510. Nasa Pagitan ng mga Labí ng isang Nasirang Nayon.

Oktubre 12, 1946.

Hindi ko alam kung saang lugar si Jesus naroroon. Siya ay tiyak na nasa mga bundok, sa isang lugar na walang mga tao pagkatapos na ito ay masira ng isang malaking mapaminsalang gulo o ng isang masugid na digmaan. At sasabihin ko na ang huli ang maaaring naging dahilan, sapagkat ang mga labí ng mga bahay ay nagpapakita ng mga tanda ng apoy sa mga kisame na protektado sa ulan at makikita pa sa sabid-sabid ng mga matitinik na halaman, ng mga baging at iba pang mga gapáng at parasitong mga halaman, na mga tumubo kahit saan. Ang malalapad na mabuhok na mga dahon ng isang tanim, na ang pangalan ay hindi ko alam, bagama't nakita ko rin ito sa Italia, ay natatakpan nito ang isang malaking bahagi ng labí na nagmumukhang katulad ng isang matarik na burol. Sa mas malayo sa likuran ang isang pader, nakatayong tuwid at nag-iisa upang pagnilayan ang lahat na iba pa ng bumagsak na bahay, ay nasakop ng mga tanim na caper at pellitory, at ng isang clematis, na ang kaninong mga sanga ay umaalon sa hangin katulad ng buhaghag na buhok, nakabitin mula sa isang nasirang parapet na dati ay isang terasa. Ang isa pang bahay, na ang gitnang bahagi ay bumagsak, habang ang mga nakapaligid na pader ay mga nakatayo pa, ay nagmumukhang isang dambuhalang plorera ng bulaklak, na sa lugar ng mga tangkay ay ang mga punungkahoy na mga tumubo nang kusa kung saan naroroon dati ang mga silid. Ang isa pang bahay, na ang bahagi nito ay nakatayo pa, na ang mga labí ng mga pader ay tumataas na parang mga baytang, ay nagmumukhang katulad ng isang altar na inihanda para sa isang ritwal at ganap na inadornohan ng berde. Sa pinakatuktok ng labí, ang isang poplar na punungkahoy, kasing balingkinitan at tuwid ng isang punyal, ay tila tinatanong ang kalangitan tungkol sa dahilan ng ganitong sakuna. At sa pagitan ng mga bahay, ng mga eskombro, ang ayaw-patalo na mga namumungang punungkahoy, ngayon naging masamâ at mabangis, napangingibabawan ng ibang mga tanim o nangingibabaw sa mga ito, tumubo mula sa bumagsak na bunga, pilipit, tuwid, gumagapang, lumalabas mula sa mga suporta ng mga pader, mula sa isang tuyong bubon, ay nagbibigay ng impresyon ng isang naingkantong kagubatan. At ang mga ibon ang mga kalapati na lumalabas mula sa mga bitak sa pagitan ng mga labí, ay lumilipad nang nananabik patungo sa kalapit na mga bukid na minsan nililinlang, bagama't ngayon ay sabid-sabid ng matitigas na vetch na tanim, natuyo ng araw, at mula sa kanilang nakabukas na mga supot ng mga buto ang mga buto ay bumabagsak sa lupa upang tumubo muli sa tagsibol, at mga sabid-sabid ng mga dawag at tara. Sa pamamagitan ng matinding bigwas ng kanilang mga pakpak ang mga kalapati ay napalalayas ang mas maliliit na ibon na naghahanap ng mga buto ng mga tanim, na maaaring tumubo mula sa sino-ang-nakaaalam na buto, tumagal nang maraming taon sa sayang na lugar sa pamamagitan ng kusang paghahasik. At ang mga ibon, lalo na ang palaaway na mga pipit, ay ipinaghihiganti ang kanilang sarili, sa pagpunit sa mga buko ng maliliit na damo at kinukuha ito, patungo sa kanilang mga pugad, lumilipad nang may kahirapan, namimilipit dahil sa bigat at sa sagabal ng buko.

Si Jesus ay hindi lamang kasama ang Kanyang mga apostol, nariyan din ang isang malaking grupo ng mga disipulo, kasama rito sina Cleopas at Hermas ng Emmaus, ang mga anak ng matandang hepe ng sinagoga sina Cleopas at Stephen. Nariyan din ang ilang mga lalaki at mga babae, na tila sila ay nanggaling sa kung saan na nayon upang anyayahan si Jesus na pumunta sa kanilang bayan, o kung sinusundan nila Siya pagkatapos na mapunta Siya sa kanila. At si Jesus, tinatawid ang nasirang lugar, ay madalas natitigilan upang tumingin sa kapaligiran, at Siya ay tumigil sa pinakamataas na lugar mula kung saan makikita ang pagkakasabid-sabid ng mga eskombro at mga tanim, kung saan ang buhay ay pinangangatawanan lamang ng mga kalapati na minsan ay tiyak na banayad at maamo, samantalang ngayon sila ay mailap at malupit. Pinagninilayan Niya ang lugar na ang Kanyang mga kamay nakakursomano, ang Kanyang ulo nakatungo, at habang mas tumitingin Siya sa kapaligiran mas lalo Siyang namumutla at nalulungkot

