511. Sa Emmaus sa mga Bundok. Ang Parabula Tungkol sa Mayaman na Marunong na lalaki at sa Mahirap na Mangmang na Batang lalaki.

Oktubre 14, 1946.

Ang liwasan sa Emmaus ay nagsisiksikan sa mga tao. Ito ay totoong siksikin. At sa gitna ng liwasan ay si Jesus, Na kumikilos nang may kahirapan labis Siya napaliligiran at nasisiksik ng mga nakapalibot sa Kanya. Si Jesus ay nasa pagitan ng anak ng hepe ng sinagoga at ng iba pang mga disipulo at sa paligid Niya ay naroon, sa pamamagitan ng pagpapalagay na intensiyon ng protektahan Siya, ang mga apostol at mga disipulo at kabilang sa kanila ang maraming mga bata, dahil madali silang makagapang kahit saan, katulad ng maliliit na butiki sa pagkakasabid-sabid ng isang makapal na harang na tanim.

Ang pang-akit na mayroon si Jesus sa maliliit na bata ay maganda. Saan man Siya pumunta, maging Siya man ay kilala o hindi, Siya ay kaagad napalilibutan ng mga bata, masayang makakapit sa Kanyang mga damit, mas masaya pa kapag ang Kanyang kamay ay nahihipo sila nang kaunti na may nagmamahal na haplos, kahit na kung Siya ay may sinasabi din ng mabigat na mga bagay sa mga adulto; lalo mas masaya kung Siya ay uupo sa isang mauupuan, sa isang maliit na pader, o bato, o sa isang natumbang punungkahoy, sa damuhan. Sa gayong kaso, dahil nakakapantay na nila Siya, mayayakap na nila Siya, isasandal ang kanilang mga ulo sa Kanyang mga balikat o sa mga tuhod, gagapang sa ilalim ng Kanyang manta at kung gayon napupunta sila sa Kanyang mga bisig, katulad ng mga inakay na natagpuan ang pinakamamahal at nagpoprotektang depensa. At si Jesus ay lagi silang ipinagsasanggalang laban sa arogansiya ng mga adulto, laban sa kanilang di-perpektong paggalang sa Kanya, katulad ng bagama't di-perpekto para sa napakaraming mabibigat na rason, nagkukunwari silang masigasig sa pagpapalayas sa maliliit na bata mula sa Guro...

Kahit na ngayon ang karaniwan na pangungusap ni Jesus ay mapapakinggan sa pagsasanggalang sa Kanyang maliliit na kaibigan: «Pabayaan lang silang mag-isa! O! hindi nila Ako naiistorbo! Hindi ang mga bata ang gumagawa ng problema at kapighatian!»

Si Jesus ay niyuyukuan sila, nang may maningning na ngiti na nagagawa Siyang magmukhang bata, na Siya ay halos nagmumukhang ang nakatatandang kapatid nila, isang mabait na kasabwat sa ilan ng kanilang inosenteng mga libangan, at Siya ay bumubulong: «Maging mabuti at tahimik, upang hindi nila kayo paalisin, at magkakasáma tayo nang mas matagal-tagal.»

«At kukuwentuhan ba Ninyo kami ng isang magandang parabula?» tanong ng... pinakamalakas-ang-loob na isa.

«Oo. Isa lahat para sa inyo. Pagkatapos magsasalita Ako sa inyong mga kamag-anak. Makinig, lahat. Ang mapakikinabangan ng maliliit na bata ay mapakikinabangan din ng mga malalaki.

Ang isang lalaki isang araw ay tinawag ng isang dakilang hari na nagsabi sa kanya: “Narinig ko na karapat-dapat ka ng isang premyo dahil ikaw ay marunong at pinararangalan mo ang iyong bayan sa pamamagitan ng iyong trabaho at iyong siyensiya. Ngayon, hindi ko ibibigay sa iyo ang bagay na ito o iyon, bagkus dadalhin kita sa bulwagan ng aking mga kayamanan at pipiliin mo kung ano ang gusto mo, at ibibigay ko iyan sa iyo. Sa ganitong paraan huhusgahan ko rin kung ikaw ay ábot sa iyong kasikatan”.

