Jesus ay kinakalat ang putik sa dalawang hintuturo at nananatiling ganito, na ang Kanyang mga kamay nakataas, katulad na ang mga pari ay itinataas ito sa Banal na Misa, sa Ebanghelyo o sa mga Sulat. Si Judas ay umalis sa kanyang lugar nagsasabi kina Mateo at Pedro: «Sa dahilan na kayo ay hindi napakataas, halikayo rito at makakakita kayo nang mas mabuti.» At siya ay tumayo sa likuran, halos natatakpan ng mga anak ni Alfeo at ni Bartolomeo, na lahat matataas.

Si Andres ay bumalik hawak-hawak ang bulag na lalaki na balisang inuulit: «Ayaw ko ng pera. Pabayaan ako. Alam ko kung nasaan ang lalaking nagngangalang Jesus. Pupunta ako upang hilingin...»

«Ito ay si Jesus, Siya ay naririto sa harapan mo»» sabi ni Andres tumitigil sa harapan ng Guro.

Si Jesus, sa kabaligtaran sa Kanyang dating ginagawa, ay hindi tinatanong ang lalaki ng kahit ano. Kaagad Niyang kinakalat ang munting putik, na nasa Kanyang mga hintuturo, sa saradong mga talukap-mata at nagsabi: «At ngayon lumakad, hanggang sa bilis na magagawa mo, sa Pool of Siloam, at huwag tumigil upang magsalita sa sinuman.»

Ang bulag, ang kanyang mukha may dumi ng putik, ay nananatiling nalilito nang isang sandali at iginalaw ang kanyang mga labì upang magsalita. Pagkatapos kanyang isinara ang mga ito at sumunod. Ang kanyang unang mga hakbang ay mabagal, na tila siya ay nag-iisip o bigo ang pakiramdam. Pagkatapos binilisan niya ang kanyang paghakbang, pinahahagingan ng kanyang tungkod ang pader, naglalakad nang pabilis nang pabilis, hanggang sa bilis na magagawa ng isang bulag, na tila ang pakiramdam niya siya ay ginagabayan...

Ang dalawang lalaki ng Herusalem ay tumatawa nang mapanuya iniiling ang kanilang mga ulo at umalis. Si Jose ng Arimathea, at ito ay nakapagpataka sa akin, ay sinusundan sila nang wala kahit anong pagbati sa Guro, binabalikan ang kanyang dinaanan, ibig sabihin, patungo siya sa Templo, samantalang siya ay parating mula sa direksiyon na iyon. Sa gayon, ang bulag, ang dalawang lalaki at si Jose ng Arimathea ay patungo sa katimugang bahagi ng bayan, habang si Jesus ay patungong kanluran at nawala Siya sa aking paningin, sapagkat ang Panginoon ay ibig na sundan ko ang bulag na lalaki at ang mga sumusunod sa kanya.

Pagkatapos na makalampas ng Bezetha pinasok nilang lahat ang lambak na nasa pagitan ng Moria at Zion – sa palagay ko nang nakaraan napakinggan ko na tinawag ito na Tyropoeon – nilakad nila ito hanggang sa layo ng Ophel, inikutan nila ito, sila ay nakalabas nasa kalsada na magdadala sa Pool of Siloam, laging sa sumusunod na hanay: una ang bulag na maaaring kilalang-kilala sa pangkaraniwan na mga tao sa lugar na iyon, pagkatapos ang dalawang lalaki, sa malayu-layo nang kaunti, si Jose ng Arimathea.

Si Jose ay tumigil malapit sa isang maralitang bahay, at siya ay medyo natatakpan ng isang harang na mga halaman na nakapaikot sa maliit na pangkusinang-hardin ng maralitang bahay. Ang dalawang lalaki sa halip ay pumuntang malapit sa sanaw at pinapanood ang bulag na lalaki na patuloy na lumalapit sa malaking sanaw at nararamdaman ang basang pader inilagay niya ang kanyang isang kamay sa tangke at inalis ito na may tumutulong tubig at hinuhugasan niya ang kanyang mga mata nang minsan, dalawang beses, tatlong beses. Sa ikatlong beses binitiwan niya ang kanyang tungkod at dinidiinan ang kanyang mukha sa pamamagitan ng kanyang isang kamay, gumagawa ng isang sigaw na ang katulad ay isang masakit na sigaw.

Pagkatapos kanyang inalis nang dahan-dahan ang kanyang mga kamay at ang kanyang dating masakit na sigaw ay naging isang sigaw ng kaluguran: «O! Kataastaasan! Nakakakita ako!» at itinapon ang kanyang sarili sa lupa napananaigan ng emosyon, ang kanyang mga kamay pinoprotektahan ang kanyang mga mata at dinidiinan ang kanyang mga sentido, nananabik na makakita ngunit namomroblema gawa ng liwanag, at inuulit niya: «Nakakakita ako! Nakakakita ako! Kung gayon ito ang lupa! At ito ang liwanag! Ito ang damo na nalalaman ko lamang gawa ng kalamigan nito...» Siya tumayo at yumuko, katulad ng isa na may dalang mabigat, ang kanyang bigat ng kaluguran, pumunta siya sa daloy ng umaapaw na tubig at tinitingnan ito na dumadaloy nang maningning at malugod at siya ay bumubulong: «At ito ang tubig... Ayan ka na! Ganyan ko ito nararamdaman sa pamamagitan ng aking mga daliri (nilulubog niya ang kanyang kamay doon) ito ay malamig at hindi mahahawakan, ngunit hindi kita kilala... Ah! Maganda! Maganda! Gaano kaganda ang lahat!» Tumingala siya at nakakita ng isang punungkahoy... nilalapitan niya ito, hinihipo niya ito, nag-uunat ng isang kamay, inilalapit ang isang maliit na sanga sa kanyang sarili, tinitingnan ito at tumatawa, tumatawa, pinoprotektahan niya ang kanyang mga mata sa pamamagitan ng kanyang kamay at tinitingnan ang kalangitan, ang araw, at dalawang luha ang dumaloy mula sa kanyang birhen na mga talukap-mata na nakabukas upang pagnilayan ang mundo... At ibinaba niya ang kanyang paningin sa damo kung saan ang isang bulaklak ay umuundayo sa tangkay nito at nakita ang kanyang sarili na nasasalamin sa tubig, at tinitingnan niya ang kanyang sarili at nagsabi: «Ganyan pala ako!» at siya ay nagtataka nang kanyang makita ang isang kalapati na dumating upang uminom sa malayu-layo nang kaunti, at ang isang maliit na kambing na pinipilas ang huling mga dahon ng isang palumpong ng isang layas na rosas, at isang babae na dumarating na may isang sanggol sa kanyang dibdib. At ang babaeng iyon ay nagpaalaala sa kanya tungkol sa kanyang ina, na ang mukha ay hindi niya kilala at itinataas ang kanyang kamay patungo sa kalangitan siya ay sumigaw: «Pagpalain nawa Kayo, Kataastaasan, dahil sa liwanag, dahil sa aking ina, dahil kay Jesus!» at siya ay tumakbong umalis, iniiwan ang kanyang wala nang pakinabang na tungkod sa lupa...

