515. Bumabalik sa Herusalem.

Oktubre 24, 1946.

Ang basang malamig na hangin ay pinupupog ang mga punungkahoy at tinutulak ang kulay-abong mga bilugang ulap sa kalangitan. Ganap na nakabalot sa kanilang mabibigat na manta, si Jesus, ang Labindalawa at si Stephen ay bumababa mula sa Gibeon sa daan na magdadala sa kanila sa kapatagan. Sila ay nag-uusap-usap habang si Jesus, nakalubog sa katahimikan, ay hindi namamalayan ang nakapaligid sa Kanya. At Siya ay nananatiling ganyan hanggang nakarating sila sa isang sangandaan, sa kalahatian ng pababang daan sa burol, hindi, bagkus, halos sa paanan ng burol, kung saan sinabi Niya: «Ating kunin ang daan na ito at pumunta tayo sa Nob.»

«Ano? Hindi ba Kayo niyan bumabalik sa Herusalem?» tanong ng Iskariote.

«Ang Nob at ang Herusalem ay halos pareho din para sa isang sanay nang maglakad nang malayo. Ngunit mas gusto Kong nasa Nob. Wala bang anuman sa iyo?»

«O! Guro! Sa ganang akin, dito o doon...  Ako ay kung baga nalulungkot na hindi Kayo nagpakita nang labis sa isang lugar na mas paborable sa Inyo. Mas nagsalita Kayo sa Beth-horon, na tiyak na hindi mapagkaibigan sa Inyo. Sa aking palagay kailangan Ninyong gawin ang kabaligtaran. Kailangan na mas lalo Ninyong makuha ang pansin ng mga bayan na sa pakiramdam Ninyo ay mapagbigay sa Inyo, at gamitin sila bilang... mga pananggalang laban sa mga bayan na napangingibabawan ng Inyong mga kaaway. Nalalaman ba Ninyo kung gaano ka-importante na mapunta sa panig Ninyo ang mga bayan malapit sa Herusalem? Matapos man ang lahat ang Herusalem ay hindi ang lahat. Ang ibang mga lugar ay baka mahalaga rin at may ilang impluwensiya sa pamamagitan ng kanilang importansiya sa mga disisyon ng Herusalem. Ang mga hari ay sa pangkalahatan pinoproklamang hari sa pinakamatapat na mga bayan, at kapag ang proklamasyon ay nagawa na, ang iba rin ay tatanggapin na ito...»

«Kapag sila ay hindi nagrerebelde, sa kasong ito ay may labanan ng magkakapatid. Sa palagay ko hindi gusto ng Mesiyas na pasimulan ang Kanyang Kaharian nang may isang digmaang pambayan» sabi ni Felipe.

«Gusto Ko ang isang bagay lamang: na ito ay magsimula sa iyo nang may isang tamang bisyon tungkol sa sitwasyon. Ngunit ang iyong bisyon ay hindi pa tama... Kung gayon, kailan ka ba makaiintindi?»

Nang mabatid ng Iskariote na ang isang paninisi ay maaaring parating, nagtanong siyang muli: «Kung gayon bakit nagsalita Kayo nang napakakaunti dito sa Gibeon?»

«Mas ginusto Kong makinig at magpahinga. Hindi mo ba naiintindihan na Ako, rin, ay nangangailangan ng pahinga?»

«Tayo ay nanatili sana at ginawa silang masaya. Kung Kayo ay pagod-na-pagod, bakit Kayo umalis muli?» tanong ni Bartolomeo nang malungkot.

«Ang Aking mga galamay ay hindi pagod. Hindi Ako kailangan na tumigil upang pahingahan ang mga ito. Ito ay ang Aking puso na siyang pagod at nangangailangan ng pahinga. At Ako ay nakapagpapahinga kung saan Ako nakatatagpo ng pagmamahal. Sa palagay mo kaya Ako ay manhid sa labis na mapait na kapootan? Na ang mga pagtanggi ay hindi sa Akin nakapamimighati? Sa palagay mo ba na ang mga pagsasabwatan laban sa Akin ay nagagawa Akong walang-pakialam? Na ang pagtataksil niya na nagkukunwaring Aking kaibigan, samantalang siya ay isang espiya ng Aking mga kaaway, na inilagay sa tabi Ko upang...»

