509. Sa Nob. Si Judas ng Kerioth Nagsisinungaling.

Oktubre 11, 1946.

Si Jesus ay nasa Nob at maaaring kararating pa lamang Niya doon dahil gumagawa Siya ng pagsasaayos, hinati-hati Niya ang labindalawang mga apostol sa tatlong grupo ng apat na tao bawat grupo, upang ipadala sa mga bahay. Pinananatili Niya sa Kanyang sarili sina Pedro, Juan, Judas ng Kerioth at Simon Zealot, habang si Santiago ni Zebedeo ay ang ulo ng grupo na kinabibilangan ni Mateo, Judas ni Alfeo at ni Felipe, at si Bartolomeo ay inilagay bilang ulo ng ikatlong grupo kasama si Santiago ni Alfeo, Andres at Tomas.

«Pagkatapos ng hapunan pupunta kayo kung saan kayo binigyan ng pagtanggap, at babalik kayo rito sa umaga, at sasabihin Ko sa inyo kung ano ang dapat ninyong gawin. Tayong lahat ay magkakasama sa mga oras ng pagkain. Alalahanin kung ano ang Aking sinabi sa inyo nang maraming beses: na kailangan na ituro ninyo ang Aking Doktrina sa pamamagitan din ng inyong pamamaraan ng pamumuhay, sa pamamaraan ng inyong pamumuhay nang magkakasama at kasama ang mga tumatanggap sa inyo sa kanilang mga bahay. Kung kaya't maging matino, matiyaga, matapat sa pagsasalita, sa pagkilos, sa pagtingin, upang ang katarungan ay lumabas mula sa inyo katulad ng isang pabango. Nalalaman ninyo kung gaano ang mga mata ng mundo nakatingin sa atin, upang siraan ang ating pagkatao o upang pag-aralan tayo at dala din ng pagpipitagan. Ngunit ang mga nagbibigay-galang sa atin ay ang pinaka kaunti sa maraming mga mata na nakatingin sa atin. gayunpaman kailangan na pangalagaan natin nang husto ang kakaunting iyan, sapagkat ang pagsusuri ng mundo ay nakatuon sa kanilang pananampalataya upang bugbugin ito, at ang lahat ay nagsisilbi bilang isang armas upang sirain ang pagmamahal ng mabubuting tao para sa Akin at  kung gayon sa inyo. Kung kaya't huwag maging katulong ng mundo sa pamamagitan ng isang pamumuhay na di-banal at huwag dagdagan ang pabigat ng mga kailangan na ipagtanggol nila ang kanilang pananampalataya laban sa mga patibong ng Aking mga kalaban sa pag-iskandalo sa kanila. Ang iskandalo ay nagpapalito sa mga kaluluwa, napalalayo sa kanila, nagpapahina sa kanila. Kapahamakan sa isang apostol na nag-iiskandalo sa mga kaluluwa. Siya ay nagkakasala laban sa kanyang Guro at laban sa kanyang kapwa, laban sa Diyos at sa kawan ng Diyos. Pinagkakatiwalaan Ko kayo. Tiyakin na ang Aking kapighatian, na napakalalim na, ay hindi na madaragdagan ng mas marami pang kapighatian na manggagaling sa inyo.»

«Huwag matakot, Guro. Walang kapighatian ang magagawa sa Inyo  mula sa amin, maliban na kaming lahat ay mailigaw ni Satanas» sabi ni Bartolomeo.

Si Anastasica, na nasa kusina kasama si Eliza, ay pumasok at nagsabi: «Handa na ang hapunan, Guro. Halina Kayo sa ibaba habang mainit pa ang pagkain. Mapasisigla Ninyo ang Inyong Sarili.»

«Tayo na.» At si Jesus ay tumayo sinusundan ang babae pababa sa maliit na hagdanan na mula sa mas mataas na silid, kung saan ang ilang mga kama ay naihanda na, ay patungo sa maliit na pangkusinang-hardin. Pagkatapos Kanyang pinasok ang kusina, na nagagawang kaaya-aya sa pamamagitan ng isang masiglang apoy.