Kasabay nito, ang hari, papalapit sa terasa na nakapaligid sa kanyang bulwagan, ay sumulyap sa liwasan sa harapan ng maharlikang palasyo at nakakita ng isang bata na di-maayos ang pananamit na dumaraan: isang anak ng isang napaka maralitang pamilya, baka isang ulila at isang pulubi. Hinarap niya ang kanyang mga katulong nagsasabing: “Puntahan ang batang iyon at dalhin siya rito”.

Ang mga katulong ay pumunta at bumalik kasama ang bata upang humarap sa presensya ng hari. Bagama't ang mga dignitaryo ng korte ay nagsabi sa kanya: “Yumuko, sumaludo, sabihin: ‘Karangalan at kaluwalhatian sa inyo, aking hari. Binabaluktot ko ang aking tuhod sa harapan ninyo, makapangyarihang hari na ipinagbubunyi ng Lupa bilang ang pinakadakila nilikhang naririto’ ”, ang bata ay tumangging yumuko at sabihin ang mga salitang iyon, at ang naiskandalong mga dignitaryo ay niyuyugyog siya nang magaspang at nagsabi: “O hari, ang maruming garapal na batang ito ay isang kahihiyan sa inyong palasyo. Palayasin natin siya rito patungo sa kalsada. Kung ibig ninyong magkaroon ng isang batang lalaki malapit sa inyo lalakad kami at maghahanap ng isa sa pagitan ng mayayamang tao sa bayan, kung pagod na kayo sa ating mga bata, at dadalhin namin siya sa inyo. Ngunit hindi ang may garapal na pag-uugaling batang ito na ni hindi marunong kung papaano bumati sa isang tao!...

Ang mayaman na marunong na lalaki, na dating ipinahiya ang sarili sa pamamagitan ng maraming malalalim na pang-alipin na mga pagyuko, na tila siya ay nasa harapan ng isang altar, ay nagsabi: “Tama ang inyong mga dignitaryo. Alang-alang sa mahestad ng inyong korona dapat tiyakin ninyo na ang inyong sagradong katauhan ay nabibigyan ng karapat-dapat dito na parangal” at habang sinasabi ang mga salitang ito nagpapatirapa siya upang halikan ang paa ng hari.

Ngunit ang hari ay nagsabi: “Hindi. Gusto ko ang batang ito. Hindi lamang iyan, bagkus gusto ko siyang dalhin din sa bulwagan ng aking mga kayamanan, upang mapili sana niya ang gusto niya at ibibigay ko ito sa kanya. Ako ba kaya ay hindi pinahihintulutan, dahil ako ay isang hari, na magawang masaya ang isang mahirap na bata? Hind ba’t siya ay aking nasasakupan katulad ng bawat isa sa inyo? Kasalanan ba niya kung siya ay di-masaya? Hindi, Purihin ang Diyos! Gusto ko siyang magawang masaya minsan man lamang! Halika, bata, at huwag matakot sa akin” at kanyang iniunat ang kanyang kamay na simpleng kinuha ng bata hinahalikan ito nang kusa. Ang hari ay ngumiti. At sa pagitan ng dalawang hilera ng nakayukong mga dignitaryo, sa purpurang mga alpombra na may ginintuang mga bulaklak, ibinaling niya ang kanyang mga hakbang patungo sa silid ng kayamanan, kasama ang mayaman na marunong na lalaki sa kanyang kanang tabi, at ang maralitang mangmang na bata sa kanyang kaliwa. At ang maharlikang manta ay litaw-na-litaw ang kaibhan sa gulanit na damit at walang-saplot na mga paa ng maralitang batang lalaki.

Sila ay pumasok sa silid ng kayamanan, na ang pinto nito ay binuksan ng dalawang dakilang mga lalaki ng Korte. Ito ay isang mataas, pabilog na walang-bintanang silid. Ngunit ang liwanag ay pumapasok sa pamamagitan ng kisame na gawa ng isang malaking piraso ng mica. Isang banayad na liwanag na, gayunman, ay nagagawa ang mga gintong hawakán ng mga kaha-de-yero na magningning nang matingkad at ang mga purpurang ribon ng mga rolyo ng pergamino na lumiwanag sa ibabaw ng batbat-sa-dekorasyon na mga mesa. Makaharing mga rolyo, na may mamahalin na mga gabilya, pang-ipit at mga etiketa adornado ng kumikinang na mga bato. Pambihirang mga gawa na tanging isang hari lamang ang makapag-aari. At, pinababayaan sa ibabaw ng isang nakapagpapahiinang-loob na madilim na mababang mesa, ay ang isang maliit na pergamino na nirolyo sa isang maputing piraso ng kahoy, tinalian ng isang pangkabukiran na tali, kasing alikabok ng di-pinapansin na bagay.

