514. Sa Gibeon. Ang Karunungan ng Pagmamahal.

Oktubre 22, 1946.

Sa panahon ng tagsibol, tag-init at taglagas, ang Gideon, na itinayo sa tuktok ng isang kaaya-ayang  mababang burol na nag-iisa sa isang napakatabang kapatagan, ay maaaring isang mapagkaibigan na mahangin na bayan na may magandang tanawin. Ang mapuputing bahay nito ay halos di makita sa pagitan ng berdeng kadahunan ng walang-kamatayan na mga punungkahoy ng lahat ng klase, nakahalo sa mga punungkahoy na ngayon wala nang mga dahon gawa ng panahon, at sa loob ng magandang panahon maaaring nababago nila ang burol sa pagiging isang ulap ng magagaang mga petalo, at pagkatapos sa pagiging isang maluwalhating pagpapakita ng bunga. Ngayon, sa kalabuan ng taglamig, pinakikita nito ang mga dalisdis nito na may mga hilera ng walang-dahon na mga baging at ng kulay-abong mga punong-olibo, o may mga pulo ng maiitim na punungkahoy ng walang-adornong mga lootan. Gayunpaman ang bayan ay maganda at mahangin at ang mga mata ng isa ay makatitigil sa dalisdis ng burol at sa naararong kapatagan.

Si Jesus ay patungo sa isang malaking tangke o balon, na nakapagpapaalaala sa akin kahit papaano ng balon ng babaeng Samaritano, o ng balon ng En-Rogel at mas mahigit pa ng mga deposito ng tubig malapit sa Hebron. Maraming tao dito na mga nagmamadaling makakuha ng maraming tubig para sa Sabbath na malapit, o mga gumagawa ng kanilang huling mga gawain ng araw, o, bilang natapos na ang kanilang gawain, sinisimulan na nila ang kanilang pagpapahinga para sa Sabbath. Sa gitna ng pulutong ay naroon ang walong apostol na siyang nagbabalita tungkol sa Guro at nakatapos na nang matagumpay, dahil nakikita ko na dinadala ang mga maysakit at nag-iipun-ipon ang mga pulubi at maraming tao ang dumarating mula sa kanilang mga bahay.

Nang si Jesus ay makarating sa kinaroroonan ng lunas, nagkaroon ng isang bulung-bulungan na naging isang nagkákaisang sigawan: «Hosana! Hosana! Ang Anak ni David ay nasa pagitan natin! Pagpalain ang Karunungan na dumarating kung saan siya pinananawagan!»

«Pagpalain kayo na nalalaman ninyo kung papaano siya salubungin. Kapayapaan! Kapayapaan at mga pagpapalà.» At nagpatungo Siya kaagad sa mga taong may mga sakit, sa mga napilay gawa ng kamalasan o ng sakit, patungo sa di-maiiwasan na mga bulag o mga halos bulag, o, at pinagagaling Niya sila.

Maganda ang himala sa isang piping batang lalaki, na iniabot kay Jesus ng kanyang umiiyak na ina at pinagaling Niya sa pamamagitan ng isang halik sa kanyang mga labì. At ang bata ay ginagamit ang mga salitang binigay sa kanya ng Salita upang isigaw ang dalawang pinakamagandang mga pangalan: «Jesus! Inay!», at mula sa mga bisig ng kanyang ina, na humahawak sa kanyang nakataas  sa itaas ng pulutong, ay itinapon ang kanyang sarili sa mga bisig ni Jesus, niyayakap ang Kanyang leeg, hanggang ibinalik siya ni Jesus sa kanyang masayang ina, na nagpapaliwanag kay Jesus na ang panganay niyang anak na ito, na naitalaga na ng kanyang mga magulang na maging isang Levita kahit noong bago pa man siya ipanganak, ay magiging isa Levita nga, dahil ngayon siya ay wala nang kahit anong kapintasan. «Ito ay naipakiusap ko na sa Panginoon, kasama ang aking asawang si Joachim, hindi alang-alang sa aking sarili, bagkus upang sana mapaglingkuran niya ang Panginoon. At hiningi ko sa Inyo na gawin siyang makapagsalita hindi para pakinggan siyang tawagin akong ina o sabihin sa akin na minamahal niya ako. Ang kanyang mga mata at mga halik ay nasasabi na ito sa akin. Bagkus hiningi ko iyon para sana, katulad ng isang maliit na walang kapintasan na kordero, maialay siyang ganap sa Panginoon upang papurihan ang Kanyang Pangalan.»