Ang matandang si Juan ay malapit sa tabi ng apoy kasama si Eliza na abalá sa pag-asikaso sa pagkain at tumalikod upang tingnan nang may isang makainang ngiti si Jesus Na pumapasok. Pagkatapos siya ay nagmadali upang ibuhos sa isang mangkok na may takip ang trigo o barley na niluto sa gatas, na akin nang nakita na inihain ni Maria ni Alfeo sa Nazareth bago ang pag-alis ni Juan at ni Sintike.

«Bueno. Lagi kong naaalaala na sinabi sa akin ni Maria ni Alfeo na gusto Ninyo ito. At itinabi ko ang pinaka magandang pulot upang ihanda rin iyan para kay Marjiam... Nalulungkot ako na ang bata ay hindi pumunta...»

«Kinukupkop siya ni Nike kasama si Isaac, dahil sila ay aalis bukas pagsikat ng araw, at sinasamantala niya ang bagon hanggang sa Jericho upang gawin ang misyon na nalalaman mo rin...»

«Aling misyon, Guro?» tanong ng Iskariote nang may interes.

«Isang napaka pambabaeng misyon. Upang magpalaki ng isang sanggol. Ngunit ang sanggol ay hindi nangangailangan ng gatas, bagkus pananampalataya, sapagkat siya ay isang sanggol sa espiritu. Ngunit ang isang babae ay laging isang ina, at alam niya kung papaano gawin ang mga bagay na ganyan. At minsan kanyang naintindihan!... Siya ay kasing galing ng isang lalaki, sa pamamagitan ng kanyang maternal na kabaitan bilang karagdagan.»

«Gaano Kayo kabait sa amin, Guro!» sabi ni Eliza tinitingnan si Jesus nang napaka mapagmahal na tila hinahaplos niya Siya.

«Ako ay makatotoo, Eliza. Tayong mga tao ng Israel, at tayo ay hindi nag-iisa, ay nasanay na tingnan at isipin ang babae bilang isang mas mababang nilalang. Hindi. Kung siya ay napa-iilalim sa lalaki, na siyang makatarungan, kung siya ay nahampas nang mas grabe ng kaparusahan para sa kasalanan ni Eba, kung ang kanyang misyon ay naitadhana na gawin sa pagitan ng mga belo at sa loob ng malabong liwanag, nang walang kapansin-pansin na mga gawain o mga salita, kung ang lahat ay nangyayari sa loob niya na tila ito ay iniinis ng isang kurtina, siya ay hindi mas kulang sa lakas o mas kulang sa kakayahan kaysa sa mga lalaki. At sasabihin Ko sa iyo na ang sitwasyon ng mga babae ay malapit nang magbago hinggil sa mga kaugalian at hinggil na rin sa maraming iba pang mga bagay. At ito ay magiging makatarungan sapagkat ang isang Babae ay makakakuha ng grasya at katubusan lalo na para sa mga babae katulad ng Aking gagawin para sa lahat ng mga lalaki.»

«Isang babae? At papaano Ninyo maaasahan ang isang babae na makatubos?» wika ni Judas ng Kerioth nang may nanunuyang tawa.

«Sasabihin Ko sa iyong totoo na Siya ay nanunubos na. Nalalaman mo ba kung ano ang ibig sabihin ng manubos?»

«Siyempre alam ko. Ito ay ang ma-ialis mula sa Kasalanan.»