Ang hari ay nagsabi nakaturo sa mga pader: “Naririto ang lahat na mga kayamanan ng Lupa at iba pa na mas mahigit pa nga sa makalupang mga kayamanan. Sapagkat naririto ang lahat na mga gawa ng mga henyo ng tao, at naririto rin ang mga gawa na nanggagaling sa mas-mahigit-pa-sa pangkaraniwan na tao. Lakad at kunin ang anumang maibigan ninyo”. At siya ay tumayo sa gitna ng silid, na naka-abra-siyete, nakatingin.

Ang mayaman na marunong na lalaki ang unang pumunta patungo sa mga kaha-de-yero at nag-alis ng mga takip nang may palaki-nang-palaki na pananabik. Mga bareta ng ginto at mga alahas, plata, perlas, mga rubi, esmeralda, mga opalo... ay nagniningning sa loob ng lahat na kaban... mga sigaw ng paghanga ay narinig habang ang bawat isa ay binubuksan... Pagkatapos pumunta siya sa mga mesa ng pagbabasa, at nang binabasa ang mga titulo, ang kanyang mga labì ay bumigkas ng bagong mga sigaw ng paghanga, at sa wakas ang lalaki, lubos na nananabik, ay binalingan ang hari at nagsabi: “Kayo ay may di-matatapatan na kayamanan: ang mga bato ay pareho ang kahalagahan ng mga rolyo, at ang mga rolyo ng mga bato! Talaga bang makapamimíli ako nang libre?”

“Sinabi ko sa inyo. Na tila ang lahat ay pag-aari ninyo”.

Ang lalaki ay itinapon ang sarili na ang kanyang mukha nasa sahig nagsasabing: “Sinasamba ko kayo, o dakilang hari!”. At siya ay tumayo at tumakbo muna patungo sa mga kaban, pagkatapos sa mga mesa, kinukuha mula sa dalawa ang pinakamagandang kanyang nakita.

Ang hari, na kanina ay ngumiti sa unang pagkakataon sa kanyang balbas nakikita ang pananabik na nagawa ang lalaki na tumakbo mula sa isang kaban patungo sa isa pa, at sa ikalawang beses nakikita siyang itinapon ang sarili sa sahig sumasamba, at sa ikatlong beses nakikita ang kasakiman, ang pamamaraan at pinagbabasihan ng kanyang pamimili ng mga alahas at mga aklat, ay nagsalita sa bata na nakatayo sa tabi niya nagsasabing: “At hindi mo ba pipiliin ang pinakamagandang mga bato at ang mahalagang mga rolyo?”.

Ang bata ay iniiling ang kanyang ulo sa pagtanggi.

“Bakit hindi?”

“Sapagkat ang hinggil sa mga rolyo, hindi ko sila mababasa at ang tungkol sa mga bato... wala akong nalalaman tungkol sa kanilang halaga. Sila ay walang iba sa akin bagkus mga bato”.

“Ngunit magagawa ka nitong maging mayaman”.

“Ako ay walang ama, walang ina, walang kapatid. Ano ang magagawa niyan sa akin na pumunta sa aking sinisilungan na may kayamanan sa aking sinapupunan?”.

“Ngunit makakabili ng isang bahay sa pamamagitan niyan.”

“Mag-iisa pa rin ako sa loob niyan”.

“Makakabili ka ng mga damit”.

“Giginawin pa rin ako na wala ang pagmamahal ng mga kamag-anak”.

“Pagkain”.

“Hindi ako mabubusog ng mga halik ng aking ina o mabibili ko ang mga ito sa kahit anong presyo”.

“Makakakuha ka ng mga tagapagturo at matututong magbasa.”

“Mas gusto ko iyan. Ngunit ano ang aking babasahin pagkatapos?”.

