51. Si Judas Tadeo sa Bethsaida Upang Anyayahan si Jesus sa Kasalan sa Cana. 

Oktubre 17, 1944.

¹Nakikita ko ang kusina sa bahay ni Pedro. Karagdagan kay Jesus, ay naroroon si Pedro at ang kanyang asawa, si Santiago at si Juan. Sa palagay ko katatapos pa lamang nilang kumain ng hapunan. Sila ay nagsasalita, at si Jesus ay nagka-interes sa pangingisda.

Si Andres ay pumasok at nagsabi: « Guro, naririto ang tao na sa kaninong bahay Kayo ay nakatira, may kasamang isa pang lalaki na nagsasabi na siya ay Inyong pinsan.»

Si Jesus ay tumayo at pumunta patungo sa pintuan nagsasabing: «Papasukin sila.» At noong makita Niya si Judas Tadeo  sa liwanag ng lampara ng langis at ng paapuyan, Siya ay bumulalas: «Ikaw, Judas?!»

«Oo, Jesus.» Sila ay nagpalitan ng halik.

Si Judas ay isang magandang lalaki, nasa kaganapan ng kanyang pagkalalaki. Siya ay matangkad, bagamat hindi masyadong kasing tangkad ni Jesus, maayos ang pangangatawan at malakas, ng madilim na kulay-kapeng kutis, katulad ni San Jose noong bata pa, ngunit hindi manilaw-nilaw: ang kanyang mga mata ay may isang bagay na nakakapareho ng kay Jesus, sapagkat sila ay asul, nakararating sa periwinkle. Ang kanyang kulay-kapeng balbas ay kudrado ang tabas, ang kanyang buhok ay alun-alon, ngunit hindi masyado katulad ng kay Jesus, at kapareho ang kulay ng kanyang balbas.

«Ako ay nanggaling sa Capernaum, nakarating ako roon sa pamamagitan ng bangka at pumunta ako rito sa bangka rin na iyon upang makalamang sa oras. Ang Iyong Ina ay pinadala ako; sinabi Niya: “Si Susanna ay magpapakasal bukas, pakiusap na pumunta sa kasalan”. Si Maria ay pupunta roon, at ang akin ding ina at mga kapatid. Ang lahat na mga kamag-anak ay inanyayahan. Ikaw lamang ang tanging mawawala, at hinihiling nila sa Iyo na pumunta Ka at gawin ang bata-pang magkapareha na masaya.»

²Si Jesus ay mahinang iniyuko ang Kanyang ulo inuunat ang Kanyang mga kamay at nagsabi: «Ang isang hiling ng Aking Ina ay isang batas para sa Akin. Ngunit pupunta rin Ako para kay Susanna at sa ating mga kamag-anak. Kaya lang, nalulungkot Ako para sa inyo...» At tinitingnan Niya si Pedro at ang iba pa. «Sila ay Aking mga kaibigan» pinaliliwanag Niya sa Kanyang pinsan. Pagkatapos binabanggit Niya ang kanilang mga pangalan, simula sa pangalan ni Pedro. Pagkatapos Kanyang dinagdag: «At ito ay si Juan» nang may isang espesyal na ekspresyon na nagawa si Judas na tingnan nang mabuti si Juan habang namumula ang minamahal na disipulo. Tinatapos Niya ang introduksiyon nagsasabing: «Aking mga kaibigan, ito ay si Judas, anak ni Alfeo, Aking pinsan ayon sa kaugalian ng mundo, siya ang anak ng kapatid ng asawa ng Aking Ina. Isang napakabuting kaibigan Ko, at isang kasa-kasama sa buhay at sa trabaho.»

«Ang aking bahay ay bukás sa iyo katulad na ito ay bukás sa Guro. Maupo» at pagkatapos kinakausap si Jesus, sinabi ni Pedro: «Kung gayon? Hindi na ba kami pupunta sa Herusalem kasama Kayo?»

«Siyempre kayo ay pupunta, pupunta Ako pagkatapos ng kapistahan ng kasalan. Ang tanging pagkakaiba lamang ay hindi na Ako dadaan pa sa Nazareth.» 

«Tamang-tama, Jesus, sapagkat ang Iyong Ina ay aking panauhin sa loob ng kaunting mga araw. Iyan ang balak naming gawin. Siya ay pupunta rin doon pagkatapos ng kasalan.» Ito ay ang mamâ mula sa Capernaum ang nagsasalita nang gayon.

«Ganito ang ating gagawin. Sasama na Ako ngayon sa bangka ni Judas patungo sa Tiberias at magmula roon patungo sa Cana. Sa pamamagitan ng bangka pa rin na iyon babalik Ako patungo sa Capernaum kasama ang Aking Ina, at kayo¹. Darating kayo² sa ika-anim na araw pagkatapos ng  Sabbath, Simon, kung ibig pa rin ninyong sumama, at pupunta tayo sa Herusalem para sa Paskuwa.»

«Siyempre, gusto kong sumama! Hindi, bagkus, pupunta ako sa Sabbath upang pakinggan Kayo sa sinagoga.»