«Oo, ngunit ang ma-ialis sa Kasalanan ay hindi labis na makakatulong, sapagkat ang Kalaban ay eternal at siya ay maglalatag ng mga patibong muli. Ngunit ang isang tinig ay dumating mula sa Makalupang Paraiso, ang Tinig ng Diyos, nagsasabing: “Gagawa Ako ng pagkasuklam sa pagitan mo at ng Babae... Dudurugin Niya ang iyong ulo at maglalatag ka ng mga bitag para sa Kanyang sakong”. Walang iba bagkus mga bitag, sapagkat ang Babae ay magkakaroon, mayroon Siya nito sa Kanyang sarili, ng kung ano ang makakatalo sa Kaaway. Siya ay matagal nang nanunubos mula pa nang Siya ay nabuhay. Isang aktibo, bagama't nakatagong panunubos. Ngunit malapit na Siyang makita sa presensya ng mundo, at ang mga babae ay mapapalakas sa Kanya.»

«Na Kayo ay nanunubos... iyan ay walang problema. Ngunit ang isang babae na makagagawa... Hindi ko matatanggap iyan, Guro.»

«Hindi mo ba naaalaala si Tobit? Ang kanyang himno?»

«Oo. Ngunit ito ay hinggil sa Herusalem.»

«Ang Herusalem ba ay isa pa ring Tabernakulo kung saan naroroon ang Diyos? Ang Diyos ba mula sa Kanyang kaluwalhatian ay maaaring mapagawi sa mga kasalanan na ginagawa sa loob ng mga pader ng Templo? Isa pang Tabernakulo ang kinakailangan, isang banal na Tabernakulo, upang maging isang tala na magpapasunod sa mga nagkakamaling mga tao pabalik sa Kataastaasan. At iyan ay mangyayari sa Kapwa-Manunubos Na sa buong panahon ay magbubunyi sa pagiging ang Ina ng natubos. “Ikaw ay sisinag nang may maningning na liwanag. Ang lahat na mga tao sa Lupa ay magpapatirapa sa harapan Mo. Ang mga nasyon ay pupunta sa Iyo mula sa malayo magdadala ng mga regalo at sasambahin ang Panginoon sa Iyo... Pananawagan nila ang Iyong pangalan... Ang mga hindi makikinig sa Iyo ay makakabilang sa mga isinumpa, at pinagpala ang mga mag-iipun-ipon sa paligid Mo... Magiging masaya Ka sa Iyong mga anak sapagkat sila ang magiging mga pinagpalang mga anak na inipon malapit sa Panginoon”. Ang totoong himno ng Kapwa-Manunubos. At ang mga anghel na nakakakita ay umaawit na sa Langit... Ang bagong makalangit na Herusalem ay nagsisimula sa Kanya. O! Oo, iyan ang katotohanan. At ang mundo ay walang nalalaman tungkol sa Kanya. At ang nalalabuan-na-isip ng mga rabbi ng Israel ay hindi Siya nakikilala...» Si Jesus ay nakalubog sa Kanyang mga naiisip...

«Ngunit sino ba ang Kanyang sinasabi?» ang Iskariote ay tinatanong si Felipe na nasa tabi niya.

Bago makatugon ang huli, si Eliza, na naglalagay ng ilang mga keso at maiitim na olibo sa mesa, ay nagsabi nang kung baga ay may-kagaspangan: «Siya ay nagsasalita ng tungkol sa Kanyang Ina. Hindi mo ba naiintindihan iyon?»

«Hindi ko kailanman nalaman na Siya ay binanggit ng mga propeta bilang isang martir... Tanging ang Manunubos lamang ang nababanggit, at...»

«At sa iyo bang palagay ang naririyan lamang ay ang pagpapahirap sa laman? At hindi mo ba nalalaman na iyan ay wala, para sa isang ina, kompara sa pagpapahirap ng nakikita ang kanyang anak na namamatay? Ang iyo bang isip – hindi ako nagsasalita ng tungkol sa iyong puso, dahil hindi ko nalalaman kung para sa ano iyan tumitibok katulad na ang iyong isip ay tumatrabaho, na iyong masyadong ipinagmamalaki, ay hindi nagsasabi sa iyo na paghihirapan ng isang ina ang pagpapahirap at kamatayan nang sampung beses, kaysa marinig ang kanyang anak na umungol? Mamâ, ikaw ay isang lalaki at ikaw ay may pinag-aralan. Ako ay isang lamang babae at isang ina. Ngunit sasabihin ko sa iyo na ikaw ay mas mangmang pa kaysa sa akin, sapagkat ni hindi  mo nalalaman ang puso ng isang ina...»

