512. Ang Di-Makapagpasyang Binata. Mga Himala at mga Babala sa Beth-Horon.

Oktubre 17, 1946.

At si Jesus ay nasa mga bundok pa rin, sinusundan ng isang pulutong ng mga tao bilang karagdagan sa mga apostol at mga disipulo. Ang ilan sa mga disipulo ay dating mga pastol, na baka natagpuan nang dumaraan sa ilang maliliit na nayon. Si Jesus ay umaakyat mula sa isang lambak patungo sa isang bundok, sa isang daan, na ang mga paliko nito ay sinusundan ang tabi ng bundok, at tiyak na isang Romano daan, sa pamamagitan ng di-mapagkakamalang pagsesemento at ng maayos na pagmamantini, na matatagpuan lamang sa mga daan na tinayo at minamantini ng mga Romano. Ang mga tao ay naglalakbay sa daan na ito, maging sila ay pababa sa lambak, o paakyat patungo sa kabit-kabit na mga bundok, na ang mga taluktok nito ay nakokoronahan ng mga bayan o mga nayon. At ang ilan sa mga manlalakbay, nakikita si Jesus at ang mga sumusunod sa Kanya, ay nagtatanong kung sino Siya at sumasama sa grupo, ang ilan nanonood lamang, ang ilang iniiling ang kanilang mga ulo at nanunuya.

Ang isang koponan ng mga sundalong Romano ay nakaabot sa kanila nang may mabibigat na hakbang at pagkalansing ng kanilang mga armas at baluti. Lumilingon sila upang tingnan si Jesus, Na iniiwan ang Romanong daan, ay pupunta na sa isang... Judiong daan na umaakyat patungo sa tuktok kung saan ay may isang nayon. Ito ay isang may maliliit na bato na daan na maputik, dahil umulan, at ang isa ay madudulas sa mga bato o malulubog sa mga lubak na may tubig. Ang mga sundalo, na kitang patungo rin gayong bayan, pagkatapos na tumigil nang sandali, ay nagsimula ulit at ang mga tao ay napilitan na tumabi sa makipot na daan upang maparaan ang koponan na dumaraan nang nasa istriktong pormasyon. Ang ilang insulto ay binubulong sa hangin. Ngunit ang disiplina ay pumipigil sa mga sundalo na nasa pagmamartsa na gumanti nang masakit.

Sila ay nasa malapit na muli ni Jesus Na tumabi upang sila ay makaraan at matingnan sila sa pamamagitan ng Kanyang banayad na mga mata na tila nagpapalà at nanghahaplos sa pamamagitan ng kanilang maningning na sapirong mga balintatao. At ang mahigpit na mga mukha ng mga sundalo ay lumiwanag sa isang naka-aalaalang ngiti na hindi isang nanunuyang ngiti, sa kabaligtaran ito ay kasing galang ng isang pagbati.

Sila ay dumaan. Ang mga tao ay nagpapatuloy sa paglalakad sa likuran ng Rabbi Na nasa harapan nilang lahat.

Ang isang binata ay humiwalay sa pulutong at nakaabot sa Guro binabati Siya nang magalang. Si Jesus ay tinumbasan ang pagbati.

«Gusto kong magtanong sa Inyo ng isang bagay, Guro.»

«Sabihin sa Akin.»

«Nakapakinig ako sa Inyo nang di sinasadya isang umaga pagkatapos ng Paskuwa malapit sa isang bundok di malayo mula sa mga bangin ng Cherit. At mula noon ako ay nag-iisip na... Ako ay maaaring mapasama din sa mga tinatawag Ninyo. Ngunit bago sumama ibig kong magkaroon ng isang napakalinaw na idea kung ano ang kinakailangan na gawin at kung ano ang hindi kailangan na gawin. At tinanong ko ang Inyong mga disipulo tuwing nakikita ko sila. At ang iba ay nagsabi sa akin ng isang bagay, ang ilan isang ibang bagay. At ako ay hindi makatiyak, halos natatakot, sapagkat lahat sila ay nagkakasundo tungkol sa isang bagay, ang ilan mas istrikto and ilan di masyado, at iyon ay ang tungkol sa obligasyon na maging perpekto. Ako... ako ay isang kaawa-awang tao, Panginoon, at Diyos lamang ang perpekto... Nakinig ako sa Inyo sa ikalawang beses... at sinabi rin Ninyo: “Maging perpekto”. At nawalan ako ng lakas-ng-loob.  Sa ikatlong beses, mga ilang araw pa lamang ang nakararaan, napakinggan ko Kayo sa Templo. At bagama't Kayo ay napakahigpit, naramdaman ko na hindi imposible na maging gayon, sapagkat... hindi ko alam mismo kung bakit, kung papaano ko ito maipaliliwanag sa sarili ko at sa Inyo. Ngunit kung naramdaman ko na ito ay isang bagay na imposible, o ito ay napaka delikado na hilingin na maging gayon, na tila ang isa ay ibig na maging isang diyos, sa dahilan na ibig Ninyo kaming iligtas, hindi Ninyo ito imumungkahi s amin. Sapagkat ang kapangahasan ay isang kasalanan. Ang magustong maging isang diyos ay ang kasalanan ni Lucifer. Ngunit baka may isang paraan upang maging perpekto, ang maging ganyan nang hindi nakagagawa ng kasalanan, at ito ay sa pamamagitan ng pagsunod sa Inyong doktrina, na tiyak na isang Doktrina ng kaligtasan. Tama ba ako?»

«Oo, tama ka. Kung gayon?»