«Bakit Kayo tumitigil dito, Guro? Malinaw na nakikita ng isa na ang lugar na ito ay napalulungkot Kayo. Huwag tumigil sa pagninilay dito. Nalulungkot ako na nagawa ko Kayong mapadaan dito, ngunit ito ay isang magandang short cut» sabi ni Cleopas ng Emmaus.

«O! Hindi Ko tinitingnan kung ano ang nakikita mo!»

«Sa ano, kung gayon, Panginoon?  Baka kaya nakikita Ninyo muli ang nakaraan na pangyayari? Iyon ay tiyak na nakapangingilabot na pangyayari. Iyan ang sistema ng Roma...» sabi ng isa pang lalaki mula sa Emmaus.

«At iyan ay magagawa ang isa na mag-isip. Tingnan. Noon ay may isang bayan dito, iyon ay hindi isang malaking bayan, ngunit iyon ay maganda. Mayroon iyon ng mas maluluhong bahay kaysa mga aba. At ang mga lugar na ito, na ngayon ay mapanganib na mga kagubatan, ay pag-aari ng mayayamang tao. At ang mga bukid na ito, na ngayon ay baog at natatakpan ng mga matitinik na tanim at mga dawag ay pag-aari din ng mayayamang tao... Ito noon ay mayayamang taniman ng mga punungkahoy at mga bukid na puno ng mga tanim. At ang mga bahay ay magaganda, na may mga hardin na puno ng mga bulaklak, at mga bubon, at mga pontanya kung saan ang mga kalapati ay naliligo at ang mga bata naglalaro. Ang lahat ng mga naninirahan dito ay masaya, ngunit ang kaligayahan ay hindi sila nagawang makatarungan. Nakalimutan nila ang Panginoon at ang Kanyang mga salita... At ito ang resulta! Wala nang mga bahay, wala nang mga bulaklak, wala nang mga pontanya, walang mga tanim, walang mga prutas. Tanging ang mga kalapati na lamang ang natitira , at sila ay hindi na masaya katulad noong dati, at sa lugar ng ginintuang mga butil na ang laman nito kanilang ipinagtatakaw, sila ngayon ay nakikipaglaban upang magkaroon ng kaunting vetch o mapait na dawag. At sila ay nagpipista kapag makakita sila ng isang tainga ng sebada na lumitaw sa pagitan ng mga tinik!...

At, habang Ako ay nakatingin, ni hindi Ko na ulit nakikita ang mga kalapati... Bagkus mga mukha at mga makuha...  Marami sa mga ito ay hindi pa naipanganganak... at nakikita Ko mga labí at mga labí, matitinik na tanim at mga layás na ubas at vetch tinatakpan ang lupain ng ating Amangbayan... At ang lahat na iyan ay nangyayari sapagkat ayaw nating tanggapin ang Panginoon. Napapakinggan Ko ang iyak ng hapong mga bata, dahil sila ay mas di-masaya kaysa sa mga ibong ito, para kung kanino ang Diyos ay nagbibigay pa ng pinakamaliit na tulong upang mabuhay, samantalang ang mga sanggol na ito ay magiging hikahos sa lahat ng tulong, nahampas ng pangkalahatan na kaparusahan, nanghihina sa tuyong mga dibdib ng kanilang mga ina, na mamamatay sa pagkagutom at kapighatian at sa di-maisalarawan na takot. At naririnig Ko ang mga ina na nananaghoy dahil sa kanilang mga anak na namatay sa pagkagutom sa kanilang mga dibdib, at ang mga iyak ng mga babaeng asawa na napagkaitan ng kanilang mga asawa, at ang mga lamentasyon ng mga birhen na nabihag para sa kasiyahan ng mga panalunan, at ang mga lamentasyon ng mga lalaki na naitadhana sa pagkakakulong pagkatapos na maranasan ang lahat na kahihiyan sa digmaan at ng matatandang tao na nabuhay ng napakatagal upang makita ang propesiya ni Daniel na magkatotoo.