Ang dalawang lalaki ay hindi naghintay upang makita ang lahat na ito. Nang nabatid kaagad nila na ang lalaki ay nakakakita, sila ay tumakbo patungo sa bayan. Si Jose sa halip ay nananatili hanggang sa katapusan, at nang ang bulag na lalaki – na hindi na bulag – ay tumakbo nang mabilis malapit sa kanya patungo sa sala-salabat na mga daanan ng lugar ng pangkaraniwan na manggagawang mga tao ng Ophel, iniwan niya ang kanyang lugar naglakad pabalik sa bayan, nagmumukhang labis na nag-iisip...

Ang arabal ng Ophel, na laging napakaingay, ay ngayon tunay na isang kagulo: ang mga tao ay tumatakbo sa lahat ng direksiyon, nagtatanong o tumutugon sa mga katanungan.

«Maaaring napagkamalan mo siya sa ibang tao...»

«Hindi, natitiyak ko. Nagsalita ako sa kanya nagsasabing: “Ngunit ikaw ba talaga ito, Sidonia, na may palayaw na Bartholmai?”, at siya ay tumugon: “Ako ito”. Ibig ko siyang tanungin kung papaano ang nangyari, ngunit siya ay tumakbong papalayo.»

«Nasaan na siya ngayon?»

«Siya ay tiyak na nasa kanyang ina.»

«Sino ang nakakita sa kanya?» tanong ng ilang mga tao na mga kararating pa lamang.

«Ako. Ako» tugon ng marami.

«Ngunit papaano iyon nangyari?»

«... Nakita ko siyang tumatakbo na walang tungkod, may dalawang mata sa kanyang mukha at sinabi ko: “Tingnan! Si Bartholmai ay magiging ganyan kung...”»

«Sinasabi ko sa inyo na ako ay nanginginig pa. Siya ay dumating sumisigaw: “Inay, nakikita ko kayo!”.»

«Isang malaking kagalakan para sa kanyang mga magulang. Matutulungan na niya ngayon ang kanyang ama at kikitain niya ang kanyang kinakain...»

«Ang kaawa-awang babaeng iyon! Siya ay lubos na napangibabawan ng kanyang lugod na naging masamâ ang kanyang pakiramdam. O! May isang bagay! Ako ay pumunta upang manghingi ng kaunting asin at...»

«Pumunta tayo at pakinggan natin mismo ang lalaki...»

Si Jose ng Arimathea ay napasama sa kaguluhan at, hindi ko alam kung dala ng pag-uusyoso o ng espiritu ng panggagaya, sinusundan niya ang pulutong at nagtapos sa isang walang-pupuntahan na kalyehon, na magdadala sana sa Kidron, kung ito ay nagpatuloy. Ang mga tao ay nagsisiksikan doon natatalo ng kanilang mga tinig ang lumalagaslas na ingay ng tubig ng ilog, na baha dahil sa taglagas na mga pag-ulan. At si Jose ay nakarating doon nang, mula sa isa pang kalyehon na dumurugtong sa isang ito, ang dalawang lalaki na binanggit kanina ay dumating may kasamang tatlo pa: isang eskriba, isang pari at isa pa na hindi ko makilala sa pamamagitan ng kanyang pananamit. Ipinipilit nila nang may pagmamataas ang kanilang daan sa gitna ng pulutong at sinisikap nilang mapasok ang bahay na nagsisiksikan sa mga tao.

Ang bahay ay naglalaman ng isang malaking kusina na kasing itim ng alkitran, may isang sulok na gawa ng isang pangkabukiran na kahoy na partisyon, na sa kabila nito ay may isang sofa at isang pinto na nagbubukas patungo sa isa pang silid na may isang malaking kama. Sa pamamagitan ng isang pintuan sa katapat na pader makikita ng isa ang isang maliit na pangkusinang-hardin na iilang metro-kudrado lamang ang laki. Iyon lamang.

Ang pinagaling na bulak ay nagsasalita nakasandal sa isang mesa, tumutugon sa mga nagtatanong sa kanya, lahat maralitang mga tao katulad niya mismo, ang pangkaraniwang mga tao ng Herusalem, ng arabal na ito, na baka siyang ang pinakamaralita sa bayan. Ang kanyang ina ay tinitingnan siya, at umiiyak pinupunas ang kanyang mga luha sa pamamagitan ng kanyang belo. Ang kanyang ama, isang lalaki na gastado na ng pagtatrabaho, ay kinukuskos ang kanyang balbas sa pamamagitan ng kanyang nanginginig na kamay.

