518. PATUNGONG TEKOAH. ANG MATANDANG ELIANNA.

Oktubre 29, 1946.

Sila ay labing-isa pa rin nang sila ay lumakad muli. Labing-isang nag-iisip na nasindak na mga mukha sa paligid ng malungkot na mukha ni Jesus, Na nagpapaalam sa magkapatid na babae, at Na, pagkatapos ng isang sandali ng pag-iisip, nagsabi kina Simon Zealot at Bartolomeo: «Mananatili kayo rito. Sasamahan ninyo Ako sa Tekoah, sa bahay ni Simon, o sa bahay ni Nike malapit sa Jericho, o sa Bethabara, kung siya ay darating. At... maglingkod sa Karidad. Naintindihan ba ninyo?»

«Huwag mag-alala, Guro. Hindi kami magkukulang sa pagmamahal para sa aming kapwa sa kahit anong paraan» sabi ni Bartolomeo binibigyan Siya ng katiyakan.

«Anong oras man siya dumating, umalis kayo kaagad.»

«Gagawin namin, Guro. At... salamat sa pagtiwala sa amin» sabi ng Zealot.

Nagpapalitan sila ng mga halik at habang sinasara ng isang katulong ang tarangkahan at si Jesus ay umaalis, ang dalawang apostol ay bumalik sa bahay kasama ang magkapatid na babae.

Si Jesus ay nauuna, nag-iisa; si Pedro ay nasa likuran Niya sa pagitan ni Mateo at ni Santiago ni Alfeo; sa likuran nila ay si Felipe kasama si Andres, si Santiago at Juan ni Zebedeo. Sa hulihan, kasing tahimik katulad ng iba, ay si Tomas at si Judas Tadeo. Ngunit mali ako. Si Pedro ay tahimik din. Ang kanyang dalawang kasama ay nagpapalitan ng kaunting mga salita, ngunit siya, na nasa pagitan nila, ay hindi nagsasalita. Siya ay nagpapatuloy nang tahimik, na ang kanyang ulo nakatungo. Siya ay tila may ginagawang walang-tunog na pakikipagusap sa mga bato at mga damo kung saan siya naglalakad.

Ang huling dalawa rin ay tila gayon din ang saloobin. Ang tanging kaibahan ay na, habang si Tomas ay tila nakalubog sa pagninilay-nilay tungkol sa isang munting sanga ng willow, na kanyang inaalisan ng dahon nang isa-isa, at tinitingnan ang bawat dahon pagkatapos na maalis ito, na tila pinag-aaralan niya ang malabnaw na berdeng kulay nito sa isang tabi at ang platang kulay sa kabilang tabi, o ang mga ugat ng disenyo nito, si Judas ay tinititigan ang unahan ng daan. Hindi ko alam kung tinitingnan niya ang tanawin na, pagkatapos na matawid nila ang palupo ng isang bundok, umuunat hanggang sa kabila ng kung baga malabong kagandahan ng isang kapatagan sa pagsikat-ng-araw, o kung tinitingnan lamang niya ang magandang buhok ni Jesus, Na inalis ang panaklob sa ulo ng Kanyang manta upang kalugdan ang malumanay na sinag ng araw ng Disyembre sa Kanyang ulo.

At ang ginagawa ni Tomas at ang pagninilay-nilay ni Judas tungkol sa tanawin, o tungkol kay Jesus, ay natapos nang magkasabay. Ang huli ay ibinaba ang kanyang mga mata at nilingon ang kanyang kasama, habang si Tomas, na nagawa ang kanyang sanga na maging panghagupit sa pangangabayo, ay tumingala upang tingnan si Tadeo. Isang matalas at may-kabaitan na malungkot na tingin din na nákatagpo ang gayon ding tingin.

«Ito ay ganyan, aking kaibigan! Ganyan lamang!» sabi ni Tomas na tila tinatapos niya ang isang talumpati.

«Oo, iyan ay ganyan. At malalim ang aking kalungkutan... Ang akin ding pagmamahal para sa isang kamag-anak ay may kinalaman...»

«Naiintindihan ko. Ngunit... mayroon ka ng pagpapahirap ng pagmamahal sa loob ng iyong puso. Ngunit, papaano ako? Mayroon akong pangungunsiyensya na nagpapahirap sa akin. At mas grabe pa ito.»

«Pangungunsiyensya? Wala kang dahilan upang makunsiyensya. Ikaw ay mabuti at tapat. Si Jesus ay nasisiyahan sa iyo at hindi kami kailanman nagkaroon ng kahit anong dahilan na maiskandalo. Kung kaya’t papaano ka magkakaroon ng pangungunsiyensya?»

