517. Pagawing Bethany at sa Loob ng Bahay ni Lazarus.

Oktubre 28, 1946.

Si Jesus ay pinauuwi na ang mga disipulong sina Levi, Matthias at Juan, na Kanyang nakita hindi ko alam kung saan at kung kanino Kanyang ipinagkakatiwala ang bagong disipulong si Sidonia na pinangalanang Bartholmai. Ito ay nangyari sa unang mga bahay sa Bethany. At ang mga pastol na disipulo ay umalis kasama ang bagong disipulo at ang pito pang ibang mga lalaki na dati na nilang kasama. Si Jesus ay tinitingnan silang umaalis, pagkatapos Siya ay tumalikod upang tingnan ang Kanyang mga apostol at sinabi Niya: «At ngayon tayo ay maghintay dito para kay Judas ni Simon...»

«Ah! Napuna Ninyo na siya ay umalis?» sabi ng iba na nasorpresa. «Akala namin hindi Ninyo ito alam. Malaki ang pulutong kanina. At Kayo ay laging nagsasalita, una sa binata at pagkatapos sa mga pastol...»

«Napuna Ko na siya ay nawala sa pinaka unang sandali pa lamang. Walang nakakatakas sa Aking pagpuna. Iyan kung bakit pumunta Ako sa ilang mapagkaibigang mga bahay, sinasabihan sila na papuntahin si Judas sa Bethany, kung siya ay maghanap para sa Akin...»

«Hindi sana ipahintulot ng Diyos!» pabulong ng isa pang Judas sa pagitan ng kanyang mga ngipin.

Si Jesus ay tinitingnan siya, ngunit nagkunwaring hindi Niya siya napakinggan, nagsasalita sa lahat, dahil nakikita Niya na sila ay kapareho ng opinyon ni Tadeo (ang mga mukha, kung minsan, ay mas mabuting magsalita kaysa sa mga salita): «Ito ay magiging isang magandang pagpapahinga habang naghihintay para sa kanyang pagbabalik. Ito ay magiging maginhawa para sa lahat. Pagkatapos magpapagawi tayo sa Tekoah. Ang panahon ay malamig ngunit ito ay nagliliwanag na. Mag-eebanghelyo Ako sa bayan na iyon, pagkatapos tayo ay babalik dumaraan ng Jericho at pupunta tayo sa kabilang pampang. Ang mga pastol ay sinabi sa Akin na maraming may sakit ang naghahanap sa Akin at nagpahatid Ako ng salita na hindi kailangan para sa kanila na maglakbay pa, at maghintay na lamang sila sa Akin doon.»

«Bueno, lumakad na tayo» sabi ni Pedro nang may pagbuntung-hininga.

«Hindi ba Kayo natutuwa na mapunta sa bahay ni Lazarus?» tanong ni Tomas sa Kanya.

«Natutuwa Ako.»

«Tila hindi Kayo natutuwa, sa paraan ng Inyong pagsasalita.»

«Ito ay hindi dahil kay Lazarus. Ito ay dahil kay Judas...»

«Ikaw ay isang makasalanan, Pedro» sabi ni Jesus pinaaalalahanan siya..

«Ako nga. Ngunit... siya, si Judas ng Kerioth, siya ba ay hindi makasalanan dahil siya ay umalis, suwail at isang pahirap?» pagsiklab ni Pedro nang galít, dahil hindi na niya matagalan pa ang sitwasyon.

«Siya nga. Ngunit kung siya ay iyon nga, ikaw ay hindi kailangan na maging gayon. Alalahanin na ang Diyos ay tatanungin ka, - sasabihin Ko: tatanungin tayo, sapagkat ang Diyos Ama ay ipinagkatiwala ang taong iyon sa Akin bago ipinagkatiwala siya sa iyo – na ipaliwanag kung ano ang ating ginawa upang siya ay matubos.»