«Huwag kailanman mangyari iyan, Panginoon! At ni hindi Ninyo dapat pagsuspetsahan iyan. Sinasaktan Ninyo kami sa pagsasabi niyan!» sabi ng Iskariote nagpoprotesta nang may nalulungkot na gálit, na siyang nangingibabaw kaysa sa lahat na iba pa, bagama't silang lahat ay nagpoprotesta nagsasabing: «Pinamimighati Ninyo kami sa pamamagitan ng mga salitang iyan, Guro, hindi Ninyo kami pinagkakatiwalaan!» At si Santiago ni  Zebedeo ay bumulalas nang biglaan: «Nagpapaalam ako sa Inyo, Guro, at babalik ako sa Capernaum. Nang may biyak na puso, ngunit ako ay aalis. At kung ang Capernaum ay hindi sapat na malayo, sasamahan ko ang mga mangingisda ng Tyre at Sidon, pupunta ako sa Cintium, pupunta ako hindi ko alam kung saan. Ngunit napakalayo na magiging imposible ito para sa Inyo na isipin na pinagtataksilan ko Kayo. Pagpalain ako para sa biyatiko!»

Si Jesus ay niyayakap siya nagsasabing: «Kapayapaan, Aking apostol. Napakarami ang nagsasabing sila ay Aking mga kaibigan, hindi lamang ikaw. Ang Aking mga salita ay napamighati ka, napamighati kayong lahat. Ngunit sa kaninong mga puso ibubuhos Ko ang Aking mga alalahanin at saan Ako maghahanap ng kaginhawahan kung hindi sa mga puso ng Aking minamahal na mga apostol at pinagkakatiwalaan na mga disipulo? Hinahanap Ko sa inyo ang bahagi ng pagkakaisa na Aking iniwan upang pag-isahin ang mga tao: ang pagkakaisa sa Aking Ama sa Langit; at ang isang patak ng pagmamahal na Aking iniwan dala ng pagmamahal para sa mga tao: ang pagmamahal ng Aking Ina. Hinahanap Ko ang mga ito bilang isang suporta. O! ang mapait na alon, ang malupit na bigat na nananaig at nang-iipit sa Aking puso, sa Anak ng tao!... Ang Aking Pasyon, ang Aking oras, ay nabubuo nang nabubuo... Tulungan ninyo Akong matagalan ito at mapangyari ito... sapagkat napaka lubha nito!»

Ang mga apostol ay nagkakatinginan sa isa’t isa naaantig ng malalim na kapighatian na umaalingawngaw sa mga salita ng Guro at ang lahat na kanilang magagawa ay ang magsiksikan sa paligid Niya, hinahaplos at hinahalikan Siya... at si Judas sa kanan at si Juan sa kaliwa ay humahalik nang magkasabay sa mukha ni Jesus Na isinasara ang Kanyang mga mata habang si Judas Iskariote at si Juan ay hinahalikan Siya...

Sila ay pumunta muli sa daan, at mapuputol ni Jesus ang Kanyang nagambalang iniisip: «Sa loob ng labis na paghihirap naghahanap ang Aking puso ng mga lugar kung saan baka makatagpo ito ng pagmamahal at kapahingahan, kung saan, sa halip na nagsasalita sa tigang na mga bato, o sa tusong mga ahas o sa mapagpanaginip na mga paruparo, ito ay baka makinig sa mga salita ng ibang mga puso at makatagpo ito ng kaginhawahan, dahil mararamdaman nito na sila ay sinsiro, mapagmahal, makatarungan. Ang Gibeon ay isa sa mga lugar ito. Ako ay hindi kailanman napunta rito noon. Ngunit nakatagpo Ako ng isang bukid na inararo at hinasikan ng napakabuting mga manggagawa ng Diyos. Ang lider ng sinagogang iyon! Siya ay nagpatungo sa Liwanag, ngunit siya ay isa nang nagliliwanag na espiritu. Gaano kalabis ang nagagawa ng isang mabuting lingkod ng Diyos! Ang Gibeon ay tiyak na hindi libre sa mga intriga ng mga napopoot sa Akin. Ang mga parunggit at mga kurupsiyon ay susubukan din doon. Ngunit iyon ay may isang lider ng sinagoga na makatarungan, at ang mga lason ng Kasamaan ay nawawalan doon ng kamandag. Sa palagay ba ninyo maganda sa Akin ang lagi na lamang na nagtutuwid, namumuna at naninisi pati? Mas maganda ang makapagsabi: “Naintindihan ninyo ang Karunungan. Magpatuloy sa inyong daan at maging banal”, katulad ng Aking sinabi sa lider ng sinagoga ng Gibeon.»

