513. Papuntang Gibeon. Ang mga Rason para sa Kapighatian ni Jesus.

Oktubre 18 1946.

Ngunit si Jesus ay hindi hinayaan na makapag-isa nang matagal sa Kanyang mga iniisip. Si Juan at ang Kanyang pinsan na si Santiago, pagkatapos si Pedro at si Simon Zealot ay nilapitan Siya upang kunin ang Kanyang atensiyon sa tanawin na kanilang nakikita mula sa tuktok ng burol. At baka para sa kanilang tangka na gambalain Siya, sapagkat maliwanag na maliwanag na Siya ay napakalungkot, kanilang sinasariwa ang mga nangyari sa distrito na pinag-aaralan ng kanilang mga mata. Ang paglalakbay patungo sa Ashkelon... ang bahay ng mga magbubukid sa kapatagan ng Sharon kung saan ginawa ni Jesus na makakitang muli ang matandang ama ng Gamala at si Jacob... ang pagreretiro nina Jesus at ni Santiago sa Mount Carmel... ang Caesarea sa dagat at ang maliit na batang babae na si Aurea Galla... ang himala ng mga ani sa bahay ni Jose ng Arimathea... ang kaawa-awang mahirap na babae na naghihimalay... Mga pagsasariwa na makapagpapasaya... ngunit kung saan ang lahat o para sa Kanya lamang, ay may mga alaala ng mga luha at kapighatian. Ang mga apostol ay nabatid din ito at sila ay bumulong: «Totoo ngang may kapighatian kahit saan man sa Lupa. Ito ay isang lugar ng pagbabayad-kasalanan...»

Ngunit si Andres, na sumama na sa grupo kasama si Santiago ni Zebedeo, ay nagwika nang tamang-tama: «Isang makatarungan na batas para sa ating mga makasalanan. Ngunit bakit labis na kapighatian para sa Kanya?»

Isang mapag-alang-alang na pag-uusap ang lumitaw at nananatiling ganito rin nang ang lahat na iba pa, nakuha ang pansin gawa ng mga tinig ng mga nauna, ay sumama sa grupo. Ang tanging napapaliban ay si Judas ng Kerioth na nagpapakahirap sa gitna ng abang mga tao na kanyang tinuturuan ginagaya ang tinig ng Guro, ang mga kilos at mga ekspresyon; ngunit ito ay isang pagyayabang na palabas na panggagaya, nagkukulang ng init ng pangungumbinsi na siyang sinasabi sa kanya nang hayagan ng kanyang mga tagapakinig, na nagagawa si Judas na maging bugnutin at gumanti nang harapan na sila ay mapupurol ang isip at sa gayon wala silang maintindihan. At sinasabi niya na iiwanan niya sila sapagkat «Hindi sulit ang pagpapakahirap na itapon ang mga perlas ng karunungan sa mga baboy.» Ngunit siya ay nananatili sapagkat ang abang mga tao ay napahiya at nakikiusap sila sa kanya na pagpasensyahan sila tinatanggap na «sila ay mas mababa sa kanya katulad na ang isang hayop ay mas mababa kaysa sa tao.»...

Si Jesus, upang mapakinggan kung ano ang sinasabi ni Judas, ay hindi pinapansin kung ano ang sinasabi ng Labing-isa sa paligid Niya, at kung ano ang Kanyang napapakinggan ay tiyak na hindi napapasaya sa Kanya... Subalit Siya ay nagbubuntung-hininga at nananahimik, hanggang ginawa Siyang maging interesado ni Bartolomeo sa pagbibigay niya sa Kanya ng iba't ibang mga pananaw tungkol sa rason kung bakit Siya, Na isang inosente at walang pagkakasala, ay kailangan na maghirap.

Sinasabi ni Bartolomeo: «Pinangangatawanan ko na ito ay nangyayari sapagkat kinapopootan ng tao siya na isang mabuti. Ang tinutukoy ko ay ang isang tao na siyang may kasalanan, ibig sabihin, ang karamihan ng mga tao. Ang karamihan na iyan ay nararamdaman na ang kanilang kasalanan at mga bisyo ay mas lalong lumalabas kapag sila ay kinukumpara sa mga inosente, at dala ng sama-ng-loob ipaghihiganti ang kanilang mga sarili sa paggawa sa mabubuting tao na maghirap.»