³«Ikaw ba ay nagtuturo na, Jesus?» tanong ni Tadeo.

«Oo, Aking pinsan.»

«At kailangan na mapakinggan mo ang Kanyang mga salita! Ah! Walang sino pa man na iba ang makapagsasalita nang katulad Niya!» bulalas ni Pedro.

Si Judas ay nagbubuntung-hininga. Na ang kanyang ulo nakapatong sa kanyang kamay, ang kanyang siko nakatukod sa kanyang tuhod, tinitingnan niya si Jesus at nagbubuntung-hininga. Tila nananabik siyang magsalita ngunit hindi siya naglalakas-loob.

Si Jesus ay pinagiginhawahan siya: «Ano ang nangyayari, Judas? Bakit mo Ako tinitingnan at nagbubuntung-hininga?»

«Wala.»

«Hindi. Iyan ay maaaring sang bagay. Ako ba kaya ay hindi na ang Jesus na dati mong minamahal? Mula kung Kanino ikaw ay walang mga nililihim?»

«Siyempre Ikaw!  At gaano Kita hinahanap-hanap, Ikaw ang Guro ng Iyong nakatatandang pinsan...»

«Bueno, kung gayon! Magsalita.» 

«Gusto kong sabihin sa Iyo...  Jesus... mag-ingat... Ikaw ay may isang Ina... wala Siyang iba bagkus Ikaw... Gusto Mong maging isang “rabbi” na iba sa iba at nalalaman mo, nang higit pa sa nalalalaman ko, na ang malalakas na kasta ay hindi pinahihintulutan ang kahit anong naiiba sa kinaugalian na mga batas na kanilang naibigay. Nalalalaman ko ang Iyong pág-iisip... iyan ay isang banal na pág-iisip... Ngunit ang mundo ay hindi banal... at sinisiil nito ang mga santo... Jesus... nalalaman mo ang kapalaran ng Iyong pinsan na si Juan Bautista...Siya ay nasa kulungan, at kung siya ay hindi patay, ito ay dahil sa ang masamang Tetrarka ay natatakot sa mga pulutong at sa galit ng Diyos. Kasing samâ at mapamahiin katulad na malupit at mahalay... Ikaw... ano ang Iyong gagawin? Sa anong kapalaran Mo nilalantad ang Iyong Sarili?»

«Judas, alam-na-alam mo ang pamamaraan ng Aking pág-iisíp, at iyan ang tinatanong mo sa Akin? Ikaw ba ay nagsasalita sa ganang iyong pagkukusa? Hindi, huwag magsinungaling! May nagpadala sa iyo, tiyak na hindi ang Aking Ina, upang sabihin sa Akin ang mga bagay na iyan...»

Si Judas ay itinungo ang kanyang ulo at naging tahimik.

«Magsalita, pinsan.»

«Ang aking ama... at si Jose at si Simon kasama siya... Alam Mo, para sa kapakanan Mo, sapagkat minamahal Ka nila at ni Maria...  Huwag Mong paboran ang binabalak Mong gawin... at ... at gusto nilang isipin Mo ang Iyong Ina...»

⁴«At ano sa palagay mo?»

«Ako... Ako...»

«Ikaw ay hinihila sa kasalungat na direksiyon ng mga tinig na nanggagaling sa Itaas at ng nanggagaling sa mundo. Hindi Ko sinasabi na mula sa ilalim. Sinasabi Ko mula sa mundo. Ganyan din ang dapat kay Santiago, mas lalo pa nga. Ngunit sasabihin Ko sa inyo na sa itaas ng interes ng mundo ay nariyan ang dahilan ng Diyos. Kailangan na baguhin mo ang pamamaraan ng iyong pág-iisip. Kapag matutunan mong gawin iyan, magiging perpekto ka.»

«Ngunit... at ang Iyong Ina?»

«Judas. Siya lamang ang tanging nag-iisa na, ayon sa pamamaraan ng pág-iisip ng mundo, ang may karapatan na pabalikin Ako sa Aking katungkulan bilang isang anak: ibig sabihin sa Aking katungkulan na tulungan at paginhawahan Siya sa pamamagitan ng Aking presensya. Ngunit wala Siyang hinihingi na kahit ano sa mga bagay na ito. Mula pa noong napapunta Ako sa Kanya, nalalaman Niya na mawawala Ako sa Kanya, upang makita Niya Akong muli sa isang mas malawak na pamamaraan kaysa sa maliit na pampamilyang kapulungan... At mula noon inihanda na Niya ang Kanyang Sarili para diyan.