«At umaasa Ka ba na magtatagumpay Ka, Kapatid? Hindi ko mapaniniwalaan iyan. Pinaniniwalaan ko na alam Mo ang nakaraan, ang kasalukuyan at ang hinaharap. Kung kaya't hindi Ka maaaring magkamali tungkol sa taong iyon. At... Ngunit mas mabuti nang huwag ko nang sabihin sa Iyo ang iba pa.»

«Sa katotohanan isang dakilang birtud ang nakapananahimik. Ngunit mas mabuti pang malaman mo na ang makitang eksakto humigi’t kumulang ang hinaharap tungkol sa isang puso ay hindi naililiban ang isa sa pagpupursige hanggang sa katapusan upang mailigtas ang isang puso sa pagkasira. Huwag mahulog sa patalismo ng mga Pariseo na pinangangatawanan na kung ano ang nakatalaga na ay kailangan na mangyari at walang makapagpipigil sa kung ano ang nakatalaga nang mangyayari.. at sa pamamagitan ng ganyang pangangatwiran binibigyan nila ng katwiran ang kanilang mga kasalanan at bibigyan ng katwiran ang kanilang huling aksiyon ng kapootan laban sa Akin. Maraming beses ang Diyos ay hinihintay Niya ang sakripisyo ng isang puso, na napangingibabawan ang pagsusuka at galit nito, ang pagkasuklam, kahit na kung ito ay makatarungan, upang saklolohan ang isang espiritu mula sa kumunoy kung saan ito ay lumulubog. Oo, sinasabi Ko sa iyo. Maraming beses ang Diyos, ang Makapangyarihan, ang Lahat, ay naghihintay para sa isang nilikha, isang wala lang, upang gumawa  o hindi gumawa ng isang sakripisyo, upang bumigkas ng isang panalangin, upang maisumpa o hindi maisumpa ang isang espiritu. Hindi iyan kailanman huli na, hindi kailanman huling huli na, na sumubok at umaasang mailigtas ang isang kaluluwa. At bibigyan kita ng katibayan tungkol diyan. Kahit na nasa bingit na ng kamatayan, kung kapwa ang nagkasala at ang makatarungan na tao na nananabik tungkol sa nagkasala, ay malapit nang iwanan ang Lupa upang ipakita ang sarili sa unang paghuhusga ng Diyos, ang isa ay laging makapagliligtas o maililigtas. Sa pagitan ng kopa at ng mga labì, sabi ng salawikain, ay laging may lugar para sa kamatayan. Sasabihin Ko sa halip: sa pagitan ng sukdulan na aguniya at ng kamatayan laging mayroon panahon upang makakuha ng kapatawaran, para sa sarili o para sa mga taong ibig nating patawarin.»

Wala ni isang salita ang binigkas ng sinuman.

Si Jesus, na sa ngayon ay nakarating na sa mabigat na tarangkahan, ay tinatawag ang isang katulong upang buksan ito. At Siya ay pumasok at nagtatanong tungkol kay Lazarus.

«O! Panginoon! Kita Ninyo? Kararating ko pa lamang galing sa pangunguha ng laurel at mga dahon ng puno ng alkampor, at mga cypress-berries at iba pang mga dahon at mabangong prutas upang pakuluan sa alak at mga resina, at maihanda ang pampaligo ng panginoon kasama ang mga ito. Ang kanyang laman ay natitiklap nang pira-piraso at imposibleng matagalan ang amoy. Kayo ay naparito, ngunit hindi ko alam kung Kayo ay kanilang pararaanin...» Ibinaba niya ang kanyang tinig upang kahit na ang ere ay hindi makarinig nagsasabing: «Ngayon na hindi na posibleng itago ang mga sugat, ang mga sinyora ay hindi tumatanggap ng sinuman... kung hindi... Alam Ninyo... si Lazarus ay hindi talaga minamahal ng maraming tao... Ngunit marami, at para sa maraming rason, ang matutuwa kung... O! huwag Ninyong gawin akong isipin ito dahil ito ang kinatatakutan ng buong sambahayan.»

«At tama sila. Ngunit huwag matakot. Ang kasawiang-palad na iyan ay hindi mangyayari.»