«Kung kaya't nagpatuloy ako sa pagtanong sa isang ito at sa isang iyon. At nang napakinggan ko na Kayo ay nasa Ramah ako ay pumarito. At mula noon, sa kapahintulutan ng aking ama, sinusundan ko na Kayo. At ngayon ako ay mas nananabik na sumama...»

«Halika ka, kung gayon! Ano ang ikinatatakot mo?»

«Hindi ko alam... Hindi ko alam mismo... Ako ay nagtatanong at nagtatanong... At sa bawat pagkakataon, habang ito ay madali sa akin at nagpasya ang aking isip na sumama kapag napakinggan ko Kayo, pagkatapos, iniisip itong muli, at ang mas malala pa, kapag tinatanong ko ang isang ito at ang isang iyon, ito ay tila napakahirap sa akin.»

«Sasabihin Ko sa iyo kung papaano iyan nangyari: Iyan ay isang patibong ng dimonyo upang mapigilan ka sa pagsama. Tinatakot ka niya sa pamamagitan ng mga guniguni, ginugulo ka niya, ginagawa ka niya na tanungin mo ang mga nangangailangan din ng Liwanag katulad mo... Bakit hindi ka lumapit sa Akin ng diretso?»

«Sapagkat... ako ay... hindi takot, bagkus... Ang ating mga pari at mga rabbi! Napakahirap at mapagmalaki! At Kayo... Hindi ako maglakas-loob na lapitan Kayo. Ngunit kahapon sa Emmaus!... Sa palagay ko naintindihan ko na ako ay hindi dapat na matakot. At ngayon ako ay naririto, upang tanungin Kayo kung ano ang gusto kong malaman. Ang isa sa Inyong mga apostol, kamakailan pa lamang, ay nagsabi sa akin: “Lakad at huwag matakot. Siya ay mabait din sa mga makasalanan”. At ang isa pa ay nagsabi: “Gawin Siyang masaya sa pagtatapat sa Kanya. Ang mga nagtatapat sa Kanya ay matatagpuan Siyang mas mabait pa kaysa sa isang ina”. At ang isa pa ay nagsabi: “Hindi ko alam kung ako ay nagkakamali, ngunit sasabihin ko sa iyo na sasabihin Niya sa iyo na ang pagiging perpekto ay ang magmahal”. Iyan ang sinabi ng Inyong mga apostol, ang ilan mang lamang sa kanila, na mas mababait kaysa sa mga disipulo. Ngunit hindi lahat sa kanila, sapagkat sa pagitan ng Inyong mga disipulo ay may ilan na parang katulad ng alingawngaw ng Inyong tinig, ngunit sila ay napakakaunti. At sa pagitan ng mga apostol ay may ilan na... nakatatakot sa isang kaawa-awang taong katulad ko. Ang isa ay nagsabi sa akin nang may ngiti, na hindi isang mabait na ngiti: “Gusto mong maging perpekto? Kami, Kanyang mga apostol ay hindi, at gusto mong maging ganito? Ito ay imposible”. Kung ang iba ay hindi nagsalita sa akin, tumakbo na sana ako, ganap na nasiraan ng loob. Ngunit sinusubukan ko sa huling pagkakataon... at kung sasabihin din Ninyo na ito ay imposible...»

«Anak, at posible ba na Ako ay naparito upang magmungkahi ng imposibleng mga bagay sa mga tao? Sino sa palagay mo ang naglagay sa iyong puso ng mithiin na maging perpekto? Ang iyong sariling puso?»

«Hindi, Panginoon. Sa palagay ko ito ay Kayo sa pamamagitan ng Inyong mga salita.»

«Ikaw ay hindi malayo sa katotohanan. Ngunit sabihin sa Akin, ayon sa iyo, ang Aking mga salita, ano ang mga ito?»

«Sila ay makatarungan.»

«O sige. Ngunit ang ibig Kong sabihin: mga salita ng isang tao o ng isang mahigit pa sa isang tao?»

«O! Nagsasalita Kayo katulad ng Karunungan at mas may-kabaitan at mas malinaw pa nga. Kung kaya't sinasabi ko na ang Inyong mga salita ay mga salita ng isa na mas mahigit pa sa isang tao. At sa palagay ko hindi ako nagkakamali kung naintindihan ko nang tama kung ano ang Inyong sinabi sa Templo. Sapagkat sa palagay ko sinabi Ninyo na Kayo ang pinaka Salita ng Diyos, kung kaya't nagsasalita Kayo bilang Diyos.»

«Naintindihan mo nang tama at ang sinasabi mo ay tama. Kung gayon sino ang naglagay ng mithiin ng perpeksiyon sa iyong puso?»

«Ang Diyos, sa pamamagitan Ninyo, Kanyang Salita.»

«Kung gayon ito ay ang Diyos. Ngayon isipin lamang: Kung ang Diyos, na nalalaman ang mga kakayahan ng mga tao, ay nagsabi sa kanila: “Halikayo sa Akin. Maging perpekto”, ang ibig sabihin nito na alam Niya na ang tao, kung gugustuhin niya, ay maaaring maging perpekto, ito ay isang lumang salita. Ito ay umugong sa unang pagkakataon para kay Abraham bilang isang pagbubunyag, isang utos, isang paanyaya: “Ako ang Makapangyarihang Diyos. Maglakad sa Aking presensya. Maging perpekto”. Ang Diyos ay binunyag ang Kanyang sarili upang ang patriyarka ay hindi magduda tungkol sa kabanalan ng utos at sa katotohanan ng paanyaya. Inutusan Niya siya na maglakad sa Kanyang presensya, sapagkat ang naglalakad sa kanyang pamumuhay, kumbinsido na ginagawa ito sa mga mata ng Diyos, ay hindi makagagawa ng mga gawa ng kasamaan. Dahil dito inilalagay niya ang kanyang sarili sa katayuan ng pagiging maging perpekto ayon sa paanyaya ng Diyos.»