«Mula sa isang alaala. Ang alaala tungkol sa araw kung kailan nagpasya akong sundan ang bagong Rabbi, Na lumitaw sa Templo... Si Judas at ako ay magkalapit at hinangaan namin ang ginawa at ang mga salita ng Guro. At nagpasya kaming hanapin Siya... At ako ay mas disidido kaysa kay Judas at halos kaladkarin ko siya. Sinasabi niya ang kabaligtaran, ngunit ito ay gayon. Iyan ang aking pangungunsiyensya. Na pinilit ko siyang sumama... Nakapagdala ako ng magpakailanman na kapighatian kay Jesus. Ngunit nalalaman ko noon na si Judas ay minamahal ng... marami at naisip ko na siya ay mapapakinabangan. Kasing tanga ng lahat na nag-iisip ng bagkus isang hari ng Israel na mas dakila pa kina David at Solomon, ngunit isang hari pa rin... isang hari na Kanyang sinasabi  na hindi Siya magiging ganito kailanman, iniisip kong maisama siya sa mga disipulo dahil maaari siyang mapakinabangan!... Umaasa ako na ganyan. At tanging ngayon lamang naintindihan ko, at naiintindihan ko na ganito ito nang lalu’t lalo pa, kung gaano si Jesus naging tama sa hindi sa kanya pagtanggap kaagad-agad, sa kabaligtaran sinabi Niya na huwag siyang hanapin... Isang dahilan ng pangungunsiyensya, sinasabi ko sa iyo! Pangungunsiyensya! Ang taong iyon ay hindi mabuti.»

«Hindi siya mabuti. Ngunit huwag gumawa ng pangungunsiyensya para sa iyong sarili. Hindi ka kumilos nang may malisya, kung kaya't wala kang ginawang kasalanan. Sinasabi ko sa iyo.»

«Nakatitiyak ka bang talaga? O sinasabi mo iyan upang paginhawahan ako?»

«Sinasabi ko sa iyo dahil iyan ang katotohanan. Huwag mo nang isipin pa ang tungkol sa nakaraan, Tomas. Hindi iyan nakakatulong na mawala ito...»

«Madaling sabihin iyan! Ngunit isipin na lang! Kung dahil sa akin ang ilang kasawiang-palad ay mangyari sa Guro... Naguguluhan ako at puno ng sospetsa. Ako ay isang makasalanan sapagkat hinuhusgahan ko ang isang kasamahan, at ang aking paghusga ay hindi maawain. Ako ay makasalanan sapagkat kailangan kong paniwalaan ang mga salita ng Guro... Pinagpapaumanhinan Niya si Judas... Pinaniniwalaan mo ba... ang iyong kapatid?»

«Sa lahat maliban diyan. Ngunit huwag malungkot. Pare-parehong lahat ang ating iniisip. Si Pedro rin, na nag-aalala nang husto, ay nagsisikap na isiping mabuti ang tungkol sa taong iyon, at si Andres, na mas mapagpakumbaba pa kaysa sa isang maliit na tupa, at si Mateo, ang tanging isa sa atin na hindi nakararamdam ng pagkasuklam sa kahit sinong makasalanan. At ang napakamapagmahal at purong si Juan din, na napaka suwerte na hindi niya kailanman kailangan na katakutan ang kasamaan o bisyo, dahil siya ay punung-puno ng karidad at kadalisayan na wala siyang lugar para sa kahit ano pa mang iba. At ang aking kapatid ay mayroon din nito. Ang ibig kong sabihin si Jesus. Siya ay tiyak na may iba pa ring mga iniisip, at sa gayon nakikita ang pangangailangan na panatilihin si Judas... hanggang ang bawat pagsisikap na magawa siyang mabuti ay mawalan na ng katuturan.»

«Oo. Ngunit... ano ang mangyayari sa katapusan? Siya ay maraming... Wala siyang... Sa maikling pananalita, naiintindihan mo nang hindi ko na kailangan na sabihin sa iyo. Hanggang saan siya makakarating?»

«Hindi ko alam... Baka iiwanan niya tayo... Baka mananatili siya, maghihintay na makita kung sino ang mas malakas sa labanan na ito: si Jesus o ang daigdig ng Hebreo...»

«Wala nang iba? Hindi mo ba iniisip na naglilingkod na siya sa dalawang panginoon?»

«Iyan ay tiyak.»