«O! Ako ay iyong sinasaktan!»

«Hindi. Ako ay matanda na at binibigyan kita ng isang payo. Gawin na ang iyong puso ay maging marunong at maiiwasan mo ang mga luha at kaparusahan. Gawin mo iyan, kung magagawa.»

Ang mga apostol, lalo na sina Judas ni Alfeo, si Santiago ni Zebedeo, si Bartolomeo at ang Zealot, ay nagkakatinginan nang patago nang patagilid, at iniyuyuko ang kanilang mga ulo upang maitago ang nang-uuyam na mga ngiti na lumalabas sa kanilang mga labì, dahil sa prangkong mga salita ni Eliza sa apostol na ang akala siya ay perpekto. Si Jesus, nakalubog pa rin sa Kanyang mga naiisip, ay walang napapakinggan na kahit ano.

Si Eliza ay kinakausap si Anastasica nagsasabing: Halika, habang tinatapos nila ang kanilang pagkain maghanda tayo ng dalawa pang kama, sapagkat ang tatlo ay hindi sasapat» at siya ay nasa punto na ng pagpunta sa labas.

«Eliza, kayo ay tiyak na hindi ninyo ibibigay sa amin ang inyong mga kama!» bulalas ni Pedro. «Iyan ay hindi tama. Si Juan at ako ay makahihiga sa mga tabla. Sanay kami diyan.»

«Hindi, Simon. May mga kahoy na nakahambalang at mga banig. Naitabi ang mga ito. Ilalagay namin ang mga iyan sa ibabaw ng mga patungan.» At siya ay lumabas kasama ang isa pang babae.

Ang mga apostol, mga pagod katulad nila, ay halos naiidlip na sa init ng kusina. Si Jesus ay nag-iisip, ang Kanyang siko nakapatong sa mesa, ang Kanyang ulo nakapatong sa Kanyang kamay.

Nagkaroon ng pagkatok sa pinto. Si Tomas, bilang siyang pinakamalapit dito, ay tumayo upang magbukas at siya ay bumulalas: «Ikaw, Jose?! At kasama si Nicodemus?! Pasok! Pasok!»

«Kapayapaan sa Inyo, Guro, at sa lahat sa loob ng bahay. Kami ay papunta sa Ramah, Guro; Si  Nicodemus ay inanyayahan kami doon. Dahil dumaraan kami rito, sinabi namin: «Tayo ay tumigil at batiin ang Guro”.  Nananabik kaming malaman kung... Kayo ay inabala muli, dahil sila ay pumunta naghahanap para sa Inyo sa bahay ni Jose. Sa katunayan, hinahanap nila Kayo kahit saan, pagkatapos na mapagaling Ninyo ang bulag na lalaki. Hindi nga sila naglakad na palabas ng mga pader, iyan ay totoo. Hindi sila gumalaw ng kahit isang upuan, upang maiwasan na malabag ang Sabbath, at sa ganoon iniisip nila na sila ay puro. Ngunit upang hanapin Kayo, upang sundan si Bartholmai, o! masyado silang lumampas sa limitasyon!»

«Papaano nila nalaman kung ang Guro ay walang ginawa kahit ano sa kalsada?» tanong ni Mateo.

«Totoo, ni hindi namin nalaman kung siya ay napagaling. Pumunta kami sa sinagoga at pagkatapos upang magpaalam kay Nike, kay Isaac at kay Marjiam, na mga titigil sa bahay niya. Pagkatapos, pagkaraan ng paglubog-ng-araw, kami ay pumunta nang tuwiran dito» sabi ni Pedro.