Imposible para sa mapangibabaw na mga Judaean at mga doktor na makapasok sa bahay at ang lima ay napilitan na makinig sa mga salita ng gumaling sa lalaki sa labas.

«Papaano sila nabuksan? Ang lalaking iyon na ang pangalan ay Jesus ay dinumihan ng isang basang lupa ang aking mga mata at sinabi Niya sa akin: “Lakad at hugasan ang inyong sarili sa sanaw ng Siloam”. Ako ay pumunta roon, hinugasan ko ang aking sarili, ang aking mga mata ay nabuksan at nakakakita ako.»

«Ngunit papaano mo natagpuan ang Rabbi? Lagi mong sinasabi na ikaw ay walang suwerte, dahil hindi mo Siya kailanman matagpuan, ni kahit na kapag Siya ay dumaraan dito patungo kay Jonah sa Gethsemane. At ngayong araw, ngayon na hindi malaman ng isa kung nasaan Siya...»

«Eh! kagabi ang isa sa Kanyang mga disipulo ay pumarito at binigyan niya ako ng dalawang sentimos nagsasabing: “Bakit hindi mo subukan na makakita?”. Sinabi ko sa kanya: “Sinubukan ko. Ngunit hindi ko kailanman makita si Jesus Na gumagawa ng mga himala. Matagal ko na Siyang hinahanap mula pa nang pinagaling Niya si Annaleah, ang isang dalaga ng aming arabal, ngunit kong ako ay pumarito, Siya ay naroroon... at sinabi niya sa akin: “Ako ay isa sa Kanyang mga apostol at ginagawa Niya kung ano ang gusto ko. Pumunta ka sa Bezetha bukas at hanapin ang bahay ni Jose ang Galilean, ang isa na nagbebenta ng mga daing, si Jose ng Sephoris, malapit sa Herod’s Gate at sa arko ng liwasan, sa silanganing tabi, at mapupuna mo na maya-maya lamang Siya ay daraan doon o patungo sa bahay at babanggitin kita sa Guro”. Sinabi ko: “Ngunit bukas ay ang Sabbath”. Ginusto kong sabihin na Siya ay hindi gagawa ng kahit ano sa Sabbath. Siya ay tumugon sa akin: “Kung gustong mong gumaling, iyan ang araw, sapagkat pagkatapos iiwanan namin ang bayan at hindi mo malalaman kung kailanman mo ulit Siya makikita” Sinabi ko rin: “Alam ko na Siya ay inuusig nila. Napakinggan ko ang tungkol dito sa mga geyt ng bakuran ng Templo, kung saan ako pumupunta upang magpalimos. Kung kaya't sinabi ko na ngayon na Siya ay inuusig nila, hindi Niya gugustuhin na Siya ay usigin pa nila nang husto at hindi Niya ako pagagalingin sa isang Sabbath”. At siya ay tumugon: “Gawin ang ayon sa sinasabi ko sa iyo at sa isang Sabbath makikita mo ang araw”. At ako ay pumunta. Sino ang hindi pupunta, kung ang isa sa Kanyang mga apostol ang nagsasabi nang ganyan? Sinabi rin niya sa akin: “Ako ang isa na Kanyang pinakikinggan nang madalas at ako ay espesyal na naparito sapagkat naaawa ako sa iyo at dahil din ibig kong malantad nang maningning ang Kanyang kapangyarihan pagkatapos na Siya ay kanilang minaliit. Ikaw, na pinanganak na bulag, ay gagawin itong magningning. Alam ko kung ano ang aking sinasabi. Pumunta ka at ikaw ay makakakita”. At ako ay pumunta at hindi pa ako nakakarating sa bahay ni Jose, nang ang isang lalaki ay kinuha ako sa kamay, ngunit sa pamamagitan ng kanyang tinig alam ko na siya ay hindi ang lalaki na nagsalita sa akin kahapon, at sinabi niya sa akin: “Sumama ka sa akin, kapatid” ngunit ayaw kong sumama, akala ko gusto niya akong bigyan ng ilang tinapay at pera, baka ilang mga damit, at paulit-ulit kong sinasabi sa kanya na pabayaan ako, sapagkat napakinggan ko kung saan ko makikita ang tao na nagngangalang Jesus, at sinabi niya sa akin: “Ito si Jesus, dito, sa harapan mo”. Ngunit wala akong makita kahit na ano, dahil ako ay bulag. Naramdaman ko ang dalawang daliri, na may basang lupa, na hinipo ako dito at doon, at napakinggan ko ang isang tinig na nagsabi: “Pumunta sa sanaw ng Siloam nang mabilis at hugasan mo ang iyong sarili at huwag makipagusap sa kanino man” at ginawa ko ito. Ngunit ako ay nawawalan ng pag-asa, sapagkat umaasa ako na makakita kaagad, at halos inisip ko na iyon ay isang biro ng ilang walang-pusong mga kabataan at halos nagpasya akong huwag nang pumunta. Ngunit napakinggan ko ang isang klase ng tinig sa loob ko nagsasabi: “Umasa at sumunod”, kung kaya't pumunta ako sa sanaw at hinugasan ko ang aking sarili at nakakakita ako.» At ang bata-pang lalaki ay tumigil nang nasa lubos na kasiyahan inaalaala ang lugod ng unang pagkakita...

«Gawin ang lalaking iyan na lumabas. Gusto namin siyang tanungin» sigaw ng limang mga lalaki.

Ang bata-pang lalaki ay ipinilit ang kanyang daan sa gitna ng pulutong at pumunta sa pintuan.

«Nasaan Siya na nagpagaling sa iyo?»

«Hindi ko alam» tugon ng lalaki kung kanino ang isang kaibigan ay bumulong: «Sila ay mga eskriba at mga pari.»

«Ano ang ibig mong sabihin na hindi mo alam? Kasasabi mo pa lamang ngayon na kilala mo. Huwag magsinungaling sa mga doktor ng Batas at sa pari! Kapahamakan sa mga magsisikap na manloko ang mga mahistrado ng sambayanan!»