«At hindi ka ba natatakot na baka paglingkuran niya ang mas nakararaming grupo, upang makagawa ng ganap na kasiraan sa Guro?»

«Hindi, hindi ako natatakot. Hindi ko siya minamahal. Ngunit hindi ako makapaniwala na siya... Sa pansamantala man lamang bilang... Tiyak na matatakot ako niyan kung isang araw ang mga pulutong ay titigil na suportahan ang Guro. Kung, sa halip, ang publiko ay ikokonsagra Siyang hari at ating lider, natitiyak ko na iiwanan ni Judas ang lahat para sa Kanya. Siya ay isang mapagsamantala... Harinawang pigilin siya ng Diyos, at protektahan si Jesus at tayong lahat...»

Napuna ng dalawa na bumagal ang kanilang paglalakad at sila ay naiwanan na nang husto ng kanilang mga kasamahan at nang hindi na nagsasalita binilisan nila ang paglalakad upang makaabot sa kanila.

«Ano ba ang kanina pang ginagawa ninyo?» tanong ni Mateo. «Ang Guro ay kailangan kayo...»

Sina Tomas at Tadeo ay nagmadaling pumunta kay Jesus.

«Tungkol sa ano ang pinag-uusapan ninyong dalawa?» tanong ni Jesus tinititigan sila.

Ang dalawa ay tiningnan ang isa’t isa. Kailangan bang sabihin nila sa Kanya? Kailangan bang hindi? Ang pagiging sinsiro ang nanalo. «Ang tungkol kay Judas» sabi nilang magkasabay.

«Alam Ko... Ngunit ibig Kong ilagay ang inyong sinseridad sa pagsubok. Napalungkot sana ninyo Ako kung kayo ay nagsinungaling... Ngunit huwag na muling magsalita ng tungkol diyan ulit, at lalo na gayong pamamaraan. Napakaraming magagandang bagay ang maaari ninyong pagusapan. Bakit laging pababain ang sarili na isipin kung ano ang napaka, hindi, bagkus, materyal na materyal? Sinasabi ni Isaiah: “Huwag nang pagtiwalaan ang tao, mayroon lamang siya bagkus hininga sa mga butas ng kanyang ilong”. Sinasabi Ko sa inyo: tumigil sa pag-aaral sa taong iyon at pangalagaan ang kanyang espiritu. Ang hayop na nasa kanya, ang kanyang halimaw, ay hindi kailangan na makakuha ng inyong pansin at ng inyong paghusga; bagkus mahalin ang kanyang espiritu sa pamamagitan ng namimighating aktibong pagmamahal. Palayain siya sa halimaw na humahawak sa kanya. Hindi ninyo nalalaman.»...

Siya ay tumalikod upang tawagin ang pito pang iba: «Halikayo, lahat kayo, sapagkat ang Akin nang sasabihin ay mapakikinabangan ng lahat, sapagkat lahat kayo ay may magkakaparehong naiiisip sa inyong mga puso... Hindi ba ninyo nalalaman na mas marami kayong nalalaman mula kay Judas ng Kerioth kaysa sa sino pa mang ibang tao? Makatatagpo kayo ng maraming mga Judas at napakakaunting Jesus sa inyong apostoladong ministeryo.  Ang Jesus ay magiging mabait, mabuti, puro, matapat, masunurin, mahinahon, malaya sa kasakiman. Sila ay magiging napakakaunti... Ngunit gaanong napakarami mga Judas ng Kerioth ang matatagpuan ninyo, ng inyong mga tagasunod at ng mga papalit sa inyo sa mga daan ng mundo! At upang maging mga guro at makaalam, kailangan na pumasok kayo sa eskuwelahan na iyan... Sa pamamagitan ng kanyang mga diperensiya naipakikita niya kung ano ang tao; pinakikita Ko kung ano ang tao dapat na maging. Dalawang halimbawa na parehong kinakailangan. Kapag malaman ninyo nang mabuti ang dalawa, kailangan na magsikap kayo na baguhin ang una na maging ang huli... At gawin ang Aking tiyaga na maging inyong patakaran.»

«Panginoon, ako ay isang malaking makasalanan, at ako ay tiyak na isang halimbawa din. ngunit gusto ko si Judas, na hindi masyadong makasalanan katulad ko, na maging ang kumbertidong ako. Ito ba ay pagmamalaki na sabihin iyan?»