«Hindi ninyo nalaman. Ngunit ang mga mensahero ng mg Pariseo ay nalaman. Hindi ninyo nakita. Ngunit nakita ko. Ang dalawa sa kanila ay naroroon nang ang Guro ay hinipo ang mga mata ng bulag na tao. Matagal na mga oras na silang naghihintay.»

«Bakit?» tanong ni Judas ng Kerioth nang may inosenteng tingin.

«Ako ba ay tinatanong mo?»

«Iyan ay kakaiba, iyan kung bakit tinatanong kita.»

«Mas lalo pa ngang kakaiba na matagal-tagal nang laging may mga espiya saan man mapunta ang Guro.»

«Ang mga buwitre ay pumupunta kung saan naroroon ang biktima at ang mga lobo ay nilalapitan ang mga kawan.»

«At ang mga magnanakaw kung saan ang kanilang mga kasabwat ay nagsasabi na may isang karabana. Tama ka.»

«Ano ang ibig mong palabasin?»

«Wala. Kinukumpleto ko ang iyong salawikain ginagamit ito sa mga tao. Sapagkat si Jesus ay isang tao; at ang mga tao ay ang siyang naglalatag ng mga patibong para sa Kanya.»

«Sabihin sa amin, Jose, sabihin sa amin...» marami sa kanila ang nagsasabi.

«Kung gugustuhin ng Guro, ako ay nagpunta upang sabihin sa inyo.»

«Magsalita» sabi ni Jesus.

At si Jose ay sinabi nang madetalye kung ano ang kanyang napuna, nagiging tahimik, gayunman, tungkol sa isang partikular, na si Judas ang nagsabi sa bulag na lalaki kung saan si Jesus nanunuluyan.

Ang mga komentaryo ay sari-sari, mapaghinanakit, mapamighati, depende sa mga puso, at si Judas ng Kerioth ay ang pinaka (tila) apektado at balisa, siya ay laban sa lahat at lalo na sa walang kahinahunan na bulag na lalaki, na pumunta at inilagay ang sarili sa dadaanan ni Jesus sa Sabbath, nagtitiwala sa kilalang-kilalang kabaitan ng Guro...

«O ikaw ito na nagturo sa lalaki sa Kanya malapit sa iyo at napakinggan ko» sabi ni Felipe puno ng pagkamangha.

«Ang magturo ay hindi ibig sabihin magbigay ng utos na gumawa ng isang bagay.»

«O! nakatitiyak ako, katulad na nakatitiyak din ako na hindi mo pangangahasan na utusan ang Guro na trumabaho...» sabi ni Tadeo.

«Ako? Malayo diyan. Itinuro ko siya para lamang humingi ng kalinawan.»

«Oo. Ngunit ang pagtuturo ay kung minsan isang paanyaya upang kumilos. At iyan ang ginawa mo» tugon ni Tadeo.

«Iyan ang sinasabi mo, ngunit iyan ay hindi totoo» pamimilit ni Judas nang may kabastusan.

«Hindi ba iyon totoo? Nakatitiyak ka bang talaga? Nakatitiyak katulad na ikaw ay buháy, na hindi ka kailanman nagsalita sa bulag na lalaki tungkol kay Jesus, na hindi mo siya na impluwensyahan na lumapit kay Jesus, at, ang mahigit pa, na hindi mo siya hinikayat na gawin ito kaagad, bago si Jesus umalis ng bayan?» tanong ni Jose ng Arimathea.

«Siyempre nakatitiyak ako. Sino kaya kailanman ang nagsalita sa lalaking iyon? Ako ay tiyak na hindi. Lagi kong kasama ang Guro, araw at gabi, at kapag ako ay hindi Niya kasama, kasama ko ang aking mga kasamahan...»