«Kung gayon tayo ba ay babalik doon?»

«Kapag ang Ama ay ginagawa Akong makatagpo ng isang mapayapang lugar ito ay Aking kinalulugdan at pinagpapala Ko ang Ama para dito. Ngunit Ako ay naparito hindi para diyan. Ako ay naparito upang mapanibago sa Panginoon ang mga lugar na mga nagkasala at malayo sa Kanya. Nalalaman ninyo na Ako ay maaaring makatigil sa Bethany, ngunit hindi Ako titigil doon.»

«At para din maiwasan na mapinsala si Lazarus.»

«Hindi, Judas ni Simon. Ang pinaka mga bato ay alam na si Lazarus ay Aking kaibigan. Kung gayon, ang hinggil diyan, walang kabuluhan para sa Akin na pigilin Ko ang Aking mithiin na makakita ng konsolasyon. Ito ay bagkus dahil sa...»

«Dahil sa mga kapatid na babae ni Lazarus, si Maria lalo na.»

«Ni hindi iyan, Judas ni Simon. Kahit ang mga bato ay alam na ang kamunduhan ng laman ay hindi Ako nababalisa. Isipin na sa maraming mga bintang na ginawa laban sa Akin, ang unang kinalimutan ay ang isang iyan, sapagkat kahit na ang Aking pinakamapait na mga kaaway ay nabatid na sa pagpupursige ng mga bintang na iyan mabubunyag ang kanilang huwad na mga ginagawa. Walang matapat na tao ang makapaniniwala na Ako ay makalaman. Ang pagiging makalaman ay makapanghihikayat lamang ng mga taong hindi kumukuha ng pagkain mula sa sobrenatural at kinamumuhian ang mga pagsasakripisyo. Ngunit anong panghihikayat mayroon ang isang oras ng kasarapan para sa mga tao na nanumpa mismo sa pagsasakripisyo at mga biktima? Ang lugod ng biktimang mga kaluluwa ay ganap na nasa espiritu at, kung sila ay dinamitan ng laman, ito ay walang iba bagkus isang damit. Sa palagay mo ba ang mga damit na ating sinusuot ay may mga pakiramdam? Ang laman ay ganito rin para sa mga taong namumuhay ayon sa espiritu: isang damit, wala nang iba pa. Ang espirituwal na tao ay ang totoong superman, sapagkat siya ay hindi alipin ng mga pandama, samantalang ang materyalistang tao ay walang-halaga, magpatungkol sa tunay na dignidad ng tao, sapagkat napakarami niyang gusto katulad ng mga hayop, at siya ay mas mababa kaysa sa kanila sapagkat nalalampasan niya sila sa paggawa sa panghayop na instinto na maging isang hamak na bisyo.»

Si Judas ay kinagat ang kanyang labì nang natataranta, pagkatapos siya ay nagsabi: «Oo, maging ano pa man, hindi na Ninyo mapipinsala pa si Lazarus. Ang kamatayan ay maililigtas siya sa lahat na mga panganib ng paghihiganti... Kung kaya't bakit hindi Kayo pumunta nang madalas sa Bethany?»

«Sapagkat Ako ay hindi naparito upang magpasarap, bagkus magkumberti. Nasabi Ko na sa iyo.»

«Ngunit... Nasisiyahan ba Kayo na kasama Ninyo ang Inyong mga kapatid?»

«Oo. Ngunit totoo rin na Ako ay walang kinikilingan sa kanila. Kapag tayo ay naghihiwa-hiwalay upang makakita ng silid sa mga bahay, sila sa pangkalahatan ay hindi tumitigil na kasama Ako, ngunit ikaw ay kasama Ko. At iyan ay upang ipakita sa iyo na sa mga mata at mga isip ng mga ipinangako ang mga sarili sa panunubos, ang laman at ang dugo ay walang halaga, bagkus tanging ang pag-unlad ng mga puso at ang kanilang katubusan lamang  ang mahalaga. Tayo ay pupunta na ngayon sa Nob at tayo ay maghihiwa-hiwalay muli para sa gabi. At isasama kita muli at isasama Ko rin si Mateo, si Felipe at si Bartolomeo.»