«Ako sa halip ay pinangangatawanan na Kayo ay naghihirap dahil sa kaibhan ng Inyong perpeksiyon at ng aming paghihirap. Kahit na kung walang nasusuklam sa Inyo sa kahit anong paraan, maghihirap pa rin Kayo dahil sa ang Inyong perpeksiyon ay masusuklam nang namimighati sa mga kasalanan ng mga tao» sabi Judas Tadeo.

«Sa kabaligtaran, pinangangatawanan ko na Kayo, sa dahilan na Kayo ay hindi maipaliliban sa pagiging-tao, ay naghihirap sa pamamagitan ng pagsisikap na kailangan na makontrolan, sa pamamagitan ng sobrenatural na bahagi, ang rebelyon ng Inyong pagiging-tao laban sa Inyong mga kaaway» sabi ni Mateo.

«At ako, nakatitiyak ako na ako ay maaaring nagkakamali dahil sa ako ay isang tanga, sinasabi ko na Kayo ay naghihirap sapagkat ang Inyong pagmamahal ay tinatanggihan. Hindi Kayo naghihirap sa dahilan na hindi Kayo makapagparusa katulad na maaaring siyang gusto ng Inyong pagiging-tao na bahagi, bagkus naghihirap Kayo sapagkat hindi Kayo makagawa ng mabuti sa mga tao ayon sa gusto Ninyo» sabi ni Andres.

«Panghuli, pinangangatawanan ko na Kayo ay naghihirap sapagkat kailangan Ninyong paghirapan ang lahat na mga kapighatian, upang matubos ang lahat na mga kapighatian, dahil wala ni isa sa Inyong Kalikasan ang nangingibabaw sa Inyo, bagkus ang dalawa ay naghahalô sa perpektong pagkakahalo, upang maporma ang perpektong Biktima. Napaka sobrenatural na napapápayápa nito ang pananakit na ginawa sa Diyos, napaka pantao na nangangatawan ito para sa Sangkatauhan at nadadala itong pabalik sa kalinisan ng unang Adan upang makansela ang nakaraan at malikha ang bagong sangkatauhan. Upang malikhang muli ang isang bagong sangkatauhan, ayon sa kaisipan ng Diyos, ibig sabihin, isang sangkatauhan na totoong naroroon ang imahe ng Diyos at ang pagkakatulad sa Diyos at ang patutunguhan ng Tao: ang makamit, ang abilidad na mapagsikapan na makamit ang Diyos, sa Kanyang Kaharian. Kailangan na maghirap Kayo nang sobrenatural, at ipinaghihirap Ninyo, para sa kung ano ang nakikita Ninyo na ginagawa at para sa pumapaligid sa Inyo, sasabihin ko, nang may walang-pagtigil na pananakit sa Diyos. Kailangan na maghirap Kayo nang katulad sa isang tao, at naghihirap Kayo, upang maputol ang kahalayan ng aming laman na nilason ni Satanas. Sa pamamagitan ng ganap na paghihirap ng dalawang perpektong Kalikasan ganap na makakansela Ninyo ang Pananakit sa Diyos, ang pagkakasala ng tao» sabi ng Zealot.

Ang iba ay tahimik. Si Jesus ay nagtanong: «Wala ba kayong sasabihin kahit ano? Alin ayon sa inyo ang makatarungan na kapaliwanagan?»

Ang ilan ay nagsasabi ang isang ito, ang ilan iyon. Sina Santiago ni Alfeo at si Juan lamang ang tahimik.

«At ano ang sa inyong dalawa? Wala ba kayong sinasang-ayunan sa kahit alin sa kanila?» sabi ni Jesus nang may panunukso.

«|Hindi. Pakiramdam namin may isang katotohanan diyan, isang bagay na totoong-totoo sa bawat isa sa kanila. Ngunit sa pakiramdam din namin ang pinaka totoong bagay ay nawawala.»

«At hindi ba ninyo ito makita?»