«Iyan ay tama! Iyan ay talagang tama! Kung sinabi ng Diyos, ang ibig sabihin nito maaaring mangyari iyan. O! Guro! Gaano kalinaw ang lahat kapag Kayo nagsasalita! Bakit, kung gayon, ang Inyong mga disipulo, at ang apostol din na iyon, nagbibigay ng isang gayong... nakatatakot na idea tungkol sa kabanalan? Hindi ba sila naniniwala na ang mga salitang iyon at ang Inyo ay totoo? O sila ba ay hindi makapaglakad sa presensya ng Diyos?»

«Huwag mag-alala tungkol sa kung ano iyan. Huwag manghusga. Tingnan mo, anak. Kung minsan ang kanilang pinaka kasabikan na maging perpekto at ang kanilang kababaang-loob ay nagagawa silang matakot na sila ay hindi kailanman magiging gayon.»

«Kung gayon ang pagmimithi para sa pagiging perpekto at ang kababaang-loob ay mga hadlang sa pagiging perpekto?»

«Hindi, anak. Ang pagmimithi at kababaang-loob ay hindi mga hadlang. Sa kabaligtaran ang isa ay kailangan na magpursige na magkaroon ng mga ito sa isang napakalalim at may-kaayusang paraan. Sila ay may kaayusan kung sila ay hindi nangangahulugan ng may-kapabayaan na pagmamadali, walang-basehan na kalungkutan, mga pagdududa at kakulangan ng kompiyansa, katulad ng paniniwala na, dahil sa kanyang pagiging di-perpekto, ang tao ay hindi maaaring maging perpekto. Ang lahat na mga birtud ay kinakailangan, pati na rin ang mithiin na maabot ang katarungan.»

«Oo. Ang mga tinanong ko rin ay sinabi iyan sa akin. Sinabi nila sa akin na kinakailangan na maging ma-birtud. Ngunit ang ilan ay nagsabi na isang birtud ay kinakailangan, ang ilan ibang birtud naman, at lahat sila ay pinangangatawanan ang absulutong pangangailangan ng pagkakaroon ng isang birtud na iyon, na kanilang sinasabi na hindi kailangan na mawala upang maging mga santo. At iyan ay nahihintakutan ako, sapagkat papaano ang isa magkakaroon ng lahat na mga birtud sa perpektong porma nito, papaano ng isa patutubuin nang magkakasama ang lahat na ito katulad ng isang kumpol ng magkakaibang mga bulaklak? Mangangailangan ito ng panahon... at ang buhay ay napakaikli! Guro, sabihin sa akin kung alin ang esensiyal na birtud.»

«Ito ay ang pagmamahal. Kung ikaw ay nagmamahal maaari kang maging banal, sapagkat ang lahat ng mga birtud at lahat na mabubuting gawain ay nanggagaling mula sa pagmamahal para sa Kataastaasan at para sa ating kapwa.»

«Sila ba? Mas madali ito nang ganyan. Kung gayon ang kabanalan ay pagmamahal. Kung ako ay nagmahal nasa akin ang lahat.... Ang kabanalan ay gawa sa pagmamahal.»

«Gawa diyan at ng iba pang mga birtud. Sapagkat ang maging banal ay hindi lamang ibig sabihin maging mababa-ang-loob, o maging mahinahon lamang, o maging basal lamang at iba pa. Tingnan mo, anak, kung ang isang mayaman ay ibig magbigay ng isang salu-salo, nagpapakuha ba siya ng isda lamang? At: kung ang isa ay ibig na magbigay ng isang punpon ng mga bulaklak, isang bulaklak lang ba ang kanyang kinukuha? Hindi ito ginagawa ng isa. Sapagkat kahit na kung nagtambak siya ng iisang ulam sa mesa, pipintasan siya ng kanyang mga panauhin bilang isang walang-kakayahan na punong-abalá na iniisip lamang ang maipakita ang kanyang pamamaraan ngunit hindi ang kanyang kapinuhan bilang isang maginoo na nananabik na makapagbigay kasiyahan sa iba't ibang panlasa ng kanyang mga panauhin at gustong mabigyan ang lahat sa kanila ng hindi lamang ang masiyahan ang kanilang gana sa pamamagitan ng ulam na ito o iyon, bagkus upang kalugdan sila. Ganyan din ito sa kanya na nagbibigay ng isang kumpol ng mga bulaklak. Ang isang bulaklak lamang, kahit na kung gaano man ito kalaki, ay hindi isang kumpol. Ngunit ang maraming bulaklak ay isang kumpol, at kung gayon ang magkakaibang mga kulay at mga amoy ay nagbibigay-kasiyahan sa mga mata at pang-amoy ng isang tao at nagagawa siyang papurihan ang Panginoon. Ang kabanalan, na kailangan natin na tingnan bilang isang punpon ng mga bulaklak na inaalay sa Panginoon, ay ang makuha ang lahat na mga birtud. Ang Kababaang-loob ay mangingibabaw sa isang espiritu, ang lakas sa isa pa, ang pagpipigil sa isa pa, ang pagtitiyaga sa isa pa, ang espiritu ng pagsasakripisyo o pagtitika sa isa pa, lahat na mga birtud na pinanganak sa loob ng lilim ng makaharing pinakamabangong punungkahoy ng pagmamahal, na ang kaninong mga bulaklak ay laging mangingibabaw sa kumpol, ngunit ang lahat na mga birtud ay ang bumubuo sa kabanalan.»