«Wala akong nilolokong sinuman. Ang disipulong iyon ay nagsabi sa akin: “Siya ay nasa bahay na iyon” at iyon ay totoo sapagkat ako ay malapit doon nang ako ay kinuha sa kamay at pinasunod sa Kanya. Ngunit hindi ko alam kung nasaan na Siya ngayon. Ang disipulo ay nagsabi sa akin na sila ay aalis. Baka ngayon Siya ay nasa labas na ng mga geyt.»

«Ngunit saan Siya papunta?»

«At ano ang nalalaman ko tungkol  diyan? Baka Siya ay patungo sa Galilee... kung titingnan kung papaano Siya tinatrato rito!...»

«Ikaw na walang-paggalang na tanga, maingat sa iyong pagsasalita, ikaw na latak ng dalumog! Tinatanong kita kung alin na daan ang Kanyang kinuha?»

«Ngunit papaano ninyo ako maaasahan na makaalam, kung ako ay bulag? Masasabi ba ng isang bulag kung aling daan ang pupuntahan ng isa pang tao?»

«O sige. Sumama ka sa amin.»

«Saan ninyo ako dadalhin?»

«Sa mga hepe ng mga Pariseo.»

«Bakit? Ano ang pakialam nila sa akin? Sila ba kaya ay pinagaling ako, at kailangan kong pasalamatan sila? Noong ako ay bulag madalas akong magpalimos, ang aking mga kamay ay hindi kailanman naramdaman ang kanilang mga sentimos, ang aking mga tainga ay hindi kailanman napakinggan ang isang maawaing salita nila, at ang aking puso ay hindi kailanman naramdaman ang kanilang pagmamahal. Ano ang sasabihin ko sa kanila? Isang tao lamang ang aking dapat na pasalamatan, bilang karagdagan sa aking ama at ina na nagmahal sa akin, isang kaawa-awang sawing-palad, para sa napakaraming taon. At iyan ay si Jesus Na nagpagaling sa akin, minamahal ako ng Kanyang puso, katulad ng aking mga magulang nang kanila. Hindi ako pupunta sa mga Pariseo. Ako ay mananatili sa aking ina at ama, kinalulugdan ang tanawin ng kanilang mga mukha, habang nagsasaya sila tinitingnan ang aking kapapanganak pa lamang na mga mata, napakaraming mga tagsibol pagkatapos ng isa kung kailan ako pinanganak ngunit hindi ko nakita ang liwanag.»

«Tumigil ng kangangawngaw. Halika at sundan kami.»

«Hindi! Hindi ako sasama! Nagpunas na ba kayo ng isang luha ng aking ina, nalulungkot dahil sa aking kasawiang-palad, o isang patak ng pawis ng aking ama, na hapo sa pagtatrabaho? Magagawa ko na ito ngayon sa pamamagitan ng aking kasalukuyang hitsura, at ayon sa inyo kailangan ko silang iwanan at sundan kayo?»

«Inuutusan ka namin na sumama. Ang mga utos ay hindi mo ibinibigay, bagkus ng Templo at ng mga hepe ng sambayanan. Kung ang pagmamalaki ng pagiging napagaling ay napapurol ang iyong isip upang hindi mo maalaala na kami ang nagbibigay ng mga utos, paaalalahanan ka namin. Halika ka na! Sige na!»

«Ngunit bakit ba kailangan na sumama ako sa inyo? Ano ang kailangan ninyo sa akin?»

«Gusto namin na magbigay ka ng saksi sa nangyari. Ngayon ay ang Sabbath. Ang gawa ay ginawa sa Sabbath. Ito ay kailangan na itala bilang isang kasalanan. Isang kasalanan mo at ng satanas na iyon.»

«Kayo ang mga satanas! Kayo ay mga makasalanan! At kailangan kong sumama at magsaksi laban sa Kanya Na tumulong sa akin? Baka lasing kayo! Pupunta ako sa Templo. Upang pagpalain ang Panginoon. Ngunit hindi nang higit pa diyan. Ako ay nasa loob ng kadiliman ng pagkabulag sa loob ng maraming taon. Ngunit ang aking saradong mga talukap-mata ay natakpan lamang nito ang aking mga mata. Ang aking talino ay nakita nito ang liwanag gayunpaman, sa pamamagitan ng grasya ng Diyos, at sinasabi nito sa akin na hindi ko kailangan na saktan ang Tanging Banal na Isa sa Israel.»

«lalaki, tama na iyan! Hindi mo ba nalalaman na may mga kaparusahan para sa mga sumasalungat sa mga mahistrado?»

«Wala akong nalalaman. Ako ay naririto at mananatili ako rito. At mabuti pang huwag ninyo akong sasaktan. Nakikita ninyo na ang buong Ophel ay nasa panig ko!»

«Oo. Hayaan siyang mag-isa! Mga asong-gubat! Siya ay protektado ng Diyos. Huwag siyang hipuin! Ang Diyos ay kasama ng mahihirap! Ang Diyos ay kasama namin, kayong mga huthot at mga ipokrito!» Ang pulutong ay sumisigaw at nananakot sa isa sa mga biglaan na pagpapakita ng madla ng galit ng abang mga tao laban sa kanilang mga maniniil, o ng pagsabog ng pagmamahal para sa kanilang mga protektor. At sila ay sumisigaw: «Kapahamakan ang darating sa inyo kung sasaktan ninyo ang aming Tagapagligtas! Ang Kaibigan ng mahihirap! Ang tatlong ulit na Banal na Mesiyas. Kapahamakan sa inyo! Kami ay hindi natakot noon sa galit ni Herodes o ng mga Hepe, noong ginusto namin. Hindi kami natatakot ng inyo, kayong mga walang-ngipin na ayena! Kayong mga asong-gubat na may mapupurol na pangalmot! Kayong walang-silbing mapangibabaw na mga tao! Ang Roma ay ayaw ang mga kaguluhan at hindi naniniil sa Rabbi, sapagkat Siya ay mapayapa. Ngunit alam ng Roma ang tungkol sa inyo. Layas! Malayo sa mga kuwartel ng inyong sinisiil sa pamamagitan ng mga ikapu na labis-labis sa makakayanan nila, upang magkaroon ng pera at mapagbigyan ang inyong pagkagutom sa pagpapakasarap at magawa ang nakakahiyang mga negosasyon. Kayo ang mga inapu ni Jason! Ang mga inapu ni Simon! Ang mga tagapagpahirap sa totoong mga Eleazar, ng banal ng mga Onias. Kayong nanghahamak sa mga Propeta, lumayas!» ang kagulo ay patindi na nang patindi. 