«Ngunit... makapanunumbalik ba siya? Isang himala Ninyo...»

«Hindi siya makapanunumbalik. Ngunit magsisilbi iyan na maluwalhati ang Panginoon.»

Ang katulong ay nalulungkot... Pinagagaling ni Jesus ang lahat ngunit walang ginagawa rito!... Ngunit tanging isang buntung-hininga lamang ang nagsasaad ng kanyang naiisip. Pagkatapos sinabi niya: «Pupunta ako sa mga sinyora upang ibalita Kayo.»

Si Jesus ay pinalilibutan ng mga apostol na mga interesado tungkol sa mga kalagayan ni Lazarus at napupuno ng pagkadismaya nang sila ay binigyan-alam ni Jesus. Ngunit ang dalawang magkapatid na babae ay parating na. Ang kanilang namumulaklak bagama't ibang kagandahan ay tila pinalalabo ng kapighatian at ng pagod gawa ng matagalan na pagbabantay sa tabi ng higaan ni Lazarus. Maputla, mababa ang kalooban, nangayayat, ang kanilang mga mata, minsan napakaningning, pagod, walang mga singsing o mga pulseras, nakasuot ng dalawang madidilim na kulay-abong mga damit, sila ay mas nagmumukha mga katulong kaysa mga sinyora. Sila ay lumuhod malayo kay Jesus, nag-aalay sa Kanya ng bagkus mga luha. Tinatanggap ang lahat na dumating sa kanilang buhay, sila ay lumuluha nang tahimik at hindi ito mapigilan.

Si Jesus ay nilalapitan sila. Si Martha ay iniunat ang kanyang mga kamay bumubulong: «Lumayo, Panginoon. Kami ay totoong natatakot ngayon na nalabag namin ang batas tungkol sa ketong. Ngunit hindi namin, o Diyos, hindi namin maipatutupad ang ganyang batas laban sa aming Lazarus! Ngunit pakiusap na huwag lumapit sa amin, dahil kami ay di-malinis sapagkat wala kaming hinahawakan bagkus mga sugat. Kami lamang. Sapagkat pinananatili namin ang lahat na malayo, at ang lahat ay nakalagay sa pamasukan para sa amin, at kinukuha namin ito at hinuhugasan at sinusunog ang mga bagay sa loob ng silid na kasunod ng silid ng aming kapatid. Kita Ninyo ang aming mga kamay? Ito ay agnas gawa ng caustic lime na aming ginagamit para sa mga plorera na kailangan namin na ibalik sa mga katulong. Iniisip namin na kung ganito ang aming ginagawa kami ay hindi masyadong nagkakasala» at siya ay umiiyak.

Si Maria ng Magdala, na tahimik magpahanggang ngayon, ay umuungol nang siya na ang magsasalita: «Kailangan namin tawagin ang pari. Ngunit... ako, ako ang mas may kasalanan dahil hindi ko ito sinang-ayunan at sinasabi ko na ito ay hindi ang kinatatakutan na isinumpang sakit sa Israel. Hindi ito, hindi ito! Ngunit napakarami ang napopoot sa amin at napakarami, na sasabihin nila na ito ay ang sakit na iyon. Ang Inyong apostol na si Simon ay pinahayag na isang ketongin kahit ang kanyang kalagayan noon ay hindi pa ganito!»

«Ikaw ay hindi isang pari o isang doktor, Maria» sabi ni Martha humihikbi.