«Akala ko ginawa mo iyan kahapon, nang ikaw ay umalis kasama ang mga babae» sabi ni Bartolomeo.

«Kahapon! Ako ay umalis at bumalik kasing bilis ng isang langaylangayan. Papaano ko mahahanap ang bulag na lalaki, makita siya at magsalita sa kanya sa ganyan kaikling panahon?»

«Maaaring nasalubong mo siya...»

«Hindi ko kailanman siya nakita!»

«Kung gayon ang lalaking iyon ay isang sinungaling sapagkat sinabi niya na sinabi mo sa kanya na pumunta, at kung saan at ano ang kailangan na gawin; at tiniyak mo sa kanya na si Jesus ay pakikinggan ka at...» sabi ni Jose ng Arimathea.

Si Judas ay pinutol siya nang marahas: «Iyan ay sapat na! Karapat-dapat siyang bulagin muli para sa lahat ng kasinungalingan na sinasabi niya! Ito ay maisusumpa ko sa Santuwaryo, kilala ko lamang siya sa tingin, at hindi ako kailanman nagsalita sa kanya.»

«Oo, iyan ay totoong sapat na. Ang iyong kaluluwa ay nasa maayos, Judas ng Kerioth, na hindi natatakot sa Diyos sapagkat nalalaman mo na ang iyong aksiyon ay banal. Ikaw... masayang tao na walang kinatatakutan» sabi ni Jose sa kanya, tinitingnan siya nang mahigpit, nang may nanunuring mga mata.

«Hindi, ako ay hindi natatakot, sapagkat wala akong kasalanan.»

«Lahat tayo ay nagkakasala. At hindi napakasamâ kung tayo ay magsisisi pagkatapos ng ating unang mga pagkakasala, at hindi natin ito dinaragdagan sa bilang at kasamaan!» sabi ni Nicodemus na hindi kailanman nagsalita magpahanggang ngayon. Pagkatapos kanyang kinakausap ang Guro nagsasabing: «Nakalulungkot na si Jose ng Sephoris ay binabantaan na pagbawalan sa sinagoga, kung bibigyan ka niya ng pag-aruga muli at si Bartholmai ay pinagbawalan nang pumasok sa sinagoga. Siya ay pumunta roon kasama ang kanyang ama’t ina; ngunit ang mga Pariseo ay naghihintay sa kanya sa sinagoga, hindi nila siya pinayagan na makapasok at sumigaw sila ng anathema sa kanya.»

«Iyan ay labis-labis! Hanggang kailanman, o Panginoon...» sigaw ng marami.

«Kapayapaan! Kapayapaan! Iyan ay walang anuman. Si Bartholmai ay patungo na sa Kaharian.  Kung kaya't ano ang nawala sa kanya? Siya ay nasa Liwanag. Kung gayon siya ba ay hindi isang anak ng Diyos nang mahigit pa kaysa siya dati? O! huwag ikalito ang mga kahalagahan. Kapayapaan! Kapayapaan! Hindi na rin tayo pupunta sa bahay ni Jose... Nalulungkot Ako na alam na Isaac na dadalhin niya ang Aking Ina at si Maria ni Alfeo doon... Ngunit iyon ay para lamang sana sa kaunting mga oras, sapagkat may isang nakagawa na ng kung ano ang kinakailangan.» Bilangin Niya si Juan ng Nob at nagsabi: «Ama, natatakot ba kayo ng Sanhedrin? Nakikita ninyo kung ano ang mawawala sa pagbibigay ng pag=aruga sa Anak ng tao... Kayo ay matanda na. Kayo ay isang tapat na Israelita. Maaari kayong palayasin sa sinagoga sa inyo huling mga Sabbath. Mahaharap ba ninyo iyan? Magsalita nang prangko, at kung kayo ay natatakot, Ako ay aalis. Maaaring may lungga pa sa mga bundok sa Israel para sa Anak ng Diyos...»