Si Jose ng Arimathea, na naiipit sa isang maliit na pader at na magpahanggang ngayon ay naging isang masigasig ngunit walang-imik na manonood ng mga pangyayari, ay umakyat sa maliit na pader nang  may kaliksihan na hindi mo akalain na magagawa ng isang matandang lalaki at nakadamit nang balot-na-balot na may malapad na manta, at nakatayo sa pader siya ay sumigaw: «Katahimikan, mga mamamayan. At makinig kay Jose ang Nakatatanda!»

Isa, dalawa, sampung mga ulo ang lumingon patungo sa direksiyon ng sigaw. Nakita nila si Jose. Sinigaw nila ang kanyang pangalan. Ang taga-Arimathea ay maaaring kilalang-kilala at maaaring mataas ang pagtingin ng mga tao sapagkat ang sigawan ng galit ay naging mga sigaw ng kaluguran: «Si Jose ang Nakatatanda ay naririto! Mabuhay si Jose! Kapayapaan at mahabang buhay sa makatarungan na tao! Kapayapaan at mga pagpapalà sa tagatangkilik ng mahihirap! Katahimikan! Si Jose ay magsasalita! Katahimikan!»

Ang pulutong ay naging tahimik nang may ilang kahirapan at sa loob ng ilang sandali ang paglagaslas ng Kidron ay maririnig mula sa kabila ng kalyehon. Ang lahat ngayon ay nakatingin kay Jose, dahil nakalimutan na nila ang lahat kung bakit sila nakatingin kanina sa kabilang direksiyon: sa limang balakyot na bulagsak na mga lalaki na siyang pasimula ng kaguluhan.

«Mga mamamayan ng Herusalem, mga kalalakihan ng Ophel, bakit hinahayaan ninyo ang inyong mga sarili na mabulagan ng pagsospetsa at galit? Bakit ang pagkukulang sa paggalang at ang paglabag sa mga kaugalian, sa dahilan na kayo ay laging naging tapat sa mga batas ng ating mga ninuno? Ano ang inyong ikinatatakot? Ikinatatakot kaya ninyo na ang Templo ay isang Molech na hindi nagsusukli ng kung ano ang kanyang tinanggap? Natatakot ba kayo na ang inyong mga hukom ay lahat bulag, mas bulag pa kaysa sa inyong kaibigan, bulag sa kanilang mga puso at bingi sa hustisya? Hindi ba’t ating kaugalian na ang mga malalaking pangyayari ay binibigyan ng pagpapatunay, isinusulat at itinatago ng mga may-katungkulan para sa mga Kronika ng Israel? Kung gayon, upang maparangalan din ang Rabbi Na inyong minamahal, gawin ang mahimalang gumaling na lalaki na makapunta sa Templo upang magbigay ng patunay sa gawain na ginawa Niya. Nag-aalinlangan pa rin ba kayo? Bueno ako ang tumatayong garantiya na walang mangyayaring masamâ kay Bartholmai. At nalalaman ninyo na ako ay hindi nagsisinungaling. Sasamahan ko siya doon katulad ng isang anak na mahal sa akin, at pagkatapos dadalhin ko siyang pabalik dito. Maniwala sa akin. At huwag gawin ang Sabbath na maging isang araw ng pagkakasala sa pamamagitan ng pagrerebelde sa inyong mga hepe.»

«Ang kanyang sinasabi ay tama! Hindi natin dapat gawin iyan. Mapaniniwalaan natin siya. Siya ay isang makatarungang tao. Ang kanyang tinig ay laging nangingibabaw sa mabubuting pasya ng Sanhedrin.» Ang mga tao ay nagkukunsultahan sa isa’t isa at sila ay nagtatapos sa pagsigaw: «Oo, ipagkakatiwala namin ang aming kaibigan sa inyo!» Pagkatapos kanilang kinakausap ang bata-pang lalaki: «Halika! Huwag matakot. Kasama si Jose ng Arimathea ikaw ay ligtas katulad na kasama mo ang iyong ama at mas ligtas pa» at sila ay nagbukas ng hanay upang ang bata-pang lalaki ay sana makapunta kay Jose, na nakababa na sa kanyang ginawang pulpito, at habang siya ay dumaraan sinabi nila sa kanya: «Kami ay pupunta rin. Huwag matakot!»

Si Jose, sa kanyang magandang marangyang delanang mga damit, ay nagpatong ng isang kamay sa balikat ng bata-pang lalaki at umalis. Ang kulay abong gastadong tunika ng binata, at ang kanyang maikling manta ay kumukuskos sa madilim na pulang malapad na tunika at sa mas madilim pang marangyang manta ng matandang miyembro ng Sanhedrin. Sa likuran nila ay ang limang lalaki, pagkatapos ang malaking pulutong mula sa Ophel...

Sila ngayon ay nasa Templo na, pagkatapos na matawid ang sentral na mga kalsada, nakukuha ang atensiyon ng maraming tao na itinuturo sa isa’t isa ang dating bulag na lalaki nagsasabing: «Iyon ang bulag na tao na dating madalas nanghihingi ng limos! At ngayon siya ay mayroon nang mga mata! Baka ito ay isang nakakamukha niya! Hindi. Ito ay tiyak na iyon din na lalaki at dinadala nila siya sa Templo. Tayo na at tingnan natin» at ang pila ng mga tao ay pahaba nang pahaba hanggang sa sila ay nawala sa paningin sa loob ng mga pader ng Templo.