«Hindi ako. Ngunit nalalaman mo kung ano ang aking ginawa upang makatiyak tungkol sa aking sinasabi. Panginoon, ako ay pumunta at pinuntahan ko ang buong lambak ng Hinnom, ang lahat ng Siloam, ang lahat na mga sepulkro malapit sa En Rogel. Pumunta ako nakadamit katulad ng isang katulong, nakatalukbong, sa unang liwanag ng araw, may dalang mga makakain, may-gamot na mga tubig, mga bendahe at mga damit. At binigay ko, binigay ko ang lahat. Sinabi ko na iyon ay isang panata na aking ginawa para sa kanya na aking minahal. At iyon ay totoo. Hinihingi ko lamang na makita ang mga sugat ng mga ketongin. Maaaring inisip nila na ako ay baliw... Sino ang magkakagustong makita ang mga nakakatakot na bagay na iyon?! Ngunit pagkatapos na mailatag ko ang aking mga alay sa gilid ng mga bato, hiningi kong makita ko ang mga iyon. At sila ay nasa itaas ko, ako ay mas malayo sa ibaba; sila ay nagtataka, ako ay naduduwal; sila ay umiyak, at ako ay umiyak; at ako ay tumingin at tumingin! Tiningnan ko ang mga katawan na puno ng mga kaliskis, ng mga langib, ng mga sugat, tiningnan ko ang mga agnas na mukha, ang mapuputing buhok na mas matitigas pa kaysa sa mga alambre, ang mga mata na may mga nanâ, ang mga pisngi kung saan nakikita na ang mga ngipin, ang mga bungo na nakakabit sa buháy na katawan, ang mga kamay na naging mga pangalmot ng mga halimaw, ang mga paa na nakakatulad ng mga tuod ng kahoy... ang amoy, ang lagim, ang kabulukan. O! kung ako ay nagkasala sinasamba ang laman, kung ako ay nagkaroon ng kasiyahan sa pamamagitan ng aking paningin, pangamoy, pandinig, pakiramdam sa kung ano ang dati na maganda, mabango, magandang pakinggan, malambot at makinis, o! matitiyak ko sa Inyo na ang aking mga pandama ay napadalisay sa pagpapakahiya sa gayong mga tanawin! Ang aking mga mata ay nakalimutan ang nakahahalinang kagandahan ng lalaki sa pagninilay-nilay sa mga halimaw na iyon, ang aking mga tainga ay nakapagbayad-kasalanan para sa nakaraang mga kaluguran tungkol sa mga tinig ng lalaki nang mapakinggan ko ang mga paos na tinig na iyon, na hindi na tunog ng isang tao, ang aking katawan ay nanginig, ang aking amoy ay nagrebelde... at ang lahat na kulto ng aking sarili ay namatay, sapagkat nakita ko kung magiging ano ako pagkatapos ng kamatayan... Ngunit nadala ko sa aking pagbabalik ang katiyakan na ito: si Lazarus ay hindi isang ketongin. Ang kanyang tinig ay hindi napinsala, ang kanyang buhok at ang mabuhok na bahagi ng kanyang katawan ay buo, at ang kanyang mga sugat ay iba. Hindi, hindi siya isang ketongin! At si Martha ay pinalulungkot ako sapagkat hindi siya maniwala, sapagkat hindi niya mapaginhawahan si Lazarus dahil hindi niya pinipigil siya na maniwala na siya ay di-malinis. Kita Ninyo? Ayaw niyang makita Kayo, ngayon na alam niya na Kayo ay naririto, dahil baka Kayo mahawa. Ang katangahang takot ng aking kapatid na si Martha ay napagkakaitan si Lazarus ng kaginhawahan mula sa Inyo!...»

Ang kanyang pagiging masintahin ay nagagawa siyang magalit. Ngunit nang makita niya na ang kanyang kapatid ay napaiyak nang husto, ang kanyang kapusukan ay nawala kaagad at kanyang niyayakap at hinahalikan si Martha, nagsasabing: «O! Martha! Patawarin mo ako! Ang kapighatian ay nagagawa akong di-makatarungan! Ito ay ang aking pagmamahal para sa iyo at kay Lazarus na ibig kang makumbinsi! Aking kaawa-awang kapatid! Anong kaawa-awang mga babae tayo!»

«Ngayon, ngayon, huwag umiyak nang ganyan! Kayo ay nangangailangan ng kapayapaan at awa sa isa’t isa, alang-alang sa inyong sarili at kay Lazarus. Si Lazarus, maging ano pa man, ay hindi isang ketongin. Sinasabi Ko sa inyo.»