«Hindi, Mateo, iyan ay hindi pagmamalaki. pinararangalan ko ang dalawang katotohanan sa pagsasabi nang ganyan. Ang una ay na ang pangungusap na nagsasabing: “Ang mabuting kalooban ng tao ay gumagawa ng dibinong mga himala” ay makatotohanan. Ang ikalawa ay na ang Diyos ay minahal ka nang walang-hangganan, mula noong sandali na wala ka nang iniisip ng tungkol diyan, at ginawa Niya ito sapagkat nalalaman Niya ang iyong kakayahan para sa kabayanihan. Ikaw ay ang bunga ng dalawang kapangyarihan: ang iyong kalooban at ang pagmamahal ng Diyos. At inilalagay Ko nang una ang iyong kalooban, sapagkat kung wala iyan ang pagmamahal ng Diyos ay naging walang kabuluhan sana. Walang silbi, hindi makagalaw...»

«Ngunit ang Diyos ba ay hindi kami makukumberti nang wala ang aming kalooban?» tanong ni Santiago ni Alfeo.

«Siyempre. Ngunit ang kalooban ng tao ay kakailanganin pa rin upang magpursige sa kombersiyon na nakuha nang mahimala.»

«Kung gayon ang ganyang kalooban ay naging wala noon at ngayon kay Judas, bago makilala Kayo o ngayon...» sabi ni Felipe nang biglaan. Ang iba ay tumatawa, ang iba nagbubuntung-hininga.

Si Jesus lamang ang nagsasanggalang sa walang apostol: «Huwag sabihin iyan! Mayroon siya niyan noon at ngayon. Ngunit ang masamang batas ng laman ay napangingibabawan ito nang paminsan-minsan. Siya ay may sakit. Isang kaawa-awang may-sakit na kapatid. Sa bawat pamilya ay may isang mahina o isang may-sakit na tao, isang tao na siyang ang sakit-ulo, ang inaalala, ang pabigat sa pamilya. Ngunit sa kabila nito ang mahinang anak ay hindi ba’t ang pinakamamahal ng kanyang ina? Ang di-masayang kapatid hindi ba’t siya ang pinaka pinagsisilbihan ng kanyang mga kapatid? Hindi ba’t siya ang isa kung kanino binibigay ng ama ang masarap na pagkain, kinukuha ito mula sa kanyang pinggan, upang gawin siyang masaya, upang maramdaman niya na siya ay hindi pabigat at sa gayon magawa ang kanyang sakit na hindi masyadong nakakasawa?»

«Iyan ay totoo. Iyan ay talagang ganyan lamang. Ang aking kakambal na babae ay napakaselan sa kanyang kabataan. Nakuha kong lahat ang katatagan. Ngunit ang pagmamahal ng buong pamilya ay nakatulong nang labis na ngayon siya ay isang biluga’t malusog na asawa at ina» sabi ni Tomas.

«Eksakto.  Gawin sa inyong espirituwal na kapatid kung ano ang inyong gagawin sa isang mahinang kapatid. Hindi Ako magbabanggit ng kahit isang salita ng paninisi. Huwag maging mas mahigpit pa kaysa sa Akin. Ang inyong matiyagang pagmamahal ay ang pinaka matalas na pangaral kung saan hindi posibleng tumutol laban dito. Iiwanan Ko sina Mateo at Felipe sa Tekoah upang hintayin si Judas... Gawin ang una na maalaala na siya ay dating makasalanan at ang huli na siya ay isang ama...»

«Oo, Guro. Tatandaan namin iyan.»

«Sa Jericho, kung si Judas ay wala pa sa atin, iiwanan Ko sina Andres at Juan, at gawin silang maalaala na ang libreng mga regalo ng Diyos ay hindi ipinagkaloob sa magkakaparehong sukat sa lahat... Ngunit puntahan ang matandang lalaking iyon na sumusuray sa daan sa banda roon. Ang bayan ay makikita na. Sa pamamagitan ng inyong mga limos makakabili siya ng ilang tinapay.»

«Guro, hindi namin magagawa. Dala ni Judas ang lukbutan...» sabi ni Pedro. «At ang magkapatid na babae ay hindi kami binigyan ng kahit ano..

«Tama ka, Simon. Sila ay natulig ng kapighatian at tayo ay hilo katulad nila. Hindi na bale. Mayroon tayong ilang tinapay. Tayo ay mga bata pa at malalakas. Ibigay natin ito sa matandang lalaki, upang hindi siya matumba sa daan.»

Naghahanap sila sa kanilang mga bag at pinagsama-sama nila ang kaunting mga mumo ng tinapay, ibinigay nila ito sa matandang lalaki na tumitingin sa kanila nang may nagtatakang hitsura.