Kung saan si Jesus ay tumugon: «Ang Panginoon ay napakinggan ang salita ng kanyang kaluluwa sapagkat ang Panginoon, katulad ng isang ina, ay nagagawa ang Kanyang pakiramdam na maging mga salita at mga gawa. Ngunit ang iyong hinihiling ay maganda at ito ay binigyan ng kasiyahan ng Kataastaasan. Ngayon paturuan ang iyong anak para sa perpektong pagpuri upang siya ay sana maging perpekto sa paglilingkod sa Panginoon.»

«Oo, Rabbi, ngunit sabihin sa akin kung ano ang kailangan kong gawin.»

«Gawin siyang mahalin niya ang Panginoon nang kanyang buong pagkatao at ang perpektong pagpuri ay kusang mamumulaklak sa kanyang puso, at siya ay magiging perpekto sa paglilingkod sa Panginoon.»

«Tama ang Inyong sinabi, Rabbi. Ang Karunungan ay nasa Inyong mga labì. Pakiusap na magsalita sa aming lahat» sabi ng isang marangal na mamamayan ng Gibeon na nagawa niyang makasingit sa pulutong hanggang sa malapit kay Jesus at inaanyayahan Siya sa sinagoga. Siya ay tiyak na ang lider ng sinagoga.

Si Jesus ay ibinaling ang Kanyang mga hakbang patungo sa sinagoga sinusundan ng lahat, at sa dahilan na imposibleng makapasok ang lahat na mga tao ng bayan at ang mga kasama na Niya, pinakinggan ni Jesus ang  mungkahi ng lider ng sinagoga na Siya ay kailangan na magsalita mula sa terasa ng kanyang bahay na karugtong ng sinagoga. Ito ay isang mababa na mahabang bahay, na ang dalawang tabi nito ay may balag ng hasmin. At ang malakas na magandang tinig ni Jesus ay kumakalat sa kalmanteng ere ng dumarating na gabi at sa buong liwasan at sa tatlong mga kalsada na patungo rito, habang ang isang multitud ng mga ulo ay nakatingalang nakikinig.

Ang isang babaeng inyong kababayan ay ginusto ang pakultad ng pananalita para sa kanyang maliit na anak na lalaki, hindi upang mapakinggan ang mga mapagmahal na salita mula sa mga labì ng kanyang anak, bagkus upang siya ay sana maging angkop para sa paglilingkod sa Diyos, ay nagpapaalala sa Akin ng tungkol sa isa pang malayong salita na dumaloy mula sa mga labì ng isang dakilang tao sa bayan na ito. Ang Diyos ay pinakinggan ang kanyang salita, katulad na pinakinggan Niya ang salita ng inyong kababayan, sapagkat kapwa sa dalawang hiling nakita Niya ang hiling ng katarungan, isang katarungan na dapat nasa lahat na mga panalangin upang ang Diyos ay sana pakinggan ang mga ito at ipagkaloob ang kanyang grasya. Ano ang kinakailangan na gawin sa loob ng inyong pamumuhay upang kamtin ang eternal na gantimpala, ang totoong walang-katapusan na Buhay sa loob ng isang walang-katapusan na beatitude? Kinakailangan ng mahalin ang Panginoon nang inyong buong pagkatao at ang inyong kapwa katulad ng inyong pagmamahal sa inyong sarili. At iyan ang pinaka kailangan na kondisyon upang maging kaibigan ang Diyos at tumanggap ng mga grasya at mga pagpapalà mula sa Kanya. Nang si Solomon na naging hari pagkatapos ng kamatayan ni David, ay binigyan ng lahat na kapangyarihan, siya ay pumunta sa bayan na ito at nag-alay siya ng malaking bilang ng mga holokausto. At ang Kataastaasan ay nagpakita sa kanya noong gabing iyon nagsasabing: “Hingin kung ano ang gusto mong ibigay Ko sa iyo”. Isang dakilang kabaitan ng Diyos. At isang malaking pagsubok para sa tao. Sapagkat ang bawat regalo ay may katapat na isang malaking pananagutan para sa kanya na tumatanggap nito, at habang mas lumalaki ang regalo, mas lumalaki ang pananagutan. At ito ay isang katibayan ng antas ng pag-unlad na narating ng espiritu. Kung ang isang espiritu na pinagpala ng Diyos, ay sa halip na maging mas perpekto ay bumaba patungo sa pagiging materyalista, siya ay bagsak sa pagsubok nagpapakita ng kakulangan sa pag-unlad, o ng kaunting pag-unlad. May dalawang tanda ng tungkol sa espirituwal na pagpapahalaga ng tao: ang pamamaraan kung papaano niya tinatanggap ang lugod at kung papaano niya tinatanggap ang kapighatian. Tanging siya lamang na umunlad sa katarungan ang may alam kung papaano maging mababang-ang-kalooban sa harapan ng kaluwalhatian, matapat sa harapan ng lugod, mapagpasalamat at mapagpursige rin pagkatapos na siya ay napagbigyan at hindi na humihiling ng iba pa. At tanging siya lamang na isang santo ang nakaaalam kung papaano maging matiyaga at papaano makapagpatuloy sa pagmamahal sa kanyang Diyos, habang ang kalungkutan ay namamalagi.»