«O! halikayo sa kanya, Panginoon. Sino ang makapaghuhusga nang mas mabuti pa kaysa sa Inyo kung siya ay isang ketongin?» sabi ni Martha nakikiusap.

«Hindi ba’t sinabi Ko na sa iyo na siya ay hindi ketongin?»

«Oo. Ngunit papaano Ninyo masasabi ang ganyan kung hindi Ninyo siya nakikita?»

«O! Martha! Martha! Pinatatawad ka ng Diyos dahil ikaw ay nasa paghihirap at katulad mo ang isa na ang isip ay nagdidiliryo! Nalulungkot Ako para sa iyo at pupunta Ako kay Lazarus at aalisan Ko ng takip ang kanyang mga sugat at...»

«at pagagalingin Ninyo ang mga ito!!!» sigaw ni Martha tumatayo.

«Nasabi Ko na na hindi Ko iyan magagawa... Ngunit bibigyan Ko ng kapahingahan ang inyong mga isip, dahil malalaman ninyo na hindi ninyo nalabag ang batas tungkol sa mga ketongin. Tayo na...» At Siya ang unang lumakad patungo sa bahay sinisenyasan ang mga apostol na huwag Siyang sundan.

Si Maria ay tumakbo nang nauna, binuksan niya ang isang pinto, tumakbo sa isang koridor, binuksan ang isa pang pinto na magdadala patungo sa isang maliit na yarda, at pagkatapos ng ilang mga hakbang pinasok niya ang isang medyo madilim na silid na puno ng mga palanggana, maliliit na plorera, mga amphora mga bendahe... Ang isang magkahalong amoy ng mga pabango at pagkabulok ay maaamoy. May isang pinto sa katapat ng unang pinto at binuksan ito ni Maria sumisigaw sa isang tinig na nagsisikap na maging maningning at malugod: «Naririto ang Guro. Siya ay naparito upang sabihin sa iyo na ako ay tama, aking mahal na kapatid. Magsaya at ngumiti sapagkat ang aming pagmamahal at kapayapaan ay papasok!» at niyuyukuan niya ang kanyang kapatid, inaangat siya sa ibabaw ng mga unan, hinahalikan siya, hindi pinapansin ang amoy na sa kabila ng mga pampatighaw ay sumisingaw mula sa may mga sugat na katawan, at nakayuko pa siya nililinisan ang kapatid, nang ang may-kabaitan na pagbati ni Jesus ay umalingawngaw sa silid, na, dahil sa bumabalot na malabong liwanag, ay tila nagliliwanag dahil sa dibinong presensya.

«Guro, Kayo ay hindi natatakot... ako ay...»

«Ikaw ay may sakit. Wala nang iba pa. Lazarus, ang mga alituntunin ay naigawad, napaka komprehensibo at mahigpit, dala ng mauunawaan na pagiging mahinahon. Mas mabuti na ang maging labis-labis na mahinahon kaysa maging di-mahinahon sa ilang mga kaso, katulad ng makakuha ng mga sakit. Ngunit hindi ka nakakahawa, Aking kaawa-awang mahal na kapatid, hindi ka di-malinis. At sa katunayan sa palagay Ko hindi Ako nagkukulang ng kahinahunan sa Aking mga kapatid kung yayakapin at hahalikan kita nang ganito» at hinahalikan Niya siya inilalagay ang kanyang numipis na katawan sa Kanyang mga bisig.

«Kayo ay totoo ngang Kapayapaan! Ngunit hindi pa Ninyo ako nakikita. Si Maria ay ngayon aalisan na ng takip ang nakakatakot. Ako ay isa nang patay na katawan, Panginoon. Hindi ko malaman kung papaano nakakatagal ang aking mga kapatid...»