«Baka kami ni Juan ay nakita na ito. Ngunit ito ay halos isang paglalapastangan na sabihin namin ito sa Inyo, sapagkat... Kami ay mabubuting Israelita at kinatatakutan namin ang Diyos nang labis na halos hindi namin mabanggit ang Kanyang Pangalan. At ito ay tila isang paglalapastangan na kaisipan sa amin na habang para sa isang tao ng piniling sambayanan, para sa isang tao na anak ng Diyos ito ay halos imposible na bigkasin ang pinagpalang Pangalan at kinailangan niyang gumawa ng mga pamalit na mga pangalan upang masabi ang pangalan ng Diyos, si Satanas ay maaaring mangahas na saktan ang Diyos. At ang pakiramdam namin ang kapighatian ay laging aktibo laban sa Inyo, sapagkat Kayo ay Diyos at kinapopootan Kayo ni Satanas. Kinapopootan niya Kayo nang higit pa sa sino pa mang iba. Nakakatagpo Ka ng poot, Kapatid, sapagkat Ikaw ay Diyos» sabi ni Santiago.

«Oo. Nakakatagpo Kayo ng poot sapagkat Kayo ay Pag-ibig. Hindi ang mga Pariseo, o ang mga rabbi, o ang isang taong ito o iyon, o para dito o iyon, na dumarating upang pamighatiin Kayo. Ito ay ang Poot na lumalaganap sa mga tao at nagpapakilos sa kanila, namumutla sa galit, laban sa Inyo, sapagkat sa pamamagitan ng Inyong pagmamahal napakaraming mga biktima ang naaagaw Ninyo mula sa Poot» sabi ni Juan.

«Mayroon pa rin ang nawawala sa maraming mga kapaliwanagan. Hanapin ang rason na siyang ang talagang totoong isa. Ang isa na sa pamamagitan nito Ako ay...» sabi ni Jesus pinasisigla sila.

Ngunit walang makakita nito. Sila ay nag-iisip at nag-iisip. Sila ay tumigil nagsasabing: «Hindi namin ito makita...»

«Ito ay napakasimple. Ito ay laging nasa harapan ninyo. Ito ay umaalingawngaw sa ating mga aklat, sa dakilang mga tao sa ating kasaysayan... Sige na, hanapin ito! Sa lahat ng inyong kapaliwanagan ay may ilang katotohanan, ngunit ang unang dahilan ay nawawala. Huwag itong hanapin sa kasalukuyang mga panahon, bagkus sa pinakamalayong nakaraan, sa unahan pa ng mga propeta, sa unahan pa ng mga patriyarka, sa unahan pa ng paglilikha ng Sansinukuban...»

Ang mga apostol ay nag-iisip... ngunit hindi nila ito makita.