Si Jose ay pinasunod ang binata sa isang bulwagan, na hindi ang Sanhedrin, kung saan maraming mga Pariseo at mga eskriba. Si Jose ay pumasok kasama si Bartholmai at ang limang lalaki ay sinundan sila. Ang pangkaraniwang mga tao ng Ophel ay itinulak nang pabalik sa korte.

«Ito ang lalaki. Dinala ko siya rito mismo, sapagkat ako ay naroroon, nang hindi nakikita, sa kanyang pakikipagtagpo sa Rabbi at sa kanyang paggaling. At masasabi ko sa inyo na iyon ay ganap na di-sinasadya sa ganang tungkol sa Rabbi. Ang lalaki, mapapakinggan ninyo ito mismo ng inyong mga sarili, ay pinasunod o kung baga inanyayahan na pumunta kung saan naroroon ang Rabbi, ni Judas ng Kerioth, na kilala ninyo. At napakinggan ko, at ang dalawang ito na nakasama ko ay napakinggan din sapagkat sila ay naroroon din, kung papaano ni Judas inudyukan si Jesus ng Nazareth na gawin ang himala. Ako ngayon ay nagpapatotoo rito na kung may isa man na kailangan na maparusahan, ito ay hindi ang bulag na lalaki o ang Rabbi, bagkus ang tao na mula sa Kerioth na – nakikita ng Diyos kung ako ay nagsisinungaling sa pagsasabi ng aking naiisip – siyang tanging may kagagawan ng kung ano ang nangyari, dahil ginawa niyang mangyari ito nang may sadyang pagmamanyobra. Iyan ang aking deklarasyon.»

«Ang sinasabi mo ay hindi nagkakansela sa pagkakamali ng Rabbi. Kung ang isa sa Kanyang mga disipulo ay nagkasala, ang Guro ay hindi dapat na magkasala. At Siya ay nagkasala sa pagpapagaling sa taong ito sa isang araw ng Sabbath, Gumawa Siya ng isang mahirap na gawain.»

«Ang dumura sa lupa ay hindi isang mahirap na gawain. At ang hipuin ang mga mata ng isa pang tao ay hindi rin isang mahirap na gawain. Ako ay hinihipo ko rin ang lalaki, ngunit hindi sa aking palagay na ako ay nagkakasala.»

«Gumawa Siya ng isang himala sa Sabbath. Iyan kung bakit Siya nagkasala.»

«Ang parangalan ang Sabbath sa pamamagitan ng isang himala ay isang grasya ng Diyos at isang tanda ng Kanyang kabutihang-loob. Ito ay Kanyang araw. Ang Makapangyarihan kaya ay hindi ipagdiriwang ito nang may isang himala na nagagawa ang Kanyang kapangyarihan na magningning nang matingkad?»

«Kami ay hindi naririto upang makinig sa iyo. Ikaw ay hindi inaakusahan. Gusto naming tanungin ang lalaking iyan. Nasa sa iyo ang pagtugon, Papaano mo nakuha ang iyong paningin?»

«Naipaliwanag ko na ito at ang mga taong ito ay napakinggan ako. Ang disipulo ng Jesus na iyon ay nagsabi sa akin kahapon: “Pumunta ka at gagawin kong mapagaling ka”. At pumunta ako. At naramdaman ko ang ilang putik na nilalagay dito at napakinggan ko ang isang tinig na nagsabi sa akin na pumunta sa sanaw ng Siloam at hugasan ang aking sarili. At ginawa ko ito at ngayon nakakakita ako.»

«Ngunit nalalaman mo ba kung sino ang nagpagaling sa iyo?»

«Siyempre alam ko! Si Jesus. Sinabi ko na sa inyo.»

«Ngunit nalalaman mo bang eksakto kung sino si Jesus?»

«Wala akong nalalaman. Ako ay isang mahirap at mangmang. At hanggang sa maikling panahon na nakaraan pa lamang ako ay bulag. Alam ko iyan. At alam ko na ako ay pinagaling Niya. At kung nagagawa Niya iyon, ang Diyos ay tiyak na kasama Niya.»

«Huwag maglapastangan! Ang Diyos ay hindi maaaring makasama ng mga hindi nangingilin sa araw ng Sabbath» sigaw ng ilan.

Ngunit si Jose at ang mga Pariseong sina Eleazar, Juan at Joachim ay nagwika: «Ni ang isang makasalanan ay hindi makagagawa ng mga kagila-gilalas na mga gawain na ganyan.»

«Pati ba kayo ay narahuyo na rin ng inalihan na taong iyon?»

«Hindi. Kami ay makatarungan. At sinasabi namin na kung ang Diyos ay hindi maaaring makasama ang mga nagtatrabaho sa Sabbath, ni hindi rin magagawa ng isang tao na makakita ang isang kapwa tao na pinanganak na bulag nang walang tulong ng Diyos» sabing kalmante ni Eleazar, at ang iba pa ay tumatango sa pagsang-ayon.

«Nakakalimutan ba ninyo ang tungkol sa dimonyo?» sigaw nang nayayamot ng may masasamang kaisipan na mga kaaway.

«Hindi ako makapaniwala, ni kayo maniniwala, na ang dimonyo ay baka gumawa ng isang gawain na makagagawa sa isa na purihin ang Panginoon» sabi ni Juan ang Pariseo.

«At sino ang pumupuri sa Kanya?»

«Ang binatang ito, ang kanyang mga kamag-anak, ang buong Ophel, at ako kasama sila, at kasama kop ang lahat na mga makatarungan at natatakot sa Diyos sa isang banal na paraan» tugon ni Jose.