Hindi ko rin malaman, labis na nakakatakot at nakakasuklam ang mga sugat malapit sa bugkul-bugkol na mga ugat ng kanyang mga paa. Ang magagandang kamay ni Maria ay  minamasahe ang mga ito nang malumanay habang sa kanyang magandang tinig siya ay tumutugon: «Ang iyong mga sakit ay mga rosas para sa iyong mga kapatid. Dahil lamang na ikaw ay naghihirap na ang mga ito ay nagiging mga matitinik na rosas. Naririto ito, Guro. Kita Ninyo? Ang ketong ay hindi ganyan!»

«Hindi, hindi iyan ketong. Iyan ay isang masamang sakit at inuubos ka nito, ngunit hindi iyan mapanganib. Paniwalaan mo ang iyong Guro! Maaari mo nang takpan iyan, Maria. Nakita Ko na.»

«Talaga bang hindi Ninyo siya hihipuin?» tanong ni Martha nang may isang buntung-hininga, nagpupursige sa pag-asa.

«Hindi na iyan kinakailangan. Hindi dahil sa pagkasuklam, bagkus upang hindi mangati ang mga sugat.»

Si Martha, na hindi na nagpupumilit pa, ay niyukuan ang isang palanggana na may mga rekadong alak o suka at inilulubog ang ilang mga linen at pagkatapos inaabot ito sa kanyang kapatid. Tahimik na mga luha ang pumapatak sa mapula-pulang likido...

Si Maria ay binabalot ng bendahe ang kaawa-awang mga paa at inilatag muli ang mga blanket sa ibabaw ng mga paa ni Lazarus, na kasing walang-galaw at manilaw-nilaw katulad ng mga paa ng isang patay.

«Kayo ba ay nag-iisa?»

«Hindi. Lahat sila ay kasama Ko, maliban kay Judas ng Kerioth na nanatili sa Herusalem, at darating... Hindi, bagkus, kung Ako ay nakaalis na, papuntahin siya sa Bethabara. Pupunta Ako roon. At sabihin sa kanya na maghintay sa Akin doon.»

«Aalis na ba Kayo kaagad...»

At babalik Ako kaagad. Mamaya lamang ay Kapistahan na ng Dedikasyon. Makakasama ninyo Ako sa mga araw na iyon.»

«Hindi ko Kayo mapararangalan sa Kapistahan ng mga Ilaw...»

«Mapupunta Ako sa Bethlehem sa araw na iyan. Kailangan Kong makita muli ang Aking pinanganakan...»

«Kayo ay malungkot... Alam ko... O! at ako ay walang magawa!»

«Ako ay hindi malungkot. Ako ang Tagapagtubos... Ngunit ikaw ay pagod na. Huwag magsumikap na manatiling gising, Aking mahal na kaibigan.»

«Iyon ay para parangalan Kayo...»

«Matulog. Makikita tayo saka na...» at si Jesus ay umalis nang walang ingay.

«Nakita na Ninyo, Guro?» tanong ni Martha, sa labas, sa yarda.

«Oo, nakita Ko. Aking kaawa-awang mga disipulo... Ako ay umiiyak kasama ninyo... Ngunit ipinagtatapat Ko sa inyong totoo na ang Aking puso ay mas maraming sugat kaysa sa inyong kapatid...» at tinitingnan Niya sila nang may gayong malalim na kalungkutan na nakalimutan nila ang kanilang kapighatian dahil sa Kanyang kapighatian, at sa dahilan na ang kanilang pagiging mga babae ay napipigilan silang yakapin Siya, hinahalikan na lamang nila ang Kanyang mga kamay at tunika at pinagsisilbihan Siya bilang nagmamahal na mga kapatid na babae. At sinisilbihan nila Siya sa loob ng maliit na silid, at pinupuno nila Siya ng kanilang pagmamahal.

Ang malalakas na tinig ng mga apostol ay maririnig mula sa kabila ng yarda... Lahat sila, maliban sa tinig ng masamang disipulo. At si Jesus ay nakikinig at nagbubuntung-hininga... Siya ay nagbubuntung-hininga hinihintay nang matiyaga ang pugante.

291011

 

 


Sunod na kabanata