«At alin ang kailangan na alagaan nang mas maingat?»

«Ang pagmamahal. Sinabi Ko na sa iyo.»

«Pagkatapos?»

«Wala ditong sistema, anak. Kung mamahalin mo ang Panginoon, pagkakalooban ka Niya ng Kanyang mga regalo, ibig sabihin, Siya ay makikipag-ugnayan sa iyo at pagkatapos ang mga birtud na pinagsisikapan mong lumago sa lakas, ay lalago sa ilalim ng araw ng Grasya.»

«Sa ibang pananalita, sa isang nagmamahal na kaluluwa ang Diyos ay ang kadalasan na kumikilos?»

«Oo, anak. Ang Diyos ang kadalasan na kumikilos, ginagawa ang tao na ilagay, bilang kanyang kontribusyon, ang kanyang malayang kalooban na kumiling sa perpeksiyon, ang kanyang mga pagsisikap na tanggihan ang mga panunukso upang manatiling matapat sa kanyang pakay, sa kanyang mga pakikibaka laban sa laman, sa mundo, sa dimonyo, kapag siya ay dinudumog ng mga ito. At ang rason para dito ay na gusto Niya na ang Kanyang anak ay magkaroon ng merito sa kanyang kabanalan.»

«Ah! Alam ko na! Kung gayon tamang-tama na sabihin na ang tao ay ginawa upang maging kasing perpekto katulad ng gusto ng Diyos. Salamat sa Inyo, Guro. Ito ay malinaw na ngayon sa akin at kikilos ako nang naaayon. At Kayo, Panginoon, pakiusap na magdasal para sa akin.»

«Pananatilihin kita sa Aking puso. Humayo at matiyak na ang Diyos ay hindi ka pababayaan nang walang tulong.»

Ang binata ay humiwalay kay Jesus nagmumukhang kontento...

Sila sa ngayon ay malapit na sa nayon. Si Bartolomeo kasama si Stephen ay sinamahan si Jesus upang sabihin sa Kanya na habang Siya ay nagsasalita sa binata, ang isang mamamayan ng Beth-Horon, isang kamag-anak ni Helkai ang Pariseo, ay dumating nakikiusap sa kanila na dahil Siya kaagad sa kanyang namamatay na asawa.

«Tayo na. Saka na Ako magsasalita. Alam ba ninyo kung nasaan ang asawa?»

«Nag-iwan ang lalaki ng isang katulong sa atin . Siya ay nasa likuran, kasama ang iba.»

«Gawin siyang pumunta rito at bilisan natin ang ating mga hakbang.»

Ang katulong ay dumating. Isang malakas na matandang lalaki nagmumukhang dismayado.  Binati niya at tinitingnan nang patago si Jesus Na ngumingiti sa kanya nagtatanong: «Ano ang ikinamamatay ng iyong sinyora?»

«O!...  Siya ay nagbubuntis. Ngunit ang bata ay namatay sa kanyang sinapupunan at ang kanyang dugo ay nagkaroon ng impeksiyon. Siya ay nagdidiliryo na tila siya ay baliw at siya ay mamamatay. Binuksan nila ang kanyang mga ugat upang bumaba ang kanyang temperatura. Ngunit ang kanyang dugo ay ganap na nalason at siya ay mamamatay. Inilagay nila siya sa tangke upang humupa ang kanya matinding lagnat. Ito ay bumaba habang siya ay nasa loob ng kasing-lamig ng yelo na tubig. Pagkatapos ito ay naging mas mataas kaysa dati, at siya ay ubo nang ubo... at siya ay mamamatay.»

«Hindi kataka-taka! Sa gayong panggagamot!» bulong ni Mateo sa pagitan ng kanyang mga ngipin.

«Gaano na siya katagal na may sakit?»

Ang katulong ay tutugon na sana nang ang pinuno ng koponan na Romano ay tumakbong pababa patungo sa kanila at tumigil sa harapan ni Jesus.

«Mabuhay! Kayo ba ang Nazareno?»

«Ako nga. Ano ang kailangan ninyo sa Akin?»

Ang mga tagasunod ni Jesus ay nagmadali doon nag-iisip ng kung sino ang nakaaalam kung ano...

«Isang araw ang isa sa aming mga kabayo ay nasipa ang isang Judiong batang lalaki at pinagaling Ninyo siya upang mapigilan ang mga Hudyo na gumawa ng malaking ingay laban sa amin. Ngayon ang mga bato ng mga Hudyo ay nakatama ng isang sundalo, na ngayon nakaratay na may isang paang pilay. Hindi ako makatigil dahil ako ay nagbabantay. Walang sinuman sa nayon ang gustong magpatuloy sa kanya at siya ay hindi makalakad. Hindi ko siya makaladkad na may pilay na paa. Alam ko na hindi Ninyo kami kinasusuklaman katulad ng mga Hudyo...»

«Gusto mo bang pagalingin Ko ang sundalo?»

«Oo, gusot ko. Pinagaling din Ninyo ang katulong ng Senturyon at ang maliit na anak na babae ni Valeria. Iniligtas Ninyo si Alexander mula sa galit ng Inyong mga kababayan. Ang mga bagay na ito ay nalalaman sa mataas at sa mababang mga lugar.»

«Puntahan natin ang sundalo.»

«At papaano ang aking sinyora?» tanong ng di-kontentong katulong.

«Saka na.»