Ang may mga masasamang-kaisipan, ngayon nakalantad upang tuyain, hindi malaman kung ano ang itututol, ay tinuligsa si Sidonia na ang palayaw ay Bartholmai: «Ano ang masasabi mo sa Kanya na nagbukas sa iyong mga mata?»

«Sa ganang akin Siya ay isang Propeta. At Siya ay mas dakila pa kaysa kay Elijah sa anak ng balo ng Zarephath. Sapagkat si Elijah ay ibinalik niya ang kaluluwa sa bata. Ngunit ang Jesus na ito ay ibinigay sa akin kung ano ang hindi kailanman nawala sa akin, sapagkat ako ay hindi kailanman nagkaroon nito: ang aking paningin. At kung ginawa Niya ang aking mga mata sa isang iglap sa pamamagitan ng wala, maliban sa kaunting putik, samantalang ang aking ina ay hindi nagawa ang mga ito sa loob ng siyam na buwan sa pamamagitan ng laman at dugo, Siya ay maaaring kasing dakila ng Diyos Na gumawa sa tao sa pamamagitan ng putik.»

«Lumayas ka! Lumayas ka! Ikaw na lapastangan. Sinungaling! Naparumi!» at pinaalis nila siya na tila siya ay isang inalihan.

«Ang lalaki ay nagsisinungaling. Hindi maaaring maging totoo iyan. Alam ng lahat na ang isang tao na pinanganak na bulag ay hindi kailanman mapapagaling. Ito ay maaaring isang katulad ni Bartholmai, at siya ay inihanda ng Nazarene... o... si Bartholmai ay hindi kailanman naging bulag.»

Nang mapakinggan ang ganitong nakapagtatakang pahayag si Jose ng Arimathea ay sumiklab: «Ito ay alam na mula pa noong mga araw ni Cain na ang poot ay bumubulag sa mga tao. Ngunit na nagagawa nito ang mga tao na maging tanga ay hindi pa nalalaman. Sa palagay ba ninyo na kapani-paniwala na ang isang tao ay mararating ang kagulangan ng edad na nagkukunwari na siya ay bulag, upang mahintay lamang ang... isang posible at napakalayong kanais-nais na pangyayari? O na ang mga magulang ni Bartholmai ay hindi nila kilala ang kanilang anak o sila ay nakikisama sa panlolokong ito?»

«Ang pera ay nagagawa ang lahat. At sila ay mahirap.»

«Ang Nazareno ay mas mahirap pa kaysa sa kanila.»

«Ikaw ay nagsisinungaling! Mga halaga na karapat-dapat sa isang Gobernador ng Persia ay dumaraan sa Kanyang mga kamay!»

«Ngunit hindi nagtatagal doon nang isang sandali. Ang perang iyon ay para sa mahihirap. Iyon ay ginagamit para sa mabuting pakay, hindi para sa pagsisinungaling.»

«Gaano mo Siya ipinagtatanggol! At ikaw ay isa sa mga Nakatatanda!»

«Tama si Jose. Ang katotohanan ay kailangan na masabi anuman ang katungkulan na hinahawakan ng isang tao» sabi ni Eleazar.

«Lakad at tawagin ulit ang bulag na lalaki. Magmadali at dalhin siya ritong muli. At gawin ang iba na pumunta sa kanyang mga magulang at dalhin sila rito» sigaw ni Helkai binubuksan ang pinto at nagbibigay ng mga utos sa ilang mga tao na naghihintay sa labas. At ang kanyang bunganga ay halos natatakpan ng bulâ, labis siyang nasasakal ng galit.

Ang ilang mga tao ay tumatakbo rito, ang ilang doon. Ang unang nakabalik ay si Sidonia na may palayaw na Bartholmai, na nagtataka at nayayamot. Itinulak nila siya sa isang sulok pinabantayan siya katulad ng isang pangkat ng mga aso na nakatitig sa isang mabibiktima... Pagkaraan, pagkatapos ng ilang mga sandali, ang kanyang mga magulang ay dumating pinalilibutan ng isang pulutong.

«Kayong dalawa pasok. Ang lahat na iba pa sa labas!»

Ang dalawa ay pumasok nagmumukhang natatakot.. Nakita nila ang kanilang anak sa sulok, di-sinaktan, ngunit arestado. Ang kanyang ina ay umuungol: «Anak! At ito ay dapat na maging isang masayang araw para sa atin!»

«Makinig sa amin. Ang lalaki bang iyon ay anak ninyo?» tanong ng mga Pariseo nang may kagaspangan.

«Siyempre siya ang aming anak! At sino siya kung ito ay hindi siya?»

«Kayo ba ay nakakatiyak?»

Ang ama’t ina ay labis na takang-taka sa tanong, na tiningnan nila ang isa’t isa bago tumugon.

«Tumugon sa aking tanong!»

«Nobleng Pariseo, sa palagay ba ninyo ang isang ama at isang ina ay maloloko tungkol sa kanilang anak?» sabi ng ama nang mapagpakumbaba.

«Ngunit... masusumpaan ba ninyo iyan... Oo, na walang pera ang sangkot sa pakiusap sa inyo na sabihin na ito ay ang inyong anak, samantalang siya ay isang katulad niya?»

«Pakiusap na sabihin? At sino? Sumpaan? Oo, sanlibong beses, sa ngalan ng altar at sa Ngalan ng Diyos, kung iyan ang gusto ninyo!» Ang kanyang paninindigan ay napakatatag na panghihinaan ng loob ang pinaka matigas-ang-ulo na tao

Ngunit ang mga Pariseo ay hindi pinanghihinaan ng loob! Sila ay nagtanong: «Ngunit hindi ba’t ang inyong anak ay pinanganak na bulag?»

«Oo, pinanganak siyang bulag. Ang kanyang mga talukap-mata ay sarado at walang laman sa ilalim ng mga ito...»