«Guro, maaari ko ba Kayong tanungin ng isang bagay?» sabi ng isang lalaki mula sa Gibeon.

«Oo, magtanong ka.»

«Ang lahat na sinabi Ninyo ay totoo. At kung naintindihan ko nang tama, ang ibig Ninyong sabihin si Solomon ay pumasa sa pagsubok. Ngunit pagdating ng araw siya ay nagkasala. Ngayon sabihin sa akin: bakit siya pinagkalooban ng labis ng Diyos kung siya pagdating ng araw ay magkakasala? Ang Panginoon ay tiyak na nalalaman ang pagkakasala sa hinaharap ng hari. Kung gayon bakit Niya sinabi sa kanya: “Hingin kung ano ang gusto mong ibigay Ko sa iyo”? Iyon ba ay isang mabuti o masamang bagay?»

«Laging isang mabuting bagay, sapagkat ang Diyos ay hindi gumagawa ng masasamang bagay.»

«Ngunit sinabi Ninyo na ang isang pananagutan ay laging katapat ng bawat regalo. Ngayon, sa dahilan na hiningi at tinanggap ni Solomon ang karunungan...»

«May pananagutan siya sa pagiging marunong at hindi siya naging responsable, iyan ang gusto mong sabihin. Totoo iyan. At sasabihin Ko sa iyo na ang kanyang kabiguan sa karunungan ay pinarusahan at nang may katarungan. Ngunit ang pagkaloob ng Diyos sa kanyang hiniling na karunungan ay isang mabuting bagay. At ang paghiling ni Solomon para sa karunungan at hindi ng para sa materyal na mga bagay ay isang mabuting bagay. At sa dahilan na ang Diyos ay isang Ama at Siya ay Katarungan, pinatawad Niya ang malaking bahagi ng pagkakamali noong oras na ito ay nagawa, tinitingnan na ang nagkasala ay minsan minahal ang Karunungan nang higit pa kaysa sa iba pang bagay at nilikha. Ang isang aksiyon ay maaaring napaliit ang isa pa. Ang isang mabuting aksiyon na ginawa bago ang pagkakasala ay nananatili, at binibilang ito para sa pagpapatawad, kapag ang nagkasala ay nagsisi pagkatapos ng pagkakasala.

Iyan kung bakit sinasabi Ko sa inyo na huwag sayangin ang pagkakataon na makagawa ng mabubuting aksiyon, na sana ang mga ito ay maging katulad ng pera na magpapaliit sa halaga ng inyong mga kasalanan kapag, sa pamamagitan ng grasya ng Diyos, pagsisihan ninyo ang mga ito. Ang mabubuting aksiyon, kahit na kung ang mga ito ay nakaraan na at dahil dito magkakamali ang isa na isipin na ito ay hindi na makagagawa sa atin ng bagong mga insentibo at lakas sa paggawa ng mabubuting bagay, ay laging aktibo, sa pamamagitan man lamang ng ala-ala na lumilitaw muli mula sa kalaliman ng isang nalulungkot na kaluluwa at nagagawa itong manghinayang para sa oras kung kailan ito ay naging isang mabuting kaluluwa. Ang panghihinayang ay kadalasan ang unang hakbang pabalik sa Katarungan. Nasabi Ko noon na kahit na ang isang kalis ng tubig na binigay nang may pagmamahal sa isang nauuhaw na tao ay hindi mananatiling hindi nagagantimpalaan. Ang isang patak ng tubig ay wala, hinggil sa materyal na halaga, ngunit ang karidad ay nagagawa itong dakila. At hindi ito mananatiling hindi nagagantimpalaan. Kung minsan ang gantimpalaan ay ang pagbalik sa Kabutihan na napupukaw ng ala-ala ng isang mabuting ginawa, ng mga salita ng nauhaw na kapatid, ng mga pakiramdam ng puso ng isa noong sandaling iyon, ng puso na nag-alay ng isang inumin sa ngalan ng Diyos at dala ng pagmamahal. Kung gayon ang Diyos, sa pamamagitan ng nagkakasunuran ng mga pagsasariwa, ay bumabalik, katulad ng araw na tumataas pagkaraan ng isang madilim na gabi, at magniningning sa orisonte ng isang kaawa-awang puso na nawalan ng presensya Niya at na, naaakit ng Kanyang di-mailarawan na presensya, ay pinababába ang sarili at sisigaw: “Ama, ako ay nagkasala! Patawarin Ninyo ako. Minamahal ko Kayong muli”.