Si Jesus ay ngumingiti at pagkatapos nagsabi: «At gayunpaman, kung maaalaala ninyo ang Aking mga salita, makikita ninyo ang dahilan. Ngunit hindi pa ninyo maaalaala ang lahat. Ngunit isang araw maaalaala ninyo ito. Makinig. Tayo ay bumalik nang magkakasama sa mga panahon, sa mas malayo pa kaysa sa mga limitasyon ng panahon. Nalalaman ninyo kung sino ang sumira sa espiritu ng tao. Ito ay si Satanas, ang Ahas, ang Kasalungat, ang Kaaway, ang Poot. Tawagin siya sa gusto ninyo. Ngunit bakit niya sinira ang tao? Sapagkat siya ay inuubos ng kanyang inggit: nakita niya ang tao na nakadestino sa Langit, mula kung saan siya ay pinalayas. Ginusto niya para sa tao ang pagkakapatapon na kanyang tinanggap. Bakit ba siya pinalayas? Sapagkat siya ay nagrebelde laban sa Diyos. Nalalaman ninyo iyan. Ngunit sa anong bagay siya nagrebelde? Sa pagsunod. Ang Di-pagsunod ay nasa ugat ng kapighatian. Kung gayon, hindi ba’t makatwiran na kinakailangan din na upang maibalik ang Kaayusan, na laging isang Lugod, dito ay dapat na magkaroon ng isang perpektong pagsunod? Mahirap ang sumunod, lalo na sa mabibigat na bagay. Kung ano ang mahirap ay ang siyang gumagawa ng kapighatian sa mga gumagawa ng pagsunod. Isipin kung gayon kung Ako, Na siyang pinakiusapan ng Pag-ibig na ibalik Ko ang Lugod sa mga anak ng Diyos,  ay hindi kinailangan na maghirap nang walang-limitasyon, upang masunod ang Kaisipan ng Diyos. Ako ay kailangan, kung gayon, na maghirap upang magtagumpay, upang makansela hindi isa o sanlibong mga kasalanan, bagkus ang pinaka unang-unang Kasalanan na, sa anghelikal na espiritu ni Lucifer o sa nagbibigay-buhay na Adan na iyon, ay laging ang kasalanan ng pagsuway sa Diyos, hanggang sa pinakahuling tao. Ang inyong pagsunod, mga tao, ay kailangan na doon lamang sa maliit na hinihingi ng Diyos sa inyo – ito ay tila napakalaki sa inyo subalit napakaliit nito. Sa Kanyang katarungan hinihingi lamang  Niya sa inyo kung ano ang inyong maibibigay. Ang nalalaman lamang ninyo ay kung ano ang inyong naiintindihan hinggil sa kalooban ng Diyos. Ngunit nalalaman Ko ang lahat ng Kanyang Kaisipan, tungkol sa malalaki at maliliit na mga pangyayari. Walang limitasyon ang ipinataw sa Akin tungkol sa kaalaman at pagsagawa.  Ang nagmamahal na Tagapagsakripisyo, ang dibinong Abraham, ay hindi ipinagpapaliban ang Biktima at Kanyang Anak. Ito ay ang di-nasiyahan at nasaktang Pag-ibig na humihingi ng reparasyon at mga alay. At kung Ako ay mabubuhay nang libu-libong mga taon, ito ay magiging walang kabuluhan, kung hindi Ko tutupukin ang Tao hanggang sa kanyang pinaka huling hibla, katulad na wala sanang nangyari kung sa simula ng panahon hindi Ko sinabi: “Oo” sa Aking Ama, naghahanda upang sumunod bilang Diyos Anak at bilang Tao, Na nakita ng Ama na makatarungan. Ang pagsunod ay kapighatian at kaluwalhatian. Ang pagsunod, katulad ng espiritu, ay hindi kailanman namamatay. Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang mga totoong masunurin ay magiging katulad ng mga diyos, pagkaraan ng patuloy na pakikibaka laban sa kanilang mga sarili, sa mundo, kay Satanas. Ang pagsunod ay liwanag. Habang mas masunurin ang isa, mas lalo ang isa nagiging nagbibigay-liwanag at nakakakita. Ang pagsunod ay tiyaga, at habang mas masunurin ang isa, mas lalong natitiis ng isa ang mga bagay at mga tao. Ang pagsunod ay kababaang-loob at habang nagiging masunurin ang isa, mas lalong mapagpakumbaba ang isa sa kanyang kapwa. Ang pagsunod ay mapagkawanggawa sapagkat ito ay isang pagkilos ng pagmamahal at habang nagiging mas masunurin ang isa mas lalong dumarami at nagiging perpekto ang mga pagkilos. Ang pagsunod ay kabayanihan. At ang bayani ng espiritu ay ang santo, ang mamamayan ng Langit, ang naging-diyos na tao. Kung ang karidad ay ang birtud kung saan natatagpuan ng isa ang Diyos Isa at Sang-tatlo, ang pagsunod ay ang birtud kung saan matatagpuan ng isa Ako, inyong Guro. Tiyakin na kilala kayo ng mundo bilang Aking mga disipulo, sa pamamagitan ng absulutong pagsunod sa lahat na banal. Tawagin si Judas. Mayroon din Akong isang bagay na sasabihin sa kanya...»