“Ang mga gawa ng mga makata, mga pilosopo, mga marurunong na tao... mga antigong mga salita at ang kasaysayan ng mga tao”.

“Mga walang-silbing bagay, walang katuturan o nakaraan na... Hindi karapat-dapat na pagkaabalahan.”.

«Anong tangang bata!” bulalas ng lalaki na ang kaninong mga kamay ay puno na ng mga rolyo, at ang kanyang sinturon at tunika sa paligid ng kanyang dibdib ay matambok na sa mga alahas.

Ang hari ay muling ngumiti sa kanyang balbas. At kinakarga ang bata dinala niya siya sa mga kaban, kung saan inilubog niya ang kanyang kamay sa mga perlas, sa mga rubi, sa mga topasyo, sa mga amatista, ginagawa ang mga itong bumagsak katulad ng kumikislap na ulan, tinutukso ang bata na kumuha ng ilan.

“Hindi, hari. Ayaw ko ng kahit ano. May gusto ako na iba”.

Ang hari ay dinala siya sa mga mesa at nagbasa ng mga berso ng mga tula, mga episodyo ng mga bayani, mga pagsasalarawan ng mga bansa.

“O! Magandang basahin iyan. Ngunit hindi iyan ang aking gusto”.

“Ano, kung gayon? Sabihin sa akin, at ibibigay ko iyan sa iyo, aking bata”.

“O! Hindi ninyo maibibigay sa palagay ko, o hari, sa kabila ng inyong kapangyarihan. Ito ay hindi isang bagay ng mundong ito.”

“Ah! ayaw mo ng mga gawa ng Lupa. Narito, kung gayon: naririto ang mga gawa ng dinikta ng Diyos sa Kanyang mga lingkod. Makinig” at binasa niya ang ilan sa mga inspiradong mga pahina.

“Iyan ay labis na mas maganda. Ngunit upang maintindihan iyan nang tama, ang isa ay kailangan na malaman muna nang mabuti ang wika ng Diyos. Wala bang aklat na nagtuturo niyan, na magagawa tayong maintindihan kung ano ang Diyos?”.

Ang hari ay labis na namangha at hindi na ulit tumatawa, bagkus idiniin niya ang bata sa kanyang puso.

Ang lalaki sa halip ay tumawa nang may panunuya nagsasabing: “Ni kahit na ang pinakamarunong ng mga tao ay hindi alam kung ano ang Diyos, at ikaw, isang mangmang na bata, ay gustong makaalam? Kung gusto mong maging mayaman sa pamamagitan niyan!...

At hari ay tiningnan siya nang mahigpit habang ang maliit na bata ay tumutugon: “Hindi ako naghanap ng kayamanan, hinahanap ko ang pagmamahal at isang araw ako ay nasabihan na ang Diyos ay Pag-ibig”.

Ang hari ay dinala siya sa nakadidismayang mesa, kung saan naroroon ang maliit na maalikabok na rolyo na natatalian. Kinuha niya ito, niladlad at binasa ang unang mga linya: “Gawin na pumunta sa Akin ang maliliit, at Ako, Diyos, ay tuturuan sila ng siyensiya ng pagmamahal. Ito ay nasa aklat na ito, at Ako...

“O! iyan ang aking gusto! Makikilala ko ang Diyos at kung Siya ay nasa akin, mapapasaakin ang lahat. Ibigay ninyo sa akin ang rolyong ito, o hari, at ako ay magiging masaya”.

“Ngunit iyan ay walang perang halaga. Ang batang iyan ay totoong tanga! Hindi siya makabasa at kinuha niya ang isang aklat! Siya ay hindi marunong at ayaw niyang matuto. Siya ay mahirap at hindi siya kumukuha ng mga kayamanan”.

“Magsisikap akong magkaroon ng pagmamahal, at ang aklat na ito ay tuturuan ako. Pagpalain nawa kayo, o hari, sapagkat binibigyan ninyo ako ng isang bagay na magagawa akong hindi makaramdam na ako ay isang kaawa-awang ulila!”.

“Siya man lamang ay sambahin mo katulad ng ginawa ko, kung sa palagay mo ikaw ay naging napakasaya sa pamamagitan niya!”.