«Ako, Panginoon? Ngunit kanino ako dapat matakot bagkus sa Diyos? Hindi ko kinatatakutan ang bunganga ng sepulkro, sa kabaligtaran tinitingnan ko ito bilang isang mapagkaibigan na bagay.  At kailangan ko bang matakot sa mga bunganga ng mga tao? Matatakot lamang ako sa hukom ng Diyos, kung dahil sa takot sa mga tao, palalayasin ko si Jesus, ang Kristo ng Diyos!»

«O sige. Kayo ay isang makatarungan na tao... Ako ay mananatili rito... kapag Ako ay wala sa kalapit na mga nayon, katulad ng balak Ko ulit na gawin.»

«Halikayo sa Ramah, sa aking bahay, Panginoon» sabi ni Nicodemus.

«At kung iyan ay makasamà sa iyo?»

«Hindi ba’t inaanyayahan Kayo ng mga Pariseo nang may masasamang intensiyon? Hindi ko ba magagawa ito upang pag-aralan ang Inyong puso?»

«Oo, Guro. Tayo ay pumunta sa Ramah. Ang aking ama ay magiging napakasaya, kung siya ay nasa bahay. At kung siya ay wala roon, katulad ng madalas, matatagpuan niya ang Inyong pagpapalà kapag siya ay makabalik» sabi ni Tomas nang nangungusap.

«Pupunta tayo sa Ramah, bilang ang unang lugar. Bukas...»

«Guro, kami ay aalis na. Ang aming mga sásakyan ay nasa labas at makakarating kami sa Ramah sa katapusan ng ikalawang pagbabantay. Ang mga daan ay maputi sa loob ng liwanag ng buwan na tila ang isang maputlang araw ay sumisikat sa mga ito. Paalam, Guro. Ang kapayapaan ay sumainyo» sabi ni Nicodemus.

«Kapayapaan sa Inyo, Guro... at pakinggan ang isang mabuting kapiraso ng payo mula kay Jose ang Nakatatanda. Maging medyo tuso. Tumingin Kayo sa paligid Ninyo. Buksan ang Inyong mga mata at panatilihing sarado ang Inyong mga labì. Kumilos, ngunit huwag sabihin bago pa man kung ano ang Inyong gagawin... At huwag pumunta sa Herusalem nang matagal-tagal, at kung Kayo ay pupunta, huwag tumigil sa Templo maliban para sa oras na kinakailangan upang magdasal. Naiintindihan ba Ninyo ako? Paalam, Guro. Kapayapaan sa Inyo.» si Jose ay labis na idiniin ang mga salitang aking nilagyan ng tanda, at habang sinasabi ang mga ito siya ay labis na tumititig kay Jesus. Ang kanyang pinaka mata ay isang babala.

Sila ay lumabas patungo sa maliit na pangkusinang-hardin, maputi sa liwanag ng buwan. Kinalagan nila ang dalawang malalakas na asno, na itinali sa katawan ng isang puno ng walnut, sila ay sumakay at umalis dumaraan sa nag-iisang maputing daan...

Si Jesus ay bumalik sa kusina kasama ang Kanyang mga apostol.

«Ngunit ano ang kanyang ibig sabihin, matapos ang lahat?»

«At papaano nalaman ng mga Pariseo?»

«Ano ang kanilang gagawin kay Jose ng Sephoris?»

«Wala. Mga salita lamang. Walang iba bagkus mga salita lamang. Kalimutan ang tungkol diyan. Iyan ay tapos na at wala ng kahit anong konsekwensiya. Tayo na. Bigkasin natin ang ating panalangin at maghiwalay para sa gabi. “Ama namin..”»

Pinagpapala Niya sila. Tinitingnan Niya silang umaalis, pagkatapos kasama ang apat na Kanyang pinananatili, umakyat Siya sa silid kung saan ang mga kama ay naroroon.

091011

 

 


Sunod na kabanata