Si Judas ay dumating. Si Jesus ay tinuturo ang tanawin na pakipot nang pakipot habang sila ay bumababa at sinabi Niya: «Isang maikling parabula para sa inyo, mga guro ng espiritu sa hinaharap. Habang kayo ay mas umaakyat sa daan ng perpeksiyon, na isang mahirap at masakit na gawain, mas lalo kayong makakakita. Kanina nakikita natin ang dalawang kapatagan, ang mga kapatagan ng Palestina at ng Sharon, kasama ang maraming mga nayon, mga bukid at mga taniman ng mga punungkahoy, at pati na rin ang isang napakalayong asul na kalawakan, ibig sabihin, ang dakilang karagatan, at ang berdeng Carmel sa banda roon sa dulo. Ngayon nakakakita lamang tayo ng kaunti. Ang tanawin ay naging makipot at kikipot pa nang lalo hanggang sa ito ay mawala sa ibaba ng lambak. Ganyan din ang nangyayari sa mga bumababa nang espirituwal sa halip na tumataas. Ang birtud ang karunungan ng isa ay nagiging mas limitado at ang kanyang paghusga kumikipot nang kumikipot hanggang sa ito ay mawalang ganap. Ang isang guro ng espiritu ay diyan patay na sa kanyang misyon. Hindi na siya makaunawa o makagabay. Siya ay isang labí at makarurumi katulad na siya ay naging marumi. Kung minsan nakakatukso na bumaba, ito ay halos laging nakakatukso, sapagkat sa ibaba roon ay may sensuwal na mga katuparan. Tayo rin ay bumababa sa lambak upang makakita ng mapapagpahingahan at pagkain. Ngunit kung iyan ay kinakailangan para sa ating mga katawan, hindi kinakailangan na pagbigyan ang sensuwal na kahalayan at ang katamarang espirituwal sa pamamagitan ng pagbaba sa mga lambak ng moral at espirituwal na sensuwalidad. Kayo ay pinahihintulutan na makababa sa isang lambak lamang: ang lambak ng kababaang-loob. Sapagkat ang Diyos Mismo ay bumaba rito upang tangayin ang mabababang-loob na mga espiritu at itaas sila sa Kanya Mismo. Siya na ibinababa ang sarili ay itataas. Ang alin pang ibang lambak ay delikado, sapagkat inaalis nito ang isa mula sa Langit.»

«Iyan ba kung bakit Ninyo ako pinatawag, Guro?»

«Oo, para diyan. Nagkaroon ka ng matagal na pakikipagusap sa mga nagtatanong sa iyo.»

«Oo, ngunit hindi sulit ang paghihirap doon. Sila ay mas mapupurol pa ang mga isip kaysa sa mga mola.»

«At ibig Kong mag-iwan ng isang kaisipan sa kung saan ang lahat ay naglaho. Upang mapasigla mo sana ang iyong espiritu.»

Si Judas ay tinitingnan siya nang may isang litong paghihitsura. Hindi niya malaman kung siya ay ginagantimpalaan o pinagagalitan. Ang mga iba, na walang nalalaman tungkol sa pakikipagusap ni Judas sa mga tagasunod, ay hindi nababatid na si Jesus ay kinagagalitan si Judas para sa kanyang pagmamalaki.

At si Judas ay may kagulangan na mas ginustong baguhin ang paksa at siya ay nagtanong: «Guro, ano sa palagay Ninyo? Ang mga Romanong iyon, at ang lalaki mula sa Petra, magagawa ba nila kailanman na matanggap ang Inyong Doktrina, sa dahilan na mayroon lamang sila ng gayong limitadong pakikipaghalubilo sa Inyo? At ang Alexander na iyon? Siya ay nakaalis na... Hindi na natin siya muli makikita. At ang mga taong ito rin. Masasabi ng isa na likas silang naghahanap para sa katotohanan, ngunit hanggang sa kanilang leeg ang abot ng kanilang pagiging pagano. Magtatagumpay kaya sila kailanman sa paggawa ng kahit anong mabuti?»

«Ang ibig mong sabihin ang matagpuan ang Katotohanan?»

«Oo, Guro.»

«Bakit hindi sila magtatagumpay?»

«Sapagkat sila ay mga makasalanan.»

«Sila lang ba ang tanging mga makasalanan? Wala bang mga makasalanan sa pagitan natin?»

«Marami, sumasang-ayon ako. Iyan ang eksakto kung bakit sinasabi ko na kung tayo, na pinakain nang matagal na panahon ng karunungan at katotohanan, ay mga makasalanan at hindi tayo nagtatagumpay sa pagiging makatarungan at sa pagiging mga tagasunod ng Katotohanan na Inyong pinangangatawanan, papaano nila ito magagawa, bundat sa karumihan katulad nila?»