Ang Kanyang walang pagpipigil na buluntad na donasyon ng Kanyang Sarili sa Diyos ay hindi na bago. Ang Kanyang ina ay inialay Siya sa Templo kahit hindi pa man lamang Siya nakangingiti sa búhay. At – katulad ng makailang beses na Siya ay nagsalita sa Akin tungkol sa Kanyang banal na pagkabata, hawak Akong malapit sa Kanyang puso sa mahahabang gabi ng taglamig o sa loob ng maliwanag na mabituing mga gabi ng tag-init – binigay Niya ang Kanyang Sarili sa Diyos mula pa nang pagsibol ng Kanyang buhay sa mundo. At binigay Niya nang mas higit pa ang Kanyang Sarili noong nasa Kanya na Ako, na Siya ay sana mapunta saan man Ako naroroon, isinasagawa ang misyon na binigay sa Akin ng Diyos. Ang lahat ay iaabandona Ako sa isang sandali, baka sa loob lamang ng ilang mga sandali, ngunit ang lahat ay mapangingibabawan ng karuwagan, at iisipin ninyo na mas mabuti pa siguro, para sa inyong sariling kaligtasan, kung Ako ay hindi na lamang ninyo nakilala. Ngunit Siya, Na naka-iintindi at naka-aalam, lagi Niya Akong sasamahan. At kayo ay magiging Akin, muli, sa pamamagitan Niya. Sa pamamagitan ng Kanyang di-matinag, mapagmahal na pananampalataya, makukuha kayo Niya at kung gayon madadala kayo sa Akin, sapagkat Ako ay nasa Aking Ina, at Siya ay nasa Akin, at kami ay nasa Diyos.

Gusto Kong maintindihan ninyong lahat iyan. Kapwa kayo na Aking mga kamag-anak ayon sa mundo, at kayo, mga kaibigan at mga anak sa sobrenatural na paraan. Ni kayo, o sino pa man na iba ay hindi nakaaalam kung sino ang Aking Ina. Ngunit kung nakilala ninyo, hindi ninyo Siya pipintasan sa inyong mga puso nagsasabing wala Siyang kakayahan na mapanatiling napaiilaliman Niya Ako, bagkus pagpipitaganan ninyo Siya bilang ang pinakamalapit na kaibigan ng Diyos, ang malakas na Babae na nakakakuha ng lahat na mga grasya mula sa puso ng Eternal na Ama at mula sa Kanyang pinakamamahal na Anak. Ako ay tiyak na pupunta sa Cana. Gusto Ko Siyang magawang masaya. Mas maiintindihan ninyo nang mabuti pagkatapos ng kasalan.» si Jesus ay mahestuwoso at nakakakumbinsi.

Si Judas ay tinititigan Siya. Siya ay nag-iisip. Pagkatapos sinabi niya: «At ako ay tiyak na sasama sa Iyo, kasama ang mga kaibigan na ito, kung gusto Mo ako... sapagkat sa pakiramdam ko ang sinasabi Mo ay tama. Patawarin ang akin kabulagan at ang aking mga kapatid. Ikaw ay masyadong mas banal kaysa sa amin!...»

⁵Hindi Ako nagkikimkim ng sama-ng-loob sa kahit sino na hindi sa Akin nakakakilala. Wala rin Akong masamang damdamin sa mga napopoot sa Akin. Ngunit nalulungkot Ako para sa kanila, dahil sa kapinsalaan na nagagawa nila sa kanilang mga sarili. Ano ang dala mo sa bag na iyan?»

«Ang tunika na pinadala ng Iyong Ina para sa Iyo. Ito ay isang malaking kapistahan bukas. Naisip Niya na ang Kanyang Jesus ay kailangan iyan, upang hindi Siya magmukhang wala sa lugar sa pagitan ng lahat na mga panauhin. Nagtatrabaho Siya mula maaga sa umaga hanggang sa kalaliman ng gabi araw-araw, upang maging handa iyan para sa Iyo. Ngunit hindi Niya natapos ang manta. Ang mga palawit niyon ay hindi pa handa at nalulungkot Siya nang labis dahil doon.»

«Hindi na bale. Isusuot Ko ang isang ito, at gagamitin Ko iyon para sa Herusalem. Ang Templo ay mas importante kaysa sa isang kapistahan ng kasalan.»

«Siya ay magiging napakasaya.»

⁶«Kung ibig ninyong nasa daan na kayo patungo sa Cana pagsikat ng araw, kailangan na makaalis na kayo kaagad. Ang buwan ay tumataas na at magiging magandang pagtawid ito» sabi ni Pedro.

«Tayo na, kung gayon. Halika, Juan. Isasama kita. Paalam, Simon Pedro, Santiago, Andres. Magkikita tayo sa gabi ng Sabbath sa Capernaum. Paalam, babae. Kapayapaan sa inyo at sa inyong bahay.»

Si Jesus ay lumabas kasama si Judas at si Juan. Si Pedro ay sumusunod hanggang sa layo ng lawa at tinulungan silang makatulak sa bangka.

At ang bisyon ay nagtatapos.

                                                -----------------------------------------------------------

jesus sinab

⁹Sinasabi ni Jesus:

«Kapag panahon na na isaayos ang gawa, isingit ang bisyon ng Kasalan sa Cana rito. Ilagay ang petsang (Enero 16, 1944).»

(276) 110710/040213/040413

 

¹ Maaaring ang tinutukoy dito ay sina Judas at Juan na naging kasama ni Jesus sa Cana.

² Maaaring ito ay sina Pedro, at ang iba pang hindi nakasama sa Cana.

Sunod na kabanata.