«Kain, kain!» sabi ni Jesus pinalalakas ang loob niya. At ginawa Niyang uminom siya mula sa Kanyang prasko, habang tinatanong siya kung saan siya papunta.

«Sa Tekoah. May malaking palengke bukas. Ngunit wala akong makain mula pa kahapon.»

«Nag-iisa ba kayo?»

«Mahigit pa sa nag-iisa... Pinalayas ako ng aking anak sa bahay...» Ang may katandaan na tinig ay makabagbag-damdamin.

«Ang Diyos ay bubuksan ang Kanyang Kaharian sa inyo kung kayo ay makapaniniwala sa Kanyang awa.»

«At sa iyon ng Kanyang Mesiyas. Ngunit ang aking anak ay hindi magkakaroon ng Mesiyas, sapagkat siya na kinapopootan Siya nang labis katulad na kapootan niya ang kanyang ama na nagmamahal sa Kanya, ay hindi maaaring magkaroon ng Mesiyas.»

«Iyan ba kung bakit niya kayo pinalayas?»

«Oo, iyan. At upang hindi sana mawala sa kanya ang pagkakaibigan ng ilang mga tao na umuusig sa Mesiyas. Ibig niyang ipakita na ang kanyang kapootan ay mas malaki kaysa ng kanila, dahil nilalampasan nito ang tawag ng pagkakamag-anak.»

«Nakapanghihilakbot!» lahat sila ay bumulalas.

«Mas nakapanghihilakbot ito kung ako ay may parehong mga iniisip katulad ng aking anak» sabi ng matandang lalaki nang biglaan.

«Ngunit sino siya? Kung naintindihan ko nang tama, maaaring siya ay isang tao na may kapangyarihan at awtoridad...» sabi ni Tomas.

«Mamâ, hindi pagiging isang ama ang banggitin ang pangalan ng kanyang nagkasalang anak upang siya ay kasuklaman. Kailangan kong sabihin na ako ay giniginaw at gutom, bagama't sa pagtatrabaho nang maigi napalaki ko ang kayamanan ng pamilya upang magawang masaya ang aking anak. Ngunit hindi higit pa diyan. Isipin na ako ay mula sa Judaea, at siya ay mula sa Judaea, at na kami kung gayon ay mula sa isang lahi ngunit magkaiba ang mga opinyon. Ang ibang bagay pa ay walang importansiya.»

«At dahil sa kayo ay isang makatarungan na tao, wala ba kayong kahit ano na hinihingi mula sa Diyos?» Si Jesus ay nagtatanong nang may-kabaitan.

«Na sana hipuin Niya ang puso ng aking anak at gawin siyang paniwalaan ang aking pinaniniwalaan.»

«Ngunit para sa inyong sarili, para sa inyong sarili lamang, wala ba kayong hihinging kahit ano?»

«Ang makilala Siya Na, ayon sa akin, ay ang Anak ng Diyos, Upang pagpitaganan Siya at pagkatapos mamatay.»

«Ngunit kung kayo ay mamatay, hindi na ninyo siya makikita pa. Kayo ay mapupunta sa Limbo...»

«Sa maikling panahon lamang. Kayo ay isang rabbi, hindi ba? Hindi ako makakita nang mabuti... Ang aking edad... at ang maraming mga luha, at ang gutom din... Ngunit nakikita ko ang mga palawit ng inyong sinturon... Kung Kayo ay isang mabuting rabbi, at sa palagay ko Kayo nga, maaaring nalalaman din Ninyo na ang panahon ay dumating na, ang ibig kong sabihin ang panahon na binanggit ni Isaiah. At ang oras ay parating na kung kailan ang Kordero ay kukunin para sa Kanyang Sarili ang lahat na mga kasalanan ng mundo at babatahin ang lahat ng ating mga kasamaan at kapighatian at kung gayon Siya ay tutusukin at isasakripisyo upang tayo ay sana maibalik sa kalusugan at mapasa kapayapaan sana tayo kasama ang Eternal na Ama. Pagkatapos magkakaroon din ng kapayapaan para sa mga espiritu... Ganyan ang pag-asa ko nagtitiwala sa awa ng Diyos.»

«Nakita na ba ninyo kahit kailan ang Guro?»

«Hindi. Napakinggan ko lamang Siya sa Templo sa mga kapistahan. Ngunit ako ay maliit at ang edad ay mas lalo pa akong nagagawang maliit, at hindi rin ako makakita nang mabuti, katulad ng sinabi ko. Kung kaya’t kung ako ay pumunta sa gitna ng pulutong hindi ako makakita sapagkat may tao sa harapan ko, kung ako ay pumunta sa labas ng pulutong hindi ako makakita sapagkat napakalayo ko. O! gusto ko Siyang makita! Kahit minsan man lamang!»