At si Jesus ay sinundan ang opisyal, na tinahak ang daan sa pamamagitan ng kanyang malalakas na paa na libre sa mga sagabal na damit. Ngunit kahit na naglalakad nang gayon sa unahan ng lahat, nagawa pa niya na makipagusap nang kaunti sa Kanya Na siyang unang makasunod sa kanya, ibig sabihin makipagusap kay Jesus, at sinabi niya: «Kamakailan nakasama ko si Alexander. Siya... ay madalas na magsalita ng tungkol sa Inyo. Ang pagkakataon ay nailagay Kayong malapit sa akin ngayon-ngayon lamang.»

«Pagkakataon? Bakit hindi mo sabihin ang Diyos? Ang totoong Diyos?»

Ang sundalo ay tahimik nang isang sandali, pagkatapos sa isang mababang tinig upang tanging si Jesus lamang ang makaririnig siya ay nagsabi: «Ang totoong Diyos ay magiging ang Hebreong Diyos... Ngunit hindi Niya ginagawa ang Kanyang Sarili na mahalin, kung Siya ay katulad ng mga Hebreo. Hindi sila nagkakaroon ng awa kahit na sa isang nasugatan na tao...»

«Ang totoong Diyos ay ang Diyos ng mga Hebreo, pati na rin ng mga Romano, ng mga Griyego, ng mga Arabo, ng mga Parthian, ng mga Scythian, ng mga Iberian, ng mga Gaul, ng mga Celt, ng mga Libyan, ng mga Hyperborean. May bagkus isang Diyos lamang! Ngunit marami ang hindi nakakakilala sa Kanya, ang iba ay may maling pagkakaalam tungkol sa Kanya. Kung nakilala nila Siya nang mabuti, silang lahat ay magiging katulad ng magkakapatid sa isa’t isa, at hindi magkakaroon ng pag-aabuso ng kapangyarihan, walang kapootan, walang pagsisiraan-ng-puri, walang kasakiman, walang mga pagnanakaw, walang mga patayan, walang mga pangangalunya at walang kasinungalingan. Kilala Ko ang totoong Diyos at Ako ay naparito upang Siya ay makilala.»

«Sinasabi nila... Kaming lahat ay kailangan na lubos na bukas ang mga tainga upang mag-ulat sa mga senturyon na mag-uulat naman sa Prokonsul.  Sinasabi nila na Kayo ay Diyos. Totoo ba ito?» Ang sundalo ay... alang-alala sa pagsasabi nito. Tinitingnan niya si Jesus mula sa anino ng kanyang helmet, at siya ay halos nagmumukhang natatakot.

«Ako nga.»

«Sa ngalan ni Jove! Kung gayon totoo na ang mga diyos ay bumababa upang makipagusap sa mga tao? Pagkatapos ng paglalakbay sa buong mundo sinusundan ang bandila, nakarating ako rito, isang matanda nang lalaki, upang makakita ng isang diyos!»

«Ang Diyos. Ang Tanging Isa. Hindi isang diyos» sabi ni Jesus itinutuwid siya.

Ngunit ang sundalo ay nananatiling natitigilan sa idea na siya ay nauuna sa isang diyos... Siya ay hindi na nagsasalita... Siya ay nag-iisip, hanggang, sa pamasukan lamang ng nayon nakita nila ang koponan nakatayo sa paligid ng nasugatan na sundalo, na umuungol sa lupa.

«Naririto siya!» sabi ng opisyal nang maikli.

Si Jesus ay sumisingit sa pulutong patungo sa kanya. Ang kanyang paa, na malala ang pagkapilay, ay pilipit, at ito ay namamaga na at iba na ang kulay. Maaaring siya ay nasasaktan nang husto at nang makita niya si Jesus na inuunat ang Kanyang kamay siya ay nakiusap: «Huwag Ninyo akong sasaktan nang labis!»

Si Jesus ay ngumingiti. Sa pamamagitan ng kanyang mga daliri hinihipo Niya nang magaan ang lugar kung saan pinakikita ng putlang-abo kulay ang pilay. Pagkatapos sinabi Niya: «Tumayo ka!»

«Ngunit mayroon pa siyang isa pang pilay sa itaas, sa kanyang balakang» paliwanag ng opisyal, tiyak na ang kanyang ibig sabihin: «Hindi ba Ninyo iyon hihipuin din?»

Sa pagkakataon lamang na iyon ang isang taga-Beth-horon ay dumating at nagsabi: «Guro, Guro! Nag-aaksaya Kayo ng panahon sa mga pagano, at ang aking asawa ay namamatay!»

«Lakad at dalhin siya rito.»

«Hindi ko magagawa. Siya ay baliw!»

«Lakad at dalhin siya sa Akin dito, kung kayo ay may pananampalataya sa Akin.»

«Guro, walang makahawak sa kanya. Siya ay hubad at hindi namin siya maramtan. Siya ay baliw at pinupunit niya ang kanyang mga damit. Siya ay namamatay at hindi siya makatayo.»

«Lakad at dalhin siya rito kung ang inyong pananampalataya ay hindi mas kulang sa pananampalataya ng mga paganong ito.»

Ang mamâ ay umalis nang hindi nasisiyahan.

Si Jesus ay tinitingnan ang Romano na nakaratay sa Kanyang paanan: «At ikaw ba ay maaaring magkaroon ng pananampalataya?»

«Oo, magkakaroon ako ng pananampalataya. Ano ang kailangan kong gawin?»

«Tamayo ka.»

«Mag-ingat, Camillus, sapagkat...» nagsasabi ang opisyal. Ngunit ang sundalo ay nakatayo na, maliksi, magaling na.