«Ang bawat tao ay maaaring magtagumpay na maabot at maari ang Katotohanan, ibig sabihin, ang Diyos, saan man siya magsimula upang marating ito. Kung walang mental na pagmamalaki at kataliwasan ng laman, bagkus sinsirong pananaliksik para sa Katotohanan at Liwanag, kadalisayan ng sadya at ng paghahangad para sa Diyos, ang isang nilikha ay tiyak na nasa daan patungo sa Diyos.»

«Mental na pagmamalaki... kataliwasan ng laman... Guro... kung gayon...»

«Ipagpatuloy mo ang iyong iniisip, na isang mabuting iniisip.»

Si Judas ay nag-aalinlangan, pagkatapos siya ay nagsabi. «Kung gayon hindi nila mararating ang Diyos sapagkat sila ay taliwas.»

«Hindi iyan ang ibig mong masabi, Judas. Bakit mo binusalan ang iyong isip at ang iyong konsiyensya? O! gaano kahirap ito para sa tao na tumaas sa Diyos! At ang pinaka sagabal ay nasa tao mismo, sa dahilan na hindi niya inaamin at hindi niya pinagninilayan ang tungkol sa kanyang sarili at ang tungkol sa kanyang mga diperensiya. Talagang kahit na si Satanas ay napakadalas na siyang napapasamâ, isinisisi sa kanya ang lahat na pagkasirang espirituwal. At ang Diyos ay mas lalo pang nagagawang lumabas na siyang masamâ, dahil ang lahat ng mga pangyayari ay isinisisi sa Kanya. Ang Diyos ay hindi Niya nilalabag ang kalayaan ng tao. Si Satanas ay hindi maaaring mangibabaw sa isang kalooban na matatag sa Kabutihan. Sasabihin Ko sa inyong totoo na pitumpu sa sandaan ang tao ay nagkakasala gawa ng kanyang sariling kalooban. At – ito ay hindi iniisip ng isa ngunit ito ay ganito – siya ay hindi bumabangon mula sa kasalanan sapagkat iniiwasan niya na iksaminin ang kanyang sariling konsiyensya, at kahit na kung ang kanyang konsiyensya, nang may di-inaasahan na pagkilos ay tumugon sa kanya at isinigaw ang katotohanan tungkol sa ayaw niyang pagnilayan, ang tao ay pipigilin ang sigaw na iyan, sisirain niya ang nakikitang pigura na lumalabas na mahigpit at nakapamimighati sa kanyang katalinuhan, pipilipitin niya nang may pagsisikap ang kanyang isip na naimpluwensiyahan ng nag-aakusang tinig, at tumatanggi siyang magsabi, halimbawa: “Kung gayon tayo, ako, ay hindi mararating ang Katotohanan sapagkat ang ating mga isip ay mapagmalaki at ang ating laman naging marumi”. Oo, totoo, tayo ay hindi nagpapatuloy patungo sa mga daan ng Diyos sapagkat sa pagitan natin ay nariyan ang pagmamalaki ng mga isip at ang kurupsiyon ng laman. Isang pagmamalaki na totoong nakikipagpaligsahan sa pagmamalaki ni satanas, upang ang mga pagkilos ng Diyos ay hinuhusgahan at nahahadlangan, kung ang mga ito ay salungat sa mga interes ng mga tao at mga partido. At dahil sa kasalanan na iyan maraming mga Israelita ang maisusumpa magpakailanpaman.»

«Ngunit hindi tayong lahat ganyan.»

«Hindi. Mayroon pang mabubuting espiritu, sa bawat klase ng mga tao. Sila ay mas marumi sa pagitan ng abang mga tao kaysa sa pagitan ng mga nakapag-aral at mayayaman. Ngunit sila ay naririyan. Ngunit gaano sila karami? Gaano karami kung tungkol sa Palestinong sambayanan na ito, na Aking binibigyan ng ebanghelyo at tinutulungan nang halos tatlong taon na, at para kung kanino Ako ay nauupos? Mas marami pang mga bituin ang nagniningning sa loob ng isang maulap na gabi kaysa sa mga espiritu sa Israel na gustong pumunta sa Aking Kaharian.»