“Hindi ko sinasamba ang tao, bagkus ang Diyos Na gumawa sa kaya na maging napakabait”.

“Ang bata ay ang totoong marunong na tao sa aking kaharian, o lalaki, samantalang ikaw ay kinamkam mo ang reputasyon ng pagiging marunong. Ang pagmamalaki at kasabikan ay nalasing ka hanggang sa pangatawanan mo na ang isang nilikha ay kailangan na sambahin sa halip na ang Tagapaglikha, sa simpleng dahilan na ang isang nilikha ay binibigyan ka ng mga alahas at mga gawa ng mga tao. at hindi mo inisip na ikaw ay may mga alahas, at nasa akin ang mga iyan dati, sapagkat sila ay nilikha ng Diyos, at na ikaw ay may pambihirang mga rolyo na naglalaman ng isip ng tao, sapagkat ang Diyos ay binigyan ang tao ng isang talino. Ang batang ito na giniginaw at gutom, na nag-iisa, na nahampas ng lahat ng klase ng kapighatian, na mapagpapaumanhinan at mapangangatwiranan kung siya ay nalasing ng tanawin ng mga kayamanan, ang batang ito ay alam kung papaano magpasalamat nang makatarungan sa Diyos sa paggawa sa aking puso na maging mabait at kanyang hinahanap ang isang bagay na kinakailangan: ang mamahal ang Diyos, ang malaman ang pagmamahal upang magkaroon ng totoong kayamanan dito at sa hinaharap na buhay. lalaki, ako ay nangako na ibibigay sa iyo ang anuman na iyong pipiliin. Ang salita ng isang hari ay sagrado. Kung gayon, humayo dala ang iyong mga alahas at iyong mga rolyo: maraming-kulay na mga batong maliliit at... dayami ng isip ng tao. At mamuhay nang nanginginig sa takot sa mga magnanakaw at mga gamugamo: ang una ang mga kaaway ng mga alahas, ang huli mga kaaway ng mga pergamino. At masilaw ng walang-kabuluhang mga kislap ng mga tapyas na iyan, at masuklam ng nakasasakit na matamis na lasa ng pantaong siyensiya, na isang lasa lamang at hindi nakakabusog. Lakad. Ang batang ito ay mananatiling kasama ko at magsisikap kaming magkasama na basahin ang aklat na siyang pagmamahal, ibig sabihin, ang Diyos. At hindi kami magkakaroon ng walang-kabuluhan na mga kislap ng malalamig na alahas, o ng nakasasakit na matamis na lasa ng dayami ng mga gawa ng kaalaman ng tao. Ngunit ang apoy ng Eternal na Espiritu ay pagkakalooban kami, kahit na sa buhay na ito, ng luwalhati ng Paraiso at tataglayin namin ang Karunungan, na mas nakapagpapalakas kaysa sa alak, mas nakakabusog kaysa sa pulot. Halika, bata, kung kanino ipinakita ng Karunungan ang kanyang mukha, na sana mithiin mo siya bilang isang tunay na nobya”.

At pagkatapos na mapaalis ang lalaki, pinanatili niya ang bata at tinuruan siya sa dibinong Karunungan na sana siya ay maging isang makatarungan na tao at isang hari karapat-dapat ng sagradong pagpapahid-ng-langis sa Lupa, at isang mamamayan ng Kaharian ng Diyos sa ikalawang buhay.

Iyan ang parabula na pinangako sa maliliit na bata at iminungkahi sa mga adulto.

Naaalaala ba ninyo si Baruch? Sinasabi niya: “Bakit, Israel, bakit kayo nasa bansa ng inyong mga kaaway, tumatanda nang tumatanda sa isang banyagang lupain, bumabahagi sa karumihan ng mga patay, itinuturing na kasama ng mga pumupunta sa Sheol?”. At siya ay tumutugon: “Sapagkat kinalimutan ninyo ang pontanya ng Karunungan. Kung kayo ay lumakad sa daan ng Diyos, namuhay sana kayo sa kapayapaan magpakailanpaman”.