Ang mga Israelita ay hindi sumisigaw ng hosana. Ang lalaking pinagaling ay hindi isang Hebreo. Sa kabaligtaran sila ay lumalabas na hindi nasisiyahan o ang kanilang mga mukha man lamang ay pinupulaan ang ginawa ni Jesus. Ngunit ang mga sundalo ay hindi sa hindi nasisiyahan, at kanilang binunot ang kanilang malalapad na punyal at itinaas ito sa ere pagkatapos na ito ay ipukpok nang makailang beses sa kanilang mga pananggalang upang gumawa ng masayang ingay. Si Jesus ay nasa gitna ng paikot na mga punyal.

Ang opisyal ay tinitingnan Siya. hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin o gagawin, siya, isang tao malapit sa isang diyos, isang pagano malapit sa Diyos... Siya ay nag-iisip at kanyang nadama na siya ay kailangan man lamang na gumawa para sa Diyos kung ano ang kanyang gagawin para sa Caesar. At inutusan niya ang kanyang mga tauhan na saluduhan ang emperador (sa akin man lamang palagay ito ay ito sapagkat napakinggan ko ang isang malakas na «Mabuhay» na umugong habang ang mga punyal ay nagniningning dahil ito ay nakataas nang pahiga sa pamamagitan ng nakaunat na mga kamay). At hindi pa kontento, sinabi niya sa mababang tinig: «Lumakad nang hindi nag-aalala rin sa gabi. Ang mga daan.... ay lahat binabantayan. Binabantayan laban sa mga mandarambong. Kayo ay magiging ligtas, ako...» Siya ay tumigil. Hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin.

Si Jesus ay ngumingiti sa kanya nagsasabing: «Salamat sa iyo. Humayo at maging mabuti. Maging makatao din sa mga mandarambong. Maging tapat sa inyong paglilingkod nang hindi nagiging malupit. Sila ay mga kaawa-awang sawing-palad. At pananagutan nila sa Diyos ang kanilang mga ginagawa.»

«Gagawin ko. Mabuhay! Ibig ko Kayong makita muli...»

Si Jesus ay tinititigan siya, pagkatapos nagsabi: «Tayo ay magkikita. Sa ibang bundok.» At inuulit Niyang muli: «Maging mabuti. Paalam.»

Ang mga sundalo ay nagsimulang lumakad muli. Si Jesus ay pinapasok ang nayon. Naglakad Siya ng kaunting mga metro at pagkatapos nakita Niya ang isang malaking pulutong na lumalapit sa Kanya at ang Kanyang mga tagasunod ay sumisigaw ng mga komentaryo. Ang isang lalaki at isang babae ay humihiwalay sa grupo - ang lalaki na binanggit kanina – at sila ay yumuyuko sa harapan ni Jesus: ang babae nasa kanyang mga tuhod, ang lalaki nakayuko.

«Tumayo at purihin ang Panginoon. Ngunit kailangan Kong sabihin sa inyo, o lalaki, na ang iyong konsiyensya ay hindi malinaw. Ikaw ay nakiusap sa Akin dala ng pagiging makasarili, hindi dala ng pagmamahal para sa Akin o dala ng pananampalataya sa Akin.  At iyong pinagdudahan ang Aking salita. At nalalaman mo kung sino Ako! Pagkatapos nagkaroon ka ng walang-kabaitan na kaisipan dahil Ako ay tumigil upang pagalingin ang isang Hentil, katulad na ang buong nayon ay kumilos nang walang-kabaitan sa pagtanggi sa nasugatan na sundalo. Sa pamamagitan ng kalabisan ng awa at upang masubukan at magawa ang iyong puso na maging mas mabait pinagaling Ko ang iyong asawa nang hindi na pumupunta sa inyong bahay. Hindi ka karapat-dapat nito. Ginawa Ko ito upang maipakita sa iyo na hindi Ko kailangan na pumunta upang makagawa ng isang bagay. Sapat na para sa Akin na gustuhin ito. ngunit sasabihin Ko sa inyong lahat na ang mga taong inyong kinasusuklaman ay mas mabubuti pa kaysa sa inyo at mas naniniwala sila sa Aking kapangyarihan kaysa kayo. Tumayo ka, babae. Ikaw ay hindi nagkasala, sapagkat wala ka ng pakultad ng pangangatwiran. Humayo at mula ngayon maniwala dala ng pagpapasalamat sa Panginoon.»

Ang saloobin ng mga taga-nayon ay naging malamig at mapagmalaki dahil sa paninita ni Jesus. Sinusundan nila Siya nang nagmumukmok hanggang sa layo ng liwasan kung saan Siya tumigil upang magsalita, dahil ang lider ng sinagoga ay hindi Siya inanyayahan sa loob ng sinagoga at walang bahay ang nagbubukas ng kanilang pinto sa Guro.

«Kapag ang Diyos ay kasama ang mga tao, ang mga tao ay magagawa ang lahat laban sa kamalasan, maging ano pa man ang pangalan nito. Kapag, sa kabaligtaran, ang Diyos ay hindi kasama ng mga tao, wala silang magagawa laban sa kamalasan. Ang mga talaan ng bayan na ito ay nababanggit nang higit pa sa minsan ang ganyang mga pangyayari. Ang Diyos ay kasama si Joshua at kanyang tinalo ang mga Kananeo at sa tabi ng daan na ito tinulungan siya ng Diyos upang wasakin ang mga kaaway ng Israel “nagtatápon ng malalaking ulang-yelo mula sa langit at mas marami pa ang namatay gawa ng mga ulang-yelo kaysa sa pamamagitan ng espada” nababasa natin sa aklat ni Joshua. Ang Diyos ay kasama si Judas Macabeo na dumating sa burol na ito kasama ang kanyang maliit na sandatahang-lakas upang tingnan ang makapangyarihang sandatahang-lakas ni Seron, ang lider ng sandatahang-lakas ng Syria, at ang Diyos ay pinatotohanan ang mga salita ng komandante ng Israel sa pamamagitan ng nakagugúlat na pagkapanalo.