«Makikita ninyo Siya, ama. Pagbibigyan kayo ng Diyos. At kayo ba ay may pupuntahan sa Tekoah!»

«Wala. Pupunta ako sa ilalim ng isang balkonahe o sa ilang pinto. Sanay na ako niyan ngayon.»

«Sumama kayo sa Akin. May alam Akong isang mabuting Israelita. Tatanggapin niya kayo sa ngalan ni Jesus, ang Galilean na Guro.»

«Ngunit Kayo ay isang Galilean din. Masasabi ito ng isa sa pamamagitan ng Inyong punto.»

«Oo... Pagod ba kayo? Ngunit tayo ay nasa unang mga bahay na. Malapit na kayong makapagpahinga at magkakaroon na kayo ng kaunting meryenda.»

Si Jesus ay yumuyuko upang magsabi ng isang bagay kay Pedro at si Pedro ay tumabi upang sabihin sa iba kung ano ang sinabi ni Jesus ngunit hindi ko naintindihan kung ano ang kanyang sinabi. Pagkatapos binilisan ni Pedro ang kanyang hakbang at pinasok niya ang bayan kasama ang mga anak ni Alfeo at si Juan. Si Jesus ay sinusundan siya kasama ang iba pa, inaayon ang Kanyang paghakbang sa paghakbang ng abang matanda, na hindi na nagsasalita pa, pagod na katulad niya, at kung gayon nananatili siya sa likuran kasama si Andres at si Mateo.

Ang bayan ay tila walang tao. Ngayon ay katanghalian at marami sa mga tao ang nasa bahay para sa kanilang tanghalian. Pagkaraan ng ilang mga metro nakita nila si Pedro na nagsasabi: «Gawa na, Panginoon. Si Simon ay tatanggapin siya dahil dinadala Ninyo siya, at pinasasalamatan niya Kayo para sa pagsasa-alang-alang Ninyo sa kanya.

«Ating pagpalain ang Panginoon! Mayroon pa ring mga makatarungan na tao sa Israel. Ang matandang ito ay isa na, at si Simon ay isa pa. May ilan pa rin ng mabubuting maawain na mga tao, matapat sa Panginoon. At napupunuan nito ang labis na kapaitan. At nagagawa nito ang isa na umasa na ang dibinong hustisya ay mapatatahimik dahil sa mga makatarungang tao na ito.»

«Gayunpaman... Na ang isang anak ay kailangan na palayasin ang kanyang ama mula sa kanyang bahay upang hindi mawala ang pagkakaibigan ng ilang malalakas na Pariseo...!»

«Ang kanilang kapootan sa Inyo ay nakararating sa ganyan! Ako ay nagugulat!» sabi ni Felipe.

«O! makakakita ka pa ng higit pa diyan!» tugon ni Jesus.

«Mahigit pa? At ano ang maaaring mas mahigit pa kaysa sa ang isang ama pinalalayas dahil hindi niya Kayo kinapopootan? Ang kasalanan ng taong iyon ay isang napakatindi!...»

«Mas matindi pa ang magiging kasalanan ng isang sambayanan laban sa kanilang Diyos... Ngunit ating hintayin ang matanda...»

«Maaaring sino kaya ang kanyang anak?»

«Isang Pariseo!»

«Isang miyembro ng Sanhedrin!»

«Isang rabbi.» May iba't ibang mga opinyon.

«Isang kaawa-awang sawing-palad. Huwag mag-imbestiga. Ngayon hinahampas niya ang kanyang ama. Bukas hahampasin niya Ako.  Nakikita ninyo na ang kasalanan ni Judas, ang kanyang pag-alis katulad ng isang di-nadisiplinang anak, ay wala sa pagkukumpara. Gayunpaman magdadasal Ako para sa walang utang-na-loob na anak na ito, para sa Hebreong ito na sinasaktan ang kanyang Diyos. Na sana baguhin niya ang kanyang mga pamamaraan. Ganyan din ang gawin... Halika, ama. Ano ang inyong pangalan?»

«Elianna. Hindi pa ako naging masaya! Ang aking ama ay namatay bago pa ako pinanganak, at ang aking ina sa panganganak sa akin. Ang ina ng aking ina, na nagpalaki sa akin, ay pinangalanan ako sa pamamagitan ng dalawang pangalan ng aking ama’t ina pinagdugtong.»