Ang pagmamahal para sa Diyos ay karunungan. Ito ay ang Karunungan ng mga karunungan sapagkat siya na nagmamahal ay nalalaman ang lahat at nag-aari ng lahat. Dito, habang bumababa ang gabi at ang hanging gabi ay nagagawa ang inyong mga katawan na manginig sa ginaw at nagagawa ang mga lampara na inyong sinindihan na kumurap, ay hindi Ko sasabihin sa inyo kung ano ang nalalaman na ninyo: ang mga pasahe sa Aklat ng Karunungan na nagsasalarawan kung papaano nakuha ni Solomon ang Karunungan at ang panalangin na kanyang sinabi upang makuha ito. Ngunit hinihimok Ko kayo na basahin ang mga pahinang iyon kasama ang inyong lider ng sinagoga, upang sana maalaala ninyo Ako at magpatuloy kayo sa isang ligtas na landas at magkaroon ng isang liwanag na gagabay sa inyo. Ang Aklat ng Karunungan ay kailangan na maging isang kodigo ng espirituwal na pamumuhay. Katulad ng isang makainang kamay kailangan na magabayan kayo nito at madala sa isang perpektong kaalaman tungkol sa birtud at tungkol sa Aking doktrina. Sapagkat ang Karunungan ay naihahanda nito ang Aking mga daan at ginagawa ang mga tao “na may kakaunting panahon na mabuhay, na may kakaunting pagkakaintindi tungkol sa katarungan at sa mga batas, na maging mga lingkod at mga anak ng mga naglilingkod na mga katulong ng Diyos” ang mga diyos ng Paraiso ng Diyos.

Unang hanapin muna ang Karunungan upang maparangalan ang Panginoon at mapakinggan Siyang sabihin sa inyo, sa eternal na araw: “Sa dahilan na ito ay nasa inyong puso nang higit sa lahat at hindi kayo humingi ng mga kayamanan, mga materyal na bagay, kaluwalhatian, mahabang buhay o tagumpay laban sa inyong mga kaaway, ang Karunungan ay ipinagkaloob sa inyo, ibig sabihin, ang Diyos Mismo, sapagkat ang Espiritu ng Karunungan ay ang Espiritu ng Diyos. Hanapin ang banal na Karunungan una sa lahat at, sasabihin Ko sa inyo, ang lahat na iba pa ay ibibigay sa inyo at sa gayong pamamaraan na wala sa malalakas na tao sa mundo ang maaaring magkaroon ng ganyan. Mahalin ang Diyos. Manabik lamang na mahalin Siya. Mahalin ninyo ang inyong kapwa upang maparangalan ang Diyos. Ialay ang inyong sarili sa paglilingkod sa Diyos, sa Kanyang  pananagumpay sa mga puso ng mga tao. Papagbaguhin sa Panginoon ang mga hindi kaibigan ng Diyos. Maging banal. Mag-imbak ng banal na mga gawa bilang isang depensa laban sa posibleng mga pagkabigo ng nilalang. Maging tapat sa Panginoon. Huwag pintasan ang buhay o ang patay. Bagkus pagsikapan na gayahin ang mabubuting tao, at hindi para sa inyong panlupang kaluguran, bagkus upang makapagbigay ng kaluguran sa Diyos humingi ng mga grasya ng Panginoon at ang mga ito ay ibibigay sa inyo.

Tayo na. Bukas tayo ay magdadasal nang magkakasama at ang Diyos ay makakasama natin.»

At si Jesus ay pinagpapala sila at pinauuwi na.

221011

 


Sunod na kabanata