Ngunit ang kinakailangan na kondisyon na makasama natin ang Diyos ay ang kumilos para sa mga dahilan ng katarungan. “Sapagkat ang pagkapanalo sa digmaan ay hindi depende sa laki ng panlaban na puwersa, bagkus sa tulong na nanggagaling mula sa Langit” sabi ng Aklat ng mga Macabeo. Ang lahat na mabubuting bagay sa buhay ay hindi dumidepende sa kayamanan, o sa kapangyarihan, o sa kahit ano pa man na ibang dahilan, bagkus sa tulong na nanggagaling mula sa Langit. At ito ay dumarating sapagkat humihingi tayo ng tulong para sa mabubuting bagay. Para sa ating mga buhay at sa ating mga batas, sabi muli ng Aklat ng mga Macabeo. Ngunit kung ang isa ay lumapit sa Diyos para sa isang masama o di-purong pakay, walang kabuluhan ang manawagan para sa Kanyang tulong. At Diyos ay hindi tutugon o Siya ay tutugon sa pamamagitan ng mga kaparusahan sa halip na mga pagpapalà.

Ang katotohanan na ito ay labis nang nakalimutan ngayon sa Israel. At gusto nila ang tulong ng Diyos at nananawagan sila para sa mga pakay na hindi mabuti. At hindi sila nagsasabuhay ng mga birtud at ang mga utos ay hindi sinusunod nang may tunay na espiritu ng pagsunod, ibig sabihin, tanging ang kanilang bahagi lamang na makikita at mapupuri ng mga tao ang ginagawa. Ngunit kung ano ang naitatago sa pamamagitan ng pinakikitang hitsura ay ibang-iba. Ako ay naparito upang magsabi: maging sinsiro sa inyong mga aksiyon sapagkat nakikita ng Diyos ang lahat at ang mga sakripisyo at walang-silbi at ang mga panalangin walang-kabuluhan, kung ang mga ito ay inaalay dala lamang ng pagyayabang ng kulto, habang ang puso ng isa ay puno ng kasalanan, poot at masasamang mithiin.

Beth-horon, huwag gawin ng inyong mga mamamayan kung ano ang sinasabi ni Obadiah sa Edom. Ang Edom, iniisip na siya ay ligtas, ay nangahas na siilin si Jacob at nagbubunyi sa kanyang mga pagkatalo. Huwag umasal nang ganyan, o saserdotal na bayan. Kunin at pagnilayan ang rolyo ni Obadiah. Pagnilayan ito at baguhin ang inyong mga pamamaraan. Sundan ang hustisya kung ayaw ninyong makakita ng mga araw ng lagim. Hindi kayo maililigtas pagdating ng araw sa pagiging nasa tuktok na ito, o sa pagiging parang nasa labas ng mga dadaanan ng digmaan. Nakikita Ko sa inyo na marami ang wala ang Diyos sa kanila at ayaw ang Diyos. Bumubulong-bulong ba kayo? Sinasabi Ko sa inyo ang katotohanan. Ako ay naparito upang sabihan kayo. Na kayo ay sana mailigtas pa.

Hindi ba’t ang inyong pangalan ay isa lamang? Hindi ba’t ito ay Israel lamang? Bakit kung gayon ito ay nahati at nagkaroon ito ng dalawang pangalan? O! Iyan ay totoong nagpapa-alaala sa Akin ng tungkol sa kasal ni Hoshea sa isang puta at ng tungkol sa mga ipinanganak ng puta na nakipagtalik. Ngunit ano ang sinasabi ng mga propeta? Ang bilang ng mga anak ng Israel ay magiging katulad ng buhangin sa dalampasigan... Pagkatapos, sa halip na sabihin sa kanila: ‘Kayo ay hindi Aking sambayanan’ sasabihin sa kanila: ‘Kayo ay mga anak ng buháy na Diyos’. At ang mga anak ng Judah at ng Israel ay magkakasamang muli at hihirang ng isang pinuno lamang at babangon mula sa Lupa sapagkat dakila ang araw ni Jezreel”. O! bakit kung gayon pinupulaan ninyo Siya na siyang magbubuklod sa kanilang lahat at gagawa sa kanilang isang sambayanan lamang, isang dakilang sambayanan, isa, katulad na ang Diyos ay isa, bakit ninyo Siya pinupulaan sa pagmahal Niya sa lahat na mga anak ng tao sapagkat sila ay lahat mga anak ng Diyos, at Na siyang gagawa rin na mga anak ng Diyos sa mga na sa kasalukuyan ay tila mga patay? At mahuhusgahan ba ninyo ang Aking mga aksiyon at ang kanilang mga puso at ang inyo? Saan nanggagaling ang liwanag na dumarating sa inyo? Ang liwanag ay nanggagaling sa Diyos. Ngunit kung ang Diyos ay pinadala Ako na may gawain na pagbuklurin muli ang lahat na mga tao sa ilalim ng isa lamang na setro, papaano kayo magkakaroon ng isang liwanag, isang tunay na dibinong liwanag, na nagpapakita sa inyo ng mga bagay na salungat sa kung papaano ng Diyos nakikita sila? Ngunit sa kabila nito nakakakita kayo nang salungat sa kung papaano ito nakikita ng Diyos.