«Kayo nga ay isang totoong isang Eli, mamâ, at ang inyong anak ay katulad ni Phinehas» sabi ni Felipe na hindi mapatahimik ang kanyang isip dahil sa gayong kasalanan.

«Ipagbawal sana ng Diyos, mamâ. Si Phinehas ay namatay na isang makasalanan, at siya ay namatay nang ang arko ay nakuha. Iyon ay isang kasawiang-palad para sa kanyang kaluluwa at para sa buong Israel» tugon ng matandang lalaki.

«Makinig, ang bahay na ito ay isang mapagkaibigan na bahay at anuman ang Aking hingin nakukuha Ko. Ito ay pag-aari ng isang Simon, isang makatarungan na tao sa mga mata ng Diyos at ng mga tao. tatanggapin niya kayo alang-alang sa Akin, kung gusto ninyong tumuloy dito» sabi ni Jesus bago kumatok sa pinto.

«Kailangan ko bang mamilî? Pananawagan ko ang pagpapalà ng Langit sa mga nagbibigay sa akin ng tinapay at silungan ng karidad. Ngunit gusto kong magtrabaho. Hindi kahihiyan ang maging isang katulong. Nakakahiya ang gumawa ng kasalanan...»

«Sasabihan natin si Simon» sabi ni Jesus nang may isang ngiti ng habag, tinitingnan ang maliit na matandang lalaki, nasira ng mga paghihirap at kapighatian.

Ang pinto ay binuksan: «Pasok Kayo, Guro, ang kapayapaan ay sumainyo at sa mga nakasama Ninyo. Nasaan ang kapatid na ito na Inyong dinala sa akin? Na sana mabigyan ko ng isang halik ng kapayapaan at pagsalubong» sabi ng isang lalaki na mga apatnapung talong gulang.

«Naririto siya. At harinawang ang Panginoon ay gantimpalaan ka.»

«Ako ay ginantimpalaan. Nasa akin Kayo bilang aking panauhin. Siya na nasa kanya Kayo ay nasa kanya ang Diyos. Hindi ko Kayo inaasahan, at hindi ko Kayo mapararangalan katulad sa gugustuhin ko. Ngunit napakinggan ko na Kayo ay babalik pagkaraan ng kaunting mga araw at magiging handa na ako na tanggapin Kayo katulad na Kayo ito.

Sila ngayon ay nasa loob na ng isang silid kung saan ang umuusok ng mga palanggana ay nakahanda na para sa mga paghuhugas. Ang matanda ay nakatayong nahihiya sa tabi ng pinto, ngunit ang maybahay na lalaki ay kinuha siya sa kamay, at ginawa siyang maupo, gusto niyang alisin ang kanyang mga sandalyas at pagsilbihan siya na tila siya ay isang hari, at pagkatapos lagyan ng bagong mga sandalyas ang kanyang mga paa, habang ang matanda ay nagsasabi: «Bakit? Bakit ang lahat ng ito? Ako ay naparito upang maglingkod, at pinagsisilbihan mo ako! Hindi ito tama.»

«Tama ito, mamâ. Hindi ko masundan ang Rabbi sapagkat kailangan kong tumulong dito sa bahay. Ngunit bilang ang pinakamaliit na disipulo ng banal na Guro nagsisikap ako na isabuhay ang Kanyang mga salita.»

«Kilalang-kilala mo Siya. Totoong kilala mo Siya sapagkat ikaw ay mabuti. Marami ang nakakikilala sa Kanya sa Israel, ngunit papaano? Sa pamamagitan ng kanilang mga mata at kanilang kapootan. Kung gayon hindi nila Siya nakikilala. Ang isang lalaki ay kilala ang isang babae kapag nalalaman niya ang lahat tungkol sa kanya at taglay niya siya nang lubusan. Ganyan din ang tungkol kay Jesus ng Nazareth, Na hindi ko kilala sa pamamagitan ng aking mga mata, ngunit akin kilala nang mas mabuti pa kaysa kilala Siya ng maraming mga tao sapagkat naniniwala ako na ang Karunungan ay nasa Kanya. Ngunit talagang kilala mo Siya, sa pamamagitan ng paningin at ng Kanyang doktrina.»

Ang mamâ ay tinitingnan si Jesus ngunit hindi nagsasalita ng kahit ano.

Ang matandang lalaki ay nagpapatuloy sa pagsasalita: «Sinabi ko sa rabbi na ito na gusto kong magtrabaho...»