«Papaano na ngayon siya ay nakakakita, siya ay mayroong mga mata at ang kanyang mga talukap-mata ay bukas? Hindi ninyo sasabihin sa akin na ang mga mata ay tumutubo na lamang nang ganyan, katulad ng mga bulaklak sa tagsibol, at na ang talukap-mata ay nagbubukas na lamang ng katulad ng mga takupis ng isang bulaklak!..». sabi ng isa pang Pariseo tumatawang nanunuya.

«Alam namin na ang taong ito ay totoong amin nang anak sa loob ng tatlumpung taon at na siya ay pinanganak na bulag, ngunit hindi namin alam kung papaano siya ngayon nakakakita o kung sino ang nagbukas ng kanyang mga mata. Maging ano pa man, tanungin siya. Siya ay hindi isang tanga o isang maliit na bata. Siya ay may gulang na. Tanungin siya at sasabihin niya sa inyo.»

«Ikaw ay nagsisinungaling. Sa loob ng inyong bahay sinabi niya kung papaano siya napagaling at kung gawa nino. Bakit mo sinasabi na hindi mo alam?» sigaw ng isa sa dalawang lalaki na laging sumusunod sa bulag na lalaki.

«Kami ay labis na hindi makapagsalita sa pagtataka na hindi kami nakinig sa kanya» ang dalawa ay tumugon nang humihingi ng paumanhin.

Ang mga Pariseo ay binalingan si Sidonia na may palayaw na Bartholmai nagsasabing: «Halika rito. At magbigay ng kaluwalhatian sa Diyos, kung magagawa mo! Hindi mo nalalaman na Siya Na humipo sa iyong mga mata ay isang makasalanan? Hindi mo ba alam? Bueno, mas mabuting malaman mo. Sinasabi namin sa iyo sapagkat alam namin.»

«Sino ang nakakaalam! Mas mabuti pang ito ay ayon sa sinasabi ninyo. Hindi ko alam kung Siya ay isang makasalanan o hindi. Ang alam ko lang ay dati ako ay bulag, at ngayon nakakakita ako, at napakalinaw.»

«Ngunit ano ang Kanyang ginawa sa iyo? Papaano Niya binuksan ang iyong mga mata?»

«Nasabi ko na ito sa inyo at kayo ay hindi nakinig sa akin. Ngayon gusto ninyong mapakinggan itong muli? Bakit? Gusto ba ninyong maging Kanyang mga disipulo?»

«Gago! Maaari kang maging disipulo ng taong iyon. Kami ay ang mga disipulo ni Moses. At alam namin ang lahat tungkol kay Moses at na ang Diyos at nagsalita sa kanya. Ngunit ang tungkol sa taong ito wala kaming nalalaman, kung saan Siya nanggaling at kung sino Siya, at walang kahanga-hangang pangyayari ng Langit ang nagtuturo sa Kanya bilang isang propeta.

«At iyan nga lamang ang maganda! Na hindi ninyo nalalaman kung saan Siya nanggaling at sinasabi ninyo na walang kahanga-hangang pangyayari ang nagtuturo sa Kanya bilang isang makatarungang tao. Ngunit binuksan Niya ang aking mga mata at wala sa atin sa Israel ang kailanman nakagawa niyan, ni hindi ang pagmamahal ng isang ina at ang mga sakripisyo ng aking ama. Ngunit may isang bagay na nalalaman nating lahat, kapwa kayo at ako, ibig sabihin, na ang Diyos ay hindi nakikinig sa mga makasalanan, bagkus tanging sa mga may takot sa Diyos at sa mga gumagawa ng Kanyang kalooban. Wala sa alin mang lugar sa mundo na napakinggan kailanman na may sinuman na nakapagbukas ng mga mata ng isang tao na pinanganak na bulag, ngunit ang Jesus na ito ay nagawa iyan. Kung Siya ay hindi nanggaling sa Diyos, hindi Niya sana nagawa iyon.»

«Ikaw ay pinanganak na isang makasalanan nang lampas-lampasan at ikaw ay kasing nawala-sa-porma sa iyong espiritu katulad na ikaw ay sa iyong katawan at mas lalo pa, at nagkukunwari ka na turuan kami? Lumayas ka, isinumpang aborsyon at maging isang dimonyo katulad ng iyong tagasulsol. Lumayas ka, lahat kayo, tangang makasalanan na populasyon!» at pinaalis nila ang anak, ama at ina, na tila sila ay tatlong mga ketongin.

Ang tatlo ay umalis nang mabilis, sinusundan ng kanilang mga kaibigan. Ngunit nang siya ay nasa labas na ng bakuran, si Sidonia ay tumalikod at nagsabi: «At makapananatili kayo kung nasaan kayo, at sabihin ang gusto ninyo. Ang katotohanan ay na ako ay nakakakita at pinupuri ko ang Diyos para dito. Maaaring kayo ay mga dimonyo, hindi ang Mabuting Isa Na nagpagaling sa akin.»

«Manahimik, anak! Manahimik! Baka makasama sa atin ito!...» ungol ng kanyang ina.

«O! inay! Ang inyo bang kaluluwa ay nalason ng hangin sa loob ng bulwagan na iyon, dahil madalas ninyong ituro sa akin na papurihan ang Diyos sa aking kasawiang-palad, at ngayon hindi ninyo Siya mapasalamatan sa ating lugod at natatakot kayo ng mga tao? Kung ako at kayo ay minahal ng Diyos nang labis na tayo ay pinagkalooban ng himala, hindi ba Niya tayo maipagtatanggol sa ilan na mga tao?»

«Tama ang ating anak, babae. Tayo na sa ating sinagoga upang papurihan ang Panginoon, sa dahilan na tayo ay pinalayas sa Templo. At tayo ay pumunta kaagad bagong matapos ang Sabbath...»

At binibilisan ang kanilang mga paghakbang sila ay nawala sa paningin sa mga daanan sa lambak.

041011/012913

 


Sunod na kabanata