Makinig, kayo na madalas nagrereklamo ng pagiging nasa pagkakapatapon, bagama't kayo ay nasa ating amangbayan, dahil ang ating amangbayan ay hindi na sa atin, bagkus pag-aari na ng mga nananakop sa atin; nagrereklamo kayo tungkol diyan at hindi ninyo nalalaman na sa pagkukumpara sa kung ano ang naghihintay para sa inyo sa hinaharap, iyan ay katulad ng isang patak ng suka na hinaluan ng tubig, kompara sa nakalalasing na inumin na binibigay sa kondenadong mga tao at na, katulad sa alam ninyo, ay mas mapait kaysa sa iba pang inumin. Ang sambayanan ng Diyos ay naghihirap sapagkat kinalimutan nito ang Karunungan. Papaano ninyo maaaring taglayin ang kahinahunan, lakas, katalinuhan, papaano ninyo malalaman man lamang kung nasaan ang mga ito, at dahil dito malaman ang menor na mga bagay, kung hindi na kayo umiinom sa mga pontanya ng Karunungan?

Ang Kanyang Kaharian ay hindi sa Lupang ito, bagkus pinagkakaloob ng awa ng Diyos ang pinanggagalingan nito. Ito ay nasa Diyos. Ito ay ang Diyos Mismo. At binubuksan ng Diyos ang Kanyang sinapupunan na sana ito ay bumaba sa inyo. Bueno, ang Israel ba, na mayroon o nagkaroon at iniisip na mayroon pa siya, sa pamamagitan ng katangahang pagmamalaki ng alibughang sambayanan na naglustay ng kanilang pera at iniisip na sila ay mayaman pa rin at sa gayong paniniwala humihingi ng parangal, samantalang wala silang tinatanggap bagkus awa o katatawanan – ang Israel ba, na mayroon o nagkaroon ng mga kayamanan, mga pananakop, mga karangalan, taglay ang natatanging kayamanan? Hindi, hindi niya taglay. At nawawala rin sa kanya ang iba pa sapagkat ang nawawalan ng Karunungan ay nawawalan din ng kakayahan ng pagiging dakila. At siya na hindi nag-aalam ng Karunungan ay bumabagsak sa isang pagkakamali patungo sa isa pa. At ang Israel ay maraming nalalaman, napakarami pa nga, ngunit wala na siyang nalalaman na Karunungan.

Tamang-tamang sinasabi ni Baruch: “Ang nakababatang mga tao ng sambayanang ito ay nakita na ang araw, inokupa nila ang Lupa ngunit hindi nila nalaman ang paraan ng Karunungan o ang kanyang mga landas at ang kanilang mga anak ay hindi siya tinanggap at siya ay lumayo sa kanila”. Malayo sa kanila! Hindi nila siya tinanggap! Mga propetikong mga salita!

Ako ang Karunungan nagsasalita sa inyo. At tatlong-kapat ng mga tao sa Israel ay hindi Ako tinatanggap. At ang Karunungan ay umaalis at lalayo pa iniiwan silang mag-isa... At pagkatapos ano ang gagawin ng mga iyon, na ang tingin sa kanilang mga sarili ay mga higante at kung gayon may-kakayahan na puwersahin ang Panginoon na tulungan sila at paglingkuran sila? Sila ba ay mga higante na may pakinabang sa Diyos sa pagtatatag ng Kanyang Kaharian? Hindi, hindi sila. Ako kasama si Baruch ay ganito ang sinasabi: “Upang maitatag ang totoong Kaharian ng Diyos, hindi pipiliin ng Diyos ang mapagmalaking mga higanteng iyon, at pababayaan Niya silang mamatay sa kanilang sariling kalokohan” sa labas ng mga landas ng Karunungan. Sapagkat upang makataas sa Langit sa pamamagitan ng sariling espiritu at maintindihan ang mga tinuturo ng Karunungan, ang isa ay kailangan na magkaroon ng isang mapagpakumbaba, masunurin at higit sa lahat isang ganap na mapagmahal na espiritu, sapagkat ang Karunungan ay nagsasalita sa sarili niyang wika, ibig sabihin, nagsasalita siya sa wika ng pagmamahal, sapagkat siya ay Pag-ibig. Upang malaman ang kanyang mga daan kinakailangan na magkaroon ng malinaw na mapagpakumbabang mga mata, malaya sa tripleng kiling sa pagkakasala. Upang taglayin ang Karunungan kailangan na bilhin siya ng buháy na pera: mga birtud.