«At ang mga Hentil, ang mga Hentil na iyon, sila ba ay pupunta?»

«Hindi lahat sa kanila, ngunit marami. Ni hindi lahat sa Aking mga disipulo ang magpupursige hanggang sa katapusan. Ngunit huwag tayong mag-alala tungkol sa bunga na nahuhulog mula sa punungkahoy sapagkat sila ay bulok! Subukan natin, hangga't maaari, sa pamamagitan ng kabaitan at katatagan, sa pamamagitan ng mga pamumuna at pagpapatawad, sa pamamagitan ng tiyaga at pagmamahal, na mapigilan silang mabulok. Pagkatapos, kapag sinabi nilang “hindi” sa Diyos at sa kanilang mga kapatid na ibig silang mailigtas, at itinapon nila ang kanilang sarili sa mga bisig ng Kamatayan, kay Satanas, namamatay nang hindi nagsisisi, ating itungo ang ating mga ulo at ialay sa Diyos ang ating kapighatian sa hindi sa Kanya pagpapasaya sa pamamagitan ng kaluluwang iyon na ating inililigtas. Ang bawat guro ay nakatatagpo ng ganyang mga pagkatalo. At ang mga ito ay may-pakinabang din. Napapahiya nito ang pagmamalaki ng guro ng mga kaluluwa at nasusubukan ang kanyang katatagan sa kanyang ministeryo. Ang isang pagkatalo ay hindi kailangan na magpalungkot sa kalooban ng tagapagturo ng mga espiritu. Sa kabaligtaran ito ay kailangan na makapagtulak sa kanya na trumabaho pa nang husto at nang mas mabuti sa hinaharap.»

«Bakit sinabi Ninyo sa sundalo na makikita Ninyo siya sa isang bundok? Papaano Ninyo nalalaman?»

Si Jesus ay tinitingnan si Judas: isang matagal na kakaibang tingin kung saan ang kalungkutan ay humahalo sa isang ngiti, at sinabi Niya: «Sapagkat siya ay isa sa mga mapaparoon sa Aking asunsiyon at sasabihin niya sa dakilang doktor ng Israel ang isang mahigpit na salita ng katotohanan. At mula sa sandaling iyan sisimulan niya ang kanyang ligtas na paglalakbay patungo sa Liwanag. Ngunit naririto na tayo ngayon sa Gibeon. Hayaan si Pedro na lumakad kasama ang pito pang iba na ibalita Ako.  Ako ay magsasalita agad upang mapauwi na ang mga sumunod sa Akin mula sa kalapit na mga nayon. Ang iba ay mananatiling kasama Ko hanggang pagkatapos ng Sabbath. Ikaw, Judas, manatiling kasama ni Mateo, si Simon at ni Bartolomeo.»

(Hindi ko nakilala ang sundalo sa kahit alin sa mga sundalo na mga naroroon sa Pagpapako-sa-Krus.  Ngunit kailangan kong sabihin na, abalang katulad ko sa panonood sa aking Jesus, hindi ako masyadong tumingin sa kanila. Sa ganang akin, iyon ay isang grupo ng mga sundalo na siyang naatasan na magbantay. Wala nang iba pa. Bilang karagdagan pa, noong maaari ko na silang tingnan nang mas mabuti, sapagkat ang lahat ay tapos na, mayroon noong gayong kalabong liwanag na tanging mga kilalang-kilalang mga mukha lamang ang maaaring makilala. Ngunit kung iisipin ang mga sinabi ni Jesus, sa palagay ito ay ang sundalo na nagsalita ng ilang mga salita kay Gamaliel, mga salita na hindi ko maalaala at na hindi ko matingnan muli, sapagkat ako ay nag-iisa sa bahay at hindi ko magawa na may mag-abot sa akin ng notebook tungkol sa Pasyon.)¹

191011

 

 



¹ Ang tinutukoy ni Maria Valtorta ay noong Pagpapako-sa-Krus. Ngunit kung titingnan ulit ang sinabi ni Jesus kay Judas sa huling parapo, ang binanggit ni Jesus ay “asunsiyon”. Baka ito ay noong pag-akyat ni Jesus sa Langit pagkatapos ng Pentekostes. - RLB


Sunod na kabanata