«Kami kaya ay ang pinakamaliit ang iniunlad? Ako lalo na, dahil lagi Ninyo akong isinasama?»

«Tama ka, Judas ni Simon.»

«Salamat sa Inyo, Guro. Nabatid ko iyan» sabi ng Iskariote na may pinipigil na galit.

«Kung naintindihan mo, bakit hindi ka nagsisikap na mapaunlad ang iyong sarili? Iniisip mo ba na Ako ay baka magsisinungaling upang hindi ka mapahiya? Sa kabilang dako, tayo ay nasa pagitan ng mga kapatid, at ang mga kapintasan ng isa ay hindi kailangan na maging isang bagay ng panlilibak, at kung ang isa ay binibigyan ng mga paalaala sa presensya ng iba, na mga nag-aalam ng mga imperpeksiyon ng bawat isa, siya ay hindi kailangan na masiraan ng loob. Walang sinuman ang perpekto, sinasabi Ko sa iyo. Ngunit ang nasa-lahat na imperpeksiyon, na napakasakit na makita at batahin, ay kailangan na maging rason upang mapaunlad ang inyong mga sarili upang ang nasa-lahat na nagpapahirap ay sana hindi lumaki. At maniwala sa Akin, Judas, bagama't nakikita kita  kung ano ikaw, ni kahit na ang iyong ina, ay minamahal ka katulad ng pagmamahal Ko o nagsisikap na magawa kang mabait katulad ng ginagawa ng iyong Jesus.»

«Gayunpaman, kinagagalitan at pinahihiya Ninyo ako, kahit sa harapan ng isang disipulo.»

«Ito ba ang unang pagkakataon na tinawag kitang muli sa katarungan?» Si Judas ay tahimik. «Tugunan mo ang Aking tanong. Sinasabi Ko sa iyo!» sabi ni Jesus nang may awtoridad.

«Hindi.»

«At ilang beses Kong ginawa iyan sa presensya ng mga tao? Masasabi mo ba sa Akin na pinahiya kita? O kailangan mo bang sabihin na pinagtakpan at ipinagsanggalang kita? Magsalita ka!»

«Ipinagsanggalang Ninyo ako, totoo iyan. Ngunit ngayon...»

«Ngunit ngayon ito ay para sa iyong sariling ikabubuti. Ang isang tao na hinahaplos ang kanyang may-kasalanan na anak ay kakailanganin niyang lagyan ng bendahe ang kanyang mga sugat pagdating ng araw, sabi ng kasabihan. At ang isa pang kasabihan ay nagsasabi na ang isang kabayo na masamâ ang pagkabitaw ay nagiging matigas ang ulo, at ang di kinukontrulan na anak ay nagiging mapagpumilit.»

«Ako ba kaya ay Inyong anak?» tanong ni Judas nagbabago ang hitsura, dahil hindi na kumukunot ang kanyang ulo bagkus nagmumukhang nagsisisi.

«Kung Ako ay naging iyong ama, hindi ka magiging mahigit pa na ganyan. At pinabuksan Ko sana ang Aking bisera upang maibigay sa iyo ang Aking puso at ginawa kang katulad sa ginusto Kong maging ikaw...»

Si Judas ay nagkaroon ng isa ng kanyang bugso ng pagsisisi... at nagmumukhang totoong sinsiro itinapon niya ang kanyang sarili sa mga bisig ni Jesus sumisigaw: «Ah! Hindi ako karapat-dapat sa Inyo! Ako ay isang dimonyo at hindi ako karapat-dapat sa Inyo! Napakabuti Ninyo! Iligtas Ninyo ako, Jesus!» at siya ay umiiyak, siya ay totoong umiiyak nang may kirot ng isang puso na nababalisa ng masasamang bagay at ng paninisi ng konsiyensya sa pagdulot ng kapighatian sa Guro Na nagmamahal sa kanya.

241011

 

 


Sunod na kabanata