Ang Israel ay wala niyan at Ako ay naparito upang ipaliwanag ang Karunungan, upang madala kayo sa kanyang Daan, at maihasik ang mga birtud sa inyong mga puso. Sapagkat nalalaman Ko ang lahat at nababatid Ko ang lahat at Ako ay naparito upang turuan ang Aking lingkod na si Jacob at ang Aking minamahal na Israel ng lahat na iyan. Ako ay naparito sa Lupa upang makipagusap sa mga tao, Ako, ang Salita ng Ama, upang akayin ang mga anak ng mga tao, Ako, ang Anak ng Diyos at ng tao, Ako, ang Daan ng Buhay. Ako ay naparito upang dalhin kayo sa silid ng eternal na mga kayamanan, Ako, kung Kanino ang lahat ay ibinigay ng Ama. Ako, eternal na Mangingibig, ay naparito upang kunin ang Aking Nobya, ang Sangkatauhan, na ibig Kong maitaas sa Aking trono at sa Aking silid pangkasalan, upang ang mga tao ay sana makasama Ko sa Langit, at madala Ko sila sa imbakan ng mga alak na sana sila ay maging masayang-masaya sa pamamagitan ng totoong Baging mula kung saan ang mga usbong ng baging ay kumukuha ng Buhay. Ngunit ang Israel ay isang makupad na nobya at hindi bumabangon mula sa kanyang kama upang buksan ang pinto sa Kanya Na nagpunta. At ang Nobyo ay umaalis. Siya ay daraan. Malapit na Siyang dumaan. At pagkaraan ang Israel ay maghahanap para sa Kanya nang wala nang mangyayari, at hindi matatagpuan ang maawain ng Karidad ng kanyang Tagapagligtas bagkus ang mga pandigmaan na mga bagon ng mga nananakop, at siya ay dudurugin at ang pagmamalaki at buhay ay pipigain na mawala sa kanya, pagkatapos na ginusto rin niyang durugin ang maawaing Kalooban ng Diyos.

O! Israel, Israel, na nawawalan ng totoong Buhay para lamang mapanatili ang isang huwad ng pangarap ng kapangyarihan! O! Israel, na nag-aakala na inililigtas ninyo ang inyong sarili at gustong iligtas ang inyong sarili sa pamamagitan ng ibang pamamaraan kaysa sa mga pamamaraan ng Karunungan, at naliligaw kayo sa pagbenta ng inyong sarili sa Kasinungalingan at Krimen, nalulunod na Israel na ayaw na hawakan ang solidong lubid na itinapon upang mailigtas kayo, samantalang hinahawakan ninyo ang labì ng inyong nasirang nakaraan, at ang bagyo ay dinadala kayo sa malayo o inaakalang naililigtas kayo nang isang oras, isang taon, sampu, dalawampu, tatlumpung taon, kapalit ng isang krimen, at pagkatapos maglalaho nang magpakailanpaman? Ano ang buhay, kaluwalhatian, kapangyarihan? Isang bulâ ng maruming tubig sa ibabaw ng isang sanaw na ginagamit ng mga naglalaba, isang makulay na bulâ, hindi dahil ito ay gawa sa batong-hiyas, bagkus ito ay may dumi ng grasa na kung may potash ay nagkakaroon ng walang-laman na mga bulâ na nakatalagang pumutok na walang naiiwang bakas, maliban sa isang pabilog sa tubig na narumihan ng pawis ng tao. Isang bagay lamang ang kinakailangan, o Israel. Upang taglayin ang Karunungan. Kahit kapalit ang buhay ng isang tao. sapagkat ang buhay ay hindi ang pinaka mamahaling bagay. Mas mabuti pang mawalan ng sandaang mga buhay kaysa mawalan ng kaluluwa.»

Si Jesus ay nakatapos sa isang humahangang katahimikan. At nagsisikap Siyang makatulak sa gitna ng pulutong at makaalis... Ngunit ang mga bata ay kinukuha sa Kanyang mga tuhod, at ang mga adulto ang Kanyang pagpapalà. Tanging pagkatapos lamang niyan, pagkatapos na makapagpaalam kay Cleopas at kay Hermas ng Emmaus Siya makakaalis.

121011

 

 


Sunod na kabanata