«Oo. Maghahanap tayo ng trabaho para sa iyo. Pansamantala halika sa mesa. Guro, ang inyong mga disipulo ay malapit nang mga dumating. Maaari bang maupo tayo sa mesa gayunpaman, o mas gusto Ninyong maghintay para sa kanila?»

«Mas gusto Kong maghintay para sa kanila. Ngunit kung mayroon kang gawain na kailangang gawin...»

«O! Guro. Nalalaman Ninyo na isang kaluguran para sa akin ang masunod ang pinakamaliit na utos Ninyo.»

Mula sa sandaling ito ang matandang lalaki ay nagsimula nang magsospetsa tungkol sa katauhan ng Lalaking tumulong sa kanya sa daan at tinitingnan niya Siya nang paulit-ulit, pagkatapos kanyang tinitingnan ang Kanyang mga kasamahan... nang mabuti... naglalakad sa paligid nila... Ang mga anak ni Alfeo ay pumasok kasama si Juan. Si Jesus ay tinawag sila sa kanilang  mga pangalan.

«O! Kataastaasang Diyos! Kung gayon... Kayo iyon!» bulalas ng matandang lalaki at siya ay nagpatirapa mismo pinagpipitagan Siya. Ang kanyang pagtataka ay hindi mas maliit pa kaysa sa pagtataka ng iba. Ang kanyang paraan ng pagkakilala sa Guro ay kakaibang kakaiba! Si Pedro sa katotohanan ay tinanong siya: «Ano ang napaka espesyal sa mga pangalan na ito na napaka karaniwan sa Israel, na magawa kayong isipin na kayo ay nasa presensya ng Mesiyas?»

«Sapagkat kilala ko si Judas. Siya ay laging pumupunta sa aking anak, at...» ang matanda ay tumigil, dahil pakiramdam niya napahiya siya dahil binanggit niya ang kanyang anak...

«Ngunit hindi ko kayo kailanman nakita, mamâ» sabi ni Tadeo, tumatayo sa harapan niya at yumuyuko upang makaharap siya mukha sa mukha.

«Ni hindi rin kita kilala. Ngunit isang Judas, isang disipulo ng Kristo, ang madalas pumunta sa aking anak, at napakinggan ko siyang nagsasalita ng tungkol sa isang Juan, isang Santiago, at isang Simon, isang kaibigan ni Lazarus ng Bethany at marami pang ibang mga bagay... Nang mapakinggan ko ang tatlong mga pangalan, kilalang mga pangalan bilang mga pangalan ng pinaka malapít na mga disipulo ng Guro! At Siya, napakabuti!... Naintindihan ko, naintindihan ko! Ngunit nasaan ang isa pang Judas?»

«Siya ay wala rito. Ngunit ito ay totoo. Ito ay Ako. Ang Panginoon ay mabuti, ama. Ibig ninyo Akong makita, at nakita ninyo Ako. Ating pagpalain ang awa ng Diyos... Huwag kayong umalis, Elianna. Kayo ay malapít sa Akin noong Ako ay isang Manlalakbay sa inyo at wala nang iba pa. Ngunit ngayon na Ako ay ang Destinasyon? Hindi ninyo nalalaman kung gaano ang inyong puso napaginhawahan Ako! Hindi posible para sa inyo na malaman ito. Ako, hindi kayo,  ang tumanggap nang pinakamalaki... Kapag ang tatlong kapat ng Israel, at mahigit pa nga, ang napopoot sa Akin hanggang sa punto ng pagiging mga kriminal, kapag ang mahihina ay lumalayo sa Aking daan, kung ang mga tinik ng kawalang-utang-na-loob, ng kapootan, ng paninira ay tinutusok Ako sa bawat tabi, kung hindi Ako nakakakuha ng kaginhawahan sa iniisip na ang Aking Sakripisyo ay magiging kaligtasan sa Israel, ang makatagpo ng isang katulad ninyo, ama, ay ang tumanggap ng kabayaran para sa Aking kapighatian... Hindi ninyo nalalaman... Wala sa inyo ang nakaaalam ng lumalalim nang lumalalim na kalungkutan ng Anak ng tao. Nauuhaw Ako para sa pagmamahal... at napakaraming mga puso ang tuyong mga bukal na Aking nilalapitan nang walang mangyari... Ngunit tayo na.

At hinahawakan ang matanda nang malapit sa Kanyang sarili, Siya ay pumupunta sa silid kung saan ang mga mesa ay may mga hain na...

311011

 

 


Sunod na kabanata