Huwag bumulong-bulong. Iyan ang katotohanan. Kayo ay nasa labas ng hustisya. At ang nanunulsol sa inyo na makalabas sa hustisya ay mas lalo na. At tatanggap sila ng dobleng kaparusahan. Inaakusahan ninyo Ako na nakikipaglandi sa kaaway, sa naghahari. Nababasa Ko ang inyong mga puso. Ngunit kayo ba ay hindi nakikipaglandi kay Satanas sa pagiging mga tagasunod ng mga lumalaban sa Anak ng tao, ang Mensahero ng Diyos? At ngayon kinapopootan ninyo Ako. Ngunit kilala Ko ang mukha ng naghahasik ng poot sa inyo. Katulad na ito ay sinabi sa Hoshea, naparito ako na puno ang Aking kamay ng mga regalo at ang Aking puso puno ng pagmamahal Sinubukan Kong makuha ang inyong atensiyon sa pamamagitan ng pinakamabait na pamamaraan upang magawa kayong mahalin Ako. Nagsalita Ako sa Aking sambayanan katulad ng isang nobyo sa kanyang nobya nag-aalok sa kanila ng eternal na pagmamahal, kapayapaan, katarungan at awa. May isang oras pang natitira upang maiwasan ang mga tao, na tumatalikod sa Akin, at ang mga namumuno, na nanunulsol sa mga tao – kilala Ko sila – na mawalan ng hari, ng prinsipe, ng sakripisyo at ng altar. Ngunit malapit sa lungga, kung saan ang poot ay mas malakas at ang kaparusahan ay mas matindi, sila ay tumatrabaho upang makabili ng mga konsiyensya upang ang mga ito ay magawang gumawa ng krimen. O! Totoo na ang mga naglíligaw sa mga konsiyensya ay huhusgahan nang mas mahigpit nang makapitung-pito kaysa sa mga nailigaw.

Tayo na. Ako ay nakaparito at nakagawa ng isang himala at nasabi Ko sa inyo ang katotohanan upang makumbinsi kayo kung sino Ako. Ako ay lalayo. At kung sa pagitan ninyo ay may isang tao lamang na makatarungan, gawin siyang sundan Ako, sapagkat malungkot ang hinaharap ng lugar na ito, kung saan ang mga ahas ay namumugad upang makapanulsol at magkanulo.»

Si Jesus ay tumalikod upang kunin ang daan na Kanyang kinuha nang Siya ay pumarito.

«Bakit, Rabbi, nagsalita Kayo sa kanila ng ganyan? Kapopootan nila Kayo» tinatanong Siya ng mga apostol.

«Hindi Ako nagsisikap na makakuha ng pagmamahal sa pamamagitan ng mga negosasyon o kasinungalingan.»

Ngunit hindi ba’t mas mabuti ang hindi na lamang pumunta rito?»

«Hindi. Kinakailangan na huwag iwanan ang pinakamaliit na pagdududa.»

«At sino ang Inyong nakumbinsi?»

«Wala, sa pansamantala. Ngunit pagdating ng araw ay isang magsasabi: “Wala tayong isusumpang sinuman sapagkat tayo ay binigyan ng babala at wala tayong ginawa kahit ano”. At kung kanilang sisisihin ang Diyos para sa paghampas sa kanila, ang kanilang paninisi ay magiging katulad ng paglalapastangan.»

«Ngunit sino ang Inyong tinutukoy sa pagsasabing...»

«Tanungin si Judas ng Kerioth. Marami siyang kilalang mga tao rito at nalalaman niya ang kanilang katusuhan.»

Ang lahat na mga apostol ay tinitingnan si Judas.

«Oo, ang lugar na ito ay halos nasa kontrol ni Helkai. Ngunit... si Helkai ay hindi sa palagay ko...» ang mga salita ay nawawala sa mga labì ni Judas na, itinataas ang kanyang mga mata mula sa kanyang sinturon na kanyang inaayos upang magpakita ng kanyang saloobin, nakatagpo ang mga mata ni Jesus. Ang sulyap ng Guro ay napakaningning at nakalalagos katulad na ito ay nakararahuyo. Si Judas ay itinungo ang kanyang ulo at nagtatapos: «Ito ay totoong isang mapagmalaking nayon, karapat-dapat sa tao na nangingibabaw dito. Ang bawat isa ay mayroon ng nararapat sa kanya. Mayroon silang Helkai. Tayo ay may Jesus. At tama ang ginawa ng Guro sa pagsabi sa kanila na nalalaman Niya. Napakaganda.»

«Sila ay totoong masama. Napuna ba ninyo iyon? Ni wala kahit isang pagbati pagkatapos ng himala! Wala ni isang karampot! Wala» wika ni Felipe.

«Ngunit ako ay nanginig nang binisto sila ng Guro nang gayon» sabi ni Andres nang may buntung-hininga.

«Ang gawin iyon at hindi ay pareho din. Napopoot pa rin sila sa Kanya. Gusto kong bumalik sa Galilee!» sabi ni Juan.

«Sa Galilee! Siyempre!» sabi ni Pedro nagbubuntung-hininga at kanyang iniyuko ang kanyang ulo nagmumukhang lubos na nag-iisip.

Sa hulihan, ang mga sumusunod kay Jesus at ayaw Siyang iwanan, ay patuloy sa paggawa ng kanilang mga komentaryo kasama ang mga disipulo.

171011

 

 


Sunod na kabanata