At naririnig Ko ang walang-kapaguran na tinig ni Isaiah sa hinga ng hangin na ito sa pagitan ng mga labí, sa taghoy ng mga kalapati sa pagitan ng mga eskombro: “Sa pamamagitan ng kakatwang mga salita, sa wikang banyaga ang Panginoon ay magsasalita sa sambayanan na ito kung kanino Siya ay nagsalita: “Naririto ang aking kapahingahan. Gawin ang napapagod na magpahinga; ito ang aking ginhawa”. Ngunit sila ay ayaw na makinig. Hindi, sila ay hindi makinig, at ang Panginoon ay hindi makatagpo ng kapahingahan sa pagitan ng Kanyang sambayanan. Ang pagód na Isa Na napagod sa paglalakbay sa buong kabukiran nito upang magturo, magpagaling, magkumberti at magpaginhawa, ay hindi makatagpo ng kapahingahan bagkus pang-uusig, hindi Siya makatagpo ng ginhawa, bagkus mga patibong at kaliluhan. Ang Anak ay kaisa ng Ama. At kung ang Katotohanan ay tinuruan kayo na ang isang kopa rin ng tubig na binigay sa isang tao ay gagantimpalaan, sapagkat ang bawat isang pagkilos ng awa na ginawa para sa isang kapatid ay ginawa sa Diyos Mismo, ano ang magiging kaparusahan sa mga nagkakait sa Anak ng tao ng kahit isang bato sa daan sa ibabaw kung saan maipapahinga Niya ang Kanyang ulo, at nagkakait ng bukal ng bundok na nagbubukal ng tubig sa pamamagitan ng kagandahang loob ng Tagapaglikha, at ipinagkakait ang prutas na nakalimutan sa isang sanga sapagkat ito ay may sakit o di-hinog, at ipinagkakait ang butil na pinagtitiyagaan ng mga kalapati, at mga nakapaghanda ng isang pasilo upang patigilin ang hangin sa Kanyang lalamunan at kung gayon patayin Siya.

O! miserableng Israel, na nawalan ng katarungan at ng awa ng Diyos!

Narito, nariritong muli ang tinig ni Isaiah sa gabing ihip ng hangin, mas nakapangingilabot kaysa sa iyak ng ibon ng kamatayan, halos nakapangingilabot katulad ng tinig na umugong sa Makalupang Hardin upang isumpa ang dalawang nagkasala, at - o! anong teribleng bagay!  -  ang tinig ng Propeta ay hindi nakadugtong sa pangako ng kapatawaran katulad na ito noon ay nakadugtong!

Hindi, walang kapatawaran para sa mga nanunuya sa Diyos, para sa mga nagsasabi: “Kami ay nakipag-alyansa sa Kamatayan, kami ay may usapan ng Impiyerno. Kapag dumaan ang naninirang hagupit, hindi kami nito tatamaan, dahil inilagay namin ang aming mga pag-asa sa Kasinungalingan, at kami ay protektado nito, dahil ito ay makapangyarihan”. At naririto si Isaiah, na inuulit ang kanyang narinig mula sa Panginoon: “Ako ay maglalatag ng isang mamahalin na piling panulukang-bato bilang pundasyon ng Zion... At gagawin Ko ang katarungan bilang ang panukat at ang integridad bilang ang patultol, at ang ulang-yelo ay papalisin nito ang pag-asa sa Kasinungalingan, ang mga baha ay itataob nito ang kubkuban, ang inyong tipan sa Kamatayan ay sisirain at ang inyong kasunduan sa Impiyerno ay pawawalang-bisa. Kapag ang naninirang hagupit ay dumaan wawasakin kayo nito, sa tuwing daraan ito hahagipin kayo nito, at ang mga kaparusahan lamang ang magagawa kayong maintindihan ang leksiyon”.

Miserableng Israel! Ang Israel ay magiging katulad ng mga bukid na ito, kung saan tanging ang nakakainip na vetch at ang mapait na dawag lamang ang mananatiling buháy at kung saan wala nang butil, at ang Lupain na hindi ginusto ang Panginoon ay hindi magkakaroon ng tinapay para sa kanyang mga anak, at ang mga anak na tumatangging tumanggap sa pagód na Isa, ay maglalagalag, gulanit, ligaw, katulad ng mga alipin sa galera, mga alipin ng mga taong kanilang tinitingnan na mga mas mabababang nilikha. Totoong hahampasin ng Diyos ang mapagmalaking mga tao sa ilalim ng bigat ng Kanyang hustisya, at sasakalin ito sa pamamagitan ng pamukpok ng Kanyang paghuhukom...

Iyan ang Aking nakikita sa mga labí na ito. Mga labí! Mga labí! Sa hilaga, sa timog, sa silangan, sa kanluran, at higit sa lahat sa gitna, sa puso, kung saan ang nagkasalang bayan ay gagawing isang bulok na hukay...»

At mga luha ay bumababa sa maputlang mukha ni Jesus, Na itinataas ang Kanyang manta upang takpan ito, hinahayaan na walang takip ang Kanyang mga mata lamang, napadilat ng masakit na bisyon.

At Siya ay lumakad muli, habang ang mga kasama Niya ay halos hindi makabulong, nahihintakutan katulad nila...

101011

 


Sunod na kabanata